HUSBAND AND WIFE

By fedejik

134K 6.1K 576

Thad is someone's husband. Eren is someone's wife. Nang mag-krus ang kanilang landas, nabuo ang isang espesy... More

Husband and Wife
BEGINNING
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue

Chapter 1

3.8K 113 3
By fedejik

CHAPTER 1

Serenity


Halos isang oras na mahigit na akong naghihintay, pero wala kahit na ano'ng bakas ng asawa ko. Nakaalis na rin kanina pa ang lalaking hiniraman ko ng cell phone. Buti pa siya, sinundo nang asawa.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at nanlalatang itinulak ang mga bagahe ko palabas. Mukhang nakalimutan talaga niya na ngayon ang dating ko. Baka sobrang abala na naman sa trabaho.

Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa aming bahay na nasa isang exclusive subdivision. We both belonged to a wealthy family at parehas pang tagapagmana ng mga negosyo kung kaya madalang din kaming magkasama nang matagal. Though, ilang taon na rin akong hindi nagtatrabaho dahil na rin iyon ang gusto ni Christoff. Ito sana ang isa sa pagkakataon na makapagsolo kami pero mukhang mapupurnada pa.

Nang makarating ako sa bahay ay walang sasakyang nakaparada roon.

Wala pa rin siya.

Nang makapasok sa loob ay wala ako sa sariling nagmasid sa buong bahay. Hindi ko maintindihan kung bakit magkahalo ang pakiramdam ko. Kung masaya ba ako o malungkot? I missed travelling with him. No'ng honeymoon lang yata namin kami nakapag-abroad at matapos noon ay hindi na nasundan. At kahit pa gustuhin kong magtrabaho na lang ay hindi naman niya ako hinayaan. Inako niyang mag-isa ang pangangalaga ng kompanya. At kahit pa gustuhin kong kontrahin ang gusto niya ay hindi ko magawa. I wanted him to feel that I support him no matter what. I want our relationship to work. I would do anything just to make our relationship work.

Pagod akong naupo sa sofa at komportableng isinandal ang aking likod.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at ipinikit ang mga mata. Ni hindi ko namalayang nakatulugan ko ang ganoong posisyon hanggang sa maramdaman ko ang labing humahalik sa akin.

Wala ako sa sariling ngumiti at buong pagmamahal na tumugon.

"I'm sorry, hon... I totally forgot... Sobrang busy—"

Umiling ako at marahang dumilat. Noon na bumungad ang gwapong mukha ng aking asawa. Sobra ko siyang mahal para hindi mapatawad sa ganoong kaliit na pagkakamali.

"It's all right, hon. Tinatawagan kita kanina... Bakit hindi mo nga pala sinagot?"

"Nasa importanteng meeting ako, hon. I am really sorry..."

Tumango ako at muling kinabig ang kanyang batok para halikan. We shared wild and passionate kisses. Mahilig sa kama si Christoff, kung kaya alam ko ring may kauuwian ang simpleng halikan naming ito. Hindi rin naman ako nagrereklamo dahil sa totoo lang ay miss na miss ko kapag ganito siya kalambing. Though, I could smell alcohol in him, I chose to keep quiet about it. Baka masira ko lang ang mood kapag nagkataon.

Wala siyang inaksayang oras at agad na ibinaba ang aking panloob. Kinalas din niya ang sinturon ng kanyang pants bago tuluyang hubarin iyon. Hinubad din niya ang kanyang pang-itaas at walang itinirang saplot.

Inalalayan niya akong tumayo at ipinuwesto sa likuran ng sofa. Kinawit niya ang aking isang hita paitaas bago buong puwersang ipinasok ang kanya sa akin.

Halos mapapikit ako sa biglaang pagpasok niyang iyon. He's always rough during sex. May mga pagkakataong na-e-enjoy ko iyon pero mas madalas ay hindi, dahil nasasaktan ako sa puwersa niya. Pero hindi ako makadaing sa kanya sa tuwing nasasaktan ako dahil nababago nang husto ang kanyang mood. At iyon ang iniiwasan ko. Hindi ko siya gustong nagagalit. Mas gusto kong malambing siya dahil bihirang mangyari ang ganito.

