ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY...

By iirxsh

113K 1.4K 27

COMPLETED | SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH She is Kirsten Kelly Tolentino, 25 years old. NBSB. A Private Empl... More

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOY
SINOPSIS
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
NOT AN UPDATE
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
WAKAS
AUTHOR'S NOTE
ANNOUNCEMENT
SOON TO BE A PUBLISHED BOOK
AGTCB IS NOW A PUBLISHED BOOK
PRE-ORDER IS NOW OPEN
AGTCB PHYSICAL BOOK

KABANATA 3

3.4K 50 0
By iirxsh

Kabanata 3

HINDI kaagad nakasagot si Kelly sa sinabing kataga ni Adam. Napaawang ang bibig niya ngunit muli niya itong tinikom nang hindi matukoy kung ano ang tamang salita ang dapat niyang isagot sa mga sinabi ni Adam.

"I'll leave." Paalam ni Adam. Napansin niya na hirap sagutin ni Kelly ang kanyang mga sinabi. Naiintindihan naman ni Adam na hindi agad iyon masasagot ni Kelly. Ipinarating lang naman niya ang mga salitang iyon para matanggal sa dalaga ang mga pag-aalinlangan niya tuwing maghaharap sila. Kung paano ang inasal niya nang una nilang pagkikita, gusto niyang iyon ang Kelly na lagi niyang makikita tuwing magkaharap o magkasama sila.

Tanging tango lamang ang naisagot ni Kelly sa binata. Nakita pa niya kung paano iyon ngumiti sa kanya. Wala siya sa tamang pag-iisip, para tugunan iyon. Ginulo kasi ng binata ang kanyang pag-iisip. Bakit kailangan niyang sabihin ang mga ganoong bagay? Para saan? Ano ang kanyang intensyon?

Tumalikod na kaagad si Kelly, pagkasarado pa lang ng kanilang gate. Tinapik tapik niya ang kanyang pisngi, baka sakaling bumalik siya sa tamang wisyo.

Grabe ang lalaking 'yon. Nakakapang-init ng mukha. Pwede na akong mag-init ng tubig.

Grabe ka naman kasi Kelly, masyado kang halata. Ano na lang kaya ang sasabihin niya?

ABOT langit ang ngiti ni Adam pagkabalik niya sa bahay ng kanyang Tita Johan.

"Good morning, Jay!" Masayang bati niya kay Jaylyn. Kasalukuyan itong kumakain ng kanyang umagahan.

Pagtataka naman ang rumihestro sa mukha ng kanyang pinsan. Talagang naninibago. "Morning..." Bati niya pabalik. Nakakunot noo pa rin siya, tila hindi pa rin makapaniwala. "Good mood, huh?"

"Yup." Nakangiti na naghila ng upuan si Adam.

Nanatili pa rin na nakatingin si Jaylyn kay Adam. Ibang iba ang kinikilos ng kanyang pinsan. "Saan ka ba galing?" Pag-usisa niya.

Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Adam. "Kelly's house."

"At ano namang ginawa mo roon?" Tumaas ang kilay na tanong ni Jaylyn.

Ngunit hindi nagpatinag si Adam at tinaasan din niya ng kilay si Jaylyn. "Why will I tell you?"

"Because, I'm asking you!" Naiinis na ani Jaylyn. "And, please Adam..." Umiiling pa niyang sabi. "If you're planning to—."

Hindi pa man natutuloy ni Jaylyn, may ideya na agad si Adam kung anong nais sabihin ni Jaylyn. Iyong ngiti niya kanina ay biglang naglaho. Anong karapatan niyang pangunahan at kuwestyunin siya? "I have no intentions to make her one of my girls." Mariin niyang sabi. Alam niyang iyon ang gustong ipunto ng kanyang pinsan. "She deserves to be my only one."

"Mabuti kung ganoon." Mahihimigan sa boses ni Jaylyn ang kaginhawaan. Kilala kasi niya si Adam na hindi sineseryoso ang mga babae. Noon pa man. "Matagal ko na siyang kilala and she don't deserve a man who will hurt her in the end. A man who is intended to marry some—."

