Eventide Interference

By JasioneAzure

860 245 52

Si Auriga Delvante ay may mga panaginip na kasama ang grupo ng mga tao na hindi nya nakita o nakilala ni-mins... More

Copyright And Disclaimer
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata XI
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Random Question:
Kabanata XVII
Kabanata XII
Kabanata XVIII
Kabanata XVI
Kabanata XIX

Kabanata X

17 10 0
By JasioneAzure


N/A: Yow!! Gustuhin ko man na magtuloy-tuloy sa updates ay hindi pwede dahil busy ako sa Online Learning eklabo. Gagawin ko ang lahat ng kaya ko na maka-update sa mga oras o araw na kaya kong magsulat. I decided not to revise all the ten chapters to continue dropping updates and I'll just revise it when the whole book is done to finish this immediately. So expect some typos, sorry. Enjoy! Waiting for all of your comments. ;) 
Don't forget to vote. Thank you.
------ - - - - - -

        Kumurap ang mga mata ni Auriga. Hinintay nyang masanay ang mga mata sa liwanag ng paligid. Nasa dulo ng kwarto ang mga magkapatong na upuan at nakasandal sa pader na nasa kaliwa ng kwarto ang mesa, ang di-kuryenting lampara sa kanan nya ang nagbibigay liwanag sa paligid; mahina ang ilaw ng lampara, ang ibang bahagi ng kwarto ay madilim; ito ang kwarto na nasa dulo ng tahian.

        Nang maayos na ang kuryente ay nagpasya silang lahat na dito magpalipas ng gabi, kailangan nilang matapos lahat ng kulang na damit bukas. Magkatabing natutulog ang mga babae at nasa kanan nila ang mga lalaki, may kaunting pagitan sa gitna nila.

        Pumatay-sindi ang ilaw. Umugong ang mahina at matinis na tunog sa pinto nang dahan-dahan itong buksan at isara ni Malcolm habang patuloy ang pagbalik at pagkawala nang liwanag sa paligid. Umupo si Auriga, pinagmasdan ang bagong nobyo na nakatayo at nakangisi sa kanya. Labi lang ng kasintahan nya ang malinaw na nakikita ng direktor. Nang saglit na bumukas ang ilaw ng lampara, binunyag nito ang walang buhay na mga mata ni Malcolm nang mabigyan ito ng mahinang liwanag.Naramdaman nya ang unti-unting pagbilis nang tibok ng puso nya, iba ang dahilan nang pagbilis nang tibok ng puso, hindi ito tulad nang pananabik at kasiyahan na nararamdaman nya sa tuwing malapit ang nobyo. Dulot ito ng takot.
      
        Kinapa ng direktor ang malambot na higaan,
"Shenara," mahina nyang tawag nang napansin na wala sa tabi nya ang matalik na kaibigan.

        Isang malakas na sigaw mula sa labas ng kwarto ang nagpatalon kay Auriga. Nanlaki ang mga mata nyang tumingin sa pinto. Samantalang naglaho ang ngisi ni Malcolm. Nagising ang lahat maliban kay Swyrie.

       "Saan?! Ibigay nyo sa akin ang alak!"sabi ni Flen, bumangon siya at mahigpit na hinawakan ang kumot;lumingon siya sa paligid at nanlaki ang mga mata.

        Tumayo si Yalex, lumingon sa paligid at lumaki ang mga mata nang makita na wala si Shenara sa kwarto. Muli nilang narinig ang malakas na sigaw at nag-unahan silang lumabas, mabilis na nilampasan ni Auriga si Yalex. Hirap huminga ang direktor, masama ang kutob nya.

        Huminto silang lahat sa gitna ng tahian, lahat ng gamit ay nakaayos sa kanan ng kwarto na nagbigay nang malaking espasyo sa malawak na silid. Sa unahan nila ay nakaupo sa sahig at nakatulala ang isang babaing mananahi. Hanggang balikat ang buhok nya, pahaba ang maliit na muka at nakasuot siya ng pangtulog na damit. Nanginginig siya, tinuturo ang babaing duguan sa sahig. Umaagos ang dugo sa ulo ni Shenara at nagkalat ito, umabot sa suot nyang pangtulog na damit. Tulala siyang nakatingin sa kawalan.

