The Odious Doxy (Flight Atten...

By Blacckkfairry

16K 233 36

FLIGHT ATTENDANT SERIES #3: Samantha, a woman who's not lucky when it comes to love. She always feel that she... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
46
47
48
49
50
EPILOGUE
Author's Note

45

243 5 0
By Blacckkfairry

"I'm happy to see you again Samantha Ija! You look more beautiful."


Maingat ko na iniangat ang ulo ko at sinalubong ang tingin ng Daddy ni Gaviniel. Nakangiti siya sakin habang hawak hawak niya ang isang tasa na naglalaman ng kape. Inilibot niya rin at inilipat sa labas ang kanyang tingin.




"Thank you po Tito," Kalmado na sagot ko at sunod na kinuha ang isang basong tubig na nasa tabi ko para uminom. Pagkatapos ay pinunasan ko rin agad ang bibig ko. "By the way po pala tito, ano nga po pala yung gusto mo na sabihin sakin?" 



He cleared his throat before looking at me again and letting out a heavy sighed. Nanlaki ang mga mata ko dahil kasunod rin niyon ay ang biglaang pagtayo nila Gavinson at Gavriella. Nakita ko pa sila na magkatinginan bago yumuko sa daddy nila at umalis para iwanan kaming dalawa. Minsan ko pa rin sila na sinundan ng tingin bago ako napapalunok na umayos ulit ng upo.



Nilapag ni Tito ang tasa na hawak niya at pagkatapos ay dahan dahan siyang sumandal sa kanyang kinauupuan. "It was about on the article that many rumors spread the things about Gaviniel's engagement proposal."




Hindi ko alam pero parang may naramdaman na lang rin kaagad akong masakit sa kalooban ko ng marinig iyon kay Tito. May parte sakin na masaya naman ako dahil malalaman ko na ang dahilan tungkol roon pero iba pa rin talaga ang pangingibabaw ngayon ng kalungkutan sakin. Tahimik lang rin akong nakatingin kay Tito pero hindi ko makuha na makapagsalita.





"And if I'm not mistaken, I know that you're now already and probably thinking about who's that girl am I right?" Tanong at paninigurado na rin kaagad niya sakin. Nang hindi ako magsalita muli ay bigla na lang siya sunod na tumawa sandali at basta na lang niyang itinaas ang kamay niya para patunugin. Maya maya lang rin ay may lumapit na sa kanya na isang lalaki na napaka pormal din ng suot. Kasunod rin niyon ay ang paglapag nito ng isang box sa kanyang harapan na siyang ikinataas din kaagad ng kilay ko.



Suminghap din naman agad ako at napaiwas ng tingin ng mapansin ko na titingin nanaman sa gawi ko si Tito. Para madistract ko rin ang sarili ko ay nilabas ko na sunod ang phone ko at binuksan iyon para magpanggap na may binabasa na text kahit na wala naman nagtext sakin. Naiilang kasi ako sa totoo lang sa kanya kahit na alam ko naman na hindi dapat.




Sa katunayan pa nga ay sobrang bait ng daddy ni Gaviniel pero hindi ko talaga alam kung bakit ganito ngayon ang kinikilos ko. Siguro dahil na rin iyon sa engagement na sinasabi niya sakin ngayon na naging malakas ang impact dahilan para hindi ako ganon na maging kakomportable.



"Can I already take as a Yes your silence Ija?" Tumatawa na sabi sakin ni Tito ng hindi ko talaga siya sinagot sa kanyang tanong. Halos muntikan ko na rin tuloy mahulog ang phone ko dahil roon! Mukhang kailangan ko na rin yata itigil muna ang pagkakape ko dahil naso sobrahan na ako sa pagka nerbyosa ko.



"So what do you mean about it Tito?" Naguguluhan na tanong ko habang nakakunot ng kaonti ang noo ko. I even keep also my phone back to my pouch. Nang ngumisi lang rin si Tito ay doon ko na hindi napigilan panlakihan ng mata. "Really Tito?"





"Of course Ija! It's not true." Sagot niya. "It's only the rumors that doesn't had nothing to do good in their lives that's why they spreading some kind of false news like that." He hissed and suddenly also letting out a heavy sighed. "Well, that's the life of being popular to the people nowadays. They will do and do some issues and articles just to ruined someones reputation."



Napangiti lang ako sa kanya at sandali na tumingin sa kung saan. So ibig sabihin pala non, kaibigan niya lang yung kanina na nakita ko? Na hindi niya iyon bago di ba? Ka trabaho niya lang siguro iyon. Patago akong napakagat rin kaagad sa labi ko. Tanga mo nanaman Samantha! Ano ba kasi mga naiisip mo?! Narinig mo na rin naman kanina sa tawag na ikaw lang daw di ba? Siraulo!




"Aside from that Ija, If you're worrying that  Gaviniel might already know if you're here in the Philippines," Tipid siya na ngumiti bago umiling. "We did not tell him."




Marami pa kami na pinag usapan ni Tito pero dahil din sa biglaang pagtawag ng halos lahat sakin aside from my friends, including my parents and aunt, hindi na namin natapos pa ni Tito at nauwi na lang rin iyon sa pagpapaalam. Since the fact that he also needed to leave because of the urgent meeting of him with the stockholders of their company.




