Fontabella 4: Taking The Risks

By TheButterflyReturns

6.2K 319 173

Taking The Risks Aljon Kaizer is chasing the criminal until it vanished from his sight. Running after that ma... More

Taking The Risks
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14

Chapter 9

185 10 10
By TheButterflyReturns

Chapter 9

"Keep in mind that you don't have to ask for assurance. Kasi kung ikaw talaga gusto niya, he won't make and give any mixed signals and would make you feel straightforward. I-a-assure niya agad pakiramdam mo na mahal ka niya." Griffin's voice vibrating on the walls of my mind. That was the last thing he said before I drifted off to sleep.

Pagkababa ko sa bahay ay inulan ako ng mga katanungan ni mama na kung saang lupalop daw ba ako ng universe nagpupupunta. Sinabi kong kila Fin kaya ayos lang.

Normal routine, kumain, naglinis ng katawan bago natulog. Nagising ako kinabukasan at magaan na ulit ang pakiramdam ko na para bang walang nangyari. I'm vibrant and dynamic like I want to dance everybody.

I got to my phone's music app and played Felix's up-beat track "I Know". Such a party banger song with lovely lyrics.

Napansin kong tulog pa rin sila mama kaya bumangon na ako para maghugas ng pinagkainan kagabi. Matapos maghugas ay nagtimpla ako ng kape saka naupo sa isang bangkito sa bakuran namin sa likod para tignan ang mga kahayupan.

Pagkaupong-pagkaupo ko ay sakto namang tilaok ng paboritong manok ni papa sa aking harapan kaya napailing ako. Hindi ko alam kung ganiyan ba talaga ang manok na 'yan o sadiyang papansin lang.

Bumaba ito mula sa pagkakasampa sa isang kawayan at pinuntahan ang isang inahing manok. Eventually, nagbulugan din silang dalawa kaya nag-iwas ako sa kanilang mainit na pagtatagpo.

"Kuya Lin, may naghahanap daw sayo. Kanina ka pa raw tinetext." tawag ni Ligaya sa akin. My 4-year-old cousin.

"Sino na naman daw ba?" tanong ko at binitawan ang tasa na hawak upang ilaan sa kaniya ang atensyon ko.

"Pulis ata-" sa sinabi niyang iyon ay mabilis akong kumaripas ng takbo papunta sa harap ng bahay namin. I saw him there, back facing me, cap on his head and in front of us is a police mobile. Napalinga ako sa mga marites naming kapitbahay na nagbubulungan.

"Magnanakaw ata iyan. May barilang naganap kahapon sa kabilang kanto kaya huhulihin siguro." saan may shoot out?

"There you are!" nagulat ako nang walang pasubaling pumasok sa bakod namin si Aljon saka ako binalot sa mainip na yakap. Akala mo sobrang tagal naming hindi nagkita eh halos isang linggo lang naman.

I inhale the scent of his uniform invading me as his warm embrace warms my body.

"Ginagawa mo ritong dambuhala ka?" tanong ko nang bumitaw siya. "Tara nga sa loob, daming chismosa rito." saad ko at pinauna siyang pumasok.

"Aba ginoong marites! Bakit may bathaluman dito sa ating bahay, Lin!" naghihisteryang sigaw ni mama. May pahawak pa sa dibdib, best actress talaga. Saktong labas ni papa ay napatingin siya sa amin ni Aljon.

"Ma, Pa. Si Aljon ng pala, nililigawan ko." pakilala ko na siyang kinaubo ni mama. "Ma, mahiya ka naman. Aakalain nitong si Aljon may tb ka, baka sa susunod cable na 'yan."

"Pagpaumanhin niyo na ho ser Fontabella at sadyang ilusyunada lamang itong anak kong si Lincoln." nilapitan ako ni mama saka hinila papalayo kay Aljon ngunit bumitaw ako kay mama at nagpumilit na lapitan si Aljon.

"Ma! Mahal namin ang isa't-isa. Alam kong darating ang araw na pipigilan mo akong magmahal kagay niya ngunit mahal ko siya at gagawin ko lahat para hindi niyo kami mapaghiwalay!" sigaw ko kay mama na nanlaki at mata at tumaas ang kilay.

"Anak, you deserve someone better... someone who can give you love that never ends..." ani ni mama at tumingin sa akin at kay Aljon.