        Nilunok ni Auriga ang sariling laway, "Shenara!"

        Pinilit ng direktor na igalaw ang nanigas na katawan, agad siyang lumapit kay Shenara at hinawakan ang nakataas na kamay. Pumikit siya at nakaigting ang panga, sa pagbukas ng mga mata niya ay nagtutubig na ito, naluluha siyang tumingin sa direktor.

        "Auri," mahinang bulong ni Shenara, hinihingal sya at tuluyang sinara ang mga mata matapos tumulo ang luha.

        "Bakit ganito ang nangyari?!" tanong ni Auriga sa isipan. Akala nya ay nakatulong ang huli nyang hakbang na mabago ang nakatakda. Ganito pa rin ang nangyari, ibang senaryo at katulad ng kinahinatnan ni Shenara.

        Pinilit nyang pigilan ang mga luha, yumuko si Auriga at hinigpitan ang hawak sa palad ng matalik na kaibigan. Nabigo siyang itago ang mga luha nang lumapat ang tingin nya sa muka ni Shenara, nawalan na ng kulay ang muka ng taga- disenyo. Kumurap ang direktor, sa pagpikit ng mga mata nya ay nakita nya ang kaparehong itsura ni Shenara sa panaginip nya. Naglaho ang makinang na maputi at kulay-rosas(pink) nyang balat, maging ang labi nya na kulay-rosas ay nahaluan ng kulay-lila(violet). Nang minulat nya ang mga mata nya ay dahan-dahan at sunod-sunod na bumabagsak ang mga luha, lumabas ang mahina at impit na hagulgol sa labi ni Auriga.

        Lumapit si Yalex at umupo sa tabi nya, "Hon! Hon!"lumingon siya kay Flen," Flen!"malakas nyang tawag sa tulalang lalaki, inulit nya ang tawag at tila natauhan si Flen na tumingin sa kanya,"Tumawag ka nang tulong, bilisan mo!"

        Tumakbo si Flen pabalik sa kwarto na nasa dulo ng silid, nang lumabas siya ay nasa tainga nya na ang telepono at naglalakad siya pabalik kina Auriga at Yalex habang sumasagot sa tanong ng kausap,"Oo dito nga. Bilisan nyo po.... .. Maraming salamat."

***  ****  *****

         "Umihi po ako. Pagbalik ko po sa loob ng tahian ay nakarinig ako ng malakas na kalabog sa likod ko na parang may bumagsak mula sa ikalawang palapag. Ayon po, nakita ko nang nasa sahig si Madam Shenara," kwento ng babaing mananahi sa lalaking kasama ng mga dumating galing sa ambulansya. Tumungo-tungo siya at sinulat ang mga sinabi ng babae.

         Inikot ni Auriga ang tingin sa ikalawang palapag,ayos lahat ng parti ng bakal na railings na nakapalibot dito. Tingin nya ay wala namang kahina-hinala sa opisina ng matalik na kaibigan. Madilim ang malaking espasyo sa kaliwa ng opisina kong saan nya inilalagay ang mga kopya ng mga nagawang damit. Walang kahina-hinala sa kanang bahagi ng opisina na pinaglalagyan ng mga mamahaling tela, sa gilid niyon ay nakasilip ang iba pang empleyado na doon piniling matulog. Tumalikod siya at tiningnan ang huling parti ng ikalawang palapag, malinis at maayos ang maliit na salaming mesa at mga sofa sa paligid nito. Ganoon din ang lagay ng simentadong hagdan. Sa gitna ng malaking ikalawang palapag ay maayos naman ang kisame ng tahian. Paanong nalaglag si Shenara?

      "Sinong sasama sa ospital?" tanong ng babaing nurse.

       "Ako!"sabay na sabi nina Yalex at Auriga.

