Burning touch

By dcmuch

6.5K 282 328

Namulat si Dahlia Aeria Escubar sa isang malayong isla ng Malinao,gamit ang pangalang Katya Valenzuela. Tahim... More

Dahlia - Owl City Girls Series
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22

Chapter 14

149 7 10
By dcmuch

Hinatid ako ni Cameron gamit ang luma niyang pick-up. Hindi ko alam kung paano iyon napunta sa Buklod, pero mainam na rin dahil dapit-hapon na kami umalis doon. Hindi pa ako nahahalikan ng kahit sino, walang nagtangka o hindi rin naman kasi ako nagpaunlak. Si Cameron palang ang first time ko at aaminin kong sa bilis ng ginawa niya ay inulit ko.

Hindi natapos ang sasabihin niya ng higitin ko siya. I chewed the bottom of his lip and slowly released it with my teeth. He glared at me with mixed amused and shocked expressions.

"What?" inosente kong tanong.

"You just bite my lip."

"Bite?" Natigilan ako, naalala ang pinanood kong romance movie kasama noon si Marko. Hindi nga ganoon ang kiss, pero may kasama kasing gigil ang akin. "It's what they called kiss."

Tumaas ang kilay niya. "Uh-huh?"

"Mali ba?"

Nakatitig siya sa labi ko ng ilang saglit. Pagtaas sa aking atensyon ay namungay ang kanyang mga mata. "Do you want me to teach you?"

"Okay lang naman."

Nagtangis ang bagang niya. Umikot siya upang mas makalapit sa akin. Ang kamay ay pumalupot sa baywang ko, hinapit ako ng husto palapit sa kanya. Ang isang kamay ay giniya ang aking baba pataas bago sinalubong ang labi ko. Unang patak, natulala ako. Kasing lambot ng cotton ang labi niya noong dumampi sa akin. Nanatiling nakaawang ang aking labi, naghihintay ng kasunod.

Muli ay ginawaran niya ako ng halik. Sa pagkakataong ito, pumikit siya. Pumikit din ako. Every touch of his lips was very sensual that I felt a tingling sensation running down my spine followed by his tongue that invaded my mouth. I mimicked it and kissed him hungrily too.

He stopped by hugging me tightly.

"We have to stop," he murmured in my ears.

Hinihingal at naliliyo kong nilanghap ang amoy niya. It was an unfamiliar scent but I knew it was an expensive perfume mixed with his natural scent. I never smell this kind of scent to anybody. Clarence, Junno, and the rest were all same. The usual, teen male perfume but I know expensive too but Cameron's scent was unique.

"Did you also bite your boyfriend's lips just like what you did to me?"

Napadilat ako, itunulak siya para makapag-react ngunit pinigilan niya. "Hindi 'no!"

"Good. You are not allowed to kiss boys."

Mabilis ang tibok ng puso niya, ngunit mas mabilis yata ang akin. Dumadagundong ito na para bang wawasakin ang katawan ko. Sinubukan ko ulit humiwalay, natatakot na maramdaman niya ang abnormal na tibok ng puso ko ngunit hindi niya ulit pinahintulutan.

"No exploration. No experience with any boys. No touch. No exchange digits."

What the— "Mahirap ang panghuli. Paano kung group activity? Kailangan kong makuha number ng ka-group ko."

"You are a professional playgirl. You always had a way, huh!"

Fine. Nagugustuhan ko na ang yakap niya. Yumakap ako ng mahigpit. "Okay lang 'yon. Mag-text man sila, ikaw lang naman ang may reply sa akin."

"You don't even text me."

"Wala akong load kapag ganoon."

Holding my shoulder, he parted so he could look at me in the eyes. "I'll call you. Answer it."

"Yes, ser!"

The side of his lips curved up for a sexy smirk. "Ihahatid na kita. Hindi ka puwedeng gabihin. At sa mga susunod na araw, ako na ang palaging maghahatid sa'yo... kahit practice mo."

Even until now the butterfly on my stomach kept on flaring as I watched his moving old pick-up away. Siya na raw ang palaging maghahatid sa akin. Nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala ang pag-aaral niya. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at nag-text sa kanya.

