Damn it, Maria! (Squad Series...

By Ellena_Odde2

47.6K 2.9K 746

Si Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpal... More

WARNING
prologo
1 🌈 Caleb, The Supreme Being
2 🌈 Caleb, The Offering
3 🌈 Caleb, The Evil Being
4 🌈 Caleb, The Mon-Mon
5 🌈 Caleb, The Liar
7 🌈 Caleb, The Date
8 🌈 Caleb, The Angry Kaloy
9 🌈 Caleb, The Savior
10 🌈 Caleb, The Fake Prince
11 🌈 Caleb, The Good Friend
12 🌈 Caleb, The Suitor
13 🌈 Caleb, The Member
14 🌈 Caleb, The Member 2
15 🌈 Caleb, The Terrified
16 🌈 Caleb, The Sleeping Beauty
17 🌈 Caleb, The Confused
18 🌈 Caleb, The Ninja
19 🌈 Caleb, The Kisser
20 🌈 Caleb, The Studious
21 🌈 Caleb, The Boyfriend
22 🌈 Caleb, The Aloof Son
22 🌈 Caleb, The Aloof Son (2)
22 🌈 Caleb, The Aloof Son (3)
23 🌈 Caleb, The Birthday Boy (1)
23 🌈 Caleb, The Birthday Boy (2)
23 🌈 Caleb, The Birthday Boy (3)
24 🌈 Caleb, The Restless
25 🌈 Caleb, The Padyak King
26 🌈 Caleb, The (Desperate) Boyfriend
Season 2 🌈 Teaser
27 🌈 Caleb, The Curious
28 🌈 Caleb, The Saint
29 🌈 Caleb, The Stupefied
30 🌈 Caleb, The Surprised
31 🌈 Caleb, The Grateful Son
32 🌈 Caleb, The Angry
33 🌈 Caleb, The Left Behind
33.2 🌈 Caleb, The Left Behind
34 🌈 Caleb, The (Sort Of) Fiancé
35 🌈 Caleb, The Stalker
36 🌈 Caleb, The Investigator
37 🌈 Caleb, The Uncomfortable
38 🌈 Caleb, The Concerned
38.2 🌈 Caleb, The Concerned
39 🌈 Caleb, The Shocked
40 🌈 Caleb, The Worried
41 🌈Caleb, The Impatient
42 🌈 Caleb, The Loser
43 βˆ†πŸŒˆ Caleb The Sick
44 🌈 Caleb, The Sick 2
45 🌈 Caleb, The Generous
46 🌈 Caleb, The Adventurer
47🌈 Caleb, The H*rny?
48 🌈 Caleb, The Fiesta Boy
49 🌈 Caleb, The Drunk
50 🌈 Caleb, The Changed
51 🌈 Caleb, The Super Bad
52 🌈 Caleb, The Desperate
53 🌈 Caleb, The Runaway
54 🌈 Caleb, The Schemer
55 🌈 Caleb, The Savior
56 🌈 Caleb, The Kidnapped
57 🌈 Caleb, The Mad
58 🌈 Caleb, The Hero
59 🌈 Caleb, The Returnee
60 🌈 Caleb, The Patient
61 🌈 END: Caleb, The Loser
REPRINT ANNOUNCEMENT/DETAILS

6 🌈 Caleb, The Fiancée

777 46 6
By Ellena_Odde2


🌈🌈🌈

Lumipas na ang ilang araw, nanatili pa rin sa Ferguson Academy si Maria, ginagawang impyerno ang buhay ni Caleb. Kailangan niyang mag-isip ng ibang paraan. Kaya naman, ginamit niya ang impluwensiya at pera upang kumuha mg private investigator.

Kung hindi niya magawang hanapan ng kahinaan mag babae sa loob ng paaralan, hahanapan niya ito sa labas- pamilya, pinagmulan, personal na buhay, kahit ano. One way or another, he'd find her weakness abdcit will be game over.

Mula sa pakikipagkita sa imbestigador, sinalubong si Caleb ng balita tungkol sa ama.

"Your father wants you to call him, Mr. Montreal," ang bilin ng kanilang matandang mayordomo.

"Directly?"

"Yes. No need to call the secretary."

Tumango lamang siya at mabilis na inakyat ang kwarto. Isa ito sa iilang pagkakataong direktang makakausap ang ama sa telepono. It would mean something important.

Nang mapag-isa, nagdial si Caleb sa cellphone.

"Good evening Sir," bati niya sa ama.

