Until Our Path Cross Again

By wimpearl

1.7K 66 0

completed September 28- December 10 More

CHAPTER 1
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65

CHAPTER 2

56 1 0
By wimpearl

It's my 1st day here in manila.

Sa tingin ko nagkaroon naman ako ng magandang tulog dahil alas 8 na ako nagising. I normally wake up at 6 in the morning.

Pagod pa ang buong katawan ko dahil siguro napatagal din ang pag gising ko. Gusto ko sana na iusog ng kaunti ang oras ng pagkikita namin ni Krisha pero alam kong sasambunutan ako ng isang 'yon pag nagkataon.

The first thing I did is to check my phone but after a few minutes, I decided to finally stand up and go to the bathroom. But before I can make a few steps, my phone vibrated because of some message. It's a text from non other than Krisha Arsenica.

Krisha:
Good morning! I know na pagod ka sa byahe mo yesterday kaya magpahinga ka muna. Let's meet around 3. I just need to do some important errands.

Amused grin appear in my face. Imemessage ko palang sana siya para sabihin na i move namin ang time ng pagkikita pero nauna na siya. Naiisip ba niya kung ano 'yong naiisip ko?

I really need to clean my condo first dahil hindi ko 'to natapos kahapon. I can't move around here in my place knowing that my surroundings are not yet okey.

Nakita ko si Bella na tulog na tulog sa gilid ko kaya naman hindi ko na 'to ginulo pa at dahan dahang tumayo para makapasok sa loob ng banyo.

In the middle of brushing my teeth I remember that I don't have stock of food. I really need to buy some. Hindi puwede na puro nalang order online ang gagawin ko rito.

Pagkatpos ko maligo at mag ayos ng sarili, nagsuot ako ng isang komportableng damit. Isang black sexy sando at jogger pants. Maraming nagsasabi na bagay saakin ang mga pormahang ganito dahil may pagka petite ang katawan ko.

Hindi ko nga alam, marami talaga ako kumain pero hindi ako tumataba. Parang pakiramdam ko hindi nagbabago ang timbang ko simula noong grade school ako. Siguro nasa genes narin talaga namin, but sometimes I really want to experience to have a body na may laman katulad nalang nang kay Krisha. Maganda ang hubog ng katawan niya at talagang pinagpala ng hinaharap.

pinabayaan ko naman na nakalugay ang mahaba kong buhok. Nagsuot din ako ng sumbrero dahil napansin ko na medyo mainit pala ang araw ngayon at mukhang masakit sa balat.

Ngayon ako mamimili ng mga pagkain na pagkakasiyahin ko sa isang ilang araw. Inusog ni Krisha ang pagkikita namin dahil gusto niya na makapagpahinga ako, pero ito ako, aalis ay mamimili ng mga kakailanganin.

Hindi naman kasi puwede na mamatay ako sa gutom.

Pagkalabas ko sa banyo wala na si Bella sa higaan. Nag refill na rin ang ng pagkain at tubig niya para kung sakaling gutom na siya ay ready na ang pagkain niya.

Habang ginagawa ko ang mga bagay na iyon, naisipan ko na rin na bumili ng pagkain ni Bella. May dala naman akong mga pagkain niya noong lumuwas kami rito pero mas maganda kung isabay ko na sa pamimili sa grocery ang pagkain niya.

Habang palabas na ako sa unit, hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa paraan ng pag tingin sa akin ni Bella kaya naman hindi na nagtagal, napagpasiyahan ko na dalhin na lang si Bella. Para makapaglakad lakad naman kami at maitour ko siya sa maynila.

Hindi man siya nakakapagsalita pero alam ko na mas magiging masaya siya kung makakakita siya ng mga bago sa paningin niya.

I get her leash and we start walking down to the condo.

Habang naglalakad para makahanap ng mabibilhan, sinasabay ko naman ang pagikot ko ng mga mata ko sa paligid nang kung sa gano'n at hindi ako maligaw at matandaan ko ang mga direksyon na pinupuntahan ko.