Hindi ko na rin inisip pa na magtagal roon sa lugar kung saan ako nakijoin kumain sa pamilya ni Gaviniel at kaagad na akong naglakad para hagilapin si Gavinson dahil na rin sa kagustuhan ko na umuwi. Kaso nga lang, sa kakahanap ko sa kanya sa kung saan ay hindi ko siya matagpuan kaya sandali na muna rin akong huminto sa isang tabi para ilabas ang phone ko at i-chat siya thru messenger since wala naman akong number niya.




Halos nakailang send na rin ako ng message kay Gavinson pero sa huli ay wala man lang din siyang reply kaya hindi ko na maiwasan ang mapagkunutan ng noo at malungkot na ibalik iyon muli sa bag ko. Naisip ko man din at gustuhin na mag commute pabalik sa bahay pero hindi ko naman alam kung saan ako sasakay dahil sa katotohanan na ngayon lang rin ako nakapunta dito. Isa pa iniisip ko pa lang rin na mag commute mag isa eh baka sa iba pa ako dalhin.




Kaya sa huli, inabala ko na lang ang sarili ko na kumuha ng mga litrato at i-video ang ibang parte ng lugar para sana mai-post ko sa IG ko ng bigla ko na lang rin maalala na ayoko nga pala ipaalam kay Gaviniel na nandito ako. Kaya sa huli ay pinanatili ko na lang muna rin iyon na tambak sa gallery ko. Pinagpatuloy ko na rin ang pag scroll ko roon para tignan ang mga past photos ko na naroon. Awtomatiko akong napahinto ng makita ko ang lahat lahat na litrato namin ni Gaviniel.





If I remember, all of our photos there was coming from every special events that we're mostly celebrating. Most of all when we're both had no work and only free time. Sa dami rin niyon ay hindi ko na mapili pa kung ano ang pinaka paborito ko roon na litrato naming dalawa dahil lahat naman kasi ay maganda at nakakatuwa talagang tignan.




Sa kakalipat ko roon isa isa, hindi ko na rin namalayan pa na tumatawa na pala ako mag isa. Paano kasi ay mukha kaming tanga roon ni Gaviniel. Nakatingin siya sa camera habang naka wacky at may hawak na gunting at ako naman ay mukhang unggoy na nakaduling. Dahil sa katuwaan rin ay hindi ko na napigilan pa na mapahawak sa tiyan ko.




Nawala bigla ang ngiti sa mga labi ko ng sa katangahan ko ay dumulas ang phone ko sa kamay ko. Kaya dali dali akong yumuko para kuhanin at pulutin iyon. Pagkaayos ko ng tayo, halos mapaatras rin agad ako sa kinatatayuan ko dahil sa gulat.




Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito ulit? Ang bilis naman yata kaagad natapos ng trabaho niya?



"S-samantha?" Nagugulat na sambit niya sa pangalan ko. Sa tabi niya ay nandoon si Gavinson na kanina ko pa hinahanap. Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na pinalipat lipat ang paningin sa aming dalawa ng kuya niya bago siya tuluyan na lumakad. Pero hindi rin niya iyon natuloy ng hawakan ko siya sa braso niya at pigilan.




"What?" Kunwaring nagtataka na tanong niya rin kaagad sakin. Tinaasan niya ang kanyang kilay. "Look, I'm giving the both of you privacy to tal-"



Hindi na natuloy rin pa ni Gavinson ang sinasabi niya ng bigla na lang rin na tumakbo sa amin si Gaviniel at basta na lang niya akong niyakap ng mahigpit. Agad ko rin tuloy na nabitawan ang braso ni Gavinson kaya ayon at tuluyan na siyang nakawala at mapang asar na iniwanan ako sa kuya niya!



Napalunok lang ako at hindi nagsalita. Hinayaan ko lang siya na yumakap sakin habang ako rin naman ay pinipigilan ang mga kamay na yakapin din siya. Awtomatiko ko na iniiwas din ang paningin ko ng pagkatapos niyon ay makita ko ang pamumula kaonti ng mga mata niya.



"I thought you already leave," Ramdam ko na kinuha niya ang isa ko na kamay at mahina iyon bigla na pinisil pisil. Doon pa lang naramdaman ko na rin kung gaano niya talaga ako miss ng sobra. "I missed you... love."



"Well, I'm not." Pagsisinungaling na sabi ko sa kanya. Ibinalik ko ang paningin ko at matapang na sinalubong ang titig na tingin niya. "So can I excuse myself now? I badly needed to go home now." Akmang babawiin ko na rin sana ang kamay ko na hawak niya pero hindi niya na iyon binitawan.




"Then, I'll take you a ride." Hindi na niya ako pinagsalita pa at basta na lang rin niya akong hinatak hanggang sa makarating kami sa tapat ng sasakyan niya. "Get inside." Utos niya rin sakin ng mabuksan na niya ang pinto.



Matagal ko pa siya na tinitigan bago ako padabog na sumakay at umupo sa sasakyan niya. Wala na rin naman akong choice kung hindi ang pumayag ngayon dahil wala akong tiwala na sumakay sa isang sasakyan at lalo na kung hindi ako ganon kapamilyar sa isang lugar na isang beses ko pa lang napupuntahan sa buong buhay ko.



Sinabi ko pa man din sa sarili ko na ayoko magpakita sa ex ko pero ang ending, nakita pa rin ako ponyeta! Ang galing din ni tadhana maglaro kahit kailan! Oo miss ko rin si Gaviniel pero hindi ko sinabi na mauwi kami sa ganitong setup!



