Where My Love Goes (LAPRODECA...

By latibulenz

228K 7K 3.5K

Ailani Ember C. Pantaleon More

Where My Love Goes
Description
Prelude
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Ultimate Chapter (1 of 5)
Ultimate Chapter (2 of 5)
Ultimate Chapter (3 of 5)
Ultimate Chapter (4 of 5)
Ultimate Chapter (5 of 5)
Epilogue
A Happily Ever After?

Chapter 48

4.4K 142 60
By latibulenz

CW: language, abortion, domestic violence

***

Chapter 48

"May girlfriend ba si Dr. Piernavieja?"

Nag-angat ako ng tingin kay Sheki na nasa harapan ko. Kumakain kami ng lunch sa cafeteria kasama ang ibang interns. Mukhang pare-pareho kaming may kaunting break at marami kaming naro'n.

"Sino?" Kuryosong tanong ng ibang interns mula sa kabilang department.

Suminghap ako at inabot ang malamig na tubig sa gilid ng aking plato. Naka-angat ang kilay na nilingon ako ni Heart. May kagat-kagat siyang hita ng manok. Pinagtaasan ko rin siya ng kilay at nginusuan.

"Si Dr. Piernvaieja. Iyong isa sa senior resident ng general surgery? Iyong maputi na matangkad. Iyong mukhang masungit na gwapo? Hindi niyo kilala?" Si Sheki.

"Ah..." napa-isip saglit iyong isang intern, "ah, oo! I know him. He visited our current department once. Iyong kaibigan ni Doc Zayd."

"Yes, yes. Iyong pogi! May girlfriend?"

"Walang girlfriend 'yon. No'ng nakaraang araw lang, pinag-uusapan siya ng mga nurse. Single raw."

Tiningnan ko ang nagsabi no'n. Marahan kong binaba ang baso ng tubig habang nakikinig sa usapan nila. Bakit ba ang hilig mapag-usapan ni Malik ng mga interns? Lalo na itong mga kasama ko. Is he that interesting? I pouted at the thought.

"Nakita ko siyang may kasama no'ng nakaraang araw. Sa basement! He's with a girl, I'm not assuming things, but they look intimate or something."

Napatitig ako kay Sheki. She looks so sure of what she is saying. Halos hindi ko ma-tuloy tuloy ang pagkain dahil sa usapan. 

These past weeks, nakikisabay ako kay Malik sa pag-uwi. Nagtataka si Heart pero hindi niya naman ako tinatanong at sa klase ng tingin niya sa akin ngayon, parang may namumuong ideya na sa utak niya.

"Ano ngayon kung may girlfriend?" Puna ng isang lalaking intern.

"Sa true lang," segunda ni Heart na abala sa pagnguya. "Hindi naman imposibleng magka-girlfriend si Doc."

"Sayang lang!" Ngumuso si Sheki. "Crush ko pa naman si Doc."

"Ako rin!" Humagikhik si Ellie.

"Ako rin," ngumisi iyong isang intern at nagtaas ng kamay.

May tatlo pang nagtaas ng kamay. Sobrang init ng mukha ko habang pinapanood sila. May kaunti akong nerbyos na naramdaman. Ang dami naman nilang may crush kay Malik!

"Ikaw, Heart? Imposibleng 'di mo crush si Doc?"

"Pass, ayoko sa mga nasa general surgery. Sa mga nasa ob-gyn ako." Nagkibit ng balikat si Heart.

Kaswal kong inangat ang kamay para tingnan ang oras sa wristwatch. Tumikhim ako at tumayo. Napalingon ang iba sa akin.

"Kailangan ko nang bumalik, baka marami nang nakapila, e." Ngumiti ako sa kanila.

Pinandilatan ako ng ni Heart. Nginiwian ko siya. May oras pa naman ako pero ayaw kong magtagal do'n. Nakaka-kaba naman kasi ang usapan nila. Sa lahat ng pwedeng pag-usapan, bakit si Malik pa?

"Ako rin! Baka mapagalitan na naman ako," si Heart at mabilis na tumayo pagkatapos laklakin ang tubig niya.

"Bye! Sabay tayo mamaya, Heart!" Si Ellie.

Tumango si Heart at mabilis na sumunod sa akin. Ang bilis ng lakad ko palabas ng cafeteria. Napabuga ako ng hangin nang naabutan niya ako at tinapunan ng nang-aakusang tingin.

"Ikaw iyong girlfriend ni Dr. Piernavieja, 'no?" Tinuro niya ako.

Hinawi ko ang daliri niya at nagpatuloy sa paglalakad. "I'm not his girlfriend."

"Pero ikaw iyong kasama niya?" She asked in haste.

Suminghap ako at ngumuso. Nawalan ako ng boses bigla. I have no issue about telling her the truth. It's just that I'd rather not talk about it.

"Ha! Ikaw nga! So girlfriend ka nga niya?"

"I'm not his girlfriend, Heart. Naki-sabay lang ako sa pag-uwi." I frowned.

"Sheki said you were intimate!"

"We were just talking," I groaned. "Kilala mo naman si Sheki. Minsan exaggerated kung mag-kwento."

Natahimik siya bigla at napa-isip. Umirap ako at humugot ng malalim na hininga nang marating namin ang elevator. Pumasok kami agad nang bumukas ito. May ibang tao ro'n kaya naman tahimik si Heart. Sinulyapan ko siya nang bahagya siyang lumapit sa akin.

"May utang kang kwento sa akin ha," she whispered and smiled sweetly but with sarcasm.

I rolled my eyes at her. Ano bang iku-kwento ko? Hindi ko naman talaga boyfriend si Malik. Nagsasabay lang kami sa pag-uwi. We're... friends. That's how I see us right now. Kinagat ko ang labi nang mabilis na umangal ang isang bahagi ng utak ko.

Yeah... fine, maybe more than that. We had few dinners together for the past weeks; he always tries to know how my internship is going; he always drives me home when we're both off duty; and on top of that, we try to talk about things between us.