Ako: Paano ang pag-aaral mo pala? Baka makaabala ako.

Syempre hindi agad siya mag-reply. Nakangisi ako nang ibalik ang cellphone sa loob ng bag ko bago tumalikod doon. Napatalon ako sa gulat ng makita si Bethanie roon na nakatingin sa akin, seryoso.

"Hinatid ka ulit ng new stinky boyfriend mo?"

"Hindi ko siya boyfriend."

Umirap siya sa kawalan. "Kanina pa ako naghihintay sa'yo. Kailangan natin pag-aralan kung paano maglagay ng false eyelash."

"Tara na sa loob."

Pagkapasok sa loob, dumiretso agad kami sa kuwarto niya. Nagkalat doon ang mga larawan ni Cameron. Nagulat akong may larawan doon kung saan nasa Kansas si Cameron kasama sila Pao, Shawn, Johnny, at Jo. Nanonood sila ng live performance ni Aeri. Ibang larawan ang nakita ko.

"Dito ka maupo. Ikaw muna ang lalagyan ko."

Ginawa ko ang sinabi niya. Kabado na dahil baka may kuha ng larawan na kasama ko si Cameron. Siya pa naman ang kasama ko kada Sabado. Huminto ako sa naapakan kong picture. Pamilyar ang suot ni Cameron doon. Nakasandal siya sa lumang pick-up niya habang seryoso at mag-isa sa isang parking lot.

"Ano pang ginagawa mo riyan? Maupo ka na."

Nag-angat ako ng tingin kay Bethanie.

Alam niya na ba kung sino ang driver ng lumang pick-up?

Nanginginig kong inabot ang sandalan ng upuan. Nasa mga picture ang atensyon habang papaupo.

"Look down," she commanded.

I did as she said. May inilagay siyang parang mainit. "Ano 'yan?"

"Paste yata?"

Kabado ako. Hindi ko alam kung bakit guilty ako bigla na hindi ko sinasabi sa kanya ang pagkikita namin ni Cameron, gayung ito ang laging bukambibig niya. Kabado rin akong alam niya na pero hindi siya nagrereklamo. Gaya lang ba ito sa mga naging crush niya? Kapag nalalaman niyang ako ang gusto ng mga crush niya, nagpapaubaya siya?

"Birthday sa katapusan ng kapatid ni Cameron. Tayong dalawa ang pupunta."

"Bakit kasama pa ako?"

"Hindi puwede si daddy. Alam mo naman na hindi pa tapos ang issue niya. Tayo ang representative."

"Ikaw nalang... ikaw ang anak."

"Basta samahan mo ako."

"Ano naman ang gagawin ko roon? Supporting actress?" Dumilat ako ng matapos niyang mailagay ang false eye. Mabigat iyon pero nagustuhan ko.

"May hinanda na akong damit." Nagtungo siya sa kama niya para kuhanin ang box. Binuksan niya iyon at ipinakita sa akin ang magarang gown na kulay nude. "Ito ang susuotin mo."

Nang iladlad niya, agad akong natulala sa ganda noon.

Para bang nakikita ko na agad ang sarili habang suot iyon. "Ang ganda!"

"Ito naman ang akin." Ipinakita niya ang kulay itim. Kumpara sa nude na sweetheart ang neckline, sa itim naman ay one sided. Ang kanan ay may sleeve at kaliwa at wala. Mataas ang slit ng nude. Flowy iyon na kapag sinuot for sure bawat hakbang ay litaw ang binti. Conservative naman ang itim pagdating sa binti, ngunit litaw ang likod na natatakpan ng see through black net. "Alam mo bang sa party na iyon ihahanap ng partner ang magkapatid?"

Nanatili akong nakatitig sa mga damit. "Hindi pala dapat ako kasama."

"Kailangan kita. Para ma boost ang confidence ko. Kaya kita tinuturuan sa pag-apply ng make-up para pagandahin mo ako gaya mo."

"Bakit hindi ka nalang mag-hire ng professional."

"Gusto ko ikaw. Kapag ikaw, alam kong hindi papalpak. Malakas ako sa'yo, gaya nalang kapag ikaw ang may kailangan."