Nang magsimula ang biyahe ay wala na muli pang nagsalita sa aming dalawa. Sa sobrang tahimik na lang rin ng loob ay parang kulang na lang ng isang kuliglig para lang masabi na may ingay kahit kaonti. Hindi rin namin maiwasan ang maging awkward sa isa't-isa dahil sa katotohanan na mahigit apat na buwan na halos kaming putol ang komunikasyon.


But still it doesn't mean that we're not friends into our socmeds. Para maiwasan ko na lang rin ang nararamdaman ko na awkwardness ay pumikit na lang ako hanggang sa tuluyan na akong makatulog.


"Hay nako sa wakas at gumising ka na rin!" Nakapameywang na nakatayo sa gilid ng kama ko si Tita Vangie. Wait! Kama ko? Mabilis akong napatingin sa paligid ko at halos mauntog ako sa headboard ng kama ko ng marealize ko na nasa kama ko nga ako!



The fudge! Anong nangyari? Bakit hindi na lang niya ako ginising kagabi? Wala sa sariling napahawak at napatakip ako sa mukha ko ng tablahan bigla ako ng hiya. Saglit ko rin na pinadyak ang paa ko bago muling sinalubong ng tingin si Tita Vangie.


"Wag mo kong sisihin," Sagot niya rin kaagad kahit na wala pa man din akong sinasabi! "Sinusubukan kitang gisingin kagabi para sana makakain kaso nga lang hindi ka na magising dahil sa sobrang himbing na ng tulog mo." Pinagkadiinan niya ang salitang 'himbing' gamit ang tonong nang aasar nanaman!



"Kung ayaw mo pa rin maniwala itanong mo pa k-"


"Hep!" Itinaas ko na rin ang isa ko na kamay para pigilan siya. "Oo na naniniwala na."


"Okay!" Nagkibit balikat siya. "Akala ko hindi ka pa maniniwala eh. Siya tumayo ka na rin jan at sumunod para makakain na ng almusal. Nagluto ako ng paborito mo." Yon lang at tumalikod na rin siya kaagad sakin para lumabas ng kwarto.




Bahagya akong napapikit pa muli at hindi talaga ganon na makapaniwala. Tinuktok ko ng palad ko ang noo ko at kinagat sunod ang pang ilalim ko na labi. Kung bakit naman kasi napaka antukin mo Samantha eh! Tigilan mo na nga rin ang magpuyat!



"Oh anong nangyari sa usapan nyo?" Pangchi chika din kaagad ni Tita Vangie sakin ng makaupo ako sa harapan niya at makakuha ng pancit canton na parang lomi ang style pero yon naman ay bilog lang na manipis. "Maayos naman ba ang naging resulta?"



"Mm.. maayos naman tungkol lang pala yon doon sa issue na kumakalat." Pagpapaliwanag ko. "Issue na pwede namang pag usapan sa telepono pero pinauwi pa ako rito sa Pinas."



Tumawa si Tita Vangie at napapailing na sumandal sandali sa kinauupuan niya. "Siraulo ka talagang bata ka! Malay mo naman ginawa niya iyon para tulungan ang nobyo mo."


"Ex Tita. Ex." Pagtatama ko rin sa kanya.


"Sus!" Mapang asar na tono na sagot naman niya.



Kinahapunan din niyon ay inaya ako ni Yvette na umalis. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil wala naman din siyang sinabi sakin. Nagsuot lang ako ng white turtle neck shirt. Pinatungan ko na lang rin iyon ng kulay dark blue na coat at ipinares iyon sa high waisted pants ko. I wear also my plain and frameless sunglasses dahil wala at lang trip ko lang.
Sinuot ko rin ang maliit ko na earrings bago ko suot na sinuot ang white rubber shoes ko.



Oo. Hilig ko talaga ang white rubber shoes unlike sa mga iba pa na kulay. Not only because it's neat color pero para kasi sakin ay malakas ang nagiging dating niyon at pwedeng pwede sa lahat ng kahit na anong isuot ko. Mas preferred ko rin na magsuot ng rubber shoes kaysa sa sandals.



Paglabas ko, ayon at natanaw ko na si Yvette na nakasandal lang sa sasakyan niya habang nakataas ang isa niyang kamay hawak ang susi niyon. Hindi ko naiwasan ang tumawa rin ng sandali ng makita ko na magkaparehas kami ng suot na coat maging ng kulay sa pang loob!



Naka white tube kasi siya na ipinares naman niya sa white skirt. Pagkatapos ay pinatungan niya lang rin yon ng kulay dark blue na coat. Nagkaiba lang kami sa suot sa paa dahil nakasuot siya ng YSL high heels sandals na talaga naman din na bumagay sa suot niya. Umayos din siya kaagad ng tayo ng makita niya na ako.




"Hindi naman tayo nag usap no?" Tinaas niya ang kilay niya bago sandali na tumawa at isenyas sakin na lumakad na ako papasok sa kotse niya. "Alam mo ba kung saan ang punta natin?"



"Hindi." Tanging sagot ko ng matapos kong isuot ang seatbelt ko at humarap sa kanya. "Saan nga ba?" Pinaglaro laro ko ang magkabila ko na kilay bago siya nginisihan.



"Hindi mo alam?" Halata sa boses niya ang kaagad rin na panghihinayang. Humawak siya sa sentido niya bago bumuntong hininga at umiling. "Birthday ni Kelsie."




Sa gulat ko ay wala sa sariling napabitaw na lang rin kaagad ako sa seatbelt at padabog na sumandal. Napapadyak ako at wala sa sariling napatakip na lang rin kaagad sa mukha ko. Oo nga pala! Birthday ni Kelsie! Nakakaasar! Bakit nga ba nawala yon sa isip ko? Ganon na lang ba ako naging kalunod sa kakaisip sa sasabihin ng daddy ni Gaviniel para makalimutan ko ang birthday ni Kelsie?



