Burning touch

By dcmuch

6.5K 282 328

Namulat si Dahlia Aeria Escubar sa isang malayong isla ng Malinao,gamit ang pangalang Katya Valenzuela. Tahim... More

Dahlia - Owl City Girls Series
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22

Chapter 15

170 8 5
By dcmuch



I can't bear to put smile on my face as soon as we were done with the make-up and while riding the SUV going on the venue. Sinubukan kong tawagan si Daryl, pero hindi sumasagot. Kahit text ay wala akong matanggap sa kanya sa kabila n umuulan kong mensage. Sa tuwing nagkakatinginan kami ni Bethanie, kumukulo ang dugo ko at hindi ko maatim na maalala ang masasayang pinagsamahan namin.

Ako ang may kasalanan sa kanya pero bakit si Daryl ang dinadamay niya?

"Kapag naroon na tayo, just be my shadow. Stay behind me. Kailangan ako ang mas pansin. Kapag pinakilala ako, kahit sa mesa ka nalang. Kapag may nagtanong sa'yo, kaibigan. Iyon lang."

Pag-ilang ulit na litanya ni Bethanie bago bumukas ang pinto.

Gaya ng sabi niya, tumayo ako sa likuran habang hawak ang regalo niya. Nakakasilaw ang flash ng camera at daig pa ang artistang pinaulanan ng tanong si Bethanie. Ilan lamang ang tanong patungkol sa kaugnayan niya sa pamilyang Oswold, pero mas marami ang tanong kung kamusta at nasaan si Senator Daniel.

One photographer took a picture of me while my head was down.

"Who's this beautiful lady with you Ms. Arrigue?"

"My best friend."

Hinawakan ni Beth ang kamay ko at hinila na sa red carpet.

I kept my head down. Even if from the side of my eyes I saw them glancing to us. Some tried to approach Bethanie, trying to hit a conversation even with me but I never give them the chance. Kung puwede nga lang na huwag ng sumama o umuwi na agad, pero alam kong magagalit siya at si Daryl na naman ang sasalo ng parusa. Ayaw kong mangyari iyon kaya magtitiis ako.

May spot sa gilid na hihintuan para mag-picture.

I am hesitant to join Bethanie, but one of the persistent photographers said I should join my bitch-friend.

"Show us your pretty face, young lady!"

Saglit akong tumingin kay Beth para humingi ng opinion niya. She looked unpleased but due to demand and we were in front of everyone she just smiled sweetly and murmured I can do this. Nag-angat ako ng tingin sa mga makukulit na photographer. May narinig akong suminghap. Isa sa mga lalaki roon ay natulala ngunit mabilis na kumuha ng picture.

"Come on." Hinila na ako ni Beth sa loob.

Para akong bata na akay niya. Never nag-angat ng tingin kahit noong nakapasok na kami sa mismong bulwagan. Marami ang lumingon. Sa tingin ko, ganoon kalaki ang epekto ng tatay niya para pag-ukulan ng ganoong atensyon.

"My. My, ikaw na iyong batang anak ni Senator Arrigue? Ang laki mo na at... ang ganda!" An old man with a prim old woman probably his wife strike a conversation with my friend.

May kasama silang dalawa rin na mag-asawang matatanda na tiyak mga kaibigan ni Tito Daniel. May mga nasa mid-forties ang kumausap din sa kanya hanggang sa grupo ng kalalakihan ang nagawang lumapit sa mesa namin. Dalawa ay kinakausap na si Bethanie, habang ang isa ay umupo sa tabi ko.

"I have never seen you to any occasion such as this, Dahlia."

Napaangat agad ako ng tingin ng makilala ang boses. "Pao!" Finally. May kakilala ring nakita. I can't hide the smile on my face as I glare at him.

He was scanning my outfit before his mouth motioned somewhere on the corner. "Kanina pa naghihintay sa'yo iyan."

My eyes immediately found Cameron Oswold III.

Wearing a maroon suit, Third was dashing even if he doesn't have a bow tie. The muscles on his face moved as he clenched his jaw. A wine flutes on his hands, serious and all eyes on me. I could sense he wanted to go near me but Bethanie's appearance was stopping him to do it. Or maybe he can't for now? It was hard to ignore him. Given I saw sexy women on the side trying to get his attention, but he can't see them since he was looking at me. Probably waiting for me to go with him but I chose to look away.

