kase gusto kitang maka date
kase gusto kitang maka date
kase gusto kitang maka date
kase gusto kitang maka date
Parang sirang plaka na paulit ulit pumapasok sa isip ko
Diko naman alam na date pala yun sana di nako pumunta
Pere nagustuhan ko nemen eh
Nasapo ko ang mukha ko at nasabunutan ng mahina ang sarili nang maisip koyun aishhh!!!
“mukha kang tanga jan”sabi sakin ni kaykay kaya naman napatingin ako sakanya at tiningnan ng masama
“mukhang ikaw ata ang unang madadala sa mental nathalia”sabi nya
“manahimik ka kung ayaw mong lagyan kita ng busal sa bunganga”sabi ko
“chill toh naman binibiro lang eh bakit kanga kasi nagkakaganyan?”sabi nya at nilagay ang kamay sa baba na para bang nag iisip sya
Eh wala naman syang utak pano sya mag iisip
“ahh alam kona!”sigaw nya kaya naman napahawak ako sa tenga ko
“hinaan monga yang boses mo!ano bayun?”iritadong sabi ko
“ay sorry naman, nakasinghot kaba ng katol kaya ka ganyan?” sabi nya at biglang lumaki ang mata nya
Wahahaha mukha syang tarsier
“nathalia!wag mong sabihin nag da-drugs ka?”bulyaw nya
G*go toh ah bakit konga ba toh naging kaibigan?
“hoy di ako nakasinghot ng katol at di ako nag da-drugs baka nga ikaw pa ang naka drugs jan dahil mas mukha kapang adik sakin”sabi ko at malakas na tumawa
Agad naman nag bago ang mukha nya, tiningnan nyako ng masama kaya naman tumigil nako sa pag tawa
“buset ka talaga natnat pumasok kana nga baka malate kapa”sabi nya namilog ang mga mata ko nang makita ko ang oras
Shit mala-late nanga ako
Pag nag commute pako matatagalan, nag isip ako nang pwedeng gawin para mabilis ako makarating dun, nang makita ko si kaykay nakaisip na agad ako
“wag mokong matingnan tingnan ng ganyan,inuunahan na kita di ako pwedeng mag hatid sayo ngayon”napanguso ako sa sinabi nya
Bagsak balikat akong umalis sa bahay nya tsk
Habang nag lalakad ako may humintong sasakyan sa harap ko pero diko yun pinansin at tuloy tuloy lang sa pag lalakad
Binusinahan nyako kaya naman napatalon ako sa gulat
Sinipa sipa ko yung harap ng kotse nya
“hoy buset ka bumaba kanga jan at nang masapak kita”inalis ko yung sapatos kong may takong at akmang ibabato kona nang biglang lumabas yung tao sa loob tapos sumigaw kaya naman napatingin ako sakanya
“oy oy oy!!!!wag mong sinasaktan ang baby ko!”sigaw ni duke
“g*go ka eh binusinahan moko, pinagtitripan mobako?”sabi ko
“parang ganon nanga”sabi nya kaya agad nag taasan ang dugo ko at akmang ibabato na ang sapatos ko nang magsalita ulit sya
“oy oy oy j-joke lang b-bitawan moyan masasaktan mo baby ko!”kabadong sabi nya
“wag ako pinagtitripan mo ha kundi masasapak kita atsaka sino ba yung tinatawag mong baby?”sabi ko
“ano pa edi eto!nandito lang si daddy dika sasaktan nyan”sabi nya sabay turo sa kotse tapos hinimas himas na para bang pinapatahan
Yung totoo nakadrugs toh noh?