"I won't be home this weekend," diretsong imporma nito. "Something came up in the European branches."

"I understand."

"Same with William. One of his factories encountered a problem. The dinner be moved. However, you and Ari will meet this weekend. William said she's already in the Philippines for some time now. Be sure to impress her. This engagement is very important.]

"I understand Sir."

[Good. The secretary will call you for the details.]

Naputol na ang tawag, ngunit hindi pa rin gumagalaw si Caleb. It's finally happening. He's going to marry someone he doesn't even know. Gayunpaman, hindi siya tutol. It's a marriage for convenience. Both parties would reap the benefits.

∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆

Kinabukasan, araw ng Biyernes, maagang pumasok sa paaralan si Caleb. Habang papalulan sa elevator, isang tapik ang nagpalingon sa kanya upang makita ang sabik na mukha ni Maria.

"Hi classmate."

Hindi niya ito sinagot at humakbang sa elevator. Ngunit bago pa tuluyang makapasok, hinila siya into.

"Excited ka na ba?"

"What do you want now?"

"Wala naman," ngunit tumingkayad ito upang iinat ang kanyang labi sa pilit na ngiti. "Iyan, pwede na," at walang anumang tinakbo ang hagdan paakyat.

Naiwan si Caleb, bumalik ang mukha sa simangot. "That little sh*t," bulong niya.

"May sinasabi ka?"

Muling lumingon si Caleb at muntik mapasigaw nang mabungaran ang mukha ni Tamara. Normal na reaksiyon lang iyon lalo na't maputla ito at nangingitim ang ilalim ng mata. Dagdagan pa ang maiitim na ngiping nakangiti.

"Your teeth is black," ang una niyang nasambit.

"Ah, sorry," at itinikom ang bibig animo nililinis ng dila. "Pusit ang ulan namin." Pagkatapos ang sinuyod siya ng tingin, ngumisi at umiling-iling.

"Mamalasin ka," sambit nito. "Isang malaking dagok ang paparating, nasa iyo na kung paano mo ito harapin."

Sa unang pagkakataon, kinilabutan si Caleb, at nagmadaling sumakay ng elevator. Hagik-ik si Tamara, labas ang ngiping may itim pa ng pusit ang huli niyang narinig bago sumara ang pinto.

Sa loob, gusto niyang magsisigaw sa galit, subalit naalala ang CCTV. Kaya naman, kinimkim niya ang yamot, isinusumpa ang mga wirdo sa paaralan.

Nang marating ang silid aralan, naabutan niya ang tatlong kaklase sa loob. Si Maria, na kasalukuyang kausap ni Lord tungkol sa mga pampublikong pasyalan sa syudad. Sa unahang upuan naman ay ang kaklaseng si Shalla na panaka-nakamg sumusulyap ng masama sa dalawa.

Caleb didn't care about them. He even ignored Maria's second greeting and went straight to his seat.

Ilang minuto pa ang lumipas, dumating na si Tamara at inilapag ang itim na panyo sa kanyang harapan.

"Kakailanganin mo iyan," anito sa tonong babala.

"No thank you."

"Hala, magsisisi ka. Sabi ng mga espiritu, malaki ang mawawala sa'yo kapag 'di mo 'yan dala."

Tinitigan niya ng masama ang panyo. God knows where it came from and what kind of voodoo is it, he'll never accept it.

Pagkatapos ay inilahad ni Tamara ang palad upang maningil. "Isang daan, singkwenta sa puhunang panyo at singkwenta sa orasyon."

"I said no thanks!" Napataas ang buses ni Caleb ng 'di sinasadya. Doon naagaw ang pansin ni Maria at Lord. Lumapit ang dalawa.

"Anong meron, Tam-Tam?" tanong ni Maria.

"Binibenta ko ang panyong ito kay Montreal, pangontra sa darating niyang kamalasan."

"Ako din, bili," wika ni Maria at nilingon si Lord, "Lord, ikaw?"

"Magkano ba?"

"Isang daan," sagot ni Tamara.

"Mahal. Discount?"

"'Di pwede, babawasan pa ng tax 'yan."

"Libre ko na," at humugot sa bulsa si Maria ngunit wala iyong laman. "Naiwan ko ang pera, pwedeng utang?"

"12% interest per week."

"Ayos lang. Ikaw Lord, anong kulay ang sa'yo?"

"May white ba?"

"White daw, sa'kin green."

