Rules of Love (UNDER EDITING)

De ricamae_porkss

3K 141 4

Amoureux Series #2 I once ask myself, what love is? What can i get out of it? Dulce Villalobos is a kind of g... Mais

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 31

29 3 0
De ricamae_porkss

Chapter 31

Last day na namin ngayon sa IloIlo kaya nag pasya kami na dito na lang sa harapan nang dagat mag tambay. Naka upo ako sa sun lounger habang si Clyde ay mukhang waiter na nakatayo sa gilid ko at hindi mapakali sa kakatanong kong okay ba lang ako kong hindi ba daw ako naiinitan o kong hindi ba ako nagugutom.

Naiintindihan ko naman na masaya siya kase kahit naman ako sobrang saya ko kong hindi nga lang namin napag kasunduan na sabay naming sasabihin sa mga magulang namin ang balita ay baka nakatawag na ako kay Papa at Vergel at nagsisigaw sa tawag sa sobrang saya.

Maalaga naman talaga si Clyde pero ngayon parang naging triple na, pag bumaba ako nang kama nasa gilid na agad yan at naka alalay. Pag maliligo ako sa banyo ay papasok muna yan at sisiguraduhin walang madulas na parte. Sa mga pagkain naman ay sinisigurado niya na lahat healthy, natatawa na lang ako kasi alam ko na kahit masaya yan ay kinakabahan talaga siya.

Understandable naman ulit yon since first time daddy siya, sa tuwi nga lang na sobrang malaga siya ay hindi ko maiwasang mapangiti kase ang cute cute niya lang talaga hindi na ako mag tataka kong magiging kamukha niya ang anak namin.

Speaking of kamukha feeling ko din ay medyo magiging kahawig ni Carol ang anak namin kasi talaga namang gusto ko palaging nakikita ito at pinipisil ang kanyang pisngi. Noong una ay natutuwa pa siya at inaasar sina Julliana na siya na daw ang favorite ko pero nang nag tagal ay nasasaktan na ata siya kaya naman inilalayo na lang ako muna ni Clyde kaya pisnge naman niya ang aking pinipisil, ginugulo ko din ang buhok niya.

Pinapaypayan ako ni Clyde nang bigla ko siyang higitin kaya naman napaupo siya sa gilid nang sun lounger, sumimangot ako dito kaya agad siyang nag tanong.

"Why? Do you need something? Want me to massage your foot? Foods?" Umiling ako at yumakap na lang sa kanyang braso na mukha namang na gets niya kaya agad niya akong dinampian nang marahang halik sa labi, agad akong napangiti nang malaki dahil sa ginawa niya.

Ganon lang ang naging posisyon namin hanggang sa lumapit sa amin si Killian, bubuhatin ko sana siya pero pinigilan ako ni Clyde at sinabi na siya na lang daw ang bubuhat dito. Ikinalong ni Clyde si Killian sa kanya at sabay sabay kaming tatlo na tumingin muna sa may dagat bago nag kulitan.

Umisod ako sa sun lounger para mag kasya silang dalawa, they we're busy talking and joking at each other kaya naman kinuha ko muna ang cellphone ko sa katabing lamesa nang sun lounger at agad ko silang kinuhanan nang litratong dalawa, tinanggal ko ang flash para hindi nila mapansin na kinukuhanan ko sila nang mga larawan. Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita kong gaano kasaya ang dalawa habang nilalaro ang kamay nang isa't isa.

Hindi ko din kasi maiwasang isipin kong gaano kaya kasaya kapag tuluyan nang lumabas ang baby namin ni Clyde. Yong tipo na gigising ako sa umaga at ang mga nakangiti nilang mga mukha ang agad na sasalubong sa akin.

Napahawak ako sa tiyan ko at napangiti, baby nandito lang kami ni Daddy. I love you anak.

Nawala ako sa pag iisip nang halikan ako ni Clyde sa noo at si Killian naman sa pisngi, tumingin ako sa kanila at ngumiti bago kami nag kasundo ni Clyde na kilitiin si Killian. Syempre para siyang bulate pero cute version. Tawa lang kami nang tawa hanggang sa nakawala si Killian sa hawak ni Clyde at nag tatakbo kaya naman agad na tumayo si Clyde at dahan dahan naman itong hinabol.

