IAH2: Remembering The First B...

By xxladyariesxx

35K 1.8K 281

IN A HEARTBEAT 2: REMEMBERING THE FIRST BEAT Amari's heart was healed but she forgot the first beat of it. St... More

Amari's Heart
Chapter 1: Love
Chapter 2: Voice
Chapter 3: Visitor
Chapter 4: Hospital
Chapter 5: Picture
Chapter 6: Wife
Chapter 7: Leave
Chapter 8: Call
Chapter 9: Truth
Chapter 10: Lie
Chapter 11: Accident
Chapter 12: Death
Chapter 13: Life
Chapter 14: Mother
Chapter 15: Pain
Chapter 16: Call
Chapter 17: Memories
Chapter 18: Reason
Chapter 19: Home
Chapter 20: Back
Chapter 21: Family
Chapter 22: Rest
Chapter 23: Mess
Chapter 24: Father
Chapter 25: Tears
Chapter 26: Failed
Chapter 27: Start
Chapter 28: Search
Chapter 29: Accept
Amari's Love - Part 1
Amari's Love - Part 2
Amari's Heart - Part 3
SPECIAL CHAPTER
SPECIAL CHAPTER 3

SPECIAL CHAPTER 2

730 46 2
By xxladyariesxx

"You're drinking again."

Natigilan ako sa pagmamasid sa baso ng alak sa harapan ko noong marinig ang boses ni Xavi. Napailing na lamang ako at inisang tungga ang alak na natitira sa baso ko.

"What is this? A deja vu?" tanong nito at naupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. "Ang sabi ni Amari, magpahinga ka at hindi ang uminom dito mag-isa, Von. Go and have some sleep."

"I can't sleep," mahinang sambit ko dito at nagsalin ulit ng alak sa baso ko. Binalingan ko si Xavi at ibinigay ang bote sa kanya. "Help yourself. Wala ako sa mood na ipagsalin ka ng alak."

"Von," mariing sambit nito at kinuha ang bote ng alak sa akin. "Stop doing this, man. Amari's fine, the baby is healthy, so please, stop doing this."

"I can't-"

"You can't what, huh? Von, marami na kayong napagdaanan ni Amari. Huwag ka namang sumuko ngayon."

"I'm not giving up, Xavi." Binalingan ko ito at masamang tiningnan. "I just can't see her like that. She's fragile and I'm afraid that I might break her more if I stay too close to her."

"Jesus, ano ba naman iyang nasa isip mo, Von! Amari's not that fragile. She's a fighter, remember? Hindi ito basta-bastang sumusuko sa isang laban!"

"The moment she decided to keep our baby is the moment she gave up her own life, Xavi. I know her. I know my wife. Alam ko kung ano ang nasa isip nito noong unang beses naming nalaman na buntis ito," nanginginig na turan ko at muling uminom ng alak. "I was happy, okay. I was so damn happy when she told me about her pregnancy but... I knew better. Mas gugustuhin kong hindi na muling magkaroon ng sariling anak kung ang kapalit lang nito ay buhay ng asawa ko."

"Hindi iyon ang gustong mangyari ni Destiny Amari, Von. Ikaw na rin ang nagsabi. Kilala mo ang asawa mo at sa tingin mo matutuwa ito kapag malaman niya na iyan ang nasa isip mo?"

"Sasabihin mo ba sa kanya ang tungkol dito?"

"I will. So, you better fix yourself and freaking rest! Kami na lang muna ang bahala kay Ayah. Magpahinga ka na."

"Fine," saad ko sa pinsan at humugot ng isang malalim na hininga. Akmang tatayo na sana ako sa kinauupuan noong biglang tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Nagkatinginan kami ni Xavi at mabilis kong dinampot ito. Agad kong sinagot ang tawag sa akin noong makitang si Andrea ito, Destiny Amari's cousin. "Andrea?"

"Nasa delivery room na si Amari!"

