The Withering Lily

By _thedamselled

35 4 1

Lillianna's life wasn't good to begin with. Being a daughter of an abuser, she can't even protect her own bro... More

Author's Note
Prologue

1: Thunder sings through its Rage

10 0 0
By _thedamselled

"We just need our mother back."

Magsasalita pa sana siya nang biglang magbukas ang pinto kaya sabay kaming napatingin doon. Kakauwi lang ng tatay ko galing sa ospital. Para siyang lantay na gulay habang naglalakad papasok ng bahay, halatang pagod dahil sa trabaho. Naramdaman niya ang tensiyong nakapalibot sa aming dalawa ng aking nanay kaya nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga.

Hindi ko kayang makita na nahihirapan din siya sa sitwasyon namin kaya tinalikuran ko nalang silang dalawa para tuluyang linisin ang mga bubog. Dumiretso ako sa kusina para itapon ito at nagsimula nang maghugas ng kamay.

Pinainit ko na rin sa kalan ang pagkain para hindi na ito gawin ni Papa. Umupo siya sa counter at hindi ko mapigilang mailang dahil nakakabinging katahimikan lang ang bumalot sa aming dalawa ngayon.

Nararamdaman kong gusto magtanong ni Papa ngunit masyadong marami ang tumatakbo sa isip niya kaya hindi na siya nagsalita pa. Nilapag ko sa harap niya ang pagkain at kahit nagugutom ako, hindi ko siya sinabayan para matakasan ang mga pwede pang mangyari.

Paalis na ako nang magsalita siya. "Ayusin mo sarili mo," tugon niya na parang ako ang may kasalanan sa naabutan niya kanina.

Tiningnan niya ako sa mata at kapansin-pansin ang pagkadismaya niya sa akin. 'Yon 'yong problema sa mga taong hindi alam ang buong kwento, basta-basta nalang silang naniniwala sa kung ano man ang nakita nila. Kumakampi sa isa at pinipinturahan na mali ang isa. Ang babaw lang.

Imbes na magalit sa kaniya, dumiretso nalang ako sa kwarto namin ni Liam. Binuksan ko nang kaunti ang pinto, tama lang para matanaw si Liam mula rito.

Naabutan ko siyang nakatulala habang pinipisil ang kamay niyang nakabalot ng tuwalya para pigilang lumabas ang dugo. Huminga ako nang malalim at pinunasan ang mga natuyong luha sa mukha ko bago ako tuluyang pumasok sa loob.

Sinalubong niya ako ng ngiti na para bang hindi sika nasasaktan. Nang makita ko ang mga pasa niya sa katawan, bigla nalang napabagsak ang balikat ko. Dahan-dahan ko itong hinawakan isa-isa habang pinipigilang umiyak.

"I'm sorry..." For not being able to protect you.

Tumayo ako para kunin ang first aid kit na nakalagay sa tukador.

Lumuhod ako sa kaniya at tahimik na ginamot ang mga sugat niya. Tumingala ako para tignan ang reaksyon niya dahil alam kong nasasaktan siya habang ginagamt ko ito ngunit nanatiling blanko ang kaniyang ekspresyon.

"Let's get you checked up once they're asleep." suhestiyon ko.

"I'm sorry for getting you involved... again," paghihingi niya ng tawad.

Wala kang kasalanan.

Huminga ako nang malalim bago siya tingnan sa mata. "I love you, Liam."

Yinakap niya ako nang mahigit at naramdaman ko nalang ang mainit niyang luha nang tumulo ito sa balikat ko. Yinakap ko siya pabalik at inigpitan ko pa' to lalo tsaka ginulo ang buhok niya.

"I'll miss you, ate." Biglang napakunot ang noo ko sa kaniyang sabi.

"And where will I go?" Napahawak ako sa noo ko nang bigla niya itong pitikin.

"I watched the livestream of the competition while waiting for you to come home," binigyan niya ako ng isang malawak na ngiti.

