Knowledge Or Lust Fulfiller C...

By nicielaviel

1.7M 13.7K 526

A love story with some Restricted Chapters due to some detailed bed scenes. First requirement for this is an... More

Prologue
Chapter 1: Unlucky Week
Chapter 2: Bitchy Daphne
Chapter 3: ONLY MINE!
Chapter 4: MMK Life
Chapter 5: The Extra Income
Chapter 6: Meeting Mrs. Garcia
Chapter 7: Mr. Pogi
Chapter 8: He's Different
Chapter 9: I learn yet I feel awkward
Chapter 10: I'm still a Virgin, Baby!
Chapter 11: Wet Dreams
Chapter 12: Valerie Villavicer
Chapter 13: First Sleep with Him
Chapter 14: My new group of friends
Chapter 15: Shopping spree with Make-over
Chapter 16: Bitches are all around
Chapter 18: Ang effort naman beh!
Chapter 19: The Kissmark
Chapter 21: Waiting for Nothing
Chapter 23: To be with you again
Chapter 24: The Past
Chapter 25: Ang Pasa. BOW!
Chapter 26: First Night in Laguna I
Chapter 27:First Night in Laguna II
Chapter 28: First Night in Laguna III
Chapter 29: He loves her?!
Chapter 30: It really hurts T.T
Chapter 31: Liquor's Spirit
BS Chapter: Liquor's Spirit
Chapter 32: The Revelation I
Chapter 33: Childhood Memories
Chapter 34: MOO :*
Chapter 35: Meet His Family Again :)
Chapter 36: I love you
Chapter 37: Revelation II
Chapter 38: Teamwork Part I
Chapter 39: Teamwork II
Chapter 40: Revelation III
Chapter 41: Untitled I
Chapter 42: Untitled II
Chapter 43: Happy New Year!
BS CHAPTER: Happy New Year!
Chapter 44: Why?
Chapter 45: His Reasons
Chapter 46: Partey partey!
Chapter 47: Happy Valentine's Day I
Chapter 48: Happy Valentine's Day II
Chapter 49: Graduation Day
Chapter 50: She's Back!
Chapter 51: Happy Birthday Ela!
Chapter 52: Groom Roast/Bridal Shower
Chapter 53: Married Life
Chapter 54: Daphne's Pregnancy
Chapter 55: Daphne's Labor
Chapter 56: Maternity Bills
Chapter 57: Mr. and Mrs. Javier
Chapter 58: 1st Wedding Anniversary
Chapter 59: Girl Bonding
Chapter 60: The good news and the bad news
Chapter 61: Bright Vanessa Martinez
Chapter 62: Kristoff
Chapter 63: First birthday
Chapter 64: Birthday Surprise
Chapter 65: Twinnie
Chapter 66: Revelation
Chapter 67: The Letter
Chapter 68: The Necklace
Epilogue
PASASALAMAT!!!

Chapter 20: Suitor

28.1K 218 6
By nicielaviel


Thank you for becoming a fan MYYKSS. Highly appreciated! This one is dedicated to you <3






Chapter 20: Suitor

Ela’s POV

Nakakaloka! May abnormality ba talaga ung taong un at ganun nalang mag-isip? Iniwan ko na nga lang sya. Nakakasira ng mood e.

Nagdiretso nalang ako sa cafeteria kung san nandun nanaman ung barkada! Hayy… Ewan ko lang talaga kung hindi kami nagkakasawaan sa mga pagmumukha naming. Lagi lagi nalang kaming nagkikita kita.

Uwian nanamin ngayon. Siguro ayun nanaman. Mukhang may binabalak nanaman tong mga taong to. Hahaha.

Ayy oo nga pala! Hindi ko pa napapaphotocopy ung reviewer namin ni Ryan. Tetext ko nalang muna si Valerie.

To: Valerie

Val, susunod ako sa cafeteria. Wait lang! Papaphotocopy lang ako ng reviewer.

Naglakad lakad nako papuntang Photocopying Shop sa campus. Salamat at medyo konti lang mga nagpapaphotocopy ngayon kaya hindi ako masyadong matatagalan.

Nagpunta ako dun sa lagi kong pinagpapaphotocopy’han. Si Ate Lisa.

“Good afternoon Ate!” Bati ko kay Ate Lisa.

“Good afternoon din Ela!” Bati nya rin naman sakin sabay abot ko nung mga papers na hawak ko at sinimulan na nyang ireproduce.