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig noong marinig iyon sa pinsan ng asawa. Delivery room? Manganganak na siya? No hell way!

"Pumunta ka na dito, Von!"

Napalunok ako at mabilis na ibinaba ang cellphone. Kita ko ang pagkunot ng noo ni Xavi sa harapan ko at noong sinabi ko sa kanya ang nangyayari, mabilis itong kumilos at sinabing siya na ang magmamaneho para sa akin.

"Xavi, bilisan mo!"

Napakuyom ako ng mga kamao noong marinig ang sigaw ni Sasa sa likuran namin.

"Sweetheart, I'm doing my best here. Kung hindi kayo sumama ng mga bata sa amin ni Von, tiyak kong pinapalipad ko na ngayon ang sasakyan ito," ani Xavi at mas binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan niya.

"Cars can fly, daddy?" takang tanong ng anak ni Xavi na siyang ikinatawa namin. Binalingan ko sila Sasa sa likuran at tipid na tinanguhan ito. Tumingin naman ako sa anak ko na tahimik na nakatingin sa labas ng sasakyan.

"Ayah," tawag pansin ko dito na siyang ikinabaling nito sa akin. "Mommy and our little buddy will be fine. Don't worry, okay?"

"I know that daddy," mahinang sambit ng anak ko at ngumiti sa akin. "Mommy is strong. She will overcome this. She will-"

"We're almost there." Napaayos ako nang pagkakaupo at tumingin sa harapan. Namataan ko ang ospital kung saan nanganganak na ngayon si Amari at inihanda ang sarili sa pagbaba. At noong itinigil na ni Xavi ang sasakyan, hindi na ako nagpaalam sa kanila at mabilis na tumakbo papasok sa ospital. Agad kong tinungo ang palapag kung nasaan ang delivery room at noong mamataan ko sila Adliana at Andrea, mabilis kong tinakbo ang distansiya namin at nilapitan ang mga ito.

"Where is she?" tanong ko na siyang ikinabaling ng dalawa. "Nasa loob pa rin?"

"Yes," mahinang sagot ni Adliana at namataan ko ang paghugot ng isang malalim na hininga. "She was bleeding-"

"She was bleeding because she's about to give birth. Calm down, Adliana," sambit naman ni Andrea at hinarap na ako. "I think you should go inside the delivery room, Von. Kakailanganin ka ni Amari sa loob."

"She's not having a natural birth, Andrea. Mas makakabuti siguro na maghintay na lang tayo dito hanggang sa matapos na sila sa loob," muling wika ni Adliana at napaupo na lamang sa upuang nasa tabi nito.

Mayamaya lang ay dumating na rin sila Xavi at Sasa kasama ang anak nila at si Ayah. Agad nilang tinanong ang kondisyon ni Amari at kagaya ng mga sinabi nila sa akin, iyon din ang isinagot nila sa mag-asawa. Minuto lang lumipas ay ang mga magulang naman namin ni Amari ang dumating sa ospital.

Naupo ako sa pinakasulok na bench at napayuko na lamang. Humugot ako ng isang malalim na hininga at natigilan na lamang noong maramdaman ang paghawak ni mommy sa kamay ko.

"Everything will be fine, anak. Don't worry too much. Pinaghandaan natin ang araw na ito kaya naman ay natitiyak kong walang magiging problema sa mag-ina mo."

"Sana nga, mom. Sana nga."

"Come on. Don't say that Von," anito at mas humigpit ang pagkakahawak sa kamay ko. "Amari and our little angel will be out of the delivery room soon. Both healthy and alive, okay?"

Tumango na lamang ako sa ina at noong bumukas ang pinto ng delivery room, halos sabay-sabay kaming bumaling dito. Mabilis akong tumayo at nilapitan ang doktor ng asawa.

"Are they okay?" Iyon agad ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko inalis ang paningin sa doktor at noong tumango ito, tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. Napahugot ako ng isang malalim na hininga at napamura na lamang. "Thank you," bulalas ko dito ngunit noong magsalita na ang doktor, mabilis akong naging alerto.

