ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY...

By iirxsh

119K 1.5K 27

COMPLETED | SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH She is Kirsten Kelly Tolentino, 25 years old. NBSB. A Private Empl... More

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOY
SINOPSIS
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
NOT AN UPDATE
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
WAKAS
AUTHOR'S NOTE
ANNOUNCEMENT
SOON TO BE A PUBLISHED BOOK
AGTCB IS NOW A PUBLISHED BOOK
PRE-ORDER IS NOW OPEN
AGTCB PHYSICAL BOOK

KABANATA 10

1.6K 21 0
By iirxsh

Kabanata 10

WALANG nagawa si Adam nang pag saraduhan siya ng gate ni Mr. Tolentino. Hindi pa nga niya nakukuha ang loob nito, paniguradong mas mahihirapan pa siya dahil sa mga nangyari. Mas nadagdagan si Mr. Tolentino ng dahilan para hindi siya pagkatiwalaan at gustuhin para sa anak nito. Sobra ang pagkainis niya sa sarili, dahil mukhang pati ang kakampi niyang si Mrs. Tolentino ay nasira rin ang tiwala sa kanya.

Hindi naman kasi talaga niya inaasahan ang lahat, napakasama ng timing ni Noreen. Hindi man lang siya naalerto sa kaya nitong gawin. Kung kailan kakakuha lang niya ng loob ni Kelly, doon naman nasira agad.

"You ruined everything!" Bulyaw ni Adam kay Noreen. Makikita mo ang nanlilisik nitong mata dahil sa galit. "Are you really that stupid not to understand what I said the last time we talked?" Mariin niyang dugtong.

*Flashback*

"Where is your boss?" Bungad ni Adam sa sekretarya ni Noreen.

"She's in a meeting, sir."

"Tell her, I'm here and we need to talk!" May awtoridad na utos ni Adam. Kaagad naman na tumango ang sekretarya ni Noreen sa kanya.

"Yes, Mr. Dela Fuente. You can wait, Madam, at her office."

Tumango lang si Adam at dire-diretso ang pagpasok nito sa opisina ni Noreen na para bang siya ang may-ari ng opisina.

Pagkaraan ng ilang minuto nitong paghihintay, dumating din ang hinihintay niya. Malawak ang ngiti ni Noreen nang pumasok 'yon sa loob.

"Hi, babe." Maarteng bati ni Noreen.

Tumayo si Adam at hinarap si Noreen. Gusto na agad niyang matapos ang kanilang pag-uusap. "Stop that 'babe' thing of yours!" Inis nitong suway.

Kaso hindi tumigil si Noreen. Ugali na yata talaga niya 'yon, ang magpatuloy pa rin kahit na ilang pigil pa ang gawin mo sa kanya. "Don't you miss me, babe?"

Naningkit ang mata ni Adam sa inis. Kahit kailan 'tong babae na 'to magaling sa pag-iinis sa kanya. Wala naman kasing balak si Adam na pasukin ang kasunduan nila noong una pa lang, kung mayroon lang siyang ibang pagpipilian.

"I'll go directly with my purpose, why I'm here." Panimula nito, pero hindi naman na niya pinatagal pa ang kanyang sasabihin. "I'm calling off the wedding!" Pinal nitong sabi.

"What?! No!" Bigla na lang lumapit si Noreen at lumingkis sa kanya.

Marahas naman nitong itinaboy si Noreen, bago nginisihan. "Yes, I'm calling it off."

*End of Flashback*

"B-Because, I love you!" Madamdaming sagot ni Noreen.

Pagak na tumawa si Adam. "I dont fucking care! I will never love you, Noreen!" Galit nitong sabi. "That will never happen!"

"Then, I'll make you fall in love with me." Nakangiting sabi ni Noreen.

"You are crazy!" Nailing na tugon ni Adam, hindi makapaniwala.

"Yeah," Nakangising tumango tango pa si Noreen. "Is that what you called it? So, be it."