Sinisigurado ko rin na iyong grocery store na mapupuntahan ko ay pumapayag na magpapasok ng mga alagang hayop. Hindi ko puwedeng iwan si Bella sa labas.

Kaya naman laking pasasalamat ko ng mapagtanungan ko ang isang grocery store at oo kaagad ang sagot. Malapit lang ito sa condo kaya naman at hindi na ako makakalayo kung gugustuhin ko man na dalhin sa Bella at mamili ng mga kakailanganin sa unit.

Naghanap kaagad ang mga mata ko ng mga de lata kasi may mga pagkakataon na wala talagang mood ang katawan ko na magluto. So I think, canned goods is the best option.

Umikot pa ako ng umikot sa grocery store hanggang sa masatisfied na ako sa mga napamili ko. Medyo marami rami rin ito kaya palagay ko tatagal din ito ng mga 2 weeks.

Pumila na ako sa cashier para matapos na at makabalik na ako kaagad sa condo. Kailangan ko ring ayusin ang ilan sa mga gamit ko.

"Next po," Sabi ng cashier. Ako na ang sunod.

Nilapag ko na ang mga napamili ko. Pinagsama sama ko ang mga magakakaparehas para hindi na siya mahirapan sa pageencode.

While computing the things that I bought, napatingin ako kay Bella na pilit pumupunta sa likuran ng pila namin. Mayro'n na naman yata siyang nakitang kung ano na magaan ang loob niya.

Ganto talaga si Bella. May time na magaan ang pakiramdam niya sa ibang tao o hindi kaya bagay kaya pilit niyang nilalapitan. Marami rin ang may gusto sa kaniya kasi hindi siya mapili sa mga taong lalapitan.

Manghihingi na sana ako ng paumanhin sa taong nasa likuran namin ng biglang kuhain ng cashier ang atensyon ko.

"Ma'am total of 2,590 po," she pointed the computer in front of us to let me see the total bill.

Mas mababa siya kaysa sa inaasahan ko. Buti nalang. Kailangan ko rin magipon para mapagkasiya iyong pera na dala dala ko.

Kinapa ko ang bulsa ng jogger pants ko para kuhain ang wallet ko. Pero wala akong naramdaman kaya naman hindi ko napigilan ang pagpikit pikit. Sinubukan ko uling kapain ang jogger pants ko pero wala kaya naman pinilit kong alalahanin kung may dala ba talaga akong wallet bago umalis sa condo.

I bite my lower lip.

Shit! Shit! Shit!

Naiwan ko 'yong wallet ko sa condo! Hindi ko naalala ang sarili kong nag dala ng wallet.

Pa-pano 'to? Puwede bang balikan ko nalang?

Baka puwedeng iwan ko nalang muna itong cellphone ko para malaman nila na magbabayad naman talaga ako.

Baka isipin nila manloloko ako!

Napatingin ako sa paligid ko. Nagiisip ng puwedeng gawin para malusutan itong kahiyan na ito.

Tinignan ko ang tao na nasa likod ko.

He also looked at me and arched his brows. Ito yata iyong pilit na nilalapitan ni Bella.

I pointed the screen using my lips. Siguro naman ay mabait ang isang 'to dahil nilalapitan nga siya ni Bella. But I think he couldn't understand what I am trying to say because he bridged the distance between us and I thought he is going to attempt kissing me in public!

Ano to!?

My eyes widened. Agad akong humakbang palayo sa kaniya para hindi matuloy ang inaakala ko.

"What?" Tanong niya. "I won't kiss you," He laugh.

I bite my lips. Trying to check if I can still feel anything. Pakiramdam ko sobrang manhid na ng buong katawan ko sa kahihiyan.

He crossed his arms and asked the cashier. "How much?"

"2,590 sir."

I stood there. Looking at him like a creep.

"Ma'am here's the boxes. Saan ko po puwedeng dalhin? May sasakyan po ba kayo sa labas?" Asked by some guy pagtapos mabalot lahat ng mga napamili ko.

"Pa labas nalang po kuya. Doon po mismo sa labas."

