Medyo seryoso. Pasilip sa family situation ni fafa Mon-Mon niyo. Enjoy! :)
Ellena Odde ♥
🌈🌈🌈
Kung gugustuhin niya, pwedeng hindi siya pumunta. Wala masyadong merit ang kawanggawa maliban sa self satisfaction. Pero sumama pa rin sa outreach program si Caleb, bitbit ang ngitngit ng pagiging rank two.
Matapos marating ang dalawang oras na byahe, sa wakas narating nila ang bayan ng San Martin.
"Ang presko!" bulas ng katabi niya pagbaba ng sasakyan. Dahil na rin sa ayaw nitong sumakay sa kulob na school bus, wala silang nagawa kundi bumiyahe gamit ang sariling sasakyan, bukas ang bintana habang nakasunod sa school bus.
"Pa'no ka nakasakay ng airplane mula States kung ayaw mo ng masikip?"
"May private plane si Daddy," sagot nito, "Malaki."
Hindi na siya nagtanong. Well, that explains it, money helps alot.
Nauna na silang nakababa bago pa man ang mga kaeskwela. Dahil hindi umattend ng nakaraang club meeting, hindi niya nagawang tumutol nang isinabay ang club activity nila sa Green Earth Club.
Sa Mr. Leones, ang overseeing adviser, ay agad sinalubong ng baranggay captain. Habang ang club nila ay wala pa ring adviser, nakikihati na rin sa oras kay Mr. Leones, ang kanilang stand-in adviser in paper, just to make them legitimate. Pero hindi sila humihingi ng tulong dito, hindi rin naman ito nakikialam. The perks of a club full of smart students is useful after all.
"Welcome to my kingdom," wika ni Matthew, may kakaibang sigla.
Hindi siya sumagot, muli na sa pagsisising lumiban ng meeting. Sana ay nagawa niyang tumutol sa bayang ito magpunta, ang hometown ng pinsan. Siguradong ito rin ang may pakana kung paano sila humantong doon, ginamit ang gigolo charm sa pangungumbinsi.
"Tree planting," Caleb muttered, annoyed, "it has nothing to do with our club objectives."
"Dito nagsimula ang lahi ng mga gwapong Adan," pahayag ng pinsan. "'Di ba Kaloy?"
Hindi siya sumagot. This is probably the first time he came back, but he hated it already. He wondered what his father would say if he found out.
Agad silang pumunta sa planting site bago pa tuluyang sumikat ang araw. Halos sabay-sabay silang naghikab dahil sa maagang pagbyahe.
Ang tanging nanatiling masigla ay si Tamara, nawawala't lumilitaw, bitbit ang iba't-ibang dahon at ugat.
"Mas presko ang sangkap, mas epektibo," narinig niyang sabi nito sa adviser, walang nagawa kundi tumikom.
"Look Mon-Mon, worm!"
Of course. He should've expected this. Umigting ang dugong gubat ni Maria.
"Look Mon-Mon, another worm!"
Hindi naman ito masaway ng guro. Sa kabila ng kung anong nakakalkal, mabilis at maayos ito sa pagtatanim. She planted most trees compared to anyone.
'Sila na ba talaga?' narinig niyang tanong ng taga-ibang club. He didn't even bother to glare at them. Even sometimes he ask himself the same question.
Ang nakasalo ng sermon ay si Shalla, walang tigil sa pagkuha ng selfie, hawak ang seedling, mula sa iba't-ibang anggulo. Si Lord lang ang matino sa club nila.
Pataas na ang araw nang naisipan nilang mananghalian. Doon na sila humiwalay sa Green Earth Club.
Si Matthew, ang nagboluntaryong maging host ay inimbitahan ang mga kasama sa bahay. Ngayon ay sumakay na silang lima sa kotse ni Caleb.
"Hindi na masama 'di ba?" tanong ni Matthew nang marating ang bahay nito.
Pinagmasdan niya ang tahanan nito. Well, it's true. He knew his cousin wasn't poor, but his home exceeded his expectation. He can't remember how big it was the last time he's there. Hindi man ito kasing laki ng mansyon niya, pero hindi rin magpapahuli.
Mula sa main gate, binagtas ng sasakyan ang malawak na farm papasok sa main house. Nadaanan nila ang ilang manggagawa.
"Look Mon-Mon! Mangga! Madaming mangga!"
Nagpatuloy siya sa pagmamaneho. Higit siyang na wala sa mood, ilang senaryo sa isip ang naglaro. Narating nila ang main house, naghihintay sa bukana ang isang matandang babae.
Pagkababa ng kotse, nauna ng tinakbo ni Matthew ang bahay.
"Yo, Ma! anong ulam?"
Sapak ang natanggap nito.
Ipinakilala nito ang ina sa kanila, si Mrs. Sabel. Marahil dito namana ni Matthew ang tangkad at pagiging masiyahin.