Pero hindi pa naman talaga kami... kaya para sa akin, mag-kaibigan pa rin 'yon.

Sa sumunod na linggo ay hindi ko nakita si Malik. They were busy with some conferences and I was busy on my own too. Hindi naman araw-araw toxic sa ob-gyn, 'tsaka isa pa, mababait ang mga residents at consultants. Isa na ro'n si Vance. He's a third-year resident now, like Malik. Isang taon pa at matatapos na rin sila sa kanilang residency.

Humikab ako at sumandal kay Heart habang nakikinig sa nagsasalita sa harap. We're on a seminar with the other interns. After duty ay diretso kami rito kaya naman antok na antok na ako.

"Baka masita ka," bulong niya sa akin kaya naman umayos ako ng upo.

Nasa pinaka-likuran naman kami, kaso matangkad nga iyong doctor na nagsasalita sa harap kaya baka mapansin pa rin kami. Nang nagkaroon ng break ng ilang minuto ay sinunggaban ko agad ang pagkakataon na 'yon para matulog sa balikat ni Heart.

Nakarinig ako ng ingay mula sa likuran at pagbati ng mga interns mula sa mga bagong dating. Kaso, sa sobrang bigat ng talukap ng aking mga mata at sa sobrang antok, hindi na ako nag-abalang mag-mulat pa at bumati.

"Ailani, some residents are here to join us. Magsisimula na yata ulit, gising na," marahang tinapik ni Heart ang pisngi ko.

Labag pa sa aking loob ng nagmulat ako. Nahagip ko agad ng tingin ang mga residents na nasa harapan. Kilala ko ang iba sa kanila. Umayos ako ng tayo at uminom ng tubig. Humikab ako at hinilot ang sentido. One resident started speaking and everybody started to listen.

I was absorbed on listening when someone put a cup of coffee my arm chair. It was so sudden that I almost had a heart attack. Napa-kurap ako nang makitang dire-diretso si Malik sa harapan pagkatapos ilapag ang kape sa lamesa ko.

Sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Hindi matanggal ang tingin ko sa kaniya. Binati siya ng ibang residents at binigyan ng upuan. Nanatili ng ilang segundo ang aking mga mata sa kaniyang likuran. Nang tumikhim si Heart sa tabi ko ay napa-lingon ako sa kaniya.

"Pa-salamat ka at ako lang ang naka-tingin," she leaned on me and whispered. "Kung hindi, talagang bistado na ang lihim niyong pag-iibigan."

Pinandilatan ko siya. "Shut up! We're not having a secret love affair."

"Ewan ko sa inyong dalawang," ngumisi siya. "Pero ang smooth naman ni Dr. Piernavieja."

I glared at her. Muli kong nilingon si Malik. I couldn't see his face because he's sitting with his back on me. Nag-uusap sila ni Dr. Carballo. Tiningnan ko ang kapeng nilapag niya sa armchair ko. Ngumuso ako at nang hinawakan ay napa-buntong hininga na lamang. The coffee is still hot so it will really help activate my senses.

Kailan pa siya nakabalik? Lagpas isang linggo ko rin siyang hindi nakita. May operasyon yata sila nung nakaraang linggo at ngayon ay mukhang katatapos lang din ng conference nila. At kung hindi lamang mahalaga ang topic ng seminar, baka hindi na ako nakinig at tumitig lamang sa kaniyang likuran.

I straightened on my seat when I saw the residents preparing to leave. They stood up and faced us to bid their goodbyes. Napakurap ako nang makitang dadaan si Malik sa gilid ko. I couldn't look at him in the eyes but I felt him pass by me. Napabuga ako ng hangin nang malingunan ang paglabas nila ng meeting room.

Sunod kaming umalis at dahil iniwan ko ang mga gamit sa office ay binalikan ko pa 'yon. Walang tao sa office, mukhang lumabas 'yong mga clerks. Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng mga gamit nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Hindi ko makita kung sinong pumasok dahil sa malaking metal cabinet na naka-harang sa paningin ko.

"Tapos na ang duty niya, baka naka-uwi na 'yon. I thought you attended their seminar?" I heard Dr. Vance Roces' voice.

Binilisan ko ang pag-aayos para maka-alis agad. Baka mamaya maka-istorbo pa ako sa kanila ng kasama niya.

"Yeah, but we didn't talk."

My breathing hitched when I figured it was Malik he was talking with. Narinig ko ang tawa ni Vance at ang mas lalong paglapit nila sa pwesto ko. My heart was on a race again. Mas binilisan ko ang pag-aayos at saktong natapos ako nang makita nila akong dalawa.

"Bakit kasi hindi mo-" Vance stopped when he saw me.

Malik nibbled his lower lip when he saw me as if to prevent a smirk or something. The slight shock was evident on his face, but the delight overpowered it. I was speechless for a moment, and I felt the heat crawling on my skin when Malik smiled cheekily at me.

"Maganding gabi po," nanginig ang labi ko sa pagbati.

"Good evening," Vance smiled a little and looked at Malik, "I'll leave then. May kailangan pa akong gawin."

With that, he immediately left that I was dumbfounded. Sumunod ang tingin ko sa kaniya hanggang sa sumara ang pintuan. Binalik ko ang tingin kay Malik at nahigit ang hininga nang naglakad siya palapit sa akin.

"How are you?" He muttered softly.

Napakurap ako at muling nilingon ang pintuan. "Hinahanap mo ba ako kay Dr. Roces?"

"Yes," he replied quickly. "I thought you're still on duty."

Pinandilatan ko siya. "Dapat nag-text ka na lang sa akin. Sobrang busy kaya ni Dr. Roces. Nakakahiya."

"You don't reply to my texts," he pursed his lips.

Sumandal siya sa cabinet habang pinagmamasdan ako. We were the only ones in the room, and he was so close to me. I couldn't breathe properly when I sensed his perfume. I bit my lip and took a deep breath.