"Ma! Alam kong better ako at better si Aljon." lumuhod ako sa harap nila. "Ma, please, I deserve Aljon." bumaba ang tingin sa akin ni mama at umasm ang mukha niya.

"Tse! Manahimik ka nga diyan, hindi naman ikaw kinakausap ko." nilapitan ni mama si Aljon at hinaplos ang mukha nito. "Anak, you deserve someone better at hindi 'yon si Lincoln..."

Natawa si Aljon sa sinabi ni mama. "Tita, mahal ko po anak niyo."

Ehe emeged teke leng pe, yeng behek ke beke meepeken.

"Haist! Ang kukulit ninyo! Baka biglang kumunot ang bulbol ko senyong mga bata kayo." biglang nagwalk out si mama at dumiretso sa kusina. Pagkakataon ko nang tumayo kaya tumayo ako at binigyan ng mapagpasensiyang ngiti si Aljon.

"Lin! Nakapagsaing ka na ba?"

"Di pa!" sagot ko kay mama. "Sorry ka na ah, maliit lang talaga bahay namin pero kahit ilang anak gusto mo kasiya sa bahay-bata ko."

"Ayos lang." sagot niya.

"Ano ba kasing ginagawa mo rito? Kay aga-aga at nandito ka pa sa bahay namin." naglakad kami patungo sa kusina at pinaupo ko siya sa upuan sa lamesa. Magsasaing muna kami nang may makain kami.

"Bawal ba? I just miss you and God, it's been a week since the last time we saw each other." aniya.

"Busy kasi ako at saka hindi ba sinabi ko na sa 'yo na naghahanap ako ng trabaho kaya hindi kita mapuntahan. By the way, dumating na ba 'yung mga inorder natin online na materials para sa office mo?" I heard him sighed.

"Noong isang araw pa dumating. We'll probably save a date where we're gonna renovate my office." nang makapag takal ako ng limang takal ng bigas ay isinalang ko na ito at dinaluhan si Aljon na nakaupo.

"That's good. Magkano ba share ko?" aktong bubunot ako ng pera sa bulsa ko nang pigilan niya ako.

"Nahh, it's on me. Tulungan mo na lang ako ayos na sa akin."

"Sige sabi mo eh. Ano ba gusto mo? Kape, water, juice or me?"

"You." what the?!

"I mean can you make me a coffee? Please?" he chuckled nervously. "I want one. Pero if you want the other one, why not?"

I secretly smiled and make him a coffee. Pagkabigay ko sa kaniya ay dumiretso ako sa bakuran namin para kuhanin ang baso ko at nilagay sa banggerahan. Unexpectedly, sumunod pala siya kaya hindi ko na rin naisipang bumalik sa loob.

"You own those roosters?" he pointed to papa's chicken. 'Yung paboritong manok ni papa ang itinuro niya.

"Oo pero kay papa 'yan, panabong."

"Mukhang palaban ah?" saad niya at sumimsim sa kape. Inokupa niya ang bangkito kong kinauupuan kanina habang nagliliwaliw. Napatingin tuloy ako sa likuran niyang washing namin na may nakatambak na labahin. Dali-dali kong pinuntahan ito at ipinasok sa loob ang labada.

"Pasensiya ka na at ganito mo naabutan ang bahay." paghingi ko ng pasensiya at kumuha ng isa pang bangkito saka naupo sa tabi niya. "Kung sinabi mo sanang pupunta ka rito edi sana man lang nakapagwalis-walis ako kahit konti."

Aljon groaned and placed the cup of coffee on the floor. "Lincoln, as much as I want to, I want to see your other side. The everyday side of you is the best, I think. Seeing you like that makes me admire you more. I mean, people in our life comes unexpectedly kaya naman I chose this way not telling you I'm coming. At least, I saw you in that state. Maayos ka naman what more kung pinaghandaan mo pa?"

Nakatingin lang kami sa isa't-isa habang sinasabi niya 'yon. I don't know why pero I felt a kind of connected to him for a brief second.

"You would rather see me like this than me na malinis? Tignan mo ang dugyot ko pa." napaamoy tuloy ako sa shirt ko, mabuti na lang at hindi maasim.

"I mean, there's this thing I've been thinking inside my head. What if we live on the same roof and of course it's not that you're always in your good state. There would come a day na let's say like what you've said 'dugyot'. Hindi ka naman palaging magiging maayos kaya yes, I would rather see you raw than prepared. But of course, sometimes being prepared is not bad naman." nakatanggap tuloy ng kurot sa ilong 'tong si Aljon.