Naiinis ako sa sarili ko dahil sa katotohanan na wala rin akong nabili pa na kahit na anong regalo para sa bata.



"Akala ko pa man din eh alam mo dahil inalaagan mo yung bata kahit papaano." Dinig ko pa na sabi ulit ni Yvette. Binuksan na rin niya sunod ang makina ng sasakyan niya at nagsimula ng magmaneho. "Yare ka magtatampo yon sayo."



"Gagi ka! Alam ko ang birthday ni Kelsie pero nakalimutan ko lang." Pagdadahilan ko rin kaagad habang nakanguso. Umiisip na rin ako ng pwedeng iregalo sa kanya since buwan na ang nakalipas nung huli at hindi ako nakapagpaalam sa kanya ng maayos nung araw na umalis ako.



Inaasahan ko na rin na hindi imposible na dumalo si Gaviniel roon dahil baka makahalata auntie ni Kelsie. Isa pa, dalawa kami na nag alaga sa bata kaya kailangan na naroon din siya kahit papaano. Napatingin ako sa suot ko at laking paghinga ko ng maluwag ng sakto lang iyon sa okasyon.



Tulad nga ng sinabi ko kanina, dumaan at nagpasama na muna rin ako sandali kay Yvette para mamili ng maireregalo kay Kelsie. Since she had already turning to 4 this day, Binilhan ko na lang siya ng isang set na may iba't-ibang laman na hairclip. Ganon rin ng silk sleepy wear na tatlong pares. Yvette wanted me to buy also some toys for Kelsie but I refused because of the fact that Kelsie had already so much toys.




After I paid for all of it, I thought also that we're headed back to her car pero ang gaga, nilubos lubos na at basta na lang rin akong kinaladkad papunta sa isang kilala na clothing brand store. Hindi ko napigilan ang mapapikit na lang rin dahil alam ko ng mabubudol nanaman niya ako na mag window shopping!



Kaya sa huli, bumalik kami sa sasakyan niya na marami ng bitbit na paper bag. Doon ko na rin kinain ang pagkain ko hanggang sa tuluyan na kaming makarating sa venue kung saan ice-celebrate ang birthday ni Kelsie. Nung una akala ko pa ay roon yon gaganapin sa bahay ng Tita niya pero hindi pala.



Pagpasok ko sa loob, tanging ang Tita ni Kelsie ang una kong nakita roon. Nakatalikod siya banda sa gawi ko at abala na sa pagluluto kaya naman hindi niya kaagad ako ganon na pansin. I did not yet also see Kelsie that's why I assumed na baka nandoon lang siya sa kwarto niya at abala na maglaro mag isa.



May mga ibang tao na rin na naroon pero hindi ko naman kilala masyado kaya hindi ko na pinansin pa. Kahit na ramdam ko naman na ang mga mata nila ay nakatuon na sakin. Iginalaw ko lang rin ang ulo ko ng maramdaman ko si Yvette na nasa likuran ko.




"Bakit nakatayo ka lang dito?" Bulong niya na may halong pagtataka. Nang hindi ako magsalita ay napansin ko na napatingin siya sa gilid dahilan para makita niya rin ang mga tao na alam kong nalipat na rin ngayon sa kanya ang mga tingin ng mga ito. "Hindi mo naman sinabi sakin na may iba mga iba pa palang tao na narito."



"Para namang alam ko rin." Bulong ko sa kanya. Lumakad na ako pagkatapos niyon at kaagad na binati ang Tita ni Kelsie. Tumawa ako ng kaonti ng makita ko siya na mapahawak din kaagad sa dibdib niya dahil sa gulat. "Nagka kape ka no?"



"Samantha!" She automatically smiled and as much as possible she even hug me a little. "Hindi ba't nasa ibang bansa ka na nakatira?"



"Yup, but there's something urgent came kasi kaya kaagad rin akong napauwi ulit dito sa pinas." Dahilan ko. "By the wa-"



"Oh! tamang tama nanjan na rin pala si Gaviniel." Nakangiti na sabi at singit din kaagad ni Yvette. Wala sa sariling napatingin rin tuloy kaagad ako.


My eyes widened a bit when I saw him wearing a dark blue plain tee partner with his black tappered trousers. Suot nanaman rin niya ang relo na niregalo ko sa kanya. Nakasuot rin siya ng white rubber shoes. His haircut was also new that gives him a freshmen look in college.




Bitbit ang isang malaking paper bag ay nakangiti siya na lumapit sa amin kaya tumabi na rin kaagad ako para makadaan siya at mabati ang Tita ni Kelsie. Palihim ko na dinunggol sunod rin si Yvette ng maramdaman ko siyang tusok tusukin ng mahina ang tagiliran ko. Nang aasar.



"Hindi mo naman sinabi sakin na color coding n'yo pala ang blue ngayon." Reklamo pero tuwang tuwa na bulong at sabi ni Yvette sa tainga ko. "Mukha tuloy akong naging chaperon sa inyo."



"Tumigil ka nga!" Giit na bulong ko sa kanya. Nakakunot na ang noo. "U-uhm... Ate?" Pagsingit ko na rin kaagad sa usapan nila dahilan para matuon sakin ang tingin nila. Ramdam ko ang intense na tingin sakin ni Gaviniel pero isinawalang bahala ko na lang yon at hindi siya pinansin. "Puntahan ko muna si Kelsie."



