Missing the Wildwaves [Provin...

By hixlow

5.2K 211 13

"Whenever we are close to each other, there is something like a butterfly I feel in my stomach" Like the soun... More

Missing the Wildwaves
Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
22
23
24
25
26
27
28
29
Epilogue
Special Chapter
🤍
Author's Note

21

110 6 0
By hixlow

Madaling araw na pero hindi padin ako dinadalaw ng antok. Kanina pa ako nakahiga sa aking kama, halos nag paikot-ikot na ako pero wala padin, hindi padin ako makatulog.

I couldn’t help but smile bitterly nang pumasok muli sa aking isipan ang nangyare samin ni Ethan. Eight years akong naniwala na okay na ako, na hindi na ako masasaktan, hindi na iiyak pang muli. Pero lahat iyon ay akala ko lang, kasi ang totoo... hindi padin pala ako ayos. Masakit padin pala... sobrang sakit, lalo na kapag binabalikan ko ang lahat ng alala na masasakit na naganap dati.

Nag mamakaawa siyang bigyan ko siya ng second chance, pero parang hindi ko na kaya. Once is enough. Sobrang sakit na ng nangyare samin noon, ayaw ko ng dumating sa punto na makikita ko ulit ang sarili kong durog na durog habang nag mamakaawa sakaniyang huwag akong iwan.

Ayaw ko na ulit dumating sa puntong tinatanong ko ang sarili ko sa harap ng salamin kung ano ang kulang ko, kung anong mali... kung anong nakakapagod at nakakasawa sa ugali ko.

I was tired of asking myself what else I should do, kung sa lahat ng ginawa ko ay kung ano pa ba ang kulang. Kung bakit nakakapagod at nakakasawa ako.

"Ang aga mo ata ngayon nurse?" Bungad ni Belle sakin pag pasok ko sa nurse station.

Napangiwi ako dahil sa sinabi niya, "maaga ang shift ko kasi maaga din akong uuwi."

Napatango-tango naman siya kaya nag paalam na din ako dahil mag papalit pa ako ng mga dextrose bag ng ibang pasyente.

Kumatok muna ako sa pinto ng kwarto ng pasyente bago ako tuluyang pumasok. I bit my lip when I heard the girl's little sob.

When I finished changing the dextrose bag, I looked at my watch first, it was still early so I would talk to the patient first.

Siya kasi iyung sinugod ng dalawang matandang mag asawa dahil naabutan nilang bumubula ang bibig matapos uminom ng napakaraming gamot.

"Hi, uhmm... are you okay?" I asked, "I'm here if you want to talk."

Nataranta pa ako nang lalong lumakas ang paghikbi niya kaya umupo ako sa tabi ng hospital bed na hinihigaan niya.

"N-No one... tried to a-ask me if I-I was okay." She said between her sobs, "actually h-hindi ako okay, e-everyone who promised not to l-leave me... they also left w-without any reason." She muttered with pain in her voice.

"Kaya mo ba gustong tapusin nalang ang buhay mo?" Malumanay na tanong ko.

She slowly turned to face me before nodding, "hindi magandang kitilin mo ang iyong buhay dahil lang sa iniwan ka nila... hmm let me tell you a story, gusto mo bang pakinggan?" I asked then she nodded again.

"May kilala akong babae, sobrang contented na niya sa buhay kahit wala ang mama at papa niya kasi meron naman siyang lola na mahal na mahal siya, mayroon din siyang tito at tita tapos... may boyfriend din siyang nangako na hindi siya iiwan." I started, ngumiti ako ng maliit sakaniya bago muling magpatuloy, mag patuloy sa pag k-kwento ng sarili kong storya. "Then months after her birthday kung saan nangako ang boyfriend niya na saba'y nilang aabutin ang dulo ng magkasama, namatay ang pinakamamahal niyang lola... everything's get blurry. Pinuntahan niya ang taong masasandalan at mapagkukunan niya ng lakas, ang kaniyang boyfriend. Pero... hindi lakas ang nakuha niya, kung hindi ang panibagong sakit. Kasi nakipag break ang boyfriend niya sakaniya, nag makaawa si girl na wag munang makipag hiwalay kasi isa sa hinihiling niya na kung makikipag hiwalay man si boy ay sana wag sa panahon na may dinadala din siyang bigat. Pero hindi nakinig si boy, iniwan padin siya."

"Noong panahon na wala na talaga siyang makapitan, pumunta siya sa tabing dagat. Doon siya umiyak ng umiyak, she cried out all the pain. Hindi niya naisip na mag pakamatay kasi iniisip niya na paano niya mapapatunayan sa lahat na kaya niya kung mawawala siya sa mundo " I said then slowly brush her hair using my fingers, "always remember, the Lord put you in that situation because He knew you could get through the problem He gave you."

Ngumiti ako nang makita ko din ang munting ngiti niya, "t-then ano na po ang nangyare kay girl?"

