Prince So Charming: The Wicke...

Autorstwa HotNovember23

176K 4.4K 942

Talagang ang lahat ay nag-iiba. Matapos mawalan ng alaala, bumait na ang malupit na Cinderella. Ang prinsipe... Więcej

Trailer
Prince So Charming
Chapter 1: The Prince's Come Back
Chapter 3: Playful Prince
Chapter 4: Her Other Prince
Chapter 5: Prince and I
Chapter 6: Stuck Between Two Princes
Chapter 7: Talking 'Bout Prince
Chapter 8: The Prince's Fiancée
Chapter 9: Prince Plays With Fire
Chapter 10: The Prince's Game
NOT AN UPDATE.
Chapter 11: Yearning Prince
Chapter 12: A More Princely Rival
Chapter 13: What Prince Feels
Chapter 13.2: Excuses
Chapter 14: Bipolar Prince
Chapter 15: The Pissed, the Prince and the Kiss
Chapter 16: Prince of Seduction
Chapter 17: An Emotional Prince
Chapter 18: She Who Owns the Prince
Chapter 19: Missing Prince
Chapter 20: Losing Prince
Chapter 21: Between Prince and Painful Memories
Chapter 22: Bugged By The Prince
Chapter 23: Frustrated With Prince
Chapter 24: Desperate to Get Prince
Chapter 25: The Prince and the Suffering
Chapter 25.2 Toying Prince
Chapter 26: Being with Prince
Chapter 27: Prince's Surprise (part 1)
Chapter 27: Prince's Surprise (part 2)
A/N, Spoilers, Chorvas
Chapter 28: Just Cindy and Prince
Chapter 29: Prince's Choice
Chapter 30: Betraying Prince (Part 1)
Please Read
Chapter 30: Betraying Prince (Part 2)
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Not an Update. Again?!
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Author's Note
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46

Chapter 2: A Different Prince

4.9K 135 24
Autorstwa HotNovember23

Ang update na ito ay bunga ng kamatayan at muling pagkabuhay nina Cindy at Prince sa kwentong Living with the Dead. Taray di ba? Humo-Holy Week din ang casts ko... nagre-resurrect wahaha

Pakibasa ang Living with the Dead ni @rizmei :) May cameo dun sina Prince (na good boy na ulit) at Cindy (na bruha mode na naman, wala kasi siyang amnesia sa kwento).


———

Chapter 2: A Different Prince


Prince M. Merced

President

Iyon ang nabasa ni Cindy nang sandaling mapadpad ang tingin niya sa malinis na mesa sa likod ni Prince. Hindi na niya magawang tagalan ang mainit na titig nito. Mga titig na pakiramdam niya'y gusto siyang tunawin... o hubaran. Kung dapat ba siyang kiligin sa pakiramdam na yon o hindi, hindi niya sigurado.

"You know her?" tanong ng bisita ni Prince. Nakalapat pa ang mga palad nito sa dibdib ng binata.

Nginitian ni Prince ang kanina'y kahalikan niya. "She's my new secretary."

Napatingin si Cindy kay Maddison. Halata sa mukha niya ang gusto niyang itanong: Siya ba? Siya ang boss ko?

Tinanguhan siya ni Maddison bago nito muling binalingan ang presidente. "Ah, sir, siya si Cindy."

"I got it," putol ni Prince sa sekretarya. "Leave us."

"Sir?"

Kinabig ni Prince palapit ang kanyang bisita. "We're busy. Mamaya ko na lang siya kakausapin."

Hindi na hinintay ni Prince ang sagot ni Maddison. Hinawakan niya ang pisngi ng babaeng kaharap sabay angkin na naman sa mga labi nito.

Nailinga na lang ni Cindy ang tingin sa malayo. Hindi naman nakalagpas sa kanyang pandinig ang maingay nilang halikan, maging ang malalanding ungol ng babae. Pang-asar!

"Do'n na muna tayo sa labas," bulong sa kanya ni Maddison.


***

"Ituturo ko na lang muna sa'yo yung mga gagawin mo at busy-busy-han pa ang magaling nating presidente."

Narinig niya ang sinabi ni Maddy. Rinig niya rin ang kaluskusan ng mga inaayos na papel. Alam niyang dapat na niyang abalahin ang sarili sa trabaho ngunit hindi niya magawang umalis sa kinatatayuan.

Nakatayo lang siya sa likod ng saradong pinto ng opisina ni Prince. Nakatitig siya sa pintong iyon habang hinahayaan ang maraming tanong na magsirko-sirko sa kanyang isipan.

Si Prince... siya ba talaga yon? Kailan pa siya bumalik?

"Shin?"

"H-Ha?" Noon lang naisalin ni Cindy ang mga mata kay Maddison.