"Sure," She answered. "Nandoon siya sa loob naglalaro. Hindi ko pa nga rin naaayusan." Ngumiwi siya at napakamot rin kaagad sa kanyang ulo. Awtomatiko akong napangiti at humawak sa braso niya.



"Don't worry, ako ng mag aasikaso sa kanya." Lumingon ako kay Yvette bago siya inaya na pumasok sa loob at iwanan sila.



I feel so relieved when we're finally reach the room of Kelsie. Padabog ako na umupo sa kama nito at sandali na idinantay ang magkabilang kamay ko roon bago tumingala sa kisame. Sunod ay malalim akong nagpakawala ng isang buntong hininga.




"Mama! Mama!" The smile on my lips automatically shine when I felt suddenly Kelsie's presence. Paulit ulit niya na sinasambit ang salitang 'Mama' habang nakayap siya sakin hawak ang isa niyang maliit na teddy bear. "wub you."



Dahan dahan akong napatingin rin kay Kelsie at pinisil ang kanyang pisngi. "I love you more baby!" I even pointed the corner of her little nose before I leaned my face around of it. "Did you missed Mama?"



She did not talk and just nodded as she answered yes that's why I couldn't help also but to chuckled a bit because of her cuteness. Kung pwede nga lang na isama ko siya pabalik sa California gagawin ko pero kasi ay hindi ko rin naman siya maaasikaso dahil pareho kaming wala lagi sa bahay ni Stephanie.


Nagpahinga lang rin muna ako sandali bago ko hinubad ang suot ko na coat para sunod ng asikasuhin at ayusan si Kelsie. Si Yvette naman ay nagpaiwan na muna rin pansamantala sa kwarto para siya na ang maglinis sa lahat ng laruan at gamit ni Kelsie na naroon.



Kelsie and I had a lot of fun also while I was busy pouring the water to her hair and putting some soap to her cutie body. Tamang paglalagay lang rin siya ng bula sa mukha ko kaya ang ending ay natanggal na ang make up ko.



Nang matapos ay binalot ko siya ng tuwalya at binigay na muna kay Yvette para siya na ang magbihis kay Kelsie. Kinuha ko at nilabas ko na rin muna ulit ang pouch ko para simulan mag retouch.
Nilapag ko na muna sa ibabaw ng sink ang pouch ko at pagkatapos ay sunod ko na binuksan ang faucet bago yumuko para hilamusan ang mukha ko.




Tahimik lang akong inayusan ang sarili ko hanggang sa bigla na lang rin na sumulpot si Gaviniel sa likuran ko! Halos muntikan ko na tuloy mahulog din ang hawak ko dahil roon at mabilis siyang hinarap.



"What the heck are you doing? Can't you see there's a person here?" Masungit na tanong ko sabay taas ng kilay sa kanya.



"Sorry," He playfully said. Ngumisi pa siya at sunod na itinaas ang dalawang daliri niya na naka peace sign na. Kinamot niya rin ang batok niya gamit ang isa pa niyang kamay. "I didn't know that you're here."



Ginalaw ko lang ng kaonti ang kilay ko at tinitigan siya bago ko inilipat ang paningin ko sa kung saan matapos ko magpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Pagkatapos ay tumalikod na ulit ako para humarap sa salamin at ituloy ang ginagawa ko. Nakakaloka hindi pa rin pala ako tapos na lagyan ng blush on ang isa kong pisngi!



Dahil din sa presensya niya ay hindi ko na rin pinili pa na magtagal sa ginagawa ko at mas minadali ko pa. Nang sa tingin ko ay okay na yon ay sinarado ko na ang pouch ko at humarap ulit para sana maglakad palabas ng bigla nanaman siyang humarang. Nagtataka ko na inangat sa kanya ang paningin ko habang nakakunot ng bahagya ang noo ko.



"Padadaanin mo ko o padadaanin mo ko?" Tanging salita na lumabas na lang rin sa bibig ko.



Hindi siya nagsalita at tinitigan lang rin ako. Sunod ay idinantay niya at inihawak sa dalawang magkabilang dulo ng sink ang kamay niya dahilan para tuluyan na rin niya akong ma corner. He even bent down a bit so that we could now on the same level.



Doon ay mas matagal niya na tinitigan ang mukha ko bago niya iyon iginalaw para tignan ang kilay, ilong, hanggang sa kabuuan ng mukha ko. Tumigil lang rin iyon nang matapat na sa labi ko. Hindi ko alam kung bakit pero kaagad nalang rin akong napalunok.




Awtomatiko rin akong napaayos at naitulak siya palayo ng marealize ko ang posisyon naming dalawa! Minsan ko pa na inayos ang damit ko bago ako tuluyan na iniwasan siya at lumakad palabas roon. Nanlaki rin kaagad ang mata ko ng eksakto ko na makita si Yvette na ngayon ay nasa harapan ko!



Nakangiti at nakangisi lang siya na tumingin sakin bago sunod na itinuon ang paningin kay Kelsie. "Halika na baby? Magsisimula na yata yung party mo." Tumawa pa siya at pagkatapos ay tinalikuran na nila ako para lumakad palayo.




Peste!




Naging maganda naman ang takbo ng celebration ng birthday ni Kelsie kahit papaano. Kaso nga lang, hindi pa rin ako nakaligtas sa mga pa games dahil palagi na lang ako ang tinutulak ni Yvette na sumali kahit na para lang naman talaga iyon sa mga bata. Idagdag pa yung katotohanan na kay Gaviniel pa nila ako pinapares. Tulad na lang sa paper dance.