"You deserve it po." malumanay niyang sabi. "You deserve to be happy."

Napatulala ako sa sinabi niya. Parang nawala bigla 'yong lungkot na nararamdaman ko at napalitan ito ng saya. Hindi ko naman inaasahan na papanuorin niya 'yong sayaw ko, sa lahat ba naman ng tao.

"I..." Have no words. "Thank you, my number one fan," Humalakhak naman siya sa daing ko. Sobra palang nakakatabanng puso makarinig na may sumusuporta sa'yo. Sa kauna-unahang beses, naramdaman ko na mahalaga ako, na importante pala ako sa buhay ng iba.

Nakatitig lang siya sa akin habang dinadama pa ang komento niya. Binalikan niya ako ng isang ngiti hanggang sa napalitan ng lungkot ang saya na nararamdaman niya. Napatulala nalang siya sa ere at nagbuntong-hininga.

"I'll be home before your birthday," saad ko.

Ginulo ko ang buhok niya bago itinaas hanggang balikat ang kumot na nakabalot sa baywang niya para hindi siya malamigan mamaya sa pagtulog. Tumayo ako para lumapit sa tukador.

"Oh! And also," lumingon siya sa akin nang marinig akong magsalita.

"I bought us matching socks!" kinuha ko ang dalawang pares na medyas mula sa pagkakasampay sa loob ng aparador. Ito'y kulay berde na may disenyo ng maraming dinosaur. Napadaan ako kahapon sa isang tindahang pambata kaya naisipan kong bumili, buti nalang may sukat din ako nito. Nilabhan ko muna ito kagabi nang makauwi ako kaya hindi ko 'to nabigay agad dahil ang tagal bago matuyo.

Lumapit ako sa kaniya at tinaas nang bahagya ang kumot na bumabalot sa paa niya. Akmang uupo na si Liam pero pinigilan ko siya dahil alam kong masakit at namamaga pa ang mga pasang nakuha niya mula sa palo. Inangat ko ang kaliwang paa niya at sinuot ito. Kinuha ko naman ang kaniyang kanang paa at pinatong sa hita ko kaya napataas ang dulo ng pyjama niya kaya nalantad ang kaniyang mga galos.

Parang bumalik lahat ng galit sa puso ko nang makita ko ang mga ito. Kinakailangan ko lang pakalmahin ang sarili ko dahil ako lang ang makakapitan ni Liam sa sitwasyon ngayon.

Ibinaling ko ang tingin ko sa kaniya para tignan kung may pasa rin ba siya sa mukha ngunit iba ang napansin ko. Biglang nagbago ang ekspresyon niya sa mukha na para bang hindi niya ito kontrolado.

Dahan-dahan akong napatayo. His facial grimacing shocked me.

"Liam, are you okay?"

"Yes, ate. Is there something wrong?"

"Are you aware of what you did just now?" tanong ko na ipinagtaka niya. Umiling siya bilang sagot.

Kahit nadidiligan ang halaman araw-araw, kung hindi naman ito inaalagaan nang maayos at kung wala rin itong tamang bilad sa araw, paano ito lalaki nang hindi natatangkay ng malakas na hangin sa isang pitik? Kung sa ugat palang ay mahina na, paano pa ang buong kalagayan niya?

"I wanna be a T-Rex!" he exclaimed. Natawa naman ako at tinanong kung bakit. "Because they are strong."

"Then you must be the king of all dinosaurs," anas ko. Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

"But I am not the strongest of them all," Napakamot siya sa ulo pagkatapos sinabi ito. "But they can be the most powerful."

"They are built to rule. You are built to rule your own mind and heart, Liam, just like the T-Rex."

Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit. "Thank you for being my only ally in this lifetime, ate." sabi niya.

Humikab siya at tumagilid habang nakatingin sa akin. Kinuha ko mula sa kama ko ang isang teddy bear at isiningit sa katawan niya, yinakap niya naman ito. "Her name's Ichay," pakilala ko kay Liam.