My heart skip its beat. I don't know but something was really wrong here but I can't name which part.

"Ako ang mag-aayos sa'yo. Sasamahan kita sa party. Iyon lang naman hindi ba?"

"Yes."

Madali lang. Kahit pa naroon ang buong pamilya ni Cameron, kaya kong magpanggap na hangin. Kakausapin ko nalang siya na huwag muna ako kausapin kapag nagkita kami roon. Madali lang ito.

Kinabukasan ay magkahiwalay kami ng oras ng pasok ni Bethanie. Kailangan niyang samahan ang daddy niya ng isang oras at pagkatapos ay ihahatid siya sa school. Daryl was just following our van then we separated on the parking. Sa bungad ay nakita ko agad ang SUV ng kapatid ni Junno na ka-batch ko.

"Elsa?"

"Dahlia!"

"Wala akong natanggap na message sa kuya mo. Tuloy ba ang practice mamaya?"

May tiningnan siya sa likod ko kaya napalingon din ako roon. I saw Bethanie walking alongside to our school principal. Akala ko ba may lakad siya?

Nagmadali akong lumingon kay Elsa.

"Wala, Dahlia. Tawagan mo," tila balisa na sabi nito.

Oo nga naman. "Sige. Salamat."

I am bothered. This was the first time Junno or anyone from the team doesn't update me since last night! Nag-message ako sa lahat, kahit sa group chat namin ngunit walang online. First year college na sila kaya wala na sila rito sa school. Junno took up Business Administration at Beaufort University while Alps, Cameron, and the others were just right next to wide building, Centrale Colleges Inc. He took up Chemical Engineering.

Lumipas ang lunch na si Cameron lang ang kausap ko.

Third: If you want, let's visit their place later? It's more convenient.

Ako: Sige. Hihintayin kita sa main gate.

When the bell rang, I didn't move to my seat. Pakiramdam ko may mali talaga! Sinilip ko mismong YouTube channel ni Aeri. Marami pa rin namang comment at views, parang walang problema. Baka paranoid lang ako? Habang nag-aayos ay pinatunog ko ang una kong video. Nilingon ako ng isa sa grupo ni Annie.

"Kay Aeri ba iyan? Galing niyan! Idol."

Ngumiti ako. "Idol ko rin siya."

"Napanood namin ang huling performance niya. Grabe! Kinilabutan ako. Siguro ang ganda niyan. Sana magpakita na siya ng mukha."

Kumabog ang dibdib ko. Ang masayang ngiti ay naging peke. "Oo nga," tanging nasabi ko sa mahinang himig.

When I was all alone in the classroom, I tried to call Junno's mobile number but it was out of coverage. I saw Cameron's incoming call. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago iyon sinagot.

"Pababa na ako. See you." Pinatay ko ang tawag para makatakbo na.

My mind was all into Aeri. Junno and Alp's team was literally giving me a heart attack. Nang makasakay ako sa lumang pick-up ni Cameron, panay ang lingon niya sa akin samantalang ako ay kabado na.

"Something is wrong?"

Tumango ako. Walang sinabi.

"What is it?"

"Hindi sila sumasagot. Hindi ko alam kung may practice."

Tumango siya at hindi na rin nagsalita. Nang marating namin ang masyon nila Junno, katakatakang walang tao. Madilim ang gate at halatang wala ang mga nakatira roon. Nagbakasyon ba sila? Bakit hindi niya ako sinabihan agad?

Naalala ko ang birthday ng kapatid niya. Kasabay noon ang performance ni Aeri, ibig sabihin ay talagang mapapapunta ako sa birthday party.

"Wala yatang tao."

"Try contacting the other team."

Nilukuban na ako ng kawalang pag-asa. Umiling ako. "Ginawa ko na kanina pa. Nag-message na rin ako sa kanila kahit sa messenger. Sa viber group namin, pero lahat sila ay offline. Hindi sila nagpasabi na may gagawin sila kaya wala munang practice. Gaano ba kahirap iyon?"

Yumuko ako. Hindi na napigilan ang luhang kanina pa nagbabadyang kumawala.