Sa hindi ko malamang dahilan ay napaluha ako.

"Anong peg mo diyan? Bakit ka naiyak buntis na to" Bungad sa akin ni Mau habang naglalakad siya palapit sa akin para sana kunin ang kanyang cellphone. Inirapan ko ito kasi simula pa nong byahe ay wala na siyang ginawa kong hindi ang asarin ako, silang dalawa ni Carol.

"Wag ka ngang panira nag momoment ako dito eh" natawa ito bago lumapit sa akin at sinenyasan ako na uupo siya sa tabi ko. Pag kaupo niya ay agad niyang hinawakan ang kamay ko na naka patong sa aking tiyan, humarap din ito dito at nag simula itong kausapin ang baby namin ni Clyde.

"Hi baby, wag kang magagalit kay Ninang kong palagi kong inaasar si Mommy mo ha? Love ko lang yan kaya ako ganon, wag mo siyang papahirapan kasi madami na yang pinagdaanan na masasakit sa buhay niya at alam ko na sa oras na ipanganak ka na wala na siyang mararanasang sakit kaya stay still ka lang diyan, relax ka muna ha" Seryoso lang siyang naka tinggin sa aking tiyan na para bang nakikita niya ang baby ko, hindi ko tuloy maiwasang mapaluha na naman. Ang sensitive ko na talaga, grabe ka na baby! Charot.

"Wag kang matatakot lumabas pag oras na ha kasi excited kaming lahat na ma meet ka lalo na tong Mommy at Daddy mo. Thank you baby kasi pinasaya mo ang parents mo deserve nila yon kaya dahil diyan may 100 ka sa akin sa pasko charot lang. Siya titigil na si Ninang baka mamaya umiyak ka na diyan baby, love na love ka ni Ninang" Hinalikan niya din ang tiyan ko kaya naman hindi ko na naiwasan na yakapin siya nang mahigpit, sa balikat niya ako nag iiyak.

"Tumahan ka nga ang sama na nang tinggin sa akin ni Clyde baka mamaya may dala yang armalite tas pagbabarilin ako charot" Dahil matigas ang ulo ko ay hindi ako nakinig sa kanya at mas lalong umiyak kaya naman nag lapitan na silang lahat.

"Hoy bruha ka ano namang ginawa mo diyan, pag yan nakunan nako papatapon ka ni Clyde sa mga sindikato"

"Hoy Carol wala kaya akong ginawa ang bait bait ko nga tsaka wag ka nga ikaw lang naman tong mukhang sindikato"

Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Mau at parang umurong ang mga iyak ko dahil napapairap na naman ako sa pag babangayan nilang dalawa, as in sobrang ingay nila palagi. May pagkakataon nga na si Killian na ang nag papatahimik sa kanila kasi kahit yong bata ay nabibingi na sa kanilang bungangang dalawa.

Agad na ibinalik ni Clyde si Killian kay Julliana bago ito lumapit sa akin at agad na nag tanong ko okay lang ako, tumango na lang ako kaya naman inakbayan na lang ako at sabay sabay kaming nakinig sa pag babangayan ni Carol at Mau na wala na talagang kwenta as in.

Halos kalhating oras silang nag bangayan, napunta na nga ang usapan nila sa iba't ibang elements sa periodic table kaya naman si Julliana at Aaron ay utas na dahil nag iimbento na silang dalawa nang elements.

Naglalakad kami ngayon pabalik sa hotel, medyo mainit na kasi ang sikat nang araw kaya naisipan namin na kumain na lang muna nang lunch at sa gabi na lang ulit bumalik. Pag upo namin ay hindi na kami nakahawak nang menu dahil agad na tumawag si Clyde nang waiter at umorder nang lahat nang nasa menu.

Katulad nang una ay gusto kong pigilan pero agad na niyang napapaalis ang mga waiter kaya sinungitan ko na lang siya na ikinatatawa niya kaya ang ending natatawa na lang din ako.

"Hey Carol kailan balik mo sa states?" Nag salita si Julliana kaya lahat nang atensyon namin ay napunta kay Carol na nainom, ibinaba nito ang baso at nag punas muna nang bibig niya bago kami nginitian at nagsalita.

