M

By maxinelat

6.3M 290K 550K

#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around... More

Disclaimer
PANIMULA
MAXPEIN MOON
MOON JIN AH
MAXIMOR MOON
MAKSIMO MOON
MOON DEIB LOHR
MAXSPAUN MOON
MAXSPAUN MOON : PART 2
MAXSPAUN MOON : PART 4
MAXSPAUN MOON : PART 5
MAXSPAUN MOON : PART 6
MAXSPAUN MOON : PART 7
MAXSPAUN MOON : PART 8
MAXSPAUN MOON : PART 9
MAXSPAUN MOON : PART 10

MAXSPAUN MOON: PART 3

316K 13.6K 24K
By maxinelat

MAXSPAUN MOON : PART 3

"NAIH," TINAWAG ni Maxpein ang kaibigan. "Dalhin mo na muna si Zaydie sa loob, manood kayo ng movies habang nagmemerienda. May practice si Spaun at hindi magandang makita ni Zaydie ang mga gagawin niya."

"Ay, oo nga, sige," sagot ni Zarnaih na mabilis nilapitan ang anak. "Halika muna sa loob, anak. Hindi para sa magagandang babae ang gagawin ng kaibigan mo."

Awtomatikong tumaas ang kilay ni Zaydie at pinagkrus ang mga braso. Para itong prinsesa sa pagkakaupo sa maliit na silya at mesa ni Spaun. Saka deretsong tumingin sa kaniyang ina.

"Kaibigan?" maarteng anang bata. "He's not my kaibigan, mommy. My kaibigans are Eloise Fulton and Matilde Aboitiz."

"Oo na, anak. Halika na sa loob."

"I don't want to go inside, mommy. I want to stay here and watch."

"Manonood na lang tayo ng show sa TV."

"I don't want to watch TV."

"Zaydie, may practice si Maxspaun at hindi tayo pwedeng manood dito.

"Why?" tugon ng batang babae, lalong pinagkrus ang mga braso at hinarap si Maxspaun. "Can't you do it while I'm watching?"

Nilingon ni Spaun ang halos kaedarang bata. "Of course, I can."

"Why do we need to go inside, then?"

"Because what I'm about to do isn't for kids like you."

"Ha!" maldita ang batang babae. "You are also a kid, so, stop acting like an adult, Maxspaun." Nakasimangot siyang lumapit kay Zarnaih at maarteng inangat ang kamay niya habang masama pa rin ang tingin kay Spaun. "Let's go, mommy. I no longer want to stay where this grumpy little feeling old kiddo is."

Pabuntong-hiningang tiningnan ni Spaun ang batang babae. Saka bumaling sa ina matapos pumasok ng mga bisita sa mansyon nila. Napairap si Maxpein sa palitan ng salita ng dalawang bata. Ano't pinagtatalunan ng dalawa ang edad gayong pareho ang mga itong hindi man lang umabot sa siko niya?

"She's such a brat, mama." Masama ang mukha ni Spaun.

"She's just like that because you're friends," nakangiting tugon ni Maxpein.

"Friends, huh? I don't wanna be friends with her. I can't even remember her name."

"Her name is Zaydie, Spaun."

"Can we just start now, mom?"

Umangat ang gilid ng labi ni Maxpein at inilingan na lang ang anak. Siya ang ina pero ang namanang ugali nito ay gano'n sa mga kapatid niya. Dahil ba lalaki rin itong tulad no'ng dalawa? O hindi lang talaga niya namamalayan ang ugali niya? Dahil sa pagkakaalam niya, maintindihin siya at mahaba ang pasensya, bukod sa tahimik at hindi basta pumapatol. Mas gusto niya ang katahimikan kaysa makipagpalitan ng maaanghang na salita na hindi naman makadaragdag sa kapayapaan ng buhay at angas niya.

Natahimik ang buong bakuran ng pamilyang Enrile. Lahat ng mga matang naro'n ay tutok sa mag-inang Maxpein at Maxspaun na noon ay magkaharap at pareho nang handa sa ipakikitang ensayo. Parehong nasa likuran ang mga kamay at nakatingin sa isa't isa.

