Gentle Game 2: Game Over

By acousticright

378 19 51

After his college, Elijah took his training in Canada. And cutting his communication with Kaiden for a years... More

Gentle Gamers
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29

Chapter 15

6 0 0
By acousticright

Gentle Game



Kaiden's POV



"Handa kana?"  Lumingon ako kay Elijah matapos soutin ang hoodie jacket at nagdala ng maliit na bag para pagsidlan ng Tumblr pata sa tubig kung sakaling mauhaw.

"Ayan lang susuotin mo?"



"Bakit?" Tinignan ko din ang sarili at parang maayos naman ah, naka short tas naka hoodie jacket at naka sandal.

"Saan ba kasi tayo pupunta?"



"Mag-ikot ikot sa farm wala din naman tayo gagawin dito" Aniya.



"May gusto sana akong gagawin sayo pero ayaw mo eh" Seryoso kong sagot at nagbigay na ako ng clue sa ibig sabihin ng tinignan ang gitna ng jogging pants niyang medyo bumubokol.



"Gago!!" Mura ni Elijah saka naunang umalis "Tara na nga, dami mong naiisip"





Pagdating sa kotse ay mabilis niyang pinaandar at umalis doon sa bahay.

"Puwede din naman pala mag kotse papunta doon bakit di mo nalang hinatid lolo't lola mo kanina?" Wika ko.



"Ayaw nila eh exercise na din daw"



Napatingin ako sa malapad na taniman ng palay at mga taong naglilinid doon.



"Ang ganda, simple lang ang mga tao, makita lang nila na maayos ang mga pananim, masaya na!" Banggit ko.



Ilang minuto ang byahe at nakarating kami sa rough road na medyo paakyat na daan, medyo umuoga na din ang kotse pero parang walang pakialam si Elijah.

"Hoy, kotse tong minamaneho mo ha? hindi eroplano" Babala ko dito pero tuloy-tuloy lang sa pagmamaneho napa hawak ako sa pinto ng kotse at ang isa sa taas kahit nala seat belt.

"Lalakarin nalang kaya natin? malayo pa ba?"



"Medyo!" Aniya.



Pagdating sa patag ay pumayag na din siyang iwanan doon ang kotse at lalakarin na lang. Pagbaba ay mainit na sinag ng araw mg dumampi sa mukha ko pero binabawi ng maginaw na hangin.



"Tara!?" Alok nito matapos isarado ang pinto at nilagay sa bulsa ang susi.

Sumunod naman ako dito at hindi ko akalain na ganun iyon kalayo, ganito din ba kalayo ang nilalakad ng lolo't lola niya araw-araw? eh parang pagdating mo doon ay wala kanang gana magtrabaho kasi pagod kana sa paglalakad.

"Dito din ba dumadaan lolo't lola mo?" Tanong ko sa pagitan ng paghinga.



"Nope, may short cut kasi doon pero kotse kaya kailangan natin dito dumaan"



Napahawak ako sa puno sa gilid at kinuha ang tumblr para makinom ng tubig.





Ilang minuto pa muli ang nilakad namin at nangangalay na paa ko sa paglalakad, sobra pa ito sa training namin sa tennis.



"We're here!" Narinig kong wika niya paglabas sa mga puno, sununod ako doon at napanganga ako sa lawak ng lupa ang nakita ko. Naka parti iyon sa kuwadrado at berding dahon ng pinya ang  bumungad.



"Oy Eli ikaw naba iyan?"  Wika ng paparating na matandang babae suot ng buring sombrero at may kalumaan na jacket at pantalon ang suot may gwantes din ito sa kamay.



"Magandang umaga po manang Seta!" Bati di Eli dito at ngumiti.



"Naku, ikaw nga, kumusta kana? rinig ko piloto kana daw? naku sobrang yaman niyo na pala"



"Ganun pa din naman po Manang, nga pala sina Lolo po pala?"



"Nandoon sa pa mga naghaharvest at nasa kubo naman ang lola mo"

Tahimik lang ako doon sa gilid, ibig sabihin sa kanila ang plantation na ito? Shit,  ganito pala kayaman sina Elijah? bakit hindi halata sa asta niya?



"Sige po, nga pala Manang si Kaiden po" Pakilala niya sa akin, ngumiti ako dito.

"Ay ang pogi, hello Sir Kaiden!"



"Hello po!"



"Sige ha? mauna na ako kukuha lang ako ng pampataba doon"  Palaam nito at agad din umalis.



"Sa inyo pala ito?" Mahina kong wika sa likuran niya, humarap ito at ngumiti.



"Yups, anyways punta muna tayo sa kubo para makapag pahinga bago tayo magikot-ikot.





At pagdating sa sinasabing kubo ay may karamihan ang tao doon pero nakita ko agad ang lola niyang nag-aayos sa mga basket  siguro ito ang nilalagyan nila ng mga pinya.



