FRAIL (BXB)

By LOVEPOLCA

35.2K 885 83

He is straight and so am I. We are complete strangers to each other. But, the moment he saw me, I already kne... More

Author's Note
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six (R18)
Chapter Seven (R18)
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen (R18)
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two (R18)
Chapter Twenty Three (R18)
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six

Chapter Twenty

801 30 10
By LOVEPOLCA

(Errors ahead! Wala pong proofread."

Nakasimangot na nakasandal ang ulo ko sa bintana ng kotse niya. Papunta na kami sa bahay ng parents niya. Hanggang ngayon medyo badtrip pa rin ako na makakasama namin si Stephanie. Oo na, alam ko naman na pamilya na din nila yung babaeng yun pero for sure kasi na masisira ang araw ko pagkakita ko sa kaniya o sa mga gagawin niya. Alam ko may balak yun. Ganun yung mga nakekwento sa akin ni Ivy eh.

"Love, stop sulking."

Napairap ako ng palihim. Dagdag pa na kinakabahan pa rin ako.

"Just drive there, don't mind me." masungit kong ani.

Huling narinig ko na lang sa kaniya ay ang pagbuntong hininga niya kasabay ng paghawak sa isang kamay ko.

Ilang minuto pa, naramdaman kong bumagal ang takbo ng sasakyan palapit sa isang malaking bahay. Syet mansion nga ata to! Yung kalahating kaba ko kanina ay naging buong kaba na. Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko.

Dahil sa tulala, di ko namalayan na napagbuksan na pala niya ako ng pinto ng sasakyan at nakahawak na sa itaas ng ulo ko habang inaalalayan akong bumaba.

Shit! Ang laki ng bahay nila! Tapos ang daming sasakyan na nakahilera sa garahe. Humarap ako sa kaniya habang papunta kami sa pintuan ng bahay nila.

"Nung nakatira ka pa dito. May wheel of brands bang nagaganap pagdating sa anong kotseng gagamitin mo everyday?"

Napakunot ang noo niya sa akin at kalaunan ay tinawanan lang ako habang umiiling. Slow! Late reaction!

Sinalubong kami ng isang matandang babae na nakauniform na pangmaid. For sure, mayordoma nila to. Ang strikto din kasing tignan. Napaayos tuloy ako ng lakad at tayo.

Ngitian niya ng tipid ang katabi ko at bahagyang yumuko.

"Señorito, maligayang pagbabalik po uli dito sa mansyon."

Napanguso ako sa tinawag niya kay Damon. Lolokohin ko sana siya pero pagkaharap ko sa kaniya ay malamig na expression lang ang meron sa mukha niya pati mata malamig. Nang magkatinginan kami ay lumambot ulit yun. Right! Kapag sa ibang tao pala ganto siya, dapat masanay na ako.

Nginitian ko na lang yung matanda na mukhang hindi naman na nabigla sa kawalang tugon sa kaniya ng katabi ko.

"Hinihintay na po kayo ng Don at Donya. "

Bumalik ang kaba ko. Pwede pa bang umurong?

"Let's go, Love. Don't worry, I'm here."

Pagkapasok ay halos malaglag ang panga ko sa pagkawow! Yung ganda ng bahay nila sa labas walang wala sa ganda nitong sa loob. Ang laki at ang lawak pa. Di ko maexplain pero dapat ata nakatuxedo akong pumunta dito.

"Son."

May isang lalake at isang babaeng magkaakbayan na papalapit sa pwesto namin. Ang isang lalake ay nakangiti habang papalapit sa amin pero di ko maikakaila ang kakisigan kahit na makikita dito na may katandaan na habang ang babae naman ay may tipid na ngiti, malalamig na mga mata, kahit na may edad na eh, ang ganda pa rin. They are definitely Damon's parents.

"Hi Dad, Mom." Damon nodded at his father and eventually hugged his mother and kissed her cheeks before coming back to my side.

Inaybayan niya ako. "As what I have promised. He's Kier. My adorable and lovely-argh!" Dmaing siya ng sikuhin ko ng malakas ang tiyan niya. Napaka talaga! Pero agad din akong nahiya ng makita kong nakatingin pala sa amin ang parents niya. "My sadist boyfriend. Medyo malakas din siya Dad."

Natawa naman sa kaniya ang Dad niya. Habang ako ay hindi na alam ang gagawin. Paano ba ako babati?
Nagtaka ako ng itaas ng Dad niya ang kamao sa akin. Nagtataka akong tumingin sa kaniya.

