🌈🌈🌈
Noong unang nakita ni Caleb si Maria, ayaw na niya dito. She doesn't belong. Oo't isang transferee, bagong mukha, pero iba ang kilos sa lahat.
Ang unang mapapansin ay malaki nitong ngisi. May iba't-ibang uri ng ngiti- totoo, mapanglinlang, may malisya, kuntento at iba pa. Ngunit hindi niya maintindihan kung anong klase ang ngiti ng babae.
Her teeth were almost seen, it was an awkward curve of her lips, but her eyes were always sparkling, always hungry for details, looking everywhere.
For some reason, the desk next to him was empty. Ang dating umookupa, isang lalaki na natatandaan niyang nagsisismula sa J ang pangalan, ay lumipat sa isa pang bakanteng desk sa kabilang bahagi ng silid.
He couldn't blame him. Sitting next to Caleb would require guts and self esteem. Walang gustong magmukhang alalay niya.
Kung anong kulang ay pinupunan, kaya't sa tabi pinaupo ang transferee. Kung minamalas nga naman. But Caleb smiled anyway.
A dumb transferee after the school year started a month ago, under the Top section nonetheless. This means that she has a good backer, someone powerful enough to bend the rules of Ferguson Academy.
Napangiti noon si Caleb ng maisip ang posibilidad. Maari itong pakinabangan.
At ngayon, isang buwan na halos ang lumipas, ay milagrong natiis niya ito. If it isn't for his image as the perfect and gentleman Montreal, matagal na niya itong sinagasaan.
Sa kasalukuyan, nagsimula na ang klase. Subalit wala pa ang isang oras, ginulat ni Maria ang silid nang agad itong tumayo at itinuro ang kalangitan. "Maya! May maya!"
Bago pa makahuma ang lahat, tinakbo nito ang bintana, binuksan at tumalon mula sa ikatlong palalpag, kung maari man iyon.
"Ang galing, madaming maya! Eureka!" at base sa masiglang sigaw nito mula sa baba, posible nga.
Unang nakabawi ang guro sa gulat, bumalik sa board at nagpatuloy sa klase. "Uh well... where are we, ah yes... the third theory..."
"Pero sir..." sa front row, isang kamay ang itinaas, "tumalon si Maria mula bintana, ayos lang ba talaga siya?"
Tulad ng inaasahan sa Top 3 ng unang monthly test, si Lordeliza Asuncion. Katulad ng pangalan, ordinaryo din ang pinagmulan nito. Ngunit sa kabila ng pagiging mahirap, she's a bit of a magnet.
Being hardworking and an independent poor person seems attractive. Dagdagan pa ang panglalaki nitong buhok at kilos. Kaya naman, maraming babae may gusto dito, sa kabila ng parehong kasarian. They say it's one of the reason the library is mostly visited on Mondays, Wednesdays and Fridays, during her shift.
Girls even call him 'Lord'. In Caleb's opinion, she's just Lordeliza, she could pass to be a good-looking boy, but poor. And Caleb has nothing to do with poor people.
As a scholar, it is obvious that she is the poorest in class. Kailangan nitong magtrabaho ng part time. Ang pag-aalala nito kay Maria ay marahil mula sa nakaimprintang dugo ng mga mahihirap at tagasilbi.
"Ah, no need to worry Miss Asuncion. Nakausap na namin ang guardian niya. They signed a waver too, not to blame the school if she inflicted harm in her... adventures."
"Pero ang tumalon-talon, floor to foor like a ninja," sabat ni Matthew sa unahang desk, "...I wish she'd do it again tomorrow." He looked back to Caleb with the twinkling excitement of a fool. "Ayos ang seatmate mo, pinsan."
Caleb didn't answer. What pisses him off is Matthew got the Top 6 despite the laid back attitude.
"Siguradong mayroon siyang anting-anting," ang sabi mula sa likod. "Walang normal na tao ang makakagawa nito."
And that's Tamara, Top 4. Her family became rich selling charmed objects, fortune telling and anything spiritual.
Bulong-bulungan ding ang mga magulang niya ay pinuno ng kulto, na nagtago sa bundok ng napabalitang magugunaw ang mundo sa pagsapit ng bagong milenya.
Year 2000 came, the world didn't end as predicted, but even years passed, they have alot of followers. Yet, it's not enough to recognize her usability. Selling lies such as fortune telling is not legitimate business.