Naunang yumuko nang malalim si Maxspaun na sinundan nang mababaw na tango ni Maxpein. Umawang ang bibig ng karamihan nang humugot ng espadang gawa sa kahoy si Maxspaun. Iwinasiwas nito iyon sa ere na gumagawa ng ingay sa hangin, patunay ng sapat na lakas, na para bang kaytagal na nitong gumagamit ng armas. Gayong kailan lang nang magsimula itong turuan.

Nakangiti, nananatiling nasa likuran ang mga kamay, naglakad si Maxpein paikot sa kinaroroonan ng kaniyang anak. Habang pinanonood itong ipakita ang paraan nito sa paggamit ng espada. Na aaminin niyang kahanga-hanga na para sa edad nito. Hindi niya maalalang tinuro niya ang karamihan sa mga pinakita nito. Pero sa dami ng nakagugulat na pinakita ni Spaun, paghanga ang pumupuno sa puso at mga ngiti niya ngayon.

Pasimpleng humugot ng espadang kahoy si Maxpein nang mapantayan ang mesa. Itinago niya 'yon sa likuran nang hindi inaalis ang paningin at ngiti sa anak niya. Itinaas ni Maxspaun ang kamay at paulit-ulit na pinaikot sa ere ang espada habang sinasangga ang kunwang kalaban na ito lang ang nakakakita. Nagpaikot-ikot ito sa kinatatayuan at hindi inaasahang pagharap ay siya na pa lang pagsugod sa kaniya.

Awtomatikong sinangga ni Maxpein ang atake ni Maxspaun. Natigilan nang maramdaman ang dumagdag na bigat sa pwersa no'n. Gayong kanina lang ay tila tingting ang gamit nito, wala siyang maramdaman. Muling umatake si Maxspaun, tinitimbang at sinusukat ang bawat kilos. Ngunit muling natigilan si Maxpein nang muling madagdagan ang bigat niyon. Nararamdaman niya ang dumaragdag na pwersa dahil humigpit ang pagkakahawak niya sa sariling espada. Sa ikatlong pagkakataon ay umikot si Maxspaun at pagharap ay inatake ang espada niya. Nawala ang lahat ng emosyon ni Maxpein nang tunay nang bigat ang naramdaman niya.

Ganito rin ba ang naramdaman ng mga magulang na nagsanay sa kaniya no'ng bata siya? Hindi niya mapangalanan ang emosyon. Sa t'wing may ipakikitang bago ang anak niya, bubugso na lang bang parati ang damdamin niya? Hindi ba't matindi ang tiwala niya kay Maxspaun? Bakit kailangan niyang mabigla at mamangha nang ganito katindi? Nangingilid ang luha niya sa paghanga at nangingiti man, parang iiyak na siya sa tuwa.

Napakalaki ng pinagkaiba nila. Ni hindi niya matandaang humawak siya ng armas, gawa man sa kahoy sa gano'ng edad niya. Ang tanging natatandaan niya ay sama ng loob sa paggising nang maaga. Hindi niya nalilimutan ang bigat ng pagbangon sa umaaga at mga hakbang saan man magpunta. Hindi niya nakikita kay Maxspaun ang mga 'yon. Nasa mata nito ang interes at kagustuhan sa ginagawa.

Gaya ni Spaun ay interesado rin naman siya sa mga rango, ang totoo natutuwa siyang makita ang armas ng mga ito. Pero bakit hindi siya natuto nang ganito? Siya ang ina pero bakit magkaiba ang interes nila?

Awtomatikong nahinto sa malalim na pag-iisip si Maxpein nang magulat sa malakas na tapik sa siko niya. Kung mas malalim pa ro'n ang pag-iisip niya ay siguradong nabitiwan niya ang kaniyang espada.

Mahusay...

Tinitigan niya si Spaun at sa isang sulyap ay mukhang alam nitong sandaling nabaling sa iba ang atensyon niya.

"Damn, he's a Moon," ani Maxwell, hindi maipaliwanag ang paghanga.

"Basic," mayabang na ani Deib Lohr.