"Three months from now, I guess? Humiling kasi ako nang mas mahabang vacation dito sa pilipinas since ang tagal talaga nong shoot sa ibang bansa, mga around one and half to two years straight ako don pero syempre pag plug off nang schedule pwede naman akong umuwi pero hindi na nila sagot ang pamsahe ko haha" Tumawa siya pero kami ay hindi natawa dahil matagal na naman na hindi siya uuwi. As much as posible kasi gusto talaga naming nagkakasama kasi kami na lang ang natitira sa aming mga kakaibigan tapos unti unti padin kaming naghihiwahiwalay.

Syempre malungkot pag ganon pero alam naman namin na nag grow kami kaya okay lang.

"Wag nga kayong ganyan, uuwi naman ako jusko at pangako ko sa inyong lahat pag umuwi ako may dala akong pasalubong, lalo na sa pinaka cute kong pamangkin na si Killian" She pinched Killian cheeks that made Killian smile kaya napangiti nadin kami.

Inihilis na lang ni Carol ang usapan para naman hindi na kami malungkot at nag tagumpay naman siya. Habang nagtatawanan kami ay dumating ang order na pagkain kaya nanahimik na kaming lahat at nag simula na namang kumain.

As usual ang dami ko na namang nakain kaya pag dating sa kwarto ay nagiinarte ako kay Clyde.

"Ang taba ko na talaga" Halos mangiyak ngiyak na ako niyan, sa totoo lang minsan kapag ganito ako iniiisip ko kong ako pa ba to kasi hindi ko talaga to ginagawa noon.

Lumapit sa akin si Clyde, hinawi niya ang buhok ko na nakaharang sa aking mukha bago inilagay ang pareho niyang kamay sa aking bewang at tiningnan ako nang diretso kaya nag pout na lang ako sa kanya.

"Sweetheart, hindi ka talaga mataba at kong mataba ka nga eh ano naman maganda ka pa din naman"

"Baka kasi ipagpalit mo ko" Natawa siya sa sinabi ko kaya agad niyang hinalikan ang aking noo, pinisil niya din ang aking pisnge.

"Look kong nadadala ako sa mga sexy na katawan o magandang mukha tinggin mo ba ay mag aantay ako sayo kahit alam ko sa sarili ko na wala na namang kasiguraduhan kong mahal mo pa ako? Nang oras na pinili kita minahal ko ang lahat lahat sayo, your flaws? I'm in love with them so stop saying na dahil buntis ka at nag gain nang weight ay maghahanap ako nang iba, hindi mo lang alam kong gaano ako paulit ulit na nahuhulog sayo lalo na ngayong nakikita ko na unti unti nang lumalaki ang baby nati sa katawan mo" Tears of joy flows freely in my cheeks na agad naman niyang pinunasan, niyakap ko din siya at inilagay ko sa kanyang dibdib ang aking ulo kaya itinaas niya ang kanyang isang kamay para yakapin ako mula sa ulo.

"So don't ever think na ipagpapalit kita okay? Kasi hindi ko yon gagawin kahit na kailan. You're my do or die Clementine, it's either you or never" Niyakap ko lang siya nang mahigpit hanggang sa antukin na ako at tuluyang naka tulog.

Nagising ako na naka higa na ako sa kama at may kumot, kinapa ko ang kabilang parte para hanapin si Clyde pero napamulat ako nang wala akong nakapa. Bumangon ako at tumingin sa gilid para tingnan ang oras.

Alas otso na, naalala ko na may usapan kami na mag kikita kita sa tabing dagat nang ganong oras kaya naman tumayo ako at dumiretso sa banyo. Nagtataka lang ako kong bakit wala si Clyde, nauna na ba siya? Pero hindi eh hindi naman ako non iiwan mag isa, it's either gigisingin niya ako o iintayin niya akong magising bago kami umalis.

Inalis ko na lang yon sa akin isipan at nag sepilyo na, nang matapos ay kumuha lang ako nang isang balabal at tuluyan nang lumabas. Pag baba ko ay nagtaka na naman ako dahil walang tao, sumilip silip pa ako pero wala talaga akong nakita na kahit sino, weird.

Pag labas ko nang hotel ay sinalubong ako nang malamig na simoy nang hangin kaya napapikit ako para damhin ang iyon pero napamulat din nang may narinig ako na nagsalita sa microphone.

