Elemental Kingdoms: The Rule...

By RinkakuMayo

2.4M 78.4K 9.3K

In order to maintain the balance of this world, there's a rule to be followed. Don't fall in love with someon... More

INTRODUCTION
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
DREAME come true🥰
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
OMG! WE ARE ON THE "WHAT'S HOT!"
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Miss Ai's Note♡
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
What is the meaning of Prophecy?
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Thanks Giving
BOOK II ♡
Miss Ai's echoserang Note ✌

Chapter 28

38.6K 1.3K 232
By RinkakuMayo

Kai's POV

Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari kina Fire at Aria pero simula noong lumabas si Fire sa kwarto ni Aria ay nag-iba na ang aura ng mukha niya and I am really confused. What exactly happened?

"Fire, may problema ka ba?" tanong ko sa kaniya habang nagluluto siya para sa hapunan namin. Hindi ko muna pinuntahan si Aria dahil gusto ko muna siyang magpahinga. Simula noong pumasok si Fire sa kwarto niya ay hindi pa lumalabas si Aria.

"Wala namang problema. Bakit mo naitanong?" Hindi ako katulad ni Thea na kayang malaman kung nagsasabi ba nang totoo ang isang tao o hindi pero sigurado ako na may nangyayari na hindi ko alam. Ito na ba 'yong kinatatakutan ko? Did he confess to Aria?

"May itatanong ako sa'yo, Fire." Napahinto si Fire sa ginagawa niyang paghiwa sa mga gulay at napatitig sa akin.

"Ano 'yon?" he asked back. Tiningnan ko muna siya ng maigi na parang sinisigurado ko sa sarili ko na makukuha ko ang sagot na gusto kong malaman sa kaniya.

"May gusto ka ba kay Aria?" Nabitawan ni Fire ang kutsilyo na hawak niya dahil sa tanong ko at pinaningkitan niya ako ng mata.

"Anong klaseng tanong 'yan, Kai?" he asked. Halata sa mukha niya na nalilito siya. Siguro ay iniisip niya kung saan ko ba nakuha ang tanong ko na 'yon.

"Meron o wala lang Fire. Answer me." This time, I focused on his mind. Minsan kasi, iba ang iniisip natin sa mga sinasabi natin.

"Wala." And with that, I have confirmed that he's not lying.

Hindi niya gusto si Aria.

Hindi na lang niya ito gusto kasi mahal na niya ito.

"Fire, alam mo naman na bawal 'yan 'di ba? Itigil mo na 'yan habang maaga pa. Alam kong may nararamdaman ka para kay Aria. 'Yan lang ang tumatakbo sa isip mo sa mga oras na 'to kaya naman nababasa ko." Hindi na nagulat si Fire noong sinabi ko na nabasa ko ang iniisip niya pero napaupo siya sa upuan na malapit sa kaniya.

"Alam ko, Kai. That's why I am planning to court Nuraya." Wait, what did he say?! Liligawan niya si Nuraya?!

"But why? I mean, ano 'yon? Rebound si Nuraya? Are you even thinking, Fire?" Susuportahan ko siya kung talagang gusto niya si Nuraya. Pero halata naman na hindi kaya bakit niya liligawan si Nuraya?

"Iyon ang sinabi ko kay Aria. Pero hindi ko naman talaga gagawin 'yon. Hindi kaya ng sikmura ko ang manggamit nang iba para lang sa sarili kong kapakanan. Sinabi ko lang 'yon kay Aria para naman mas magkaroon siya ng dahilan na layuan ako." He's hurt. Fire is hurt. Kitang-kita sa mukha at kilos niya na nasasaktan siya.

"This is the right thing to do. Hindi ko inamin sa kaniya ang nararamdaman ko kasi ayaw ko nang gawing komplikado ang sitwasyon namin. Ayaw kong magkaroon siya ng panghahawakan na pwedeng maging kaming dalawa. I have hurt her, Kai and that fact hurts me more. Kanina ko pa siya gustong yakapin pero ang pwede ko lang gawin sa kaniya ay saktan siya at layuan. Kanina ko pa gustong bawiin lahat ng sinabi ko sa kaniya at aminin na... ugh! This is frustrating! Bakit ba kasi bawal?!" he said before he left me and he went inside of his room while he is crying.

