The Odious Doxy (Flight Atten...

By Blacckkfairry

16K 233 36

FLIGHT ATTENDANT SERIES #3: Samantha, a woman who's not lucky when it comes to love. She always feel that she... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
47
48
49
50
EPILOGUE
Author's Note

46

232 5 0
By Blacckkfairry


"Oh? bakit ganyan ang mukha mo? Parang gusto na lang manapak?"



Tamad akong ginalaw ang ulo ko at inilingon iyon kay Drake na ngayon ay kasalukuyan namin na pasahero sa flight. Hindi ko alam kung ano ng plano niya sa buhay niya dahil halos kapag nakikita ko yata siya ay lagi na lang biglaan at sa iba't-ibang parte pa ng bansa. Palihim akong bumuntong hininga bago sunod na inilapag na lang rin sa mesa niya ang kape since mahilig siya roon.



Bakit naman kasi nakita ko pa si Gaviniel ulit? Talaga bang nananadya ang tadhana? O talagang O.A. lang ako ngayon? 



"Marami pa akong aalukin Drake." Yon na lang rin ang tangi na nasabi ko sa kanya bago ko siya iniwanan para itulak muli ang trolley cart.



"Okay! Talk to you later." Dinig ko pa na pahabol na sabi niya.



Nang maubos na ang laman ng trolley cart bumalik na rin kaagad ako sa galley para tanggalin at simulan ng linisin iyon. Our travel time takes for about also 8 hours because the country that we will go to is Australia. In addition, I'm not longer an employee and Flight Attendant of the California airlines. Instead, I came back to Euphoria airlines not just because of they're not treated me good dahil walang ganon. Bumalik na lang ako sa Pilipinas dahil yon ang sa tingin ko na mas makakabuti para sa akin.



Si Stephanie, kasalukuyan pa rin na naroon sa California. Hindi siya sumama sakin dahil ang sabi niya naman sakin ay mas gusto niya na doon magtrabaho since mataas ang offer at nagiging salary niya kumpara dito sa Pilipinas na average lang raw. Nung una ayaw din siya payagan nila Papa na maiwan mag isa roon dahil baka hindi naman daw niya kayanin dahil wala na siyang makakasama pero as time goes by, wala na ring nagawa pa si Papa dahil nakikita naman niya na talagang kayang kaya ni Stephanie na alagaan ang sarili niya.




Si Kuya Harvey naman, ayon at success na naikasal kay Ate Dionne. Sa totoo lang rin ay abala na si Kuya para sa paghahanda at pagte train sa sarili niya since magiging isang ganap na siyang daddy. Kasalukuyan na rin kasing nasa 5 months ang tiyan ni Ate Dionne. That's why I couldn't help myself also in excitement to see the baby lalo na't magiging Tita na ako for real.



When I heard the captain announcement for landing, kumilos na lahat kami para yumuko for our safety at pumunta sunod sa pintuan para hintayin na bumaba at alalayaan ang mga passengers. I gave all of them a smile and even thanks to them for letting and choose our airlines as their service.



"Pst!" Tawag ko kay Drake ng siya na ang kasalukuyan na bababa. Tumigil siya sandali at nakangisi na lumingon sakin. Nakataas ang isang kilay. "Wag kang tatanga tanga dito ah? Ingat ka!"



His smile suddenly faded and scoffed. "Ako pa talaga ang sinabihan mo niyan Samantha ah? Baka nakakalimutan mo na Piloto rin ako." Mayabang na sabi niya. "Isa pa ilang days ba kayo mananatili dito?"



"At bakit mo naman tinatanong?" Tinaasan ko rin siya ng kilay. "Layover ang schedule ko ngayon."



Umarte siya na parang nasasaktan kaagad bago kunwari na naaawa sakin. "Ay kawawa ka naman! Akala ko pa naman hindi."



Sa inis ko agad ko na lang rin na tinadyakan pabiro ang binti niya at tinuro ang hagdanan pababa ng eroplano. "Sa paanong paraan mo ba gustong makababa? Pa slide ba o pahagis?" Sarkastiko ko na sabi. Pero ang kupal tinawanan lang ako!



"Ah! Alam ko na!" Umiling iling siya at mas ngumisi pa na tumingin sakin. Umarte pa siya na para ring nag iisip ng plano kunwari. "Siguro nagkita at naglandas na ulit yung mundo n'yo ng ex mo no?" Tumawa pa siya ulit. Tawa na sa sobrang ganda pakinggan ay talagang matatadyakan ko na siya palabas. "Ano nga pala ulit pangalan non?"