"Miss Estrella, go back to your seat," ang utos ng Professor sa isa pang babaeng nakalabas ang cellphone, panay ang kuha ng litrato sa ngayo'y nakalayo ng Maria, na para bang isang atraksyon sa zoo.
"Yes sir," ang inat na sagot, ngunit bago sumunod ay nag-selfie muna.
Siya si Shalla, maarte at asal millineal pero Top 5. Binansagang Ultimate B ng mga kalalakihan sa Campus- Beauty, Brains and Boobs. At hindi lingid sa lahat ang pagkahumaling kay Lord na sa kasamaang palad ay hindi nahuhumaling sa kapwa babae.
Idiots, Caleb called in her head. He's been surrounded by fools. But then, he shouldn't care, they are all irrelevant anyway.
Nagpatuloy ang klase na para bang normal ang lahat. Nasanay na sila sa nagaganap. But not him. One way or another, he'll find a way to return the things like they used to.
∆∆∆∆∆∆∆∆
Kinahapunan, sinubukan niyang kausapin si Maria bago magsimula ang klase. She refused to even look at him.
Sa pagsimula ng first period sa hapon, kinalabit nito si Matthew na nakaupo sa harapan. "Pahiram ng lapis."
"Wala," ang makatotohang sagot ng kanyang pinsan.
Sinunod nito ang katabi sa kanan.
"Wala."
Lumingon ito sa kanya ngunit agad ring tinikom ang bibig at nanghaba ang ngusong umirap palayo.
Snob little b*tch, he thought, pretending hard to get all of a sudden. Nagtatampo ito hanggang ngayon dahil tinapon niya ang tatlong 'regalo' kahapon. As if he cares. Kung wala lang mga tao at reputasyong pinangalagaan, matagal na niya itong inulog sa bintana.
Kumuha siya ng lapis mula sa bag, inabot sa kasama ng sticky note.
Let's talk after class.
Tinitigan lang nito iyon. D*mn it. Take it! Take the bait. Hanggang sa kinuha ito at idinikit sa ilalim ng desk ang sticky note.
Just like that, the negotiation is done. It's a deal.
On the last period in the afternoon, she didn't listen, as usual. Imbes na libro sa Economics, isang librong itim ang binabasa nito. She'd smile, then turn serious, then giggle in every page. The cycle continued until the bell rang.
"Hey..." panimula ni Caleb, ngunit nagmadali itong tumayo, hinila siya palabas.
"Halika... dalian mo..."
Binawi niya ang braso. "Hindi kita binigyan ng permisong hawakan ako."
"Ah okay," at tumango-tango si Maria. "Pwede ba kitang hawakan?"
"No."
"Ah okay," at muling tumango-tumango, dumukwang ng bahagya. "Sumunod ka."
Nauna itong lumabas, bitbit ang itim na libro. Imbes na tunguhin ang elevator, ginamit ang hagdan upang bumaba. Syempre pa, ayaw ni Caleb.
"Let's use the elevator."
"Ayaw," ang sabi nito.
Ilang beses siyang nagpakurap-kurap. "Anong sabi mo?"
"Ayaw. Gusto ko hagdan."
Walang taong tumatanggi sa isang Montreal. Wala. At bago pa niya masakal, agad na bumaba ito, habang si Caleb ay nagpupuyos na pumasok sa elevator.
For some reason, there has been an unspoken rule: Caleb first. Maaring dahil nakaka-intimidate siyang makasama o dahil inilagay siya sa pedestal ng mga kaeskwela. Kahit paggamit ng elevator, siya lang mag-isa, sa kabila ng ilang naghihintay. Sa banyo, sa cafeteria, sa lahat ng bagay- Caleb first.
Kaya naman, nagbigay daan ang mga sasakay ng elevator. Mag-isa siyang lumulan.
"Thank you girls," ang pormal niyang paalam bago sumara ang pinto.
"Bye Caleb," ang halos magkasabay na sabi ng kababaihan. Ang ilang kalalakihan ay nagkamot lamang sa buhok at nagpaubaya.
Pagbaba, natanaw niya si Maria, at pasimple itong sinundan. She was happily skipping all the way to the senior building's school garden.