Aria's POV

Jusko! Pwede na yata akong magtayo ng water station dahil sa continuous supply ng tubig na nanggagaling sa mata ko. Langya! Ang sakit naman e. Gano'n ba talaga si Fire? Napakagaling niyang manakit ng damdamin. Bwisit! Hindi pa nga ako nakakamove- on sa pambabasted niya sa akin tapos may panibagong heartbreak na naman? Liligawan niya si Nuraya?! Ano 'yon?! Joke?! Kung joke 'yon, aba napakalaking waley! Kasi imbes na tumawa ako ay heto ako at nagpapakafeeling Vilma Santos sa pag-iyak. Naknanangtokwa!

"Aria, tama naman na ang pag-iyak. Maawa ka sa kagandahan mo! Utang na loob lang!" Bumangon ako sa kama ko at talagang tinitigan ko ang sarili ko sa salamin.

"Susme! Ganito ang ginawa sa'yo ng lalaki na 'yon?! Nag-evaporate na ang kagandahan mo! Umayos ka, Aria!" I am talking to myself. E ano kung magmukha akong baliw?! Acceptable 'yon kasi sawi ako! Bigo ako! Kaya pwede ba? Makiride kayo sa'kin.

'Di ba sabi nila, kapag broken hearted ay lalong gumaganda? Nasaan dito ang maganda? Mugto ang mata, gulo-gulo ang buhok, maputla at hindi man lang mahagilap sa kaluluwang ligaw ko ang kagustuhan na maligo?! Ganito ba talaga ang maging broken hearted o ako lang ang ganito?!

But then, kahit ano'ng pampalubag loob pa ang sabihin ko sa sarili ko, talagang hindi pa rin nawawala 'yong sakit. Noong sinabi ni Fire na liligawan niya si Nuraya, tumakbo ako at nagkulong sa banyo ko. Balak ko sana ang magteleport kaya lang ay natatakot ako na baka pumalpak nanaman ako at baka kay Valgemon na ako mapunta. E nag-uumapaw naman na ako sa kasaklapan kapag nangyari 'yon, 'di ba?

Napatingin na naman ako sa mukha ko. Langya! Iniwan na rin ako ng kagandahan ko. Pahingi ng blade at maglalaslas na ako dahil wala nang kwenta ang buhay ko!

Pero siyempre joke lang. Kung magpapakamatay lang din naman ako edi sana pinush ko na ang kabaliwan ko kay Fire. Grabe. Gusto ko nang mag-move on. Pwede ba na magmove-on within 5 minutes?! May powers ba ang kahit na sino dito na kayang alisin 'yong sakit na nararamdaman ko? Meron ba?! Isasangla ko ang kaluluwang ligaw ko para lang maalis ang sakit na 'to. Unti-unti na rin na nagiging katas ng ampalaya ang dumadaloy sa katawan ko.

"Aria?" I heard Kai called my name. Ito na naman. Makikita na naman niya ang mukha ko na daig pa ang nagluksa.

Hindi na lang ako sumagot para isipin niya na tulog ako. Bigla akong nabuhayan ng loob.

Kailangan kong magpaganda pa lalo. Tingnan mo lang Fire. Magsisisi ka dahil pinakawalan mo pa ang isang babaeng katulad ko na nag-uumapaw sa ganda! Langya ka! Sige lang, ligawan mo lang si Nuraya! Ano naman daw ang pake ko, 'di ba? Psh! Magsama kayong dalawa! Try niyo na rin ang magtayo ng barbeque business!

"Dinedma mo ang beauty ko dahil si Nuraya pala ang gusto mo?! Gano'n? Ano'ng nakita mo sa kaniya? Talaga bang gusto mo siya o liligawan mo lang siya dahil magkapareho kayo ng Kingdom? Hibang ka ba, Fire?!"

"Hindi ako hibang."

"Ay palaka!" Nagulat ako sa taong biglang sumulpot sa likuran ko at nakita ko ang mukha ni Fire na lumitaw sa salamin.

