Damn it, Maria! (Squad Series...

Od Ellena_Odde2

48K 2.9K 746

Si Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpal... Viac

WARNING
prologo
1 🌈 Caleb, The Supreme Being
2 🌈 Caleb, The Offering
3 🌈 Caleb, The Evil Being
4 🌈 Caleb, The Mon-Mon
6 🌈 Caleb, The Fiancée
7 🌈 Caleb, The Date
8 🌈 Caleb, The Angry Kaloy
9 🌈 Caleb, The Savior
10 🌈 Caleb, The Fake Prince
11 🌈 Caleb, The Good Friend
12 🌈 Caleb, The Suitor
13 🌈 Caleb, The Member
14 🌈 Caleb, The Member 2
15 🌈 Caleb, The Terrified
16 🌈 Caleb, The Sleeping Beauty
17 🌈 Caleb, The Confused
18 🌈 Caleb, The Ninja
19 🌈 Caleb, The Kisser
20 🌈 Caleb, The Studious
21 🌈 Caleb, The Boyfriend
22 🌈 Caleb, The Aloof Son
22 🌈 Caleb, The Aloof Son (2)
22 🌈 Caleb, The Aloof Son (3)
23 🌈 Caleb, The Birthday Boy (1)
23 🌈 Caleb, The Birthday Boy (2)
23 🌈 Caleb, The Birthday Boy (3)
24 🌈 Caleb, The Restless
25 🌈 Caleb, The Padyak King
26 🌈 Caleb, The (Desperate) Boyfriend
Season 2 🌈 Teaser
27 🌈 Caleb, The Curious
28 🌈 Caleb, The Saint
29 🌈 Caleb, The Stupefied
30 🌈 Caleb, The Surprised
31 🌈 Caleb, The Grateful Son
32 🌈 Caleb, The Angry
33 🌈 Caleb, The Left Behind
33.2 🌈 Caleb, The Left Behind
34 🌈 Caleb, The (Sort Of) Fiancé
35 🌈 Caleb, The Stalker
36 🌈 Caleb, The Investigator
37 🌈 Caleb, The Uncomfortable
38 🌈 Caleb, The Concerned
38.2 🌈 Caleb, The Concerned
39 🌈 Caleb, The Shocked
40 🌈 Caleb, The Worried
41 🌈Caleb, The Impatient
42 🌈 Caleb, The Loser
43 ∆🌈 Caleb The Sick
44 🌈 Caleb, The Sick 2
45 🌈 Caleb, The Generous
46 🌈 Caleb, The Adventurer
47🌈 Caleb, The H*rny?
48 🌈 Caleb, The Fiesta Boy
49 🌈 Caleb, The Drunk
50 🌈 Caleb, The Changed
51 🌈 Caleb, The Super Bad
52 🌈 Caleb, The Desperate
53 🌈 Caleb, The Runaway
54 🌈 Caleb, The Schemer
55 🌈 Caleb, The Savior
56 🌈 Caleb, The Kidnapped
57 🌈 Caleb, The Mad
58 🌈 Caleb, The Hero
59 🌈 Caleb, The Returnee
60 🌈 Caleb, The Patient
61 🌈 END: Caleb, The Loser
REPRINT ANNOUNCEMENT/DETAILS

5 🌈 Caleb, The Liar

735 52 9
Od Ellena_Odde2


🌈🌈🌈

Kinabukasan, kapansin-pansin ang kalmot sa leeg at braso ni Maria. Si Tamara at Lord, na sa 'di maipaliwanag na dahilan ay naging malupit sa babae ang pumuna.

Hindi sinungaling si Maria kaya naman matapat nitong sinabi ang totoo.
"Nakipag-away ako kahapon. And dami nila," pagkatapos ay itinuro si Caleb, "nadoon nga siya. 'Di ba klasmeyt?"