Bumilib na pumalakpak si Mokz. Tumango-tango si Maximor. Elegante ang nagmamalaking ngiti ni Maze Moon. Nakangiti sa tuwa si Heurt dahil napakabibo ng kaniyang apo. Habang wala namang nagbago sa itsura ng cheotjae, nag-aabang ng mapapanood. Naisip ng dating hukom na tapik pa lang 'yon pero gano'n na ang reaksyon ng pamilya nila. Ano na lang kung humigit pa rito ang ensayo? 

Ngumisi si Maxpein. "You wanna show off, hmm?"

Bumuntong-hininga si Maxspaun. "That brat took my milk."

"Brat?"

Umangat ang labi ni Maxpein at napasulyap kay Zaydie. Kahit tutok sa anak ay alam niyang nasa balcony ito at mataray na pinanonood ang bawat kilos ni Spaun. Saka siya muling nagbaba ng tingin sa anak at hindi makapaniwalang nakuha na naman nito ang ugali ng bunso niyang kapatid. Ang siyang pinaka-bratinelo na nakilala niya sa buong mundo, at pilit binibintang sa ibang tao ang pagiging brat kahit na ang totoo ay deskripsyon iyon nang buo nitong pagkatao. Si Maxrill Moon.

'Ayun na naman ang pagkokompara niya, kahit hindi dapat, hindi rin niya maiwasan. Noon sa inggitan at buyuan ng kani-kaniyang abilidad ang pinagtatalunan nila ng mga kaedaran niya. Ngunit ang mga modernong batang ito, gatas ang dahilan ng pagmamaktol.

Napabuntong-hininga si Maxpein nang maisip na hindi malayong dumaan din si Spaun sa kompetensya. Kung saan ang sukatan ay kung ano ang kakayahang ipakikita ng bawat isa, at hindi kailanman ang dedikasyon at paggawa ng mabuti.

"I'll be considerate and merciful, let's do this light, anak, okay?" nakangiting ani Maxpein.

Nangunot ang noo ni Spaun. "For what, nanay?" saka nito inatake ang kaniyang espada.

"Dahil nagsisimula ka pa lang naman. Tamang pratice lang, gano'n. Let's continue." Iwinasiwas ni Maxpein ang pareho nilang espada, paikot sa 'baba nang hindi inaalis ang pagkakahinang.

"But our family is watching," desididong magpasikat si Spaun, mabilis na nakabawi. Humugot siya ng isa pang espada nang mapantayan ang mesa, kaya gano'n na lang ang gulat ng ina nang magkakasunod niyang masangga ang simple lang namang pag-atake ni Maxpein. Lingid sa kaalaman ni Maxspaun ang tindi ng paghangang naidudulot niya sa ina.

"Yes, they're watching. And?"

"Means, I have to impress them, mom."

"Tss. Spaun, they'll understand that this is just the start."

Awtomatikong inipit ni Maxspaun ang espada ng ina gamit ang dalawang hawak niya. Natigilan si Maxpein.  "You're underestimating me, mommy."

Lalong nabigla si Maxpein. "No," napapahiya niyang tugon. "Of course not. Hindi ko gagawin 'yon." Hindi sumagot si Spaun. "You know I trust you, Spaun. I know you can do everything," mariin niyang sinabi ang huling salita, at akmang huhugutin ang naipit niyang espada.

Lalo pang tumitig si Spaun sa ina saka pinakawalan ang espada nito. "Okay."

Sandaling natigilan si Maxpein. Nahihirapan ba siyang pagsabayin ang ensayo at pakikipag-usap nang malalim sa anak? Imposible. Pero paano nitong napigilan ang paghugot niya ng espada? Lalo na nang ipitin nito 'yon. Iba ang bigat at lakas, hindi niya maipaliwanag. Masyadong mura ang edad nito para magawa 'yon pero nangyari na.

"Kapag nawala ang espadang 'to sa kamay ko, tuturuan kita ng bago," nakangiting ani Maxpein, nagyayabang.

Napabuntong-hininga si Maxspaun, alam niyang magiging mahirap 'yon. Tinalikuran niya ang ina na agad namang sumunod ang paningin sa kaniya. Pareho nilang binabasa at pinakikiramdam ang kilos ng isa't isa. Dinampot ni Spaun ang pinakamalaking pana sa mesa. Isa 'yon sa paboritong pang-ensayo ng Tito Maxrill niya noon. Pana na kung hahawakan ay tila walang timbang sa sobrang gaan. Kaya ang sinumang asintahin gamit 'yon ay nahihirapang kalkulahin ang distansya at pagtama ng palaso. Doon lubos na nahasa ang galing ng kaniyang tito.

