ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY...

Bởi iirxsh

120K 1.5K 27

COMPLETED | SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH She is Kirsten Kelly Tolentino, 25 years old. NBSB. A Private Empl... Xem Thêm

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOY
SINOPSIS
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
NOT AN UPDATE
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
WAKAS
AUTHOR'S NOTE
ANNOUNCEMENT
SOON TO BE A PUBLISHED BOOK
AGTCB IS NOW A PUBLISHED BOOK
PRE-ORDER IS NOW OPEN
AGTCB PHYSICAL BOOK

KABANATA 2

4.7K 74 4
Bởi iirxsh

Kabanata 2

NAKAUPO si Adam sa balkonahe ng kanyang Tita Johan. Kung saan tanaw niya mula sa taas ang mga sasakyan na dumadaan, at mga taong naglalakad. Nagluluto sa loob ang kanyang Tita Johan kasama ang anak nitong si Jaylyn. Nag-offer siya ng tulong pero tinanggihan lang siya ng kanyang Tita Johan. Dahil wala naman siyang ginagawang trabaho, pinili na lang niyang manatili sa balkonahe. Nakakalanghap siya ng sariwang hangin, hindi tulad sa siyudad na dumi ang kanyang nalalanghap.

Naisipan niyang hintayin na dumaan ang dalaga. Nakasisiguro siyang dito lang iyon nakatira malapit sa bahay ng kanyang Tita Johan. Hindi niya inaasahan kaninang umaga na ang muntik na niyang mabangga ay 'yong babae na nakasakay sa tricycle. May bibilhin kasi sana ang Tita Johan niya sa bayan, ngunit nagboluntaryo siya. Nakikituloy naman siya at dahil wala rin naman siyang ginagawa sa bahay, naghihintay lang ng update mula sa kanyang sekretarya kaya siya na lang ang pumunta.

Nang mahawakan niya ang braso ng dalaga kanina, para bang nakaramdam siya ng kuryente. Buong buhay niya, hindi niya pa nasubukan ang ganoong pangyayari. Ngayon pa lamang. Hindi rin nakaiwas sa kanyang paningin ang paghanga mula sa babae, nakita niya kung paano siya pinasadahan nang tingin ng dalaga.

Hindi niya tuloy naiwasang lihim na napangiti sa nakitang inasal ng dalaga. Sanay na siya sa ganoong pangyayari mula sa mga babae. Pero... tila iba ang dating ng dalaga para sa kanya.

Nagkaroon siya bigla ng interest na kailanman hindi niya nakita ang sarili na gagawin para lang sa isang babae.

Napatingin si Adam sa tricycle na huminto sa tapat mismo ng bahay ng kanyang Tita Johan. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi nang makitang ang babaeng hinihintay niya iyon.

Agaran din niyang binawi iyon nang makitang napatingin sa gawi niya ang dalaga. Mahirap na baka siya ay mahalata.

PAGKABABA naman ni Kelly sa tricycle, tumingin tingin pa ito sa paligid niya. Nang mapatingin naman siya sa may tapat ng bahay nila, sa mismong balkonahe nito. Sakto naman nandoon ang lalaki, at nakatingin pa sa kanya.

Mabilis naman siyang pumasok sa gate ng kanilang bahay. Sinarado niya at hindi na muling tumingin pa sa gawi ng lalaki. Hindi naman siya tumakbo ng malayo, pero parang ilang kilometro ang tinakbo niya dahil sa bilis ng tibok ng kanyang puso. Bahid din sa mukha niya ang kahihiyan, dahil nahuli siyang nakatingin na naman.

Kung gaano siya katapang sa mga pinagsasabi at ginawa niya kanina, ay ganoon niya rin iyon pinagsisihan. Mabuti at silang dalawa lang, dahil kung alam ni Alex 'yon. Panigurado na makakatanggap siya ng walang tigil na pang-aasar. Idagdag mo pa ang muntik niyang masagasaan dahil sobra siyang lutang sa mga nangyari.