"Ano na naman ang ginagawa mo dito?! At pwede ba, tigilan mo 'yang pagpunta-punta mo dito sa kwarto ko nang hindi kumakatok!" Nagteleport na naman kasi ang loko. Ano na naman ba ang iniisip ng isang 'to? May panibago na naman ba siyang suggestion?! Utang na loob naman, baka hindi na kayanin ng baga ko!

"Kanina pa kumakatok sina Kai sa kwarto mo. Bakit ayaw mong lumabas?" Ay ang taray! Ano'ng pinaglalaban mo, Fire?! Badtrip na lalaki ito!

"Hindi ako nagugutom kaya lumayas ka na ngayon din. Hala alis! Tsupi!" Tinulak ko pa si Fire papunta sa pinto ng kwarto ko.

"'Wag mo nga akong itulak." Aba! Siya pa ang galit? Trespassing nga itong ginagawa niya sa kwarto ko e. Paano pala kung nakahubad ako ngayon edi boom live show agad-agad?! Hindi nag-iisip ang apoy na 'to!

"Hoy, Fire, son of Fuego chorvaness, umalis ka na sa kwarto ko at 'wag na 'wag ka na ring bigla-biglang papasok dito, okay? Kwarto ko ito at hindi ito sala na pwede mong puntahan anytime!"

"Bakit ka nagagalit sa akin?" Ay hala! Ano'ng drama ito? Ako ba ang may sakit o itong damuho na 'to?!

"Wala ba akong dahilan para magalit sa'yo? At hello? Manliligaw ka na kay Nuraya, 'di ba? E bakit nandito ka pa? Para sabihin ko sa'yo, hindi na kita gusto! Nakamove on na ako!" Bongga! Nagmove on ako within 3 minutes?! Taray mo, Aria!

"Talaga? Gano'n kabilis?" Bigla siyang natawa. Hindi ba kapani-paniwala na nakapagmove on ako in just a short period of time?! Upakan ko kaya ang kidney nito!

"Wala akong pake kung ayaw mong maniwala. Lumayas ka na dito!" Tama 'yan, Aria. Ipakita mo na hindi ka nasasaktan at hindi ka affected sa presence niya. Tama 'yan!

"Maligo ka at magpalit ng damit. May pupuntahan tayo." Hanudaw? Ano na naman ba ang tinira ng hinayupak na 'to?!

"Pupuntahan? Tayo? As in tayong dalawa lang?" Don't tell me, he is asking me for a date?! At saan mo naman hinugot ang idea na niyayaya ka niyang magdate, Aria?!

"Oo. Tayong dalawa lang. Dalian mo. Hihintayin kita dito. Magdala ka na rin ng damit mo sa loob ng banyo." Hindi agad ako kumilos at sinamaan ko siya ng tingin. Ano'ng tingin sa akin ng talipandas na 'to?! Tanga?!

"Fire, sira ulo ka rin pala. Ano'ng trip na naman ito, ha?! Kung panibagong joke ito, aba, hindi nakakatawa! Ang waley ng sense of humor mo!"

"Just do what I told you to do, Aria. Just this once," he said. Parang kawawa naman ang isang 'to. At aba, bakit parang galing sa iyak ang damuho na 'to?! Anyare? Binasted na ba siya agad ni Nuraya? Hindi pa nga siya nanliligaw, binasted na agad siya? Advance naman yata masyado si Nuraya?!

"Oo na. 'Wag ka nang magdrama diyan. Kadiri ka." Naghanap ako ng damit na susuotin ko. Pareho pala kaming broken hearted ngayon. Ako ay wasak ang puso dahil sa kaniya tapos siya ay wasak din ang puso dahil kay Nuraya. Ay jusko! Meant to be pala tayo Fire! Meant to be broken!

Tutal ay hindi naman nagmamadali si Fire kaya naman sinulit ko ang pagligo ko. Mukhang namiss ko ang shower room ko dahil maghapon kaming nagdate ng kama ko dahil sa pag-iinarte ko. Nako naman, Aria! 'Di ba nga nagmomove on ka? E bakit ka pa sasama sa lalaking 'yon?! Bakit nga ba? Pakiramdam ko kasi ay kailangan niya ako ngayon. Ay tarush! Ano'ng kailangan ka niya? Paano mo nasabi? Assumerang froglet ka na naman, Aria! Kaya ka ka nasasaktan e!