Si Clyde yon, nandoon siya nakatayo sa isang platform na nakalagay sa dagat, sa paligid nang platform ay may mga kandila na naka lutang sa dagat na nag huhugis puso, nakita ko din ang mga kaibigan ko including Killian na nagsasaboy nang bulaklak sa buhangin na dadaanan ko para makalapit ako kay Clyde.

Wala pa man ay naiiyak na ako habang naglalakad. Nang madaanan ko ang mga kaibigan ko ay naiiyak lang din ang mga ito habang naka ngiti sa akin.

Patuloy akong naglakad hanggang may lumapit sa aking isang watier ata at dinalhan ako nang upuan, umupo ako doon habang diretso na nakatinggin lang kay Clyde na nandoon padin sa gitna nang dagat.

I cannot clearly see how he really look since gabi tapos nasa gitna pa siya, tanging ang kanyang boses ang malinaw sa akin.

"Dulce Clementine, do you remember the time na pinapirma kita nang form kahit hindi ka naman nag fill out sa CAT?" He asked me as if maririnig niya ang mga sagot ko, tumango na lang ako inaasahang kahit yon man lang ay makikita niya.

"I'm the one who fill out that form, I just asked your friend about your details but I'm the one who fill that out. Before pa talaga mag start ang CAT I find you cute, but I didn't know if my feelings was just simply crush or I really like you so inisip ko ah baka malalaman ko pag sumali ka sa CAT but then nong araw nang application you didn't fill out so I panic a bit and ask Eli and your friends about your details and I act as if I didn't know anything" Shocked? Yes, but I find his story cute. He acts as if ang laki laki nang galit niya sa akin nong CAT yon pala siya pa mismo ang nag sali sa akin.

"You got me because of your simple giggles and chuckles, I love all the things about you, and I would love to spent every seconds of my life hearing and knowing anything about you Clementine" Hindi ko alam kong dahil sensitive ako dahil sa pagbubuntis ko o dahil talagang nakakaiyak lang ang sinasabi ni Clyde.

I just keep on crying habang nakatinggin padin sa kanya na ngayon ay nakatinggin din naman sa akin nang diretso.

"I know we had a lot of painful events that happened to us that truly breaks us for the past years, but the years, the pain and everything didn't made me swayed a little bit rather it becomes my hope that someday we might see each other again and that time we can love each other the right way. The pain becomes my everyday reminder how I fell in love with you, how I love seeing that smiles that can take away my breath. I love you so much kaya hindi ko kinaya na kalimutan ka na lang nang basta basta" Malabo na nang kaunti ang paningin ko pero kita ko padin naman na katulad ko ay naiiyak nadin siya. I only dream of this; every day I would dream what life we would experience together but I never thought that dream of mine is now turning into my reality.

"We lost seven years already sweetheart at kahit naman ilang taon pa ang lumipas hindi naman mababago non ang katotohanan na ikaw lang naman ang gusto ko makasama habang buhay. Ikaw lang ang gusto kong makita sa tuwing bubuksan ko ang mata ko, ikaw lang ang gusto kong makasama sa bawat byahe nang buhay ko at ikaw lang ang tanging babae na gusto kong maging ina nang magiging anak ko. I'm gonna ask you today but before that remember that I will never pressure you, if you still don't see us as a marriage couple don't hesitate to turn me down, okay? I will understand and I'm willing to wait for that yes kahit abutin pa ako nang taon" Nagpapatawa ba siya? Ilang buwan ko nang inaantay na mag tanong siyang ulit tapos tatangihan ko lang.

Tumayo ako sa pagkakaupo sa upuan at lumapit sa waiter na lumapit sa akin at nag tanong kong saan ako maaring sumakay o lumakad para makapunta ako kong na saan si Clyde. Sinabi niya lang sa akin na may transparent platform sa gilid kaya naman sabay kaming naglakad doon at inalalayan niya ako habang unti unti kaming nalapit sa platform na kinatatayuan ni Clyde.

Habang nalakad kami ay unti unti nang nagiging malinaw sa akin ang itsura niya, he was crying just like me habang diretso lang siya nakatinggin sa bawat hakbang at galaw ko.