"Hindi dapat kami pupunta. Pero sinabi niyang pupunta ka," bulong ni Paulite.

I swallowed hard the lump on my throat. Umalingawngaw ang masarap na tawa ni Bethanie sa huling biro ng nagpakilalang Johannes. Natatandaan ko na siya. They called him Jo before at Kansas. Lumingon ito sa akin ng mapansin na hindi manlang ako tumatawa, maging si Paulite na katabi ko.

"Ibibigay ko lang itong regalo sa may birthday. Dito ka lang," bulong ni Bethanie.

Tumango ako. Pinanood ang pag-aya ni Bethanie sa mga lalaking kaibigan ni Third. Pao looked hesitant to leave me but they have to assist my friend going to the table of Oswold.

From my chair, I watched her took the spotlight. Everyone treated Bethanie as someone important person. Kanina sinubukan akong tanungin noong kausap niyang matandang babae, ano raw ba ang pangalan ko.

"Dahlia Escubar, ma'am."

"What's the family name again?"

"She said Escubar. Never heard. What is their family's business, hija?" the other woman asked Bethanie, almost ignoring me.

Sa school, walang kumakausap kay Bethanie dahil sa ugali niya. Pero sa mga ganitong malalaking pagtitipon, para siyang prinsesa. Malaking tao. Mahalaga. Walang hindi siya kilala. Kahit hindi ipakilala ang sarili, kusang lumalapit ang mga malalaking tao sa kanya.

Suminghap ako bago nilaro ang bangle na bigay ni Third.

Gusto alisin iyon ng make-up artist, pero hindi namin maalis. Na kay Third ang screw nito at tingin ko ay iyon lang ang makapag-aalis noon. Nauwi tuloy sa color gold ang accessories ko.

I spotted Third's brother on the aisle. He was with their parents and a sister? Third's older brother seemed playful and friendly, while Third had the formal and serious vibe. Hinahanap ng ina nila si Third. Sumulpot ito at sumali sa grupo para ipakilala si Bethanie rito. Mahiyain at mahinhin na ngumiti si Bethanie sa harap nila bago naglahad ng kamay.

Third on the other hand seemed bored but he was still polite as he shook their hands. Siya pa ang naunang umiwas, pormal na sumasagot sa tuwing may sasabihin ang ina at ama.

Nahuli kong nakatingin sa akin ang panganay na kapatid ni Third.

Suminghap ako at umiwas ng tingin.

Kanina ko pa gustong umalis, pero hindi ko magawa dahil kasama ko si Beth. Pero ngayong abala siya sa mga kausap, parang ito na yata ang pagkakataon kong lumabas saglit? Nilikom ko ang laylayan ng suot ko bago tumayo. May grupo ng kalalakihan ang lalapit sana sa akin, ngunit umiwas ako patungo sa mga wine flutes. Kumuha ako ng isa roon bago lumabas patungo sa veranda.

Para akong tumakbo. Hiningal kong pinatong sa gilid ang hawak bago humugot ng malalim na hininga. How stupid of me to come here, even if obviously this wasn't my world. I am nameless. Poor, rather a beggar. A parasite to Arrigue's family. Matagal ko ng nararamdaman iyon, ganoon din si Daryl pero nagpanggap akong hindi tinatablahan.

Bethanie can have everything in just a blink of an eye. Even if everyone hate her to the core, they can't touch even a single strand of her hair. Unless that person came from this social world. Favorite doll ang tingin sa akin ni Beth, kaya hindi niya ako kinakanti. Ngayon lang siya napuno. Aaminin ko man o hindi, natatakot ako sa puwede niyang gawin sa akin.

And I hated myself why I have this fear. Why I let myself be in this kind of trouble. Why I have this kind of life. Noong bata ako, alam kong maraming invitation na dumarating sa mansyon namin. Ngunit ni isa ay walang pinaunlakan ang magulang ko. Hanggang sa masangkot sila sa isang aksidente sanhi ng kanilang pag-iwan sa aming kambal.

Tumingala ako para masdan ang madilim na kalangitan. Walang bituin o buwan. Umihip ang paggabing hangin. Napayakap ako sa aking braso bago dinampot ang inumin at dinala sa bibig.