"Drake Oiveros!" Sigaw ko sa buong pangalan niya ng hindi ko na napigilan ang mainis. Akmang hahampasin ko na rin sana ang balikat niya ng pagmulat ko ng mata ko ay parang bula na lang rin siyang nawala kaagad sa harapan ko!



Eksaktong pagsilip ko rin sa labas ay tuluyan na siyang nakababa at prenteng naglalakad habang hatak hatak ang maleta niya at abalang inaayos ang buhok niyang kasalukuyan na rin na nililipad ng malakas na hangin. Napabuntong hininga na lang ako at napailing na bumalik sa loob ng eroplano para ibaba ang sarili ko na baggage since susunduin na rin kami ng service para ihatid sa hotel na pansamantalang tutuluyan namin.



[Mommy? When will you comeback?]



Naagaw kaagad ng atensyon ko ang gawi kung saan ko nakita si Nicandra na nakaupo sa pinakadulo ng kama niya habang naka bente kwatro ang binti at hawak ang phone niyang nakatapat mismo sa kanya. May kausap siya na bata roon hindi lang nga isa kung hindi dalawa. Natigil rin siya sandali roon at tumingin sakin ng maramdaman niya ang presensiya ko bago ngumiti.



"My children." Masayang sabi niya. "Sorry, I did not mentioned it to you a while ago." Paliwanag pa niya.



My jaw almost dropped and my eyes suddenly widened. Halos hindi kaagad mag sink in sa utak ko ang narinig sa kanya. It's been only a year lang kung tutuusin ng umalis ako dito sa Pilipinas at pagbalik ko, she's now having her own family na pala kaagad. Lumapit ako kaagad rin sa kanya at umupo sa tapat niya sa mismong kama na tutulugan ko mamaya.



Hindi ko alam kung bakit pero, bigla na lang na pumasok sa isip ko ang mga bagay bagay nanaman. Bakit parang lahat na lang yata ngayon ng kakilala ko ay may kanya kanya na mismong pamilya? Hindi ba parang ang aga pa para roon? O sadyang talagang lunod na lunod na ako ng sobra sa pagta trabaho na hindi ko na inisip pa ang tungkol sa bagay na yon?



Mula kasi nung maghiwalay kami ni Gaviniel, hindi na ako nagsimula pa muli na makipagkilala pa sa kung sino sino. Kahit na ang totoo ay maraming lalaki na gwapo sa ibang bansa pero kadalasan rin ay mga fuckboy at gago ang nagiging labas na ugali. Oo, I used to went on bars, sleep with my friend's house there, travel, even na magtago at magkulong sa kwarto ko maghapon kapag wala akong flight.



Doon ko na lang pinaikot ang mundo ko. There was one time pa nga na gusto ko na ulit makipag relasyon sa iba na kakilala ko sa ibang bansa but still, I controlling myself because of I think to the trauma that I already felt. Kaya ayon, doon ko na rin sinimulan na abalahin na lang ang sarili ko sa pagta trabaho para na rin siguro ma achieve ko pa yung mga natitira ko na goals since yung iba naman ay hindi ko na kailangan tuparin dahil meron na ako ng mga iyon.



Matapos makipag usap ni Nicandra sa pamilya niya ay tumingin siya sakin at sunod na nilapag sa hita niya ang kanyang phone. Doon rin ay idinetalye na niya sakin ang lahat tungkol sa pagkakaroon niya ng sarili niyang pamilya at kung paano iyon nagsimula. Sa gitna ng pagku kwento niya ay hindi ko na rin namalayan na napapangiti na lang rin ako dahil roon.



After my shift that day on work, I decided to go and visit Kelsie since she was now near to go and started to study in school. Sobrang laki na ng pinagbago niya as a child. She was now already showing her talent that she had like singing, dancing and even drama. Kaya nga hindi na rin ako magtataka pa if one day someone will be discovered her.



Dala ang sasakyan ko ay ipinarada ko na lang rin yon sa likuran ng sasakyan na kasalukuyang nakaparada sa harapan ko.
Bitbit ang isang paper bag na naglalaman ng donut, pinindot ko ang doorbell roon para tawagin ang Tita ni Kelsie. But when no one's open the gate for me, napanguso ako at akmang babalik na lang sana ulit sa sasakyan ko ng bigla ko na lang marinig ang matinis at masaya na boses ni Kelsie.