"Okay..." hinuhulaan ni Maxpein ang ipakikita ng anak niya.

Tumayo lang siya sa harap nito at hinintay ang susunod nitong kilos. Nangunot ang noo niya nang isabit ni Spaun ang kaha sa likuran. Kasabay ng paghakbang ay siyang pagbunot nito ng palaso. Ngumiti si Maxpein pero palihim niya nang inihanda ang braso.

Kung siya ang masusunod ay handa siyang magpatalo, lalo't mukhang desididong magpakitang-gilas ang kaniyang ineensayo. Pero kabaliktaran ang intindi ni Spaun sa tuwa niya, iniisip na minamaliit niya ito kaya kailangan niyang pumatol kahit papaano.

Okay...what are you going to...do...next?

'Yong hindi pa lang niya mahulaan ang gagawin ng anak, tuwang-tuwa na siya. Sa gano'ng edad, may kakayahan na itong pag-isipin ang kalaban. Darating ang panahong mahahasa ang abilidad nitong 'yon, hindi siya sigurado kung magagawa niya pang ngumiti nang gano'n.

Bumilis ang paglalakad ni Spaun at pinalipad ang palaso, pataas, sa gitna ng kinatatayuan nila, nang hindi inaalis ang paningin sa kaniya. At saka siya tumakbo nang matuon sa palaso ang paningin ng ina. Nangiti si Maxpein nang mahulaan ang gagawin nito. Kaya naman bago pa sila makalapit si Spaun ay umiwas na siya dahilan para madapa ito sa tinatayuan kanina.

Mabilis na tumayo si Maxspaun at akma nang susugod nang matigilan matapos saluhin ng ina ang panang pinalipad niya, nang hindi inaalis ang tingin at magandang ngiti sa kaniya. Lingid sa kaniyang kaalaman, itinatago ng ina ang pagtataka dahil sa halip na magulat o mamangha, walang nagbago sa reaksyon niya.

Pinagpag ni Spaun ang tuhod, nalingat ang paningin ngunit hindi ang kaniyang pakiramdam. Kaya naman nang sumugod si Maxpein ay awtomatiko niyang sinangga ang espada nito gamit ang kaniyang pana. Napaatras siya gayong wala pa sa kalahati ang lakas na ginagamit ng kaniyang ina.

Sapilitang itinulak ni Maxpein ang pagkakasangga ng kaniyang anak at saka muling sumugod. Talagang pinahahanga siya nito, dahil hindi kakikitaan ng takot si Spaun. Alam nito ang gagawin, sigurado siya. At talagang umaalab ang paghanga sa puso niya, umaalon sa hindi maipaliwanag na direksyon at tumitindi pa.

Magkakasunod na umatake si Maxpein na hindi kapani-paniwalang nasangga ni Spaun. Kaya ang kaninang mayabang na ngiti niya ay unti-unting napawi lalo pa nang tuluyang masabayan ni Spaun ang kilos niya. Magkasabay at paulit-ulit na nagkasangga ang espada niya at pana nito sa iisang ritmo na para bang pareho nilang nababasa ang kilos ng bawat isa. Na para bang nahuhulaan nito ang mga susunod na hakbang niya. Hindi 'yon maaari dahil hindi niya makitang nahiharapan ang anak sa kaniyang ginagawa.

"Are you really training me or are we just playing...mom?" kinilabutan si Maxpein nang ibulong 'yon ni Spaun nang magkalapit ang mukha niya.

Saka siya nito itinulak saka mabilis na umikot upang bumuwelo at sipain ang espada niya! Humagis 'yon pero bago pa makalayo sa kaniya ay sinipa niya iyon sa hawakan dahilan para tumalon 'yon pataas at muli niyang masalo.