Naiinggit din ako sa buhay na mayroon si Bethanie. Kung buhay sila mama at papa, tiyak masaya kami ni Daryl.

"Why are you wearing black instead of nude?"

Pumikit ako. Pinipigilan ang sarili na lumingon. Ngunit ilang segundo lang ay naramdaman ko ang coat niyang tumakip sa aking llikod.

"Well, this black is better. I'll just have to worry about this part." Sinundan ng kamay niyang malayang naglalakbay sa aking balakang papalupot doon. Ang mainit niyang dibdib mula sa aking likuran. His face appeared on my right shoulder. He sniffed my neck.

His scent was very tempting and I can't ignore the tingling sensation he just sent to my core. Pilit nitong hinihila ang talukap ko na magbukas, kahit na todo pikit na ako para tiisin ang lahat ng ito. Kailangan ko na siyang layuan. Iyon ang kailangan kong gawin para hindi mahiwalay sa akin ang kapatid ko.

Humigpit ang yakap niya sa akin. "What's wrong?"

Hindi ako umimik. Nanatili akong nakapikit at problemado.

"I miss you," bulong niya sa tainga ko.

Dumilat ako. Sinubukang alisin ang braso niya sa akin, ngunit masyado iyong matatag at hindi ako nagtagumpay. "Third!"

"Hmm?"

"Let me go!"

He loosened so he could turn me around and faced him. "What did you say?"

Yumuko ako. Umiiwas sa mapanukso niyang mga titig. Ng hindi siya magtagumpay na mahanap iyon ay sinandig niya ako sa bannister at kinulong ng isang bisig. Sinubukan kong kumawala, ngunit hinarang niya ang sariling katawan. Ang isang kamay ay hinaplos ang aking baba bago iyon itinaas.

"Do we have a problem?"

"Just let me go." Pain crossed my chest as if there was a sharp knife stabbing me hard there. Pumikit ako upang itago ang nagbabadyang luha.

I felt his body tensed and his arms loosened. Nakawala ako, ngunit ilang hakbang lang ay para akong spring na bumalik sa bisig niya. May sasabihin sana ako, huling alas para lubayan niya na ako ngunit lumapat ang labi niya sa akin. Habang ang isang braso ay agad pumalupot sa aking baywang.

I tried to push him away, but his hold was way stronger now.

Third," I said as a warning in between our kisses. Ngunit masyadong marupok ang aking sistema at unti-unti ng bumibigay, nanlalambot ang mga tuhod. Mabuti na lamang hawak niya ako, kung hindi ay bumagsak na ako sa sahig.

"Dahlia?"

Naitulak ko ng malakas si Third ng marinig ang boses ni Bethanie. Third seemed still into our kisses that his eyes still look lost as he glared at me. Sumulpot ang kaibigan ko, imbes na sa akin tumingin ay sa lalaking kasama ko.

"Narito ka lang pala, Cameron." Pinakita ni Beth ang box na naglalaman ng bow-tie ni Third na kulay nude. "Sabi ng madam, ibigay ko sa'yo."

Nagkatinginan kami ni Third. He looked hesitant but it was rude to ignore it. He took it before he said thank you, but he handed over to me the box. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Tinitigan ko lang iyon hanggang sa agawin ng tumatawang si Beth.

"Hindi sanay si Dahlia maglagay niyan. Walang daddy na magtuturo dahil patay na. Kaya ko na ito."

Habang nilalagay ni Beth iyon sa leeg niya, nakatingin sa akin si Third. Para bang alam na alam niya ang sitwasyon sa pagitan namin ng kaibigan, pero nagpanggap akong inosente gaya ng madalas kong gawin sa tuwing gusto ni Beth magpanggap na santasantita.

Ngumisi ako. "I'm not into suit and tie."

"Yes. Your major is to play any boy's hearts," Bethanie spilled it as if Third doesn't know about it.

Napakagat labi ako habang nakatitig kay Third.

Natapos na si Beth. Pinagpag niya ang balikat ni Third bago dumistansiya at ngumiti ng pagkalambing-lambing. "Sabi ng madam, itong kulay na ito talaga ang pinili mo dahil nude ang kulay ng suot ko? Ikaw din ang nagpadala ng invitation?"

Nawala ang pilyang ngisi sa labi ko ng lumapit si Bethanie kay Third para humalik sa pisngi nito.