Walang anumang inalapag ni Tamara ang bag sa desk ni Caleb at naghalughog. "Tingnan ko."

"What the hell are you doing?!" bulyaw niya, sa wakas 'di nakatiis.

"Hala, gusto mo rin?" ang inosenteng tanong ni Maria at nilingon ang kaklase, "Siege, libre ko na rin siya, kawawa naman."

"Ako rin!" sumingit ang bagong dating na si Matthew, dagdag sa kanyang inis.

"Sige," payag ni Maria.

"Stay away from me!" sigaw ni Caleb. Bakit sa ganito nagsimula ang umaga niya?

"Sungit," nanghaba nag nguso nito.

Si Lord, ang tanging nakaramdam ng kanaynag inis. "Sa desk ko nalang tayo."

Agad naman sumunod ang iba, pati si Matthew. Sinundan niya ang mga ito ng masamang tingin. Kelan pa nagkasundo ang tatlong babae? At ngayon ay nakisali ang kanyang pinsan.

Sa kabila ng pagpupuyos, napansin ni Caleb na hindi lang siya ang galit. Si Shalla ay kanina pa masama nag tingin sa kumpol. Well, it doesn't matter. It's Friday after all. Kailangan niyang magtiis at sa wakas ay hindi makikita ang mga hampaslupa sa loob ng dalawang raw.

🌈🌈🌈

Sumapit ang Sabado. Naglakad si Caleb sa private rooms hallway ng restaurant. Alam niyang agaw pansin ang kanyang tindig at kabuuan. He should be, he's a Montreal after all. Sa likod ng casual na pananamit, pinaghandaan niya ang araw na ito. Nagtagal siya sa salamin kaninang umaga, sa pagpili ng isusuot at pag-aayos ng buhok.

He wore his casual best and walked his best. Walang babae ang makakatanggi sa kanya. He'd be impressively charming, his unknown fiancée would want to marry him the soonest.

Ayon sa kanyang ama, maaring nauna na daw ang si Ari, ang kanyang mapapangasawa, sa restaurant. 'It's just how she is,' ang paliwanag nito. But of course, he won't allow it. Kaya naman, tatlumpung minuto pa lamang bago ang itinakdamg oras ay tinungo na niya ang lugar.

'Be sure to impress her. This engagement is very important,' iyon ang paalala ng kanyang ama. His father rarely say 'important', yet even added 'very' to it.

'I won't fail you, Sir,' ang kantang pangako.

Humugot ng malalim na hininga si Caleb, nang tumapat sa pinto. Inihanda niya ang ngiting praktisado man, ay nakakatunaw kaluluwa. Pinihit niya ang seradura.

Bumukas ang pinto at bumungad ang magarang ambience. May maliit na chandelier iniilawan ang silid na may temang Victorian. Elegante nababagay sa mga elite.

Ngunit sa gitna nito ay ang isang halimaw, nakaupo at walang habas na pinagpyestahan ang mga pagkaing nakahanda.

Nangunot ang noo ni Caleb. Napamulagat siya sa gulat, naningkit sa pagsusuri at muling napamulagat, halos lumuwa ang mata.

Si Maria Bahaghari, nakaupo sa mesa, walang pakundangang kumakain katulad ng isang hampaslupang mamamatay na kinabukasan.

"F*ck no..." ang tanging nasabi ni Caleb, napagtanto ang ibig sabihin ng inabutan.

Sa narinig, tumigil ang babae sa pagngatngat at itinaas ang tingin. Tumambad ang mukhang may iba't-ibang bahid ng sauce.

"Hi Mon-Mon," masiglang bati nito sa kinaiinisan niyang palayaw, kumaway-kaway hawak pa ang buto at nag-alok, "...fried chicken, you like?"

🌈🌈🌈

And so it began! Ano sa tingin niya and gagawin ni Caleb? :)

Ellena Odde ♥

Continue Reading

You'll Also Like

77K 5.3K 31
The body of Abijah Elisha Ocampo became her vessel when she became an incarnated angel. She is an angel sent to Earth in the form of a human to fulfi...
160K 9.9K 48
Wattys 2022 Shortlister "You are forever and always be my saviour. The love of my life. My guiding star in this dark world." Book Cover Illustration...
1.2M 53.4K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
38.9K 4.1K 45
Ang pakikipagpaligsahan ng mga tao sa alon ay nakakabilib kung minsan. Hindi nila tinitigilan ang paghahanap ng tatalo sa akin, ilang libong taon man...