Nang humarap ako, I saw her running towards on me. Kabababa niya lang ng tricycle kasama ang Tita niya. Sa itsura niya ay hindi rin malabo na galing sila sa isang birthday party dahil sa cute costume nito na mala fairy ang labas na itsura. Idagdag pa ang cute niyang buhok na sinadyang iiwan sa magkabilang dulo ng kanyang mukha. She looks like an angel!



"Mama!" She happily said. "I missed you!" She kissed also my cheeks which made me widening my smile. "I love you po!"



"I love you too baby!" Inayos ko rin kaagad ang pakpak na suot niya bago ako tumayo at hinarap sandali ang Tita niya. "I'm happy to see you again."



"Ako rin," Ngiti nito sakin. "By the way bakit hindi muna tayo pumasok sa loob? Mainit na dito." Pag aaya niya rin kaagad sabay patong ng kamay niya sa mukha para iwasan ang araw na sobra sobra ang pagtirik.



Pag upo sa sala nilapag ko na muna sa gilid ang bitbit ko na bag pati na rin ang kanina ko pang hawak sa maliit na lamesa. Mabuti na lang din talaga at nagsuot lang ako ng mahabang t-shirt at maikling shorts na kasalukuyan rin niyon na natatakpan  dahil alam ko na mapapawisan lang rin naman ako kapag nagpantalon pa ako.



Tinali ko na muna rin ang buhok ko since alam ko na mamaya hahatakin nanaman ako ni Hain Kelsie. Oo. Natsambahan ko lang noon na Kelsie ang ipangalan ko sa kanya na kalaunan pala ay talagang pangalan niya. Nakasalampak na rin kaagad ito ngayon sa sahig habang abala na kinukulayan ang coloring book na nilapag ng Tita niya sa harapan niya.



Sa kakapanuod ko sa kanya habang inaantay ang Tita niya na magbihis ay hindi ko nanaman namalayan na mapapapikit at makakatulog nanaman din pala kaagad ako!



The other day, Nag aya naman sila Gianna na magkita kita ulit kami since malapit na rin naman na bumisita si Chandria at umuwi sandali dito sa Pilipinas para makita kami. Yeah, we're now also good in terms in each other again after a year. Nung una nilabas ko rin lahat sa kanya ng hinanakit ko tungkol sa pag alis niya pero simula nung makapag usap kami ng seryoso, maayos rin naman namin iyon na naayos.



The fact na nakapanganak na rin siya sa ibang bansa, we still also understand her decision about not to tell Aiden about to their child. Kahit na alam ko naman na hindi lang ako kung hindi ang iba pa namin na mga kaibigan ay kating kati ng ipaalam iyon kay Aiden since na nakakasama rin namin siya kapag may mga gatherings like birthdays and such. 



The baby was healthy in condition when Chandria sending us the picture of him. Dahil sa hindi pa rin namin alam ang pangalan ng baby niya ay pinangalanan na lang namin ito at tinawag na baby boy. Sa sobrang ka-cute-an rin ng anak niya ay parang gusto ko na lang iyon kunin sa kanya at alagaan. Bukod kasi sa napaka mestiso ng kulay nito, matangos at mahahaba ang pilik-mata, ganon na lang rin kasingkit ang mga mata nito at ganda ng maninipis nito na labi. 



Napag usapan na lang namin na magkakaibigan na magkita sa isang kilala na coffee shop kahit na hindi naman ako nagkakape. Alam ko naman na rin na si Yvette ang nag setup non kaya wala na kaming reklamo pa since nakakarelax rin naman kahit papaano ang atmosphere roon. Wala sa sariling sumilay na lang rin ang ngiti sa labi ko ng eksaktong pagparada ko sa sasakyan ko sa labas ay siya ring nakatapat ko ang kotse ni Bea. Akala ko rin ay yung sa kanya lang ang naroon pero ng makita ko na ang lahat pala ay dala ang kani-kanilang sasakyan ay tinaas ko na lang ang kilay ko. 



Eksakto na pagbaba ko ay narinig ko pa na tumunog ang phone ko. Sasagutin ko na sana din iyon pero i-nignore ko na rin kaagad ng makita ko na yung gc lang pala namin iyon. Pagpasok ko kaagad ko rin na nilibot ang paningin ko para hanapin sila at walang salita akong mabilis na lumapit sa puwesto nila. 