"Salamat, Cameron."

Umiwas na ako ng tingin. Tumingala para pigilan ang panibagong bugso ng luha na gustong kumawala. "Mauna na ako sa parking, Beth. Doon na kita hihintayin sa sasakyan."

"Sure. Please!"

Malalaki ang hakbang. Inignora ang sumubok na kumausap sa akin hanggang sa makalagpas sa bulwagan at makarating sa madilim na parte ng event. Doon lang bumagsak ng tuluyan ang aking luha.

Bakit? Bakit ka umiiyak Dahlia?

Never kang umiyak para sa lalaki. Huwag kang umiyak!

Pinalis ko ang luha sa aking pisngi. Nang makita ang SUV nila Beth, sumakay ako roon at natulog nalang. It was fine. This event wasn't for me. I'll just sleep and wake up as if nothing happened. It took me ten minutes or more when Bethanie arrived in an unpleasant mood.

"Umuwi na tayo."

Hindi ko siya nilingon, kahit ang gumalaw sa pinagkakasandalan ko. Kahit ng makarating kami sa mansyon, hinayaan ko siyang mauna. Everything was quick that I don't know where to put my stand. I admit I had feelings for Third, but I knew to myself that it was always family first than affection.

But why I am hurting this bad?

As if I wanted to have Third and at the same time be with my twin brother. This was impossible. Sa ugaling iyon ni Bethanie, nagawa niyang gamitin ang kakambal ko para pumili. Kilala ko siya, ngayon palang lumalabas ang sungay niya sa akin. May ilalala pa iyon at natatakot akong baka ang labis na maapektuhan noon ay ang kapatid ko.

Siya nalang ang mayroon ako.

I can't take the risk.

Isa pa, bata pa ako. Kaya ba ayaw ni Daryl na mag-boyfriend ako? He knew it. This was the consequence of being stubborn. I didn't listen to him.

Nagmadali ako sa pagpasok. Nanlalagkit ako at naaalibadbaran sa damit na hindi para sa akin. Sayang. Maganda naman kaso para kay Beth ito. Kakaiba ang pakiramdam habang suot ko ito, para bang kontrabida ako sa isang pelikula at si Beth ang bida. Sinisira ko ang kuwento niyang happy ending.

I took out my phone when I almost reached the second floor until Bethanie went out of her room and took the phone in my hand.

"You are banned from using mobile."

"Paano ko kakausapin ang kapatid ko?"

"He's safe, Dahlia. Unless you don't follow my terms. Hindi ako naging masama sa'yo. Ngayon lang."

"Ginagawa ko na. Hindi ka pa rin ba masaya?" Tinalikuran ko na siya at naglakad na patungo sa sariling kuwarto.

Maarte niyang pinagkrus ang dalawang braso. "Alam kong kaya mong layuan si Cameron."

Napahinto ako sa pag-abot ng doorknob.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit alam kong si Cameron ang kasama mo? Kahit wala iyon sa mga picture na binigay sa akin ng detective ko?"

Bumilis ang pintig ng puso ko. May hinala na pero nananalangin na sana mali ang kutob ko.

"You know Junno? Dad invested in his father's business... and he likes you so much."

Napabaling ako sa kanya. "Ano ngayon?"

Tumawa siya. Ang cleavage ay lumilitaw sa suot na spaghetti strap. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi nagpaparamdam sa'yo ang grupo nila?"

"Bethanie!"

"Relax. I just freeze them. If you really don't leave Cameron, it will totally ban your group. Aeri, right? Ban for life!"

I am fuming mad that I wanted to slap her face but my control was stronger than I could imagine. Hindi dapat ako nagpapakita ng ganitong ugali sa harap niya. Kapag nagalit ako at pinatulan siya, mas gusto niya iyon at siya ang nagwagi. Dapat insultuhin ko rin siya gaya ng madalas na gawin ko noon pa.

Ngumisi ako.

Kumibot ang artificial eyebrow niya.

See. "Para kay Cameron... nababaliw ka na."

"Oo, Dahlia. Kaya huwag mo akong subukan. Hindi lang si Daryl ang maaapektuhan. Pati ang alter ego mong si Aeri."

Para sa lalaki gagawin niya sa akin ito?