      "Yalex, sasama ako," nagmamakaawang sabi ng direktor.

       Pumasok si Yalex sa loob ng ambulasya at tumingin sa namumutlang direktor,"Sumunod kayo sa amin. Gamitin nyo ang ibang sasakyan."

*** **** ** ****** ** ****

          Tahimik ang lahat na naghihintay sa tapat ng Operating Room, nakaupo sila sa bakal na upuan. Nakatakip ang mga palad ni Yalex sa muka, si Flen naman ay nakatingin sa pinto. Tumayo si Swyrie at tinanggap ang tawag ng ama sa telepono. Sinuklay nya ang kanyang buhok, pilit na pinapakalma ang natatarantang kausap at pinapaliwanag ang nangyari. Ang katabi ni Yalex na si Malcolm ay hinihimas ang kanang braso ni Auriga.

           "Auri," tawag ni Don Elmondo.

           Lumingon ang direktor, nanlaki ang mga mata nya nang makita si Don Elmondo na naglalakad palapit sa kanila. Pinatong ng matandang negosyante ang mga kamay sa bewang at direktang tumingin sa anak.

           Inilipat ni Don Elmondo ang tingin kay Yalex, "Yalex? Kamusta si Shenara?"

          Tumayo si Yalex at lumapit,"Hindi pa po nalabas ang doktor."

          "Ganoon ba.. .."tiningnan nya ang anak na babae,
"Auri, kailangan kitang makausap,"at binalik ang tingin kay Yalex,"Hiramin ko mo na ang anak ko."

          "Pa, paano mo nalamang narito kami?"

          Patuloy na hinakbang ni Don Elmondo ang mga paa pababa ng hagdanan, nakasunod ang direktor sa kanya, "Tumawag ako kay Yalex."

          Huminto sila sa labas ng ospital, bihira lang ang tao sa paligid at pasikat na ang araw.

          "Itigil mo na ito, anak! Bakit kasama mo pa rin sila? Sinabi ko kay Gail na huwag kang payagan na umalis ng bahay mo. Tapos nadatnan kong wala ka doon. Nagkasundo kami na babalik ka na sa bahay. Bakit ba ang tigas ng ulo mo?"

        Kinamot ni Auriga ang tainga kasunod ng pagkamot sa pisngi,"Naniwala ka talaga kay kuya? Gawa-gawa nya lamang ang mga kwentong iyon, gusto nya lang akong bumalik sa bahay."

        Bumuka ang bibig ni Don Elmondo, kunot-noong tiningnan si Auriga. Alam ng direktor na malaking kasinungalingan ang sinabi nya, wala na siyang pagpipilian. Gusto nyang malaman ang totoo, gusto nyang makilala si Malcolm at alamin ang totoong katauhan nya. Dapat nyang alamin ang dahilan ng lahat at kailangan nyang protektahan ang mga kaibigan nya.

        "Niloloko mo ako. Kilala kita, Auri. Kinakamot mo ang tainga at pisngi mo sa tuwing nagsisinungaling ka."

        Itinigil ng direktor ang pagkamot ng tainga, "To-too ang sinabi ko, Pa. Hayaan mo na ako."

        "Babalik ka sa bahay. Mapapahamak ka sa ginagawa mo. Hinayaan kita nang matagal, sapat na ang oras na iyon. Pinakuha ko na ang lahat ng gamit mo at pinadala sa bahay natin."

         "Pa!"

        Natigil ang usapan nila nang tumunog ang telepono ng direktor, agad nyang tinanggap ang tawag, "Talaga?! Babalik na kami,"binalik nya ang telepono sa bulsa ng pantalon,"Kausap na nila ang doktor."

        Naabutan nilang kausap ng lalaking doktor ang mga kaibigan nya. Matangkad ang doktor,moreno, nakasuot ng salamin at mukang nasa edad treinta.