"She heals the agony of the heart," paliwanag ko.

"So hug her as tight as you can till your pain fades away." tumango si Liam at pinikit na ang mga mata. Binigyan ko siya ng isang halik sa noo bago bumalik sa kama para umidlip.

Mabilis na lumipas ang oras, kakapikit ko palang ngunit kailangan ko na ulit gumising. Tumingin ako sa orasan at nakitang alas-tres na ng madaling araw. Dalawang oras lang ang nilaan ko sa pagbisita namin sa ospital dahil kinakailangan naming bumalik dito sa bahay bago mag alas-sais dahil gano'ng oras nagigising ang nanay namin. Hindi man lang siya nag-abala tingnan ang sariling anak.

Yinugyog ko nang mahina si Liam kaya nagising siya. Dahan-dahan niyang inimulat ang kaniyang mata hanggang sa tuluyan ko ng nasilayan dito ang repleksyon ng ilaw na nanggagaling sa buwan.

"Sorry, this is our only time for us to go the hospital. I don't want to leave you wounded."

Halatang sobrang antok pa niya ngunit pinilit niyang bumangon. Pinatay ko muna ang aircon para hindi siya malamigan habang nagbibihis. Tinulungan ko siyang magsapatos at dahan-dahan kaming lumabas ng bahay nang hindi gumagawa ng ingay.

Naglakad kami palabas ng kanto kung saan makikita ang istasyon ng tren habang sinasalubong ang malamig na hanging humahampas sa amin. Tumigil muna kami saglit para ibigay ang jacket na suot ko sa kaniya dahil manipis lang ang suot niya. Ang importante, hindi niya maramdaman ang lamig.

Hawak ng dalawang kamay niya ang strap ng backpack kaya pinalibot ko nalang ang kamay ko sa kabilang balikat niya para maalalayan siya sa paglalakad.

Pagkarating doon, bumili ako ng dalawang ticket at inakyat namin ang hagdan para makasakay ng tren. Kaming dalawa ang tao dahil madaling-araw na kaya may mauupuan kami. Nagsimula na itong umandar kaya hinawakan ako ni Liam.

"It's my first time, ate." sabi niya. Tumango naman ako at inayos ang pagkakahawak sa kaniya. Sinusundo kasi siya ng car-lift niya tuwing umaga papasok sa eskuwelahan at sa bahay lang naman siya madalas tuwing walang pasok kaya wala siyang alaala sa pagsakay ng tren, ngayon lang.

Gamit ang isang kamay, kinuha ko mula sa pagkakasaksak sa aking tainga ang isang airpod at kinabit ito sa tainga niya.

"I didn't know you were into classical music," tugon niya nang marinig ang mabagal na kantang pinatugtog ko. "I thought you only love ballet."

"Every key pressed is worth a thousand emotions weaved in just one piece."

"It's like a thunder that sings through its rage, the waves wildly being blown by the wind, the trees dancing because of the squalls, and the pysche of an individual trying to grap away from being frailty."

Tumango siya nang maintindihan ito. "Just like the suppressed emotions that were let out after a long time of being bottled up inside a person's heart." sagot niya.

Sumandal siya sa balikat ko at ipinikit ang mata. Tumingin ako sa bintana at pinagmasdan ang katahimikan ng siyudad na nagpapahinga. Tanging mga ilaw lang ng poste ang bukas kaya natatanaw ko rin ang mga billboard habang dinadaanan ito ng tren. Puro mga ad ang ipinapakita kasama na ang isang imahe ng babaeng artista na nasa edad kuwarenta pataas. Ineendorso niya 'yong sikat na alak.

Malapit na kami sa stasyong bababaan namin kaya ginising ko na si Liam para maghanda. Lumabas kami ang nilakad ang ospital sa tawiran.

Naghintay pa kami ng ilang minuto bago tinawag ng nars dahil wala naman kaming appointment. Naunang pumasok si Liam at pinaupo kami ng doctor sa harapan niya.