Matapos ang ilang round ng sex sa paligid ng sofa ay parehas na kaming nakahiga sa semento at pawisan na sa sobrang pagod.

"I miss you so much, hon..." bulong ko sabay yakap dito.

Pero sa halip na sumagot ay tinapik lang niya ang braso ko at hinagod-hagod iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing magpapaka-sweet ako ay parang biglang lumalamig ang pakitungo niya sa akin.

Siguro nga, kahit pa na-develop siya sa akin ay nandoon pa rin ang alaala ng nakaraan.

We got married because he got me pregnant by accident. Ni hindi kami magkasintahan noon, pero sobrang laki nang pagkakagusto ko sa kanya. Mabuting magkaibigan ang aming mga pamilya kung kaya malapit din kami sa isa't isa. Pero sa matagal na panahon ay kaibigan lang ang turing niya sa akin. Until that one night...

"Y-you like me, r-right, E-eren?" lasing pa niyang tanong.

Sunod-sunod akong tumango. Hindi naman lingid sa kanya ang feelings ko. I've been loving him for far too long.

"C-come here..." Humahapay pang senyas niya.

Kinagat ko ang aking labi at nagpigil ng kilig. Parang kakaiba kasi siya ngayon.

Nang tuluyan akong makalapit ay mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay at hinila ako papasok sa loob ng bahay. May pa-party kasi ang isang malapit na kaibigan. At hindi rin iba sa amin ang bahay na ito. Madalas talaga naming tambayan ito.

Umakyat kami sa ikalawang palapag at pinasok ang isa sa mga kwarto roon.

That's when the inevitable happened.

At hindi lang isang beses nangyari iyon. Maraming beses. Minsan sa bahay pa ring iyon at minsan ay sa hotel. I really thought he was in love with me until I got pregnant.

"You must be fucking kidding me?! You're not taking any pills?!" galit na untag pa niya.

Umiiyak akong umiling-iling. Wala naman akong kamalayan sa bagay na iyon. He's my first and he knew it.

"I can't get married at this age, Eren! Alam mo 'yan!" sigaw pa niya.

Halos mabingi ako sa paraan nang pagkakasabi niyang iyon.

"Look, Eren. We're both young. It's just sex! I can't be a father at this age!"

It's just sex?

Umawang ang aking labi at nagluluhang tumitig dito. "I thought—"

"We're a couple?" Tila nang-uuyam pang aniya. "Are you fucking kidding me? Iyon ba ang tingin mo sa atin? Really?"

Ibig kong mahiya sa pagkakataong iyon. Kung ganoon pala ay ako lang ang nag-iisip nang ganoon sa amin. I really thought he likes me.

"Ipalaglag mo ang batang 'yan. I don't want that!"

My jaw dropped wide open. I didn't expect that.

"P-pero Chris—"

"I don't want to get married this young! Marami pa akong gustong gawin!"

Tahimik akong umiyak. Ni hindi ko maproseso ang sinasabi niya.

"You get me, Eren? Get rid of the baby quietly. Para sa atin din ito."

Marahan akong umiling. "That's impossible, Chris. Nasabi ko na sa parents ko ang tungkol sa kalagayan ko. I don't think gugustuhin din nilang ipalaglag ang kanilang apo."

"You must be fucking kidding me?! You told them without consulting me first?!"

"I didn't know that I was pregnant. May morning sickness ako lately at madalas na nagsusuka. Nahuli ako ni Mommy at pina-check up ako agad. I am really sorry, Chris... Hindi ko talaga alam. Alam ko ay kakausapin na rin nila ang parents mo."

"Fuck!" sigaw niya sabay sabunot ng buhok.

Nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. Alam kong nagkamali ako. Dapat ay ipinaalam ko rin agad sa kanya ang sitwasyon ko. Pero wala akong nagawa. Mabilis nang nagdesisyon ang parents ko para sa akin.

"You're on pills, right?" tanong pa niya na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

Tumango ako. "Yes..."