       Tumungo si Swyrie sa paliwanag ng doktor, ang mga magulang nya ay magkaakbay, tinakip ng ina ni Swyrie ang kamay sa bibig; siya'y matangkad, mayroong puti at kulay-rosas na balat, mahabang itim na buhok; kulay tsokolate ang mga mata, matangos na ilong, bilugan na maliit ang muka at mapayat ang katawan. Ang asawa nya ay moreno, matangkad, matipuno ang katawan;matangos ang ilong at itim ang mga mata. Mayroong siyang maliit na nunal sa ilalim ng bibig na nasa kaliwang bahagi nito at mayroon din nito sa taas ng kanang kilay.

       Naguguluhan si Auriga, malayo pa sila kaya hindi nya maintindihan ang sinasabi ng doktor.

       Inilipat ng doktor ang pahina nang hawak na papel,
"Sa ngayon, ang alam namin ay nagtamo nang malaking sugat sa ulo si Shenara. Maganda na dumaloy ang dugo, dilikado kung namuo 'yon. Hintayin nating magising sya."

      "Nalaman nyo po ba ang dahilan nang pagkahulog nya sa hagdan?"tanong ni Auriga nang makalapit sila sa grupo.

        Umiling ang doktor," Hindi ako imbestigador, sila ang kayang sumagot sa tanong mo—Owhh! Nakalimutan ko sabihin. Nakita namin sa obserbasyon na sumikip ang lalamunan nya. Inalam namin ang dahilan at nalaman naming namaga ang daluyan ng hininga nya," tumingin siya sa mga magulang ni Swyrie," Mayroon po bang Asthma ang anak nyo?"

         Nagkatinginan ang mag-asawang Beñetes, sumagot ang ina ni Swyrie, "Opo, sakit nya ang Asthma mula nang bata siya."

*** ***** *******

         Ginala ni Auriga ang paningin sa buong bahay, simentado ang kulay puting pader, puno ng Narra ang pinto. Ang hawakan ng simentadong hagdan ay bakal at itim ang kulay nito, nasa kanan ito ng pinto. Nakaupo si Gail sa ikatlong baitang ng hagdanan at nagbabasa ng libro na ang pamagat ay "The Lovely Bones" na sinulat ni Alice Sebold. Nakangiwi siya, salabong ang mga kilay habang titig na titig sa libro at nakahawak ng mahigpit sa pulang pantalon.

         Tinapik ni Don Elmodo ang balikat ni Auriga,"Sumunod kayo. Malapit nang matapos maghanda ng almusal. Tawagin mo ang kuya mo."Tulayan siyang lumayo at pumasok sa kusina.

         Malakas ang mga banggaan ng kawali at sandok sa kusina. Lumilipad ang maliit na usok sa hangin, kinakalat ang matamis na amoy ng Kaldereta. Kinamot ng direktor ang ilong, bumahing siya nang malanghap ang matapang na amoy ng mga sili.
        
        "Gail," mariin na sabi ni Auriga.

        Binaba ni Gail ang hawak na libro,"Gail?! Huh! Sundin mo lang muna si Papa, Auri."

        "Ano pa nga ba?"

        "Sa ngayon, kailangan mo siyang sundin at tumira sa bahay na ito,"tumayo si Gail,"Kamusta si Shenara?"

        "Wala pa rin siyang malay. Ligtas na siya sabi ng doktok, maghintay tayo na magising siya. Siya ang tanging tao na nakakaalam ng katotohanan."

        "Talaga ba? Si Malcolm? Sa tingin mo, wala siyang kinalaman sa nangyari?"

        Kumuyom ang kamao ni Auriga, pinigilan nya ang sarili na kamutin ang tainga at pisngi, "Oo, wala siyang kinalaman sa nangyari."

          

Continue Reading

You'll Also Like

17.5M 656K 66
So she tasted the deep pain that is reserved only for the strong. Crimes. Clues. Mysteries. Deductions. Detective Files (File 3) Written by Shinichi...
7.6M 260K 81
A school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished...
985K 46.2K 35
Sixteen-year-old Agatha, a famous author and high achiever in school, had everything to live for. That's why when she jumps to her death, her best fr...
21.6M 752K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...