Marami pa siyang paunang-tanong bago nagsimulang suriin ang mga sugat at pasa ni Liam sa buong parte ng katawan. Pinayuhan din ako ng doctor sa mga kailangang gawin sa mga sugat ni Liam sa mga kasunod na araw.

Pumunta kami sa Radiology Department para kuhanan ng X-Ray si Liam. Naghintay ako ng ilang minuto sa labas at pagkatapos, bumalik ulit kami sa doctor para simulan na niyang gamutin ang mga malalim na sugat pati na rin ang mga maliliit ngunit malalim na hiwa na galing sa bubog ng nabasag na plorera kanina.

Mukhang matatagalan pa ito kaya nagpaalam muna ako para bumili ng pagkain sa nadaanan namin cafeteria sa baba.

"What do you like?" tanong ko.

"I want some strawberries."

Dumiretso na ako sa labas at bumili ng mga pagkaing pantawid gutom. Medyo natagalan pa ako dahil pinainit pa 'yong cheese croissant na binili ko. Kinuha ko 'yon at nagbayad. May maliit na tindahan sa tabi ng cafeteria kaya roon ko binili 'yong gusto ni Liam. Nilibot ko pa 'yong buong tindahan para hanapin kung saan 'yong mga tubig.

Kumatok muna ako bago buksan 'yong pinto. Bigla akong nataranta nang makita na iba na ang pasyente kaya dali-dali akong lumabas para hanapin si Liam. Pumunta ako sa resepsyon para tanungin kung may nakita ba silang batang lalaki na naka-asul at may backpack sa likod na may kasamang teddy bear.

Nagtanungan naman sila sa isa't isa ngunit walang sumagot. Napalinga-linga ako at napasabunot ng buhok. Bakit naman kasi pinaalis ng doctor si Liam kahit wala pa itong bantay?

Tinulungan na rin ako ng isang nars na may bakanteng oras sa paghahanap. Dumiretso ako patungo sa dulo ng pasilyo habang na patuloy na tinatawag ang pangalan ni Liam.

"Hey," napahinto ako sa paglalakad nang may tumawag, hindi ko alam kung ako ba 'yong kinakausap niya o ano pero kaming dalawa lang naman ang tao dito kaya masasabi ako 'yong tinatawag niya. Nakaupo siya sa wheel chair habang nakatanaw sa labas.

"Sorry, I don't have time. I'm looking for my little bro—" napatigil ako nang ituro niya ang bintana, sinundan ko naman ito ng tingin.

Napahawak ako sa bibig nang matanaw si Liam sa hardin habang may kausap na matandang lalaki, mukhang doctor din ito. Dali-dali akong bumaba para puntahan siya habang bitbit ang pagkain.

Napunta ang kaunting hibla ng buhok sa mukha ko nang makalabas dahil sa lakas ng hangin. Medyo kinilabutan din ako dahil malamig ngayong gabi.

Pinalibutan ko ng tingin ang kapaligiran at maraming iba't ibang halaman ang nandito pero agaw-pansin ang puting Lily dahil ito ang pinakamarami. May mga ibang pasyente rin na nakatambay sa may bangko para simutin ang hangin, ang iba nama'y naglalakad.

Bago pa ako makalapit, umalis na 'yong mukhang doctor na kanina'y kausap lang ni Liam.

"It's freezing cold, let's get you warmed up inside."

Napalingon siya nang marinig ako ngunit binalik niya ang kaniyang tingin sa harap kaya napasunod ako rito. Lumapit siya sa mga bulaklak at tumingin muna sa paligid para kumpirmahing walang makakakita sa kaniya. Pumitas siya ng apat na pirasong Lily at tinago ang mga 'to sa likuran niya. Bumalik siya sa tabi ko habang hindi inaalis ang tingin sa akin.

"I love you, ate."