"I'm going home now," I said lowly.

He stared at me for a moment, and his eyes were dark and enthralling. His tousled hair looks so good on him. No wonder why so many are crushing over him.

"I'm sorry, I can't drive you home. We have an early operation tomorrow. We'll have a meeting in an hour."

"Ayos lang. Sasabay naman ako kay Heart. I should probably go, kanina pa 'yon naghihintay sa akin."

He licked his lips and fixed his stance. I blinked when he opened his arms and clicked his tongue. I raised a brow at him. He smiled a little and stepped closer to me.

"Payakap ako," marahan niyang sinabi. "I missed you, and I am so exhausted from work. I need a booster."

I glared at him, but I couldn't deny the warming of my heart and the butterflies in my stomach. I could see the exhaustion on his face. He looks even sleepy. Huminga ako ng malalim at sinara ang distansya sa pagitan naming dalawa.

"Find time to rest tonight," I whispered on his neck.

He didn't say anything, but I felt him nod. He hugged me tighter, and I rubbed his back. Pumikit ako ng mariin at binaon ang mukha sa kaniyang leeg. I felt his deep breathing as he crushed me in his arms.

Sa mga pagkakataong ganito, pakiramdam ko, hindi ako takot sumubok ulit. Sa tuwing nasa bisig niya ako at kinukulong sa isang mainit at mahigpit na yakap, pakiramdam ko, handa na ako ulit.

"I should go now," bulong ko nang hindi pa rin siya bumibitaw kahit ilang minuto na ang lumipas.

Ramdam ko ang paghugot niya ng malalim na hininga. He gently let me go. He smiled a little at me. Hinaplos niya ang buhok ko at pinisil ang kamay ko. Halos malimutan ko na ang posibilidad na baka may biglang pumasok at makita kami.

"Mag-ingat sa pag-uwi. Will you text me when you're home?" It sounded almost a plea.

Ngumuso ako. Madalang akong mag-reply sa mga texts niya at minsan pa ay hindi na talaga. Hindi naman siya nagde-demand na mag-reply ako at panay text pa rin sa akin kahit wala siyang nakukuhang reply. Tipid akong ngumiti at tumango.

"I will. Don't forget to eat dinner." Binatawan ko ang kaniyang baywang at kinuha ang mga gamit.

Hindi na niya ako hinatid pa sa labas dahil ayaw ko rin naman. Nagpa-iwan siya sa loob ng office. Babalik din daw si Vance at baka doon na sila mag-dinner. Hindi ko alam kung bakit nakangiti ako habang palabas ng ospital. Kaya naman nang makita ako ni Heart ay naka-angat agad ang kilay niya sa akin.

"Iyang ngiting 'yan, ngiti ng katatapos makipag-meet up sa boyfriend, e." Tinuro niya ang mukha ko.

I folded my lips and glared at her. "Don't you dare say a word, Heart. And again, he is not my boyfriend."

"Galingan niyo mag-tago, ha. Marami ka pa namang karibal," she laughed and went inside the car before I could hit her.

I maintained a stoic face while watching the patient in front of us. Kasama ko si Dr. Roces at isang nurse sa office ni Dra. Atalia. Consultation hours niya ngayon kaya naman maraming walk-in patients.

It was a young couple, years more youthful than us. Buntis ang babae at kasama niya ang boyfriend niya. Dra. Atalia is explaining to her the result of her ultrasound. Her pregnancy is healthy, and less than four months from now, hopefully, she'll deliver a bouncing baby boy.

The joy on her face after hearing that was tangible. But she'd been crying non-stop, and her partner was just smiling while consoling her. Hindi ko ma-iwasang mapa-ngiti sa loob loob ko habang pinapanood sila.

Just a month in the Ob/Gyn department, I have witnessed different emotions after patients walk inside Dr. Atalia's office. Some were delighted to know that they'd be having a baby. Some cried after learning that they could lose the tiny little angels in their womb. Some were heartbroken to see that they wouldn't be having a baby. Some days, it's fulfilling, but other times, it's heartbreaking.

"Your next appointment with me will be...." Dra. Atalia checked her calendar, "December 15. Take note of all my advice, and make sure to drink your vitamins."

"Yes, doc. T-thank you so much," nanginig ang boses ng babae.

"Thank you, Doc." The guy said and guided his girlfriend out of the office.

Bumuntong hininga si Dra. Atalia at nilingon si Dr. Roces sa tabi ko. "Ilang pasyente pa ang naghihintay sa labas? It's almost lunch."

"Tatlo, Doc," Vance replied.

"Alright. Tapusin na natin. Matagal din silang naghintay."

Ang resulta sobrang late na kami nag-lunch. Hindi naman 'yon problema sa amin, dahil maliban sa sanay na kaming wala sa oras ang pagkain, kung maaari ay uunahin at uunahin pa rin ang pasyente kaysa sa sarili namin.

After my lunch, I went to Heart to get the key of her car. Naiwan ko ang OR shoes sa kaniyang sasakyan. Mag-i-scrub in pa naman ako mamaya sa operation ni Dra. Atalia kaya naman ay naka-scrub suit na ako.

Medyo madilim sa basement at walang tao kung saan banda nag-park si Heart. Palapit pa lamang ako sa kaniyang sasakyan nang may marinig ako sa kabilang panig ng basement. Natigilan ako nang makarinig ng hikbi at nagtatalong boses.

Napakurap ako at nagtayuan pa ang mga balahibo sa aking katawan. I thought I was imagining things but the crying continued. Akala ko mag-isa ako sa basement! Ilang segundo bago ako nagpatuloy, gusto ko sanang hindi na pansinin iyon pero hindi ko alam kung bakit kinutuban ako bigla.