"Tsk, tsk, tsk," naiiling pang panimula ng sekretarya. "Ganun talaga si president. Ngayon pa lang masanay ka na. Maya't-maya, may pupunta rito at hahanapin siya. Araw-araw iba-ibang babae ang magpapakilala sa'yong girlfriend niya. As long as wala siyang kasama sa office, papasukin mo lang. Pero pag may ibang dumating habang may babae sa loob, dapat matuto kang magsinungaling at pagtakpan siya. Sadly, kasama yon sa job description mo. Wag na wag kang aalis habang may bwisita siya sa loob. Mahirap nang masalisihan. Swerte mo kung walang dadalaw dyan sa loob ng isang araw. Napaka-playboy!"

"Nagbago na pala siya," wala sa isip na nasambit ni Cindy.

"Ha?" nagtatakang tanong ng buntis.

"Hindi naman siya dating ganyan eh."

"Ano bang sinasabi mo?" patuloy na pang-uusisa ni Maddison. "Kung makapagsalita ka parang kilalang-kilala mo si President ah."

Noong lang natauhan si Cindy. "Ha?" 

Nangingiting nagpatuloy si Maddison. "Teka, maalala ko. Sabi ni president kanina... 'long time no see'? Magkakilala ba kayo?"

Tumikhim si Cindy at pasimpleng nag-iwas ng tingin. "Ano nga yung kailangan kong gawin? Ituro mo na para maka-start na 'ko."

"Hay, ano ba yan, kwento naman!" pilit ni Maddison. "Don't tell me naging kayo ni President?"

"H-Ha? Hindi." Nagkahiwalay kami bago pa maging kami eh. "Ano ba yang sinasabi mo. Hindi ganun yon."

"Sus, nahiya pang umamin. Kahit nga sa'min may nangyari na eh."

"Ano?" ang halos nakasigaw nang tanong ni Cindy. "Nangyari? As in..." Diretso ang tingin niya kay Maddison. Pagalaw-galaw ang kanan niyang kamay sa harapan ng mukha niya; mistula siyang hindi magawang sabihin ang nais kaya't kamay na lang ang hinahayaang magsalita.

Mahinang tumawa si Maddison. "Hay, tignan mo nga naman. Ang isda talaga, sa sariling bibig nahuhuli! Pero shh ka lang. Sa'yo ko lang inamin yon. Well, once lang naman may nangyari. At sobrang tagal na nun. And nope, hindi siya ang ama ng baby ko, tsismis lang yon dahil secretary niya 'ko. Malamang pag tumagal ka rito, makakarating din sa'yo ang maling balitang yon kaya ngayon pa lang nililinaw ko na. Hay, ano ba yan, ang daldal ko!"  

Naibalik ni Cindy ang tingin sa saradong pinto. Magkasama pa rin si Prince at babaeng yon. Ano na kayang ginagawa nila? Shit! Ba't ko ba yon kailangang isipin?

"Di mo maalis yang tingin mo sa pinto ah?" tukso ni Maddison. "Kung totoong hindi ka pa naging girlfriend ni president... siguro bet mo 'no?"

"H-Ha? Hindi ah!"

"Sus, okay lang yan. Malakas talaga ang dating at karisma ni sir. Pogi pa! Nakita mo kung ga'no katangos yung ilong niya? Ta's yung mata niya, ang ganda! Pag tinitigan ka no'n pramis, daig mo pa yung nabudul-budul! Lakas mang-hypnotize ng mga mata niya. Hindi mo kailangang mahiya kung pati ikaw tinablan. Basta, mag-iingat ka lang sa kanya. Pa-fall yan eh. Kaliwa't kanan ang babae, kala mong may hinahabol na kota, samantalang engaged na siya."

"En-engaged?"

"Oo, engaged. Ba't ba kanina ka pang nauutal dyan?"

"Yung... kasama niya sa loob. Yun ba ang fiancée niya?"

"Si Miss Snow?" Parang gustong matawa ni Maddison. "Hindi 'no! Playtime niya lang din yan. Tignan mo, maya-maya lang paaalisin na rin siya ni president."

Noon din ay bigla-biglang tumunog ang telepono. Espesyal ang teleponong iyon na may tatlong iba't-ibang ilaw. Ang mga iyon ay indikasyon ng pinagmumulan ng tawag—galing ba sa labas, sa ibang departmento o sa presidente.

"I told you!" mayabang na sabi ni Maddison. "Wag kang maingay. Ila-loud speaker ko."

Isang buton ang pinindot ni Maddison upang masagot ang tawag. "Yes, President?"

"Tumawag ka ng taxi. Aalis na si Snow."

"What?" galing pa rin sa kabilang linya. Tinig ng babae, pagmamay-ari ng bisitang si Snow. "Kararating ko lang ah?"