Muli niyang tiningnan ang anak ngunit sumuot ito sa ilalim niya at tinadyakan siya mula sa likuran. Nawalan siya ng balanse at ngunit nakabawi bago tumimbawang sa mismong harapan. Pagharap niya ay sinalubong niya ang patalong sipa ng anak sa kaniyang dibdib dahilan para muli niyang mabitiwan ang espada. At bago niya pa uli masalo 'yon ay mabilis na 'yong sinipa palayo ni Maxspaun habang nasa ere.

Nang magsalubong ang kanilang tingin ay tinalon ng anak ang leeg niya at inipit sa pareho nitong hita. Saka ito umikot upang tuluyan siyang itumba.

Hindi kapani-paniwala. Hindi lang natigilan, tuluyan nang hindi nakapagsalita at nakakilos si Maxpein. Ang tangi niyang nagawa ay titigan ang anak at punuin ng tanong ang isip.

Nakangiting tumayo si Spaun, pinagpag ang parehong tuhod at siko saka inilahad ang kamay sa ina. "Nice match, mommy."Bakas ang tuwa sa tinig nito.

Tinanggap niya ang kamay ng anak at tumayo ngunit natitigilan pa rin siyang nagbaba ng tingin dito. Saka niya nilingon ang cheotjae na hindi niya inaasahang nakatayo na at titig na titig din sa anak niya. Maging ang mga magulang at kuya niya ay nakatitig kay Spaun na para bang milagrong napatumba nito ang pinakamataas na rango.

"That's my son," nagmamalaki ang tinig ni Deib Lohr, walang ideya sa reaksyon ng mga kasama niyang nanonood.

Pareho silang natutuwa ni Zaimin Yaz. "Ang galing ng anak mo, Deib."

"Tch," walang kasingyabang ang ngisi ni Deib Lohr. "I am the father, what do you expect?"

"Psh. Ang sabihin mo, si Maxpein kasi ang mommy."

"Sa 'kin nagmana ang anak ko."

"Whatever, Deib. I'm not gonna talk anymore, besides, alam ko ang ability ni Maxpein. No wonder kung kanino talaga nagmana si Maxspaun. Oh, I so love his name."

"Tch. Hindi ka sigurado, okay? Kung alam mo lang. Ako ang nagtrabaho para makabuo, hindi si Taguro. Kaya sa 'kin nagmana ang anak ko."

"Eww, will you?" napakaarte talaga ni Yaz.

"I'm sure, hindi magagawa 'yon ng Maximillian mo."

Walang kasintalim ang pag-irap ni Yaz para lang salubungin ang nakakalokong ngiti ni Deib Lohr. "What did you say?"

"Si Maxspaun lang makagagawa no'n."

"Paano ka naman nakasiguro?"

"Dahil malambot ang asawa mo, paniguradong mas malambot 'yang anak mo."

"Psh. At least, mas gwapo sa 'yo ang asawa ko."

"'Yang asawa mo, binasted ng ate ko. At ikaw? Binasted ko. Hindi kayo ni Maxwell 'yong mga tipo namin."

"Oo, dahil ang gusto ng ate mo, babaero at malokong tulad ng ex-boyfriend ng asawa mo."

Nangunot ang noo ni Deib Lohr. "At least, napatino nilang pareho si Randall. Ikaw? Napatigas mo ba 'yang asawa mo?"

"Magkakakambal ba kami kung hindi?" ngumisi si Yaz saka humalakhak. "Hindi ka pa rin nakaka-move on sa tagal ng panahon? Ang feeling mo, 'no? Ang tanda mo na, napaka-bully mo pa rin."

"I'm not bullying you, dork, I'm stating facts. Hehe."Walang makatatalo sa lakas mang-asar ni Deib Lohr. "Umalis ka nga diyan, ang pangit mo." Sapilitan niyang itinabi si Yaz upang palakpakan ang anak. "Ganyang-ganyan si daddy no'ng practice, Spaun! You did a great job!"

"Have you seen my moves, dad?" masayang sinalubong ni Spaun ang ama.

"Oo, napatumba mo ang mommy mo. Ikaw pa lang ang ikalawang nakagawa no'n, ako 'yong una."

"Really? When was that, dad?"

"No'ng..." nasalubong ni Deib Lohr ang masamang tingin ng asawa. "No'ng wala ka pa, anak. Hehe. Nagugutom ka na ba?"

