Babysitting The Ceo Son (COMP...

By Yl_Amour

2M 40.7K 2K

The world is unfair for Graycie Santos Nalaman niya na ang kanyang long-term boyfriend at younger sister had... More

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Book 2: Chapter 51: New Beginning
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter
Author's Note
CHRISTMAS SPECIAL
CHRISTMAS SPECIAL
CHRISTMAS SPECIAL

Chapter 1

49K 1K 171
By Yl_Amour

NAGHANDA ako para sa interview ko. Buti nalang at mabilis akong naka-hanap ng bagong trabaho. It's been 3 days since bumalik ako dito. Ang bigat pa din sa pakiramdam. Hindi naman mawawala yung sakit ng ilang araw lang. Naka-rinig ako ng tatlong katok sa may pinto ko.

"A-Ate.." Nilingon ko si Gabi na nasa pintuan.

"Anong kailangan mo?" Walang emosyon na sagot ko.

"G-Gusto ko l-lang mag sorry.. alam kong hindi mo pa ako m-mapapatawad. Sorry kasi nagkamali ako, sorry kasi nagmahal lang ako. Pinigilan ko naman pero nahulog pa din ang loob ko kay Ceejay. Ate Graycie, sorry talaga." Bumuntong hininga ako.

"Buti alam mong di ko tatanggapin ang sorry mo Gabi. Alam mo namang limang taon kami ni Ceejay. Ano pa nga bang magagawa ko? Di'ba? Nasasayangan lang ako, yung pag aaral mo. You're only 17." Sumbat ko.

"After ko manganak, babalik ako sa school. Tutuparin ko pa din yung pangarap at pangako ko sa'yo." Sagot niya.

"Aasahan ko 'yan." Tinapunan ko lang siya ng tingin bago ako umalis.

Masakit para sa'kin ito. Hindi pa din nagsi-sink in sa utak ko lahat lahat. Need kong maging stable ngayon dahil may interview ako. Dapat mapasa ko ang interview na ito. May ipon ako pero hindi 'yon sapat para hindi ako magtrabaho. We're not rich. Assistant Secretary ang need sa company na a-aplyan ko. Sana naman pag palain ako ng diyos na mai-paasa ko to. After an hour, I arrived.

"Hello ma'am, do you have any appointment for today?" Bungad na tanong ng guard.

"Ako yung applicant para sa interview ngayong araw." Sagot ko.

"Pasok na po kayo." Tumango ako at pumasok sa loob. Mas malaki ito sa kompanya na pinapasukan ko noon.

"Are you Ms. Graycie Santos?" Bungad na tanong ng isang babae na nasa 40s.

"Yes, I am." Sagot ko.

"Tamang tama ang iyong dating Ms. Graycie. Sasamahan na kita sa office ni Sir, let's go?" Tumango ako. "By the way, I'm Glenda Soriano. You can call me Ma'am Glenda or ate Glenda." Dagdag nito.

"Yes po, Ma'am Glenda." Ngumiti ito at lumakad. Sumunod naman ako sa kanya.

"We're happy na may nag apply na for today . Lalo na ang CEO ang mag i-interview sayo." Natigilan ako.

"Huh? Yung CEO? Like, yung may ari ng kompanyang ito?" Tumango tango si Ma'am Glenda.

"Noong una nagtaka din ako, feel ko kasi gusto ni Sir na makita kung karapat-dapat talaga yung maha-hire, kaya siya yung mag i-interview. But don't worry, Mr. Del Fuerto is kind. Do your best." Tumango ako.

Lalo akong kinabahan. Baka ma-mental block ako nito mamaya. Jusme! But like Ma'am Glenda said. I will do my best talaga! Graycie, don't panic. You need to get this job.

Nang makarating na kami sa conference room lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Pinapa-kalma ko lang ang sarili ko. Iniisip ko ang future ko para kumalma. Pinahintay lang ako ni Ma'am Glenda upang ipaalam sa CEO na andito na ko. 

"You can come in, Ms. Santos." Huminga muna ko ng malalim bago pumasok sa loob. Nakita ko ang isang lalaki na naka-upo sa pina-kadulo. Nakatalikod siya mula sa direksyon ko.