"Ako pala ang late for today?" I told to all of them ng makaupo na ako at nilapag sa ibabaw ng mesa ang shoulder bag na dala ko. I removed also the sunglasses that I wear bago ko sila tinignan at pinalipat lipat ang paningin sa kanilang lahat. 



"Oo. Late ka as always" Pang e-echos kaagad sakin ni Gianna bago tumayo. "Oh anong gusto nyo? Libre ko na." She suddenly volunteered. 



"Ay iba!" Mapang asar rin kaagad na sabi ni Aiofe bago niya iniangat ang paningin rito ng may ngiti na sa kanyang labi. "Isang frappe lang ang sakin sapat na." Kumindat pa siya. 



"Espresso lang saka ensaymada." Nakangisi na sabi ni Bea. Pagkatapos ay lumingon siya sakin. "Itong si Sam bigyan mo na lang kahit spanish bread." 



"Spanish bread?" Nagtataka na tanong ko rin kaagad sa kanya ng nakataas na ang kilay ko. 



"Oo." Masiglang sagot niya. "Kasi di'ba nawawasak naman yon kapag hinati?" Biglang sunod na sabi niya! 



Dahil roon wala sa oras na nahampas ko siya sa kanyang balikat. Bastos na to! Ipamukha pa talaga sakin kahit na okay naman na ako ngayon yawa! Sunod ay napatakip na lang rin ako sa mukha ko ng marinig ko ang sunod-sunod rin na tawanan ng mga kaibigan ko! Including Chandria na hindi ko man lang rin napansin na ka video call ni Yvette! Ponyeta! Napagtulungan pa nga ako! 



Umalis na rin si Gianna pagkatapos niyon para umorder kaya naman kami na lang rin muna nila Aiofe at Bea ang naiwan sa mesa. Para kaming tanga na nagtitinginan rin kaagad sa kanya kanya naming mukha na alam kong wala naman dahilan. Kaya napabuntong hininga na lang ako at sumandal sa kinauupuan ko para mahina silang matawanan na dalawa. 



"Ano bang tinatawanan ninyong dalawa?" Nagtataka na tanong ko sa kanilang dalawa nang hindi sila matigil sa kakangiti na para ng tanga. Kaya mabilis din akong napaupo ng maayos at tumingin sa kaliwa't kanan ko para tignan ko kung sino ba yung tinatawanan nila na may nakakatawa ba na nagawa o ano pero wala naman. Kaya masama ko na binalik ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Para kayong mga loka-loka!" 



"Hoy ano yan? Anong agenda nyo umalis lang ako saglit ah?" Nalipat at nalingon ko na lang rin kaagad si Gianna ng makabalik na siya dala ang mga pagkain na nilibre niya sa amin. Isa isa niya iyon na nilapag sa harapin namin bago siya tuluyan na umupo sa tabi ko. Tulad ko ay ganon na lang rin kaagad na nangunot ang noo niya at nagtataka na tinuro ang dalawa at tumigin sakin para itanong. Hindi ako nagsalita at simple lang na nagkibit balikat bago nangunang galawin ang pagkain na binili niya sakin. 



Ramdam ko na tumaas ng bahagya ang kilay niya kaya naman alam ko na na gets niya na yata ang gustong iparating nung dalawa pero nagkunwari na lang rin siya kunwari na walang alam kahit na nakakakutob na ako at kung ano ano na lang rin ang naiisip ko tungkol roon. 



"Pinagti tripan n'yo ba ako?" Padabog ko kunwari na ibinagsak ang straw na hawak ko sa frappe ko bago ko naniningkit ang mata na tinignan silang tatlo. Nang hindi sila magsalita at nahalata ko na iniiwas kaagad ni Bea ang mata niya sakin ay alam ko ng pinagti tripan talaga nila ako. At ako nga talaga ang laman ng tawanan nila kanina pa. "Tangina nyo ah, porket dito na ulit ako nakatira at nagta trabaho ah?" 



Pare-pareho kaagad na nagsipaglakihan ang mga mata nilang tatlo at tumingin sa isa't-isa bago sila sabay sabay rin na tumingin sakin at basta na lang na umiling. Kaya sa inis ko ay naitaas ko na lang rin ang kamay ko at ipinang turo iyon isa-isa sa kanilang tatlo. 