“nakadrugs ka?”tanong ko
“what!?ako nag dadrugs?hoy hindi ah baka ikaw!”sigaw nya
“ABA!bakit moko sinisigawan?”sigaw kodin sakanya
Di ako mag papatalo kala mo ah
“kase wala lang hehe, halika nanga sakay na mala-late na tayo!”sabi nya at pinagbuksan nyako ng pinto at nang hindi ako pumasok napabuntong hininga sya
“bakit ba kasi pumayag ako sa sinabi ni luke”bulong nya pero ayos nayun para marinig ko
”sino si luke?”tanong ko
“si lucas my twin brodah”sabi nya na nilagyan pa nang accent yung salitang 'brother'
Wala nakong nagawa kundi pumasok dahil mala-late nadin kami
Habang nakasakay ako tahimik lang kaming dalawa nang basagin ko ang katahimikan kasi kanina kopa sya nakikitang bumubuntong hininga
“kanina kapa nagbubuntong hininga jan ano bang problema mo?”iritadong sabi ko
“im sorry”sabi nya dahilan para takang tumingin ako sakanya
“huh?”
“im sorry binusinahan kita kanina”mahinang sabi nya
“ayos lang, basta wag mona uulitin dahil pag inulit mopa yun malilintikan ka sakin” sabi ko dahilan para matawa sya nang mahina
“s-sorry din nagasgasan ko ata ang sasakyan mo dahil sa pag sipa ko kanina”nahihiyang sabi ko narinig kong napabuntong hininga nanaman sya atsaka hindi na sya nagsalita
Nang makarating na kami hindi padin sya nag sasalita kaya naman kinaltokan ko sya habang nag lalakad kami sa hallway
“aray!bat mo ginawa yun” sigaw nya.
“kanina kapa walang imik tas buntong hininga”sabi ko, nakita kong may dumaang lungkot sa mata nya kaya naman nagulat ako nang bigla nyakong di pinansin at naglakad na paalis
Narinig kong nag ring ang bell kaya naman pumunta nako sa room ko
*Ringggg* *ringggg*
Nagring na ang bell kaya naman inayos kona ang gamit ko at nang makaalis na para makapunta sa canteen at makakain
Nang nasa canteen nako may biglang umakbay sakin kaya naman napatalon ako sa gulat at nilingon kung sino yun
“your so cute nath”sabi nya at mahinang natawa
“a-aiden ikaw pala, ikaw ba naman akbayan eh ginulat moko”sabi ko sakanya
“im sorry”sabi nya at mahinang natawa nanaman inakbayan nyako pero hinayaan ko nalang sya
At nang nasa pila na kami pinag titinginan kami ng mga studyante
“wag mo sila pansinin,inggit sila kasi maganda ka”bulong nya sakin dahilan para mapaingiti ako
Enebe aiden ako lang toh ehe
Nang makabili kami ay agad kaming umupo at kumain
Habang kumakain kami biglang pumasok si duke sa isip ko
“aiden diba kaibigan mo sya duke?”sabi ko umiling sya kaya naman nagulat ako
“my cousin”tipid na sabi nya, kaya naman napatango tango ako
“bakit monga pala natanong?type mo noh?”sabi nya at malakas na natawa kaya naman napatingin ako sa paligid dahil nakita kong saamin ang tingin nila
“hoy hinaan monga boses mo grabe ka tumawa atsaka hindi ko sya type ok?”sabi ko sakanya
“haha eh ano?”
“wala”
“weh?”