"She get through her problems, she continue her life. Now she became a nurse... a registered nurse."

"Y-You're the girl in the story!?" Gulat na saad niya, alanganin akong ngumiti bago tumango.

"Omyghad! Thank you so much! Na-realized ko na dapat hindi ko itigil ang buhay ko dahil lang sa problema na nararanasan ko," mangiyak-ngiyak na saad niya, hindi ko alam kung bakit pero agad ko siyang niyakap.

"From now on, you should value your life even more, okay?" She nodded in succession so I smiled even more.

After that, I said goodbye to her before I went to the other patients.

"Nurse, may nag papabigay po." Salubong ni nurse Jia sakin sa front desk.

Kunot noo kong tinignan ang hawak niyang bouquet of rosses at one cup of coffee.

"Kanino galing?" I asked.

"Galing po kay mysterious guy na nag bigay din ng bulaklak at doughnuts kahapon," nakangiting saad niya bago ibigay sakin ang mga iyon.

Good morning, have a nice day.
                                        
                                   -EK

Basa ko sa maliit na note na naka-ipit sa gilid ng mga bulaklak. Ethan Kelvin... ngayon ko lang na-realized na initials niya pala iyon.

"Gagawin ko ang lahat para sayo, if love and forgiveness means waiting, then I will wait for you. Even though we are slowly getting older" I remembered his last word before I left him alone under the dark sky.

Talagang handa siyang mag hintay sakin para lang bumalik ako sakaniya, huh? Even without certainty.

Nang matapos ang shift ko ay nag tungo muna ako sa office ni Ivan para mag paalam. Nagpapasundo kasi sila tita Lia sa airport pero ang sabi niya mag taxi nalang daw ako dahil may inarkila naman na daw siyang van at driver.

Good thing dahil hindi traffic kaya mabilis lang akong nakarating sa airport. Nag hintay lang ako saglit sa waiting area bago ko matanaw ang tita ko kasama ang pamilya niya na patungo sa kinaroroonan ko.

"Tita! Omyghad namiss kita ng sobra," salubong ko dito bago siya yakapin.

"I miss you too, Lahari. Grabe sobrang ganda mo, hmm... wala padin bang nangliligaw?" She grinned after we hugged.

"Aysus tita, sa ganda ko ba naman na ito hahaha syempre madaming nangliligaw." Saad ko habang tumatawa ng mahina, "naku tita mamaya na natin pag usapan iyan, tignan mo ang napaka ganda mong anak nakatitig sakin, oh." Tukoy ko sa anak niyang babae na nakatingala sakin.

Umupo ako para mapantayan ang three years old niyang anak na babae. "Hello Nadia, do you know me?" Tanong ko dito, hindi kasi nakakaintindi ng tagalog.

"Hello ate, yes po I know you po. Mommy always talk about you po," she cutely said.

"Lahari, anjan na yung driver natin." Pukaw ni tita sa atensiyon namin kaya mabilis ko ng binuhat si Nadia bago sumunod sa paglalakad.

Nauna na akong pumasok sa backseat habang hawak padin si Nadia, hindi ko pa nakikita ang driver dahil andoon siya sa likod, nilalagay sa trunk ng sasakyan ang mga bagahe nila tita.

"Tita akin nalang itong anak mo, gumawa nalang ulit kayo ng bago." Biro ko, kasi naman napaka gandang bata, ehh.

"Tigilan mo ako, akin lang iyang anak ko. Gumawa ka ng sayo," saad niya habang umiiling na pumasok din sa sasakyan, "Oh ayan, Ethan gumawa nga kayo ni Lahari ng anak para hindi na hingiin sakin ang prinsesa ko."

I was dumbfounded when I saw Ethan just getting into the driver's seat. Bakit andito iyang lalaki na yan? I mentally asked myself.

Kapamilya ba siya!? Takte siya yung inarkilang driver? Engineer na siya tapos gusto pa maging driver.

Mabilis kong iniwas ang paningin nang lumingon siya sa sakin. "Hindi nga makatingin sa mga mata ko ate, paggawa pa kaya ng anak." I gritted my teeth after I heard him.

Tahimik lang akong nilalaro si Nadia hanggang sa makatulog ito, buti nalang din at natahimik na sila sa kwentuhan.

"Pakibaba nalang muna ako sa harap ng condo building na tinutuluyan ko,---"

"Bakit?" Tita Lia asked with a frown.

"Kukunin ko pa po iyung maleta ko, saka mag sasariling sasakyan nalang po ako." Pag papaintindi ko, wala namang problema kung isa ko lang babyahe pauwi ng Zambales. I can do it myself. I'm used to it too.

"No. Galing ka sa trabaho, tignan mo naka-uniform kapa." Walang emosyon na saad ni Ethan habang tutok padin sa pagmamaneho.

"Ano naman ang pakaelam mo? I can handle myself." Inis na saad ko dito, nagkatinginan kami sa rare mirror kaya mabilis ko siyang inirapan. Masyado siyang pakaelemero. Bwiset!