"Mukhang may naghahabol sa iyo, anak?"

Napahawak naman si Kelly sa kanyang dibdib. Gulat ang rumihestro sa kanyang mukha. Bakit naman kasi bigla biglang sumusulpot si Mr. Tolentino? "P-Po?" Nauutal niyang tanong kay Mr. Tolentino.

"Ang sabi ko, may naghahabol ba sa iyo?" Ulit ni Mr. Tolentino sa kanya.

Agad naman siyang umiling. "Wala po."

"Sigurado ka ba?" Para bang sinisigurado kung nagsasabi siya ng totoo.

Tanging tango lang ang nai-sagot niya kay Mr. Tolentino. "Akala ko mayroon, namumutla ka kasi." Pag usisa pa ni Mr. Tolentino, ngunit itinanggi niyang muli. Wala siyang balak na sabihin kung ano man ang dahilan.

"Wala po ito, papa." Pag-iba niya ng usapan. "Tara na po sa loob."

KINAUMAGAHAN, maagang nagising si Adam. Simula nang dumating siya sa bahay ng kanyang Tita Johan, lagi na lang siyang maaga nagigising.

Tinungo niya ang kusina, doon niya naabutan ang kanyang Tita Johan na naghahanda ng kanilang umagahan.

"Good morning, tita." Bati niya, nang tuluyan siyang makalapit. Kahit sa kalayuan ay amoy pa lang ang niluluto ng kanyang Tita Johan.

Iyon ang una niyang beses na maamoy ang ganyang klase ng luto, pero sa amoy pa lang. Alam niyang masarap.

Sa ilang araw niyang namamalagi sa Pangasinan, talagang nasanay na siya sa mga pagkain na lutong probinsya. Hindi naman mapili ang kanyang tiyan, kaya wala namang nagiging problema sa kanya pagdating sa kung anong inihahanda ng kanyang Tita Johan na kinakain nila sa araw-araw.

Bumaling naman ang kanyang Tita Johan sa gawi niya. "Good morning," Nakangiti nitong bati sa kanya. "Ang aga mo yata magising. May lakad ka ba ngayon?" Usisa ng kanyang Tita Johan.

"Wala naman, tita. I just slept early." Tugon niya. "What do you call that dish, tita?" Nanatili ang tingin niya sa niluluto habang patuloy na hinahalo iyon ni Johan.

Saglit siyang binalingan ni Johan. "We called it here, sopas."

Tipid lang na ngumiti at tumango si Adam.

"Maupo kana diyan at paghahanda kita." Sumunod naman siya sa utos ng kanyang Tita Johan. Nang maluto ang sopas, pinaghanda siya ni Johan. "Kumain ka na, ihahatid ko lang 'to diyan sa tapat." Ipinakita ni Johan ang tupperware na naglalaman ng niluto niyang sopas.

Napatayo naman kaagad si Adam. "Ako na po."

Nagulat naman ang kanyang Tita Johan sa biglaan nitong pag boluntaryo. "Ako na, kumain ka na lang diyan." Tanggi ni Johan.

"It's okay, tita. I insist." Nagpupumilit na aniya.

"Hay, sige na nga. Mukhang mapilit ka. Tumawag ka na lang, Si Kennedy o si Karina." Tumango siya bilang tugon.

MADILIM pa sa paligid ng nakalabas si Adam sa gate. Maga-alasais pa lang kasi ng umaga. Hindi na siya nagdalawang isip na lumipat sa kabilang bahay, magkatapat lang naman kasi iyon.

"Tao po..." Pagtawag niya mula sa labas. Naaaninag niya ang ilaw sa loob ng bahay, senyales na may gising na sa loob.

Makaraan naman ang ilang minuto niyang paghihintay, tsaka lang may lumabas. Bumungad sa kanya si Mr. Tolentino na tingin niya nasa 50s pa lang.