"Aria? Bakit ang tagal mo naman yata diyan?" I heard Fire said. Sus! Matagal na agad? Ilang minuto pa lang nga ako na nandito sa loob e. Ang OA lang.

Hindi ako sumagot sa kaniya at nagpatuloy ako sa pagligo. Patuloy din siya sa pagkatok at pagtawag sa pangalan ko pero hindi ko siya pinansin. Noong natapos na akong maligo ay binalot ko muna ang sarili ko sa dala kong towel.

Pagbukas ko ng shower room ay halos mapasigaw na ako pero mabilis si Fire na nakalapit sa akin at tinakpan ang bibig ko.

"Don't shout, Aria. Baka marinig ka nina Kai." Hindi ko maiwasan na imulat ng bongga ang mata ko noong naramdaman ko na magkadikit kami ni Fire at nakapulupot ang kanang kamay niya sa beywang ko habang tinatakpan naman ng kaliwang kamay niya ang bibig ko. Jusko! Pakiramdam ko ay minolestiya ako! Tinanggal ko ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko at agad akong lumayo sa kaniya.

"Ano ba'ng ginagawa mo dito?! Ininvade mo na nga ang kwarto ko, hanggang dito ba naman sa banyo, Fire?! Seryoso?! Ang manyak mo!" Kinuha ko 'yong gown ko na nakapatong sa isang rack dito sa loob ng banyo ko at itinakip ko 'yon sa katawan ko. Napatingin muna si Fire sa akin bago siya tumalikod.

"Sorry. Nag-alala lang ako. Akala ko kasi may nangyari nang masama sa iyo. Matuto ka kasing sumagot kapag tinatawag ka!" he muttered before he went out of the bathroom. At siya pa raw ang galit?! Ang lakas talaga ng sapak ng isang 'yon.

Pero kinabahan ako kanina. Muntik na 'yon! Buti na lang at nakatowel ako pero kung hindi, edi epic fail na naman?! Aba matindi! Iniimagine ko pa lang na makikita niya ang napakaganda kong katawan ay naghe-hysterical na ako to the point na gusto kong pasabugin ang bungo ni Fire!

Agad akong nagbihis at ready na ako na sugurin si Fire kaya lang pagbukas ko ng banyo ay nakita ko siyang natutulog sa kama ko. Ay hanep! Sana sinabi na lang niya na trip niyang matulog 'di ba? Kung ano-ano pa'ng kalokohan ang sinasabi. Bwisit!

"Hoy!" Niyugyog ko ang katawan ni Fire pero hindi natinag ang loko. Aba! Nag-iinarte?

"Fire, kung matutulog ka na, bumalik ka na sa kwarto mo! May sarili ka naman kasing---- Ay teka!" Hinila ako ni Fire pahiga sa kaniya kaya naman nasa ibabaw niya ako ngayon at yakap-yakap niya ako. So unan na ako ngayon?! Sumusobra ka na talaga, Fire!

"Alam mo, Fire. Namumuro ka na. Gusto na talaga kitang sapakin ng paulit-ulit at ibitin ng patiwa---"

"'Wag kang maingay." Aba! Hayop! Pati freedom of speech ko ay nawala na?!

"As what I have said, pumunta ka na sa kwarto mo kung inaantok ka na," kalmado kong sabi kay Fire. Hinintay ko siyang sumagot pero hindi na siya nagsalita pa.

"Fire," Hindi pa rin siya gumagalaw. Ang taray talaga! Noong tinitigan ko ang mukha niya, parang nag-evaporate 'yong inis ko pero nandito pa rin 'yong sakit. Sobrang lapit namin sa isa't-isa pero parang daig pa niya ang mga bituin sa langit na hindi ko maabot. Magkadikit nga kami ngayon pero pakiramdam ko ay milya-milya ang pagitan naming dalawa.

"Fire," I called his name again. Medyo naiiyak na naman ako. Nakakaiyak na hindi pa man namin nauumpisahan ang lovestory namin ay natapos na agad.

"Hmm?" he murmured while his eyes are still closed.