“Kumusta ka naman na?” Tanong nya sakin habang kinakalikot ung Xerox machine.

Medyo nakaclose ko nadin kase to si Ate Lisa dahil nga sa madalas akong magpaphotocopy sakanya at kung minsa pa’y binibigyan ako ng discount.

“Okay lang naman po. Kayo po?” Baling ko ng tanong sakanya.

“Eto maganda padin! Hahaha.” Sabay tawa naman nya. At napangisi lang ako sa sinabi nya. May pagkabagets din to si Ate Lisa palibhasa wala pang pamilya. Pero andami nyang boylet! Hahaha.

“O eto na ganda!” Sabay abot nya sakin nung mga pinaphotocopy ko.

“Thank you Ate Lisa. Ito na po ung bayad.” Nung iaabot ko na ung bayad sakanya, biglang may humawak at pumigil sa kamay ko. Sabay naman nag-abot ng pera nya.

“Ako na po magbabayad nung pinaphotocopy nya Ate Ganda.” Napatingin ako sa nagsalita. Nagulat ako ng makita ko na sya nanaman ang nakita ko. Bigla nanaman tuloy napalitan ng good vibes ang araw ko. :)))))))))

“O pogi ikaw pala. Magkakilala na pala kayo ni ganda?” Tanong ni Ate Lisa kay Jacob. Magkakilala nadin pala sila. Napatingin lang ako sakanilang dalawa habang nagkakausap. Nagtataka ako na magkakilala din pala sila.

“Opo. Ate Lisa padagdag nadin nitong akin. Sira kasi ung Machine sa office ni Mommy.” Biglang sabi nya at abot naman nung mga papers na hawak nya.

“Ate Lisa una na po ako ha. Inaantay na po kasi ako nung mga kasama ko e. Salamat po.” Pagpapaalam ko kay Ate Lisa. Saka ko naman ibinaling kay Jacob ung atensyon ko. “Ito o!” Sabay abot ko sakanya nung pera na ibinayad nya kanina kay Ate Lisa.

“Para san yan?” Tanong sakin ni Jacob.

“Dun sa binayad mo kanina kay Ate Lisa. Hindi mo naman kasi kailangang bayaran pa, may pambayad naman ako.” Pagpapaliwanag ko.

“Okay lang. Libre ko nalang un sayo. Next time dun kana lang sa office ko magpunta kung may ipapaphotocopy ka para hindi kana gumastos pa.” Paliwanag naman sakin ni Jacob.

“Pogi naman! Aagawan mo pa ko ng negosyo.” Biglang singit ni Ate Lisa sa usapan namin na halatang nagbibiro.

“Ate Ganda naman. Andami dami mo na ngang customers e. Mas mayayaman pa. E hindi naman kawalan si Ela. Isa lang to.”  Pagpapaliwanag naman ni Jacob kay Ate Lisa.

“Hahaha. Ikaw talaga pogi! Sige na nga. Malakas ka sakin e.” Muling pagbibiro ni Ate Lisa.

“O pogi o. Tapos na. Balik ka ulit.” Sabay ngiti naman ni Ate Lisa.

“Onaman Ate.” Sabay kinindatan pa nya si Ate Lisa. At halatang kinilig naman si Ate Lisa dahil sa nakita ko pang napangiti nanaman sya. Hahaha.

Sabay na kaming naglakad lakad ni Jacob. Pabalik na sana sya sa floor kung saan nakalocate ung mga offices bawat college at ako naman papuntang cafeteria para kitain na ung mga kaibigan ko nang biglang tawagin ako ulit ni Jacob.

“Ela!”

Napalingon ako sakanya at nakita kong papalapit sya sakin. Inantay ko lang na makalapit sya sakin para alamin kung bat nya ako ulit tinawag.

“Napag-alaman ko kasi na graduating student ka na. If I know, your on-the-job trainings are coming soon. Maybe you can come to ask if you need some companies. Pwede kitang i-recommend.” Sabay ngiti nya at abot sakin ng calling card nya.

“Thank you Jacob.” Kinuha ko na rin lang. Nakakahiya naman kasi kung tatanggihan ko pa. At lalong nakakahiya kung aasa nanaman ako sa tulong ni Mrs. Garcia. Dahil panigurado sya nanaman ang gagawa ng paraan para makahanap ng papasukan kung kumpanya. E sayang naman kasi ito na nga si Jacob. Saka matatanggihan ko ba tong poging to. Nung una ko palang syang nakita crush ko na agad sya.