Agad ko nang sinundan iyong nagbuhat ng mga napamili ko. I really need to leave this place.

Kung puwede ko lang hilingin na mag evaporate ngayon, gagawin ko talaga.
Pakiramdam ko kahit anong oras man ngayon lalamunin na ako ng lupa.

Kahit thank you hindi ko na masabi do'n sa lalaking nasa likuran ko kanina. Baka kahihiyan nanaman ang mabigay ko.

This is the reason why I don't want to have a conversation to the people I really don't know. I feel like they are thinking that I am dumb or what.

Pagkalabas ko sa grocery store, napatingin nalang ako sa boxes na napamili ko.

Paano ko dadalhin sa condo 'tong mga 'to?

I can't book a ride dahil wala naman akong pang bayad.

Tatawagan ko na sana si Krisha para sunduin ako sa grocery store na ito. Ngunit naputol ang pagtatype ko ng makita ko si Mr. 2,590 na nagbayad ng mga napamili ko.

"You can ride on me," He said.

Ha? Ri--- Ride on him? Jusko! Kahit bayaran ko pa ng doble, triple o kahit may malaking interes iyong 2,590 na pinang abono niya sa mga binili ko papayag ako. Wag lang niyang hilingin na ipangbayad itong iniingat ingatan ko.

I pursed my lips. "Ha? What do you mean?" Tanong ko upang maliwanagan sa ibig niyang sabihin.

He laughed again. "Sa'n ka ba tumutuloy? Ihahatid na kita."

Ahhh ayun pala ang ibig niyang sabihin. Akala ko naman I need to ride in him kasi binayaran niya iyong mga pinamili ko.

Kailangan ko na yatang magpalinis ng isip. Sa'n ba puwede?

"Ah, hindi na. I can handle my self," I said while giving him a small smile.

"Okey," Simple niyang sagot.

Agad naman akong bumalik sa pagtatype ng message kay Krisha nang maalala ko na may mahalaga nga pala siyang agenda today. Baka hindi niya rin ako masundo.

Agad akong napa pikit pikit na para bang nagiisip ng puwedeng gawin upang masulusyunan itong problema ko.

After a while, Mr. 2,590 is still there. Standing beside me. Parang may inaantay din siya. O baka naman inaantay niya akong bumigay at sumakay sa sasakyan niya?

Minutes passed, I am still Thinking some ways on how to carry all of this boxes with me, pakiramdam ko bibigay na ako.

Nagmumukha na akong tanga rito.

Isa na lang talaga ang solusyon.

"Ahmm, Hi," Bati ko sakaniya.

Nakakahiya naman kung manghihingi ako sa kaniya ng pabor tapos hindi man lang ako nagpapakita ng magandang ugali.

Malaki pa rin ang mga ngiti niya, na akala mo nagpipigil ng tawa.

Baliw ba siya?

O baka naman, kaya siya nakatayo pa rin dito sa gilid ko e' kasi nagaanaty siya na bayaran ko siya!

'e hindi ko nga dala iyong wallet ko.

"A--ah pasensya ka na. Naiwan ko kasi iyong wallet ko kaya hindi ko muna mabayaran iyong ipinangabono mo sa mga pinamili ko," I said

Nakangiti pa rin siya.

What? May dumi ba sa mukha ko at parang tawang tawa siya?

"Nagaantay ka ba na bayaran kita?" I asked

"Nope. Inaantay kita na sumabay sa'kin. And I just want to remind you that a simple thank you would've sufficed."

Ahh shit!

Nakalimutan ko pala magpasalamat.

I closed my eyes sa sobrang hiya.

"Sorry! And Thank you very much. Puwede mong ibigay sa'kin yung number ng bank account mo, itratransfer ko nalang do'n yung bayad ko. Don't worry! Kahit na 30, 40 , 50 percent interest pa magbabayad ako."

He wiggled his bushy eyebrow. "I'm not asking for payment Ms. Oblivious."

My mouth opened in amusement. Tinawag niya ba akong walang pakealam sa paligid o makakalimutin?