Tahimik akong naglakad papunta sa kabilang panig ng basement parking. Mas lalong lumakas ang mga boses nang makalapit ako. Nahagip ko ng tingin ang dalawang tao na nagtatalo sa harapan ng isang itim na SUV. Tumigil ako agad sa paglalakad at namamanghang tumitig sa kanila.

"Magmamatigas ka ba talaga, Janelle?! Talaga bang gusto mo nang masira ang buhay mo?!"

"Wala na akong pakialam, Tian! Kung ayaw mo sa batang 'to, e 'di iwan mo kami! That's what you were planning naman in the first place 'di ba? At ngayong alam mo na buntis ako, hindi ka makaalis? Dahil sigurado kang hindi ka tatantanan ng pamilya ko?"

"Keep your voice down!"

"I don't care now, Tian! I don't fucking care if the whole world knows! I've been through too much because of you! Kayang kaya kong tiisin lahat 'yon pero hindi na ngayon! Umalis ka! Wala akong pakialam!"

Nanigas ako nang makitang hinablot ng lalaki ang braso ng babae. The pain on the woman's face was visible. Hahakbang sana ako palapit sa kanila nang muling magsalita ang lalaki.

"Kung hindi mo ipapalaglag ang batang 'yan, ikaw rin ang masisira, hindi ako. You think you can raise that child alone, huh? Your parents will fucking disown you, Janelle! Abort that child and I'll promise I won't break up with you. Hindi na ako makiki-paghiwalay, pangako!"

My lips parted, and my chest tightened. The girl cried in frustration and pushed the guy away, but he was persistent.

"Gusto mo bang masira ka? Tayong dalawa? Ang bata pa natin! Ni hindi pa tayo tanggap ng mga magulang ko! Anong mapapala mo kung itutuloy mo 'yan? Tangina, Janelle! Mag-isip ka naman! Don't be selfish and think about us! Magiging pabigat lang sayo ang batang 'yan."

"You're a fucking trash, Tian! How could I love a monster like you?! I will choose this baby over you-"

Umalingawngaw sa tahimik na basement ang pagtama ng mabigat na kamay sa basang-basang pisngi. Tatlong beses sa parehong pisngi lumagapak ang kamay. Para akong binuhusan ng kumukulong tubig nang makitang napaluhod sa sahig ang babae at tinakpan ang bibig para ikulong ang malakas na pag-iyak sanhi ng mga sampal na natamo.

I was out of control. My chest was so tight and my blood was boiling. Mabilis akong naglakad palapit sa kanila, dahilan nang paglingon ng lalaki sa akin.

How could I fucking fall for that smile?! He looks so innocent while sitting in front of Dra. Atalia's office this morning! But he's a lot beyond that. He's a fucking devil!

Halata ang gulat nito nang makita ako. Napaatras ito pero hindi nawala ang galit sa kaniyang mukha. Sobrang pagpipigil ang ginawa ko para hindi dumiretso sa kaniya. I was boiling inside and I'm sure any movement from him will trigger me.

"Janelle," lumuhod ako sa harap ng babae at hinawakan ang kaniyang kamay. "Come on. I'll take you to the ER and I'll call the police afterwards."

She looks as helpless as she looks at me. Mas lalo siyang napa-iyak at halos yumakap na sa akin nang tinulungan ko siyang tumayo. Ang higpit ng hawak niya sa akin. Parang gusto ko na lang sumabog sa iyak habang pinagmamasdan siya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Huwag kang makialam dito-"

Marahas kong nilingon si Tian. "Huwag mong subukang tumakbo dahil sisiguraduhin kong makukulong ka."

"Kilala mo ba ako, ha? Tangina, kung wala kang alam, mas mabuting-"

"Wala akong pakialam kung sino ka," inilingan ko siya. "Sa mga pulis ka magpakilala, huwag sa akin."

Hindi ko siya matingnan ng maayos dahil gusto ko na lamang makaalis agad do'n. Janelle was shivering in fear and I was trembling with anger. Akmang tatalikuran namin si Tian nang hinablot niya ang braso ni Janelle mula sa akin. At that moment... I just snapped.

At speed, I pivoted my body towards his direction. My right leg automatically stretched, and with the instep of my feet, I hit him on the chest. I had to let go of Janelle while doing that. She wasn't strong enough, so she fell on the floor again.

Suminghap ako nang galit na galit na sumugod sa akin si Tian. I felt the blood rushing through my veins when he pounced on me. He was tall and massive that I wasn't able to avoid the power of his punch. Tumama iyon sa kanang braso ko.

Mabilis akong napaatras dahil do'n. I couldn't calculate his movement because he was raging fast. I raised my legs as high as I could and exerted downward force while keeping the heel of my foot pointed downwards. Axe kick was my escape at that moment, and I managed to hit his head.

Sumigaw si Janelle habang umiiyak. Bumagsak sa sahig si Tian habang hawak hawak nito ang kaniyang ulo. Umuungol siya sa sakit. I felt the fear right then, not for hurting him, but for what could happen more. Mabilis kong binalingan si Janelle at itatayo na sana siya nang may humablot sa paa ko.

Lumagapak ang kalahati ng likuran ko sa semento. Narinig ko ang mga mura ni Tian. I tried to kick him again but he was gripping my leg tightly. Hindi niya alintana ang mga sipa ko.

"Tangina mo, hindi mo ako kilala!" He shouted in anger.

Right then, I heard footsteps running towards our direction. Sabay pa kaming natigilan ni Tian. Nanlaki ang mga mata ni Vance nang madatnan ang sitwasyon. May kasama siyang dalawang nurse na babae na gulat na gulat din sa nakita.

Everything happened so fast. Vance shouted to the nurse to call for bodyguards. Tian tried to escape, but Vance and I pinned him down. Vance was fuming mad, and a minute later, bodyguards came running towards us. Seryosong seryoso ang tingin sa akin ni Vance habang ini-escort palabas ng basement si Tian.

"I'll come with you," mahina kong sinabi sa dalawang nurse nang akayin nila paalis si Janelle.