Sumeryoso naman ang mukha ni Adam, tila napuno na kay Noreen. Wala itong balak na pahabain pa ang pag-uusap nila ni Noreen, wala itong oras. Hindi siya worth it ng kanyang oras. "You leave!" Mariing bigkas ni Adam, sabay turo nito sa sasakyan ni Noreen. "Hanggat kaya ko pang magtimpi!"

"But..." Akmang hihirit pa si Noreen, nang hinihila na siya ni Adam at pilit na isinasakay sa sasakyan nito.

"W-Wait," Apila naman ni Noreen. "It hurts." Ngumuso pa ito.

"Mas masasaktan ka. Kung ipipilit mo pa!" Sabay tulak ni Adam sa loob ng sasakyan nito, bago sinenyasan ang driver ni Noreen na umalis.

Napahilot si Adam sa kanyang sentido. Dala ng pagkabigo sa sarili at hindi maisip kung ano ang kanyang gagawin.

"IYON ba ang lalaki na gusto mo para sa anak natin, ha?" Himig pa rin sa boses ni Mr. Tolentino ang galit. Nagtitimpi siya, dahil isa sa bagay na ayaw niya ay iyong nag-aaway silang mag-asawa. Pero sadyang ito ay tungkol sa kanilang anak, kaya hindi niya kayang palampasin. Nakatutok si Mr. Tolentino sa kanyang asawa, hinihintay ang magiging sagot nito. Si Kelly naman ay nanatiling nakaupo sa sofa, tahimik na nakikinig sa pag-uusap ng kanyang mga magulang.

"Pamangkin siya ni Johan, malamang mabuting tao iyon." Depensa ni Mrs. Tolentino sa sarili.

Pagak na tumawa si Mr. Tolentino. "Iyon ang basehan mo?" Tanong nito kay Mrs. Tolentino, kulang na lang ay panlakihan niya ng mata ang asawa. "Kailan pa naging basehan 'yon? Porket ba, maayos manamit? Mayaman? Mabuti ng tao?" Sunod-sunod ang tanong ni Mr. Tolentino, na hindi man lang nagawang makasagot si Mrs. Tolentino. Napaiwas lang si Mrs. Tolentino ng tingin, hindi nito kayang tingnan ang asawa sa mata. Mukhang guilty ito sa nangyari, na 'yong lalaking kinampihan niya ay nagkamali siya ng naging pagtingin.

Minsan lang magalit si Mr. Tolentino. Kaya't kapag nagalit ito, tatahimik na lang talaga ang mga kaharap niya.

"Kelly." Tawag naman ni Mr. Tolentino, nang wala na itong nakuhang sagot sa kanyang asawa.

Napa-ayos naman ng upo si Kelly. Nag-angat siya ng tingin kay Mr. Tolentino, na seryoso ang tingin sa kanya. "P-Po?" Kabado niyang tanong.

"Nanliligaw ba sa iyo ang lalaking 'yon?"

Napalunok naman si Kelly, hindi niya man inaasahan ang tanong na 'yon pero wala na siyang takas kung hindi sabihin ang totoo. "O-Opo."

"Layuan mo ang lalaking iyon!" Pinal na sabi ni Mr. Tolentino.

Hindi makapaniwala na tinignan ni Kelly ang ama. "Papa naman..." Kontra nito.

Naguguluhan naman siyang tinignan ni Mr. Tolentino. Nakwekwestyon ang tingin nito. "Anong papa naman?"

Napa-kamot sa ulo si Kelly, dahil sa puntong iyon alam niyang mas nilaglag lang niya ang kanyang sarili. "E-Eh kasi po..."

"Huwag mong sabihin na gusto mo na iyong gagong lalaki na iyon?" Hindi maiiwasan ni Mr. Tolentino na magtaas ng boses. "Kung matinong lalaki iyon, hindi ka noon liligawan dahil alam niyang may mapapangasawa na siya!"

Napapitlag sa pagkakaupo si Kelly dala ng gulat sa pagsigaw ni Mr. Tolentino. Iniwas kaagad nito ang tingin nang nakasalubong niya ang masamang tingin ni Mr. Tolentino. Ibang-iba talaga si Mr. Tolentino kapag nagalit.