"The baby is fine, Mr. Henderson. It's a healthy baby boy. Inaasikaso na ito ng mga nurse at mayamaya lang ay makikita mo na ito." Tahimik akong napatango dito at hinintay ang susunod na sasabihin nito. "And about your wife-"

"Is she okay?" kinakabahang tanong ko dito.

"Von, let the doctor-"

"Please tell me that my wife is okay. Please, I'm begging you."

"Daddy, calm-"

"Please." Pakiusap kong muli dito.

"Noong makarating na kami dito sa delivery room, it was too late for us to do the c-section."

"What? Doc, hindi puwedeng mangyari iyon!" ani Adliana na siyang mabilis na pinigilan ng daddy niya.

"I'm so sorry but Amari choose to do the natural way of giving birth, Mr. Henderson. Simula pa lang, ito na ang nais niyang gawin."

"Oh my God!" rinig kong bulalas ng mga kasama ko samantalang nakatingin lang ako sa doktor ng asawa ko.

"She managed to give birth but... her body collapsed after hearing your son's cry."

"Nasaan na ngayon ang asawa ko?"

"She's being monitored right now, Mr. Henderson. One of the best cardiothoracic surgeons we have here is currently monitoring her condition."

"Can we operate her here? In this hospital?" mahinang tanong ko dito na siyang ikinailing nito.

"I can't answer that, Mr. Henderson. Papapuntahin ko na lamang si Doctor Hidalgo dito para siya na lamang ang sasagot sa mga tanong niyo. Excuse me." Nagpaalam na ito sa amin at bumalik na sa loob ng delivery room. Napatingala na lamang ako at mariing ipinikit ang mga mata.

"Mommy will be fine." Natigilan ako noong marinig ang boses ni Ayah. "She promised me that she will be fine. Mommy will never lie to me. She will be fine." Umiiyak na ngayon ang anak ko kaya naman ay mabilis ko itong binalingan. Nakayakap na ito ngayon kay Andrea habang mas lalong lumalakas ang mga hikbi nito. "Daddy Veron will not allow this to happen! Hindi niya kukunin si mommy sa akin!"

"Ayah, calm down, darling," alo ni Andrea at tiningnan ako. "Talk to her, Von."

Hindi na ako nagsalita pa at mabilis na nilapitan ang anak. Hinawakan ko ang kamay nito at pinaharap sa akin.

"Ayah," mahinang tawag ko sa anak at hinaplos ang basang pisngi nito. "Your daddy Veron won't take her from us. Hindi ko hahayaang makuha nito ang mommy. Stop crying, baby. We need to be strong for your mom and little brother. We promised mommy too, remember. We won't cry until we see them both out of this room." Maingat na tumango ang anak ko sa akin at niyakap ako.

"I'm sorry, daddy. I was just scared."

"No need to be scared, baby. Daddy's here."

Umabot ng isang oras ang paghihintay namin kay Amari sa labas ng delivery room. Noong kausapin kami ng isa sa doktor na naka-assigned dito, mabilis kaming umalis sa labas ng delivery room at hinintay na lamang itong mailipat sa may ICU.

Tumahan na rin si Ayah kakaiyak at niyaya nila Sasa na pumunta sa cafeteria para kumain. Sumama na rin sila Adliana at Andrea dito kaya kami na lang nila mommy at ang mga magulang ni Amari ang natira at naghihintay sa susunod na sasabihin ng mga doktor nito.

"Destiny Amari really fought hard this time." Natigilan ako noong magsalita si daddy, Amari's father. "Alam mo bang sinabihan ko itong ipaglaban ang buhay na mayroon kayo ngayon at i-give up na lamang ang bata?"

"Dennis-"

"I'm so sorry, Von. Alam kong wala ako sa posisyon para sabihin iyon sa anak ko pero hindi ko kakayanang mawala si Destiny Amari. Walang magulang ang nanaising mauna ang anak sa paglisan sa mundong ito."