"I know that!" Matigas na putol ni Adam. "But like what I said, I have no intentions to hurt her!" Pinagdiinan pa niya ang salitang No. Padabog na tumayo si Adam at binalik ang upuan, nawalan ng ganang kumain muli. Iniwan na mag isa sa hapagkainan si Jaylyn.

DUMATING ang araw ng lunes, nakatayo si Kelly sa labas ng kanilang bahay. Naghihintay siya ng kanyang sasakyan, ngunit wala pang tricycle sa may kanto.

Nang ilang minuto na siyang nakatayo sa harap at wala pa ring tricycle. Naisipan na niyang maglakad na lang, kaysa maghintay ng ilang minuto pa tapos wala rin pala siyang mahihintay.

Beep beep beep.

Ano ba 'yan? Nasa gilid na nga, eh!

Mas gumilid naman si Kelly dahil baka maliit ang daan para sa sasakyan ng kung sino mang kanina pa nagbubusina sa kanya.

Beep beep beep.

Nag tuloy tuloy lang si Kelly sa paglalakad. Animoy walang naririnig. Nadagdagan ang inis niya kaya mas binilisan na lang niya ang paglalakad. Kaso sinabayan naman siya ng kotse. Halatang nang iinis din. Siya pa talaga ang target, ha?

Kumalma ka self, lunes ngayon. Hindi pwedeng masira ang araw mo.

Tumigil si Kelly sa paglalakad. Ayaw niyang tuluyan na masira ang araw niya, kaya haharapin niya ang driver ng kotse na kanina pa siya pinagtitripan. Mukhang walang magawa sa buhay at sa dinami dami pa ng tao sa mundo. Siya pa talaga ang napinili nito.

"Manong, lumabas ka riyan!" Galit na sabi niya. Habang maharas na kinakatok ang bintana ng kotse.

Bumukas ang bintana at bumungad sa kanya si Adam. "Did you just call me, manong?" Iritadong sabi ni Adam.

"Oo!" Mabilis pa sa alas kwatro niyang tugon.

Kumunot ang noo ni Adam. "Do I look old?"

"Malapit na!" Tugon niya. Sa loob loob naman ni Kelly natutuwa siya. Makikita kasi sa itsura ni Adam na hindi niya nagustuhan ang sagot ni Kelly. "Teka nga, ano bang trip mo? Kanina ka pa bumubusina, maluwag naman ang daan!" Reklamo niya, nang maalala ang dahilan kung bakit nga ba niya hinarap ang driver ng sasakyan.

"Get in."

Tumaas ang kilay ni Kelly. "At bakit?"

Hindi siya nagawang sagutin ni Adam. Ngunit, nagawa niyang lumabas nang kotse at lumapit sa tabi niya. Pinagbuksan siya ng pinto.

Hindi nga ako pumayag! Tapos pinagbuksan? Nakakaintindi ba siya?

"Hop in... I'll send you to your work." Seryoso na nakatingin si Adam kay Kelly, naghihintay na pumasok siya sa loob.

"Hindi na." Apila naman ni Kelly. Wala naman kasing sapat na dahilan para ihatid niya ang dalaga. "Kaya kong maglakad." Pagdadahilan pa niya.

"I know that, Kelly..." Marahan na sabi ni Adam, tila biglang lumamlam ang kanyang tingin. "But I don't want you to!" Tumaas ang kanyang boses na kaagad din niyang binawi. "So please, don't be stubborn or else you will be late. Hmm?" Nakangiti pang dagdag ni Adam, pero halatang nag aasar ang kanyang dating dahil kita niyang natigilan si Kelly at mukhang wala nang pagpipilian pa.

Talagang napakagaling.

Gumawa pa nang dahilan para hindi talaga siya maka-hindi. Kung hindi lang siya mali-late sa kanyang trabaho. Magma-matigas talaga siya.