“oo nga pektusan kita eh”
“haha kababae mong tao panlalaki mga kilos mo”
“pake mo”
“i care because—”
“hi lucas”dagdag nya, biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang banggitin ang pangalan nayun shit kailangan kona mag padoctor
“balita ko ginasgasan modaw yung favorite car ni duke”bulong nya sakin dahilan para mapalingon ako sakanya at nanlaki ang mata ko nang sobrang dikit nang mukha namin
“g-gasgas lang naman yun eh a-atsaka n-nag sorry ako sakanya”utal utal na sabi ko
“alam mobang paborito nya yung kotse nayun dahil bigay payun ng mommy namin nung buhay pa sya ”sabi nito at lawak na ngumisi at tumawa nang mahina
Gosh ang sexy nang boses nya pag tumatawa
“really nath nagasgasan mo?”tanong ni aiden dahilan para tumingin ako sakanya at tumango
Naramdaman kong tumabi sakin si lucas at inakbayan ako
“hmm kaya pala malungkot ang mukha nya kanina”sabi ni aiden dahilan para maguilty ako
“eh sya naman kasi eh binusinahan ako tapos—”dikona natuloy ang sinasabi ko nang ilagay ni lucas ang hintuturong daliri nya sa bibig ko
“ako ang nagsabing sunduin ka dahil sabi ni tita viena sabay sabay tayong pumunta sa bahay nila”sabi ni lucas
Bigla ko namang namiss sila mommy
“g-ganon ba”tumango lang sya at Nagpatuloy nako sa pagkain
Habang kumakain pumasok nanaman sa isip ko si duke
Shit paguilty kase eh no!!gasgas lang naman eh
“ano favorite food ni duke?”tanong ko dahilan para tumigil si aiden sa pag kain
“bibilhan moba?”tanong ni aiden at mahinang natawa
“Kung kaya ko eh bakit hindi diba?”
“mahilig yun sa mga chocolate at pancake at strawberry at grapes at—”dikona pinatapos si aiden sa pagsasalita
Dami palang paborito ni duke
“shut up, marami kanang sinasabi kumain ka nalang”sabi ko napansin kong kanina pa walang imik si lucas kaya naman tumingin ako sakanya
Nakita kong masama ang titig nya kaya naman hinanap ng mata ko kung sino ang tinitignan nya
Nakita kong may lalaking nakatayo malapit sa pinto ng canteen at masama din ang tingin kay lucas
Nang bumaling yung tingin sakin nung lalaki kinilabutan agad ako nang pansin kong iba ang titig nya sakin
Sheyt!!
Ilang segundo din ang lumipas bago nya alisin ang tingin sakin at nakangising umalis
Bakit ganon, bakit parang may kakaiba sa lalaki yun parang nakita kona sya dati biglang nagtaasan ang balahibo ko sa katawan nang maisip koyun
“you know him, am i right?”tanong ni lucas kaya naman napatingin ako sakanya
Nakita kong nakatitig sya sakin dahilan para bumilis nanaman ang tibok ng puso ko
“h-hindi”utal na sabi ko pansin kong natigilan si lucas at aiden, pansin ko din na bahagya silang nagkatitigan
“are you kidding me!?”takang sabi ni aiden kaya naman napabaling ako sakanya
Kumunot ang noo ko sa inasal nya eh ano naman kung diko sya kilala bakit artista ba sya?
“diko nga kilala bingi kaba?”pilosopong sabi ko
“u-uh? S-sure ka?diba sya pamilyar sayo?”tanong ulit nya
“actually pamilyar yung mukha nya diko alam kung san ko sya nakita basta pamilyar lang—teka nga bakit ba marami kang tanong?ano naman kung diko sya kilala anak ba sya ni satanas?”iritado kong sabi
“oo—yes”sabay na sabi nila
Ehh
Nang matapos ang klase, hinintay ako ni aiden at lucas para sabay sabay na papuntang bahay nila mommy
“nauna na daw si duke doon”sabi ni aiden habang nag da-drive
Biglang may pumasok sa isip ko
Kunwari may isip ako
“aiden daan tayo sa malapit na 7eleven”sabi ko, taka nyakong tiningnan
“bakit nathalia may bibilhin kaba?”tanong nya
“hindi hihiga lang ako dun mag papaaircon ganon—malamang bibili”pilosopong sagot ko
Dina sya nagsalita wahahah galing ko mamilosopo
Nang makapunta ako sa 7eleven para bumili ng chocolate bar ni duke
Akmang pipila nako nang may humawak sa braso ko at dinala ako sa madilim
“t-teka a-anong—”dikona natuloy ang sinasabi ko nang bigla syang magsalita ramdam ko ang takot sa pagsasalita nya at ramdam kong nanginginig ang kamay nya habang hawak hawak ako sa braso
Pamilyar ang boses nya
“mag-ingat ka nathalia buenavista baka patayin ka nila”