Damn it, Maria! (Squad Series...

By Ellena_Odde2

47.6K 2.9K 746

Si Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpal... More

WARNING
prologo
1 🌈 Caleb, The Supreme Being
2 🌈 Caleb, The Offering
3 🌈 Caleb, The Evil Being
4 🌈 Caleb, The Mon-Mon
5 🌈 Caleb, The Liar
6 🌈 Caleb, The Fiancée
8 🌈 Caleb, The Angry Kaloy
9 🌈 Caleb, The Savior
10 🌈 Caleb, The Fake Prince
11 🌈 Caleb, The Good Friend
12 🌈 Caleb, The Suitor
13 🌈 Caleb, The Member
14 🌈 Caleb, The Member 2
15 🌈 Caleb, The Terrified
16 🌈 Caleb, The Sleeping Beauty
17 🌈 Caleb, The Confused
18 🌈 Caleb, The Ninja
19 🌈 Caleb, The Kisser
20 🌈 Caleb, The Studious
21 🌈 Caleb, The Boyfriend
22 🌈 Caleb, The Aloof Son
22 🌈 Caleb, The Aloof Son (2)
22 🌈 Caleb, The Aloof Son (3)
23 🌈 Caleb, The Birthday Boy (1)
23 🌈 Caleb, The Birthday Boy (2)
23 🌈 Caleb, The Birthday Boy (3)
24 🌈 Caleb, The Restless
25 🌈 Caleb, The Padyak King
26 🌈 Caleb, The (Desperate) Boyfriend
Season 2 🌈 Teaser
27 🌈 Caleb, The Curious
28 🌈 Caleb, The Saint
29 🌈 Caleb, The Stupefied
30 🌈 Caleb, The Surprised
31 🌈 Caleb, The Grateful Son
32 🌈 Caleb, The Angry
33 🌈 Caleb, The Left Behind
33.2 🌈 Caleb, The Left Behind
34 🌈 Caleb, The (Sort Of) Fiancé
35 🌈 Caleb, The Stalker
36 🌈 Caleb, The Investigator
37 🌈 Caleb, The Uncomfortable
38 🌈 Caleb, The Concerned
38.2 🌈 Caleb, The Concerned
39 🌈 Caleb, The Shocked
40 🌈 Caleb, The Worried
41 🌈Caleb, The Impatient
42 🌈 Caleb, The Loser
43 βˆ†πŸŒˆ Caleb The Sick
44 🌈 Caleb, The Sick 2
45 🌈 Caleb, The Generous
46 🌈 Caleb, The Adventurer
47🌈 Caleb, The H*rny?
48 🌈 Caleb, The Fiesta Boy
49 🌈 Caleb, The Drunk
50 🌈 Caleb, The Changed
51 🌈 Caleb, The Super Bad
52 🌈 Caleb, The Desperate
53 🌈 Caleb, The Runaway
54 🌈 Caleb, The Schemer
55 🌈 Caleb, The Savior
56 🌈 Caleb, The Kidnapped
57 🌈 Caleb, The Mad
58 🌈 Caleb, The Hero
59 🌈 Caleb, The Returnee
60 🌈 Caleb, The Patient
61 🌈 END: Caleb, The Loser
REPRINT ANNOUNCEMENT/DETAILS

7 🌈 Caleb, The Date

743 44 11
By Ellena_Odde2



🌈🌈🌈

May mga bagay na kailangang isakripisyo kapalit ng mas malaking benipisyo. Kung sa negosyo, investment. Pero, bakit sa engagement na ito, simula pa lang, lugi na siya agad?

Gamit ang nanghihinang tuhod, umupo si Caleb, kaharap si Maria na sa ngayon ay bumalik sa pagkain.

"Why are you here?" tanong niya, kahit alam na ang sagot.

"Para kumain," ang tugon na hindi itinataas ang tingin, "sabi ni Daddy, mag-uusap daw tayo," pagkatapos ay doon pa lamang tumingin, "anong pag-uusapan natin?"

Wala itong ideya. While he went there with the intention of commitment and marriage, Maria was there to eat.

Just to f*cking eat, nagpupuyos niyang isip. "Excuse me for a bit," pamamaalam niya.

"Okay," at bago siya makalabas ay naghabilin, "Mon-Mon, pakisabi naman magdagdag ng kanin, fried chicken na rin at tubig, malamig please."

Nagmadali siyang lumabas bago pa ito masakal, agad na nagdial sa cellphone, diretso sa linya ng kanyang ama. Maswerte at nasagot ito agad.

"Sir, by Ari you mean, my fiancee is Maria Bahaghari?"

[Yes. Her father is William, they own Rainbow Industries. Is there a problem?]

Panandalian siyang natahimik. He heard of Rainbow Industries, a company with decades of good reputation in medical field. At ngayong pinasok ng kanilang kumpanya ang paggawa ng medisina, of course, the only way to ensure success was merge a subsidiary with theirs.

"N-No Sir."

[Anyway, good timing. I was about to call you too. It seems, Ari had no idea about the engagement. It will be your responsibility to make her agree.]