Ang dating walang interes na klase ay natuon din kay Caleb ang atensyon. Napamura siya sa isip at bago pa pabulaan ang sinabi ng seatmate ay narinig nila an anunsiyo sa speaker.

"Maria Bahaghari, please come to the Guidance office. I repeat, Maria Bahaghari, please come to the Guidance Office."

Patalon itong tumayo at agad na nagpaalam. Hindi mapalagay si Caleb sa kinauupuan. Sa wakas, nakompirma ang kanyang pag-aalala nang muling nag-anunsiyo sa speaker.

"Mr. Caleb Montreal, please come to the Guidance office. I repeat, Mr. Caleb Montreal, please come to the Guidance office."

"Uh-oh," narinig niyang sabi ni Matthew na agad din namang bumaling sa ibang direksyon, ayaw salubungin ang kanyang matalim na tingin. Ilang minuto pa lang iyon bago magsimula ang klase, kaya natural na nagkalat sa hallway ang mag-aaral.

Muling umulan ng 'Caleb, are you okay?' sa kanyang pagdaan. Ngumiti na lamang siya ngunit nagpupuyos ang kalooban.

Pagdating sa guidance, bumungad sa kanya si Maria, kaharap ang apat na babaeng estudyanteng lamog ang mukha.

He was confused. Looking closer, they were the girls who bullied the Maria yesterday. Ngunit ngayon ay ang apat pa ang nagmukhang biktima. Katabi ng bawat estudyante ay ang kanilang mga guardian.

"Uulitin ko Miss Bahaghari, ikaw ba ang gumawa ng mga ito?" tanong ng Guidance Councelor.

"Opo," ang diretsang sagot, inosente tingnan sa kabila ng nagawa.

Agad naman umalma ang isa sa mga magulang. "'Di mo pa talaga tinanggi? How can you take responsibility for this?"

"Sabi ni Daddy, kapag inaway ako, awayin ko rin. Sila ang nauna. Sabi ko pa nga, marunong akong mag-karate, mag-taekwondo at nag-aaral din akong maging ninja, ayaw nilang maniwala. 'Yan tuloy."

"Aba't-"

"Please calm down, Mrs. Federico," awat ng Guidance Counselor pagkatapos ay tinanong si Caleb. "Mr. Montreal, Ms. Bahaghari claimed that you were there."

"Yes."

"What did you see?"

Matalino si Caleb, magaling magsinungaling kaya naman ay nakatahi agad ng kwento. "I didn't know what was happening. I was at the rooftop for fresh air, when I looked down, I saw her," tukoy niya kay Maria, "and the others, she waved at me, then I Ieft."

Si Maria ang sumunod na mag tanong. "Hindi mo sila nakitang inaaway ako?"

"No. You were smiling, so I thought it was nothing."

Tumango-tango ito, habang ang apat na estudyante ay tahimik lang din. Dalawa sa kanilang may black eye ay nagawa pang magpa-kyut.

"Is that all Ma'am? Class is starting soon." He asked politely, but discretely used intimidation.

"Yes, of course," anitong apektado. "Thank you Mr. Motreal."

Tumango lamang siya, hindi pinatulan ang pamamaalam ni Maria. "Bye klasmeyt."

Second subject at doon pa lamang nakabalik ito. Pakiramdam ni Caleb ay halos humihinga na ito sa kanyang pisngi dahil sa ilalim ng titig sa kanya.

"What?" tanong niya pagdating sa break.

"Bad ka..." sabi nito, halong tukso at pang-uusig. "Sinungaling."

Kinuyom niya ang kamao.

"Nakita kita. Nanood ka lang. Bad ka. Bad."

Dumukwang siya, at gitgit ang ngipin na sinagot ang paratang. "Shut up, wala kang ebidensya."

Imbes na matakot, dumukwang din ito, nanatili ang nagbabantang ngisi ng isang bata, "Oi takot. 'Di ko naman sasabihin. Secret lang natin klasmeyt."