Hindi na rin nagulat si Kelly nang marinig niya na alam ni Mr. Tolentino ang tungkol sa sinabi ni Noreen, dahil bago pa man siya makapagsalita kanina. Nasuntok na nito agad si Adam, kaya malinaw sa kanya na iyon ang naging dahilan. Hindi rin naman kasi gagawa ng aksyon si Mr. Tolentino nang dahil gusto lang niya o trip lang, laging may mabigat na dahilan.

"Pigilan mo 'yan! Walang patutunguhan na maganda 'yan." Pangunguna ni Mr. Tolentino sa posible pang sabihin o pagtutol ni Kelly.

"Pwede po bang pakinggan ko muna ang paliwanag niya?" Matapang na pagpilit ni Kelly.

"Ano?!" Bulyaw ni Mr. Tolentino. Akmang sasagot pa si Kelly pero hindi na niya nasagot ito dahil sa sumunod na nangyari. "T-Tubig." Nahihirapang sabi ni Mr. Tolentino, habang hawak ang dibdib nito.

Nataranta naman ang mag-ina. Agad na inalalayan ni Mrs. Tolentino ang asawa para mai-upo. Mabilis naman na kumuha ng tubig si Kelly. "Bilis, anak!" Sigaw ni Mrs. Tolentino.

Habol ang hininga ni Kelly hanggang sa makalapit ito sa pwesto ng kanyang magulang. "Ito na po." Abot nito kay Mrs. Tolentino ang dala niyang baso.

Matapos mapainom ni Mrs. Tolentino ang asawa ay muli nitong binalingan ng tingin si Kelly, at sa itsura ni Mrs. Tolentino litaw ang pag-aalala nito sa kanyang asawa. "Ako na ang bahala sa papa mo, magpahinga ka na." Tumango lang si Kelly, tila walang lakas na umapila pa. Gustuhin man niyang manatili sa tabi ni Mr. Tolentino, ay hindi na niya kayang sumuway pa dahil sa nangyari. Kaya kahit puno man ng pagtutol sa kanya ang ideyang iwan iyon, pinili na lang niyang makinig dahil iyon ang tingin niya na dapat niyang gawin. Ayaw na niyang makadagdag pa.

Sa sarili ni Kelly, pagsisisi ang kanyang nararamdaman. Kung hindi na sana niya sinagot pa si Mr. Tolentino, panigurado na hindi ito aatakihin ng kanyang high blood.

"UMUPO ka." Utos ni Johan sa kanyang pamangkin na si Adam. Hindi naman na nagmatigas pa si Adam at sinunod niya agad iyon. Halatang halata rin kasi sa mukha nito ang pagod.

"Saan ka ba kasi galing?" Seryosong tanong ni Johan.

"I've been calling you, pero walang sumasagot." Dagdag naman ni Jaylyn, na nakaupo sa tabi ni Johan.

"I'm with her." Simpleng tugon ni Adam sa mag-ina habang nanatili lang ang tingin sa sahig.

"We saw it." Sarkastikong sabi ni Jaylyn. "What do I mean, saan kayo galing? Kanina pa rito ang babaeng 'yon. Ayaw niyang umalis kaya ka namin tinatawagan."

"You know that I can't answer the call!" Iritadong sagot ni Adam. "I am with her!"

"Alam ko 'yan! Part of your change, okay pagbigyan!" Mabilis naman na sumama ang tingin ni Adam kay Jaylyn, hindi nito matanggap ang ideya na 'yon. "Saan ka nga galing, sagutin mo na lang!" Tila nauubusan ng pasensya na tanong ni Jaylyn.

"I helped her look for catering."

"For wh—oh, it's her mom's birthday." Tila dahil sa sinabi na iyon ni Adam, naalala ni Jaylyn kung bakit naghahanap si Kelly ng catering. Tumango si Adam pero nakayuko pa rin. "It is also her birthday." Dugtong pa ni Jaylyn.

Doon napa-angat ng tingin si Adam dahil sa sinabi ni Jaylyn. Nakakunot ang noo nito, hindi agad nagprocess sa kanyang isipan ang sinabi ni Jaylyn. "What did you say?"