Higit na bumigat ang ulo ni Caleb. At ngayon, sa kanya pa nakasalalay ang lahat. In short, kailangan niyang suyuin at ligawan ang babae.

But how? How will he court someone so irritating?

"Bakit Sir? I mean, why she doesn't know?"

[William said, Maria would definitely disagree, then it would be over. He spoils her too much. It's all on you, Caleb.]

"I understand, Sir."

Just like that, the call ended. Ilang Segundo pang nananatili sa labas si Caleb, pinoproseso ang nagyayari. He cursed a thousand times in his head. Nang inaakala niyang kalamado na, saka naman sumilip si Maria mula sa loob.

"Parating na ba ang kanin?" tanong nito, walang kamalay-malay sa madilim niyang iniisip. "Gutom na ako."

Obviously, the previous meal wasn't enough for her.

"We can just order through the intercom, you know," sagot niya.

Muli silang pumasok sa silid at nag-order. Hindi na siya nagulat kung pang piyesta ang inorder nito, na para bang kulang pa ang nakalatag sa mesa.

"Pakisabi strawberry ice cream din."

Sumunod naman si Caleb. Ayon ssa staff ilang minuto pa bago dumating ang pagkain. So, they waited.

"Magkaibigan pala ang Daddy mo at Daddy Will ko," tangka nito sa matinong usapan at wala ng bakas ng sauce sa mukha.

"Yes."

"Friends na rin ba tayo?"

Sa kabila ng pagtutol, tumugon ng 'Yes' si Caleb na parang sinasakal.

"Thanks Mon-Mon, my friend!" at hindi na muli pang nagsalita.

Sa unang pagkakataon, nablanko si Caleb n sasabihin. His social skills were thrown to waste by the Maria's smiling stupid face.

Mula sa pagiging 'klasmeyt', siya ay naging 'friend'. Upgraded na ang kanyang kamalasan.

Sa pagdating ng pagkain, doon pa lamang nakalaya si Caleb. Bago magsimulang lantakan ni Maria ang pagkain, inilapag nito ang strawberry icecream sa kanyang harapan.

"For happiness," anito, "ngiti ka na," at walang anumang bumalik sa kanilang mesa upang kumain katulad ng isang natutuwang paslit.

So the ice cream was for him. He doesn't like the cold and he hates sweets. Nananadya ba ito? Gayunpaman, nagsimula siyang sumubo habang pinagmamasdan ang babae.

She's going to be his wife. How terrible it must be. Surely he could leave her when things are in his company's favor, pero ilang taon pa ang kailangan niyang hintayin? Baka mapilitan pa siyang buntisin ito.

Muntik na niyang mailuwa ang ice cream. If that will happen, the Montreal family line will go to hell. Their elite genes will be a waste.

Ngunit, may magagawa ba siya? Kung si Alex, ang nakakatandang kapatid ang nasa kanyang sitwasyon, siguradong hindi ito magdadalawang isip na sumunod. But Alex wasn't there anymore, but him, Caleb. He won't fail as the Montreal heir. He'd be deserving of the title.

"Gusto mong mamasyal?" tanong niya bago pa magdalawang isip. Napakislot siya nang iniangat ni Maria ang tingin, may ketchup sa gilid ng bibig.

Tumango ito, hindi magawang sumagot ng punong bibig. Pagkatapos ay uminon ng tubig. "Saan?"

"Saan mo ba gusto?"

"Sa park!"

"Sure. Finish your food first."

"Tapos na."

Natuon ang atensyon niya sa plato nito, totoo nga. Habang siya ay nanganglahati pa lamang sa ice cream.

Pinindot nito ang intercom at nagsalita. "Pabalot po ng sobra."

Nahilamos ni Caleb ang palad sa mukha. He is not walking out in the posh restaurant with a woman by his side, carrying bag of leftovers. Never.

But he did. Siya din ang nagbayad ng lahat kahit ice cream lang nakain niya.

Dumiretso sila sa isang nature park, kalahating oras ang layo mula sa syudad. Sa araw na ito, pinili niyang gamitin ang sariling sasakyan at huwag isama ang driver. Habang nagmamaneho, tulog naman si Maria sa kanyang tabi. Maya't-maya itong tumatawa sa panaginip.

Caleb had to take deep breaths not to kick her out while they were moving on the highway. Nangamoy pagkain ang sasakyan niya dahil sa balot ng pagkain sa likod. Nakabukas din ang lahat ng bintana ng sasakyan na pinagpilitan nito.

'Masikip. Ayoko,' an tanging paliwanag ni Maria.

Sa hinaharap, gagamitin niya ang kadugyutan at kawirduhan nito sa korte kung sakaling umabot sa annulment an lahat.

Narating na nila ang park at otomatiko nalang nagising si Maria. Agad niya itong inabutan ng tissue upang pahiran ang laway sa mukha.

Matapos i-park ang sasakyan ay niyakag siya nito sa ticketing booth.

"Hi Lord!" bati nito sa nagbabantay, walang iba kundi si Lordeliza.

Natuwa naman ang nabanggit. "Oi, napsyal ka?"

"Sabi mo dito ka nagpa-part time."