"I love you," I whispered. Hindi ko alam kung bakit gumaan ang pakiramdam ko noong nasabi ko sa kaniya ang nararamdaman ko. Alam ko naman na tulog na siya at hindi na niya maaalala ang confession ko sa kaniya. Maalala man niya ay sigurado ako na hindi niya rin naman iyon papansinin.

"Ready ka na?" Nagulat ako noong bigla siyang nagsalita at nagmulat ng mata. Sakto na umiiyak pa naman ako. Ay kaloka! Ang epic ng eksena nato, Aria!

"Ha? Akala ko tulog ka na?" I asked while I am wiping my tears.

"Nakapikit lang ako pero hindi ako tulog. Tara na?" Tumayo na kaming dalawa pero heto ako at hindi mapakali. Narinig kaya niya 'yong sinabi ko?! Kung narinig niya, bakit dedma lang? Bakit wala siyang reaksyon? Wala ba talaga siyang pake sa nararamdaman ko para sa kaniya?! Aba sobra-sobra na ang kahihiyan ko! Nagtapat na ako't lahat, tapos dedma lang?!

"Nakasimangot ka na naman diyan. Halika na." He offered his right hand to me. Ano'ng drama naman ito? Lalabas lang kami ng kwarto ay dapat magkaholding hands pa? Ano'ng tinira ng bwisit na 'to?!

"Ano 'yan?" I asked but he didn't bother to answer me. Talagang hinawakan niya ang kamay ko at nagteleport kami.

Napunta kami sa isang lugar na parang kami lang ang tao. Maganda ang paligid. Kahit gabi na ay halata pa rin ang buhay at sariwang damo sa paligid.

"Teka, nasaan tayo, Fire? Part pa ba 'to ng Yoso?!" I asked. Grabe, bakit hindi ko ito nakikita sa Yoso?!

"Part ito ng Elemental World pero wala na tayo sa Yoso." Ano daw?!

"Mygahd! Alam mo naman na bawal umalis sa Yoso, 'di ba?! Paano kung may makaalam na nakalabas tayo doon?! Nag-iisip ka ba, Fire?! Lagot tayo nito!" Habang ako ay natataranta, si Fire naman ay kalmado lang at nagawa pang ngumiti. Doon ko lang napansin na hawak pa rin niya ang kamay ko. Lagot ka kay Nuraya! Bigla akong natigil sa pag-iisip noong sumipol si Fire at isang dragon ang dumating sa harapan namin.

Halos matumba ako at mawalan ng malay sa nakikita ko. Saan galing ang isang 'to? Bakit may ganito?! Katapusan na ba namin?!

Sabi na e! Walang magandang idudulot ang pagsama ko kay Fire!

"Magandang gabi, Prinsipe Fire," sabi ng dragon. Ay nakakaloka! Nagsasalita ang isang 'to?!

"Magandang gabi rin, Nagi." Jusko! Ang sakit sa ngala-ngala ng ganitong klase ng eksena. Ano ba naman ito?!

"Aria, tara." Hinila ako ni Fire papunta kay Nagi. Lumutang kami ni Fire bago kami nakasakay sa dragon. Jusme! Ano'ng kababalaghan na naman ba ito?!

"Fire, safe ba tayo dito?" I asked pero imbes na sagutin ako ni Fire ay inutusan na niya si Nagi na lumipad. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Fire habang nakayakap ako sa kaniya. Naiimagine niyo ba? Ang sweet na sana e kaya lang nakakatakot talaga ang sitwasyon namin kaya hindi ko man lang magawang kiligin!

"Langya, Fire! Saan ba tayo pupunta?!" sigaw ko sa kaniya.

"Basta." Basta?! May lugar na palang gano'n? Bwisit! Hindi na ako nagsalita pa at hinintay ko na lang kung saan ba kami dadalhin ni Nagi. Napatingin ako sa baba at ang ganda pala talaga na makita ang halos kabuuan ng Yoso Academy.

Ilang minuto pa ang lumipas bago tumigil sa paglipad si Nagi. Bumaba kami ni Fire dito sa lugar na parang isolated pero ang ganda. May mga puno tapos may falls sa tabi. Sayang lang at hindi ko masyadong maappreciate 'yong ganda ng lugar kasi madilim.