Mula sa kaniyang likuran, dinala niya ang bulaklak sa harapan ko. Mga ilang segundo akong napatulala at binigyan ko siya ng isang malawak na ngiti bago kinuha ito.

Nanlambot ang puso ko dahil sobrang nakakagaan sa pakiramdam na malaman na may nagmamahal sa'yo— na kamahal-mahal ka rin pala. Ang pagmamahal na hindi mapapantayan ng kahit ano. Parang sa isang pitik, naglaho lahat ng problema ko sa buhay dahil lang sa apat na salitang nagmula sa kaniya.

Love heals you.

Niyakap ko siya nang mahigpit at binalikan niya ito ng mas mahigpit na yakap.

"You are too precious for this world."

'Nanatili kami sa gano'n posisyon hanggang sa may napansin akong papel 'di kalayuan sa pwesto namin. Kumalas ako sa yakap para pulutin ito. Isa itong business card ngunit imbes na pangalan ng tao ang nakasulat, pangalan ng eskuwelahan ang nakalagay kasama ang lokasyon na 'di ko mawari kung saan.

Soigner Academy

"Oh! I thought I lost it completely," muntik na akong napatalon nang magsalita si Liam sa likuran ko. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya kaya mabilisan niyang sinagot ang pagtataka ko kahit hindi ko pa ito itinatanong.

"I had a chat with a Psychiatrist earlier while waiting for you here at the garden." Biglang sumagi sa isip ko na may kausap nga pala siyang lalaki kanina bago ako makalapit.

"He wants me to visit the location written here." turo niya sa card. "Let's do it, then."

Pagkatapos namin sa ospital, sumakay na kami ng tren para makauwi na sa bahay. Nakikinig kami sa musika habang pinapanood naming gumising ang siyudad kasabay ng pagtaas ng araw. Tahimik ngunit may buhay.

Mga taong naglalako sa gilid ng kalsada habang bitbit ang malalaking lalagyan para magtinda, mga batang nagbibisikleta papuntang paaralan, mga trabahador na naglalakad papasok ng trabaho, mga nanay na nagwawalis sa harapan ng bahay, at mga hardinero na nagdidilig ng mga halaman sa tapat ng bahay.

"Being alive is already a reason for us to be happy. We just need to have that contentment in ourselves, for ourselves."

Nabaling ang atensyon ko kay Liam habang nakatingin pa rin siya sa labas. Napangiti ako sa komento niya. Sa murang edad, marunong na siya magpahalaga sa mga bagay-bagay. Saktong alas-cinco palang nang nakauwi kami.

Dumiretso kami sa kwarto habang pinapanatili pa rin ang katahimikan para hindi magising ang mga tao sa bahay. May isang oras pa bago maghanda si Liam sa pagpasok sa eskuwelahan kaya pinatulog ko muna siya para may enerhiya siya mamaya kahit papaano.

Tinulungan ko siyang magbihis ng pantulog habang iniiwasan matamaan ang mga sugat niya. Tinabihan ko siyang matulog dahil malaki naman ang kama niya at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala kami.

Nagising nalang ako nang yugyugin ako ni Liam sa tabi. Nakaupo siya sa kama kaya napasunod ako sa gawi niya. Tinignan ko ang orasan ang nakitang isang minuto nalang bago mag ala-sais. Kinuha ko ang despertador para patayin ang nilagay kong alarm.

Nauna akong lumabas at unang bumungad sa akin ang nanay kong nagluluto sa kusina. Tumingin siya sa gawi namin at pinaupo kami sa hapag-kainan na para bang walang nangyari kagabi. Kinuha ko 'yong mga platito at ito'y inihanda sa lamesa. Nilapag niya naman ang agahan at nagsimula ng magdasal.