"Ang laki po ng farm niyo," panimula ni Maria, imbes na magpakilala.
"Salamat, hija."
"Ah 'Ma, siya si Maria."
"Maria Bahaghari po, at siya," hinablot ni Maria ang braso ni Caleb, "si Mon-Mon, boyfriend ko."
Napako sa kanya ang tingin ng tiyahin. "Ah, Kaloy, ang laki mo na."
"Caleb, pagtatama niya, I'm Caleb."
"And tagal mo ring hindi napadalaw."
Hindi siya sumagot. Si Matthew na ang pumutol ang katahimikan, isa-isang pinakilala ang mga kasama.
"Nasan si Papa?" tanong nito pagkatapos.
"Sa bayan, nanood ng liga."
"Si Tita Mia?"
Sumulyap sa kanya ang tiyahin. "Sa taas," sagot nito, pero nanatili kay Caleb ang tingin.
Hindi niya sinalubong ang tingin. Unconsciously, his palms turned into a fist.
Agad silang dumiretso sa pananghalian. Puno ang lamesa ng putahing netibo.
"Mabuti nga may preskong huli sa bayan, nagpadeliver ako agad," imporma ni Mrs. Sabel, habang dinulugan ang anak ng isa pang paksiw.
Masiglang kumain ang lahat maliban kay Caleb. Hindi siya naisali sa pagplano ng mga itong mamasyal sa farm bago umalis sa hapon.
"Pwede po bang humingi ng mangga?" narinig niya si Maria.
"Oo naman. Magdala kayo, magpapasungkit ako mamaya."
"Ako na lang po ang aakyat!"
"Ah... sige," anitong alanganin. "May ani rin kami ng mani at kamote."
"Ako na rin po ang magkalkal!"
Tumingin si Mrs. Sabel kay Matthew, humihingi ng paliwanag.
"Babaeng gubat 'yan ma, bayaan mo."
Pormal ding itinaas ni Lord ang kamay. "Ako din po, pahingi."
"Syempre naman," si Matthew ang sumagot. "Anything for you, Lord. Gusto mo may kasama pang singsing at marriage contract. I can make all your dreams come true."
"Don't you dare make a move on her," akusa ni Shalla.
Si Tamara naman ay iba ang hiling. Tumayo ito at lumapit kay Mrs. Sabel, nag-abot ng kapirasong papel. "Ito ang listahan ng mga halamang sangkap, ang ilan po ay nahanap ko na kanina sa tree planting. May ilang wala, pwede ko bang pumasyal sa farm ninyo para maghanap?"
Tinitigan nito ang papel, si Tamara at panghuli ang anak, naghihintay ng paliwanag.
"Mahilig siya sa... herbal medicine, Ma."
Tumango ito, hindi kumbinsido pero tumulong na rin. "Tatlo nito may tanim sa likod. Ang iba, hanapin mo nalang."
Matapos masiguradong wala ng kakailanganin, nagpaalam na ito.
Nagpatuloy ang pagkain, pero maya-maya pa, pinuna siya ni Matthew. "Ma o," sigaw nito, "si Kaloy, bagal kumain."
"Shut up," pigil niyang saway.
Inabot nito ang tinapay at mango jam sa harap niya. "Your highness, unahin mong manghimagas ng matamis. Nagmamaasim ka na naman."
Titingnan niya ito ng masama.
"Si Tita Mia gumawa niyan."
"Mon-Mon, mommy mo ba si Mia?" tanong ni Maria, nasa pangatlong piraso na ng pritong isda.
Si Matthew ang naubo, habang siya ay napahigpit ang hawak sa kubyertos.
"Silence is a yes, 'di ba?" anito nang 'di siya tumagon.
"I don't wanna talk about it."
"Bakit?"
"I just don't."
"Bakit nga?" pilit ni Maria.
He glared at Matthew, blaming him for the topic. His cousin looked back at him with fake innocence. "Maria, bakit mo natanong?" tanong nito, nananadya.
"'Di ba magpinsan kayo? Naisip ko lang."
"Ayaw ni your highness pag-usapan 'yan."
"Wait, is there like family drama?" nakisali na rin si Shall, pansamantalang itinigil ang pagpost ng litratong ulam.
"Wala," sagot ni Caleb sa wakas, gamit ang tonong 'di kailangan ng paliwanag.
Ilang segundo munang tumitig si Maria sa kanya, animo nang-aarok. Hindi niya nabasa ang iniisip nito, kasalukuyang namumutok ang pisngi ng pagkain.
The longer he stared back at her, the more he felt uncomfortable. There was something about her gaze that made him feel inferior.
"What?" he asked.
Maria blinked, finally. She shook her head. "Mmuuthfinn," then drank water. "Nothing," ulit nito pagkatapos ay ngumiti.
🌈🌈🌈