"Can you please set aside for a while you're problem against me?" Pakiusap na sabi sakin ni Gaviniel at sandali na lumingon sa kung saan bago muling ibinalik ang paningin sakin at isinenyas si Kelsie. "Just for her."



Halos iisa na lang rin kasi ang kalaban namin ni Gaviniel para lang may masabi ng may manalo. Sobrang liit na rin kasi ng pagkakatupi sa diyaryo kaya sa huli ay wala na akong nagawa kung hindi ang tumango at pumayag.




Lumapit siya sakin at pagkatapos ay mabilis na itinuro sakin ang mga dapat ko na gawin para hindi kami matalo. Gusto ko man na umangal pa dahil sa tingin ko ay hindi magiging maganda ang resulta namin kapag ginawa iyon pero wala ng oras dahil nagsimula na rin na magsalita ulit ang MC.




Napailing na lang ako at inilingon sa kung saan ang paningin ko ng eksaktong pag play ng tugtog ay biglang sumayaw si Gaviniel na parang tanga. Sa totoo lang, ako na ang nahihiya para sa kanya kahit na alam ko naman na nakikijoin lang siya sa okasyon.




"Sumayaw ka naman!" Kalabit niya sakin ng hindi ako ganon kabibo sumayaw tulad niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay bago siniringan at umiling.




When the song suddenly stop, my eyes suddenly widened. Walang paalam kasi na binuhat na lang kaagad ako ni Gaviniel! Kaya naman ganon ko na lang rin kaagad na naihawak at kapit sa leeg niya ang mga kamay ko. This time, he did not also talk instead he only focused to do the game. Na para bang sobrang importante non sa kanya para maipanalo.




"What do you think madlang people?" Anunsyo ng MC sa kalagitnaan ng laro. She raised her right hand and looked to the both team which is the other team and us. "Sino kaya sa kanila ang manan- Oh my god! May nanalo na!" Sigaw niya rin kaagad dahilan para mapatingin ako sa kalaban namin na na nauna ng ma out of balance sa amin ni Gaviniel.




"Oh my god! We win! Yuhoooo!" I almost cheered in so much excite already. Nagpumiglas ako pababa sa pagkakabuhat sakin ni Gaviniel at sunod ay basta ko na lang rin siyang niyakap ng mahigpit.




When I realize what I suddenly did, I almost pushed him away from me like he can already broken the table that located not far on us.




"I-Im so sorry," Pag uumanhin ko rin kaagad sa kanya bago ko inayos at isinampay ang buhok kong nakaharang sa mukha ko. "I did not meant it."




Ramdam ko ang pag ayos ng tayo ni Gaviniel pero hindi na siya lumapit sakin at sa halip ay pinagpagan na lang niya ang kanyang damit na suot. Narinig ko pa na tinanong siya ng MC kung okay lang ba siya na kaagad rin naman niyang sinagot ng tango.



Pero kasunod niyon ay lumapit siya ulit sakin at itinapat ang labi niya sa tainga ko. "I think, we already needed to talk privately." Awtomatikong inihawak niya na rin kaagad at ipinulupot ang kanyang kamay sa beywang ko bago niya ako tuluyan na hinatak palabas roon.




Binitawan niya lang ako ng makarating na kami sa tapat mismo ng sasakyan niya. Tahimik niya na nasapo na lang rin ang noo niya nang titigan niya ako. "What is that Sam?"




"Did you forget already? We're now almost done." Mahinahon na sagot ko naman din sa kanya. I slowly licking my lower lip before looking my eyes away from him. Kasalukuyan ko rin na pinagkrus na ang magkabila ko na braso. "Tsaka, why you're still taking care of me? Ano pa bang rason?"




"Hah!" He sarcastically scoffed. Halos hindi siya ganon na makapaniwala kaagad sa sinabi ko. Tumingala rin siya agad habang ang kabila niya naman na kamay ay nakalagay na sa kanyang beywang. "Really Sam huh? Really? Sa tingin mo, hindi pa ba sapat at rason yung salitang mahal kita ng sobra?"




"Mahal?" I sarcastically laugh before looking my eyes back at him. Nakasandal na ako ngayon sa sasakyan niya at sa ganon posisyon ko siya tinignan ng daretso sa mata. "Mahal... pero ganon ka na lang nawalan ng oras? Ganon mo na lang ako iti-nake for granted?"




He suddenly licked his lower lip before shaking and tilted his head a bit. Lumakad pa siya ng kaonti rin para matapatan ako at maharap ng tuluyan. "Sam, how many times do I have and needed to tell you that it's only because of my busy schedules for the past months." Pagpapaliwanag niya. Itinaas pa niya ang kanan niya na kamay na parang nanunumpa. "I swear Sam, but if you're still suspecting me about it, then go try to contact Xyndrick and the other friends of mine."




Pagkatapos niyon ay umalis na rin siya kaagad sa harapan ko at mabilis ako na tinalikuran para sumakay sa sasakyan niya. Kaya sa huli, ako na lang ang naiwan roon mag isa. Sa sobrang bilis niya rin na nagpatakbo ng sasakyan ay ganon na lang siyang nawala rin kaagad sa paningin ko.





Dahil roon ay hindi na rin ulit pa kami nagkaroon pa ng kahit na anumang koneksyon. Tinapos ko lang rin ang natitira ko na araw para tumulong ulit kay Tita sa bahay at sunod sunod na binisita si Kelsie at ang iba ko pa na kaibigan.