Tahimik akong yumuko. Ganoon lang ako ng ilang saglit bago tumingin sa kanya at umiling. I wanted to keep our friendship but there was a small crack on it and I am starting to feel sour with her. If before I could take his capricious and inappropriate attitude, now I just wanted to save Aeri and my brother. I will do what she wanted. That was all. I think I can take the pain. I'm still young and time will teach me how to overcome this.

Tinalikuran ko siya ng walang sinasabi.

Mabilis akong naghubad. Dumiretso ako sa banyo para maligo ng malamig ng tubig. Sa gayon ay mamanhid ang katawan at puso ko sa lahat ng ito. Madaling mamili, pero iba ang pait at sakit na dulot nito sa puso ko. Okay lang. Kaya ko ito. Kakayanin ko ito.

Tiniis ko ang ilang araw na walang cellphone.

Ang hirap! Gusto ng leader sa English literature na magkita mamaya sa Library. Nagtanong ako ng oras at sinikap na nakikita sila para hindi ako mahuli sa tamang oras. Hindi ko rin alam kung anong oras darating ang sundo. Mabuti at matiyaga naman akong binabalikan ni manong sa tuwing gusto ng mauna ni Bethanie.

Friday afternoon, like my usual day Bethanie would go first and I will wait for the SUV. While walking on the pathway alongside other students, I saw a familiar body built leaning an old blue pick-up.

May mga senior girls na gustong lumapit sa kanya, ngunit sa kalsada lang ang atensyon nito. Wearing a formal attire, the first three-button of his white button-down was open while sleeves rolled until his elbow and that thick eyeglass made him really look geek yet obscenely handsome. My heart melted thinking he came here for me. I miss him so much! If only I am allowed to see him, I might run into his arms and hugged him so much tight.

But it wasn't the case.

I was about to turn around but he already saw me. His feet moved quickly with large steps. But I'm a good runner.

"Let's talk, please."

I stopped mid-way and chase some air for my lungs. "Go away."

"Alam kong hindi ikaw ang kausap ko sa text. Hindi ikaw iyon."

And Bethanie was really trying my patience? "Ako 'yon."

"Really?"

Matalim ang mga titig akong bumaling sa kanya. "Sino pa bang puwede mag-reply sa'yo gamit ng numero ko?"

His shoulder calm down. From merciless, his eyes turned gentle as it bore into mine. "Gusto mo akong makita, pero ngayon iniiwasan mo ako."

Damn you, Bethanie! "Wrong send."

He moved his feet twice trying to get close to me as he removed those thick eyeglasses. He looked exhausted literally. "I thought the only difficult problem in my whole world was my degree. I was wrong. Women are the hardest to define."

"Umuwi ka na." I caught few students stopped from walking, shamelessly watched us argued. "May gagawin pa ako."

"I'll wait for you then."

"Hindi mo talaga naiintindihan. Iniiwasan kita, kasi nagsasawa na ako sa'yo." I miss you so bad, Third. "I hate clingy boys." I never hate clingy boys, especially for you. "I don't like excessive affection. I want space and my own time. Don't you still understand?" I am the best actress of looking back at his soulful eyes while mine was full of sourness. "I am pushing you away because I am tired of you. Do you see? Madali akong magsawa. I ditch boys once I'm done. That's what I do to every boy I met, and you are one of them. Just my fun and toy."

My heart sank into the deep blue sea when he looked away. We were silent for a couple of minutes until he looked up, pinched the bridge of his nose, and put back his thick eyeglasses before nodded his head.

"I understand now," he whispered, enough to stab my chest right through my heart. He slowly turned around and left me there.

Thanks to the presence of few students, I can still hold on to my tears as I glared on the floor. Even if inside of me I was bleeding deep into my core. I want to stop him. I want to tell him can you wait for me until I am ready and done with all my shit? But who am I kidding? If Bethanie said leave Cameron, it means to leave him for real. We cannot be together. We can't see each other. We were not allowed to communicate.

This was my real punishment.

And I have to do this in order to save Aeri and Daryl.

"Dahlia."

Nag-angat ako ng tingin sa pamilyar na boses. Junno on his white uniform and genuine smile welcomed me. He was a nursing student.

"Sinabi sa akin ni Bethanie na gusto mong ako ang sumundo sa'yo ngayon?"