Nang mapansin siya, agad itong nagbigay ng mga paalala. "Kailangan nating maghanap ng patay na bulaklak, sapot ng gagamba, laway ng isang henyo at pamalo."
Panandalian siyang nalito. "What?"
"Ang sabi ko, kailangan nating maghanap ng patay na bulaklak, s-'
"I heard you!"
"Bakit ka pa nagtanong?" She stared at him like he was stupid.
Upang kumalma, ipinikit ni Caleb ang mga mata at binilang ang taon ng pagkakakulong kung sakali siyang pumatay.
"Why are we looking for those things?" natanong niya sa wakas.
She was already gone when he opened his eyes.
"Para sa ritwal."
Tumingala siya sa puno at napamulagat. "God d*mn it!"
Nakataob ito sa isang sanga, mga paa ay ipinalibot, habang ang mga kamay ay kumakapit, hinihila ang katawan upang umusog sa dulo ng sanga. She was like tarsier, slowly moving towards the end. Wala man lang bahid ng takot.
"Hey!" He called, wondering how did she get there so fast. "Hey get down!"
"'Wag kang mag-aala. Nandito ako kada hapon, magaling akong umakyat."
Gamit ang isang kamay, tinanggal nito ang tangkay ng dahon sa dulo, umaktong tarsier paatras. When she was back to the trunk, she went down with ease like it was the most normal thing in the world.
Before he knows it, she was right in front of him, traces of dirt all over her uniform, holding out leaves with a spider web on it.
"Tatlo na lang ang kulang."
"Shut up!" bulyaw niya. "I'm not here to entertain your voodoo crap! I'm here to talk about your intentions. Bakit ka lumipat sa Ferguson Academy? How did you become first in rank?"
Animo'y kinalikot nito ang ilalim ng taenga. "Maingay ka pala, no?" at tumalikod, tinakbo ang mas masukal na bahagi ng hardin at naglaho.
"Hey- you! Bumalik ka!"
Muling lumitaw ang ulo nito mula sa mayayabong na halaman. "Kapag tinulungan mo akong matapos ang ritwal, gagawin ko lahat ng gusto mo. Okay, classmate?"
"Lahat?"
"Hmmm, lahat!"
He stopped myself from agreeing eagerly. Nagpanggap siyang pinag-iisipan ang alok. He'd definitely use this on his advantage.
"Okay, deal."
For the next half an hour, he helped her search for a withered flower. Nagpatianod na rin siya nang yakagin nito sa storage building ng paaralan.
Inilatag nila ang mga kakailanganin. Nanatili nakatayo si Caleb habang si Maira ay nakaupo sa maalikabok na sahig.
Muli nitong binasa ang itim na libro. "Mayron na tayong patay na bulaklak, sapot ng gagamba at nakahanap na din tayo ng pamalong kahoy. Isa na lang ang kulang, laway ng henyo. Dapat daw silang ipaghalo."
Walang paalam nitong dinuraan ang mga naunang sangkap at dinikdik gamit ang pamalo.
Caleb turned around in disgust. After the ritual, he should probably ask her to leave the Academy right away. She's far lower than a commoner, a dirt in the society.
"Why did you have to spit on it?"
"Sabi daw, laway ng henyo ang kailangan."
Heresy! Kung may henyo man, siya iyon at wala ng iba. "Sinong may sabing isa kang henyo?"
"Marami. Naiinggit ka ba?"
"Never." Isa pa, hindi niya ipapagamit ang sariling laway sa walang saysay na ritwal. If it's for scientific research about the evolution of a perfect human like him, he'd allow it.
"Tapos ka na?" tanong niya, nanatiling nakatalikod, ayaw panuorin ang nagaganap.
"Hindi pa. Kailangang magamit ang pamalo?"
"Para saan ang pamalo?"
"Syempre, para ipamalo!" she answered in a tone that he was stupid to ask. It was silent now, except for footsteps.
"Para saan?" ulit ni Caleb.
"Sa'yo."
Just as he turned around, something hard hit the back of his head. He fell flat on the floor. Bago mawalan ng malay, narinig niya ang nasasabik na boses ni Maria.
"Iaalay kita kay Makapangyarihang Lucifer," at tumawa.
🌈🌈🌈
Sana nagustuhan mo. :)
Sa tingin mo, ano si Maria? Alien? Ninja? Or sira-ulo lang talaga?
Ellena Odde ♥