"Gaga hindi yon tungkol sa inyo!" Tumatawa at halos mapahawak na rin kaagad sa tiyan na sabi ni Yvette. "Tungkol kasi iyon sa birthday party ng asawa ni Aiofe." Nilipat niya rin kaagad ang tingin kay Aiofe kaya sa kanya ko na rin tinuon ang tingin ko bilang pagkumpirma kung totoo ba ang sinasabi niya. 



"Anong birthday ni Carlton pinagsasabi mo jan Yvette siraulo ka?!" Angil rin kaagad na sagot sa kanya ni Aiofe. "Tapos na ang birthday niya nung nakaraang month pa." 



"Bakit kasi hindi na lang sabihin yung totoo?" Dunggol na sabi naman din ni Bea kay Aiofe. "Di ba?" 



"Hep! Ako na magsasabi." Eksena na din ni Gianna. She even cleared her throat before looking at me. Napamaang ako ng maramdaman ko pa na hawakan niya ang kamay ko! Na para bang may ipagtatapat siya sakin na ang tagal na niyang tinatago sakin! Akmang babawiin ko na din sana ang kamay ko sa kanya pero hindi ko na nagawa pa dahil sa pagkahigpit ng hawak niya roon. 



"Gaga ka! Bakit may paganito ka pang nalalaman?" Natatawa ko na sabi sabay hampas sa kanya. "Sabihin mo na kasi." 



"Nagkayayaan kasi kami kagabi lang," Panimula niya sabay lingon kila Bea na na kasalukuyan lang rin na nakatingin sa kanya at pinapanuod siyang magsalita. Kitang kita rin sa kanila kung papaano sila na natutuwa. Habang ako na wala pang kaalam alam roon ay parang tanga na nangangapa sa kung ano ba yon. 



"Pero sasama ka ba kapag sinabi namin?" Paninigurado na muna rin na sabi ni Bea sakin. Pinaglaro laro pa niya ang magkabila niya na kilay habang nakangiti. 



"Weird, pero oo naman" walang alinlangan na sagot ko sa kanya sabay tango. "Tanong ko nga sa inyo, kailan n'yo ba ako nakitang tumanggi kapag kayo ang kasama?" 



Tumawa ako ng hindi sila nakapagsalita kaagad at tumingin sa isa't-isa. "Oh see! Hindi kayo  nakasagot kasi alam nyo na G ako anytime anywhere." 



"Yown naman pala eh," Palakpak na sabi ni Bea. Nalipat tuloy kaagad sa kanya ang paningin naming lahat. Kumunot na rin ang noo ko dahil kanina ko pa napapansin na kanina pa siya ganon ka excite. "Wag nga kayong mag isip ng kung ano ano jan. Masaya lang ako." Pagpapaliwanag niya rin kaagad. 



Pagkatapos namin sa usapan na iyon ay tahimik na din namin na ginalaw at kinain ang lahat ng binili ni Gianna sa amin. Nagpahinga lang rin kami sandali bago ulit nagpatuloy sa pag uusap tungkol sa kung saan saan. Hanggang sa tumagal at tinamad na rin ako kaya hinayaan ko na lang din muna silang tatlo na mag usap usap. Nilabas ko na muna rin ang phone ko sunod para tignan kung anong oras na ba dahil roon ko lang rin napansin na naiwanan ko pala sa bahay ang relo ko. 



Hapon na ng mapagpasyahan namin na umalis roon at sunod rin na pumunta sa lugar na sinasabi nilang pupuntahan namin para magsaya. Hindi ako humiwalay sa kanila at sa halip ay nakasunod lang ako sa sasakyan nila hanggang sa tuluyan na namin narating iyon. Eksakto na mukhang kakabukas bukas pa lang rin niyon dahil hindi pa ganon karami ang mga tao na naroon. 



Bago bumaba ay nag retouch na muna rin ako at naglagay ng liptint dahil napansin ko sa salamin na natanggal na pala iyon kanina pa. Hindi ko rin napigilan ang mangiti ng makita ko na tama lang rin pala ang pinili ko na isuot. Bodycon dress siya na kulay blue green na may dalawang maninipis na strap sa magkabilang balikat nito. Ipinares ko rin iyon sa transparent high heels ko na kulay beige habang ang buhok ko na kinulot ko kanina sa bahay ay hinayaan ko na lang na nakalugay. Tulad rin kanina ay sinuot kong muli ang sunglasses na dala ko bago ako tuluyan na lumabas sa sasakyan ko. 