"Fist bump? Bagets pa ata to." Natawa akong bahagya at nakipagfist bump sa kaniya at sa Mom niya na kanina pa tahimik ay alanganin ko namang bineso. Damon is really the combination of them. Minsan kalog, Minsan parang yelo.

"I'm glad you came here, Kier. Welcome to our home!" Maligayang saad sa akin ng Dad niya.

Napangiti naman ako sa gaan ng expression ng mukha niya. Saya siya.

"I'm also glad po that you invited me, Sir?." Timid kong sagot sa kaniya na kinailing lang niya.

"Feel at home, okay. Call me Dad and here's my wife na lagi ay akala mo may dalaw kahit pa-menopause na, Call her Mom."

Napasinghap ako sa sinabi niya. Una dahil di ko alam kung tatawanan ko ba yung joke niya. Joke ba yun? Pero inirapan lang siya ng asawa niya. Pangalawa, nakakahiya, syet naman Dad and Mom kaagad?!!! Sinamaan ko ng tingin ang pangisi-ngisi lang na katabi ko. Enjoy siya ih.

Pinigilan kong ngumiti nang hulihin niya ang kamay ko at pinagsalikop yun sa kamay niya sa harap ng magulang niya.

"Naku, Sir, nakakahiya naman pong tawagin kayo nun, lalo na po kay Ma'am." Alanganin kong saad kasi nahihiya ako. Pwede bang Tito at Tita muna?

"It's okay to call us like that. Pasasaan pa't alam ko naman di ka na makakawala pa sa anak k--"

"Son, where is Steph?"

Hindi ko na naintindihan pa ang sinabi ng Dad ni Damon ng marinig ko ang pagsalita ng Mom niya. Medyo napayuko ako dahil sa tanong niya.Hindi naman niya ako sinasamaan ng tingin or ano pero ramdam kong hindi ako gusto ng mama niya. Tignan mo nga at yung babaeng yun ang hinanap kaagad.

Humigpit ang paghawak ni Damon sa kamay ko kaya tinugunan ko yun ng pagpisil. Dumaan ang ilang sandaling katahimikan sa amin pero hindi nakaligtas sa akin ang bahagyang pagkiling ng ulo ni Damon. Hindi ko alam kung dahil ba hindi niya nagustuhan ang sinabi ng mama niya o dahil hindi niya alam kung nasaan nga ang babaeng yun.

"Hello, guys!!! I heard my name! Now I am sure someone is missing me!"

Speaking of. Bahagya akong napaatras ng dumaan siya mismo sa gilid ko at medyo nabangga niya ako sa balikat habang excited na papunta sa donya upang yakapin.

Napakagat ako ng labi ng makita kong ngumiti ng malawak ang donya habang kayakap siya. Now, I am sure, she really don't like me.

"Love, are you okay?"

Marahan na tanong sa akin ni Damon. Nginitan ko naman siya at tumango.
"Yeah, I am okay." Tinnitigan naman niya ako ng mariin kaya nagsalita ulit ako. "I mean, I am not, but I understand." saka ako ngumiti ng pilit. Medyo nabastusan lang kasi ako kanina tapos ang eksena sa harap ko ay naipapamukha pa sakin ang mga kinatatakutan ko mula ng marinig kong ipapakila ako ni Damon sa parents niya.

"I an sorry." May humaplos sa puso ko ng marinig kong malambing at sinserong sinabi niya sa akin yun.

"Don't be." Ngumiti ako ng totoo sa kaniya ganun din sa papa niya na nagpapasensiyang sumenyas sa akin.

"Oh gosh Tita! You are still gorgeous like the last time I saw you. It's been years, you are not aging, I am jealous!"

Halos mapangiwi ako sa lakas ng boses niya. Imagine, binanggit niya lahat yun gamit ang matinis na boses niya. Dapat sanay ako sa ganto dahil sa trabaho ko ay kapag may naglalabor talagang maingay talaga pero ewan ko ba. Depende sa tao yung inis din talaga eh.

"Really? That's why I like you, you know how to flatter me."

Patuloy lang silang nagkakamustahan habang papunta na kami sa dining nila. Nauuna sila kasunod si Tito, at huli kaming dalawa ni Damon.

"Tell me if you want to go home okay?"

I nodded at him.

While eating, Tito asked about my job so I willingly told him. I am pleased that he sounds so interested to what I am saying. Paminsan minsan ay sumisingit sa usapan namin si Damon habang sina Stephanie naman at Tita ay may sariling mundo.

"Son, why don't you accompany Stephanie to my room, she's going to put her gifts to me there."

Natigil ang paguusap namin ng bigla na lang nagsalita ang Mama niya, eksaktong tapos na kami sa pagkain.