"Naku naku, Fontabella. 'Wag kang masiyadong mag assuming, what I'm doing is just out of dare. Challenge pala. Kapag na-fall ako sa 'yo, you have me for entire month. Kapag ikaw naman na-fall sa akin, bibigyan mo ako ng pera." paalala ko sa kaniya pero nakaramdam ako ng sakit.

Oo nga pala. This is just a game pero kailangan kong manalo at hindi ma-fall sa kaniya kung hindi malalagot.

"I chose to pay you money than playing this stupid shit-"

"Hep hep! Walang susuko. Alam naman nating wala pa kaya go lang muna." nanlaki ang mata ko nang maalala ko ang nakasaing kong kanin. "Teka!" tumayo ako at bumulusok sa loob ng bahay. Naabutan kong malakas pa rin ang apot at nang amuyin ko ay tutong na.

Aba ginoong marites, baka masampal ako ng kaldero. I lowered the fire and got back to Aljon while having his coffee. Nakatingin lang siya sa mga manok na nakahapon sa sanga ng puno.

"By the way, bakit pala nandito ka pa?" usisa ko.

"Ayaw mo bang nandito ako?"

"Gago! Hindi ko naman sinabing ayaw kong nandito ka pero hindi ba may trabaho ka?" nakita kong tapos na siya sa baso niya kaya ipinasok ko muna sa loob dahil mukhang matatagalan pa siyang sumagot.

"Mamayang tanghali na lang ako papasok. Ikaw? Kailan mo ako pupuntahan sa office? Date naman tayo oh?" Luh, ako pa inaaya eh ako nga ang manliligaw sa aming dalawa.

"Pag-isipan ko 'yan."

"Linette!" tawag ni papa sa akin.

"Po?!"

"Bumili ka muna ng uulamin natin." napatingin tuloy si Aljon sa akin at kay papa na nakatingin sa aming dalawa.

"Ano ba ulam?" tumayo ako sa bangko at tinignan siya.

"Tanungin mo 'yang kasama mo kung kumakain ng tuyo. Gusto ng mama mo ng tuyo at saka itlog." inabutan ako ni papa ng singkwenta bago umalis.

"Jon? Kumakain ka ba ng tuyo?" tanong ko. Tumayo siya at inayos ang kaniyang uniporme.

"Tuyo? I think? Kind of?"

My brows furrowed. "Kind of? Pwede ba 'yon? Pero kumakain ka nga ba? Kung hindi bumili ka ng ulam mo, sabay-sabay tayong kakain ngayon." tinalikuran ko siya at naglakad papunta sa harap ng bahay para makapunta sa mga tindahan.

"Tita, may tuyo ba kayo?" tanong ko sa unang tindahan.

"Ay wala pa, hijo. Sa isang linggo pa ang rasyon."

"Ganoon po ba. Sige." ilang lakad pa ang layo ng isang tindahan kaya naman napansin ko nang nakabuntot sa akin ang damuho. Bahala siya, tutal pulis naman siya edi escort slash bodyguard ko siya ngayon.

"Nay Dana, may tuyo po ba kayo?" tanong ko sa isa pang tindahan. Tindahan to ng kapatid ng lolo ko at itong asawa ni Lolo Pasing ay pangalawang asawa na niya nang mamatay ang unang asawa.

"Oo, Lin. Anong tuyo ba? Sapsap?"

"Pwede na po 'yan. Bente pesos tapos 'yung trentang sukli itlog na lang." inabot ko sa kaniya ang pera para hintayin ang aking binibili. I faced Aljon who's hands are both in his pocket while starring at me with alluring eyes.

"Ganda ko, 'no?"

"Immaculate."

I smirked and when I turned to my back, Nay Dana handed me the plastic with the stuffs I bought and we both went back to our house. Ngayong nasa harap kami ng umuusok na kawali ay nakatanga naman ako dahil nag presenta na 'tonb si Aljon na batihin ang itlog para sa scrambled eggs.

"Ako naman babati sa itlog." saad ko at umusog para agawin ang tinidor sa kaniya. Sakto naman na siguro itong anim na itlog sa aming apat at may halos walong pirasong tuyo naman. Maalat naman na ito kaya tipid-tipid din sa ulam.

"Can you beat my eggs and hotdog please?" natampal ko tuloy ang braso niyang maumbok nang wala sa oras.