"I want milk," ani Maxspaun saka nag-angat ng tingin sa balcony. "That brat drank my milk." Nagkatitigan sila ni Zaydie. "You can blink now." Pang-aasar niya rito.

Kahit hindi tingnan ni Spaun ang kapwa-bata, sigurado siyang hindi nito inalis ang tingin sa kaniya. Sigurado rin siyang paghanga ang nabasa niya sa mga mata nito dahil sa ensayong napanood.

Inakay ni Deib Lohr ang anak ngunit natigilan nang makitang titig na titig ang mga Moon kay Spaun. Sina Maximor, Mokz, Heurt, Maze, Maxpein, lalo na ang cheotjae, nakatingin sa anak niya na para bang may mali sa ginawa nito kanina.

Ngumiti siya ngunit hindi nabaling sa kaniya ang atensyon ng mga ito. Wala siyang nagawa kundi lingunin ang asawa. Napabuntong-hininga ito at muling tinuon ang paningin sa asawa.

"Bakit?" pabulong niyang tanong, bahagyang inilayo ang anak.

Natitigilang tumingin si Maxpein sa asawa saka muling sinulyapan ang anak. "Wala." Sinalubong niya ang tingin ng cheotjae na tumango-tango sa kaniya. "Magmerienda na muna tayo. Nagpahanda ako ng merienda."

Magkakasama na silang lahat sa mahabang mesa sa dining area, tahimik pa rin ang pamilyang Moon. Inosente sina Zaydie at Maxspaun, nag-iiwasan ng tingin gayong ang atensyon naman ay nasa kilos ng isa't isa. Madada pa rin si Zarnaih habang inaasikaso ang asawa habang si Yaz naman ay dinudulugan din ang kambal nila. Tanging si Deib Lohr ang nakapansin sa wirdong pananahimik ng pamilyang Moon.

"Maxspaun," sa wakas ay binasag ng cheotjae ang pananahimik nila. Ngumiti ito saka pa lang sinulyapan ang bata.

"Cheotjae?" tugon ni Spaun na pilit inaabot ang butter ngunit kulang ang taas at timbang niya. Kinailangan siyang tulungan ni Maxwell.

"Maaari mo bang sabihin sa 'kin kung paano mong natutunan ang mga ipinakita mo kanina?" nakangiting tanong ng matanda.

"Hmm, which one?"

"Lahat."

"Why?" inosenteng tugon ni Spaun, kabado. Saka nilingon ang ina. "May mali ba sa ginawa ko, nanay?"

Napatitig si Maxpein sa anak at saka ngumiti. Umiling siya at hinagod sa buhok ang anak. "Wala. Humahanga kaming lahat sa 'yong pinakita."

Napabuntong-hininga si Spaun saka nilingon ang cheotjae. "I read it on a book. An old book, cheotjae."

"Book?" si Maxwell ang nag-reply.

Tumango si Maxspaun sa tiyuhin. "Do you want me to get it?" baling niya sa ina.

"Are you talking about the red one?" si Maxwell pa rin ang sumagot.

Nilingon ito ni Spaun. "You read that too?"

Umawang ang labi ni Maxwell at saka napasandal. Noon niya nilingon ang pamilya dahil nakumpirma nila dahilan ng pananahimik kanina pa.

"I will get it, please give me a minute." Tumayo si Maxspaun at tumango sa lahat saka nagtatakbo papunta sa 'taas.

Nagkatinginan ang pamilyang Moon. Hindi na nila naitago 'yon sa mga bisita lalo pa't naantig na ang interes ng mga ito.

"Something wrong?" ngiti ni Yaz.

Nagkamot ng ulo si Maxpein at bumuntong-hininga. "'Yong ginawa ni Maxspaun sa practice kanina, hindi akma sa edad niya. Hindi ko inaasahang alam niya lahat 'yon. Nagulat ako."

"Tch, natalo ka lang ng anak mo," pang-aasar ni Deib Lohr.

"Hindi niya 'ko natalo, nagulat lang ako masyado, hindi na 'ko nakakilos," ngiwi ni Maxpein. "Hindi normal na depensa ang mga kinilos niya. Para bang...paulit-ulit niya nang ginawa 'yon para magawa niya nang gano'n kadali."

