Until Our Path Cross Again

By wimpearl

1.7K 66 0

completed September 28- December 10 More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65

CHAPTER 13

46 1 0
By wimpearl


"Good morning daph," pag bati sa akin ni Clyde.

"Good morning," bati ko naman sa kaniya pa balik.

I'm busy arranging my papers kaya naman hindi ko na siya gano'ng pinansin.

Narinig ko nalang iyong mga tunog ng pusa kaya naman hindi ko na siya inabalang tignan pa. Alam ko naman na do'n talaga ang diretso niya tuwing dumarating siya rito sa condo ko.

Buti nalang talaga ay hindi gano'ng mabigat ang trabaho ko sa coffee shop. Nagkakaroon pa rin ako ng oras para makapag isip.

Minsan naiisipan ko na mag workout. Pero hanggang isip lang ang mga iyon dahil pakiramdam ko mananakit lang ang buong katawan ko kung ipagpapatuloy ko 'yon. Kaya naman nauuwi nalang ako sa pagyoyoga kapag pakiramdam ko punong puno na ng karga ang utak ko.

So far, effective naman.

Habang nag aayos ng mga papel, nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ko si Clyde na walang face mask na suot.

Nasa couch kasama ang mga pusa!

Agad akong tumayo at kinuha ang dalawang pusa palayo sa kaniya. "Wala kang facemask!" Sabi ko habang tinuturo ang mukha niya.

Nahalata ko ang pagtataka sa mukha niya no'ng una pero napalitan din ito ng pag tawa kalaunan.

Hindi niya ba naintindihan 'yong sinabi ko?

"Hindi mo ba naintindihan 'yong sinabi ko? Wala kang facemask Clyde! Bakit ka lumalapit sa mga pusa?" Pag ulit ko sa kaniya dahil medyo naiirita na ako sa pag tawa niya.

Kahit na alam ko naman na mayaman sila at kayang kaya niyang ipagamot ang sarili niya kung ano man ang mangyari kahit anong oras, siyempre hindi pa rin mawawala sa akin ang guilt kapag may nangyari sa kaniyang masama.

Nandito siya sa lugar ko at mga pusa ko ang kasama niya. Kahit pa sabihin na pusa namin siyang dalawa, hindi pa rin ako mapapakali kapag may nangyari sa kaniya.

"I'm now taking antihistamine," aniya bago lumapit sa akin para kunin ang mga pusa sa bisig ko.

I know that. That's for his allergy.

Huminga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. "Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Ngayon ka lang nag tanong, e." Sagot niya naman.

I rolled my eyes. Pilosopo.

"So, nag patingin ka na sa doctor?"

"Yeah. We just did a skin test and blood test, then after that, they gave me a antihistamine." Pagpapaliwanag niya.

Tumango naman ako sa mga sinabi niya.

Mukhang ang saya niya ngayong nakakalapit na siya kila Bella at Rocky ng hindi nag mamask.

Niyaya ako ni Clyde ngayon para ihatid. Pumayag naman ako dahil nitong mga nakaraang araw, busy ang mga tropa niya sa mga ginagawa nito kaya naman nawawala na rin iyong kaba ko kahit papaano.

Nagiging komportable na rin ako na sumabay sa sasakyan niya habang tumatagal.

Hyss.. nakakamiss din kasi na magkaroon ng sasakyan. Nasanay rin ako sa province na hatid sundo ng sasakyan namin.

"Bakit busy ngayon ang mga kaibigan mo?" Tanong ko sa kaniya habang nasa loob kami ng sasakyan niya papunta sa AU.

"I don't know," simple niyang sagot habang ang mga mata ay nasa daanan pa rin.

Gusto ko lang talagang basagin ang katahimikan sa pagitan namin.

Alam kong mahilig ako sa tahimik na kapaligiran noon pa man. Pero simula nang makilala ko si Clyde, parang hindi ako sanay na tahimik kaming dalawa. That makes me feel weird. Siguro, maliban na lang kapag nag-aaral kami parehas.