Tinatantsa ko ang mood ng nanay ngunit parang nabagok niya ang ulo niya kagabi at nakalimutan ang lahat. Wala ang tatay namin dahil nauna na siya sa kaniyang trabaho. Sinandukan ko ng kanin si Liam at tahimik nalang kaming magkatabing kumain. Ayoko naman magsalita dahil baka mawala lang sa mood ang nanay namin at masakit lang ulit. Nagprisinta na akong maghugas para maasikaso niya si Liam sa pagpasok.

Kung pwede lang na ako ang magpaligo sa kaniya, ginawa ko na ngunit wala akong kaalam-alam sa mga bagay na 'yan. Simula bata palang kami, huminto na sa pagtatrabaho si Mama para magpokus sa aming dalawa dahil kaya naman kaming buhayin ng aming tatay.

Natapos na akong maghugas kaya dumiretso ako sa lamesa para magpunas. Hinanda ko na rin 'yong sapatos ni Liam sa tapat ng pintuan para hindi niya na ito kunin sa paglagyan mamaya. Maya-maya, narinig ko ng sumisigaw si Mama kaya napatakbo na ako sa loob ng kwarto para pigilan ang kung ano man ang pwede niyang magawa kay Liam.

"Walong-taong gulang ka na, hindi ka pa rin marunong maligo nang maayos! Hanggang kailan ba kita tuturuan?!" dinig kong sigaw ni Mama nang makarating ako sa loob ng kwarto.

"Ma, ako na rito. Magpahinga ka nalang doon," iminungkahi ko.

"Ayan! Kaya hindi natututo ang batang 'yan kasi kinakampihan mo!" dikdik niya sa akin.

"He won't learn if you'll continue to get mad everytime, Ma."

"Paanong hindi magagalit?! Araw-araw ba dapat akong tumayo rito at patnubayan siya sa pagligo dahil kapag hindi ako titingin, mali-mali na ang ginagawa niya?" aniya.

"He's still in the process of learning, Ma. What you need is not patience but the sense of understanding so please.. stop shouting at him. For the sake of both of you," sagot ko.

"Paano naman 'to makakatulong sa akin?! Dagdag trabaho lang 'yang batang 'yan! Tanging pagligo nang maayos, 'di pa magawa!" tugon niya habang tinuturo-turo si Liam. Lumapit ako sa banyo para sabihan si Liam na ipagpatuloy niya ang pagliligo bago ko ito isinara para hindi niya na marinig pa ang pinag-uusapan namin.

"You'll know it once you stop pouring your anger to Liam," pagmamakaawa ko. "Do you think he can still respect you?"

"Ang bastos mo talagang bata ka! Alam mo ba 'yang pinagsasabi mo? Kung 'di niyo ako rerespetuhin, magkapatayan na tayo rito sa bahay para lang galangin niyo ako bilang ina!"

"How do you expect someone to respect you if you can't even give it?"

Tinalikuran ko siya para kunin 'yong telepono pero kinuha niya ito mula sa kamay ko at ibinato sa kama. Kukunin ko palang sana ito ngunit napatigil ako nang sumigaw siya nang malakas. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko para pigilan ang pag-iyak.

"My friend's dad is a Psychologist, Ma. Please get yourself checked-"

"Wala akong sakit sa utak!" sigaw niya.

"I.. I just want to help you, Ma.. before everything becomes uncontrollable," anas ko.

"Kung makapagsalita ka, akala mo ang dami mong pera!"

"I can work part-time, Ma. Just please.. please listen to me."

Napaupo ako sa kama dahil pagod na akong makipagtalo sa kaniya. Bumuntong-hininga ako at pinili nalang sumuko dahil kahit anong suhestiyon ko, mas pinili niyang paniwalaan 'yong mga estereotipong bagay tungkol dito.

Bumukas ang pinto ng banyo kaya napatingin kami roon. Nakabalot ng tuwalya ang katawan ni Liam habang kinukuskos niya ang kaniyang buhok gamit ang isa pang tuwalya para patuyuin ito. Naglakad na ang nanay namin patungo sa labas at pabalang sinara ang pinto.