Pero dahil si Fire ang kasama ko, aba, naglagay ng apoy ang loko sa palibot ng lugar namin! Parang napaka-enchanted tuloy tingnan. Nagrereflect kasi sa tubig ang kulay red orange na apoy ni Fire. Daig pa tuloy ang sunset scenery. Pero nagtataka talaga ako e. Bakit kami nandito?!

"Fire, may balak ka ba na irape ako? Fire naman, maawa ka naman sa akin. Mahal ko ang sarili ko. Binasted mo na nga ako tapos may balak ka pa na kunin ang pinaka-iingatan kong perlas ng silanganan?! May perlas naman ang timog at kanluran, 'yon na lang ang kunin mo!" Kinakabahan ako sa kung ano'ng iniisip ni Fire sa mga oras na 'to. Mukha siyang seryoso at talagang lalo akong kinakabahan kapag ganyan siya. Langya! Katawan ko lang ang habol mo, Fire?!

"Stop talking about nonsense things, Aria." Aray ha? Pati pala katawan ko ay walang epekto sa'yo?! Gano'n?! Aba, grabe ka na sa pag-degrade mo sa akin, Fire!

"E bakit nga kasi tayo nandito?! Saan na ba 'to? Baka mamaya hinahanap na tayo nina Kai. Umuwi na nga tayo!" Tatayo na sana ako pero hinila niya ako kaya napaupo ako sa tabi niya. Nakatingin lang kami sa agos ng tubig na nagmumula sa itaas ng falls.

"Parte ito ng Ka Kingdom." Say what?! Nasa Ka Kingdom kami?

"Anong ginagawa natin dito?! Diba bawal tayong pumunta dito?!" Jusko naman! Bakit mukhang trip yata ni Fire ngayon na labagin lahat ng rules ng Elemental World?!

"Bawal nga pero akin ang lugar na 'to. Dito ako pumupunta kapag hindi ko na alam ang gagawin ko." Ay confirmed! Binasted nga ito ni Nuraya! Pareho kami ng drama e.

"Umamin ka nga, broken hearted ka rin tulad ko?" I asked. Kaya siguro ako niyayang umalis ng kolokoy na 'to kasi alam niya na ako lang ang makakarelate sa heartbreak niya. Palibhasa winasak niya ang puso ko!

"Oo. Broken hearted nga ako, Aria." 'Yan! Ang bilis ng karma mo, leche ka! Kung ako na lang sana kasi ang ligawan mo, baka sinagot na kita agad! Kaloka ang isang 'to. Ako pa ang naisipan niya na dadamay sa kaniya gayong hindi ko nga alam kung paano ako makakamove on sa pang-rereject niya sa beauty ko?!

"Just this once, ayaw ko munang isipin ang Elemental World. Ayaw ko munang isipin ang rules na dapat nating sundin. Ayaw ko munang isipin na isa akong Fire person at ang babaeng gusto kong yakapin sa mga oras na 'to ay isang---"

"'Wag mo nang ituloy. Utang na loob naman, Fire! Ganyan ka ba kamanhid? Talagang ako pa ang napili mong sabihan ng hinanakit mo dahil hindi ka gusto ni Nuraya?! Sa akin mo pa talaga sasabihin ang lahat ng kamaisan mo para sa kaniya?! Wala kang puso, apdo, kidney, baga at balunbalunan!" I snapped. Langya na lalaki 'to! Feeling niya talaga ay interesado ako sa mga sasabihin niya tungkol sa kanila ni Nuraya?! Ang babaeng gusto niyang yakapin sa mga oras na 'to? Tapos ako? Ano? Labasan ng sama ng loob? Gano'n?!

"Ano ba'ng sinasabi mo?" he asked. Nagmamaang-maangan pa ang hayop na 'to!