"I'm busy. Tatawagan na lang kita."

"My Prince?"

"Sige na, Maddy. Samahan mo na si Snow sa baba."

Nangingiting sumagot si Maddison. "Yes president." Pinakawalan na niya ang pindot-pindot na buton kaya naputol na ang tawag. Dire-diretso siyang naglakad pabalik sa opisina ng presidente.

Pahawak pa lang siya sa seradura nang biglang bumukas ang pinto.

"Harujusko!" Sa gulat ay napahawak pa si Maddison sa dibdib. Inirapan lang naman siya ni Snow. Halatang-halata sa mukha nito ang inis. Paano ba namang hindi eh matapos nilang maglambingan pansumandali ay basta na lamang siyang palalayasin ni Prince.

"Pasasamahan ko na po kayo pababa," habol ni Maddison kay Snow sabay senyas kay Cindy. Itinuro lang naman ni Cindy ang sarili, animong nagtatanong, Ako?

"Hindi na!" ang nakasigaw na sagot ng bisita. "At wag ka na ring magpatawag ng taxi dahil may dala akong kotse!" Nakahalukipkip siyang lumabas sa opisina.

Hindi napigilan ni Maddison ang sariling matawa. "Buti nga, feeling maganda kasi. Maputi lang naman!"

"Grabe ka naman," kumento na lang ni Cindy kahit sa loob-loob niya'y sumasang-ayon siya kay Maddison. Tama, hindi nga siya kagandahan. Lalong hindi sila bagay ni Prince!

Prince. Napag-uusapan na rin lang si Prince, ito ang sumunod na iniluwa ng pinto ng malaking opisina.

"S-Sir," ang natitigilang sabi ni Maddison. "May pupuntahan po kayo?"

Inayos ni Prince ang suot na kurbata. Sinubukan niya ring tuwirin ang gusot sa bandang dibdib ng kanyang polo gamit ang kanan niyang palad. Malamang na nalukot iyon sa ilalim ng mga kamay ni Snow kanina. Tumingin siya sa relo bago sumagot.

"Magla-lunch. Tara? Treat ko kayo."

"Sige lang sir," agarang sagot ni Maddison. "Kayo boss eh."

Binalingan ni Prince ang kanina pang tahimik na si Cindy. Nagpang-abot na naman ang mga mata nila. Ngumiti ang binata, "Tara?"

Tumikhim si Cindy at, para makaiwas, nilingon niya ang babaeng kasama. "Maddy, ano nga ulit ang gagawin ko?"

Agad nilapitan ni Maddison si Cindy. "Naku ano ka ba? Mamaya na yan. Nagyayaya si sir, tara na muna."

"Kayo na lang, nakakahiya," palusot ni Cindy. Pasalin-salin ang tingin niya kay Maddison at Prince.

"Ano bang sinasabi mo? Pag hindi ka sumama, wala ka ring gagawin dito. Hindi ko pa naituturo sa'yo yung trabaho mo eh. Sumama ka na lang. Tutal malapit na rin ang break time."

"Wala pang eleven. Twelve pa ang lunch break di ba?"

"I can take my break whenever I want," sabat na ni Prince. Nakatingin siya sa kaliwang pulsuhan niya habang inaayos ang butones sa dulo ng mahabang manggas ng bughaw niyang polo. Tumingin siya kay Cindy. "Hindi ba nasabi sa'yong kasama sa job description mo ang mag-adjust sa oras ko?"

Pasimpleng tinapik ni Maddison si Cindy sa likod sabay bulong rito, "Tara na kasi. Nagagalit na si sir oh!"

 

***

"You're not eating anything?" tanong ni Prince nang mapansing panay lang ang ikot ng kutsara ni Cindy sa ibabaw ng ngayo'y buhaghag nang kanin. "Oh, maybe I should have ordered something else for you." Pagkasabi niyon ay sinenyasan niya ang pinakamalapit na waiter para abutan siya ng menu.

"H-Hindi na, okay lang ako," sagot sana ni Cindy ngunit nakalapit na ang waiter dala ang menu.

Sinimulan ni Prince ang muling pagtingin sa menu. "Masarap yung kare-kare nila rito. Ah, meron silang morcon. You like morcon, right?"

"Ha?" naiilang na sagot ni Cindy. "Ah, o-oo. Gusto ko nga nun."

Sandali namang napahinto si Maddison sa pagkain. Palipat-lipat ang tingin niya sa dalawang kasama.

Matapos muling umorder ni Prince, inusisa na niya ito.

"Sir, magkakilala po ba kayo?"

Sabay na napatingin si Cindy at Prince sa pakialamerang sekretarya.

"Maddy," pigil ni Cindy sa pagtatanong ni Maddison.