Lumabas siya sa sasakyan. Hinila ako sa kanyang bisig upang mayakap.

"Matagal na naming ginagawa ito. Ano bang problema?"

"Maybe something came up that they are not available to inform you right away."

"Nagsasabi naman agad sila kapag may isang hindi puwede. Tsaka, alam kong lahat naman sila ay gusto rin ito. Hindi lang si Aeri ang nagbebenipisyo ng lahat ng ito. Lahat kami."

Lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin. "Hush. Let's try it again tomorrow. Hmm?"

Hindi ako mapalagay. Kanina pa ako kinakabahan pero hindi ko mahanap ang tamang salita o dahilan kung bakit gaganituhin nila ako. Para akong na bully. Lahat sila ay nagkasundo na hindi ako sisiputin o kakausapin, tapos eto ako mukhang tangang umiiyak dahil epektibong napagkatuwaan nila ako.

For almost a year, I knew them nice and bubbly. Our set-up for daily basis never falter. Kahit ang mommy ni Junno ay suportado ako. Siya pa ang gumagawa ng mga damit ko. Ganoon din ang nakababatang kapatid ni Junno. Sila Alps, ganado sila buhat noong kumikita ako. Mas malaki ang parte nila, pumayag ako dahil sila ang mas pagod. After ng performance ko ay nag-eedit pa sila at nagbabantay ng bawat videos para ikalat ito.

It was a hard task and I understand that.

Did I miss something here?

Nang kumalma, nagpasya si Cameron na dalhin ako sa Kansas, sa mismong kompanya ng pamilya nila. I was very worried about something and didn't bother myself to look around who was now gawking on us as we proceeded inside the attached coffee shop.

When our coffee was served I was just staring at it for the past thirty minutes and didn't mind him talking to a person, not sure if the employee was there or just his casual friend.

"It's a different combination but I think people are buying it. They like the taste."

Nag-angat ako ng tingin sa lalaking kausap ni Third. He was serious, all eyes on the screen of the laptop, fingers moved as he pressed the mouse before he glared at Third.

"That's why—"

"Are you okay?"

My attention flew to Third who was now glaring at me. Sa akin napalingon ang lalaki. Kung si Pao ay seryoso at strict ang mukha. Wala na yatang mas babagsik sa isang ito. Kung tumingin parang walang tama sa akin, puro mali!

Tumayo si Third para iwan ang kausap. Pagkalapit sa akin ay pinatong niya ang isang kamay sa sandalan ng upuan ko bago umuklo. "I am talking with my friend, Malik Hetch." Sumulyap siya sa kape kong lumamig nalang ay hindi ko pa naiinom. "You don't like the flavor or want something else?"

Umiling ako. "Malalim lang ang iniisip ko."

His thumb caressed my cheek subtly. "I know. That's why I brought you here."

Napatingin ako sa tinutukoy niyang si Malik. Seryoso ito sa pagtitipa ng kung ano sa laptop. Nang mapansin na nakatingin ako'y lumingon siya at nagbigay galang. Gumanti ako ng pagbati bago luminga. Ngayon ko lang napansin na masyadong malayo ang suot ko sa ambiance ng lugar.

This was too elegant and corporate just like the same coffee shop wherein I encounter Tanya and Third. Iyon nga lang, walang gaanong tao. Mukhang mas maganda sa labas. Naroon ang mga tao at ang tanawing dagat ay mas mukhang tanawin sa parteng iyon.

"Parang mas gusto ko sa labas."

"Anything else?"

Sumulyap ako sa counter. May nakita akong cakes at pastry doon. "Gusto ko ng blueberry cheesecake."

Third smirked. "You are now back to your senses, huh?"

Ngumisi ako. "Ako pa ba?"

His thumb stroke my jawline. "I'll just talk Malik a bit then I'll follow you outside. We won't take this long."

Tumango ako. Tumayo na habang hawak ang kape. Tumawag si Third ng waiter at sinabi ang gusto ko. Pagkaraan ay binalikan niya si Malik at nag-usap na sila. Tanaw ko sila sa napili kong puwesto. At gaya ng hinala ko ay tunay ngang mas maganda sa labas kaysa sa loob.