Ang tuwa nito ay napalitan ng gulat nang dumako ang tingin kay Caleb, at pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. "Date niyo?" tanong kay Maria.

At si Maria naman ay pinasa ang tanong sa kanya. "Date natin?"

"No," ang diretsa niyang sagot. He wanted to disappear right there and then.

"Okay," ang sabay na tugon ng dalawa at tumango tango.

"Sayang, mayroon kaming Couple's Discount kapag weekends. Forty pesos din matitipid niyo."

"Sige," mag-isang sang-ayon ni Maria. "Discount mo na lang."

"No," tutol niya. "We-"

"Ayaw mo ba?"

Natikom ni Caleb ang bibig. He shouldn't upset her. Kailangan pa pala niyang ligawan at utuin ito. At least he should play the part.

Sh*t, mura niya sa isip. The things he does for money and power.

"Bye Lord," paalam ni Maria matapos nilang makuha ang ticket.

Kumaway naman ito at hinarap ang panibagong customer.

Agad siya nitong niyakag sa kung saan mayroong mga bisikleta at pedicab. Caleb didn't understand why people liked cycling around a cirlcle.

Tinabunan niya ang mukha, nakaangkas sa pedicab na nirentahan habang si Maria ang pumapadyak.

"Eureka! Eureka!" sigaw nito habang pabilis ang takbo, hindi alintana ang suot na cotton na berdeng bestida.

"D*mn it, slow down will you?!" aniyang kapit sa upuan. He doesn't want to die like this.

Matapos ang ilang ikot, tumigil ito. "Pagod na ako," wika nito.

His relief was squashed when Maria came down. "Ikaw naman."

"Anong sabi mo?"

Her head tilted on the side and asked with no malice. "Bingi ka pala no?" at idinugtong, "ang sabi ko, ikaw naman ang pumadyak."

In the end, he did. Hangos siyang pumadyak. Ang iilang kabataang nagbibisikleta ay nagpapagilid kapag nakikita ang madilim niyang mukha.

"Bilis pa! Go! Go! Go!" sigaw ni Maria.

Tagaktak na siya ng pawis, ngunit nilalampasan siya kahit ng mga bata.
Kasalanan ba niya kung mabigat ang babae? Hindi halata sa katawan nitong kinulang sa tangkad.

"People pay for this?" bulalas niya, na sinagot naman ng mga reklamo ni Maria.

"Ang bagal... ang bagal-bagal..."

Gusto niya itong bulyawan at ibangga ang kanilang sinasakyan, ngunit sa wakas ay nabagot na rin sa bisikleta.

Sinunod nila ang playground. Hiyang-hiya si Caleb nang makipagsabayan si Maria sa mga batang hindi pa yata nag-elementarya. Nagpadausdos ito as slide.

"Mon-Mon, slide ka rin! Bilis!"

"Shut up!" nasabi niya sa wakas.

"Sungit!" sagot naman nito, ngunit muling tumawa habang ng-slide.

"Kapatid mo?" tanong sa kanya ng katabing babae, nagbabantay sa anak.

"Hindi."

"Pinsan?"

"Hindi rin."

Nangunot ang noo nito, pinaglipat-lipat ang tingin sa kanya at Maria, na kasalukuyang nangungunyapit sa monkey bars. "Girlfriend?"

"Hindi."

"Eh ano?"

Tuluyan niya itong hinarap. "That's none of your business."

Sakto namang muli siyang tinawag ni Maria, ngayo'y nakaupo sa swing. "Mon-Mon, tulak mo 'ko please!"

"I said shut up!" bulyaw niya, pero tumayo na rin at pinagbigyan ito.

Papalubog na ang araw nang umuwi sila. Naubos rin ang bitbit nilang sobra mula sa restaurant. Nagpabili si Maria ng mumurahing cotton candy at mumurahing icecream. Sinubukan nilang mamingwit ngunit walang nakuha at sa huli, nagpapicture ito sa mga display na dinosaurs na mukhang hindi.

Wala pang isang libo ang nagastos niya sa park. Ganoon ba mag-aliw ang mga mahihirap? Kaunting pera lang ang nagagastos, pero said naman ang enerhiya ng katawan.

Caleb realized poor people liked to do labor in everything, even relaxing.
Sinulyapan niya si Maria, natutulog sa kanyang tabi, bukas ang bibig at tumutulo ang laway patungo sa upuan.

Sumimangot si Caleb. Kailangan niyang ipa disinfect ang buong sasakyan.

🌈🌈🌈

Their first unofficial date! Saan niyo sila gusto pumunta next time? Mall? Beach? Bahay?

Ellena Odde

Continue Reading

You'll Also Like

White Wall By anemoia

General Fiction

1.4K 421 44
Sa event hall ng kanilang Junior's Ball, may mga antigong kanta na pinatutugtog, sa dagat na kulay ng cocktail dress at fuschia niyang labi ay nakati...
107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
160K 9.9K 48
Wattys 2022 Shortlister "You are forever and always be my saviour. The love of my life. My guiding star in this dark world." Book Cover Illustration...
4.5M 67.4K 60
When Miss Genius Gone Mad Book 3 Copyright 2016 All Rights Reserved