"Stay, Ms. Pantaleon. I need to talk to you." Malamig ang boses ni Dr. Roces nang pigilan niya ako.

Wala akong magawa kundi maiwan sa kaniyang harapan. Ramdam ko ang galit niya at hinuha ko'y para sa akin 'yon. Nakayuko ako sa kaniyang harapan habang naghihintay ng sasabihin niya.

"Why did you do that?" He muttered coldly. "Are you brave or just reckless?"

Pumikit ako ng mariin at hindi naka-sagot. Ramdam ko ang pag-sakit ng braso ko at hindi ko ma-iwasang bahagyang himasin iyon. Narinig ko ang paghugot niya ng malalim na hininga.

"I'm sorry, Doc," I muttered weakly.

"Don't apologize to me." He took a deep breath. "But what you did is risky. You're too brave for your own good. Paano na lang kung huli kaming dumating?"

I couldn't answer because I know that he has a point. I bit my lip and massaged my arm when I felt the pain again.

"There are bodyguards outside the basement. You could have shouted for help." Bumuga siya ng hangin. "Come on, I'll take you to the ER."

Umiling ako at nag-angat ng tingin. "Hindi na po kailangan, Doc."

Nagulat ako nang hawiin niya ang kamay kong naka-hawak sa aking braso at pinalitan iyon pagkatapos ay pinisil ang braso ko. Napa-ungol ako sa sangit. Agad niyang binitawan iyon at malamig na tumitig sa akin.

"You still won't go to the ER?" He inquired. "You can be excused for the operation later but not the ones after that. Let's go."

Tulala ako habang naka-upo sa hospital bed. I'm on the emergency room ward and a doctor just finished checking up on me. He said we'll conduct an x-ray just to be sure. Binaba ko ang cold compress at humugot ng malalim na hininga. Naka-sara ang kurtina ng cubicle para mapag-isa ako.

Dr. Roces said that he already informed Dra. Atalia. He said that she advised for me to rest for today. He left after he got a call from someone. Hindi ko alam kung gaano katagal akong tulala ro'n at nagulat na lamang nang biglang may humawi ng kurtina.

Nag-angat ako ng tingin at nakita si Dr. Roces na seryoso ang tingin. Akala ko'y mag-isa siya pero nanlamig ako nang makita si Malik sa kaniyang likuran. Nag-katinginan kami at halos mapa-iwas ako ng tingin nang mapansin ang galit sa madilim niyang mga mata niya.

"Dra. said you can go home after you get the result of your x-ray. But you may need to stay for a while because the police will need your testimony. We have already reported what happened." Vance said.

Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. Huminga siya ng malalim at sinulyapan si Malik. Tumikhim siya at nilingon ulit ako.

"I will come back later." He said and walked away after tapping Malik's shoulder.

Malik's dark heated eyes met mine. Huminga siya ng malalim at umiwas saglit ng tingin. Pinasadahan niya ng kamay ng dati nang magulong buhok. Tumingin siya sa paligid bago pumasok sa cubicle ko.

I stiffened in my seat when he forcefully dragged the curtains to give us privacy. I blinked as I watched his muscular back. My breathing hitched when his body moved to face me. Our eyes met again and I felt like burning inside with his gaze.

Bumuga siya ng hangin at muling humugot ng malalim na hininga. Yumuko ako at pinagmasdan ang cold compress na nasa aking kamay. Naninikip ang dibdib ko at hindi ko alam kung bakit.

"Are you mad?" I asked faintly and looked at him.

He was looking down at me with cold hooded eyes. Umigting ang kaniyang panga at bahagyang tumingala. He licked his lips and gazed at me again.

"Are you alright? How's your arm?" He disregarded my question.

I swallowed and looked away. "Namamanhid lang."

Hindi siya nagsalita pero bigla siyang umupo sa tabi ko. Maingat ko siyang nilingon at nahagip ang malamig niyang titig sa cold compress na hawak ko. He swallowed hard and took a deep breath.

"I saw what happened." He muttered.

My lips parted in surprise. I looked at him in confusion. He averted his smoky eyes on me. He stared at my face for a moment before he sighed.

"Everything that happened was recorded on a dashcam from a car parked behind you." His jaw clenched. "I watched it with the security team."

Pumikit ako ng mariin at umiwas ng tingin. Humigpit ang hawak ko sa cold compress at mariing kinagat ang labi. Walang nagsalita ng ilang segundo at ramdam kong naghihintay siya ng kung ano mang sasabihin ko.

"He was hurting her. How could I just stand and watch? He was... he was forcing her to terminate her pregnancy. How could I just let that pass?"

He was silent for a moment and in a chilly voice, "the guards were just outside the basement parking. You could have asked for help."

"I didn't know they were nearby," suminghap ako. "And I don't regret what I did. I would do it again if put in the same situation. I will never stand back and just watch."

Isang malalim na hininga ang kaniyang pinakawalan. Parang pinapalo ang dibdib ko at hindi ko alam kung bakit. Bumuga siya ng hangin at bahagya akong hinarap. Ramdam ko ang galit niya at ang ka-isipan na baka para sa akin 'yon, sumisikip ang dibdib ko.

"Even when it's dangerous? Even when you'll be at a disadvantage, Ember?" Mariin niyang sinabi.

I couldn't say anything. I wanted to say 'yes' but I held back myself. I keep on thinking about what happened and I know to myself that I would make the same decision over and over again. And I really didn't know that the guys were nearby. I would have really asked for help if I knew.

"Kamusta ang likuran mo?" He asked in a raspy voice.

Kinagat ko ang labi at tumuwid ng upo. Hinaplos ko ang likurang bumagsak sa semento. Hindi naman 'yon masakit o talagang hindi ko lang iniinda dahil pamilyar na sa katawan ko ang pisikal na sakit dahil sa mga kompetisyon ko no'n.

"Ayos lang," mahinang tugon ko.

"Ember," huminga siya ng malalim.