"Hoy! Mr. 2,590 hindi ako makakalimutin. Okey? Naiwan ko lang," pagpapaliwag ko.

"Nevermind," He said to end the argument.

Nagulat nalang ako ng bigla niyang buhatin ang dalawang box sa harapan ko at dinala ito kung saan.

Sinundan ng mga mata ko ang direksyon niya. Nilagay niya iyong mga box sa likod ng sasakyan.

My lips automatically parted because of amusement.

Siya pa talaga nag insist? Parang napaka suspicious naman ng mga galaw niya. Bakit parang wala lang sa kaniya iyong kahihiyan ko?

Maybe he's naturally kind and generous. Kaya siguro magaan ang loob ni Bella sa kaiya.

He crossed his arms while waiting for me to get in.

Kakaiba rin talaga 'tong isang 'to.

When I am finally giving in because I don't have any choice...

Nagsimula na akong pumasok sa sasakyan niya. Binuhat ko nalang si Bella ng maisip na baka madumihan ang sasakyan niya. Mahirap na, baka madagdagan na naman yung utang ko sa kaniya.

When I finally get into the backseat of his car, I stop when I saw him staring at me.

"What?"

"Bakit d'yan ka sumakay?" Tanong niya

"Sa'n ba dapat?"

"Nevermind," Sabi niya at sumakay na rin sa driver's seat at agad na kinuha ang mask sa deskboard at sinuot ito.

Hindi naman niya favorite word ang nevermind 'no?

Pasimple kong inamoy ang sarili ko. Mabaho ba 'ko?

Bahala siya. Hindi naman ako namilit na pasakayin niya ako rito.

I roamed my eyes around his car to observe. Ayaw ko rin na magmukhang kawawa rito sa likod.

"Sa'n banda ka?"

"Ahh diyan lang malapit sa Goldman coffee shop. Iyong condominium do'n," I immediately answer.

He nooded to my answer.

Nang mapansin ko na wala na akong mapagtuunan ng pansin, nilaro ko nalang si Bella sa kandungan ko. Nilalaro laro niya rin iyong mga kamay ko.

Ngunit napahinto ako ng may makita sa sahig...

Lipstick.

I shrugged and think na baka sa girlfriend lang nitong si Mr. 2,590 o puwede rin sa mga ka hook up niya. Hindi naman malayo sa mukha niya ang mga kaibigan ni Lion na mahilig talaga sa mga babae.

I wasn't a nun. I know those things.

Pero iba rin talaga mga tipo niya ah... 'In the shade of Dark Red.'

"Ito ba?" Tanong niya nang huminto iyong sasakyan sa tapat ng tinutuluyan ko.

Wala pang sampong minuto ang biyahe dahil malapit lang ito.

"Yup," sagot ko bago bitawan muli ang lipstick para malaglag muli sa sahig.

Tinaas niya iyong mga daliri niya sa guard ng building. Agad namang na gets ng guard ang ibig niyang sabihin.

Nagtawag iyong guard ng stuff na magdadala ng mga box ko.

"Get the boxes at the back," utos niya sa lalaki.

"What floor and room are you?" He asked me

"21st floor, Room 302." I said. Agad naman niya iyong sinabi sa stuff. "Ano nga palang number ng bank account mo? Nakalimutan mong ibigay kanina. Isasabay ko na rin iyong bayad ko sa pag hatid mo saakin dito."

Nakakahiya talaga kung hindi ko mababayaran iyong mga iyon.

"No need. Dinala na ng mga stuff iyong mga pinamili mo," he said. Kaya naman bumaba na ako sasakyan aamba ng susundan ang mga lalaking nagbubuhat ng mga gamit ko.

"Okey. Kung ayaw mo talaga, Salamat nalang" sabi ko kay Mr. 2,490. Ayaw ko ng mamilit kung ayaw naman talaga niya.

He just nooded and point his finger to the enrance of the condominium. Na para bang sinasabi niya na pumasok na ako.