"Good morning, sir." Bungad niyang bati, nang makalapit iyon sa kanya.

"Magandang umaga rin sa iyo." Bati pabalik ni Mr. Tolentino. "Anong maipaglilingkod ko sa iyo?"

Pinakita niya ang dalang tupperware, na hinanda ng kanyang Tita Johan. "Pinapa-abot po ni tita."

Binuksan naman ni Mr. Tolentino ang kanilang gate, tila kahit hindi nasabi ni Adam kung sino ang tinutukoy niyang tita. Alam na kaagad iyon ni Mr. Tolentino. "Tuloy ka."

Pagkapasok nilang dalawa sa loob inabot naman niya kay Mr. Tolentino ang dala niya. "Maupo ka muna, tawagin ko lang ang misis ko."

Tumango siya. "Thank you, sir."

Habang naghihintay si Adam sa pagbabalik ni Mr. Tolentino. Kinuha niya ang pagkakataon na 'yon para mapasadahan ng tingin ang bahay. Simple lang, nakadikit ang mga picture frames sa dingding. Medyo malabo sa paningin niya kung kaninong litrato 'yon kanyang nakita, kaya hinayaan na lamang niya. Makikita mo rin ang kalinisan ng bahay. Wala kang makikitang dumi, kahit sino ang pumasok mahihiyang magkalat.

Nawala ang atensyon niya sa pagtingin sa paligid nang marinig ang boses na nagmumula sa isang babae. Siguro, iyon na ang misis na tinutukoy ng ginoo sa kanya.

"Sino ba kasi 'yon?" Masungit na tanong ni Mrs. Tolentino sa kanyang asawa. "Alam mo bang maaga pa?"

"Pamangkin yata ni mareng Johan."

"Pwede naman ikaw na ang kumausap, 'di ba?" Ramdam pa sa boses ni Mrs. Tolentino, na inaantok pa iyon. Kaya ganoon na lamang ang reaksyon niya sa sinasabi ni Mr. Tolentino.

"Halika na. Ngayon lang naman." Pilit ni Mr. Tolentino.

Tumayo si Adam nang makalapit ang mag asawa sa kanyang harapan.

"Good morning, madam. I'm sorry to disturb you this early." Paghingi ni Adam ng paumanhin kay Mrs. Tolentino. Hindi man malinaw sa kanya ang pag uusap ng mag asawa kanina, pero alam niyang nagtatalo sila. Sa boses pa lang kasi ng ginang, ramdam niyang napilitan lang iyon na magising.

"Good morning, hijo." Bati ni Mrs. Tolentino, habang nakangiti. "Ayos lang 'yon, hindi ka naman nakakaistorbo."

Gulat ang rumihestro sa mukha ni Mr. Tolentino nang makita niyang ngumiti ang kanyang asawa. Akala ba niya naiinis iyon dahil ginising niya ng maaga, at kulang pa ang kanyang tulog?

Tinugunan din naman ni Adam ng ngiti si Mrs. Tolentino. Kahit siya ay nagtataka kung bakit biglang nagbago ang mood nito. "I'll leave now, madam. You can continue your sleep. Inabot ko lang talaga 'yong pinapabigay ni Tita Johan." Paliwanag pa ni Adam, kasi iyon naman talaga ang kanyang intensyon.

Umapila agad si Mrs. Tolentino. "Ano ka ba, hijo! Ayos lang, dito ka na mag-umagahan. Saluhan mo kami sa dala mo." Pilit pa ni Mrs. Tolentino. Tatanggi pa sana si Adam kaso iginaya na siya ni Mrs. Tolentino sa kanilang kusina. "Ano nga palang pangalan mo?"

"Adam... I'm Adam Ruzel Dela Fuente."

"Ako naman si Karina." Bumaling ito sa asawa niyang nakakunot ang noo. Kaya naman pinanlahikan iyon ni Mrs. Tolentino ng mata. Nagtatanong ang kanyang tingin, kung anong problema. "Ang asawa ko, si Kennedy."