Dinig ang eksaheradang hampas ng tubig sa rock formation sa dulo. Ang minimal lightings ay mukhang romantic. Bagama't maingay at malamig ang simoy ng hangin, hindi nito naaabala ang bawat mesang abala sa kani-kanilang usapin.

Sa huling pagkakataon, sinubukan kong tawagan sila Junno at iba pa. Nang wala ng mahinitang sagot sa kanila ay inabala ko nalang ang sarili ko sa panonood ng mga videos ni Aeri. Marami iyon. Lahat ay pumalo sa million views. Malaki na rin ang kinikita namin at pumapasok sa account namin ayon sa usapan. Nakaka-ipon na ako. Lihim ko iyon kay Daryl, kahit pa natuklasan niya na kung ano ang ginagawa ko.

Hindi nga lang ako sigurado kung alam niyang kumikita ako sa pamamagitan noon.

It took Third a less five minutes before he went to me. Ubos ko na ang cake at kape, kaya nagulat akong may bagong serve na pasta at steak.

"Kumain ka muna bago kita ihatid."

Pumayag ako kahit pa wala akong gana. Ilang hiwa ang ginawa ko sa steak bago nag-angat ng tingin sa kanya. Naalala ko ang birthday party ng kapatid niya. Nabanggit ni Bethanie na event iyon para mag-imbita ng mga kababaihang ipapareho sa magkapatid. Ibig sabihin ay mga mayayaman at magaganda ang pupunta roon?

Napansin niya ang matagal kong paninitig. "Hmm?"

"Birthday ng kapatid mo sa Sabado?"

Tumango siya habang naghihiwa. Mukhang hindi siya masaya na alam ko? Kung sabihin ko kaya na pupunta kami ni Bethanie. Ano kaya ang magiging reaction niya?

"Pupunta kami ni Bethanie."

Huminto siya sa paghiwa ng steak para matingnan ako. "Really?" Nangunot ang noo niya. Para bang hindi siya natutuwa na malaman na pupunta ako.

Kinabahan ako. Hindi ko na ba dapat sinabi? "Hindi nalang ako sasama."

"No. I mean— why not? Anong kulay ang susuotin mo? Iteterno ko sa kurbata ko."

Kahit iterno niya sa suot ko, alam kong hindi naman ako ang pipiliin ng magulang niya para sa kanya. Mga mayayaman o higit pa ang pupunta. Anong laban ko sa mga iyon? "Nude."

His hands found my left one. Mabilis niyang pinagsalikop iyon habang nakatingin sa akin. "What's with my brother's birthday? You are really coming?"

"Ang mga Arrigue talaga ang imbitado. Nadamay lang ako."

"If I have known. I should've invited you to my birthday party."

"Pero magkasama tayo sa totoong birthdate mo."

Pumungay ang problemado niyang mga mata. "Right. Me and my brother don't appreciate the party for our birthday. I don't think Cam would be here by Saturday. He was out of the country for his sports."

"Hindi siya sisipot sa mismong araw ng birthday niya?"

Ngumisi siya. "It's not the first though. Same with me."


What the heck!

"Seryoso ka? Ikaw ang bida sa event na iyon tapos hindi ka sisipot?"

Mayabang siyang tumango. "You see, I went to my party late."

Naguguluhan ko siyang tiningnan.

Tumawa siya. "I have now my reason why I shouldn't be late for my brother's birthday."

"Anong sense kung wala naman doon ang may birthday?"

"My mother is wise just like you. She has many ways for us to appear in every event even if late or through video call."

Umiling ako. "Noong birthday party mo. Kahit late, at least nagpunta."

Nawala ang ngiti sa labi niya. "I just don't want to waste her effort. That time, I don't want to leave you though."

Saglit akong natigilan at napatitig sa kanya. "Malaking pasasalamat ko sa'yo. Kung hindi kita kasama, baka napaano na si Daryl."

Hinatid niya ako ng gabing iyon. He kissed my forehead before we parted. Isang check sa cellphone. Nang walang nakita na message roon mula kila Junno at sa iba pa, bigo akong pumasok sa malaking itim na gate. Sumunod na araw ay hindi ko na iyon iniisip. Mas focus ako para sa darating na event na pupuntahan namin ni Bethanie.