Hindi ko siya nilingon. Nanatili akong naka-yuko at nakatitig sa lang sa mga kamay. I heard his heavy breathing.

"Ailani Ember, look at me." He demanded softly.

I gazed at him. His nose was a little red and his eyes were a bit misty. He shut his eyes for a second and took a profound breath. My chest tightened when he slowly took my free hand. He held it softly and stared at it for a moment before catching my gaze.

"I'm proud of what you did..." he whispered, "but if something serious happened to you, I can't promise I would still be proud."

Mariin kong kinagat ang labi at naramdaman ang pamamasa ng gilid ng mga mata. Humigpit ang hawak niya sa aking kamay.

"I can't promise you I won't do it again," umiling ako at hindi na itinago ang panginginig ng boses.

Tinitigan niya ako ng matagal. Hindi na ako tumanggi pa nang marahan niya akong hinila sa isang mahigpit na yakap. Pinigilan ko ang pag-hikbi nang maramdaman ang init ng kaniyang katawan. Nilalamig ako kanina, ngunit ngayon ay hindi na.

"Alright then," he sighed heavily. "But if there are safer ways to help, can't you just do that? You can help without risking your safety, Ember. Don't do it for me. Kahit para sa sarili mo na lang."

I couldn't say anything and just simply nod. Humigpit lalo ang hawak niya sa akin. Hinaplos niya ang buhok ko at nang maramdaman ko ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking sentido ay napa-pikit na lamang ako.

"I'll drive you home later, okay?"

"Wala ka bang duty?" Bahagya akong humiwalay sa kaniya.

"I'll have Dr. Carballo fill for my shift today. Aakuhin ko na lang ang para sa kaniya bukas."

Mabilis akong umiling. "Huwag na. Kaya ko namang umuwi mag-isa."

"You don't need to do everything alone," he smiled sadly at me, "I'm here now. Can you let me do these things for you?"

I felt my throat ran dry. Yumuko ako at piping tumango. Narinig ko ang kaniyang pag-buntong hininga. Hinalikan niya ang aking noo bago tumayo. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"I'll go now. Be good and take your x-ray test. Kakausapin ko lang si Kuya Terrance. The assistant director is already fixing things before the police come. Be good, okay?" Utos niya.

Ngumuso ako at tumango. Nang makaalis siya ay napa-buntong hininga na lamang ako. I felt quite better because of his visit. I know that he's busy so I appreciate him coming here. I took the x-ray test and waited for the result. I gave a breath of relief when the result was normal. Ang payo ng doctor ay ipahinga ko lamang ang aking braso.

Nagpapahinga akong muli sa cubicle nang biglang dumating si Zayd. He was almost causing ruckus on the ER while looking for me. Lumabas ako ng cubicle at nagulat nang makitang kasama niya si Heart at Ellie. They're on the same department now.

"Ailani!" Nanlaki ang mga mata ni Heart nang makita ako. "Narinig namin ang nangyari. Kamusta? Ayos ka lang ba?"

Lumapit sila sa akin habang ako'y gulat pa rin. They heard what happened? Uminit bigla ang mukha. Paano nila nalaman? I felt a little embarrassed when I glanced at Zayd and he was looking at me seriously. It was the first time I saw him that serious.

"I'm glad you're okay," he said and smiled a little.

"Thank you, Doc." Tipid akong ngumiti at binalingan sina Heart at Ellie na hindi ma-ubos ubos ang tanong.

The police came later that afternoon. They took my testimony and I told them everything that happened. Other than that, there's a piece of evidence to support my claim. Tian is already in the precinct and I heard Janelle filed a lawsuit against him.

"Ha?" Nilingon ko si Malik sa gulat pagkatapos ng sinabi niya.

Umigting ang kaniyang panga at bumuga ng hangin. Binagalan niya ang pagpapatakbo ng sasakyan nang bumagal ang nasa unahan namin. Sinulyapan niya ako.

"Ayaw niyang mag-sampa ng kaso no'ng una. She said she can't afford to hire an attorney. Kinausap siya ni Kuya Terrance. The hospital will provide a lawyer for her and they just need her to cooperate. He persuaded her." Paliwanag niya.

"Pero bakit si Kuya pa?" Suminghap ako.

Nag-angat siya ng kilay sa akin. Ngumuso ako, naka-kunot ang noo. Libo-libo ang abogado sa Pilipinas, bakit ang kapatid ko pa?

"Kuya Terrance already called him and he agreed. They're meeting up today."

I groaned inwardly and puffed a breath. Malik quired a brow at me again when I looked at him. The sides of his lips tugged and he pursed his lips.

"Ayaw mong mapagalitan, 'no?" His eyes narrowed at me.

Halos umirap ako sa kaniya. He licked his lips and shook his head. Sa pagod ko ay nakatulog ako sa biyahe. Ginising ako ni Malik nang nasa harap na kami ng condo. Hindi na ako tumanggi pa nang sinabi niyang sasamahan niya muna ako sa condo.

I was still sleepy that I dozed off immediately after reaching the condo. I heard Malik telling me to change my clothes first but I didn't reply because I was too sleepy. Wala na akong narinig pa mula sa kaniya pagkatapos no'n.

Nagising ako ng sobrang tahimik ang condo. Kumunot ang aking noo at naalala si Malik. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at ang una kong nakita ay si Malik na natutulog sa sofa. He was crossing his arms while sleeping peacefully on the sofa. Ngumuso ako habang pinagmamasdan siya.

I went to the bathroom to take a shower. I was moving quietly so I won't wake him up. He looks so tired and peaceful so I don't want to disturb him. Napapa-ngiwi na lamang ako sa tuwing kumikirot ang braso ko. Nawawala na ang sakit at mukhang kailangan lang ulit ng cold compress mamaya.

Isang maluwang na t-shirt at itim na cotton shorts ang pinalit ko sa aking damit. Paglabas kong muli sa kwarto ay nagulat ako nang makitang gising na pala siya. Naka-upo siya ngayon sa sofa at hinihilot ang sentido.

