Tork point of view:
It's been 2 years mula ng mawala siya. But my heart's still feels the pain. I miss her. I miss her so much. Every now and then, lage ko siyang hinahanap. Minsan nga ay namamalikmata na ako na nakikita ko siya kahit wala naman talaga siya.
Cane save us on that facility that day kaya nagawa naming makalabas. But it's too late.. We're too late to save her..
Ate Sage wanted to kill her mother. Nalaman nitong ito talaga ang totoong pumatay sa ina niya. Ngunit sinalag niya ang balang para sana sa ina niya at siya ang natamaan.
You really love your mom First..
Pinunasan ko ang luhang tumulo na pala sa pisngi ko. Kung sanang dumating kami kaagad, hindi ka sana namatay. Lihim ko na lang na pagsisisi sa sarili ko.
"Baby let's go." tawag ni mommy sa akin. We're going to her grave now. It's her death anniversary today.
Tahimik lang akong lumabas ng kwarto. Nakita ko pa ang tahimik na pag-iyak ng kapatid ko sa loob ng kwarto niya habang tinitignan niya ang picture frame nilang apat kasama si First.
I heaved a deep sighed.. maybe like me, she haven't move on.
Magkasama kaming apat na nagtungo sa puntod ni First. It's still morning kaya siguro kami pa lang ang bumibisita sa kanya. Kasabay ng pagdating ng sasakyan namin sa sementeryo ay ang pagdating din nina Ate Ash at Ate Jelly.
Napatingin ako sa isang bouquet ng bulaklak na hugis buwan sa ibabaw ng puntod niya. Ang aga namang dumalaw ng lalakeng iyon. Tsk!
After an hour my mom decided to go home pero nagpaiwan muna ako at pinagbigyan niya naman iyon. Ate Butter and her friends wants to stay too pero may pasok pa sila. They're in college now, while I'm in my junior years.
If she's still alive now, I will ask her to be my girlfriend kahit pa wala akong pag-asa.
"I miss you." mahina kong sambit habang hawak-hawak ang nakaukit na pangalan niya sa lapida. "Did you miss me too?" napatingin ako sa kalangitan ng itanong iyon sa kanya.
Nakangiti kong kinapa ang bulsa ko at kinuha ang chocolate doon.
"I brought you this.. look, may sulat na naman ng mga girls just like when I'm in grades school." ngiti ko pang kwento sa kanya. "I'm in a band too now First.. I'm the guitarist.. maybe one day makakaya ko ding kumanta para sayo." malalim akong napahugot ng hininga habang kinikwento iyon sa kanya.
Matapos ang pagkikwento ko sa kanya tungkol sa mga nangyari sa buhay ko ay napagdesisyonan kong maglakad-lakad. Hindi ko alam kung saan pero alam kong hindi ako maliligaw.
I want you here with me First. Gusto kitang kasama kahit saan man ako magpunta.
Hindi ko na namalayang papagabi na pala. Napaupo ako sa isang upuan at doon tiningala ang papadilim na kalangitan. You love the moon before.. narating mo na kaya iyon ngayon?
Ilang segundo akong napatingin sa kalangitan at naghintay ng pagsilip ng buwan. Mapait na lang akong napabuntong hininga dahil imbes na buwan ang makita ko ay patak ng ulan ang bumasa sa mukha ko.
Are you crying now First?
Nanatili ako sa ganoong posisyon. Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaan kong mabasa ako ng ulan. Ngunit ilang sandali lang ay naramdaman kong natigil ang pagpatak ng ulan sa akin. Minulat ko ang mga mata ko at tinignan kung anong dahilan.
Isang itim na payong ang nakaharang na sa patak ng ulan. Napalingon pa ako sa may gawa niyon at nangunot na lang ang noo ko ng hindi ko makilala kung sino ang may hawak niyon. Natakpan kasi ng hood ang hitsura niya hindi ko ito maaninag.
"Are you lost baby boy?" saad niya na lalong nagpataka sa akin, hindi dahil sa tanong niya kundi sa tinawag niya sa akin.
"Don't call me that name." mariin ko pang sambit na rinig kong bahagya niyang tinawanan.
"Why?" natatawa niyang tanong.
"Dahil isang tao lang ang pwedeng tumawag ng ganoon sa akin." sambit ko bago pa man siya iwanan sa kinauupuan ko.
Naglakad na ako palayo sa kanya. I don't know kung sino siya kaya ayokong kausapin pa siyang muli.
Narinig ko ang mga yabag niyang pasunod sa nilalakaran ko. Malakas ang ulan pero hindi ko man lang naisipang sumilong.
Napatigil ako sa paghakbang ng muli na naman niya akong tawagin.