After class, sa lumang pick-up niya agad ako sumakay.

"Give me your wrist."

Inilahad ko sa kanya ang braso ko. I got shocked when he opened a familiar box and saw what was inside of it. Inatras ko agad ang braso ko ngunit maagap niyang pinigil at ekspertong naipasok ang kamay ko sa gintong bangle. He locked it using a special screw.

"Para saan ito?"

"A gift."

"Ako dapat ang nagbibigay ng regalo sa'yo."

"You already gave me a memorable one. It's more than enough."

Huminga ako nang malalim. "Ang mahal nito."

"You deserve it."

Speechless, I just pushed myself into his arms and gave him a silent and warm hug. He embraced me tighter with few kisses on my hair before he whispered, "I've got my tie."

Napahiwalay ako sa kanya para tingnan iyon. Inalog niya sa harapan ko ang isang box.

Tumatawa kong inagaw iyon at binuksan. Nagulat akong kulay nude nga ang kurbata. Kinuha ko iyon at isinuot sa kanya. Wala akong matandaan na ginawa ko iyon kay Daryl pero masaya akong tama at maayos ang pagkakagawa ko noon.

"You know how to do this?"

Mayabang akong tumango. Naalala na si mommy ang nagturo sa akin noon. Bata pa ako, si daddy ay palaging may ganoon sa kasuotan kapag pumapasok.

"Tinuruan ako ng mommy ko noon."

"Alright. You will put it on me tomorrow."

Namilog ang aking mga mata. "Kaya mo naman ng ilagay iyan bukas—"

"I insist, please."

Huminga ako nang malalim. Puwede ba iyon? Wala siyang kurbata habang wala kami? Nakangisi ako habang umiiling. "Bahala ka."

Gaya kahapon, kumain ulit kami sa labas ng hapunan. Sa Kansas ulit pero ibang restaurant. Japanese Restaurant iyon. Hindi pa ako nakakapasok sa ganoon, pero nakakapagtakang sanay ako gumamit ng chop sticks para bang normal ko iyon na ginagamit noon pa.

I wanted to stay longer and felt more his embrace but he insisted to go home not so late. Unlike yesterday, I saw Daryl waiting outside. Doon ko napagtanto na close ang kapatid ko at si Third. Saglit silang nag-usap, kahit pa hindi bumaba si Third sa luma niyang pick-up ay casual na nakapagkuwentuhan pa sila saglit bago umalis.

"Close kayo?"

"We both appreciate science, Dahlia."

Ngumisi ako at nauna na sa pagpasok sa malaking itim na gate. Muntik akong mapatalon sa gulat ng maabutan si Bethanie na seryoso habang nakasandal sa pader. Kanina pa ba siya riyan?

"Anong ginagawa mo riyan?"

"Daryl. Tawag ka ni Daddy sa study niya." Iyon lang ang sinabi niya at iniwan na kami roon.

Nagkatinginan pa kami ni Daryl bago siya sumunod kay Bethanie papasok. Sumulyap ako sa labas bago sinara ang pinto at pumasok na. Naabutan kong nagbabangayan si Daryl at Bethanie habang paakyat ng hagdan, lumiko patungo sa study ni Tito Daniel. Mataas ang tingin ko kay Tito Daniel, hindi gaya ni Daryl na minsan ay sumasagot. Hindi niya gusto ang ilan sa pasya o desisyon nito para sa aming magkapatid. Samantalang ako ay nahihiya para rito. Hindi niya kami obligasyon. Kung nangako man siya sa namatay naming magulang, sobra-sobra na ang tulong niya sa amin. Hindi sila nagreklamo, kaya nga minsan ay pinagbibigyan ko ang mga exaggerated na request ni Bethanie.

Kahit mali siya, pilit kong inilalagay sa tama.

Susunod sana ako sa study ni Tito, ngunit nagsara na ang pinto. Nakakahiya ng sumunod, lalo at hindi ako inaya ni Bethanie. Ayaw kong makinig, lalo kung hindi naman ako ang kakausapin talaga ni Tito. Ayaw kong isipin niyang bastos ako.