"Sorry, nagising ba kita?" Bahagya akong lumapit sa kaniya.

Umiling siya, inaantok pa. He glanced at his watch and sighed. He looked at me again and smiled a little.

"It's dinner time. Kumain ka na ba?" Tumayo siya at lumapit sa akin.

"Hindi pa."

"How's your arm?" Marahan niyang hinaplos ang braso ko.

I pursed my lips. "Magiging maayos naman na siguro 'to bukas."

He sighed and nodded. Pareho kaming natigilan nang marinig ang boses ni Kuya Aidan sa labas kasabay ng pagkatok niya. Namilog ang aking mga mata at agad nilingon si Malik. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nag-panic.

"What should we do?" Natatarantang tanong ko.

Kinunotan niya ako ng noo at pinagtaasan ng kilay. "What?"

"You're here! Makikita ka niya!"

"Ano ngayon?" Mas lalong kumunot ang kaniyang noo. "You don't want him to find out about us?"

Suminghap ako at tinitigan ang kaniyang mukha. Nag-sukatan kami ng titig ng ilang segundo. Gumalaw ang kaniyang panga at ngumuso siya.

"Fine, I'll hide in your bedroom." He breathed deeply.

Kinagat ko ang labi at halos irapan siya. Namulsa siya sa aking harapan at tinagilid ang ulo. Nilingon ko ang pintuan at bumuga ng hangin.

"Fine. Stay here... but don't you dare say anything later." Pinandilatan ko siya. "Be a good boy."

Ngumisi siya sa akin. "I am a good boy."

I glared at him before walking towards the door. Pinagbuksan ko si Kuya Aidan na mukhang iritado na sa paghihintay. Nang makita niya ako ay nanliit ang kaniyang mga mata. Ngumuso ako sa kaniya. I opened the door wider so he can enter. Alam ko na agad kung bakit narito siya.

Pumasok siya sa loob at nauna sa akin papasok ng sala pero agad ding natigilan nang makita si Malik na naka-sandal sa pintuan ng balcony, naka-ekis ang braso sa dibdib, at preskong nakatingin sa aming dalawa. Pumikit ako ng mariin at halos mapa-hilot sa aking sentido. Damn, Piernavieja!

"Good evening, Attorney." He greeted cooly but he was almost smirking!

Kunot noo akong nilingon ni Kuya bago muling tiningnan si Malik. Naglakad siya papunta sa sofa.

"Anong ginagawa mo rito?" My brother asked.

"I was advised not to say anything, Attorney. I do have the right to remain silent, right?" Nanunuyang tugon ni Malik.

Pinandilatan ko siya. Hindi naman ako nakikita ni Kuya dahil naka-talikod siya sa akin. Nahagip ko ang pag-iling ni Kuya at mukhang wala nang balak pang patulan si Malik.

"I will deal with you later," he pointed at him before looking at me and tilting his head, "you come and sit here, Ailani."

Huminga ako ng malalim at tahimik na naglakad patungo sa sofa. Nahagip ko ang pagpipigil ng ngiti ni Malik. Hindi ko siya matingnan ng maayos dahil nakatingin sa akin si Kuya Aidan. Like a good girl, I folded my hand on my thighs and sat their timidly.

"Alam mo ba kung gaano ka-delikado ang ginawa mo ngayong araw?" Kuya Aidan started his speech.

I couldn't do anything but listen to him for a good twenty minutes. Pare-pareho sila ng sinasabi sa akin. Nang mag-angat ako ng tingin kay Malik ay nakita kong naka-pout siya habang nanonood sa akin. Gumalaw ang kilay niya nang magkatinginan kami, na para bang sinasabing makinig ako ng mabuti kay Kuya.

"Did you understand, Ailani?" Si Kuya.

"Opo," I sighed and pursed my lips.

Hinilot ni Kuya ang kaniyang sentido at nilingon si Malik. Namaywang siya at gumalaw ang panga.

"Tian Philipps is the son of an ex-governor. He doesn't want to admit to his crime but upon presentation of the recorded evidence, he appealed for negotiation with the victim. The victim doesn't want to face him at the moment so the case will be settled in court. As long as the victim fully cooperates, there won't be any problem."

Nanlaki ang aking mga mata. Ex-governor?! Is that the reason why he's like that this afternoon? Na parang huwag siyang babanggain dahil may ibubuga siya?

Nagtagal ang tingin ko kay Kuya Aidan. Nakaramdam ako ng pag-aalala at takot bigla. He's going after an ex-governor's son. It made me anxious a little.

"Kuya..." suminghap ako, "are you going to be okay? What if-"

"Are you worried I might get on the wrong side of an ex-politician?" Nag-angat siya ng kilay.

Ngumuso ako at sinulyapan si Malik na seryosong nakatingin kay Kuya Aidan. Kuya shoved his arms in his pocket and tilted his head.

"Don't be scared of the crooked power they hold. Matakot ka sa kung ano pang pwede nilang magawa kapag pinalaya mo sila. I am not afraid of whatever power they acclaim to hold. I know how to use the justice system properly so don't worry about me."

Huminga ako ng malalim at kinagat ang labi. Tumango ako at hindi pa rin maiwasang mag-alala para sa kaniya. Tiningnan ni Kuya Aidan si Malik na tahimik sa gilid. Pa-lipat lipang bigla ang tingin niya sa amin.

"Nagka-balikan ba kayo?" Kumunot ang kaniyang noo.

Napakurap ako at agad nangapa ng isasagot. Malik pursed his lips and I was flabbergasted when we answered the same time.

"Hindi, ah!"

"Hindi pa."

I scowled at him immediately when I heard his answer. He pursed his lips and shrugged his shoulders. My brother looked at me with furrowed brows. He puffed a breath and shook his head.