"Nako, Fontabella, umayos ka. Nandito tayo sa teriyoryo namin at baka hindi mo sukat akalain mga kaya kong gawin gayong ikaw lang mag-isa..." banta ko sa kaniya ngunit hindi naman ata siya nasindak. Narinig kong may nagpatay ng kalan at ilang sandali lang ay hinarap ako ni Aljon sa kaniya habang nakatalikod ako sa lababo.

Nakasandal ang pwetan ko sa kanto ng lababo habang siya naman ay malapit na malapit sa akin.

"I can dominate you any minute, Lincoln..." he moved closer and I could feel his hot, yummy and stone-like body. Not to mention his throbbing shaft inside his thick pants.

"Aba ginoong Hesukristong ipinako para sa mga taong nagkasala! Naisuko na ang bataan patawarin ninyo po ako at hindi ko naalagaan..." pag-iinarte ni mama kaya mabilis pa sa kidlat na humiwalay sa akin si Aljon. Nakita namin si mama na naka dukmo sa sahiy na akala mo na muslim na nagsisimba.

Ang OA talaga ng isang 'to kahit kailan!

"Anong isinuko ang bataan?! Wala namang nangyayari samin, Ma!" sigaw ko kaya napatayo si mama mula sa sahig at pinagpag ang bestida.

"Lincoln, sinasabi ko sa 'yo. Huwag na huwag mong isusuko ang perlas ng silanganan." saad ni mama na may kasama pang pagduduro ng daliri. "At ikaw naman, Fontabella, magpigil ka sa sarili mo. At anak, Lin, kung ito naman ang susukuan mo ng perlas, edi bardagulan na. Ipapagawa pa kita ng tarpaulin with matching caption, 'Lincoln, nabiyak na ang perlas ni Police Chief Fontabella!'. Marapat lamang na ipagmalaking ikaw ay nabinyagan ng longgadog."

Mabilis akong napairap kay mama at hinila si Aljon papasok sa kwarto ko para hindi na niya makita kung ano mang kabulastugan ang pwedeng gawin ng bibig ni mama.

"Ikaw na lang magluto diyan! Tawagin mo na lang kami kapag kakain na!" sigaw ko bago isinarado nang pabagsak ang pinto.

"Sorry pala kay mama. Ganoon lang 'yon pero matino pa pag-iisip non." saad ko at naupo kami sa kama.

"I kinda like her, in reality." tugon ni Aljon.

"So siya na pala pinipili mo kaysa sa akin?!"

"That's not what you think!" sigaw ni Aljon at tumawa bago ako binalot sa mainit na yakap at nakahiga sa aming kama.

Mama! Isusuko ko na ang perlas!

---

"You should put this room in your first priority bago mo ipa-renovate ang sa akin." bulong ni Aljon habang nakahiga kami rito sa ibabaw ng kama. Nakasandal ako sa dibdib niya habang ang kanang braso niya ang inuunan ko at aking yakap. Somehow, I felt warm and safe at the same time.

"Ano ka ba, may susunod pa naman. Pangit ba masiyado 'tong kwarto ko?" pagtataka ko. Para sa akin na halos buong buhay ko nang nakatira rito, pangit nga. I used to see this for every day of my life ang naiiba lang kada taon or maybe minsan once every two years ay ang pintura. Kapag fiesta kasi ay nagre-repaint kami nila papa ng buong bahay.

"Hindi naman. But for you knowing that you like extravaganza things, you like to renovate this room too." tumango ako sa sinabi niya kaso mabilis kong binawi 'yon. "If you like you can have an air-conditioner here for you to sleep peacefully and when it's not outside."

"Alam mo, Jon, gustuhin ko man 'yang mga minumungkahi mo kaso hindi pwede. Pwede namang bumili ako ng air-con kasi 20k lang naman 'yon kaso ang problema namin ay tataas masiyado kuryente at saka ano ka ba, masaya na ako sa electric fan kong kakarag-karag na." sabbay pa kaming napalingon sa bentilador kong nag-iingay nang kaunti. I heard him chuckled.

"You sure about that, hun." he hugged me tightly and pushed his lips against my sort cheeks that made me blushed a bit.

"Oo nga! Para ka namang timang!" kunyaring lumayo ako sa kaniya pero gustong-gusto ko 'yung halik niya. Natutusok pa nga ako noong balbas niya haha!