Tinulungan kong magbihis si Liam at pagkatapos no'n, pinaupo ko siya sa harap ng salamin para patuyuin ang buhok niya gamit ang blower. "Exhale if you're exhausted.. you don't have to keep it in you, Liam."

Nakatingin lang sa akin si Liam sa salamin at bakas sa mata niya ang pagod. Tumango siya at hindi ko na napigilang yakapin siya mula sa likod. Pagkatapos namin, sinuot niya ang ang kaniyang sapatos ang lumabas na kami ng bahay para maghintay hanggang sa sunduin na siya ng carlift niya.

Bumalik ako sa loob ng bahay para magsimula ng mag-ayos sa sarili dahil may klase pa ako ng Ballet. Pagkarating roon, pinag-inat muna ako ni Miss Vergara dahil tapos na 'yong mga iba.

Ipinatong ko ang aking kamay sa hawakan at ipinagdikit ang bawat dulo ng paa ko para gumawa ito ng isang guhit. Dahan-dahan kong itinaas-baba ang katawan habang bumubuka't sarado ang aking binti. Iginaya ko naman ang galaw ng braso ko sa isang ibon na lumilipad habang hawak ang isang lapis na nakasingit sa darili ko para masanay ito sa porma.

"Lillianna, Cupid Variation," utos ni Miss Vergara.

Pumunta ako sa gitna para magsimula. Ipinosisyon ko ang mga kamay ko base sa tunog ng musika. Using my tiptoes, I dance the variation and move in a swift manner. Ito 'yong kauna-unahang sayaw na natutunan ko sa variation class kaya masasabi kong gamay ko na talaga ito.

I flicked off my supporting leg while the other leg is in tombé. I slid it off to form another position where it is in a crossed angle. I positioned myself in a back diagonal of plié relevé pirouette where I had to raise a single leg and jump on the other feet in a vast movement. I made sure that my arms aren't as hard as an acorn. Another turnout was done, making sure my knees are outrightly straight. This intense variation requires fast foot work which I've been practicing since I was a young girl so I really had to make sure the dance is polished.

Nang tumigil ang musika, nag-bow ako at dumiretso sa likod. Mga ilang routine pa ang aming ginawa kaya umabot ng tanghali bago kami natapos.

Pinunasan ko muna ang mga pawisang parte ng kayawan ko bago nagpalit ng damit. Biglang may lumitaw na notification sa cellphone ko kaya tinigil ko muna ang aking ginagawa upang basahin ito.

Ma: Daanan mo si Liam. Hindi siya mahahatid ng carlift. Nandito ako kina Tita Hera mo.

Tinignan ko ang orasan at nakitang mag-a-alas-tres na kaya tinapon ko nalang lahat ng gamit sa bag ko kahit gulong-gulo na ito. Lumabas ako at nagmadaling pumunta sa paaralan ni Liam.

Pagkarating roon, kinawayan ko si Liam na nag-aantay sa waiting shed. Tumakbo siya palapit sa akin at yinakap ako nang mahigpit.

"What do you want to eat for dinner?" I asked.

"Just strawberries and maybe... takoyaki?" sagot niya.

"That's for snacks! What about a meal?"

"Maybe cup noodles?"

"Hey! That's so unhealthy." Inilingan ko siya nang dismayado. Pna kami sa train station para dumaan sa grocery store saglit.

Pagkababa namin, matatanaw mula sa puwesto namin ang sister-school ng institute kung saan ako nakatala para mag-aral ng Ballet. Kapansin-pansin ang nakakamanghang disenyo ng Le Meilleur School of Arts mula sa kinatatayuan namin ni Liam.

Ang istraktura nito'y parang isang pagong na kumikintab at mukhang yari sa pilak ang pangkalabasan ng paaralan. Kung hindi ka taga-rito, hindi mo malalaman na isa itong eskuwelahan dahil mukha siyang museo. Ito ay may dalawang palapag at ang alam ko, para sa mga

Dito nakatala ang mga estudyanteng mahilig magpinta, sa photography, paglililok, graphic design, literatura, teatro, interior design, arkitektura, fashion design, pang-pelikula, at marami pang iba.