Nagsimula na akong maglakad kasama iyong lalaking may bitbit ng mga gamit ko at sinundan na siyang paakyat sa room ko.

Nang maka akyat ay sinimulan ko na ring ligpitin iyong mga gamit sa paligid at inorganize ko na rin iyong mga pinamili ko.

Hinayaan ko nang malimutan ang mga nangyari kanina sa grocey store. Hindi ko naman na ata makikita iyong si Mr. 2,590. Kailangan ko na mag move on. Yes, nakakahiya iyon pero wala na akong magagawa roon. Hinihingi ko rin naman iyong bank account number niya para makapagbayad ako. Ayaw naman niya. So... Wala na akong kasalanan.

My sense shifted when I noticed my phone vibrated because of the notification.

Shit! Si Krisha! Sa sobrang daming nangyari sa umaga ko nawala na sa isipan ko iyong usapan namin.

Agad kong tiningnan iyong orasan dahil sa pagaakala na alas tres na. But It's only 1 pm. Nagkaroon ako ng mini heart attack do'n ah!

Krisha:
I'm ready!!

What? I shook my head after reading her text. Ang aga pa. Ang usapan namin 3 pm.

I immediately replied.

Me:
Ang aga mo naman masyado!

Krisha:
Kailangan kitang sunduin. Wala kang sasakyan 'no. 'tsaka maaga natapos iyong important agenda na sinasabi ko sa'yo.

Oo nga pala wala akong sasakyan. Pero kaya ko naman mag commute kung sakali. Huwag ko lang talaga makalimutan ang wallet ko, Pero mas mabuti na iyong sunduin niya ako. Baka kung anong kamalasan na naman ang sumunod sa akin.

Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na rin ako sa pag aayos. Hindi ko na pagaantayin si Krisha para matapos na kaagad itong welcome party na pinagsasabi niya.

Hindi rin nagtagal, nagtext siya at sinabing nasa baba na siya kaya naman bumaba na rin ako. Iniwanan ko muna si Bella ng pagkain at tubig dahil mawawala ako ng ilang oras.

Krisha's waiting in the parking lot. She's wearing her usual clothing. Baggy pants and croptop. Bagay na bagay talaga sakaniya ang mga ganiyang mga damitan. Pero pag nagstart na siyang magsuot ng mga occasional outfit like fitted dresses? Oh god! She look so hot.

Kahit babae ako, ramdam na ramdam ko iyong dating niya. Kaya proud na proud din talaga ako na bestfriend ko siya.

When her eyes finally found me, she wrapped her arms around my waist and hug me tight.

Miss na miss?

"Finally!!" Sigaw niya.

"Ano ba? Sa'n ba ako nanggaling at parang sobrang tagal kong nawala?" Iritado kong tanong sa kaniya.

She laughed. "Hindi ba puwedeng mamiss ka?"

I rolled my eyes at pumasok na ako sa sasakyan niya.

Sabi ko na nga ba. Kailangan ko ng maraming lakas para sa mga kuwento nitong si Krisha. Hindi pa kami nakakpunta sa dapat puntahan pero mukhang nakwento na niya saakin ang lahat ng nangyari sakaniya dito sa maynila habang ako nasa probinsya.

She dragged me in some resto. Hindi na rin ako nagreklamo sa mga gusto niyang gawin.

After ordering food, Mabilis siyang lumabas sa resto at may kung anong kinuha sa likod ng sasakyan niya.

It's a cake.

"Baliw talaga 'tong babaeng 'to." I murmured habang papalapit siya saakin.

With candles pa talaga!

"Ano 'yan?" I ask.

"Welcome celebration nga 'di ba? So need natin ng cake," sabi niya habang nilalapag iyong cake sa lamesa naming dalawa.

Baka isipin ng ibang tao birthday ko. Nakakahiya!

"Tsk. 'di naman na kailangan," sabi ko bago tuluyang ihipan iyong kandila na nakatusok sa cake.

Pumalakpak siya pagkatapos no'n. Parang tanga lang.