Buong biyahe sa flight pabalik sa California ay tulog lang ako. Gumigising na lang rin ako kung kakain. As usual, pagbaba ko rin kaagad ng eroplano ay sinalubong ako nila Kuya at Stephanie. Nung una nalungkot pa ako dahil wala sila Mama pero ang sabi naman sakin ni Kuya hindi na raw sumama sila Mama dahil abala na ito na paglutuan ako ng paborito kong mga pagkain.




As time goes by, inabala ko na lang rin ang sarili ko sa trabaho ko. Sa paglipat lipat ko sa ibang bansa at pagta travel ng mag isa. Mag aral at matuto pa ng mga kultura tungkol at mula sa iba't-ibang bansa. Dahil rin sa pag e-enjoy ko sa mga iyon, hindi ko na rin namamalayan pa na sobra na ulit akong nagiging okay.



Nagagawa ko na ulit ng masaya yung mga bagay na talaga namang sobra ko ng minahal. I even also join to some organizations as well that which the aim was to help to the other people who are indeed needed help. Like when the time I was visited to an orphanage. Many children are there that has a different and touching stories on why they ended up in that orphanage.




Nung salubungin naman namin ang bagong taon, sobra akong natuwa dahil sa buong buhay ko, iyon na ang pinaka unang beses na nagkasama sama kami lahat ng pamilya ko na magdiwang. Dahil pinasunod rin namin dito sa California si Tita Vangie nang kasama na ang mga anak niya.



That night also, I greeted my friends in an online virtual since malayo kami sa isa't-isa. Hindi ko rin napigilan ang tumawa lalo na nung ipinakita ni Aiofe si Via na nakasuot ng polka dots dress at headband na pang pasko. The baby was already 6 months old.


"Samantha where do you think you're going huh?"


I was about to run aggressively because I don't want to leave again by the plane this time. I chose to do this all the time because I want to moved on already to him after what happened to us. I deep sighed and I turned my head to the demon girl. 



"what is it again Stephanie? you know what I'm in a hurry!" I said while irritated.



nakakairita kasi siya sa totoo lang. Tinawag tawag niya ako tapos hindi naman pala siya magsasalita. How pathetic this girl! Dahil sa tagal niyang hindi nagsasalita ay hindi ko na napigilang irapan pa siya at kamutin ang noo ko.



she furrowed her eyebrows on me and after that he walked towards on me giving a devilish smile. So that I looked my eyes away from her.



"are you still loved him? even though you he leaves you?"



"what the fuck is that question Stephanie?" Sarkastiko ako na tumawa at tinaas ang gilid ng labi ko bago ko ibinalik ang paningin sa kanya. "why would I still loved him? Isa pa, ano bang pakialam mo?" hindi ko na inantay pa na magsalita siyang muli at agad ko ng hinatak ang bagahe ko.



ano bang akala niya? na mahal ko pa yung lalaki na yon? na bigla na lang akong iniwan sa ere? as if I care to him anymore. Napailing na lang ako hanggang sa marating ko ang sasakyan. Sa compartment ko na nilagay ang bagahe ko since ayoko ng masikip habang nagmamaneho. Nang tignan ko ang oras, doon ko lang rin napagtanto na sobrang aga pa pala to go in the airport pero mas okay na din para hindi ako ma rush.




sa hindi katagalan na pagmamaneho ko ay nakaramdam din agad ako ng gutom. Doon ko lang din naalala na hindi pa nga pala ako nakakapag almusal kaya ganon na lang din kaagad ang pasasalamat ko ng may makita ako na convenience store. Pagpasok ay agad akong dumaretso sa bread area para tignan kung may mga tinapay but sad to say iilan na lang ang mga naroon. Nang mapagtanto ko na wala din doon ang favorite bread ko lumipat na ako sa cafeteria which is katabi lang para doon hanapin ang tinapay na gusto ko.




"good morning what's your order Miss?" masiglang bati sa'kin ng babae sa kahera. Kung titignan o huhulaan man ang edad niya I think she's in her twenties. But she's great nakaka good vibes ang energy niya pakiramdam ko tuloy nawala na yung pagka badtrip ko kay Stephanie.



I greatly replied a smile on her when our eyes met. Nilabas ko ang card ko at saka iyon inabot sa kanya.



"good morning too! can I order one espresso and ensaymada?"



"okay but what's your name po muna Miss?"



"for what?" nagtataka na tanong ko matapos niyang maibalik sakin ang credit card ko.



"kailangan po kasi ilagay para po tatawagin ka na lang p-" she didn't done what she's saying because I already cut her off.



"Samantha. My name is Samantha." I said it in formal.



she smile at me after that and she gestured me to have a seat first in some spot that are empty. So that I find some space but then, yung bakante lang ay yung doon sa pinaka gitna. Hindi naman na ako nagreklamo pa dahil mas nakikita at nababantayan ko sa pwesto ko ang sasakyan ko.




nang wala pa ang order ko I picked out my phone into my pocket. Nag scroll scroll muna ako para malibang. Lahat kinalkal ko ultimo videos at photos ko na nasa gallery iniisa isa ko ang mga iyon mula sa pictures namin nila Bea. But then sa kaka slides ko ng mga photos, the next picture came out was the picture of me and him. The boy I fell inlove the most. In the picture shows, he's the one who holding my phone while me was only looking at him while my both arms was on his waist. Both of us are smiling. Doon pa lang kitang kita na samin kung gaano kami kasayang dalawa.



umayos ako ng upo at sandali na lumingon sa labas habang nakapangalumbaba. Doon ay nagsimulang maglayag ang isip ko. Doon ay inalala ko ng husto kung ano ang meron kaming dalawa noon. Doon ko rin sinubukan na tanungin ang sarili ko. Tanong na matagal ko na ring itinatanong sa sarili ko ngunit hanggang ngayon ay hindi ko alam kung ano ang tama at dapat na isagot.


mahal ko pa nga ba siya?



ganon na lang akong napalunok ng maisip nanaman ang tanong na iyon at wala sa huwisyong umiling iling at umayos ng upo.