"Alam mo bang naikot ko na rin 'tong buong kwarto ko since everything is movable. Basta papalit-palit lang mga lugar niyang study table ko, cabinet at kama. Kulang na nga lang ilagay ko sa kisame." mahina akong natawa at dumiretso sa study table ko at naupo bago kinuha ang salamin upang tignan ang aking sarili.

"Anyways, any plan on dating me?" tanong ni Aljon kaya napalingon ako sa kaniya. Nakita ko siyang nakatukod ang isang kamay at nakahiga ang ulo rito habang sinisinghot ang unan kong may pundanb kulay pink.

"Smells like Sunsilk." kumento niya.

"Heh! Manahimik ka nga riyan ay lubayan mo 'yang unan ko. At sa date ko naman sa 'yo, baka humanap ako ng tyempo na libre ka para walang abala sa schedule mo." saad ko ay naupo sa gilid ng kama.

"Lin, kakain na. Luto na ang letchon." narinig kong tawag ni mama at ang mga kubyertos at plato namin.

"Lechon? You have lechon?" tanong ni Aljon at umayos ng pagkakaupo bago humikab nang sobrang lakas. Ang aga-aga pa pero inaantok na kaagad siya.

I laughed. "Ang ibig sabihin ni mama luto na 'yung tuyo." palihim akong natawa nang nalukot ang mukha niya pero mukhang ayos lang naman sa kaniyang ulamin 'yung tuyo pero kung ayaw niya, edi mamatay siya riyan.

"Nakapagsandok na ba?" I asked in an obvious reason. Wala pa namang nakahain sa lamesa kaya ako na ang nagsandok. Nasa likuran ko lang si Aljon nagmamasid sa amin ni mama na paroon-parito sa kusina.

"Naku, Chief, halina kayo at kumain na! Yum yum!" napailing na natawa si Aljon sa kaniya.

"Nakakahiya po, tita, eh." what the fridge?! Tita?!

"Ano ka ba ikaw ang future manugang ko." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mama at napatingin kay Aljon na parang walang narinig. Naupo siya sa tabi ko at saktong labas naman ni papa mula sa kwarto nila ni mama.

"Sinong manugang ba, ma?" tanong ni papa. Itinuro ni mama gamit ng nguso niya si Aljon na wala atang naintindihan.

"Manugang? Ano po 'yon?" so hindi niya alam.

"Sabi ni mama uutangan-"

"Son-in-law." mabilis na sagot ni mama at ako naman ay wala pang kinakain pero nabibilaukan na. Baka mabilaukan din ako rito kay Aljon kapag nagkataon!?

"Why not po, Tita?" Aljon answered in a sexy tone and gazed at me. I didn't give a shit about his stare and continued serving myself some food. Mamatay na ako pero hindi ko siya lilingunin ngayon.

Si mama ang naglagay ng pagkain sa plato ni Aljon at malugod nama niya itong tinanggap. Hindi naman siya nag-inarte kaya mukhang ayos lang.

"Pasensiya ka na, manugang, at ganito lang ang ulam namin. Sa kahirapan ng buhay ay baka wala na kaming maisaing para bukas..." malungkot na tonong pananalita ni mama kaya napatingin ako sa kaniya.

"My gosh, ma! Sa taba mong 'yan waka na tayong makain?! Kulang na lang pati kaldero chibugin mo!" sagot ko sa kaniya kaya nabalibag ako ng sapsap.

"Manahimik ka! Wala na tayong pangkain!" natawa lang si Aljon kay mama. My god! Iniistress nila ako.

"Ako pa nga po dapat mahiya, tita, kasi ako pinapakain niyo. Promise babawi ako sa susunod." saad ni Aljon habang sinusubukan kung paano kainin 'yung tuyo. Si papa naman ay walang pasabi at mukhang ayos lang sa kaniyang naririnig. I love him very much because he's a very supportive father to me. Kahit anong gawin ko ay ayos lang basta 'wag magtutulak ng bato.

"'Wag na ayos lang-"

"Gusto ko ng cake haha! Kung ayos lang. Ang tagal ko na kasing hindi nakakakain huhuhu." napalaki na talaga ang mata ko sa sobrang kahihiyan kay mama. Josko naman, Lord, hindi na nahiya sa bisita at nagrequest pa talaga ng cake!

Aljon laughed at mom. "I'll bring it next time I'll be here po." my eyes rolled on the air. Hayst. "Why you so quite?" he whispered to my right ear. He's on my right side.