I got it now, what was Beth's real intention. I thought she was only cruel, I am wrong. She was mixed genius and cruel. Lumipas ang ilang buwan hanggang sa umabot ng panibagong taon na muling nagbalik si Aeri. Sa kagustuhan ni Bethanie na patunayan kong kinalimutan ko na si Cameron, pumayag akong maging boyfriend ni Junno ngunit lihim kay Daryl. Hinayaan kong kontrolin ni Bethanie ang relasyon naming dalawa.

Daryl was not away from me. He was actually staying at Tito Daniel's condominium for a year since it was near to the school where he chose to finish his study and took his ideal course, chemical engineering. Binibisita ko siya roon every weekend, Sunday. My phone was back with new digits.

"Malapit na ang second anniversary niyo ni Junno. Gusto mo bang sa Maldives kayo, romantic doon gaya noong first anniversary niyo sa Singapore."

I stopped filling my glass of juice for a while but I continued before I faced her. "Stop planning this kind of thing, Beth. It's not you who will decide about that."

"It's my decision, Dahlia. Nakakalimutan mo yatang binabantayan ko ang kilos mo, kaunting pagkakamali ay mawawala lahat ng inaalagaan mo. Treat Junno as your real boyfriend because if you can't I will destroy you... even your brother."

Matalim ko siyang tinitigan. Naalala ang lantaran niyang pagkuha ng picture namin ni Junno. May hired photographer pa siya para lang i-post iyon sa social media. Alam kong paraan niya lang ito para ilayo ng tuluyan sa akin si Cameron, pero hindi ba siya napapagod magbantay?

Kasi ako pagod na sa lahat ng pagpapanggap na ito. Taon na ang lumipas pero heto pa rin siya at nakamanman sa akin? Ako lang ba ang babaeng puwede na magustuhan ni Third?

Hindi na ako masaya. Tinitiis ko lang. Kaunti nalang.

"Bahala ka. Gusto ko ang pinakamahal, pinakamaganda at pinakasikat na anniversary celebration—"

"Who's an anniversary?"

Sabay kaming bumaling ni Bethanie sa pinto ng kusina ng makita roon si Daryl. Biyernes ngayon at may pasok siya. Ako lang ang pupunta sa kanya, hindi siya. Anong ginagawa niya rito?

"You are not allowed in this place. What are you doing here?"

Lumapit sa akin si Daryl. Inignora si Bethanie. "May boyfriend ka?"

"Hindi ako, si Bethanie."

Tumawa si Bethanie. "Come on, Dahlia. Huwag mo ng itago sa kapatid mon a boyfriend mo si Junno at magdadalawang taong—"

"Bethanie!"

Tumawa lalo si Bethanie. "Maiwan ko na kayong magkapatid. Pag-usapan niyo iyan."

Fuck!

"You know my reason why I forbid you."

Pagod kong sinuklay ang aking buhok gamit ng aking mga daliri. "Fine. Pero maghihiwalay na kami Daryl."

"Pack your things. Kukunin na kita rito."

Napabaling ako sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Isang buwan nalang, graduate ka na. Hindi ba't gusto mo mag-Chemical Engineering?"

"Oo. Gaya mo."

Tumango siya. "Nakabili ako ng maliit na bahay sa Casa Blanca, doon tayo titira. Malapit iyon sa school ko. Doon ka papasok."

My heart filled with excitement and joy. "Tayo."

Malungkot siyang tumango. "Magtatrabaho ako, habang pumapasok ka."

"Ano? Ako ang magtatrabaho para sa atin, tapusin mo ang advanced course mo."

Hinawakan niya ako sa balikat. "Magtatrabaho ako sa mga Oswold. Nag-offer ng scholarship, ipinangalan ko sa'yo. Mag-iipon ako, kada weekends kukuha ako ng ilang unit para makahabol."

Nangilid ang luha sa aking mga mata. "Pero hindi iyon ang tama."

"Kaya kong humabol... ayaw mo ba?"

Gustung-gusto. Kasi makakaalis na ako sa sumpang bahay na ito. Daig ko pa ang puppet na sunud-sunuran sa lahat ng gusto ni Bethanie. Nakukuha ko nga ang gusto ko, pero lahat ay may kapalit. Nakakapagod. Pahiram lang ang lahat ng ito dahil sa huli ay babawiin din sa akin. Hindi ito totoong akin. Lahat ay palasap lang. Hindi puwedeng maging akin.