Tumalikod ako roon at dumiretso na sa kuwarto ko. Ilang saglit akong tulala sa kawalan, wala lang. Nakalimutan ko na ang tungkol kay Aeri dahil mas gusto kong malaman kung bakit pinatawag ni Tito ang kapatid ko.

Third: I'm home

Ako: Good. Mag-half bath lang ako then matutulog na. Ikaw?

Inilagay ko iyon sa side table, dinampot ang tuwalya bago lumingon sa cellphone noong umilaw.

Third: Can I call?

Ako: Maliligo muna ako.

Third: Alright

Binilisan ko ang ligo. Tumutulo ang tubig sa sahig galing sa buhok ko. Nakatapis ng tuwalya ang hubad na katawan habang pumipili ng magandang damit. Madalas akong magsuot ng ternong pajama, pero ngayon ay parang mas gusto ko iyong dress ko. Dinampot ko ang tie-front ruffle trim shired bodice dress na kulay brown.

Ako: Call ka na

Naupo ako sa make-up table ko. Sinandal ang cellphone sa gilid bago sinagot ang tawag. Tinutuyo ko ang basang buhok ng mabungaran si Third sa video call na nakahiga na.

"Does your dress long sleeve?"

"Kind of... but it has a slit."

Napaupo siya. "How long?"

"Kita yata buong hita ko—" Huminto ako ng makarinig ng malulutong na mura galing sa kanya.

"Fine. Once you arrive, just stay on your table and don't walk around."

Ngumisi ako. "Puwede ba 'yon?"

"Yeah."

"Paano ako kakain? Buffet 'yon 'di ba?"

"I'll ask to add waiter."

Tumawa ako. "At bakit? Kapag nakita nila ang hita ko, mawawalan sila ng gana? Uso kaya 'yon."

"It's not like that, baby. You know my friends and cousins. I don't trust them."

Ngumuso ako para itago ang ngisi. "Para namang mahahawakan nila iyon."

"Fuck! No!"

Hindi ko na napigilan ang tumawa. Nanginginig ang daliri ko habang naglalagay ng serum sa pisngi. "Para namang ako lang ang babaeng naroon. For sure, tons of beauties with big names will be there. Sexier. Hotter. They won't notice me."

Umusog ako para makauklo at malagyan ng lotion ang binti ko. Nanonood siya sa bawat galaw ko, hindi sumagot noong yumuko ako. Pag-angat ko ulit ng tingin sa kanya, namumungay na ang mga mata. Napansansin ko sa salamin ang cleavage kong hindi naman ganoon kalakihan.

"Wala pa iyan sa mga pupunta bukas."

"That view is better though."

Umirap ako sa kawalan. "Manyak mo!"

"You did it on purpose."

"Excuse me. Hindi kaya. Maiba tayo. Isuot mo na ang kurbata mo, huh. Para parehas tayo."

"No. You will put it on me."

Yumuko ako upang itago ang ngiti sa labi. "Bahala ka nga."

The next day morning, I wake up early for my morning routine jogging before checking out Aeri's old videos. Nakailang laps ako bago naupo sa gutter. Maraming dumagdag ng views at comment. Ang dating fifty thousand subscribers' ay naging sixty-five thousand.

A comment caught my attention on Aeri's last video.

Lovely girl: You look familiar. Centralle Colleges Inc. Yung maganda? Tama?

Kinabahan ako. Segundo lang ay may reply sa comment na iyon.

Venicezuela: Maraming magaganda sa CCI. Drop the name miss. Idol ko pa naman si Aeri.

CarlAbenson: Sa CCI ako nag-aaral. Marami ngang magaganda. Lawrence Buenasher, Kyllie Venus Ramos, Dahlia Escubar, Belinda Dela Cruz. Crush ko mga iyan. May fanpage sila. Ito ang link.

Venicezuela: Patingin kami

Lovelygirl: Sana isa sa kanila. Gusto ko talaga makilala iyang si Aeri sa personal.