Halos ganon na lang namin na naagaw ang atensyon ng lahat ng sabay sabay kami na pumasok nila Gianna sa loob ng club hanggang sa makarating kami sa pwesto na pinareserba din mismo ni Gianna since matagal na siyang kilala ng may ari nito. I don't know the whole story between the both of them pero base sa nakikita ko ngayon, I think their friendship was that so much deep. 



"Thank you!" Nakangiti na sabi pa ni Gianna roon sa kaibigan niya bago siya lumakad palapit sa amin na ngayon ay may hawak na at bitbit kaagad ng tig-isang bote ng Black Label at Tequila. Sa likod niya ay ang isang staff naman na may hawak hawak na isang bucket na naglalaman ng yelo at sandamakmak na lemon. May juice rin naman pero wala sa amin kaagad ang pumansin man lang roon. 



"Alak na alak ang mga bruha.." I scoffed before leaning my back against on my place. "Hinay hinay lang kayo ah? Ayokong maging service kalaunan ng lasing sinasabi ko na sa inyo." Pagpapaalala ko na rin kaagad sa kanila. "Makikita niyo talaga kalalagyan nyo if ever." 



"Basta ako, I know my alcohol tolerance." Pagbibida kaagad ni Gianna since siya lang naman talaga ang pinaka malakas sa aming lahat uminom. Hindi ko na nga rin alam kung normal lang ba talaga sa kanya yon o hindi eh. Para kasing tubig na lang ang tingin niya roon kapag sinimulan na niyang makainom. 



"Ako konti lang talaga dahil malalagot ako kay Carlton if ever." Tinaas naman ni Aiofe ang kamay niya bago sunod na kinuha ang isang baso na kalalagyan pa lang rin ni Gianna ng Black label. 



Tumawa na lang rin ako at hindi na sila pinansin pa. Kinuha ko na ang isa pang baso na naroon at walang salita na uminom. Mabuti na lang ako walang iniisip na kung ano at tamang chill lang dahil sa katotohanan na lahat ng gusto ko magagawa ko.



Kasabay ng pagkain namin sa pwesto namin, maya maya ay sinimulan na rin ng mga staff at trabahador ng bar na palitan ang ordinaryong ilaw ng disco lights kaya naman ang mga kaibigan ko ay sunod na rin na nagsipagtayuan kaagad habang ang iba pa sa kanila ay may hawak na baso na may laman pang kaonti ng alcohol.



Dahil natutuwa ako sa pinag gagawa nila, hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na ilabas din ang phone ko para videohan sila isa-isa. Halos mapahawak ako sa ulo ko at mapaiwas rin kaagad ng tingin ng makita ko ang ginagawa ni Yvette na pagtu- twerk sa gitna ng mga tao! Sa totoo lang rin, ako na agad ang nahihiya para sa kanya.



Bea was quite also good in dancing but unlike Gianna, She was only doing some cute acts. Kumekendeng siya kaonti kasabay ng kamay niyang gumagalaw at pumipilantik. Pagdating naman kay Aiofe, hindi ko alam kung nababaliw na ba siya o ano dahil puro tawa lang ang ginagawa niya roon habang nakatingin sa dalawa na tuwang tuwa sa mga pinag gagawa nila. Kahit na konti pa lang ang naiinom nila.



Ilang oras lang rin ang lumipas at nakisali na ako sa kanila roon. Kada palakpak ko at pagsabay sa beat ay nakikipagkembutan na ako kaagad sa kanila. I even ruining my hair using my both hands while dancing with them. Nang hindi pa ako makuntento ay nag otso-otso na rin ako sa harapan nila just to let myself happy and enjoying right now.



Nakailang tugtog rin yata ang na play ng DJ bago ko napagpasyahan na bumalik na muna ulit sa pwesto namin. Pero halos ganon ko na lang rin ipikit mulat ang mga mata ko ng makita ko ang mga sobrang pamilyar na mga tao sakin.



Tangina? Nag I-imagine lang ba ako o totoo talaga 'tong nakikita ko?



"I'm happy to see you again Sam! Welcome back!" Nakangiti na bati sakin ni Tyler at alok niya ng isang baso na may laman ng beer.



"It's been a year since you left," Sabi naman ni Aiden. Tipid niya akong nginitian bago siya sunod na yumuko habang nakapasok ang isa niyang kamay sa kanyang bulsa.



Napamaang na lang ako at mariin na lang rin na napakagat agad sa labi ko. Kahit hindi siya magsalita ay alam ko na agad na may laman na yung sinasabi niya na iyon.



