ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY...

Od iirxsh

120K 1.5K 27

COMPLETED | SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH She is Kirsten Kelly Tolentino, 25 years old. NBSB. A Private Empl... Více

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOY
SINOPSIS
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
NOT AN UPDATE
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
WAKAS
AUTHOR'S NOTE
ANNOUNCEMENT
SOON TO BE A PUBLISHED BOOK
AGTCB IS NOW A PUBLISHED BOOK
PRE-ORDER IS NOW OPEN
AGTCB PHYSICAL BOOK

KABANATA 6

1.9K 28 0
Od iirxsh

Kabanata 6

PAUWI na si Kelly, kasama niya ang ka-trabaho niyang si Alex. Duda man siya sa ideyang isasama niya ang ka-trabaho sa kanilang bahay pero wala siyang nagawa ng inumpisahan siyang kulitin nito. Kapag naman kasi hindi niya sinama alam niyang hindi siya titigilan. Gagawin daw kasi ni Alex iyong naisip niyang ideya. Kahit naman walang kaalam-alam si Kelly sa balak ni Alex, ay pumayag pa rin siya. Para lang tuluyan na siyang tigilan.

Nagtext nga si Adam na susunduin daw siya ngunit tinanggihan niya ang binata. Masama mang magdahilan siya kay Adam, pero wala siyang choice kahit naman ang totoo ay kasama niya si Alex. Kapag kasi sinabi niya ang totoo, mahirap na baka magkainitan pa ang dalawa. Iyon naman ang iniiwasan niyang mangyari.

Hindi maganda ang unang pagkikita ni Adam at Alex. Kaya hangga't maaari ayaw niyang masundan pa iyon kung hindi rin naman sila magkakasundo na dalawa.

"Ano ba kasing plano 'to Alex?" Kinakabahan na tanong ni Kelly. Habang papalapit na ang sinasakyan nila na tricycle sa kanilang bahay, mas lalong nadadagdagan ang kabang nararamdaman niya.

"Basta, malalaman mo ang sagot sa tanong mo." Parang balewala lang na sabi ni Alex. Hindi man lang makikita ang kaba sa kanyang itsura, animoy sigurado at talagang pinaghandaan niya ang kanyang plano.

"Pag ito talaga kalokohan, sinasabi ko sa iyo... Kapag pinalayas ako, idadamay kita." Seryosong banta ni Kelly, kaso tinawanan lang siya si Alex.

"Ang OA girl, ha. Palalayasin agad?"

"Hindi mo rin kasi masasabi!"

"Huwag kang mag-alala, kung ganoon man ang mangyari. Bukas naman ang pinto ng bahay namin para sa iyo. Malugod kitang tatanggapin."

Sumama lang ang mukha ni Kelly dahil sa sinabi na iyon ni Adam. Napakagaling talaga ni Alex kapag mga ganitong bagay. Pakiramdam na kabado kana't lahat, pero siya easy lang. "Kung sabihin ko kayang bakla ka--."

"Seryoso kasi 'to!" Mabilis na putol ni Alex. Isa iyon sa bagay na kinatatakutan niya, kaya kapag sinabi na ang tungkol doon iyon na rin ang makakapag pagtigil sa kanya. "Baka pasalamatan mo pa ako..." Mayabang siyang tumingin kay Kelly.

"Siguraduhin mo lang, Alexander!"

Nagbayad kaagad silang dalawa, pagkatigil pa lang ng tricycle sa harap ng bahay nila Kelly. Hindi na siya nagulat nang hawakan ni Alex ang kanyang kamay at mabilis na iginaya sa loob.

Wow, bahay mo Alex? Kung makahila, eh.

"Good evening, papa." Bati ni Kelly nang makapasok silang dalawa. Kasalukuyang nanunuod ng palabas sa telebisyon si Mr. Tolentino. "Si mama po, nasaan?" Dugtong niya.

"Nakanila Mareng Johan." Tugon ni Mr. Tolentino nang hindi man lang binalingan ng tingin si Kelly. Kaya hindi niya pa alam na may kasama siyang bisita. Napailing na lang si Kelly sa pagkahilig ni Mr. Tolentino sa panunuod ng Ang Probinsyano.

"May kasama po ako, papa." Imporma ni Kelly tsaka lumapit para humalik sa pisngi ng ama.

"Good evening po, uncle." Nakangiting lumapit si Alex kay Mr. Tolentino. "Mano po." Malugod naman na inabot ni Mr. Tolentino ang kanyang kanang kamay.

"Alex, tama ba?"

Hindi na nagtataka si Kelly kung kilala ni Mr. Tolentino si Alex. Minsan nang nagawi sa bahay nila ang binata, kahit medyo matagal na iyon ay hindi pa rin siya nakalimutan ni Mr. Tolentino. Sadyang malinaw pa rin ang memorya nito.

"Opo, uncle." Magalang na tugon ni Alex.

"Upo ka," Inimuwestra ni Mr. Tolentino ang malaking sofa sa gilid niya. "Ano bang sadya natin?" Tanong ni Mr. Tolentino, tsaka muling binalik ang tingin sa telebisyon.