"Walang mali sa mga kilos niya, tamang-tama ang lahat,"dagdag ng cheotjae.

"What's wrong with that?" sumeryoso na si Deib Lohr nang maramdamang seryoso talaga ang mga Moon. "I mean...we should be proud, right?"

Matunog na bumuntong-hininga si Mokz. "Yes. We are actually proud. But we're also surprised. Because those moves are for adults, Deib Lohr, and they're kind of dangerous. Lalo pa't, masyado pang bata ang anak mo."

"At ang librong binasa ng anak mo..." si Maze Moon na ang nagsalita. "Hindi nakasulat sa salitang maiintindihan sa panahong ito."

"What do you mean?" lalong nalito si Deib Lohr maging si Yaz at iba pang bisita.

"May hindi siya sinasabi sa 'tin," 'yon ang punto ni Maxpein. "Sa tingin ko nagpa-practice siya nang lingin sa kaalaman nating pareho." Pinalitan niya nang magandang ngiti ang seryosong mukha nang matanaw ang papalapit nang anak.

"Here," inabot ni Maxspaun sa cheotjae ang libro saka muling tumango rito at bumalik sa sariling silya.

"What's that?" tanong ni Zaydie sa kaedaran. "A coloring book?"

"Do I look like I'm still into coloring things? You're the only kid here, visitor. Well, except from my cousins."

"Cousins?" tumaas ang kilay ni Zaydie.

Nangunot ang noo ni Maxspaun saka nilingon ang kambal. "Maximillian and Maximilienne are my cousins, just so you're aware."

Nangunot din ang noo ni Zaydie saka nag-angat ng tingin sa ina. Bumuntong-hininga siya saka sinamaan ng tingin si Spaun. "They're my cousins too. How come we're relatives? Eww."

"Anak mo nga 'to," ngisi ni Maxpein kay Zarnaih.

"When did you learn how to read books, Maxspaun? Where did you learn?" nagsalita si Chairman More.

"Read?" hindi na nakatikim ng merienda si Maxspaun sa kakausap ng mga kasama sa mesa sa kaniya. "My mom taught me, chairman."

Kinuha ng chairman ang libro mula sa cheotjae. "This book was given to your mom when she was a kid. Pinababasa 'to sa mga batang nag-eensayo just like you. But...you're too young to understand what's inside this book. That's impressive."

Sinamantala ni Maxspaun ang pakikinig. Dinampot niya ang toasted bread niyang may sweetened butter sa ibabaw at papanawan na ng init. Mabilis siyang kumagat doon at binalik ang paningin sa kaniyang lolo.

"To tell you frankly, grandson..." bumuntong-hininga ang chairman. "I'm proud of what you've shown us earlier."Pumalakpak siya. "I'm curious, how did you learn those moves?"

"From that book, chairman," ngumunguyang tugon ng bata, basta na lang tinuon sa tostadong tinapay ang paningin nang maaliw sa lasa niyon. Hindi halata sa marungis na paraan niya ng pagkain ang kahanga-hangang ipinakita kanina. "This is good, uncle. You should try it," baling niya kay Maxwell."Where is Uncle Maxrill?"

Ngumiti si Maxwell. "Chairman is talking to you, Spaun."

"It's okay. Let him enjoy his food," ngiti ni Chairman More, tinuloy na lang din ang pagkain. Naisip niyang mas mabuting si Maxpein na lang ang kumausap sa anak at hayaan itong kumain.

Tahimik lang si Deib Lohr pero bantay-sarado niya ang kilos ng mga Moon. Hindi niya maintindihan kung ano ba'ng nakakagulat sa pinakita ng anak niya? Naisip niyang natural lang 'yon, hindi dapat magulat ang mga 'to sapagkat siya ang ama. Lahat ng kahanga-hangang pinakikita ngayon ng anak niya ay nagmula sa kaniya.

"Babe," pagtawag ni Deib Lohr, katatapos lang maligo at tinutuyo ang buhok, matapos masulyapan ang asawa na binabasa ang interesanteng libro na pinag-uusapan ng buong pamilya nila kanina. "Hindi ko ma-gets 'yong pamilya mo, ano ba'ng hinahangaan nila kay Maxspaun? 'Yong pinakita niya no'ng practice o 'yong marunong na siyang magbasa ng libro?"