"Wala. Ayos lang b sa 'yo 'yang ulam? Itlog gusto mo?" nilagyan ko siya ng scrambled egg sa plato niya nang may makain siya.

"Thanks. I never thought this would be a great meal. Haven't eaten like this in my life." saad ni Aljon at mukhang nakuha na kung paano kainin 'yung tuyo habang pinagmamasdan si mama na kumain kanina. Naka kamay lang siya, I mean kaming lahat pala. Malinis naman kamay namin kaya ayos na 'to.

"Saan ka pupunta pagkatapos mo rito?" tanong ko at sumubo ng itlog.

"Office." he answered whole his mouth is full. Napatingin tuloy sa kaniya si mama.

"Hijo, 'wag magsalita nang puno ang bunganga. Baka mabilaukan ka at mamatay ka pa." natawa pa si Aljon sa itinuran ni mama ngunit kalaunan ay tumango rin.

"Got it, tita."

Matapos naming kumain, ako ang naghugas ng pinagkainan namin habang si mama ay naliligo para pumunta sa palengke o kung saan mang lupalop at si papa ay inaaliw si Aljon sa pamamagitan ng pagpapakilala niya ng manok niya. Wala pa naman akong trabaho ngayon kaya siguro sasama muna ako sa opisina niya mamaya psra tignan ang materials naming gagamitin.

We just bought 1 gallon of undercoat, white, black and brown paints for his room. Napag-isipan ko rin na babagay sa kaniya 'yung mga ganoong bagay. Plain white lang kasi ang pintura ng kasalukuyan niyang opisina kaya binigyan ko muna ng buhay kahit hindi naman ako interior designer.

"Ito naman ang paboritong manok ng tatay ko, si Federico. Pagkakaalam ko ay halos limampung sabong na ang nilabanan nito ngunit tatlong beses lang natalo kaya swerte talaga. Hindi ko na pinang sasabong pero kinokondisyon ko pa rin gayong matanda na kaya aalagaan ko na lang." kwento ni papa sa kaniya at isinauli sa kulungan ang manok.

"How bout you, babe? What's your favourite chicken?" biglang tanong sa akin ni Aljon kaya napailing si papa habang tinitignan 'yung mga manok na nakatali.

"Wala na. Patay na 'yung paborito kong manok." tugon ko at lumabas sa kanila dahil tinitignan ko lang sila mula sa pintuan.

"Have you names your favourite chicken?"

"Oo. Lukring ang pangalan kaso 'yon, sa sobrang tanda namatay na rin." sabi ko at lumapit sa kanila. Pansin niya rin na nakahubad ang GOA shirt ni Aljon at ang leather pistol belt na minsan ay may baril at posas. Napaangat pa ang tingin ko papunta sa braso niyang maskulado hanggang sa mukha niya kaya nagsalubong ang mata namin.

"You like my muscles?" he asked but I refused to answer. Nakita ko kung paano niya ito pinagalaw at fli-nex dahil naka white fitted sando lang siya. "I go to the gym three to two times a week to keep my bod fit."

"Sana lahat may abs tapos malaking biceps at triceps." saad ko.

"But back to your chicken. What was her name again? Lu- what?"

"Lukring nga, kulit mo. Bigay ni lola 'yon sa akin kasi nga marami siyang manok kaya ayon, ayos naman kasi nakakakuha kami ng libreng itlog pero ngayon eh naghihintay lang kaming ma pisa muna bago namin kunin 'yung iba para dumami na rin." kwento ko.

"Yeah, I see. Chicken's are goddamn amazing. Imagine that producing an agg everyday is just wow." napatingin pa kami sa upuan kung saan namin narinig ang tumunog na cellphone. Cellphone pala ni Aljon.

Hindi ko na siya tinignan dahil buhay niya 'yon ay pinagmasdan ko na lang si papa.

"Balato naman kapag nanalo ka sa sabong, pa."

"Oh sige. Sa susunod na linggo pa laban ko."

"Sige wait ko 'yan."

"Ano sabi? Aalis ka na?" tanong ko kay Aljon nang isinusuot na niya pabalik ang mga gamit niya.

"Need to review some papers sh. May bagong huli rin daw and ewan ko ba kay chief. Wanna come with me?"

"Yeah sure. Hatid mo na lang ako pauwi."

TheButterflyReturns © 2021

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...