Ngumiti si Adam. "Pleasure to meet you, madam." Bumaling din siya kay Mr. Tolentino na hindi man lang nakaalis sa kanyang kinatatayuan. Inilahad niya ang kanyang kamay. "Sir." Labag sa loob ni Mr. Tolentino, nagawa pa rin niyang tanggapin. Kung hindi lang siya pinaningkitan ng mata ng kanyang asawa.

"Huwag na madam, masyadong formal." Puna naman ni Mrs. Tolentino. "Uhm... tita na lang."

"Sure, tita." Hindi nagdadalawang isip na tugon ni Adam. Na ikina-ngiti na lang ni Mrs. Tolentino.

"Magkakasundo tayo." Ani Mrs. Tolentino. "Maupo ka. Maghahanda lang ako." Dugtong pa ni Mrs. Tolentino.

Binalingan ni Mrs. Tolentino ang kanyang asawa, kulang na lang isipin niyang isa iyong statue dahil talagang nakatayo lang iyon sa kung saan nila iniwan kanina. "Gisingin mo na 'yong anak mo. Para makasabay na siya sa atin."

Anak ko? Anak ko na lang ngayon?

Nakasimangot na tinungo ni Mr. Tolentino ang kwarto ng kanilang anak na si Kelly. Labag man sa loob niyang iwan ang asawa kay Adam, hindi naman niya kayang suwayin ang asawa.

Kung alam ko lang, hindi ko na sana pinapasok 'yon!

Nakaligo na 'yon eh, kaya nakalamang. Kakagising ko lang kasi, pero kapag nakaligo na ako. Panigurado, taob na siya!

"Papa, ang aga niyo naman po manggising." Reklamo ni Kelly kay Mr. Tolentino. Wala naman kasi siyang pasok ngayong araw. Pero ang ama niya ngayon ay patuloy na kumakatok sa labas ng kanyang kwarto.

Ang ama lang naman niya ang posible na kumatok sa kanyang kwarto. Minsan lang naman ang kanyang ina kung pumasok sa kanyang kwarto, kaya sigurado siyang ang ama niya iyon.

"Bilisan mo na anak, at baka maagawan pa ako ng asawa kapag tinagalan mo riyan." Mapait na sambit ni Mr. Tolentino. Nagulahan naman si Kelly sa sinabi ng kanyang ama. Ano ang ibig nitong sabihin? Kaya't kahit ayaw niya pang gumising, wala siyang nagawa kung hindi bumangon na.

"Sunod na po ako, papa." Tugon ni Kelly.

Nagtungo si Kelly sa banyo upang makapag hilamos ng mukha at makapag sipilyo. Nang matapos siya, tsaka niya tinungo ang baba. Panay ang hikab niya. Kaso nasa kalagitnaan siya ng hagdan ng natigilan siya.

Mula kasi sa hagdan rinig niya na may nag uusap sa kusina nila. Boses 'yon ng kanyang ina. Ngunit ang kausap nito ay hindi na rin bago sa pandinig niya.

Mayroon siyang nasa isip, kung sino ang tao sa likod ng boses na 'yon.

Imposible naman na pumunta iyon dito.

"Ang tagal mo, anak." Reklamo ni Mr. Tolentino.

Napa-hawak naman siya sa dibdib, dahil sa gulat. Bakit panay ang sulpot ng ama? Buong akala niya, nauna na iyon dahil sinabi niyang susunod na lamang siya. Pero hindi niya inaasahan na hinintay pa pala siya ng ama. "Nanggugulat naman po kayo, papa." Puna niya.

"Anong nakakagulat doon? Lutang ka lang talaga." Napasimangot na lamang siya. Hindi na rin niya nagawang sumagot pa, dahil hinila na siya ni Mr. Tolentino papunta sa kanilang kusina. Ni hindi man lang siya binigyan ng pagkakataong idepensa ang kanyang sarili.