"Sige. Subukan niyo pang mag-hiwalay at sisiguraduhin kong hindi na kayo magkaka-balikan pa." Aniya.

"Kuya!" I groaned. "Hindi nga kami nagkabalikan."

"What is he doing here then?" Maarteng umarko ang kaniyang kilay.

"Hinatid niya lang ako!" I stressed out and glanced at Malik who's crossing his arms while watching me.

"Bakit umabot sa condo mo?" Pangdi-diin niya.

Umawang ang labi ko at nanuyo ang lalamunan. Hindi ko alam kung paano ipaglalaban ang sarili. Mariin kong kinagat ang labi nang makitang napangisi si Malik sa katahimikan ko. Masama na ang tingin ko sa kaniya ngayon.

"Tss," Kuya hissed so I looked at him. "I'll go now. I'll call to check up on you any time."

Tumuwid si Malik sa pagkakatayo at naglakad palapit kay Kuya Aidan. Tinapik niya ito sa balikat, naka-ngisi pa rin.

"Mag-ingat ka, bayaw." He said that made my face heat so much.

"Malik!" I groaned.

"Anong mag-ingat, mag-ingat? Aalis tayong dalawa. Hindi pa tayo tapos mag-usap." Kuya Aidan muttered arrogantly and gestured to the door.

"Ha? Aalagan ko pa si Ailani-"

"Umalis na nga kayo!" Hindi ko na napigilan dahil sobrang nag-iinit na talaga ng mukha ko.

Wala silang nagawang dalawa nang itulak ko sila palabas. Sinubukan pang hawakan ni Malik ang baywang ko pero hinampas ko siya. He just smirked at me when I managed to push them out of my condo.

"I already cooked dinner. Don't forget to eat," bilin niya sa akin.

"Tapos ka na?" Si Kuya Aidan na iritado na sa paghihintay.

Malik laughed and smirked at my brother. They left together. Mainit pa rin ang aking mukha at hindi alam kung bakit ang bilis ng pintig ng puso ko kahit nakaalis na sila. Parang kinikiliti ang tiyan ko sa tuwing naalala si Malik. Gusto ko na lamang sumigaw sa frustration nang kahit sa pagkain ay hindi siya matanggal sa isip ko. Ang resulta, puyat tuloy ako dahil hindi ako naka-tulog ng maayos kakaisip sa kaniya.

Kinabukasan ay sinundo ako ni Malik ng maaga. My arm got better overnight. Medyo masakit pa rin kapag na-igagalaw pero kaya ko namang indahin 'yong sakit. Madilim pa nang umalis kami ng QC. Nag-drive thru na lang kami para sa breakfast at sa biyahe ay wala kaming ibang pinag-usapan kundi ang sitwasyon ni Janelle.

Pasado alas sais nang makarating kami ng LGH. Sumisikat na ang araw. Hindi kami agad pumasok ni Malik at nanatili pa sa sasakyan ng ilang minuto. Nag-kwentuhan lang kami at nag-asaran. Alas syete nang nag-pasya na kaming pumasok ng ospital.

Sabay kaming lumabas ng sasakyan. Umikot siya papunta sa akin. Akmang yayakapin niya ako nang mahagip ko ng tingin ang grupo nina Sheki kasama ang ibang interns. Palapit sila sa direksyon namin. Nanlaki ang aking mga mata at agad lumayo kay Malik. Kumunot ang kaniyang noo sa akin, lalo na nang mabilis akong pumasok ulit ng sasakyan.

Pagpasok ko ay narinig ko agad ang pagbati nila sa kaniya. Naka-bukas ng kaunti ang bintana kaya naman bahagya akong naka-yuko. Pumikit ako ng mariin at tinakpan ang bibig sa sobrang kaba.

"Good morning, Doc! Ang aga niyo po ngayon, ah." Sigurado akong si Sheki 'yon.

"Good morning," malamig ang boses ni Malik.

"Sabay na tayong lahat, Doc! May mga tanong din po sana kami sa inyo." I couldn't recognize the woman's voice.

Kinagat ko ang labi habang hinihintay ang sasabihin ni Malik.

"Alright. Wait for me at the entrance. I just need to call someone first." He replied.

"Sige po, Doc!" Excited na tugon nila.

Narinig ko ang pag-alis nila. Bahagya akong sumilip sa bintana at nakitang palayo na sila sa parking area. Napa-igtad ako nang biglang bumukas ang pintuan at bumungad si Malik na naka-taas ang kilay sa akin.

"Am I your secret lover or what?" His brows furrowed at me.

I frowned at him. Tumuwid ako sa pagkaka-upo nang pinatong niya ang kanang paa sa sasakyan at tinukod ang kaliwang kamay sa upuan ko. Hindi ako gumalaw kaya naman sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

"Are we going to keep us a secret?"

"Anong us? Walang us," umangat ang aking kilay.

His eyes narrowed at me and then his lips slowly twitched for that sphinx-like smile. His menacing, chilly gaze cut and bore into my guts.

"That's a low blow, tigress."

"Totoo naman, e!" Giit ko. "May tayo ba? Wala pa naman 'di ba?"

"Wala pa..." tumango tango siya at mas lalong ngumisi.

"Tss! Sige na. Puntahan mo na ang mga 'yon. Siguradong hinihintay ka na nila. Crush ka pa naman ng mga 'yon," umirap ako.

His eyelids grew heavy as if he enjoyed the sarcasm in my voice. His molten black eyes twinkled devilishly and his lips touched my jaw lightly. I froze and my heart stopped beating for a moment.

"I am all yours tigress... all yours." He whispered on my skin.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 114 32
(Summer Series #3) Yahna Joyce De Guzman loves painting and some different kinds of arts. It's her medicine from a toxic society. In her family full...
1.4M 33.8K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
132K 8.2K 15
wherein the two of them are bestfriends but jungwon see's jay as something more than that. [lower case intented. Englis isn't my first language so I...
1.4M 120K 43
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...