My Five Boy Friends: Season 2...

By Lebayn

7.6K 469 38

Everything happens for a reason, people come and go... But what if the reason that your looking for doesn't m... More

Prologue
MFBF: Sixty-five
MFBF: Sixty-six
MFBF: Sixty-eight
MFBF: Sixty-nine
MFBF: Seventy
MFBF: Sixty-seven
MFBF: Seventy-one
MFBF: Seventy-two
MFBF: Seventy-Three
MFBF: Seventy-Four
MFBF: Seventy-Five
MFBF: Seventy-six
MFBF: Seventy-seven
MFBF: Seventy- eight
MFBF: Seventy- nine
MFBF: Eighty
MFBF: Eighty-one
MFBF : Eighty-Two
MFBF: Eighty- three
MFBF: Eighty-four
MFBF: Eighty-Five
MFBF: Eighty-six
MFBF: Eighty-seven
MFBF: Eighty-eight
MFBF: Eighty- nine
MFBF: Ninety
MFBF: Ninety-one
MFBF: Ninety-two
MFBF: Ninety-three
MFBF: Ninety- Four
MFBF: EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

MFBF: Ninety-Five

254 22 11
By Lebayn







I love you









Lezili's POV







Nagising akong namamanhid pa ang buong katawan ko. Nilibot ko ang paningin ko isang puting silid na kinalalagyan ko ngayon,  habang may nakakabit na samo't saring apparatus sa katawan ko



"OMG! Gising na si Lez!" Bahagya akong nagulat nang biglang sumigaw si Iris at agad na magsitayuan sila Jeff, Kate, Tita Erra at tito Jacob mula sa malaking sofa malapit sa may pinto





"I-i'll call the Doctor" naamadaling presinta naman ni Jeff bago patakbong lumabas nang kwarto






Ilang oras din ang lumipas matapos tanggalin nang nurse ang mga apparatus na nakakabit sa katawan ko, kasalukuyang kinakausap nila Tita Erra at tito Jacob ang Doktor habang kinakamusta naman ako nila Kate at Iris.



"Pinagalala mo kami alam mo ba yun ha?! Halos isang linggo ka ding tulog! Akala tuloy namin hindi ka na magigising!" Mangiyak ngiyak na sermon sakin ni Iris, hindi ko naman maiwasang mapangiti


"T*ng*na ka naman eh! Akala ko ba magiging okay lang ang lahat?! Bakit umuwi kayong mga bugbog sarado at halos mag aagaw buhay na ha?!" Emosyonal na dagdag naman ni Kate



"Si Nya? S-si Shawn? K-kamusta?" Medyo hirap ko pa ding tanong



"Wow ha! Buti pa sa kanila nagaalala ka, pero sa nararamdaman namin hindi!" Sabat naman agad ni Iris na syang sinuway ni Kate


"Manahimik ka na jan okay? Apaka OA mo din eh. Maayos naman na sila eh, Yun ang importante" saway sa kanya ni Kate

"Si Nya nagising na mga three days pagtapos nung nangyari, mamaya din makakauwi na daw sya since nakuhaan na sya nang statements. Si Shawn naman...hindi pa din nagigising, matagal din daw bago maghilom lahat nang sugat nya, yung iba nagka infection na nga daw eh...hindi pa din alam kung kelan sya magigising" sagot ni Jeff


"Lez...hija, how are you feeling?" Tanong naman ni Tita Erra matapos kausapin ang Doktor, tipid naman akong napangiti


"Ayos naman n-na ho" sagot ko





Nanatili pa kaming tahimik matapos ang ilang segundo nang may maalala ako





"S-si...Xynon...k-kamusta" pinilit kong umasa kahit na kitang kita ko kung pano sya nabaril...kung pano sya binaril...ni Louie



"He's fine, actually he already wake up few hours after the... incident. For now he's just asleep" biglang bumilis ang kabog nang dibdib ko nang dahil sa sinabi ni tito Jacob



"H-hindi pa sya patay?!" Hindi makapaniwala kong tanong. Nakangiti naman silang tumango sakin


"Oo! Sya pa nga ang nagbantay sayo dito kagabi eh! Kahit na sinabihan na nang Doktor na magpahinga muna, ayaw makinig! Gusto nya daw sya ang una mong makita pag gising mo! Eh pano to ngayon? Eh tinulugan ka naman!" Sagot naman ni Iris kaya bahagya kaming natawa


"P-pwedi ko ba syang puntahan?"  Tanong ko

"Mamaya na muna, kagigising mo pa Lang. Sa ngayon magpahinga ka na muna,mamaya pwedi ka naming samahan papunta sa kwarto nya"  sagot naman ni Kate kaya napatango naman ako




Matapos ang ilang oras na pagpapahinga at nag aya na agad akong pumunta sa kwarto ni Xynon. Hindi ko mapigilan ang kakaibang kaba at saya habang naglalakad, puno nang mga tanong at takot ang isip ko. Pero lahat nang yun ay nawala nang makarating kami sa kwarto nya


Doon ay nakita ko sila Wyde, Kier, Tito William at Tito Earn na nakaupo sa couch habang nakikipagkwentuhan kay Xynon na nakaupo sa kama nya. Binabalot ang kalahating parte nang katawan nya ng puting kumot habang may cast naman ang kaliwang kamay nya. Maayos ayos na din naman ang itsura nya kumpara sa huli ko syang nakita sa mansyon nila Don Hilberyo, naghilom na ang mga sugat nya