Ayy! Ela ang landi mo nanaman. Wag ganyan. Nasan na ang pagiging Maria Clara naten? Hahahaha.

“Osige. See you some other time.” Sabay ngiti nanaman sya. Yung mga ngiti nya na gustong gusto ko laging makita. Saka parang matagal ko nang nakita.

Pagtalikod nya, agad nanaman syang napaharap sakin. “One more thing, kung okay lang sayo, gusto sana kitang makausap pag hindi kana masyadong busy.” Sabay may kinapa sya sa bulsa nya at nilabas ung phone nya at sabay abot sakin.

Napataas lang ung kilay ko at sa mukha ko na parang nagtatanong. “Kukunin ko sana ung number mo. Para macontact kita.” Sabay ngiti nanaman sya. Yung ngiti nyang nakakatunaw.

Owmaygas! Ela ang ganda mo naman. Si Pogi kinukuha ung number mo. Textmate! Ayy. Self control anlandi ko nanaman ata. Hahaha.

Kinuha ko ung phone nya at nilagay ung number ko saka ibinalik ko ulit sakanya.

“Thank you! Sige. Ingat!” At tuluyan na nga syang umalis at nagdiretso nako sa cafeteria.

Johann’s POV

Nung iniwan ako ni Ela kanina sa hallway. Nagdiretso nalang akong mag-isa papuntang cafeteria para sundan kung nauna na sya sakin dun.

Pagkadating ko sa cafeteria, nakita ko na agad kung san nakaupo ung barkada. Agad ko ng hinanap si Ela kung andun na sya.

Nang makalapit nako sakanila, napansin kong wala pa si Ela dun. San nanaman kaya nagsususuot suot ung babaeng yun?

“Oh? Hindi mo kasama si Ela?” Tanong kaagad sakin ni Valerie. Nagtaka agad ako sa binungad na tanong sakin ni Val.

“Hindi. Bakit? Hindi pa ba sya nagpupunta dito?” Takang tanong ko kay Val.

“Ah. Akala ko naman sinamahan mo sya.” Sagot nya. Sabay kuha ng chips sa table.

“Asan ba sya?” Pagbabalik ko ng tanong ko sakanya at umupo sa tabi ni Andrew.

“Nagpaphotocopy.” Tipid na sagot nya sakin.

“Antagal naman.” Pagrereklamo ko.

“Bat mo kasi hinayaang magpaphotocopy mag-isa?” Singit naman ni Megan na halos kasunod ko lang din sa pagdating.

“Oo nga. Akala ko ba sabay na kayong magpupunta dito? Pinaalis alis mo ko tas iiwan mo lang palang mag-isa ung kaibigan namin. Pano kung napano un?” Pag-aalala ni Val. Tamo tong mga babaeng to. Ang OOA makapagreact. Nagpaphotocopy lang ung tao, kung ano ano na ang iniisip parang mga hibang.

“Bat dimo pa sundan?” Tanong ni Megan.

“Nakaya nya nga umalis mag-isa, makakabalik din un ng mag-isa.” Pagsusungit ko.

Haynako Ela! Kung san san ka nagpupunta hindi ka man lang nagpasabi. Sana nagpasama kana lang sakin. Ginigyera nako ng mga kaibigan mo. Epal ka talaga!

“Grabe ka naman! Anong klaseng suitor ka? Hinahayaan mo lang ng umaalis mag-isa ung nililigawan mo! Tsss!” Agad akong napatigil sa pagkuha ng chips sa mesa sa sinabi ni Valerie. Pati nadin ung tawanan ng iba naming kasama nang sabihin nya un.

“Tangina! Pare, nililigawan mo si Ela?” Gulat na tanong sakin ni Andrew.

Sabay hinampas naman ni Megan si Andrew malapit sa bibig. “Kailangan nagmumura?”

“Sorry nagulat lang.” Pagbabawi ni Andrew. Sabay kiniss sa cheeks si Megan.

“Kingina! Kelan pa natutong nanligaw yan si Johann?” Pang-aasar naman sakin ni Baron.

“Val, nagjojoke kaba?” Takang tanong naman ni Matt kay Val.

“Magpapapyesta naba ako?” Asar naman ni Louie.