"Bakit pala iba ang section niyong dalawa ni Waylon kila Miguel at Nate?" Muli kong tanong.

Si Miguel at Nate kasi ay magkaklase sa C5. Si Waylon naman nasa C2 at siya nasa C1.

"Waylon is naturally smart also. Like you," pagsagot niya sa tanong ko.

Kung gano'n bakit wala siya sa C1?

"Halata naman. Then you? Why are you in C1?"

"Because of dad," sagot niya. Mukhang hindi komportable sa mga itinatanong ko. "He transfer to that section because he want me to has a good background. Eventhough I am not that deserving to be in that place."

I bite my lips.

"I'm sorry. I know that you are also deserving to be there but you are just closing your heart and mind that's why that is becoming you reality," sabi ko naman sa kaniya. "A lot of people said that what you are thinking of, send it out to the universe, and the universe itself take those vibrations back to you. You are the only one who can change your life. Do you want to change it? Then, you have to change your mind first, because whatever you think of, manifest itself into reality."

Sa kalsada pa rin nakatutok ang mga mata niya.

"In short, sarili mo lang ang kalaban mo ano man ang mangyari." Pagdagdag ko.

Nang makarating kami sa parking lot ng AU ay agad ko ng kinuha ang mga gamit ko at aamba ng bababa ng sasakyan ni Clyde.... Pero nakita ko si Louisa na nando'n at may kasamang lalaki...

Ito yata 'yong boyfriend na sinasabi niya.

Hinila ko kaagad si Clyde pa balik aa sasakyan niya nang makita ko na pababa na rin siya ro'n.

"Pwedeng maya maya onti?" Pag tanong ko.

Kumunot ang noo niya sa biglaang pag hatak ko sa kaniya pabalik dito sa loob ng sasakyan.

"Why?" Taka niyang tanong. Ngunit nang makita niya na may tinitignan ako sa labas ay mabilis na niya itong nakuha. "Okey. "

Akala ko ay aabutin kami ng ilang minuto kakaantay sa loob ng sasakyan para lang antayin ang pag alis ni Louisa. Buti nalang at  halos limang minuto lang naman ang tinagal nila sa labas ng sasakyan kasama ang boyfriend niya. Ewan ko kung ano iyong nangyari pero paglipas ng limang minuto ay bigla nalang silang nawala. Hindi ko rin naman kasi sila tinitigan.

Ang sabi lang sa akin ni Clyde, pumasok na raw do'n sa loob ng sasakyan.

Kaya naman bumaba na kami ro'n at dumiretso na sa first class namin. Hindi kami nag sabay sa paglalakad. Sinabi ko kay Clyde na may dadaanan lang ako saglit at mauna na siya para hindi kami magsabay ng dating sa room. Ang sabi niya no'ng una ay sasamahan niya na lang ako. Buti nalang at naisip kong sabihin na mag rerestroom ako.

Ayon bumigay din at nauna ng pumunta sa room.

Grabe ang tahimik ng room namin no'ng tuluyan na akong makarating ro'n. Akala ko ando'n na ang prof namin kaya naman kumalabog ang puso ko kasabay ng paghakbang ng mga paa ko.

Nang makita ko si Krisha na nakayuko ay do'n lang ako nakahinga ng maluwag.

Kahit naman kasi palatulog itong si Krisha, kahit kailan hindi naman siya yumuko habang nag lelecture ang prof. namin.

My good manners pa rin naman kahit antok na antok na.

Tiningnan ko rin si Clyde na nasa unahan. Nakikipagusap siya sa katabi niya. Nang mahagip ng mga mata niya ang prisensya ko ay agad akong umiwas at nag lakad papasok.

Umupo na ako sa upuan ko nang tuluyang makapasok sa loob ng room. Nilabas ko ang mga importanteng bagay na kakailanganin namin para sa subject na 'yon. Hindi ko naman na ginalaw si Krisha sa pag tulog dahil mas nilaan ko nalang iyong atensyon ko sa pagrereview ng ibang mga lessons namin.