"Is that necessary?" Malamig na sagot ni Damon sa Mama niya.

"Tita, it's okay. I know naman po kung saan yung room niyo."

"No, let my son accompany you okay?"
"I don't want to Mom." Mas mariin na sambit ni Damon habang humihigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko sa ilalim ng dining table.

Napatingin ako kay Tito at nakuha ko naman ang ibig sabihin ng tingin niya. Inagaw ko ang attention ni Damon at nginitian.

"Go on, I'm fine here. Pagbalik mo, uwi na tayo." Mahina kong bulong sa kaniya.

Nung una ayaw pa niyang pumayag pero kalaunan ay pumayag din.  Pinagmasdan kong mawala silang dalawa sa paningin ko. Nakita ko pang pasimpleng ngumisi sakin si Stephanie ng tumayo si Damon. Pero napailing na lang ako ng dere-deretsong umalis si Damon at hindi inabalang hintayin ang sasamahan sana niya. Tsk.

"Hon, just wait us in the library."
Napanguso si Tito, kung di man ako kabado ay mapapangiti ako pero nakatitig sa akin ang Mama ni Damon eh. Alam ko na plano niya, kakausapin niya ako.

Sinusundan ko ng tingin ang likod ni Tito na tila ba nagmamakaawa na wag niya akong iwan dito.

"Kier, right?"

Ayan na nga!

"Yes, Ma'am."

"Just call me Tita. I want to talk to you."

"T-tita, what is it po? " Naiilang pa rin ako. Geez.

"Stephanie told me that you are not really gay. Is she right?"

Napalunok ako sa sobrang strikto ng boses niya. Slowly, I nodded. Napabuntong hininga naman siya.

"Stephanie also told me that you are a womanizer."

Napakagat ako ng ibabang labi. Babaeng yun! Stalk pa!

"You are ashamed about having a relationship with my son."

Napaangat ako ng tingin dahil nanaman sa sinabi niya.

"Stephanie also told me that."

Kumukulo na talaga dugo ko sa babaeng yun. Ano bang mga pinagsasabe niya sa Mama ni Damon. Sinisiraan niya ako!

"I don't like you for my son if all of that are true. Just like you, I am perfectly sure that my son is straight, but the moment he saw you, he didn't even blink to tell us that he likes you." aniya habang nakatingin sa kawalan.

"It was okay. Not until Stephanie told me that you are not proud about my son. I just think you don't deserve him."

"Don't get me wrong, I like you but I know what my son's worth. He don't deserve to be hidden, he don't deserve being in a relationship with no assurance, especially if his partner is weak."

Tahimik kong tinatanggap ang mga sinasabi niya. Some of them are true that's why I am feeling guilty.

"What will you do? Damon already introduce you to us, how about you? When will you introduce him to your family? or Are you planning to?"

I don't know what to answer. Honestly, I don't have a concrete plan yet. Pero gets ko naman siya. Gets ko yung pinupunto niya at sumasang ayon naman ako. Hindi naman nga pwedeng all out si Damon sa relationship namin habang ako ay laging takot, duwag, at alanganin. Nasabi ko na to noon, hindi pwedeng lagi na lang siya ang nagaadjust. Oo ng oo sa mga excuses ko.

"I don't also like the idea that you are making my son insecure when it comes to your women. Worst, you are cheating on him, Stephani-"

"Excuse me po Tita." Hindi ko na napigilang sumabat. "I admit I have many doubts when it comes to my relationship with your son and I think that's given. Hindi po madaling magcome out, marami po akong kailangang i-consider and I know your son understand me on that matter. He knows I am not ashamed of what we have. I just need time, but slowly I am already embracing it, because I know he deserves more."
Huminto muna ako saglit para huminga ng malalim. "For my family, I don't have plans yet, pero hindi po ibig sabihin na wala na akong balak. Nasa province ang family ko, gusto ko kung dadalhin ko po doon ang anak niyo at ipapakilala ay makakapag-stay kami ng ilang araw. We both have works here, and I am just waiting the right time kung saan parehas kaming free."
Kumakalma na ako habang nagsasalita dahil nakikita kong lumiliwanag na din ang itsura niya. "Lastly, I am not cheating on your son. I had fair share of women before, yes,  but I'm not cheating on him and I'm not planning to. Your son will definitely kill me, I think we both know that." Napahinto ako ng marinig ko siyang natawa habang tumatango. "If you still have questions about me or about our elationship, ask Me or Damon. Kami lang po makakasagot ng mga yun, hindi po ng ibang tao, ng kung sinu-sinong tao." Mariin kong bigkas sa mga huling pangugusap ko.

