The Protector

By grenadier0007

37.1K 1.7K 1.4K

This is an intense and passionate story of Isabel Beatriz De Leon and Jessica Margarett Galanza. They unexpec... More

Chapter 1 - Jessica
Chapter 2 - Isabel
Chapter 3 - AJV
Chapter 4 - First Encounter
Chapter 5 - The Client
Chapter 6 - Julia Morado
Chapter 7 - Birthday Party
Chapter 8 - AliTon
Chapter 9 - Sa Isang Sulyap Mo
Chapter 10 - Naughty Jessica
Chapter 11 - Triangle
Chapter 12 - Runaway
Chapter 13 - The Morning After
Chapter 14 - Confrontation
Chapter 15 - Miss Villarama
Chapter 16 - Three Is A Crowd
Chapter 17 - Test The Water
Chapter 18 - Mabagal
Chapter - 19 - The Past
Chapter 20 - Drunken State
Chapter 21 - The Start Of Something New
Chapter 22 - LOVERS ⚠️ 🔞
Chapter 23 - Intruder
Chapter 25 - Missing You
Chapter 26 - Together Again
Chapter 27 - True Identity
Chapter 28 - Love Me Like You Do ⚠️
Chapter 29 - Falling Deeper 🔞⚠️
Chapter 30 - Take A Risk
Chapter 31 - Dangerous Game
Chapter 32 - Blackmail
Chapter 33 - Is This The End
Chapter 34 - Mystery Woman
Chapter 35 - Revelations
Chapter 36 - Eye For An Eye
Chapter 37 - Conspiracy
Chapter 38 - End Game
Chapter 39 - I Need You
Chapter 40 - Bonus part ⚠️

Chapter 24 - Rescue Me

855 41 93
By grenadier0007

JESSICA

After the explosion, nagkagulo na lahat ng mga tao. Kanya kanya ng takbo. I wanted to go back inside to check and see Bea but Tukne and the rest of the bodyguards did not let me. They all pushed me inside a car and took me away, as far as they could from the building.

Everything is in complete haste. I am still confused as to what is happening because my mind is focused on Bea only.

My God, huwag po sana siyang mapahamak. I won't forgive myself if something bad happened to her. I should have stopped her going back dahil alam ko na delikado pero hindi ko siya napigilan. Matigas din kasi ang ulo niya sa totoo lang tapos sobrang dedicated niya sa trabaho.

Nagdadasal na lang ako habang nasa sasakyan kami, hoping that Bea will be safe. Hindi naman ganun kalakas ang pagsabog pero makakapatay ito if you are in the area where it exploded. 

Kahit anong utos ko kay Tukne na huwag muna kaming umalis ay hindi niya pinakinggan. He is just following an order daw. Obviously, it's from Anton or maybe Blue. Ang dami niyang kausap sa cellphone.

Kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Bea. Basta na lang nila kasi akong isinakay ng kotse at paghinto nito ay nasa helipad na kami. A helicopter is waiting for us. I called Anton but his phone is busy.

Now, I am back in Manila. Sa isang iglap ay sobrang layo na namin ni Bea sa isa't isa. Anton was the one who personally picked me up from the airport.

"Babe, I'm so glad that you are safe. How are you? God, I thought I will not see you again. I love you." he said while hugging me.

"T-thank you. I'm okay naman pero babe, ano ang balita kay BDL at sa kasama niyang naiwan sa loob ng resort?" tanong ko habang yakap niya.

"You are here, back into my arms babe. Don't think of others muna. Let's go." sagot niya.

Inalalayan niya ako para sumakay ng sasakyan. Wala siyang balak sagutin ang tanong ko kaya sumunod na lang ako sa kanya. I wanted to go straight home but he insisted on going to the hospital first para ma-check up daw ako.

Although I feel alright, kailangan ko pa rin ngang matignan ng doctor.

So far, okay ang lahat ng vital organs ko. Walang severe effect yung explosion dahil malayo naman ito sa akin. The doctor prescribed me some medicines to take bago ako tuluyang pinakawalan. Sa bahay na lang daw ako magpahinga.

While on the way home, Anton was on the phone. Galit na galit siya sa kausap. I don't know who was it pero pinapa report niya lahat ng tauhan sa headquarters. Ipinikit ko na lang ang mga mata dahil sumasakit na ang ulo ko.

"Okay ka na?" tanong ko after his call.

"No. Makakatikim sa akin ang mga bantay na naiwan doon sa resort. Kabilin bilinan ko sa kanila na maghigpit but look what happened! Isa pa yang si Blue. He insisted on letting BDL lead the security group. Ang sabi niya magaling ito, wag daw ako mag alala sa iyo dahil nandoon siya pero kabaliktaran ang nangyari. Intruders were able to enter the area under her nose. She failed!" mataas ang boses na sabi niya after throwing his phone.