Agad silang natigil sa paguusap nang dumating kami. Napahinto pa ako sa may tapat nang pinto, nagdadalawang isip kung tutuloy ba 'ko o hindi



"Lez..." Dinig kong bangit nya sa pangalan ko dahilan para pumatak na nga ang mga luhang kanina pa nagbabadyang bumuhos. Dali dali naman akong tumakbo papunta sa direksyon nya saka agad syang niyakap






"I love you" yun agad ang unang katagang sinabi ko sa kanya habang patuloy na umiiyak sa dibdib nya. Marahan nya namang hinaplos ang buhok ko saka ako niyakap pabalik




"Shh, don't cry"




"We'll leave you here for a moment" dinig kong paalam ni Tita Erra. Sunod sunod naman na  ang mga naririnig kong yapak papunta sa labas



"Huy! Wag kang epal jan Wyde! Yung Eisha mo nasa labas nakasalubong namin kanina!" Dinig kong panguuto pa sa kanya ni Jeff




"What? Where?!" Tanong naman ni Wyde bago ko marinig ang pagsara nang pinto, dahilan para tumahimik ang paligid at tanging mga hikbi ko na lang ang naririnig ko




"Akala ko talaga wala ka na, muntik na 'kong sumuko Xynon. Hindi ko alam kung pano magigising nang wala ka" patuloy pa din ako sa pagiyak habang nalayakap sa kanya nang kumalas naman sya sa pagkakayakap sakin at pinasan ang mga luha ko gamit ang hinlalaki nya




"Don't cry. I'm here now, and that's what matters. You won't lose me, not now...not ever" sagot nya dahilan para mapangiti ako. Agad nya namang hinawakan ang batok ko at inilapit sa kanya, saka hinalikan ang noo ko. Napapikit naman ako







"I love you Xynon"










"I love you too Lez"













Lumipas ang ilang oras at nakatulog na din ako sa tabi ni Xynon. Alas-sais na nang gabi  nang magising ako at tanging kami lang ni Xynon ang nasa loob nga kwarto



Marahan kong inangat ang paningin ko sa kanya at napangiti nang makitang nakatulog na din sya. Dahan dahan naman akong bumangon para bumalik na sa kwarto ko



Habang naglalakad pabalik ay nakasalubong ko si Louie na lumabas sa isang kwarto at may dala dala pang dark blue na bag. Napahinto naman ako at ganun din sya, bakas ngayon sa mga mukha naming dalawa ang gulat






"Lez gising k---" napahinto sya sa pagsasalita nang agad ko syang sampalin, muling namuo ang galit ko nang maalala ang ginawa nya kay Xynon




"Bakit? Bakit mo kami magawang traydorin?!" Nanggagalaiti kong tanong nang may biglang bumukas nang pinto kung saan sya nanggaling kanina, nagulat naman ako nang makita si Nya na nakasuot ng kulay puting bistida at mukhang paalis na






"Hindi sya traydor, sadyang tanga lang" singit nya dahilan para mapakunot ako "Inutusan sya ni Xynon na magpanggap na kakampi ni Hilberyo para maligtas ka...pati ako" dagdag nya pa sabay iwas ng tingin





"Grabe ang sakit naman nung sampal mo, dapat nga di Xynon ang sinampal dahil sya naman ang nagplano nito eh!" Reklamo nya dahilan para makaramdam ako nang kaunting guilt





"I-ibig sabihin, palabas lang lahat nang yun?" Panigurado ko, napatango naman sya dahilan para manlaki ang mga mata ko






"Hala sorry sorry! Ba't kasi hindi mo agad sinabi, nasampal tuloy kita!"




"Ay wow! ni hindi mo nga ako pinatapos sa sasabihin ko kanina, tapos ngayon kasalanan ko pa!"




"Tsh, mga isip bata" dinig kong bulong ni Nya dahilan para muling maituoon ko ang atensyon ko sa kanya






"Oo nga pala, ngayon ka na uuwi diba?" Tanong ko, napatango naman sya "Edi san ka titira?"






"Syempre samin!" Nakangiting sagot agad ni Louie dahilan para muling manlaki ang mga mata ko






"Pansamantala, habang hindi pa tapos ang pagiimbistiga ng mga pulis sa mansyon" sagot nya





Muli ko namang naalala ang nangyari nung mga panahong yun...




"Hindi ka ba...dawit sa kaso?" tanong ko uli, natahimik naman sya nang ilang saglit bago muling magsalita



"Inaasikaso na ni Louie, tumulong din naman yung mga magulang nila Jeff, Wyde saka Kier para malinis lahat nang naging transaksyon ko na pweding gamitin laban sakin" sagot nya. Napatango na lang ako












Pabalik na sana ako sa kwarto ko nang makasalubong ko naman si Zyrene. Bakas sa mukha nya ang lungkot at galit, pero lahat nang yun ay unti unting nawala nang bigla syang lumuhod sa harap ko na syang ikinagulat ko nang husto






"I'm sorry Lex... I'm sorry!"






Continue Reading

You'll Also Like

58.9K 547 36
Bestfriends, turned to be enemies, and turned to be lovers.. Young love perhaps? :)
33.6K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
67.8K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023
32.3K 241 47
These poems and declamation pieces will be written in either tagalog or english. These are originally made so take out with full credits. Remember: P...