"Bakit hindi na po kayo nauna roon?" Kyuryos niyang tanong.

"Busy naman ang mama mo." Dama sa boses ni Mr. Tolentino ang pagkahalong inis at pagtatampo. Lihim siyang natawa sa reaksyon ng ama.

Pagkarating nilang dalawa sa kusina. Patuloy pa rin sa pag uusap ang kanyang ina at ang bisita nila. Nakatalikod pa ang bisita sa gawi niya. Kaya't hindi pa niya nakikita kung sino iyon, pero bakit tila kinakabahanan siya.

"May nobya ka na ba, hijo?" Narinig ni Kelly na tanong ng kanyang ina, nang tuluyan silang makalapit sa kanilang pwesto.

"Nagising ko na si Kelly." Pagbasag ni Mr. Tolentino, sa pag uusap ng dalawa. Hindi man lang kasi sila napansin man lang na dumating.

Doon lang naputol ang pag-uusap ni Adam at ni Mrs. Tolentino. Kaya hindi na rin nagawang sagutin pa ni Adam ang tanong ni Mrs. Tolentino.

"Halina kayo." Aya ni Mrs. Tolentino.

Lumapit naman si Kelly sa ina. "Good morning, mama." Hinagkan niya iyon sa pisngi. "Adam, si Kirsten Kelly nga pala... our unica hija." Nabaling ang tingin ni Kelly sa tinutukoy nilang bisita. Nanlaki ang kanya mata dahil sa gulat. Hindi niya inaasahan na tama ang kanyang naiisip kanina. Agad niya rin itong binawi dahil panigurado nang nakatingin ang mga magulang niya.

Inilahad naman ni Adam ang kanyang kamay. Nakatingin lamang si Kelly doon, hindi niya nagawa na gumalaw agad. Kung hindi lang siya kinalabit ng ina, hindi pa niya tatanggapin.

Pagsalubong pa lang ng kanilang kamay. Naramdaman muli ni Kelly na parang nakuryente siya. "Nice to meet you, Kelly." Sa kamay lang nilang dalawa siya nakatutok, hindi man lang niya binalingan ang mukha ng binata.

"N-Nice to meet you," Nauutal niyang tugon at nahinto rin siya dahil hindi niya kilala ang binata. "I'm Adam..." Dugtong ni Adam.

"Nice to meet you, Adam." Pag-ulit niya. Nakahinga naman siya nang maluwag dahil hindi siya nautal.

Naging maayos ang saluhan nila sa umaga. Akala ni Kelly at ni Mr. Tolentino nang matapos silang lahat na kumain ay aalis na ng tuluyan ang kanilang bisita, pero nagkamali sila.

"Tita..."

Nag-angat ng tingin si Mrs. Tolentino kay Adam. Hinihintay ang kanyang sasabihin. "Can I see the picture in that frame?" Turo ni Adam sa picture frame na nakita niya kanina habang hinihintay ang mag-asawa.

"Hindi pwede!" Maagap na tutol ni Kelly. Ngunit, napayuko siya agad nang makitang hindi nagustuhan ng ina ang kanyang reaksyon.

"It's okay, tita..." Bawi naman ni Adam.

"Pwede." Nakangiting ani ni Mrs. Tolentino.

"Ma..." Nakasimangot na ani ni Kelly. Halos litrato niya kasi lahat nang nandoon sa frame, simula bata hanggang sa magdalaga siya.

Ngunit hindi siya pinansin ng ina, imbes ay dinaluhan pa si Adam para ipakita sa kanya ang litrato na gusto niyang makita.

"Aba't bisita lang siya, pero ang lakas ng loob niya!" Nagmamaktol na sabi ni Mr. Tolentino.

"Pa, selos ka lang po." Natatawa na ani Kelly.

"Hindi ah!" Nag iwas si Mr. Tolentino ng tingin. Dine-deny pa pero huli naman na. "Ikaw, akala ko ba naiinis ka? Kasi tinitignan ang picture mo?" Balik ni Mr. Tolentino sa kanya.

