HUSBAND AND WIFE

By fedejik

124K 6K 575

Thad is someone's husband. Eren is someone's wife. Nang mag-krus ang kanilang landas, nabuo ang isang espesy... More

Husband and Wife
BEGINNING
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue

Chapter 3

2.3K 97 2
By fedejik

CHAPTER 3

Serenity


Abala ako sa pagdidilig ng aking mga halaman nang matanawan ko ang paparating na sasakyan. Kung hindi ako nagkakamali ay sasakyan iyon ng aking mabait at gwapong kapitbahay na si Thad.

Nang makababa siya ng sasakyan ay nakangiti siyang lumapit sa akin at bumati.

"Busy ka yata, a," bungad pa niya.

"Oo. Wala na rin akong magawa kaya nagpapaka-plantita na ako."

"I see. Ayos 'yan. Pampalipas oras din 'yan."

Tumango ako at mabilis na sinulyapan ang suot na relo. "Maaga-aga ka yata umuwi?"

"Oo nga. Medyo pagod na rin at gusto ko nang magpahinga. How about your husband? Hindi na kami magtagpo ng oras. Hindi ko tuloy makilala."

Mapakla akong ngumiti at pilit na itinago ang totoong nararamdaman.

"Oo nga, e. Busy rin kasi siya sa trabaho. Mukhang same lang sila ng wife mo, gabi na umuwi. Mga lahing bampira yata ang mga asawa natin."

Mahina siyang natawa sa birong iyon. Kung hindi ako nagkakamali ay parang lungkot pa ang rumehistro sa kanyang mukha sa pagbanggit ko sa kanyang asawa.

"Mahirap nga yata talaga kapag anak-mayaman. Maraming responsibilidad sa kompanya."

"Ganoon ba 'yon? Hindi ba dapat pa-chill chill na lang gaya ko?"

"Oh... Oo nga, 'no?" Nalilito pa siyang ngumiwi at nagkamot ng ulo. "Kung sa bagay, hawak ko ang oras ko sa kompanya. Nakasanayan ko lang talaga ang pumasok nang maaga at umuwi sa tamang oras."

"See?" Hinawi ko ang aking buhok.

"W-wait, Eren... You have something in here," sabay turo sa sarili nitong pisngi.

"Ay, gano'n ba?" Wala pa sa sarili kong sabi sabay hawak sa mukha ko. At huli ko na lang din na-realize na may suot nga pala akong gloves!

Shit.

Naiiling siyang tumawa at may kung anong dinukot sa bulsa. Pinahaba niya ang mga kamay at pinunasan ang aking mukha gamit ang kanyang panyo. Hindi ko alam, pero may naalala ako sa amoy na iyon. Hindi ko lang masabi kung sino. He smelled really nice. Magkaiba sila ng pabango ng asawa ko, pero masasabi kong gusto ko rin ang pabango niyang iyon.

"O ayan, wala na po."

Nahihiya akong ngumiti. "Thank you. May pagka-clumsy lang talaga ako."

"That's all right. Anyway, I won't bother you anymore, so that you can concentrate with your plants."

"Sige. Thank you ulit, ha."

Tipid siyang ngumiti at tumango bago sumenyas na papasok na. Humugot ako ng malalim na buntonghininga at muling ipinagpatuloy ang pagbubungkal sa halaman.

Matapos asikasuhin ang aking mga halaman ay sa kusina naman ako nagbabad para magluto ng hapunan. Pero agad din akong natigilan nang maisip si Christoff. Pakiwari ko'y nagsasayang lang ako ng pagod sa tuwing mage-effort akong magluto lalo pa nga't madalang pa sa patak ng ulan kung siya ay kumain kasabay ko.

Mapait akong ngumiti sa harap ng naluto kong ulam bago malalim na bumuntonghininga. I wonder kung naaalala pa nga ba niya ang lasa ng luto kong ulam? Malungkot kong tinitigan ang niluto ko. Masasayang na naman ito. Pero agad din akong nabuhayan ng loob nang maalalang may bago nga pala akong kapitbahay! Ibibigay ko na lang sa kanya ang sobrang naluto ko kaysa masayang pa.

Kaya naman nang makatapos magluto ay agad akong nag-doorbell sa kabilang pinto hawak ang isang disposable bowl ng beef caldereta.