Nang malapit na kami ay naglakad na si Clyde para salubungin ako, nang tuluyan na niyang nahawakan ang aking kamay ay inalalayan niya ako sa pwesto kong saan siya nakatayo kanina, doon ko nakita na mas madami pang petals ang nakasaboy sa tubig kaya naiyak na naman ako.

Inilagay ko ang kamay ko sa kanyang batok at ang kamay naman niya ay bumaba sa aking bewang, parehong namumula ang aming dalawang mata habang hindi namin inaalis ang tinggin sa isa't isa. God! I love this man so much.

Natanggal ang aming titigan nang bigla siyang lumuhod at naglabas nang isang velvet box kong saan nakalagay ang isang diamond ring, nagawa ko pang magulat kahit alam ko na naman kahit kanina pa na yon naman talaga ang balak niya.

"Clementine, my sweetheart, my lifeline, my everything. I love you more than anything and I would love to love you until my last breath so I'm asking you, will you marry me and spend this lifetime with me?" Iyak ako nang iyak habang natango ako, hinawakan niya ang kamay ko kaya naramdaman ko kong gaano siya nanginginig. Sobra ang panginginig nito na ramdam na ramdam ko iyon habang dahan dahan niyang inilalagaya ang singsing sa aking daliri.

The moment he finally put it in my finger ay naiyak ako ulit tapos siya naman ay tumayo at hinawakan ang pareho kong pisnge bago ako hinalikan sa noo. Hindi niya tinanggal yon hanggang sa narinig ko na lang na nahikbi siya kaya naman kahit habag din ay pinilit kong iharap sa akin ang kanyang mukha. Dahan dahan kong pinunasan ang kanyang mga luha bago ko inilapat ang aking labi sa kanya na agad naman niyang tinugon.

Habang mag kalapat ang aming labi ay rinig ko mula dito ang mga hiyawan nang aking mga kaibigan, kaya nang mag hiwalay ang labi namin ay masayang masayang ako humarap sa kanila at itinaas ang kamay ko kong saan nakalagay ang singsing kahit alam ko din na hindi naman nila yon masyado ma aaninag.

Inakbayan ako ni Clyde at hinalikan ang aking sentido bago ako sinabihan na humarap sa likod, sa langit. Pag harap namin ay agad na nagkaroon nang fireworks display kaya mas lalong lumaki ang ngiti ko.

"Thank you, Clyde. To be honest hindi mo naman ako kailangan na paghandaan nang ganito kahit nga bigla ka na lang mag tanong sasagot naman talaga kasi ikaw naman ang kailangan ko and spending this lifetime with you would be the best thing I could experience" Lumipat siya sa likod ko at niyakap ako mula doon, ang dalawa niyang kamay ay hawak hawak ang tiyan at kamay ko na para bang niyayakap na din niya ang anak naming dalawa.

"You can say that, but I want to, gusto kong iparanas sayo lahat nang bagay na deserve mo. Gusto ko na sa buhay na tatahakin natin nang mag kasama hinding hindi mo mararansan kahit isang beses na hindi ka kamahal mahal kasi sa totoo lang handa kong itaya ang lahat para patunayan lang na hindi sayang ang mahalin ka, na worth it na mahulog sayo" Ayaw ko na talagang umiyak dahil makakasama sa baby namin pero ang mga salita niya ay talaga namang nakakaiyak in a good way. Hanggang ngayon hindi ko padin naman alam kong deserve ko ba talaga na mahalin niya nang ganito katindi pero ngayon imbes na yon ang isipin ko nang isipin gagawin ko na lang ang lahat para maging worth it talaga ako sa pagmamahal niya.

Katulad niya hinding hindi ko din kahit kailan ipaparanas na hindi siya kamahal mahal, gagawin ko ang lahat para maging worth it nang pagmamahal niya.

We end that night with a big smile on our faces, I hope that the life that we both gonna encounter is not as hard as we experience. I'm not gonna ask for a perfect life kasi wala namang ganon pero ang tanging hiling ko lang ay makarananas kami nang buhay na mananatiling buo at nagmamahalan.

Because in this lifetime I know that my heart will always choose him, kahit saan ako mapunta sa kanya at sa kanya padin ako uuwi kasi siya ang tahanan ko.

Sila nang magiging anak namin.

Continue lendo

Você também vai gostar

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...