"..baby boy." pansin ko sa tono ng pagsasalita niyang natutuwa talaga siyang inisin ako. Inis akong bumaling ulit ng tingin sa kanya at handa na sana siyang bulyawan ngunit napatigil na lang ako ng ibaba na niya ang hood niya.
"Shut —
"Tork, baby." pabulong lang niyang tawag iyon sa akin pero animo'y naging dahilan iyon upang manginig ako.
"F-first?" sambit ko sa pangalan ng babaeng mahal na mahal ko.
Nangilid ang luha ko na dinagdagan pa ng mga patak ng ulan kaya naging malabo siya sa paningin ko.
Kaagad kong kinusot ang mga mata ko upang matignan lang siya ng maayos. Ayokong dumaan ang segundong malabo ang pagkakatitig ko sa kanya.
I miss her.. sobrang ko siyang namiss.
"I-is this real?" basag ang boses kong tanong habang naglakad na siya palapit sa akin. Hindi ko magawang gumalaw, ni ang paghakbang palapit din sa kanya ay hindi ko magawa sa mga sandaling ito. Naghalo-halo ang nararamdaman ko. Saya dahil nakikita ko siya ngayon, takot dahil baka hindi ito totoo.
"Hey, come here." sambit niya sa akin at doon lang ako nabalik sa sarili ko. Mabilis ko siyang nayakap. Mahigpit iyon at wala na akong balak na bitawan siya.
"I.. i miss you.. I miss you First.. p-please don't leave me again, hmm?" umiiyak kong pakiusap sa kanya.
Ramdam ko ang bahagya niyang pagtawa habang yakap niya na din ako.
"I told you baby.. babalik ako., at hindi na kita iiwan sa pagbalik ko.. lagi na tayong magkasama, okay?" sambit niya na ikinahigpit ko pa lalo ng pagyakap sa kanya.
"T-totoo ba talaga ito? B-buhay ka?" pangungumpirma ko pa.
Bahagya lang siyang tumango sa tanong ko.
"Yeah.. Nagpahinga lang ako.. I'm sorry kung natagalan." sambit pa niya na hindi ko malaman kong iiling ba o ako o tatango.
"I-it's okay.. ang mahalaga ay bumalik ka.. thank you.. thank you for coming back First."
Natawa siyang muli sa sinabi ko bago magbitaw ng yakap sa akin.
"Let me send you home baby.. siguradong pagagalitan ka ng mommy mo kapag magtatagal ka pang maligo sa ulan.. I don't want you to get sick, hmm?" nag-aalala niyang sambit na tinanguan ko naman.
Magkasukob kami sa payong niya habang naglalakad kami pauwi. Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya kapagkuwan na ikinatawa na naman niya ng mahina.
"I.. I feel cold." nahihiya kong sambit na nginitian lang niya. Payakap niya akong nilapit sa kanya na ikinabilis ng pagtibok ng puso ko ngayon.
"Tsk.. uminom ka kaagad ng gamot pagdating mo sa bahay niyo, okay?" bilin niya pa.
"H-how.. I mean, paanong nangyaring buhay ka pa First?" tanong ko sa kanya kalaunan.
Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya bago sagutin ang tanong ko.
"I am a dievil drug carrier Tork.. mahihirapan na akong mamatay." sagot lang niya na ikinatigil ko sa paglalakad.
"You're a dievil drug carrier too, that's why hindi na talaga tayo magkakahiwalay.. we're the same now Tork and I'm sorry kung hindi ko man napigilan ang pag-inject din sayo ng gamot na iyon."
"I'm fine First.. your friends help me to control it.." sagot ko sa kanya. Yeah.. nagawa din ng mga doctor na iyon ang isama ako sa eksperimento nila. Iyon din ang dahilan kung bakit natagalan ang pagpunta ng mga kaibigan niya upang tulungan sana siya noon.
"H-how about your mom?" tanong ko ulit.
"She's fine.." maiksing sagot lang niya. Napatingin ako sa mukha niya. Kita ko doon ang ngiti na ngayon ko lang nakita ng banggitin ko ang tungkol sa ina niya.
"She loves me now.. She cares for me at pinagbabayaran na niya ang mga kasalanan niya."dagdag niya pa.
Napangiti ako sa sinabi niyang iyon. Masaya akong malaman na nakuha na niya ang matagal na niyang inaasam mula sa ina niya.
***
Author's Note: This is the last Epilogue.. pero may finale pa talaga. Ahahahahaha. ayokong tapusin ang kwento ni First ng ganito lang. Haha.. See you in the next page..
Sorry pala sa mga nasaktan sa 1st and 2nd epilogue. Ganun talaga ang buhay parang love life. Hahahaha..
night-firefly 💙
Please vote and leave your comments. Thank you.