Hindi rin naman nagtagal ay bumungad na ang tila gulat na mukha ni Thad. Nakapambahay na siya kung kaya mas mukhang bata na tingnan. Sa tingin ko ay hindi sila nagkakahuli sa tindig ng asawa ko. Matangkad at balingkinitan ang katawan. Ang ganda rin niyang magdala ng damit. Parang modelo. Sobrang neat niyang tingnan at parang ang bango palagi.

Nang ma-realize ang ginagawa ay mabilis kong inalog ang aking ulo. Wala naman sigurong masama na humanga. Hanggang doon lang naman. Pumapangalawa lang siya sa kagwapuhan ng asawa ko. Kung sana lang... ang ugali ng asawa ko'y gaya rin nang sa kanya.

Yeah... Iyon nga lang siguro ang lamang ni Thad kay Christoff. He seemed to be a really nice guy. Pero siguro nga, nabago lang ang ugali ni Christoff dahil hindi naging maganda ang aming simula.

"Napasobra ang luto ko kaya naisipan kong dalhan kayong mag-asawa. Parang pa-welcome na rin, 'di ba?"

Nahihiya siyang nagkamot ng ulo at ngumiwi bago abutin ang ulam. "Nag-abala ka pa, Eren. Salamat, a."

"Maliit na bagay. Sana magustuhan ninyong mag-asawa."

"I bet this is delicious. Amoy pa lang ay masarap na."

"Talaga ba? Sana nga. Nandiyan na ba siya?" Pinahaba ko ang aking leeg para makita ang asawa nito. Hindi ko rin kasi gaanong nakita ang mukha nitong nakaraan kung kaya curious din ako.

"She's not yet home. Nag-dinner kasama ng mga kaibigan niya. Baka ako lang din ang kumain nito."

"Really? Sayang naman."

"Wait. May niluto rin akong ulam. Kainin mo na lang din."

"Naku, hindi na, Thad."

"Hindi nga. Pa-welcome ko rin sa inyong mag-asawa. Pasok ka muna," aniya sabay kuntodo bukas ng pinto.

Tumango ako at tahimik na pumasok. Medyo may kaunting ilang akong naramdaman lalo pa nga't alam kong kami lang ang nasa bahay nila. Tuliro akong lumingon sa may pintuan sa pag-aalalang may ibang kapitbahay na makakita.

"Maupo ka muna. Kukuhanin ko lang sa kusina." Noon na lang nagambala ang aking pag-iisip at tipid na ngumiti.

"Sige..."

Naupo ako sa malambot na sofa at tahimik na nagmasid. Hindi nahuhuli iyon sa yari ng bahay namin ni Christoff. Simple pero elegante ang loob. Parehas ding white at black lang ang kulay na makikita sa buong bahay at wala rin gaanong display. Mukhang minimalist din gaya namin. Kung sa bagay, mas madalas nga pala silang wala sa bahay. Hindi na rin siguro nila maasikaso pa ang magdagdag ng kahit na anong display. Kahit papaano sa bahay namin ay may mga nakakabit akong paintings at mga indoor plants sa mga sulok.

Hindi rin naman nagtagal ay bumalik na si Thad dala rin ang lutong ulam na sinasabi nito. Tumayo ako at hinintay na ring makalapit ito nang husto.

"Binagoongan. Sana wala kang allergy sa bagoong," nahihiya pang aniya sabay abot.

Sa amoy pa lang ay agad na akong nakaramdam ng gutom.

"Hindi, a! Fave ko 'to! Pati Kare-Kare!"

"Oh, yeah? Though, I'm not into Kare-Kare. May allergy kasi ako sa nuts."

"Really? Sayang naman. Isa pa naman sa pinakamasarap na pagkain 'yon. But I'll take note of that."

"Do you like Sisig? Marunong din ako noon."

Agad na nanlaki ang aking mga mata. Parang lalo akong ginutom! "I like anything spicy!"

"All right. Bigyan din kita kapag gumawa ako one time."

"Wow! Talaga?! I'll be looking forward to it! Anyway, salamat dito, a."

"I hope you'll like it. Asawa ko pa lang din ang nakatikim ng luto ko kaya wala akong idea kung masarap nga," nangingiwi pang aniya. Halatang hindi talaga confident sa niluto.