Nag-angat ako ng tingin noong may nagdaan na sasakyan. Sa kaba kong baka may nakatingin sa akin ay napatayo ako at mabilis na pumasok sa loob. Mabilis akong naghubad ng rubber shoes at dumiretso sa kusina. Maaga kasi gumigising sila Bethanie at Tito, inaasahan kong naroon sila pero wala ni isang tao.

Dumungaw ako sa itaas.

Gising na ba si Bethanie?

Third: Good morning!

Ako: Good morning. Kain tayo.

Wala siyang reply kaya naupo na ako at kumain mag-isa. Nag-angat ako ng tingin nang makarinig ng ingay. May dalawang hindi kilalang babae. Kapwa nakaitim at may hilang itim na maleta style. By the looks and the way they carried themselves I could easily described them as make-up artist or worker sa salon.

"Ikaw si Dahlia?"

Tumango ako.

"Bakit hindi ka pa naghahanda? Pinapunta kami ni Bethanie rito para i-pamper kayo. Hala! Maligo ka na," sabi ng green ang maikling buhok.

"Uubusin ko lang ito." Ngumiti at nag-thumbs up ako sa kanila. Nagmadali ako. Medyo hindi aware na may ganito palang ganap. Hindi ako na-inform ng magaling kong kaibigan.

Huling subo ay tumayo na ako. Mabilis na kuha ng tubig at tinungga iyon bago lumabas ng kusina. Naabutan ko si Bethanie na sinusundan ng katulong habang hawak ang nude gown. Nasa living room na ang dalawang babae, nag-aayos ng para bang mini-salon apparatus nila.

"Sa akin ang nude, hindi ba?"

Maarteng huminto si Bethanie sa harap ko. "Sinabi ko ba 'yon? Black ang iyo." Taas-noo siyang umalis sa harap ko, may kinatikot sa cellphone bago minuwestra sa katulong kung saan ilalagay ang nude gown. "Maligo ka na. Kailangan mo ng facial, manicure at pedicure."

"Bakit nagbago ang isip mo? Nude ang akin Beth."

Napahinto siya sa pag-upo. "Hawak ko na ito, kaya akin na ito. Black ang iyo."

"Kahit ano naman yata, maganda sa inyong dalawa. Okay lang iyan Dahlia," singit noong naka-ponytail.

I was thinking about Third. Nude ang sinabi kong kulay ng kurbata niya.

"Okay. Gigisingin ko lang si Daryl. Tanghali na, hindi pa gumigising para mag-agahan."

"Wala siya riyan."

Bago magpangalawang hakbang sa hagdan ay huminto ako. "Saan nagpunta?"

"Hindi nagpaalam sa'yo? Umuwi ng province niyo. Magbabakasyon siya roon."

Namilog ang aking mata. "Bakasyon? Hindi ako kasama?"

"Well, there is a reason why."

Nagmadali ako sa pagbaba para makalapit sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?"

"You lie to me. Alam mong gusto ko si Cameron, pero hindi mo sinabi na palagi kayong nagkikita. Siya ang may-ari ng lumang pick-up. Nakita ko siyang gamit iyon. Tapos iyon ang sinasakyan mo gabi-gabi."

Speechless, I wasn't able to come up my self-defense. Nagkatinginan pa kami noong berde ang buhok.

Bethanie was like an active volcano. My silence triggered her temper and exploded. "Hindi ka ba nahihiya sa akin Dahlia? Lahat nalang... pati ba naman si Cameron aagawin mo sa akin? Gusto ko siya. Agawin mo na silang lahat, 'wag lang siya."

"I warned you for this. Hindi ko hawak ang puso niya para piliin kung sino ang magugustuhan niya."

Bethanie was taller than me. One stepped she already closed our distance and towered over me. "Sana nilayuan mo. Alam mong gusto ko, nagpalandi ka pa rin. Tagal na akong nagtitimpi sa'yo. This is your punishment. I moved Daryl away from you."

Nanginginig akong umabante rin. Hindi papalupa. "Bethanie!" I fired.

"If you don't leave, Cameron. Daryl will suffer."

Continue Reading

You'll Also Like

1M 32.8K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...