Inirapan ni Kelly si Adam bago pumasok sa loob. Ngunit, narinig lang niyang tinawanan siya nito bago pa man niya maisarado ang pinto at umikot pabalik ng driver's seat.

"Seatbelt, please."

Hinanap kaagad ni Kelly ang seatbelt. Sinubukan niyang hilain, kaso hindi talaga niya mahila. "Let me do it." Saad ni Adam, na hindi man lang niya namalayan na malapit na pala sa kanya ang binata. Nahigit ni Kelly ang kanyang hininga ng lumapit ang mukha ni Adam sa kanya, para maabot ang seatbelt sa gilid niya. Grabe ang kanyang pagpipigil. Sobrang lakas at bilis ng tibok nang kanyang puso ngayon. Paano ba naman kasi, iyong distansya nilang dalawa ay ilang pulgada lang. Idagdag pa ang pabango ni Adam na na-a-amoy niya, nagmamayabang ang klase ng pabango nito. Panigurado na ganoon din ang presyo. Isang maling galaw lang niya, panigurado na maha-halikan na niya si Adam. Kaya kahit halos mawalan na siyang hininga, talagang nagpigil siya. Hindi kailanman niya ilalagay sa panganib ang kanyang unang halik.

"Breathe, Kelly..." Bulong sa kanya ni Adam, dahilan kung bakit nag sitaasan ang kanyang balahibo. Humigpit din ang kanyang pagka-kahawak sa suot niyang uniform.

Hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang lihim na pagtawa ng binata sa gilid niya. Sino ba siya sa tingin niya? Para maramdaman niya ang mga ganitong bagay?

Nakakapanibago.

"Thanks." Sarkasmo ang pagkakasabi niya noon. Inayos niya ang pagkakaupo at hindi na muling binalingan pa ang binata. Doon lamang din naging normal ang kanyang paghinga.

"WE'RE here." Anunsyo ni Adam. Kaya naman napabalikwas sa pagkakasandal si Kelly. Sobrang bilis naman yata nilang nakarating na hindi man lang niya namalayan iyon.

"How did you know that I'm working here?" Nagtataka niyang tanong.

"Connections." Tipid na tugon ni Adam.

"O-Okay..." Tinanggal niya ang pagka-kabit ng seatbelt at tumingin kay Adam. "Thanks!" Saad niya.

"I don't accept thank you." Natigil si Kelly sa pagbubukas sana nang pinto nang sabihin iyon ng binata.

Naguguluhan niya itong tinignan. "Ano?"

"A dinner later will do."

Tumango si Kelly. Hindi na siya nagdalawang isip pa. Mamaya na lang din niya iisipin kung paano sasabihin iyon sa magulang niya. "S-Sige."

Dinner lang naman, eh. Wala namang masama sa ideya na 'yon.

"Can I have your number?" Muli ay tanong ni Adam, kaya muling natigilan si Kelly.

"At bakit?" Kumunot ang kanyang noo.

Magdi-dinner lang naman, bakit kailangan pa ng number?

"I need it... for later." Puno ng kumpyansa na sagot ni Adam.

Napaisip pa si Kelly kung ibibigay ba niya o hindi. Pero sa huli, binigay din naman niya ang kanyang numero bago siya nagpaalam sa binata. "Bye..." Pagkaway niya. "Ingat ka sa pagda-drive."

"I will... for you, bye." Tugon ni Adam.

Nag init ang kanyang pisngi. Ang binata naman ay nakangiti, bago pinaharurot ang kanyang sasakyan paalis sa lugar.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
4.6K 163 41
Ang Bagong Taon ay isang pangyayari na nagaganap kapag nagdiwang ang isang kultura ng katapusan ng isang taon at simula ng susunod na taon. Mayroong...
16K 378 23
What if someone is obsessed with you? Will you be scared of him? And what if he's in love with you? Will you also fall in love with him? Out of many...
3.1K 201 33
I once had a happy family As time goes by my father pressure me My mother died I made a mistake My boyfriend left me I let someone i knew entered my...