"Magandang umaga po!" Bati nito sa mga tao, na pagkita sa kanya ay isa-isa ding bumati.

"Elijah? bakit ka nandito?" Tanong agad ng lola nito pagkita sa kanya.



"Hello po lola"



"At sinama mo pa si Kaiden dito? ano nalang sasabihin ng pamilihan niyan pagbalik ng Maynila ay negro sa itim yan ha?"



"Naku huwag ho kayo mag-alala lola, ayos lang po iyon, naka jacket naman po ako!" Tanggol ko sa kanya.





"Ah kahit na, hali ka nga dito" Tawag niya sa akin at sinalubong pako sa paglalapit. "Dito ka sa loob at tutulungan mo ako sa pag aayos ng basket"





"Ako ba lola? hindi mo papasukin?" Wika ni Elijah sa labas.



"Iwan ko sayo pasaway ka!" Iwan ko kung galit ba talaga si Lola o ganito lang talaga pagmay kasalanan si Eli sa kanya.



"Oh Eli? nandito pala kayo ni Kaiden" Wika pagdating ng lolo niya.



"Ah opo lo"



"Sige, dahil nandito kana din lang, puwede mo ba bantayan yung mga nagpipitas? ikaw na tumingin kung maganda ang quality ng pinya"





"Sige po" Narinig kong sang-ayon niya habang bahagyang nakatlikod at tinutulungan na mag pile ng basket si lola.

"Dito ka lang ba Kai?"

Nilingon ko ito at tumango at ngumiti.



"Gusto mo ba sumama?" Binaling ko ang tingin sa ginagawa.



"Mamaya na po lola pagtapos na tayo dito" Sagot ko at sa pinagpatuloy ang trabaho. Wlaa ako marinig na boses kay lola at seryoso lang ito sa ginagawa.



"Iho?"



"Po?" Walang tingin kong sagot.



"May Girlfriend kaba ngayon?"



"Wala po lola, focus po muna ako sa trabaho"



"Pero may nobya ka naman dati?"





Bahagya akong napatigil "Meron naman po" Matipid kong sagot.



"Iniwan ka? sa pogi mong iyan?"



"Sana nga lola, sa mukha lang binabasi ang pagmamahal"



"Alam mo, malaki ang pangarap ko diyan sa apo ko, lalo pa't dalawa lang sila ni Zadie"



Humarap ako dito at nakitang tumigil na din ito sa pagaayos ng basket. "Ikaw  ba iho, may kapatid ka ba?"



"Mmm... solo lang po lola eh, buti nga nabuo pa ako kasi maliit ang tsansang mabubuntis si mom"



"Ganun ba? siguro sobrang mahal ka ng mga magulang mo ano?"



"Okey lang naman po!"



"Nasa maynila lang ba sila?"



"Nasa maynila lang po, si dad manager ng isang five star hotel at si mom naman abala sa pinatayong bakeshop, mahilig kasi sa baking, sayang nga hindi ako nakadaan doon dinalahan ko na sana kayo!"





"Huwag kana mag-abala iho, nga pala puwede mo ba dalhin ito  kay Elijah, abay sobrang init na"



Kinuha nito ang payong na nakasabit sa dingding at binigay sa akin.



"Ako po bahala" Lumabas na ako ng kubo at binuksan ang payong at tinungo ang kinaroroonan.



Tahimik akong lumapit dito habang nakayokong tinitignan ang mga napipitas na pinya at nilalagay sa mga sari-saring basket. Tumayo ako sa likuran pinayungan. Dahan-dahan siyang lumingon at tumingin pero ng makita ako ay agad din siyang tumayo.

"Ano ginagawa mo dito?" Aniya at nakitang basa na ng pawis ang dibdib, leeg at mukha kahit may suot itong jacket.



"Pinapayungan ka, pahinga ka muna at basa ka ng pawis hindi maganda pagmatuyuan ka nyan"





"Tatapusin ko lang ito"



"Ako na po Eli!" Wika ng papalapit na lalaki. "Pasensiya na tanghali na ako nakarating may inayos pa kasi ako sa bahay" Paliwanag pa nito.







Pagbalik sa kubo ay agad na pinahubad ni lola ang t-shirt nito na basa ng pawis.



"Punas mo diyan para hindi ka matuyuan" Bilin ni lola nang inabutan siya ng t-shirt.



At bahagya akong nag-iba ng tingin ng nagpupunas si Eli ng dibdib sa harapan ko.



"Lola, puwede ba kami maligo sa batis?" Tanong ni Elijah sa lola.



"Sige pero, magpahinga ka muna"



"Yes!!" Masigla wika ni Eli pagtingin ko na kumindat sa akin..







At hindi ko inaasahan na may ganito pa lang batis sa dulo ng farm nila ni Elijah. Nakalinis ng tubig at ang damo aa gilid na maayos na inayos at ang mga bato na hinanayaan lang doon an nagpaalinis pa lalo ng tubig may kalaliman ito ng hindi ko matanaw ang nasa ilalim. Sa Dulo ay makikita mo naman ang mga malalaking tobo ng tubig pa akyat  na malalaman mo na ito ang nagsusupply ng tubig sa buong farm.