"Dennis, ikaw na rin ang nagsabi, Amari fought hard this time. Hindi niya tayo iiwan. Lumaban ito kaya naman ay dapat magpakatatag ka at lumaban na rin. Para sa kanya, para sa apo natin," ani mommy, Amari's mom, at niyakap na ang asawa. Napabuntong-hininga na lamang ako. Tumingin ako sa kawalan habang unti-unting nadudurog ang puso ko sa mga maaring mangyari sa mga susunod na oras.

Minsan na itong nawala sa akin noon at nangako ako sa kanya na kailanman ay hindi ko na ito pakakawalan pa. That was my vow to her, and I tend to do that no matter what! Pero sa mga nangyayari ngayon, sa kalagayan niya, tila ako ang mas nasasaktan at unti-unting namamatay para sa asawa ko.

Amari loss so much weight. Dahil sa pagbubuntis nito, we expect her to gain more but it was the opposite one! With her heart condition, we did everything to balance her diet, but it was not enough! Everything I did for her, to save both my wife and our baby, was not enough! Damn it!

"Von."

Napamulat ako ng mga mata noong marinig ang mahinang pagtawag sa akin ng aking ina. Mabilis akong napaayos nang pagkakaupo noong mapagtantong nakatulog na pala ako habang hinihintay ang paglipat nila kay Amari sa may ICU. Napabaling ako sa gawing kanan ko at napatayo na lamang noong makita ang doktor ng asawa. Agad kong tinanong ito at napaawang na lamang ang mga labi sa mga tinuran nito.

"We're losing her, Mr. Henderson. Makina na lamang ang tanging bumubuhay sa asawa mo ngayon."

No. This can't be happening!

"What about our plan? Imposible na ba iyon, doc?" Nanginginig na tanong ni mommy at hinawakan ang kamay ko. "We need to treat her. To have her second heart transplant."

"The procedure itself is too dangerous for her, I'm sorry. At isa pa, hindi natin maaring ilabas ang pasiyente sa ICU. Hindi natin magagawa ang paglipat sa ibang ospital para sa treatment niya," sambit ng doktor at tiningnan akong muli. "It's you decision, Mr. Henderson. Alam kong hindi ito madali pero hindi na kayang huminga ng asawa mo mag-isa. And her heart, it's too weak to beat and to stay her alive. Sa nangyari sa delivery room kanina, if we were a second late, hindi ko alam kung kaya ko ba kayong harapan pagkatapos ng lahat na ginawa natin para mailigtas lang silang pareho ng anak mo."

"Wala na ba talagang ibang paraan, doc?" mahinang tanong ko na siyang lalong ikinahigpit ni mommy sa pagkakahawak sa kamay ko. "Hindi na ba talaga kayang iligtas ang asawa ko?"

"I'm really sorry, Mr. Henderson, but I think we already did our best here. Ikaw, ang asawa mo at ang baby. You three did a good job. Alam niyong imposibleng mangyari ito but you three hung in there and continue her pregnancy."

"But my wife-"

"Your wife is a mother, Mr. Henderson. Sa kahit anong sitwasyon, anak niya ang pipiliin niya."

Continue Reading

You'll Also Like

108K 696 132
HI! this story's are made by @SuperNinja and @hello_humans! If you like them then follow the usernames that are above! THANK YOU and ENJOY! Book has...
57.7K 3.4K 14
"in this game, it's only kill or be killed." Class A has always been the paragon of the university. A class made of elites that excels in scholastic...
7.9K 323 27
James Potter and Regulus Black are hiding their relationship from Regulus's brother, and James's best friend, Sirius Black. Main ships: Jegulus (obvi...
5.6K 422 13
𝐌𝐢𝐫𝐚𝐜𝐥𝐞 ― a lonely girl wishes for a miracle causing a fictional character to tear through the pages of a comic book [highest rank: #3 in yeon...