Lumipas ang sampung minuto pero wala pa ring prof. na nagpapakita sa amin. Ang sabi ng class beadle ay baka malelate lang daw dahil wala namang message na hindi ito papasok.

Nag patuloy ako sa pagbabasa.

Nakita ko naman si Clyde na nagbabasa na rin ng libro niya.

"Class may message na si Ma'am. Hindi raw siya makakapasok dahil may meeting siyang kailangan attendan," sabi ng class beadle namin nang mag message sa kaniya ang prof. namin para sa class na iyon.

Agad na naghiyawan ng bahagya ang mga kaklase ko. 'Yong iba naman ay halata sa mga mukha ang pagkahinayang.

Hindi naman kasi lahat ng tao rito sa klase na ito ay puro pahinga lang ang gusto. 'Yong iba gusto ring matuto.

Pero ako, ayos naman ako sa kahit na ano. May advantage naman ang hindi pag pasok ni ma'am. Makakapag review ako para sa ibang subject, pero siyempre meron ding disadvantage. Tuwing hindi kasi pumapasok ang mga prof. namin, minamadali nila ang lesson pagkabalik nila para maihabol iyong lesson na hindi nila pinasukan.

In that case, wala kami masyadong maiintindihan dahil minamadali masyado ang pagtuturo.

Magbabasa nalang siguro ako ng mga lesson na ituturo dapat ni ma'am ngayon para maintindihan ko pa rin sa susunod kahit na hindi maayos ang pagkakaturo.

Agad na gumawa ng pabilog na hugis ang mga kaklae ko gamit ang mga upuan nila upang magharap harap ang mga ito.

Ganito ang mga nakasanayan ng iba kapag wala ang prof. namin. Nag eenjoy sila at nagkwekwentuhan ng mga kung ano-anong bagay.

Si Krisha naman sa tabi ko ay gano'n pa rin ang posisyon. Wala siguro 'tong alam sa mga nangyayari sa paligid niya.

Si Louisa naman ay agad na lumabas ng room namin ng iannounce ng Class beadle ang hindi pag pasok ni prof.

Hindi naman siya ganito no'ng wala pa siyang boyfriend, pero masaya naman ako para sa kaniya. Atleast, hindi na niya sinusumpa ang mga lalaki katulad ng ginagawa niya no'ng nakaraan.

Hinarap ko nalang ang libro sa mukha ko para masimulan ko na ang pag aaral. Pero nang marinig ko ang mga bagay na pinaguusapan ng mga babae na nasa likuran ko ay agad na nawala ang focus ko sa mga letra na nakalagay sa libro na 'yon.

"Yes girl! Hindi ko alam na sa bar lang pala makakita ng mga gano'ng lalaki," pagsasalita no'ng isa sa kanila.

Tumawa ang isa sa kanila. "Sabi ko nama sa'yo 'di ba? Marami sa mga lalaki sa bar, magagaling!"

Kumunot ang noo ko.

"Hay nako! Pakiramdam ko nasa langit na ako no'ng mga oras na 'yon, at ito pa, pagkatapos na pagtapos namin ay pakiramdam ko winasak ang buong pagkatao ko sa sakit."

Tumawa sila sabay sabay.

"It's not your first time 'di ba? Pero masakit pa rin?" Kuryosong tanong no'ng isa sa kanila.

"Oo! Grabe naman kasi ang size at ang performance!"

Napatakip ako sa bunganga at tainga ko dahil sa mga nalalaman ko.

Bakit kailangan pa nilang pagusapan ang mga ganitong bagay? Wala ba sa kanila 'yong tinatawag na 'privacy'?

Huminga ako ng malalim at nagsimulang basahin muli ang mga salita na nasa libro.

"Oo, kakaiba nga kapag walang condom."

"Try mo naman sa susunod sis, iba't ibang lugar!"

Wtf?

Hindi ko na kakayanin dito. Pakiramdam ko ay mamamawis na iyong buong katawan ko dahil sa mga naririnig ko.

Puwede bang bilisan ng orasan sa pagikot? Mas gugustuhin ko nalang makinig sa mga lesson na mahihirap kaysa marinig itong mga bagay na ganito.