"Ang alin? Sali ako, Mon-Mon." Nakadukwang din ang mukha ni Matthew, nakikibulong.

Wala anumang tumayo siya, sinenyasan si Matthew na sumunod.

"I want you to call your friends," utos niya nang makalayo sa karamihan.

"Marami akong kaibigan."

"Your bad friends."

"Tatawagan ba kita, pinsan?"

Tumitig siya masama, Agad naman itong nagtaas ng kamay. "Fine. Geez man, chill," at hinugot ang cellphone. "Anong sasabihin ko, your highness?"

"Tell them to scare the f*ck out of Maria Bahghari."

"How?"

"Use their imagination."

"Kahit ano?" kompirma nito.

Panandaliang nag-isip si Caleb at sa wakas ay nagdesisyon. "Anything... Except rape and murder."

Umiiling-iling lamang ito at nagsimulang magdial. Nakinig si Caleb habang may kausap ito sa phone. Alam niyang maraming kakilala si Matthew, mayaman, mabuti, hindi mabuti. There are also students in the campus that are thrill seekers. Caleb used the connection for his own selfish reasons.

"...kayo na bahala... tarantado... 'wag kayong magpakikilala... you can prank her... yeah, that'd work... when?" sumulyap ito sa kanya para sa detalye.

"After class, Senior Building's back garden."

Nauna ng sinabi ni Maria na palagi ito doon, naghahanap ng kung anong halaman at kulisap.

"After class, Senior's building, back garden," ulit nito sa kausap.

Bago putulin ay nagbilin ng 'Huwag masyadong marahas, boys.'

"Ayos na po, your highness," ang nanunuksong inporma ni Matthew.

"Good," sagot niyang kuntento.

🌈🌈🌈

Kinahapunan, natapos na ang lahat ng club activities. Sa isang sulok ng hardin, nagtago si Caleb upang manood, habang ang pinsan at iba pa at isasakatuparan ang balak.

Sabik na siyang makita ang nahihintakutang mukha ng babae. They'd scare the sh*t out of her and she'll run away. Parang pambayad utang na rin sa stress na ibibigay nito sa kanya.

Mula sa posisyon, pinanood niya si Maria, naghuhukay sa lupa at kumakanta ng mabagal na awiting pang lullaby. Pinulot nito ang isang dahong hindi niya matukoy ng maayos ang laman at inilagay sa mababaw na hukay pagkatapos ay tinibunan.

"Rest in peace," anito pagkatapos ng maikling dasal.

Doon pa lamang napagtanto ni Caleb na isang libing sa kung anumang insekto ang naganap. "This little creep," bulong niya sa sarili.

Sa Sandali ding iyon, dumating ang kanyang mga inutusan. Pinalibutan ng limang nakamaskarang lalaki si Maria.

"Miss!" sabi ng isa. "Ikaw si Maria Bahaghari?"

"Oo," anitong hindi kinakitaan ng takot at pinuna ang mga maskarang itim. "Hoy, manghohold up kayo ng bangko? Bad 'yon!"

Marahas na sinakmal ng isa sa mga lalaki ang braso ni Maria. "Shut up! Umalis ka dito sa academy kung ayaw mong masaktan!"

"Bakit?"

"Basta umalis ka!"

"Bakit nga?" ang makulit na busisi.

Nagkatinginan ang lima. "B-Basta!"

"Paano kung ayoko?" Walang takot o paghahamon, ngumiti isang inosenteng pagtatanong.

"Sasaktan ka namin!"

Kita ni Caleb kung paano pumikit si Maria nang singhalan sa mukha. Sa kasalukuyang itsura, kahit papaano ay nakakatakot din naman ang mga lalaki. Ngunit naudlot ang kanyang napipintong ngiti sa sagot ng babae.

"Hala ka, bad 'yon."

Muling nagkatinginan ang lima, at nang makabawi doon na kumilos. "Anong sabi mo?!" sigaw ng kaharap nito. pagkatapos ay itinaas ang kamay para sa isang sampal.