Eto na nga ba ang sinasabi ko, that he will blame Bea for the incident. Ang tanong, may kapabayaan ba talaga sa part ni Bea?

"Anton, you don't have to take it against your people. Ginawa naman nila ang lahat para ma-contain yung situation. Magpasalamat na lang tayo na walang nangyaring masama sa akin, iyon ang importante. Maiba ako, kumusta naman kaya sila BDL at yung isang guard na naiwan sa loob? May balita ka na ba?" tanong ko.

Still, no answer from him. Hindi ko na siya inusisa pa at baka makahalata na.

"So, what really happened in Boracay?" Anton asked me after putting all his stuff on the table.

I thought he will leave me once we arrived in the house. Akala ko ay makakapagpahinga na ako, hindi pa pala tapos ang interrogation niya.

"What do you mean? Huwag ako ang tanungin mo, you better ask Tukne and Abe. Sila ang mas may alam sa nangyari." I replied.

"Babe, I'm asking you because I want to get the answer from you." sabi niya sabay lapit sa akin.

Medyo naasiwa naman ako sa kanya. Sobrang lapit niya kasi, para na kaming magkayakap. At yung mata niya, iba ang kislap. Bigla akong kinabahan.

"As I told you earlier, I was in my room sleeping then I heard commotions outside. I went out to check kaso wala naman akong nakita kaya bumaba ako until I bumped into BDL. She said that they were all looking for me. At dapat na daw kaming umalis ng resort. Nakita namin sila Tukne at nagsama sama na kaming lumabas tapos ayun nga may sumabog na." nanginginig na sagot ko dahil naalala ko na naman si Bea.

I missed her already.

Wala pa rin akong balita sa kanya. Gusto ko siyang makausap sana but I can't call her because my phone is with Anton. Ibinulsa niya ito when we were at the hospital.

"Hey, you're shaking again. Calm down, may trauma ka pa sa nangyari. Okay, let's not talk about it. Uminom ka na lang muna ng gamot mo so you can have a rest." he said.

Tumango na lang ako as I am suddenly drained of energy. He insisted on taking me up to my room. Magkahiwalay na kasi ang kuarto namin.

"You wait here babe. Kukuha muna ako ng tubig para sayo." sabi niya.

Pagkaalis niya ay mabilis akong nagpalit ng damit at humiga sa kama. Feeling ko nakatulog na ako bago pa siya bumalik.

"Hey babe, here's your med. This will make you feel better and will definitely help you fall asleep." he said as he nudged me.

Iminulat ko ang aking mga mata. Nakita ko na kinuha niya ang gamot sa bag na dala ko. Itinaas niya ako konti para inumin ito.

"Bakit dalawa agad?" tanong ko dahil nakita ko sa palad niya ang pills.

"The doctor said that you can take two pills para mas mabilis ang epekto nito." sagot niya.

Hindi ko na maalala ang mga sinabi ni Doc kanina. I am so damned tired and all I want right now is to sleep. If the pills will make me better, I will gladly take it.

Ibinuka ko ang aking bibig at doon nga inilagay ni Anton ang mga gamot. Nilunok ko agad ang dalawang tableta at pagkatapos ay uminom ng tubig. Napangiti si Anton, parang Tatay ito na nagpapainom ng gamot sa anak na may sakit.

"Good girl babe. Now, have some sleep para bukas ay okay ka na." sabi niya as he kissed my forehead.

"Thank you." I replied while closing my eyes.

"Good night." dinig kong sabi niya bago tuluyang bumigay ang diwa sa antok.

======================================================================

BEA

"Ugh, aray ko. Where am I?" ungol ko as I slowly opened my eyes.

I saw Ponggay's face followed by my Mom. Bakit sila nandito? Iginala ko ang aking mata sa paligid. Nakahiga ako pero wala ako sa aking kuarto. Nakita ko ang nakakabit na swero sa akin.

I am in the hospital.

"Tita, she's awake." masayang sabi ni Ponggay sabay gumilid para makalapit si Mom sa akin.

"Isabel, thank goodness at gising ka na. Are you okay? May masakit ba sayo? Do you want food or water?" sunod sunod na tanong ni Mom.

"Y-yes ple......" putol na sagot ko.

Gusto kong magsalita pero sobrang tuyo talaga ng lalamunan ko. Aktong babangon ako pero kumirot ang aking ulo hanggang leeg kaya napahiga uli ako. Mabilis akong inalalayan ni Ponggay

"O dahan dahan naman Bro. Baka hindi mo alam na nakabenda pa yang ulo mo. I'll get some water for you." she said.