"Good morning, Ms. Santos. I'm Zachary Del Fuerto, the owner of Del Fuerto Empire. You can take a sit." Shemay! Ang pogi! Graycie, broken ka! Broken! Umupo ako sa may sofa sa may gilid.

"Base sa resume mo, nag a-apply kang Assistant Secretary? Am I right?" Tanong nito.

"Yes sir." Pormal na sagot ko.

"But, that position is not available anymore." Kumunot ang noo ko.

"Why Sir? But, sabi sa email ay pumunta ko dito para sa interview. Bakit di na bankate ngayon?" Sagot ko.

"Yes. A days ago. But i have another offer for you Ms. Santos." Itinabi niya ang folder kung nasaan ang resume ko at tumingin sa gawi ko.

"What is it Sir?" Sagot ko.

"I need a babysitter for my son. Can you do that?" Seryoso ang mukha niya.

"Wait lang! Assistant Secretary ang ina-aplyan ko. Hindi babysitter! Kung wala nang bakante, thank you for inviting me here, Sir! Aalis na ko!" Kinuha ko ang sling bag at tumalikod sa kanya. Babysitter?! Pisteng proposal 'yan!

"I'll give you 120,000 a month. Tax free. Stay in at may isang araw na off sa isang linggo." Napatigil ako sa paglalakad. Tama ba ang rinig ko? 120,000 pesos? A month?!

"Baka scam yan Sir!" Ngumisi ito.

"Ako ang may ari ng kompanyang 'to. Hindi kawalan ang 120,000 pesos sa'kin a month." Sagot nito.

"As in, aalagaan ko 'yung anak niyo? Tapos ganon kalaki sahod?" Mabuti ng sigurado.

"Yes. If you want higher amount I--" Pinutol ko ang sasabihin niya.

"I'm okay with that. I will accept it!" Tama naman desisyon ko di'ba? Bahala na.

"Good. You can start tomorrow. Here. Sign this. This is the contract." Hindi ko na binasa at agad kong pinirmahan.

"Thank you for accepting me Sir. I will work hard tomorrow." Ngumiti ito.

"You need to be ready before 9 am tomorrow. Dalhin mo ang mga mahahalagang gamit mo lang. Ipa-susundo kita sa personal driver ko." Tumango ako

"Yes, Sir." Sabi ko.

"You can leave." Tumungo ako at umalis sa conference room.

Habang naka-sakay ako sa taxi hindi ako makapaniwala. Ang weird lang. Assistant Secretary to Babysitter? Pero okay na 'yon. Stay in naman at tax free yung sahod. Madali lang naman mag alaga ng bata. Malaki ang age gap namin ng mga kapatid ko. Kaya sanay ako mag alaga ng bata. Sa itsura ni Mr. Del Fuerto parang wala naman siyang anak. Sabagay, mayaman siya kaya niya bumuhay ng madaming anak.

Nagbayad na ko sa taxi at bumaba. Sa wakas makaka-alis na ko sa bahay. Buti nalang at stay in ako doon. Makaka-pahinga ang utak ko sa mga problema dito.

"Andyan ka na pala anak, kamusta? Pasado ba?" Wala kong balak sabihin sa kanila na babysitter ang magiging trabaho ko.

"Yes 'tay. Tomorrow na ang start ko. Stay in ako sa new job ko. Mas pabor ako kasi makakapag isip isip din ako." Ngumiti ito sa'kin.

"Basta kung saan ka masaya, doon din ako. Pumasok na tayo sa loob." Umakbay si tatay sa'kin at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay.





Cut! This is my update for today. Don't forget to leave a vote and comment. Thank you everyone.

Continue Reading

You'll Also Like

130K 4.1K 59
UNEDITED ✅ Manang , makapal na salamin at mga pimples sa mukha yan lang naman ang meron ako mga nagkakapalang mga libro. Ako lang naman ang nagiisang...
247K 13.8K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
885K 19.8K 78
Former Title: My Ex-Boyfriend's Obsession
204K 4.8K 54
(UNDER EDITING) ZAIRA REYMIER she can't buy anything even her tuition fee's, hindi siya makabayad dahil sa mahirap lang sila, To solve her problem, h...