Tipid siyang ngumiti. "Hayaan mo na po, papa. Picture lang naman."

"Ang bilis naman magbago ng mood mo," Puna ni Mr. Tolentino. Kahit kasi hindi siya pumayag, wala rin naman siyang laban dahil ina na niya ang nagsabi. "Pwes ako, hindi! Asawa ko 'yong tangay niya."

Napailing na lang si Kelly. Kung kailan tumanda doon pa nagselos.

NAKITA na lang ni Kelly ang sarili na palabas ng kanilang gate. Nang matapos kasing tinignan ng binata ang kanyang litrato, siya ang inutusan ng ina na ihatid sa labas si Adam. Syempre, kailanman ay hindi siya nakaapila sa ina. Kaya wala siyang choice, kung hindi ihatid iyon sa labas.

Kanina nga habang kumakain sila, halos ang ina at ang binata lang ang nag uusap. Kahit ang kanyang ay ama tahimik lang sa gilid tulad niya. Mukhang nakuha na niya kung bakit ganoon ang reaksyon ng ama, totoo ngang nagseselos ang kanyang ama sa binata dahil ang binata lang ang pinapansin ng kanyang ina. Naalala pa nga niya iyong binulong ng kanyang ama kanina, 'ganyan din naman ang itsura ko noong binata ako, kaya nga nahulog ang loob ng mama mo, eh.'

"I think, I'm good here. Kaya ko ng bumalik." Sambit ni Adam. Doon lamang siya nakabalik sa reyalidad nang marinig ang boses ni Adam sa kanyang tabi.

"Uhm... sige." Tugon niya at mabilis na tumalikod. Hahakbang na sana siya nang magsalitang muli ang binata.

"Aren't you comfortable being with me?"

Nakakunot noo niyang binalingan si Adam. "H-Huh? Paano mo naman nasabi?"

"You can't even look at me." Puna ni Adam. Doon naman nag-iwas siya ng tingin. "May dumi ba ako sa mukha?" Dugtong pa niya.

"Wala naman..." Mabilis niyang inalis ang tingin sa mukha ni Adam, tila naiilang. "Sige na, alis na." Pagtaboy pa niya. Kanina pa kasi nag-iinit ang kanyang mukha. Sigurado siyang namumula na ang kanyang pisngi.

Ngunit, hindi nagpatinag si Adam at mukhang napansin pa niya ang kanyang tinutukoy. "You're blushing." Puna ni Adam. "Oh, I think I know why. Am I handsome?" Nagbibiro ang himig ng binata, pero para sa kanya. Inaasar siya.

Sa pagkakataon na 'yon. Muling nagtama ang tingin nila. May multo na ngiti sa labi ng binata. "Mahangin!" Nakangusong sambit ni Kelly.

Napa halakhak ang binata. Kaya naman napatitig si Kelly sa binata. Hindi nakaiwas sa tingin niya ang galaw ng panga nito. Parang isang musika sa pandinig niya ang boses ni Adam.

"It's just me, Kelly." Natatawa pa ring sambit ni Adam. Nag iwas naman ang dalaga ng tingin, mas nadagdag ang pamumula ng kanyang pisngi.

Pero sa unang pagkakataon, parang tinambol ang kanyang puso.

"You can look at me, anytime you want. It's free anyway, only for you..." Humakbang ng isang beses si Adam dahilan kung bakit rin napaatras si Kelly.

"Malapit man, o malayo..." Iniharap ni Adam ang mukha ng dalaga sa kanya. Panay kasi ang iwas nito. Tinignan siya diretso sa kanyang mata. "Handa akong tugunan ang pagtingin mo."

Itutuloy...

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

525K 2K 16
A revenge story. Full of revenge scenes and ended in a vengeful way. In short, it is revenge story.
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
1M 33.4K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
256K 9.4K 28
Five W Series 3