"Naku, walang duda na masarap 'to. Kita naman sa hitsura at amoy, e."

"Let me know, then."

"Sure. Balitaan kita sa honest review ko."

Natatawa siyang tumango-tango. "All right. Sinabi mo 'yan, ha."

"Sige na. I'll go back na. Baka biglang dumating pa ang asawa mo at pagselosan pa ako. Thank you rito, a."

"Okay. Thank you rin."

Inihatid niya ako hanggang pinto. Bigla akong na-excite kumain dahil sa naaamoy.

"Thank you ulit," pahabol ko.

"Thanks din."

Nakangiti akong nag-aprub sign bago tuluyang lumayo papunta sa bahay ko. Siya pa lang ang kapitbahay na nakita ko kung kaya natutuwa rin ako. Kahit papaano ay may nakakausap na ako.

Dumiretso ako sa kusina at agad na kumain. Kahit pa nag-iisa, ito yata ang unang pagkakataon na nakakain ako nang marami dahil sa sarap ng ulam na niluto ni Thad.

I must say that he's quite impressive, huh? Ang sarap talaga niya magluto. Parang mas masarap pa sa luto ko! At iyon siguro ang pangalawang lamang niya. Walang alam ang asawa ko sa kusina. Ni hindi ko yata siya nakitang humawak ng sandok kahit na isang beses.

Halos katatapos ko lang kumain nang dumating ang asawa ko. He seemed really tired. Kung sa bahay, palagi nga pala...

"Hey, hon! Nag-dinner ka na?" excited kong salubong sabay halik sa pisngi nito.

"Yeah... I'm already full," aniya sabay himas ng tiyan.

"May ulam na bigay ang bago nating kapitbahay, gusto mong tikman? Masarap! Promise!"

"I'm full, hon," walang interest niyang sagot.

"Kahit kaunti—"

"What is it that you can't understand with 'I'm full,' Eren?!" sigaw niya na nagpagulat sa akin.

"I'm s-sorry... G-gusto ko lang naman—"

"Pagod ako! Puwede ba?! Kapag sinabing ayoko, ayoko! Kapag sinabi kong busog ako, busog ako!"

Yumuko ako at nagpigil na umiyak. Hindi yata ako masasanay na ganoon ang mood niya kahit pa matagal na niyang ginagawa...

"I'm s-sorry..." nanginginig kong sabi. I need to shut my mouth!

Iiling-iling siyang nagmartsa paakyat at hindi na ako nilingon pa. Mukhang wala talaga sa mood.

Nanghihina akong napaatras at napaupo na lang sa isang sulok. Sa tuwing mag-iiba ang mood niya ay sobrang hirap niyang abutin at pakiramdam ko ay palagi rin niya akong sasaktan.

Humugot ako ng isang malalim na buntonghininga at pilit na kinalma ang sarili. Kailangan kong iwasan magkamali kung ayaw kong masaktan na naman.

I forced him into this marriage, so I have no choice, but to endure the consequences.

Nang medyo kumalma ang aking puso ay saka ako tumayo. Pero agad akong napahinto nang biglaang makaramdam ng hilo at napasandal sa pader. Kabado kong hinawakan ang aking puson at nagluluhang tumingin sa kawalan.

Oh, no... This can't be happening again...

Mariin akong pumikit at kinagat ang aking labi. Hindi pa man ay bumuhos na ang luha dulot ng saya at sobrang takot...

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 13.7K 42
"Can you love me?" Ang lumabas sa labi ni Serena Xhen na naging simula ng lahat. Dahil sa sobra niyang pagmamahal kay Devon Lorenzo Yan hindi niya na...
1.5M 25.3K 27
"A 24-year-old nurse was allegedly kidnapped and raped by a strange man. She did everything possible in order to forget that nightmare. But she can s...
1.2M 67K 63
SPG 18 "Paghalu-haluin man ang lahat ng alak sa mundo ay hindi ako malalasing, maliban sa mga labi mo." Zenith Fujimori
143K 3.2K 25
ONGOING | Y2014-present A billionaire lawyer. A poor girl. Secrets and ulterior motives kept Mirabella and Alesteir apart. Now he's back with a confe...