Lumipas ang ilang oras ng paguusap at pagkain naming dalawa ni Krisha. Kung siguro, naka text style lang lahat ng kinuwento niya, nakabuo na siya ng isang libro na mayroong 100 chapter. Madaldal talaga ang isang 'to.

I pursed my lips and listen to all of her stories. Iniisip ko kung may nakakakain pa ba siya. Mukhang hindi tumitikom iyong bunganga niya sa kakakuda.

I stop her from talking when I remember something important to ask.

"Sa'n ka nga nagaaral? AU 'di ba?" I ask her

Tumingin siya sa akin. Ang laki ng ngiti niya. Halos 'di ko na makita iyong mga mata niya.  "Yes. Why? Malapit lang ba do'n yung papasukan mo?"

"Nope. Do'n ako mismo magaaral. Kailan iyong date ng enrollan do'n?" I said na parang akala mo may binunyag na sikreto.

Akala ko mapapatili siya sa saya kasi kasama niya ako sa school but she didn't. She paused. Mukha siyang may malalim na iniisip.

Magkaiba man kami ni Krisha sa maraming bagay, magkaparehas naman kami ng gustong pag aralan. We both want to take Business.

"Why?" Tanong ko.

She chuckled. "Wala. Bakit hindi mo itry sa Adams? Maganda rin do'n. Malapit lang din don sa AU,"

Pa choosy ba ang isang 'to? Alam ko naman na palagi niya akong gustong makasama.

"No. I want in AU. Ayaw mo ba ako makasama? Baka naman may boyfriend ka at ayaw mo ipakita!" Tukso ko.

"Nako wala no! Kapag nagka boyfriend ako ikaw ang unang makakaalam," She replied immediately. Pero pakiramdam ko may mali pa rin talaga.

Lumipas na ang ilang minuto. Marami rami na kaming napagusapan. Tinanong ko na rin si Krisha sa mga requirements  at mga dapat gawin sa enrollment sa AU. Sinabi ko na rin sa kaniya na balak ko magtrabaho para makadagdag sa mga kakailanganin ko.

Hindi ako gano'n kayaman katulad ng pamilya nila Krisha. Hindi naman kami gano'n kahirap at kaya naman akong pag aralin ng parents ko, pero alam ko na marami pa silang kailangan gastusin lalo na sa mga kapatid ko. Mayroon akong kapatid kay mommy at mayroon din akong kapatid kay  daddy. Balita ko balak rin ni Aiden mag Doctor so malaki laki ang gagastusin do'n.

Kung kaya ko naman mapagsabay ang pagaaral at pagtratrabaho bakit hindi 'di ba?

Sinagot na ni Dad ang condo ko. Sinagot naman ni Mom iyong tuition ko. So.. I think pang araw araw nalang na gastusin ang proproblimahin ko.

May mga naipon din naman ako galing doon sa mga tira tira kong baon noong nagaaral pa ako sa probinsya.

So I think, I can manage myself.

Gabi na ako nakauwi sa condo. Dala dala ko rin iyong tirang cake galing kay Krisha. Sayang naman kasi.

Sa unang pagkikita namin ni Krisha, pakiramdam ko gano'n pa rin kami katulad nalang noong una kaming magkakilala. Minsan man akong naririndi sa kaingayan ng bunganga niya, I think she's still a blessing for me. Hindi ako pala-kaibigan na tao kaya nagtataka ako bakit nagtagal ang pagkakaibigan namin ng ganito katagal.

Continue Reading

You'll Also Like

50.6K 1.1K 23
Alessia is a 14 year old girl, her whole life she has been protecting her little brother, but one day their mother gets killed and they have to live...
3.6M 107K 66
FOLLOW DULU BARU SECROL ! Sesama anak tunggal kaya raya yang di satukan dalam sebuah ikatan sakral? *** "Lo nyuruh gue buat berhenti ngerokok? Bera...
93.5K 2.9K 30
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
22.9K 1.4K 14
الكاتبه : رند السبيعي✍🏼 روايتي الاولى أتمنى تعجبكم واستمتعو...