"Wala. Kung nasasaktan ka dahil kay Nuraya, pwes ako nasasaktan ako dahil sa'yo! Sige, kakalimutan ko na rin muna ang elemental chuchu ngayon! Kahit ngayong gabi lang. Umamin ka Fire, ni minsan ba, hindi mo ako nagustuhan? Hindi mo man lang ba naramdaman na nag-aalala ka para sa akin? Hindi mo man lang ba naisip na baka in love ka na rin sa akin? Kasi puro oo ang sagot ko sa lahat ng 'yon para sa'yo! Tapos ano? Hanggang dito ba naman, si Nuraya pa rin? Kakalimutan mo na lang nga ngayon ang elemental world ay talagang sasaktan mo pa rin ako?!" Hindi ko na napigilan ang umiyak. Leche na lalaki 'to!

"Iniisip mo ba na bato ako?! Hoy, Fire, not because rock is hard, it doesn't mean that it will not break!" Kahit na nagdadrama na ako ay talagang nakuha ko pang alalahanin ang quotes na 'yon na sinend sa akin ni Janna noong nasa mundo pa ako ng mga tao. Ito pala ang ibig sabihin no'n.

"Aria, walang kinalaman si Nuraya dito. Look, the girl that I want to hug at this very moment, the girl who breaks my heart with just the mere fact that she's crying in front of me is you, Aria. Ikaw 'yon at hindi si Nuraya," he said before he grabbed my hand and pulled me closer to him and encircled me into his arms. Hala! Ano'ng ibig sabihin nito?!

"Uuwi na tayo pagkatapos ng mga sasabihin at gagawin ko." Sasabihin?! Gagawin?! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hinawakan niya ako sa magkabila kong kamay at saka niya ako tinitigan sa mata.

"Don't avoid my gaze, Aria. Look at me." Jusko! Ano ba namang pagpapahirap ito?! Hindi naman ako masamang tao, 'di ba?! Bakit ko 'to nararanasan ngayon?!

"Look at me, Aria." No choice na ako kundi ang tumingin sa mga mata niya na akala mo ay may hypnotizing power.

"Lahat nang sasabihin ko sa'yo ngayon ay totoo pero pagbalik natin sa Yoso ay isipin mo na lang na nagsisinungaling ako." Ay pucha! Nakadrugs ba ang isang 'to?!

"Lahat nang gagawin at sasabihin ko sa'yo, dapat ay kalimutan mo na pagbalik natin sa Yoso. Gagawin mo 'yon, 'di ba?"

"Ano ba'ng tinira mong hayop ka? Ano'ng drama 'to?" I asked. Naiinis kasi ako sa mga sinasabi niya.

"Promise me that you'll forget about what will I say and do to you, Aria. Ngayon lang ako magpapakaselfish and I hope na mapatawad mo ako pagkatapos nang gagawin ko." Kinabahan naman ako bigla. Ano ba'ng gagawin niya sa akin?

"Oo na! Promise na! Ano ba kasi 'yang gagawin at sasa----" I wasn't able to finish what I was about to say when I felt his lips unto mine.

Napalunok ako noong nagsink in sa akin na hinahalikan ako ni Fire. Susmarya! First kiss ko ito! Naramdaman ko ang kamay niya na umikot sa beywang ko at inilapit niya ang katawan ko sa katawan niya. OMYGAHD! Ano'ng kalokohan 'to?!

"Kiss me back, Aria," he said in between of our kiss at kahit hindi ko alam kung paano ang humalik, I just closed my eyes and let my feelings for him lead the movement of my lips.

Noong naghiwalay kami ay pakiramdam ko ako na ang pinakamasayang tao sa mundo. Jusko! We have just kissed! Hinalikan ako ng lalaking mahal ko! Parang gusto kong magplanking sa harapan niya pero pinigilan ko ang sarili ko.

"I love you, Aria," he said. Alam ko na ito ang pinakagusto kong marinig mula sa kaniya. I have dreamed about it. Ilang beses kong inimagine na sasabihin niyang mahal niya rin ako but instead of crying out of happiness, I can feel that my broken heart has been slowly shattered into tiny pieces when I heard him talk again.

"And you have to forget what happened tonight as what you have promised, Aria. Tomorrow, let's go back from being strangers."





Miss Ai

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 36.1K 102
Ang paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang ma...
1.1M 29.9K 75
[Trinnity High 1st Series] Madness lies within us all. Welcome to Hell.
90K 3.2K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
1.4M 95.1K 89
There's a secret in his every bite. *Cover is not mine. Credits to the rightful owner.