Kasunod niyon ay ganon na lang akong gulong gulo rin kaagad sa nangyayari. Hindi ganon na mag sink in sa sakin kung bakit narito sila ngayon at pumunta sa lugar kung nasaan kami. Napansin ko rin na buo silang lahat roon maliban nga lang sa isa. Kaya sa huli ay inisip ko na lang na baka busy nanaman yon sa trabaho niya na actually, wala naman ng bago pa. 



"Welcome back Sam," Bati rin sakin ni Xyndrick sabay taas niya sa baso na kinuha niya sa mesa at sunod na ipinagbunggo yon sa baso na hawak ko at ininom. "It tasted so good huh?" Ngumiti siya. 



"Ahah!" I scoffed and suddenly giving them all an assuring smile before nodded. "Yeah, thank you!" Tanging nasabi ko na lang rin sa kanila bago sandali na tumagilid at ubusin ang natitira na lang na alak sa baso ko. Napapikit rin kaagad ako pagkatapos niyon kaya mabilis akong kumuha ng lemon sa mesa para sipsipin. 



The alcohol tasted good but it's fully bitter! 



"Oh you're all here!" Masaya na sabi ni Gianna ng makabalik na rin siya sa puwesto namin. Tumagilid at iniiwas ko na lang rin kaagad ang tingin ko ng kasunod niyon ay basta na lang na ginawaran ng halik sa labi si Tyler. Kahit kailan talaga wala silang pinipili na lugar! 



Napaayos kaagad ako ng upo ng ilang minuto lang ay may maramdaman akong kamay sa balikat ko. Inangat ko ang paningin ko at roon ko nakita si Yvette na pasimple lang na tumango at pinisil ng mahina iyon. I know what she wanted to say pero tinawanan ko lang siya at pabiro na hinampas. 



"Isang taon ka pala nawala no?" Pang uusisa rin naman kaagad ni Bea ng makaupo na kaming lahat pabilog sa puwesto namin. Bahagya pa siya na napatingin sa isang bakante na upuan na eksakto rin ay sa tabi ko pa natapat. Bumuntong hininga siya bago rin niya binalik sakin ang paningin. "Sa tingin mo ba? Naging masaya ka na tumira roon kahit man lang pansamantala?" 



"Hmm..." Hindi ako nakapagsalita kaagad at sandali na muna rin na nilagyan ulit ng alak ang baso ko bago siya nilingon. Ramdam ko rin naman ang tingin ng iba sakin at talaga naman na inaantay nila ang isasagot ko. So, I smiled and leaning my back against on my chair habang dahan dahan ko na hinahalo ang laman ng baso ko. "Oo naman!" Masiglang sagot ko. "Naging masaya naman ako roon. Masaya ko na nagagawa yung mga gusto kong gawin." 



"Tsh!" Napalingon ako kay Yvette ng bigla na lang rin siya nag react sa sinabi ko. "Wala may naalala lang ako bigla." Isinasiwas niya rin kaagad ang kamay niya para sabihin sakin na ituloy ko na ulit yung sinasabi ko.  



"Fucking thinking again," Xyndrick suddenly sarcastically whispered into somewhere. 



Hindi ko alam pero naitaas ko na lang din agad ang gilid ng labi ko at nagpanggap na wala akong narinig na sinabi niya sabay inom ko ulit sa baso ko. Nararamdaman ko na kasi kaagad na parang may something sa kanilang dalawa na hindi ko man lang nalalaman pa kung ano ba iyon at kailan ba nagsimula. O sadyang nag iimahinasyon lang nanaman ako. 



"Alam n'yo kung ako sa inyo, ibahin na lang natin yung usapan please?" Pagmamakaawa na singit din kaagad ni Yvette. 



"I think that's the good thing to do." Sagot naman din kaagad ni Xyndrick at mabilis niya na inabot kay Yvette ang isang baso. Nang hindi rin kaagad kinuha ni Yvette iyon ay palihim na kinagat ni Xyndrick ang pang ilalim na labi niya bago niya ito tinanguan. "Don't you give it such malice. I'm just only here to invite you a drink." 



"Wala naman akong sinabi." Masungit na sabi ni Yvette sa kanya at padabog rin na kinuha na lang bigla ang baso sa kamay ni Xyndrick. Mabuti na lang at mahigpit na lang rin niya iyon na nahawakan dahil muntikan lang naman iyon mahulog sa sahig. 