“Tumigil nga kayo!” Napatayo ako at nahampas ung mesa sa gulat ng mga sunod-sunod na tanong nila.

“Anong meron? Bat antahimik nyo. May gulo ba?” Napatingin ako sa nagsalita. Si Ela.

Nang makita ko syang dumating, agad agad akong umalis at lumabas ng cafeteria. Hindi ko na agad naisip ang mga sunod-sunod kong dapat gawin ng makita ko si Ela. Pakiramdam ko biglang nag-init ung mga pisngi ko. Taena! Nababading nanaman ako.

Megan’s POV

“Anong nangyari dun?” Tanong agad ni Ela samin nang makalabas si Johann ng cafeteria.

At sabay-sabay kaming nagkibit-balikat. Hindi din naman kasi naming alam kung anong nangyari kay Johann. Biglang nagbago ng mood dahil dun sa sinabi ni Valerie sakanya.

“Napikon kasi nung sinabi ni Va….mlkjdujvhbcmnskjfheuf” Agad kong tinakpan ung bibig ni Andrew. Andaldal lang ng lalaking to. Sabay tinignan ko sya sa mata. Na nagsasabing wag na nyang ituloy pa ung sasabihin nya. Sabay sinenyasan ko nadin ung iba na wag nang magkwento. Baka kasi magulat lang si Ela. E si Johann pa nga lang nagulat na, pano pa kaya pag nalaman na ni Ela. Ayoko lang naman na pangunahan naming si Johann sa nararamdaman nya para kay Ela. Siguro hindi lang sanay si Johann. Kasi nga diba player ung taong un.

“Ha?” Agad na napatingin sakin si Ela dahil sa ginawa ko kay Andrew.

“Andrew, paulit nga nung sinabi mo?” Pangungulit ni Ela.

Agad agad naming napatayo si Matt at Baron. “Locker room lang kami.”

“Ako din sama ako.” Sabay tayo din si Andrew para sumunod kila Matt at Baron.

“Ela ung kanina, wala lang un.” Pahabol ni Andrew bago pa nakalayo samin.

“E ikaw Louie hindi ka ba sasama sakanila?” Tanong ni Valerie kay Louie.

Nagulat si Louie sa tanong ni Val na kanina pa nanahimik sa gilid ni Val habang umiinom ng soda.

Agad naming napatayo si Louie. “Ayy oo! Sige. Bye girls.” At tuluyan na ngang nawala ung mga lalaki samin hanggang sa kaming tatlong babae nalang ung natira.

“May problema ba?” Takang tanong ni Ela habang paupo sa tapat naming dalawa ni Valerie.

“Wala! Meron bang dapat problemahin?” Sagot ko.

“Oo!” Napatingin ako ng masama sa isinagot ni Valerie kay Ela.

“Yung midterm week malapit na. Kaya kung ako sainyong dalawa, tara na at maghanda na tayo!” Sabay sinabit na ni Valerie ung shoulder bag nya at tumayo na habang hawak hawak ung Zagu nya.

“Ano pang inaantay nyo jan. Tara na!” Tinitigan pa kasi muna namin ni Ela si Valerie nung tumayo. Nakahinga ako ng maluwag, akala ko naman kasi sasabihin na ni Valerie kay Ela ung pinag-uusapan namin kanina.

Agad naming tumayo na kaming dalawa ni Ela at lumabas na kasama si Valerie.

“Osige. Una nako ha. Susundan ko pa kasi si Andrew sa locker room. Bye. Ingat!” At nakipagbeso nako sakanilang dalawa.

“Bye!” Sagot naman nila sakin.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 7.8K 11
May dalawampu't pitong taon lang si Kimberly para mabuhay. Puwede siyang ma-"expired" sa mundo bago o sa mismong ika-28th birthday niya. Pero matagal...
1.4M 14.9K 47
What if ang 'WALA LANG' na Trip ni Lalake at 'PARA SA PAMILYA' kaya napasugo si Babae ay Mauwi sa Katotohanan at mahulog sa isa't-isa?! Pano kung Ma...
976K 6.1K 6
WARNING: Restricted 18/ adult content/SPG. Suitable only for adult reader.
1.5M 5.9K 6
Zia Ramos isang simpleng babae ang hangad ay makatulong sa pamilya.Gagawin ang lahat para makaraos sa buhay.Pumasok siya bilang isang personal assist...