"Hapon na, aabutin ka ng gabi sa byahe." Mabilis na naman akong napairap, hindi talaga nag papatalo ang gago.

"Kaya ko nga ang sarili ko. At pwede ba manahimik ka nalang? Nakakairita ang boses mo."

"Lahari," napakagat labi ako nang marinig ang seryosong boses ni tita Lia.

"Sorry po," bwiset kasing Ethan, masyadong attention seeker!

"Kukunin mo lang ang mga kailangan mong dalhin at samin kana sasabay. Tama si Ethan, aabutin ka ng gabi sa byahe mo kung sakaling mag sasarili ka pa. Alam kong pagod ka dahil galing ka sa trabaho mo, tignan mo hindi ka pa nga nakakapag palit ng damit." Pinal na saad ni tita, alam kong kapag siya na ang nag salita talagang bawal ka ng tumanggi kaya natahimik na lamang ako.

"Mabilis lang po ako," saad ko bago bumaba ng sasakyan upang kunin ang maleta.

Isang buwan akong nag take ng leave dahil mag s-staycation muna kami ng one week sa beach resort sa Pangasinan. Pagtapos ay diretsyo na sa Baguio.

Gusto nila buong one month ay Baguio lang ang staycation namin pero nag pumilit ako na kahit one week lang sa beach resort.

Casa Carolina talaga ang isa sa pinag pipilian kong beach resort around Pangasinan. Wala lang gusto ko matry na doon naman sa Pangasinan. Halos lahat na kasi ng beach resort sa Zambales ay napuntahan ko na.

"Bakit sumunod ka pa?" Walang emosyon kong tanong nang maramdaman na sumusunod ang lalaki sa likod ko.

Hindi ko siya narinig na nag salita kaya hinayaan ko na lang. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng condo ko ay hinarap ko siya. "Bakit ba sumunod ka pa?" I asked again.

Tamad siyang tumingin diretsyo sa mga mata ko bago bumuntong hininga. "Ako ang mag bibitbit ng maleta mo."

I quickly rolled my eyes at him, "iyun lang pala tapos sumunod ka pa." Saad ko bago tuluyang pumasok, "eight years akong mag isa dito, hindi na ako nangangailangan ng tulong. Ni minsan hindi ako humihingi ng tulong mula sa iba---"

"Lahari, just go. Mag bihis kana ng maka-alis na," iwas niya sa sinasabi ko kaya lumingon ako sakaniya.

"Sinong nag sabi sayo na pwede kang tumapak sa pamamahay ko?" Taas kilay kong saad, "doon ka sa labas, much better kung mauna kana sa baba."

Wala siyang nagawa kung hindi ang sundin ako at lumabas na lamang. Nag madali akong naligo bago mag bihis ng oversized hoddie at black maong plain short.

Matapos mag ayos ng buhok ay hinila ko na ang maleta palabas. Nilock ko muna ang pinto bago ako tumingin kay Ethan. "Oh, bitbitin mo na." saad ko tinutukoy ang maleta.

Ginusto niya iyan kaya pagbibigyan ko na. Tumingin siya sakin mula ulo hanggang paa bago walang pasabing kinuha ang maleta at naunang mag lakad.

Habang nasa elevator ay nag b-brose lang ako sa social media. Wala kaming imikan ni Ethan hanggang sa mag pop up sa screen ng phone ko ang mukha ni Ivan.

"Hello?" Sagot ko.

"Andito ako sa baba, bilisan mo." Saad niya sa kabilang linya.

"Pababa na din, wait mo ako." Sagot ko, sakto naman dahil bumukas na ang pinto ng elevator.

I went out first while Ethan just followed behind. Nang matanaw si Ivan ay mabilis akong sumalubong sakaniya ng yakap, pero ang gunggong umiwas. "Bwiset ka," saad ko bago siya ikutan ng mata.

Natatawang pinitik niya ang noo ko, "galing akong hospital, madumi pa ako." Saad niya, "dumaan lang ako para ibigay ito." Dagdag niya bago ilahad sakin iyung paborito kong mint candy at ang honey butter almond.

"Thank you!"

Nakipag kwentuhan pa siya saglit kay tita Lia bago siya mag paalam. Sumakay naman na din agad kami sa van bago iyon paandarin ni Ethan.

Sa harap na ako pina-upo ni tita kaya todo iwas akong mapatingin kay Ethan na katabi ko lamang.

Continue Reading

You'll Also Like

3.7K 120 26
The player, proud, loud, and lively Ashanta Perez is fake. She faked everything, including her happiness and her smile. Behind those laughs were sadn...
632K 2.4K 64
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
92.2K 1.9K 9
A girl who runaway after she discover that will break her heart . At sa Pag alis niya ay may munting alaala naman na naiwan sa kanya .
16.9M 650K 64
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...