Napahawak ako sa aking ulo, nakapa ko ang balot dito. Shoot, tama nga si Ponggay. Diyata't may sugat ako. At unti unting bumalik sa aking alaala ang mga nangyari bago ako nawalan ng malay.

Ang pagsabog!

"Where's Jema? Where is she?" agad na tanong ko sa kanila.

"Who?" Mom asked.

"I mean, Madam Gob. Madam Jessica. Okay lang ba siya?" I asked habang inaangat ang katawan para makaupo.

"Anak, slow down. Huwag ka nga masyadong malikot. Ikaw itong nasa hospital at nasabugan, bakit ibang tao ang nasa isip mo?" Mom replied as she helped me up.

"Water bro. Inom ka muna." sabi ni Ponggay sabay abot ng mineral water.

Agad akong uminom, halos maubos ko ito dahil sa uhaw. Dahil nabigla yata, inubo ako. Mom rubbed my back until I stopped coughing.

"Mom, she is my boss. Natural lang na tanungin ko kung ano ang nangyari sa kanya. Nandito din po ba siya sa hospital?" tanong ko pagkainom at naghanap ng kumportableng posisyon.

Tumaas ang kilay ni Ponggay sa akin pagkarinig sa sinabi ko. Tinaasan ko din siya ng kilay. Naging seryoso ito tapos umismid. Kainis, ang sarap batukan.

"Why the face, did I say something wrong?" tanong ko sa kanya.

"Ay ang sungit naman. Ganyan ba talaga pag naalog ng bomba? Hahaha." pilosopong sagot niya.

"Kayong dalawa talaga kahit kelan. Iwanan ko nga muna kayo dito. I will call your Dad and inform ko si Doc na nagkamalay ka na." Mom said.

At naiwan kaming dalawa ni Ponggay. She sat beside me.

"I'm so glad that you're awake na Bro. Pinakaba mo kami." sabi niya.

"How did you find out what happened to me? Saka bakit nandito na ako agad sa Manila. Who brought me to the hospital?" tanong ko sa kanya.

"Sir Blue called after the explosion at sinabi sa akin ang tungkol sayo. May tama ka daw pero hindi niya sinabi how serious your condition was. Ang balak nga niya ay sa Aklan hospital ka nila dadalhin but I said no. Hindi ako pumayag. I contacted my friend there na may chopper and arranged for your immediate transport to Manila." she answered.

"Wow, thank you. You're such a dear friend talaga. Mahahalikan kita pag magaling nako." biro ko sa kanya.

"Siempre naman. Buhay mo na ang nakasalalay dito. And besides, kung hindi dahil sa akin eh hindi ka naman mapupunta sa ganoong sitwasyon. Pinilit kita na magtrabaho for the Villarama so I have to do something. Buti na lang kamo at slight injury lang ang natamo mo. Swerte mo pa rin Bro, di mo pa oras makipagkita kay San Pedro." she said.

Nagtawanan kami kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.

She added that she was the one who handled everything from Boracay to Manila until I arrived in the hospital. Saka pa lang niya tinawagan sila Dad and Mom when I was already admitted here and in a stable condition.

"How about Jema? Please tell me you have news about her." I asked.

"I'm sorry Bro pero wala talaga akong balita. I tried asking sir Blue pero tikom ang bibig niya. All I learned is that she arrived in Manila before you. I'm sure okay siya. As per the news, may explosion sa resort ng mga Villarama and that two of their employees suffered minor injuries. Yun lang ang lumabas sa media. Nobody mentioned Madam Gob." sagot niya.

"Ohhh that's good. At least okay siya at nasa Manila na din." I said.

"Bro, what happened? Iba iba ang naririnig kong version ng kwento sa mga security details na nasa Boracay. Ayokong paniwalaan ito kasi I want to hear it from you first." sabi niya sabay tingin ng seryoso sa akin.

Oh, I smell trouble.

Nagsimula na akong magkwento sa kanya. Sinabi ko ang lahat ng nangyari. Everything, no edits. She is my best friend naman kaya may tiwala ako sa kanya na ike-keep niya yung private details na sinabi ko.

Specifically yung sa amin ni Jema. Alam ko na hindi siya mag ju-judge dahil hindi naman naapektuhan ng relasyon namin ang trabaho ko.

"I see. Buti na lang at nag conduct ka uli ng checking sa area, kasi hindi sana mabibisto na may intruder na pala. Ang useless naman ng mga guardiya nila doon. Sila ang may kasalanan kung tutuusin. So, may nakapasok through the front gate?" she asked.