She smiled at me. "I am sorry for my actions earlier, I know I am rude. "

"I understand po."

"Please take care of my son. He loves you, I know that. I am just scared that you will hurt him." Umiling ako bilang pagtanggi sa kinakatakutan niya.

Tumayo siya ng makarinig kami ng mga yabag papalapit. Huminga siya ng malalim at pinagmasdan ako.

"Kier, what you said is right, I know Damon can handle himself. Damon knows what he wants especially to what he knows he owns. I shouldn't worry because I'm sure Damon know what he will do to you kapag may nagawa kang di niya nagustuhan." Pabiro niyang saad sa dulo.
Hilaw akong ngumiti, pangit-ngiti pa siya habang ako kinabahan sa sinabi niya.

Tumayo na din ako nang dumating na si Damon at ang dilim ng awra habang pilit na ngiti naman ang meron kay Stephanie habang papalapit.

I welcomed him with a hug na binalik din niya. Hinalikan niya ang sentido ko pagkatapos.

"How is it? Does my Mom like you now?"

Napangiti na lang ako sa tinanong niya at pinigilan ang kamay niyang gumagala sa likod ko.

"Tara dun daw tayo sa library."

"Oh? I though we will go home after this?"

Umiling ako at hinawakan ang kamay niya at hinila.

"Gusto daw muna tayong makabonding ng Dad mo."

Nauuna kami patungong library pero ramdam ko ang matatalas na tingin sa likod ko. Napairap ako. May araw din siya.

Umupo kami sa sofa na meron sa library habang si Tito ay nasa harapan namin at umiinom na. Tinanguan niya kami.

"Stephanie, help me get our snacks."
Napatingin ako kay Tita na nginitian ako at pinahiwatig na kaya na nila kaya hinayaan ko na. Sinundan ko ang likod nila hanggang sa mawala ang likod ni Stephanie sa paningin ko.

"Just what the hell are you looking at Kier?"

Napanguso ako ng marinig ko ang mariin niyang bulong.

Umiling lang ako at nginitian si Tito na kakatapos lang bigyan ng alak ang baso namin na nakahanda na kanina pa.

"You have a habit of following someone's back whenever they are leaving."

Pansin ko nga.

"Yeah, I think that's a compliment. It's a sign of my respect."

Tumaas ang kilay niya sa pinagsasabi ko.

"I don't like it, especially to girls. It's like you're checking them out."

"Well, I'm not. Ikaw na nagsabi habit ko lang yun."

Inabot ko ang baso ko at sinimsim yun bago dahan dahan na ininom.

"Maybe, it got something to do with your fetish. You like pwet."

Nasamid ako sa sinabi niya kaya napaubo ako. Mabilis naman niya ako dinaluhan at binigyan ako ng tissue. Nahihiyang tinignan ko si Tito na mukhang hindi naman narinig ang pinaguusapan namin dahil naglalaro ng candy crush sa malaki niyang tablet. Geez. Pero ng masamid ako ay mabilis naman niya akong tinanong kung ayos lang ba ako na tinanguan ko ng mabilis at bumalik kaagad siya sa paglalaro habang paminsan minsan ay umiinom.

Namumulang sinamaan ko ng tingin ang katabi ko na busy sa pagpupunas ng basa sa mukha ko gamit ang tissue.
"Ano bang pinagsasabi mo?!" Mahina kong singhal sa kaniya.

Nagkibit balikat siya. "I heard from Pier. The IG Live, remember?"

Napapikit ako sa sinabi niya.

"Just shut up, okay? Naghahanap ka lang ng away eh."

Di naman na niya ako pinansin at nakipagkwentuhan na lang kay Tito na mukhang tapos ng maglaro habang paminsan minsan ay pinipisil ang braso ko at pinapasadahan ang likod ko. Hinayaan ko na lang at minsan ay sumasali ako sa kwentuhan nila.

Ilang sandali pa dumating na din sina Tita at Stephanie kasama ang dalawang maid na nagdadala ng dalawang tray kung saan nakalagay ang mga snacks.

Ang pinaguupuan namin ay pangtatluhang tao. Sa harap namin may center table na pasquare tapos sa kabila sofa din na pangtatluhan. This is just for the people who wants to read here in the library. Pero sa kabilang banda merong mas mataas na table na kung saan pang office, at swivel chair. I think sa Dad niya yun, for sure, minsan dito din siya nagtatrabaho dahil ang daming mga papel at may laptop pa.