Nakakatanggal ng kainosentehan!

I know that this is just normal but I can't help my self to not feel awkward when it comes to conversation like this.

Hindi pa ako kasali sa paguusap nila, ah. Nakikinig lang ako pero pakiramdam ko hiyang hiya iyong buong pagkatao ko dahil nahagip ng tainga ko iyong paguusap nila.

Aalis na sana ako para lumabas nalang muna at antayin kung kailan sila matatapos ng maramdaman ko ang pagtaas ng ulo ni Krisha.

"Sarap ng tulog ko," aniya habang nagmadaling kumuha ng kung ano sa bag niya.

"Wala si prof." Pagsabi ko. Baka notebook iyongkinukuha niya dahil akala niya papasok si prof.

Almost 30 minutes na ang nakakalipas ngayon lang siya nagising. Hindi niya ba talaga namamalayan na masyado na siyang natatagalan sa pag tulog?

Umikot ang mga mata niya para tignan ang paligid dahil sa sinabi ko.

Nang mapagtanto niya na wala nga si prof ay agad siyang tumawa.

"Ilang minuto na ba akong tulog?" Pagtatanong niya. "Akala ko 5 minutes palang kaya dali dali kong kinuha 'yong notes ko."

Agad ko naman siyang sinagot kung ilang minuto na siyang nakakatulog. Sinabi ko na rin sa kaniya iyong dahilan kung bakit wala si prof. Natigilan lang kami sa paguusap ng biglang lumapit si Paul sa pwesto ko.

"Hello daph, can I talk to you?" Tanong niya habang nakangiti.

Ang ganda ng bawat ngiting binibitawan niya. His dimples below the corner of his lips makes him more attractive to be talked with. Kaya naman tumango ako kaagad sa tanong niya.

"I have a problem kasi. I've been having a hard time understanding our lessons in English 13. If it's okey with you, can you teach me?" Friendly niyang tanong.

Akala ko madali nalang para sa amin ang English 13 dahil hindi naman na siya gano'n ka hirap, pero siyempre, maaaring madali lang 'yon sa amin pero mayron pa ring iba na hindi ito naiintindihan.

"Okey, sure. Kailan ba?" Tanong ko. Hindi ko kasi alam kung matutulungan ko siya kapag weekdays. Pumapasok pa kasi ako sa coffee shop.

"What about on Sunday?" Tanong niya.

Papayag na sana ako ng sunday kaso biglang nagsalita si Krisha..

"We have plan on Sunday kasi Paul. Maybe next time," aniya.

Huh? Wala naman kaming plano ng sunday, ah?

Tuwing niyayaya ko siya tuwing weekend palagi niyang sinasagot sa'kin na kasama niya ang family niya at may pinupuntahan sila.

"Okey. Sige thanks daph, next time nalang," Sabi ni Paul paalis sa pwesto namin habang mukhang disappointed dahil sa sagot na nakuha niya.

I don't know what's happening to Krisha pero alam ko na dahil sa mga sabi sabi at balita na may gusto sa akin si Paul ay siguro pinoproteksyonan niya lang ako. Just like what she always saying.

Pero hindi ko alam bakit ayaw na ayaw niya kay Paul. Mabait naman 'yong isang 'yon.

Weird.

Continue Reading

You'll Also Like

MIRACLE By Ara

Teen Fiction

312K 11.4K 45
"My mother named me Miracle, but I am anything but a miracle in her and our family's life. I am a mistake. I am a product of a heinous crime." Miracl...
Lucent By ads ❀

Teen Fiction

329K 7.5K 27
lucent (adj); softly bright or radiant ✿ ✿ ✿ My brother's hand traces the cut on my right cheek for some minutes. I have no idea how a cut can b...
1.1M 26.1K 48
Luciana Roman was blamed for her mother's death at the age of four by her family. She was called a murderer until she was shipped onto a plane for Ne...
128K 17.7K 99
Title- Description All credits to Original author and E -translators . only unicode ဖတ်ပေးကြပါဦး