"Tara at ang sobrang init" Wika ni Elijah na agad hinubad ang suot na t-shirt at pants, muli na naman akong napatingin sa kanya. Bakit ba gustong gusto tignan ng mga mata ko si Elijah tuwing wala itong damit.

"Hindi ka ba maliligo?" Wika niya sa akin. Hindi pa nakasagot na agad naman siyang lumapit at tinaas ang t-shirt ko para hubarin at hindi ko alam kong bakit hinayaan ko nalang siyang gawin iyon sa akin na ngayon ay pareho na kaming walang suot pang itaas.

Ngumiti siya sa akin at bahagyang hinimas ang kamay mula dibdib pababa ng puson.

"Tara!!!" Sigaw niya at tumalon sa tubig.

Mabilis ko na din hinubad ang suot na short at nag dive. Mabilis na nawala ang init na nararamdaman at napalitan ng nakakawalang pagod na ginaw ng tubig.

Nakita kong lumalangoy si Elijah palapit sa akin at halos magkadikit na ang katawan namin bago siya tumigil.

Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha.



"Eli!" Tawag ko dito at mabuti naman tumigil siya.

"Baka may makakita sa atin!"



Inikot niya ang tingin at kahit ako ay walang makitang tao at kahit ang mga damo doon ay nananatiling kalmado.

Ngumiti siya pagbalik ng tingin sa akin. "Hingang malalim!" Bilin niya at hinatak ako palubog ng tubig, hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin pero ako kumuha ng hininga at pumikit.

Pagdilat sa ilalim ay mabilis niyang dinikit ang labi sa akin at hinawakan ako sa batok para indiin pa lalo. Napangiti ako sa labi sa paggawa niya ng paraan. Kaya binigay ko naman ang gusto nito.







Palubog na ang araw at ang ibang bahay ay nagsisindi na ng mga ilaw sa kanilang mga bahay ng makarating kami sa bahay.

Naunang naligo sina lolo't lola na ngayon ay naghahanda na ng hapunan at sumunod naman kami ni Elijah nanatili lang doon sa kwarto.



Hinanap ko ang telepono sa bag at binuksan, nagulat ako sa dami ng missed call ni Bilbright kaya agad ko naman ito tinawagan para alamin ang rason sa mga tawag.

"Buti naman at ikaw na tumawag!! " Agad nitong bulyaw na napansin kong nakuha din ang attention ni Elijah sa lakas ng boses kahit hindi naman naka loudspeaker.



"Sorry naiwan ko kasi ang telepono bakit ba?" Agad kong tanong.



"Nakalimutan mo ba? ngayon ang simula ng training mo para sa Summer Tennis Tournament!"



Hinanap ng tingin ko ang kalendaryo sa kwarto para tignan ang petsa at nextweek na nga pala ang tournament.

"Shit, oo nga pala!" Napapikit ako. "Uuwi ako bukas!"



"Mabuti naman, sige na bye, papakainin ko lang ang aso mong napaka sosyal, papatayin ko 'to eh!"



"Sige, gawin mo Bright at simulan munang tumahol"



"Hehe syempre biro lang, see you tomorrow!"



Pinatay ko ang linya at umupo sa kama at binagsak ang katawan pahiga.



"Oh uuwi ka bukas?" Mahinang wika niya habang nagbabasa ng libro.



Binaling ko ang tingin sa kanya "Hmm... ako kasi ang maglalaro para sa Summer Tennis Tournament nextweek!" Binalik ko ang tingin sa kesame "Ayoko ko pa sana umalis dito!"





"Eli? baba na kayo kakain na!" Boses ni lola ang narinig namin pinto.



"Opo, susunod na" Sigaw niya, bumalik ako sa pag-upo. Pinatong niya naman ang libro sa kama at bumaba.

"Tara!"







Pagkatapos kumaain ay maaga akong dinalaw ng antok na naunanng natulog, pero napansin kong sumunod naman si Elijah siguro dahil iyon sa ginagawa namin sa buong araw, kahit ang pangangalay ay randam ko sa buong paa.



Naalimpungatan ako ng nakaramdam ng ihi, pagilat ng mata ay tinignan ko muna ang oras telepono. Pasado alas 10 pa lang gabi. Bumaba na ako ng kwarto at pumasok ng cr.



"Kaiden?"

Nagulat  ako sa boses ni lola na paglingon ko ng paakyat ng hagdan ay nakita itong nakatayo sa hindi kalayuan sa akin.



"Oh lola? gising pa po kayo?" Wika ko, pero lumapit nalang ito sa akin.



"Puwede ba tayong mag-usap?" wika ni lola saka naunang naglakad.



Hindi ko alam kung ano pag uusapan namin, kaya sumunod ako dito.

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...