Bago pa man lumapat sa mukha nito, bumagsak ang lalaki, sapo ang hinaharap at humihiyaw sa sakit.

"Ang sabi ko, bad 'yon," ulit ni Maria matapos tuhurin ang itlog ng kaharap.

Marunong akong magkarate, judo, taekwondo at nag-aaral maging ninja. Naalala ni Caleb ang sinabi nito.

Well d*mn, it was true, isip niya. Saksi ang kanyang mga mata kung paano nito pabagsakin ang gulat na kalalakihan.

Kumilos si Maria na parang kiti-kiti sa liksi. Mabilis, kalkulado at tila naglalaro, habang nagpaulan ng suntok, high kick at finishing blow ng malupit na pagtuhod sa itlog. Sa taas ng sipa, may ilang pagkakataong kita ni niya ang matingkad na cycling shorts nitong kulay dilaw.

Halos sabay na bumagsak ang lima, humihiyaw sa sakit at hawak-hawak ang kanilang hinaharap. Nakakanood siya noon ng mga kung fu movies, at hindi nagkalayo ang kanyang nasaksihan.

"What the hell!" Huli na ng mapigilan ni Caleb ang sarili.

Mabilis na lumingon si Maria sa kanyang direksyon. "Klasmeyt!" tawag nito sabay takbo sa kanya, hinablot ang kanyang kamay at hinila pabalik school building. "Nako, takbo ka, dali!"

Sa panandaliang pagkalito, nagulat si Caleb, kusang sumunod ang kanyang mga paa.

Despite the short height, Maria was running so fast for a moment he couldn't keep up. Paano iyon nagagawa ng isang maliit na katawan? ang pabalik-balik sa isip niya.

Tumigil lamang sila nang tuluyang narating an entrada ng gusali at walang sumunod.
"Ba't nandun ka?" tanong nito sa gitna ng hingal.

Sh*t. Sh*t. Sh*t. Mura niya sa isip, panandaliang hindi makahuma.

"Sira na naman ba ang banyo ng mga lalaki? Delikadong umihi sa masukal, maraming kakagat diyan, klasmeyt!"

"Shut up!" ang tangi niyang nasagot sa asumpsyon nito, hingal.

Walang anumang hinila ni Maria ang kurbata ng kanyang uniporme pababa. Bahagya itong tumingkayad, hinawakan ang magkabila niyang pisngi, at sinuri. "Mon-Mon, ayos ka lang ba?"

Panandaliang nablanko si Caleb, malapitang natitigan ang babae. "No, I'm not!" singhal niya at humakbang paatras. "At 'wag kang maki-Mon-Mon!"

Walang nakapag-sabing si Maria ay isa ngang halimaw sa totoong buhay. He thought she could jump from anywhere, climb trees and run around because she is crazy. She is, but the kind of crazy with skills.

"Sh*t," mura niya, sapo ang noo. "God d*mn it, Maria."

Mas mahirap pa pala ito sa kanyang inaasahan.

🌈🌈🌈

So, stressed si Mon-Mon. Kung ikaw sa Caleb, paano mo patatalsikin si Maria? :)

Ellena Odde

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

State of My Heart Od Senyorita Maria

Tínedžerská beletria

68.9K 5.7K 30
Kuwento ng isang makulit na Aristokrata at ng crush na crush niyang Mr. Principal. Latest Book Cover: Coverymyst Image Credits: Jeon Ji-hyun and Lee...
110K 3.8K 34
Ano'ng gagawin mo kung napunta ka sa future at nalaman mong ang boyfriend mo sa time na pinanggalingan mo eh boyfriend na ngayon ng best friend mo? H...
415K 7.3K 71
Irish is a girl that tries her best to live a life as a strong, independent woman. One day her whole world became a total "sh*t show" as how she call...
1M 8.8K 71
Book Two of Trouble Maker : The Cassanova Princess