Tumango si Maddy. "Ah, oo nga pala. Hindi kayo magkakilala. Dineny na yung kanina ni Shin eh."

"She did?" tila natatawang tanong ni Prince.

"Bakit sir, magkakilala nga ba kayo?"

Saglit na tinapunan ng tingin ni Prince si Cindy. Agad naman itong lumingon sa ibang direksyon para umiwas.

"We came from the same school."

"Ah, talaga?" patuloy na usisa ni Maddison. "Ang galing, small world. Close kayo ni Shin?"

Sa halip sumagot ay muling binalingan ni Prince si Cindy. Umiiwas pa rin ito habang siya naman ay may kakaibang ngiti. "Shin? You mean you still stick to that childish nickname? Don't tell me hindi ka pa rin nakaka-get over sa past?"

"Past?" sabat na naman ni Maddison sabay harap kay Cindy. "Akala ko ba hindi naging kayo ni president?"

"Hindi nga," sagot ni Prince. "Maddy, may ikukwento ako sa'yo."

"Sige sir, ano ba yon?"

Sandali na namang tinapunan ni Prince ng nakakalokong tingin si Cindy pero kuntodo iwas pa rin ito. "Si Cindy... I mean, Shin," nakangiti niyang panimula. "Or should I say Miss Shin?"

"Miss Shin? Ba't may 'miss'?"

"Isa kasi siya sa mga pinaka ginagalang na tao sa school," umpisa ni Prince. "What do people call her, again? Ah, Wicked Cinderella."

"Wicked Cinderella?" ulit ni Maddison, parang anuman ang sabihin ni Prince ay kailangan niyang sabihing muli.

"Yes, yes! Si Cindy... I mean Shin. She's the biggest bully in school. Even in college. Maraming galit sa kanya pero lahat sinusunod siya. Takot silang lahat sa kanya kaya ganun na lang nila siya igalang."

"Totoo? By 'lahat,' pati ba kayo sir?"

Sa wakas ay nagawa nang tignan ni Cindy si Prince. Bahagya lang niyang iginalaw ang mata para tapunan ito ng tingin ngunit sapat na iyon upang lalong mapangiti ang binata. Siya naman ay napalunok. Iba ang dating sa kanya ng ngiting iyon.

"Of course!" tila nagyayabang pang sagot ni Prince, animo'y ipinagmamalaki pa niya ang dating kalupitan nito. "Lahat ginagawa ko para sa kanya."

Tuluyang naibalik ni Cindy ang tingin kay Prince. Nag-umpisa nang sumeryoso ang tingin nito.

"Lahat-lahat. Kahit ano pa. Kahit anong sabihin niya, kahit anong ipagawa niya, sinusunod ko. Lahat."

Naikuyom na lang ni Cindy ang kanyang kamao. Iba ang pakiramdam niya sa huling salitang binitiwan ni Prince. Para ba itong nanunumbat, o nagpaparinig, o simpleng nagpapaalala sa kanya ng nakaraan... para namang nagawa na niyang kalimutan ang kaunting alaalang mayroon siya tungkol sa kanilang dalawa.

Yumuko sandali si Cindy sabay dampot ng baso ng tubig. Lalong nanlamig ang nanginginig niyang kamay. Pakiramdam niya'y nanuyo ang lalamunan niya at nangalahati ang laman ng matangkad na baso sa isang inuman niya lang.

Tumayo siya't binitbit ang bag niya. "Excuse me, sa rest room lang ako."

Hinintay ni Prince na makalayo si Cindy bago siyang tumawa. Bakas na bakas sa mukha niya ang kasiyahan. Masyado yata siyang natuwa sa nakitang reaksyon ng dalaga.

"Precious!" nakangiti pa ring aniya.

Hindi pa nakukuntento, nagtanong na naman si Maddison. "Hindi nga sir. Totoo?"

"Of course," diretsang sagot niya bago ibinagsak ang likod sa sandalan ng kanyang silya. "But not anymore. You see the tables have been turned. Ako na ang boss."

Napantango na lang si Maddison pero hindi niya sigurado kung ano ang ibig sabihin ni Prince. Pakiramdam niya kasi ay may malalim itong pinaghuhugutan.

"Bilisan mong kumain at umalis ka na."

"Sir?"

Umiba ng pwesto si Prince. Binawi niya ang pagkakasandal sa silya sabay patong ng mga siko sa bilugang mesa. Pinagsaklob pa niya ang mga kamay. Diretso ang tingin niya sa harap, hindi kay Maddison. "Sabi ko, umalis ka na. Umuwi ka na. Wag ka na ring papasok mula bukas. Ako na ang bahala kay Cindy."


--------

Tweet me your thoughts! #WattpadPrinceSoCharming



Czytaj Dalej

To Też Polubisz

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...