"Let's go to bed. Inaantok na rin ako," aniya sabay tayo.

Inaasahan kong aalalayan niya akong tumayo pero hindi nangyari.

"Sumunod ka na. Antok na antok na talaga ako..." naghihikab pang aniya at tumalikod sa akin nang hubad.

Tumayo ako at pinulot ang aming mga damit. Madalas na palaging ganito ang eksena naming dalawa. After sex, nababago agad ang mood niya.

Pero sa halip na panghinaan ng loob ay mapait akong ngumiti sa kawalan. At least kahit na papaano ay bumubuti nang kaunti ang trato niya sa akin. Hindi ako dapat sumuko sa pagmamahal kong ito.

Naupo ako sa sofa at itinaas ang mga paa. Niyakap ko ang aking sarili at tahimik na umiyak. May mga pagkakataon na ibig kong maawa sa aking sarili. Pakiramdam ko ay isa akong mababang uri ng babae sa tuwing iiwan niya akong mag-isa matapos magtalik.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at kinalma ang sarili. Hindi ako puwedeng umakyat sa kwarto nang umiiyak. Alam kong hindi niya magugustuhan na nag-e-emote ako.

"You planned all this, huh?" galit na sita pa niya matapos na magkausap ang aming mga magulang.

Alam kong gustuhin man niyang tumangging magpakasal ay hindi niya magawa. Mataas ang tingin sa kanya ng parents ko.

"I'm sorry, Chris... Hindi ko talaga sinasadya. Puwede naman natin—"

"Are you fucking kidding me?! Ano na lang din ang sasabihin ng parents ko sa akin?! Kung sana kasi nag-ingat ka, wala sana tayong ganitong problema!"

Kinagat ko ang aking labi at pinigilan ang humagulgol. Alam ko ang pagkakamali ko kung kaya mas madalas ay tahimik lang ako kapag ganoong nagagalit siya. Hindi na rin ako nagrereklamo at palagi na lang akong nakasunod sa kahit na ano'ng sabihin niya para wala kaming pag-awayan.

We've been married for five years. Ngayon ko pa ba siya susukuan? Alam kong darating ang panahon na matututunan niya akong mahalin gaya nang pagmamahal ko sa kanya. At nitong nakakaraan, kahit na papaano ay naiba naman ang trato niya sa akin. May mga times na nagiging sweet naman siya basta ibigay ko lang ang hilig niya sa kama. Kailangan ko lang iwasan ang mga bagay na ayaw niya.

Matapos na mailabas ang sama ng loob ay tahimik akong umakyat sa kwarto namin.

Naabutan ko siyang hubad na nakadapa sa kama at tulog na tulog na. Saglit akong naglinis ng katawan bago tumabi sa kanya.

Tahimik ko siyang pinagmasdan at wala sa sariling ngumiti sa ilang magagandang alala no'ng kami ay magkaibigan pa lang. He was like a big brother. He was so caring and sweet. Kung sana ay nanatili na lang siyang ganoon... Ako na siguro ang naging pinakamasayang babae sa buong mundo.

Niyakap ko siya at pinatakan ng halik ang kanyang balikat.

"Ugh... Mainit..." daing pa niya.

"S-sorry..."

Tinanggal ko ang pagkakayakap sa kanya at agad siyang umiba ng puwesto. Tinalikuran niya ako at niyakap ang unan nito.

Continue Reading

You'll Also Like

161K 3.3K 61
ACEAN'S Songbird Francesca Morales is becoming popular with the hottest guys at Ace Academy. The High School MVP JC San Miguel and the Elusive Bache...
1.5M 20K 30
Sa likod ng inosenteng kagandahan ay nagtatago ang isang maruming pagkatao na kailanman ay hindi matatanggap ng lipunan.
270K 6.1K 28
She took the identity of someone he loved. And paid a high price for the love that was not hers. SGANF #3: JIANNE in Shh, I Have A Secret ...
168K 3.4K 33
That moment when you're in love with each other but fate doesn't want you to be together. ** "Everything Has Changed" Side Story Status: Completed Co...