"Agaw eksena naman!" Dunggol at mapang asar naman na ingay ni Gianna ng pinalipat lipat niya ang paningin kila Yvette at Xyndrick suot ang ngiti niya na talaga namang maaasar ka. 



"Shut up!" Masungit at sabay rin na sagot nila Yvette at Xyndrick sa kanya. Kaya sa huli ay nagkatinginan rin kaagad lahat kami nila Brent bago napuno ng tawanan ang mesa namin. 



Sabay sabay kaming natigilan rin roon ng mapansin namin na bigla na lang rin maiba ang ilaw ng disco. Tanging isang ilaw na lang ang nakabukas at nakatapat sa mismong stage. Maya maya pa ay may nagsimula na rin tumunog ang isang piano roon. Awtomatiko akong natigilan at  napatingin rin sa mga kaibigan ko ng kasunod niyon ay nakita ko si Gaviniel na siya mismo ang tumugtog niyon! 



Maganda sa tainga pakinggan iyon pero habang tumatagal ang pagtugtog niya sa melodiya na iyon ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Kahit malayo rin siya sa amin ay kitang kita ko kaagad kung paano niya inangat ang ulo niya at tumingin mismo sa direksyon kung saan ako at ang mga kaibigan ko naroon. 



"Gagi! Anong ginagawa ni Gaviniel roon sa stage?" Bakas sa boses ang pag aalala na tanong ni Brent sa hindi ko alam kung sino. Ramdam ko na akmang tatayo na sana din siya para yata akayin pababa si Gaviniel roon pero bigla na lang may pumigil sa kanya. 



"Ano ba ginagawa mo? Hayaan mo nga siya roon." Dinig ko na sabi ni Aiden. Narinig ko pa siya na umaray sa tabi ko kaya alam ko ng binatukan nanaman din siya nito. Pero sa kabila rin niyon ay hindi ko alam kung bakit sa kanya na lang rin husto natutok ang paningin ko. 



"Bakit di magawang limutin ka?  Bawat sandali ika'y naaalala?" Pagkanta niya sa unang liriko. 



"Grabe talaga kumanta tong si Gaviniel no? Ang ganda ng boses." Puri naman ni Bea. "Damang dama ko yung feelings niya." 



"Tanging dasal ko sa maykapal, makapiling kang muli." Daretso pa rin na nakatingin sa gawi namin si Gaviniel, habang ang kamay niya ay patuloy lang rin sa pagtipa ng piano. 



"Sam, he's still into you." Bulong na sabi ni Brent sakin. "Ayan na tumayo na!" Kaagad rin na dugtong  niya na ikinanlaki rin naman agad ng mata ko! 



Wala na rin akong naintindihan pa at narinig pagkatapos niyon dahil bigla na lang rin na nagsipag atungal ang mga depungal ko na kaibigan. Lahat sila ay halos pinapalipat lipat ang paningin sa aming dalawa. Dahil sa biglaang pagkagulat ko rin ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na ubusin kaagad ang laman na tequila ng baso ko at mapait na kumuha ulit ng lemon at kaonting asin. 



"Hala si gaga! nilulunod na kaagad sarili niya sa kakainom." Tumatawa at halatang kinikilig na sabi ni Gianna. Tangina nito kanina pa ito eh! Ako ng ako nakikita! "Dahan dahan lang oy!" 



"Hi!" Bati sakin ni Gaviniel ng tuluyan na siyang huminto sa harapan ko. Ramdam ko na tumabi pa sila Brent para lang magkaroon siya at ako ng espasyo sa isa't-isa. Habang ang iba naman sa amin ay awtomatikong pinaglalabas ang mga cellphone nila na para bang mga paparazzi sila! 



Dahil sa hiya ay wala sa sariling napahawak na lang rin kaagad ako sa sentido ko at patago silang sinusumpa isa-isa. Mga animal! 



"It was nice... seeing you again." The last thing that he said before he suddenly fainted out in front of me! 


To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

2M 113K 96
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
781 124 39
chaos and seleira ••• an epistolary solliary, 2024
1.3M 69.5K 59
𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐋𝐨𝐯𝐞〢𝐁𝐲 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 〈𝐛𝐨𝐨𝐤 1〉 𝑶𝒑𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒆𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
119K 2.8K 34
You are a girl that moved to a new house and school. You and Mom are the only one in the Family. U meet a boy named Dash Parr but he has a big secret...