"Kelly, upo ka sa tabi ko." Utos naman ni Alex. Kahit naguguluhan sa nangyayari si Kelly. Sumunod pa rin naman siya. Go with the flow kumbaga.

"Uncle." Pagtawag ni Alex sa atensyon ni Mr. Tolentino. Nakakunot naman ang noo ni Mr. Tolentino nang harapin niya ang dalawa na hindi man lang niya namalayang magkatabi na pala. "Gusto ko po sanang hingin ang permiso ninyo, kung pwede kong ligawan ang anak ninyo."

Hindi napigilan ni Kelly na maubo. Hinaplos haplos naman ni Alex ang likod niya. "I-Ito ba sinasabi mong ideya, baks?" Bulong ni Kelly.

"Oo, sumakay ka na lang." Palihim na kinurot ni Kelly si Alex. Napangiwi naman si Alex ngunit agad din niyang binawi dahil nasa harap sila ni Mr. Tolentino. "Kung alam ko lang na ganito ang plano mo, hindi sana ako puma--."

"Payag ako." Nanlaki ang mata ni Kelly, sa sinagot ng kanyang ama.

Seryoso ba?

"Yown!" Napa suntok naman sa hangin si Alex. "Salamat po, uncle."

Masyado na ang paninindigan ng baklang 'to sa pag-arte.

Bumaling naman si Alex kay Kelly, kinindatan niya ang dalaga. Sinamaan naman siya ng tingin ni Kelly, pero si Alex mukhang mas natutuwa pa sa nangyari.

"Akala ko tatanda ng dalaga 'tong anak ko." Natatawa na ani ni Mr. Tolentino. "Paano ba naman kasi, tutok sa trabaho."

"Papa na--."

"Kung iniisip mong pinagbabawalan ka namin ng mama mo anak, mali ka ng iniisip." Putol ni Mr. Tolentino sa dapat niyang sasabihin. "Noon, syempre nag-aaral ka pa. Kaya medyo mahigpit kami, pero ngayon na may trabaho ka na. Ayos na sa amin." Pagtuloy ni Mr. Tolentino. "Hinihintay ka nga lang namin na may ipakilala, eh. Aba't gusto ko pa na maabutan ang mga apo ko 'no." Natatawa na dugtong pa niya.

"Ano ba 'yang sinasabi mo, papa..." Sita ni Kelly.

Hindi naman iyon pinansin ni Mr. Tolentino. Bumaling lamang siya kay Alex. "Alam ninyo ang bawal, alam ninyo ang tama at mali. Matanda na kayo." Pangaral ni Mr. Tolentino sa dalawa. Napangiwi si Kelly sa ideyang iyon, mukhang sineryoso talaga ng kanyang ama ang palabas ni Alex. "Huwag na huwag sumagi sa isipan mong lokohin ang anak ko, tatanggalan kita ng kaligayahan." Seryosong banta iyon ni Mr. Tolentino.

Napalunok naman si Alex. Bigla siyang pinagpapawisan kahit pa nasa number 3 naman ang electric fan. Kabado siyang sumagot kay Mr. Tolentino, mukhang mali yatang ginawa niya ang ideyang 'to. "O-Opo po, Uncle."

"Mabuti naman at nagkakalinawan tayo." Seryosong tugon ni Mr. Tolentino bago niya binalingan si Kelly. "Maghanda ka na roon sa kusina, anak..." Utos niya.

"Dito ka na mag hapunan." Nakangiti nang bumaling si Mr. Tolentino kay Alex. "Hintayin lang natin ang misis ko."

"Ang paalam ko po kasi sa magulang ko, saglit lang ako uncle. Sa susunod na lang po." Nahihiyang apila ni Alex. Ang totoo naman kasi ay hindi talaga siya nagpaalam, sadyang ayaw lang niyang paunlakan ang imbitasyon ni Mr. Tolentino dahil baka kung ano pa ang tanong nila mamaya sa kanya, at baka tuluyan siyang malagot kay Kelly kapag nangyari iyon.

"Ganoon ba? Sige, ihahatid ka na lang namin ni Kelly. Hintayin ninyo na lang ako sa labas, huwag ka nang umangal. Ayaw ko ng tinatanggihan ako." Pangunguna na ni Mr. Tolentino. Sa itsura kasi ni Alex, mukhang alam na niyang tatanggihan siya ng binata. Walang nagawa si Alex kung hindi tumango na lamang.

Lumabas na si Kelly kasama si Alex, tulad ng sabi ni Mr. Tolentino na hintayin na lang siya sa labas. "Walang hiya ka talaga!" Sinabayan pa ni Kelly nang paghampas sa braso ni Alex.

"Aray ha, ang sakit!" Reklamo naman ni Alex. Ngunit, mukhang hindi pa nakuntento si Kelly at nagawa pa niyang kurutin si Alex sa tagiliran nito. "Girl, tama na." Awat ni Alex, talaga yatang masakit dahil nanggigigil sa galit ang gumawa. "Tinulungan lang naman kita, eh." Nakasimangot pa na depensa ni Alex sa kanyang sarili.