Tumango ako.

"Sa tingin mo, isa lang niya o may kasama pang iba?" tanong niya.

"Isa lang ang nakita ko pero bakit nasa loob na agad ang bomba? Ibig sabihin, it was planted earlier pa. Pwedeng may kasabwat siya sa loob. It is possible na inside job ito." sagot ko.

"That is a big possibility. It also means that whoever entered the resort have a key to the gate or someone let him in. Wala kamong forced entry di ba? It was obvious also that the person knows the inside and outside of the area. Alam niya kung saan tatakbo when you cornered him." sabi niya.

"Tama. We have the same line of thoughts on what happened. Pero anong version naman ang narinig mo?" tanong ko.

"It's not good Bro. They are all blaming you. Ikaw daw ang may kasalanan kaya napasok kayo." she replied.

"What??!!!!" mabilis na tanong ko.

"O bakit nag aaway pa rin kayo?" sabi ni Mom na nakabalik na pala with Dad and the doctor.

"Oh it's nothing Tita. Naglalambingan lang kami ni Isabel." nakangiting sagot ni Ponggay.

I wanted to ask her some more kaso hindi na uli kami nagkaroon ng chance to talk privately. Sumenyas na lang siya sa akin na tatawagan niya ako para mag usap uli.

======================================================================

JESSICA.

Nagising ako na parang nasa dagat. The waves are making me feel sick. Para akong lasing.

Bakit ako napunta dito?

Pilit kong iminulat ang aking mga mata na sobrang bigat pa rin. Madilim at medyo blurred ang tingin ko sa paligid pero nakita ko na nasa kama ako.

I stretched dahil nangalay na ako sa pagkakahiga. Medyo mainit din ang pakiramdam ko. I slowly pushed the blanket away from me. Gusto kong bumangon pero hinang hina ako. Nasa ganun akong posisyon ng may maaninag akong anino.

Bea?

Unti unti itong lumalapit sa akin. Gusto ko siyang tawagin pero walang boses na lumabas sa bibig ko. Naupo ito sa gilid ng kama ko. Bakit hindi rin siya nagsasalita?

Bigla ko na lang naramdaman ang kamay niya sa aking hita. Imbes na makatulong ito para gumanda ang pakiramdam ko, kakaiba ang naramdaman ko sa haplos niya. Parang kinikilabutan ako sa dantay ng palad niya.

This is definitely not Bea!

Dahan dahang umakyat ang kamay niya hanggang dibdib ko. Nanlamig bigla ang buong katawan ko.

Sino ang taong ito?

I tried pushing the hand away from my body pero hinang hina ako. Para lang itong papel na tinabig niya.

I squealed when I felt the hand suddenly squeezed my right breast. It hurts. Hindi ko alam na wala na pala yung pang itaas kong damit.

Inilapit niya ang kanyang mukha but not that close for me to recognize the person. Inamoy amoy niya ang leeg ko. Ramdam ko ang hininga niya sa balat ko.

Napaigtad ako dahil biglang niyang pinaghiwalay ang aking mga hita at pumuwesto sa pagitan nito. Hinawakan na rin niya ako ng mahigpit.

Oh God, no. Please.

This can't be happening again. I wanted to shout for help but no sounds came out of my mouth. Pinilit kong sipain siya buy my energy has left me kaya hindi ko na mapigilan ang ginagawa ng taong ito sa akin. Kung saan saan na napunta ang mga kamay niya.

May umagos na luha sa mata ko ng hinawakan niya na ang pang ibabang suot ko.

Why does it have to be me?

Hindi naman ako masamang tao. Ang dami namang masasamang tao sa mundo, bakit hindi na lang sila?  Bakit ako pa?

Ako, mabait naman ako pero ganito na naman ang mangyayari sa akin?

I gave up eventually as there is no use. This person is too strong for me.

I shut my eyes at mukha ni Bea ang nakita ko.

"Please help me baby." bulong ko.

======================================================================

Update for you guys!

Who is this person who wants to take advantage of Jessica? Tsk, tsk.

Please vote, comment and follow me here in Watty if you haven't done it yet. 😊

Continue Reading

You'll Also Like

151K 2K 41
May mga bagay talagang akala mo imposible, yun pala pwede.
80.1K 3.4K 37
Sino ba Ako...AKO lang naman ito...na hindi mo kayang tanggapin....
388K 7.7K 60
STORY COMPLETE Di madaling magmahal ang isang Deanna Wong, knowing na takot akong magmahal. Cause When I fall in love, i could give up everything i...
2.3M 59K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...