"Miss Samantha!"



agad din akong natauhan ng marinig ko na tawagin ang pangalan ko kaya agad na akong tumayo at lumapit sa counter para kunin ang order ko. Ngunit ganon na lang din kaagad akong natigilan na kunin ang pagkain ko ng marinig ang sunod na pangalang binanggit ng kahera.



"Sir Gav!"



mas masiglang pagkakabanggit nito dahilan para dahan dahan ko na ilingon ang paningin ko. And there is he now beside on me. Wearing a simple maroon polo with a pair of black slacks. His polo was tucked inside on his slacks. He changed a lot even though his hair was beautifully arranged well. He looked more so professional.



pero ang tanong kailan pa siya nakauwi?




I asked myself like an idiot. Pero kaagad din akong natigilan sa naisip ko. Ano pa bang pakialam ko para alamin kung kailan siya nakabalik dito sa pinas? how pathetic I am. Bigla na lang din akong natawa ng sarkastiko dahil sa naisip ko na siya ring nakapagpatigil sakin at naging dahilan para manlaki ang mga mata ko. I also totally gulped when I saw his eyes lended on me!



I felt embarrassed that's why I already looked my eyes away from him and was about to take my food and coffee when I suddenly heard him talked.



"It's been a long time." he whispered before he get his food.


I was about to talk also to him but then, when I turned my head again, he was now with someone. His eyes also was now in his frapped not on me.


"you know her?" the other man asked him while his taking a straw to put it on his frapped. Pagkatapos ay pinabalik balik niya ang paningin samin halatang curious na curious.



"yes I know her." he answered formal like he was on his job!



"well, who is she then?" pangungulit pa nito halata din sa tono niya na nang aasar siya.



nang matapos niyang kumuha ng sarili niya na straw, he looked his eyes to the man who was with him. So that I already walking away from the both of them. Ngunit hindi pa man ako ganon na nakakalayo ay narinig ko nanaman siyang magsalita.


"She was my past." he calmly said. When I already turned my head back on him, he's  now straight looking at me.


"Oh, really?" Halos hindi makapaniwala na tanong ng kasama niya. Kumaway rin kaagad ito sakin habang abala na siya sa paghigop ng kape niya. Kaya mabilis ko rin na naituon ang paningin ko rito at tipid siyang binawian ng tipid na ngiti.



"You look neat to your uniform." Gaviniel also suddenly said. Arching his brows a bit before he sipped to his coffee. Tumingin  rin kaagad siya sa relo niya at ng makita niya siguro na male late na sila ay mabilis na lang niya na tinapik ang kasama niya at isinenyas na kailangan na yata nilang bumalik. Nilagpasan lang rin ako ni Gaviniel at nagpamauna na siyang lumabas kaya naman sa huli ay yung kasama na lang niya ang natira sa harapan ko.



"By the way, I'm Vante" Pagpapakilala nito sakin. "It's nice to meet you. But we're now needed to go first." Turo pa niya sa labas at pagpapaalam sakin.


"Sure!" I only smiled at him. "It's nice to meet you also."


"Sorry but ca-"


Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya ng kasunod din niyon ay tumunog na ang phone niya. Hindi ko napigilan ang tumawa na lang rin ng sarkastiko ng masilip ko na si Gaviniel ang tumatawag sa kanya.


"I think you should go now first." Tanging nasabi ko na lang rin sa kanya at tumingin sa labas kung saan kitang kita ko kung papaano na ngayon nakakunot ang noo ng ex ko. "Mukha kasing hindi na malabo na mabadtrip na sayo yung kasama mo."

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

64.3K 1.9K 29
"𝐟𝐨𝐫 𝐨𝐮𝐫 𝐬𝐨𝐮𝐥𝐬 𝐰𝐞𝐫𝐞 𝐥𝐢𝐤𝐞 𝐚 𝐩𝐮𝐳𝐳𝐥𝐞. 𝐭𝐡𝐞𝐲 𝐟𝐢𝐭 𝐬𝐨 𝐩𝐞𝐫𝐟𝐞𝐜𝐭𝐥𝐲 𝐭𝐨𝐠𝐞𝐭𝐡𝐞𝐫. 𝐉𝐮𝐬𝐭 𝐥𝐢𝐤𝐞 𝐚 𝐬𝐨𝐮𝐥...
83.6K 237 5
Where a doctor appointment doesn't go as planned and gets steamy 19 year old Kate Campbell is just going in for her yearly doctor's checkup, little d...
860 149 35
A COLLABORATION SERIES [ONGOING] Love. Endurance. Sacrifice. This is how Aifha Saavedra feels about her love experience. She never thought that it wo...
72.7K 1.5K 40
Brey Allen De Castro, a 4th year BS Psychology meets Dohn Rylen Valiardo, a former Marine Engineering student from their University. Brey is the Pres...