"Sasama ako sa'yo. Basta bigyan mo ako ng isang araw pa."

Kinabukasan ay yumakap ako kay Elsa at sa mommy nila. They were genuinely happy with my new outfit for today's performance. Junno was beside me. Assisting me with my red cloak that hid my cosplay outfit. Everything I planned so well, this will be my last performance. I left a letter at the table for Elsa and their mother.

Even if my feelings for Junno were all force, I still managed to show him that I appreciate all his effort and love. Lumabas ako ng tent na maligalig, gaya ng madalas kong ginagawa. I performed with all my best, enjoying every bit of it. Remembering that it started with just my imagination until it became real.

Tumayo ako para magpasalamat sa lahat ng dumalo. Ilang kaway bago ulit ako bumalik sa tent.

"Great performance!" bungad sa akin ni Alps.

Nakipag-appear ako sa kanya bago bumaling kay Junno. His face showed how proud and happy he was. Tinanggal niya ang maskara ko bago pinatakan ng halik ang aking pisngi at yumakap.

Gumanti ako ng mainit na yakap. "Ito na ang huling performance ni Aeri."

Mabilis siyang kumalas. Hinawakan ang magkabilang braso ko. "Bakit Love?"

Masuyo ko siyang tinitigan. Junno was a nice person. But Bethanie really handle him with care without him noticing it. Iniisip kasi niyang tinutulungan siya nito na lalong mapalapit sa akin, kahit pa iba ang intensyon ng kaibigan ko.

I checked my savings. I didn't know that I would save that much, given Junno's father was giving me more than my salary for every performance on their mall.

"Gusto ng sponsor ang bawat performance mo. Triple pa ang bayad. Hindi ba't ito ang gusto mo?"

Umiling ako.

"Pagod ka na? Let's take our vacation. I can book us a ticket for a week to go to the Maldives. That's your dream place, right?"

Parang pinipiga ang puso ko. Walang iniisip si Junno kung hindi lahat ng gusto ko. Noong sabihin ko na gusto ko ng apat na performance sa isang Linggo, ginawa niya. Iyon lang kasi ang paraan para libangin ang sarili ko. May mga maliliit na banda na humalo sa gig namin. Iyon ang naging way para mas mag-boom si Aeri at magkaroon ng offer ng one time big time performance sa isang super club sa Beaufort.

Tunay na nalibang ako, ngunit ang lahat ng ito ay may hangganan. "Ilang buwan nalang, college na ako. Gusto kong mag-focus."

Tumango si Junno. "You will go to my school. I will ask my father to fund your tuition since you are his favorite."

Parang kinukurot ang puso ko. Napalapit na ako sa pamilya niya. Pakiramdam ko, napakalaki na ng utang na loob ko sa kanila.

"Junno."

"Yes, Love?"

"Let's break up."

Saglit siyang naparalisa. "What? Why? Love? Are you kidding me?"

Yumuko ako.

"I love you so much, Dahlia. I will do everything you want. I will give you everything you like. If you want something else, I will do everything just to have it and give it to you. Do you want the moon? I will get it for you. Tell me, just don't say it. Please!"

"I'm sorry, Junno."

Agresibo siyang umiling at tumingala.

I held his arms and squeezed them gently. "I feel like you are the nicest person I've ever meet and I don't deserve you. You are too much for me. You deserve someone who can reciprocate the same level of affection. You know my prodigy in our school. I'm a playgirl. I don't stay to a man."

"Magdadalawang taon na tayo."

"Because of Aeri."

I could see his arms the tight control.

"Thank you for all your support. And thank you for everything. I just wanted to be independent. Try a peaceful life, without fame and such. I wanted to be alone."

"I can give the space you want, Dahlia. How long? After you graduate with your degree? I will wait, Dahlia... just don't break up with me, please!"

Each time he would say please, all I could ever hear was Third's voice and it was hurting me.

Binitawan ko siya. Kinuha ko ang stick ni Aeri at inipit sa kamay niya.

"I'm quitting."

I know this decision was selfish but I've made up my mind. For peace and cutting cords not only to him and Bethanie but to everyone. I have to put an end to this. To everyone that kept me from the real me and to my happiness. I want peace. I want to act with no barriers and no pretension. 

Continue Reading

You'll Also Like

1M 32.8K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...