Of course, tumabi si Tita kay Tito at si Stephanie naman. Well, hindi na siya kasya kina tito dahil parang naging pangdalawahan lang ang sofa sa laking tao ni Tito.

Sa tabi ko siya umupo at bakit hindi eh ang dami pang space sa kaliwa ko dahil kanina pa din ako laging linalapit ni Damon sa kaniya. Kulang na lang yakapin ako eh. Tignan mo ngayon, pagkaupo ni Stephanie sa tabi ko ay umusog siya pakanan at sinama ako kaya nagkaroong ng distance sa gitna namin ni Stephanie.

Pinagmasdan ko ang mukha niya, mukhang di siya masaya, di rin ako masaya. Ayaw ko din siyang katabi. Pagkatapos niya akong siraan sa Mama ni Damon na buti na lang agad kong napalinawagan, di na siya magiging mabuting babae sa akin.

We continued our talk, ang kaibahan lang ay pati si Tita ay sinasama na din ako hindi katulad kanina na sila lang ni Stephanie ang naguusap.

Naging maayos naman ang lahat at ng magdadalawang oras na kami dun ay napagpasiyahan na namin ni Damon na umuwi na. Napahinga ako ng malalim, buti na lang walang nangyaring malala di tulad ng inaakala ko. Nagpaalam muna akong magbanyo kaya nauna akong lumabas sa kanila ng library.

Pagkalabas ay may nakasalubong akong maid kaya nagpatulong ako kung saan ang banyo.

After doing my thing, I washed my hands to the sink. While doing that, someone knocked at the door. I frowned.

"May tao!" saad ko para alam nung tao sa labas pero patuloy pa rin siya sa pagkatok. Naisip ko na baka si Damon yun kaya binuksan ko na lang.

"What are you doing here? If you are going to use it, wait me first, I'm just washing my hands. " I tried to be casual at her kahit na yung mukha niya ay parang nanunuya. Yes, it's Stephanie.

I turned my back on her and turn on the faucet.

"I think Damon won't mind if I'am going to use it while you are still inside."

I stopped at what I am doing when I heard her. I look at her in the mirror since she is already at my back.

Napangisi na lang ako at tinapos na ang paghuhugas ko. Pero napaigtad ako ng lumapat ang kamay niya sa likod ko.

"What the hell are you doing?" Kalmado ko pa ring tanong sa kaniya at lumayo.

She smiled at me. "Why you look so scared?" Bigla siyang natawa. "Oh I forgot, I sent you text messages. But don't mind it, that's not true anyway."

Napakunot ang noo ko. Alam ko namang hindi totoo yun, pero ano bang pinagsasabi niya. Ang gulo niya. Tapos kung makatingin pa siya sa akin ngayon parang... Argh di ko maexplain.

"Don't worry, I didn't mind it at all. You can use the bathroom now." ani ko at lalabas na sana ng harangin niya ako.

Napahinga ako ng malalim at napalayo ng dumapo ang kamay niya sa dibdib ko.

"What do you want?" Tanong ko dahil mukhang di niya ako palalabasin hanggang di nagagawa ang balak niyang gawin.

"You. " I frowned at what she said. Me? Why me? What the hell she want from me?

"Look at me, Kier. I am beautiful and sexy. Sure kana ba talaga kay Damon?" She said seductively while roaming his hands at my chest.

I scoffed. Did she changed her tactic? Damn! She's really crazy. Marahas ko siyang tinabig at hinawakan ang door knob para lumabas na ng hindi ko agad to maikot sa simula. I tried twisting it again and again hanggang sa makuha ko din at nabuksan to.

Pero ganun na lang ang pamumutla ko ng makita ko ang taong nasa harapan ko. He's looking at my scared face, confusingly. Malamanag ay nagtataka siya bakit ganto ang expression ko ngayon.

"Are you don--" Napahinto siya sa pagsasalita kasabay ng paglapit ni Stephanie sa likod ko.

Gusto ko na lang mawala. Halos mapapikit pako ng tignan ko ang itsura ng taong nasa likod ko. Kailan pa naging magulo ang buhok niya?! At kailan pa nagkaroon ng smudges ang labi niya?!

Dahan dahan akong tumingin kay Damon at parang gusto ko na lang tawagin lahat ng santo ng masaksihan ko ang pagbabago ng expression ng mukha niya nang makabuo siya ng sariling conclusion sa itsura naming dalawa.

Mom and Dad, diyan muna ako sa province, please. Pipi kong usal habang rinig na rinig ko ang mabibigat na paghinga ng taong nasa harapan ko.

Continue Reading

You'll Also Like

855K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...