"Tulong 'yon?" Sarkastikong sabi ni Kelly.

"Oo. Edi ngayon, alam mo na ang sagot." Irap ni Alex, pero nauwi lang sa ngiwi dahil sa iniinda niyang kurot ni Kelly sa kanyang tagiliran.

"Kay papa pa lang naman 'yon, eh."

Paano naman iyong kay mama? Eh, ang hirap pa naman kausap noon.

"Ako na ang kakausap sa mama mo." Pagsingit ni Mr. Tolentino. Hindi man lang nila naramdaman na malapit na pala si Mr. Tolentino sa kanilang dalawa. Mabuti na lang at wala na silang ibang pinag usapan bukod pa roon.

Kung hindi ay lagot silang dalawa!

"Sakay na." Pinagbuksan ni Alex ng pinto si Kelly.

"Woy, gentleman pala 'tong si Alex." Tudyo naman ni Mr. Tolentino.

"Gentledog, pa." Natatawang ani naman ni Kelly. Sumimangot naman si Alex at pinili niyang hindi na lang sumagot. Baka kasi, kung ano pa ang kanyang masabi.

"Huwag mong asarin si Alex, an—."

"Saan kayo pupunta?"

Nabaling ang tingin nilang tatlo sa isang seryosong boses na nagsalita sa likod nila.

"Misis, ihahatid lang namin si Alexander." Sagot ni Mr. Tolentino sa kanyang asawa.

"Good evening, auntie." Lumapit si Alex upang magmano rin kay Mrs. Tolentino. Nginitian lang niya ang mga nasa likod nito ngunit nang dumako ang tingin niya kay Adam tumaas lang ang gilid ng kanyang labi. Nakita pa niya kung paano nag-igting ang panga ng binata. Lihim lang siyang natawa sa naging reaksyon nito.

"Anong mayroon?" Tanong ni Mrs. Tolentino kay Alex.

"Kayo po talagang dalawa ni uncle ang sadya ko." Lumapit si Alex kay Kelly at kinuha ang kamay nito. Binabawi ni Kelly ang kamay niya ngunit hinigpitan ito ni Alex. Nang dumako kasi ang tingin ni Kelly kay Adam, parang gusto na lang niyang lumubog sa kinatatayuan niya. Sobrang sama ng tingin na ibinibigay niya sa magkahawak na kamay nilang dalawa ni Alex. "Gusto ko po sanang ligawan ang anak ninyo, nandito po ako para hingin ang permiso ninyo." Walang alinlangan na sabi ni Alex.

WHAT THE HELL! He even holds her hands.

Iyon ang katagang nasabi ni Adam sa sarili pagkarinig niya ng sinabi ng magaling na si Alex. Talaga yatang sinusubukan siya nito at ang masama pa, balak pa siyang agawan.

"Siya ang magde-desisyon niyan. Hindi na siya bumabata." Tugon naman ni Mrs. Tolentino. "Pero... sa bahay ang panliligaw. Bawal sa labas." Seryosong dugtong ni Mrs. Tolentino.

"Masusunod po, auntie." Nakangiting sabi ni Alex. "Sa ngayon po, mauuna na po muna ako." Pagpapaalam niya.

Tumango naman si Mrs. Tolentino. "Sige, mag ingat ka."

"Mahal, sasama ka?" Tanong ni Mr. Tolentino sa kanyang asawa, pero umiling lang si Mrs. Tolentino. "Hintayin ko na lang kayo." Tugon nito.

"I'll send him home." Hindi na napigilan ni Adam ang sarili na mag presinta. Hindi pwedeng labas siya sa eksena. Kahit saang eksena ayos na hindi siya makasama, huwag lang sa mga eksena na kasama si Kelly.

"Hindi na, kami na lang." Kontra naman ni Mr. Tolentino.

Walang nagawa si Adam kung hindi tumango na lang. Hindi niya pwedeng suwayin si Mr. Tolentino, dahil pakiramdam niya malayo pa ang kanyang lalakbayin para lang makuha ang loob nito.

Pinanood nila kung paano umalis ang sasakyan sakay si Mr. Tolentino, Kelly at si Alex. Napatingin na lang si Adam nang maramdaman niya na may tuma-tapik tapik sa kanyang balikat. Si Mrs. Tolentino pala iyon.

Sa kabila nang sama ng loob na naramdaman ni Adam sa kanyang nasaksikahan at nangyari kanina lang. Hindi niya rin maitatanggi na natuwa ang kanyang puso sa narinig na katagang binitawan ni Mrs. Tolentino sa kanya.

"Don't worry, ikaw pa rin ang pambato ko."

Itutuloy...

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
4.7K 163 41
Ang Bagong Taon ay isang pangyayari na nagaganap kapag nagdiwang ang isang kultura ng katapusan ng isang taon at simula ng susunod na taon. Mayroong...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
46.3K 695 42
COMPLETED Sa unang beses na maka-encounter ni Amara ang isang lalaki, tila iba na ang naging epekto nito sa kaniya. Simula nang araw na iyon, naging...