Hindi na rin kami pinapayad ng matrikula.

Pumasok na kami ni Liam sa loob ng tindahan at dinampot ang mga kakailanganin para sa pupuntahan namin pagkatapos nito. Para makahinga naman si Liam kahit papaano, masyado nang mabigat ang dinadala niya sa murang edad.

Hindi ko na napansing nakaalis na pala si Liam sa tabi ko dahil masyado na akong okupado. Tinakbo ko ang bawat dulo para mahanap siya ngunit hindi ko pa rin siya makita.

"Excuse me! Have you seen a boy around this height?" Tinapat ko 'yong kamay ko hanggang sa dibdib ko habang kausap ang isang salesman.

"Ah! 'Yong chinito po? Tsaka maputi? Tsaka ano ba 'yon? May suot na dinosaur jacket?" Tinanguan ko siya nang mabilis at nakahinga nang maluwag dahil may nakakita sa kaniya.

"Lumabas lang siya saglit, ayun oh! May kausap na matanda sa tabi ng pinto," Turo ni Manong sa pasukan. Pinasalamatan ko siya at lumapit na sa pwesto ni Liam.

Hindi ko masyadong maaninag 'yong lalaking kausap niya pero mukhang pamilyar 'yong ayos ng upo niya. Saan ko nga ba siya ulit nakita?

'Yong aura na mabait at may pinag-aralan sa buhay, mga ganoong klaseng paglalarawan ba.

"Liam." I called.

Tumingin sa akin 'yong matandang lalaking kausap niya. Nanliit ang mata ko dahil pilit kong inaalala kung saan ko siya nakita.

"That's my ate," sambit ni Liam kaya nabaling ang atensyon ko sa kaniya. Nilapitan ko siya at hinila pataas upang tumayo na siya dahil nakasuot siyang puting shorts tapos madumi 'yong inuupuan niya. Tama ba 'yon?

"Until next time, kind boy!" Paalam ng lalaki kay Liam at tumalikod na sa amin para maglakad papalayo sa amin.

"Wait!" pigil ko sa kaniya. Huminto siya at napalingon sa akin.

"Can you tell me who you might be and why do you keep on appearing beside Liam?" I asked nonchalantly.

"I may be the person who'll lead you to your healing place or may be someone you'll learn from." He smirked. "I'm the healer."

"Don't worry ate, he's not a bad person." singit ni Liam.

"How can you say so?"

"He gave me this." Itinaas ni Liam ang kaniyang kamay para ipakita ang isang puting... stress ball?

"I can give you that too." Kinuha ko sa kamay niya ang bola at sinuri ito nang mabuti. What's with this weird thing na may tuldok sa gitna?

"It's not just a stress ball. Once you press the middle part when the yellow dot, it will send an electric shock to calm my muscles and slower my heart rate from beating too fast."

"Not only that, it helps my blood pressure decrease once it rises." pagtutuloy niya. Sumang-ayon nalang ako sa kaniya kahit alam kong hindi totoo 'yong pinagsasabi ng lalaking iyon sa kaniya. It sounds too good to be true! Kaya dapat hindi tayo naniniwala nang basta-basta kung kani-kanino lang.

"Let's just go."

"I don't wanna go home yet," bakas sa tono ng kaniyang pagsasalita ang kalungkutan.

"You call that a home? And besides, who said we're going home?" binigyan ko siya ng isang malawak na ngiti na ipinagtaka niya.

"We're going to your favorite place!"

#TheWitheringLily
#TheWitheringLily_CH1
#TWL_CH1
#TWL01

Completion: September 18, 2021
Date Published: October 6, 2021
Written by: @thedamselle

Plagiarism is a crime punishable by law.
© All Rights Reserved 2021

Continue Reading

You'll Also Like

703K 47.3K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...