"It's her birthday..." Tumigil saglit si Jaylyn. "Her mom, and Kelly. They have the same birthday."

"But—."

Pinutol naman ni Jaylyn ang dapat sasabihin ni Adam. "But what?" Taas kilay nitong sabi, nanunubok. May ideya na ito sa posibleng sabihin ni Adam, pero gusto niyang kay Adam mismo iyon manggaling.

"She didn't tell me."

Napangisi si Jaylyn, at umiling iling pa. "Quits na kayo!" Sabi nito, na mukhang hindi nagustuhan ni Adam ang kanyang sinabi pero hindi roon natigil si Jaylyn. "Who do you think you are to her? Para sabihin niya."

Parang sinampal ng katotohanan si Adam. Napaiwas na lang ito ng tingin, hindi magawang harapin si Jaylyn. "Wala, 'di ba?" Pinakatitigan pa siya ni Jaylyn. "What do you expect? Manliligaw ka lang!" Tumaas na ang boses nito.

"Jaylyn." Pigil naman ni Johan sa anak. Binalingan naman agad ni Jaylyn ang ina. "Bakit, mommy? Anong mali? Totoo naman."

"Namomroblema na nga 'yang pinsan mo, dinadagdagan mo pa."

Umiling si Jaylyn, hindi sang-ayon sa pagtatanggol na ginagawa ng kanyang ina. "Dapat lang sa kanya 'yan. Hindi siya nakinig, eh!" Giit ni Jaylyn.

Nang wala nang narinig pa si Jaylyn mula sa ina, binalingan nitong muli ang kanyang pinsan na prenteng nakaupo sa sofa. Halata sa mukha ni Adam ang pagkadismaya, at bakas pa rin ang galit. Hindi mo rin mababasa kung ano ang kanyang iniisip, sobrang lalim.

"I already warned you, right? Pero hindi ka nakinig. Ano ngayon? Mas lumala pa." Panenermon ni Jaylyn kay Adam. "Nanliligaw ka pa nga lang, mas dinagdagan mo pa ang dahilan para hindi ka sagutin. And you know what's worst, ayaw ka nang palapitin ng magulang sa anak nila!"

"I'll talk to her tomorrow."

Tumaas ang kilay ni Jaylyn. Parang umakyat lahat ng dugo niya dahil sa sinabi na iyon ni Adam. "Sa tingin mo ganoon lang kadali 'yon?"

"I have my ways." Nagtitimpi na tugon ni Adam.

"And you really think? Na gagana 'yan dito? Probinsya 'to, Adam. Wala ka sa Manila, na pwede mong i-utos ang lahat ng gusto mong mangyari. Pwedeng maayos lahat, kahit nakaupo ka lang sa swivel chair mo." Sigaw ni Jaylyn, hindi na napigilan pa ang sarili. "Iba rito. Hindi mo madadala sa pera ang mga tao, may mga paninindigan kami rito!" May diin na tugon ni Jaylyn.

"I agree with Jaylyn." Sumabat na si Johan. Nararamdaman kasi niyang tumaas na ang tensyon. "Hindi lang si Kelly ang susuyuin mo... Nakita mo kung paano nagalit ang kanyang papa, hindi ba? Iba magalit si Ken, hindi ko madalas makita magalit 'yon. Pero kapag galit siya, iba. At nangyayari lang iyon kapag anak na niya ang usapan."

Tila hindi pa rin nadala si Adam sa banta ng kanyang Tita Johan, at pilit pa rin na gagawin ang kanyang gusto. "I'm willing to face her and her family." Tumayo ito at seryoso niyang tinignan ang mag-ina. "Whatever it takes."

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
46.3K 695 42
COMPLETED Sa unang beses na maka-encounter ni Amara ang isang lalaki, tila iba na ang naging epekto nito sa kaniya. Simula nang araw na iyon, naging...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
4.7K 163 41
Ang Bagong Taon ay isang pangyayari na nagaganap kapag nagdiwang ang isang kultura ng katapusan ng isang taon at simula ng susunod na taon. Mayroong...