Napabuntong-hininga si Maxpein. Naro'n siya sa silyang kaharap ng balkonahe. Nakabukas ang glass door kaya natatanaw niya ang madilim na kalangitan at nasasalubong ang masarap na ihip ng hangin.

"Pareho," sagot niya.

Napangisi si Deib Lohr. "Baby pa lang si Spaun, marami na siyang pinakikitang hindi natin inaasahan. Dalawang taon pa lang siya, chess na ang nilalaro kahit pa mali-mali 'yon. Mabilis ang growth at development niya, sabi mo nga."

Nakangiwing tumango-tango si Maxpein saka nilingon ang librong kanina niya pa tinitingnan. "Hanga kami sa kaniya. Marami siyang nagagawa na hindi ko nagagawa noon. Bilib kami sa interes niya, hindi namin nakita sa 'kin 'yon noon."

"Stop comparing, will you? Iba si Maxspaun, babe, at iba ka."

Dinampot muli ni Maxpein ang libro. "Iba rin ang librong 'to." Muli siyang bumuntong-hininga saka binuklat iyon. Tumayo siya upang ipakita ang libro sa asawa.

Kinuha 'yon ni Deib Lohr at tiningnan ang laman. Inilipat niya 'yon sa magkakasunod na pahina saka nakangiwing tumingin sa asawa. Natural, wala itong napansing kakaiba gaya ng inaasahan ni Maxpein na magiging reaksyon nito.

"No'ng bata ako, binigay 'yan sa 'kin ng cheotjae at sinabing basahin ko at pag-aralan kung ano ang nilalaman. Ang sabi niya, lahat ng hindi itinuturo sa ensayo ay dito ko matututunan," kwento ni Maxpein, ang paningin ay nasa libro. "Binuklat ko 'to ng isang beses noon pero hindi ko na muling tiningnan."

"Hulaan ko?" hamon ni Deib Lohr. "Kasi hindi ka interesado?" humalakhak ito sa huli dahil alam niya na ang gano'ng ugali ng asawa.

Ngumiwi si Maxpein saka natatawang tumango. "Hindi ako interesado hindi dahil alam ko na ang laman nito." Muli niyang kinuha ang libro sa asawa at pinadaan ang paningin sa iba't ibang pahina.

"Dahil tinatamad kang magbasa?"

Umiling si Maxpein, natatawa. "Kung makikita mo may drawings ang librong 'to. Pero iilan lang at hindi mo masusundan kung hindi mo naiintindihan ang nilalaman ng mga salita..." Saka niya inilipat ang pahina kung saan puro letra lang ang makikita at muli iyong iniharap sa asawa. "Nagulat kami hindi dahil marunong nang magbasa si Spaun o dahil may nagawa siyang hindi namin akalaing magagawa ng isang batang tulad niya..."

Nagising ang interes ni Deib Lohr at seryoso nang napatitig sa asawa. Sa gano'ng tono kasi ni Maxpein, alam niyang seryoso at malalim ngayon ang iniisip nito. Bagay na kailangan ng paliwanag nito bago niya maintindihan.

Matunog na ngumiti si Maxpein saka nagbaba ng tingin sa mga letrang nakasulat sa luma nang libro. "Sa Hanja nakasulat ang librong 'to, Deib Lohr. Wala ni isa sa 'min ang nagturo no'n kay Spaun."

Natitigilang kinuha ni Deib Lohr ang libro saka muling tinitigan iyon. Noon niya lang napansing iba nga ang letra, hindi gaya sa madalas niyang makitang sinusulat ng kaniyang asawa.

"Hanja ang tradisyunal na paraan ng pagsusulat namin,"patuloy ni Maxpein. "Ganito ang paraan ng pagsusulat ng lahi namin no'ng panahong...kahit ako...hindi naabutan."

Napatitig si Deib Lohr sa asawa, naghahalo ang gulat, kilabot at pagkamangha. Paano nga kayang nabasa ni Maxspaun ang librong 'yon? Gayong, nakasulat iyon sa letrang ginagamit pa noong unang panahon.

To be continued. . .

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 189K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...