La Escapador

By YellowLock

65.8K 3K 1K

[COMPLETED] Nakakulong si Anastacia sa kahong ginawa para sa kanya ng lipunan -- pagkilos nang mayumi, panana... More

Author's Note
PROLOGO
Capitulo 1 - Anastacia
Capitulo 2 - Ang Handog
Capitulo 3 - El Admirador
Capitulo 4 - Ang Misa De Gallo
Capitulo 5 - Sa Pagburnayan
Capitulo 6 - Balakid
Capitulo 7 - Kahibangang Pagkakaibigan
Capitulo 8 - Ang Pagbibiro ng Buwan
Capitulo 9 - Sagot sa Tanong
Capitulo 10 - Tukmol sa Burol
Capitulo 11 - Gitara
Capitulo 12 - Kamanggaan
Capitulo 13 - Panutsa
Capitulo 14 - Babae
Capitulo 15 - Laylayan
Capitulo 16 - Dung-aw
Capitulo 17 - Elihiya
Capitulo 18 - Sugat sa Tuhod
Capitulo 19 - Puting Kumot
Capitulo 20 - Bagong Kasama
Capitulo 21 - Madawag Man Ang Daan
Capitulo 22 - Desisyon
Capitulo 23 - Pagbibiro't Pagpapabilo
Capitulo 24 - Ilog Govantes
Capitulo 25 - Ang Lihim nina Asuncion at Alfredo
Capitulo 27 - Paghahanda at Pagpaplano
Chapter 28 - Unang Yugto ng Pag-aalsa
Capitulo 29 - Ang Pagpasok ng Hukbo sa Vigan
Capitulo 30 - Ang Bagong Pamamahala
Capitulo 31 - Ang Pader
Capitulo 32 - Ang Pagkakapiit
Capitulo 33 - Ang Bagong Piitan
Capitulo 34 - Ang Pueblo Camaya
Capitulo 35 - Ang Paglilingkod
Capitulo 36 - Ang Suliraning Paparating
Capitulo 37 - Ang Pagsisiyasat
Capitulo 38 - Simula ng Pista
Capitulo 39- Sentro ng Atensiyon
Capitulo 40 - Ang Anunsiyo ni Don Camilo
Capitulo 41 - Ang Bisitang Hindi Inaasahan
Capitulo 42 - Ang Bagong Gobernadorcillo
Capitulo 43 - Sa Silid ng Gobernadorcillo
Capitulo 44 - Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib
Capitulo 45 - Ang Kasunduan
Capitulo 46 - Paano Ikukubli?
Capitulo 47 - Paghahanap sa Kasagutan
Capitulo 48 - Ang Pagtatapat at ang Desisyon
Capitulo 49 - Simula ng Paghilom
Capitulo 50 - Aninag sa Dilim
Capitulo 51- Ang Guni-guning Tila Totoo
Capitulo 52 - Pag-uulayaw sa Madaling-araw
Capitulo 53 - Pangunguna
Capitulo 54: Ang Ibong Nakalaya
Caputilo 55 - Dulot ng Lihim na Punyal
Capitulo 56: Ihip ng Pangamba
Capitulo 57: Mga Anino sa Dilim
Capitulo 58: Mga Lihim sa Ilalim ng Batas
Capitulo 59: Mga Pangil sa Lilim ng Gabi
Capitulo 60: Mas Malaking Kapangyarihan
Capitulo 61: Ang Pamana ng lihim
Capitulo 62: May Bagong Tagapagmana
Capitulo 63: Paglalakbay Sa Lupang Tinubuan
Capitulo 64: Baliktanaw sa Lugar ng Alaala
Capitulo 65: Kontrol sa Dilim
Capitulo 66: Anino ng Nakaraan
Capitulo 67: Bagong Kaalyansa, Bagong Kaaway
Capitulo 68: Abo ng Pag-asa
Capitulo 69: Aninong Hindi lumilingon
Capitulo 70: Pekeng Palabas
Capitulo 71: Pag-alpas sa Dilim
Capitulo 72 (Fin) : Dulo ng Alon, Simula ng Bukas

Capitulo 26 - Ang Pagsilip

416 23 2
By YellowLock

"Ginoong Alfredo, hindi mo na kailangang maglihim pa sa akin," saad ni Anastacia nang pauwi na sila galing sa Ilog Govantes, habang nakasakay sa kalesa.

Tinignan muna ni Alfredo si Asuncion. Tumango ang dalaga, kung kaya't napagpasyahan niyang sabihin na ang totoo.

"Hindi ko alam kung papaanong nakulong ako sa katawan ng lalaki ngunit pakiramdam ko, isa akong babae," saad niya. May halong kaba at lungkot ang kanyang awra. Huminga siya nang malalim. "Ngunit heto ako, tila nakakulong sa doble-dobleng hawla."

Ipinatong ni Anastacia ang kanyang magkabilang kamay sa balikat ni Alfredo. "Hayaan mo. Sa tuwing makakasama mo kami ni ate, susubukan naming palayain ka sa hawlang iyan nang kahit na saglit lang. Alam kong hindi maiintindihan ng iba ang iyong kalagayan, ngunit tandaan mong hindi kabawasan iyan sa iyong pagkatao."

"Salamat, Anastacia. Tila gulong-gulo na ako. Balot ako ng takot at pagpapanggap. Ngunit nang dahil sa inyo ni Asuncion..." napatingin siya sa dalagang binaggit. "...naranasan kong matanggap kung sino talaga ako."

"Alfredo, kung nais mo ng makakausap, narito lamang kami," pahayag ni Asuncion.

Bumaba sina Asuncion at Anastacia sa kanto na malapit sa kanilang bahay. Nagpaalam muli si Alfredo at nangakong dadalas ang kanilang pagkikita.

"Ate, may inaalala lang ako, " saad ni Anastacia nang makababa sila at tila malayo na ang kalesa. "Hindi ba siya isusumbong ng kutsero sa kanyang ama?"

"Huwag kang mag-alala. Bingi iyong kutsero," saad naman ni Asuncion.

Huminga nang malalim si Anastacia. "Akala ko'y baka mahuli kaagad siya ng gobernadorcillo kapag magsusumbong ang kutsero!"

"Huwag kang mangamba. Matalinong tao si Ginoong Alfredo. At kung gusto niya, makagagawa siya ng paraan. Tignan mo nga, nagawan niya pa ng paraan kung papaano niya makakasama si Ginoong Fernan..." mapahawak sa bibig si Asuncion, naisip niyang may nasabi siyang hindi na dapat sabihin.

"Ate?!" gulat na saad ni Anastacia. "May gusto si Ginoong Alfredo kay Ginoong Fernando?!"

"Shhh, yang bibig mo!" sumenyas siyang hinaan ang boses ni Anastacia.

Natawa si Anastacia. Pati siya'y naisahan din sa planong iyon. Wala palang plano si Ginoong Alfredo na masolo ang kanyang ate, bagkus, plano pala niyang gawing agresibo si Ginoong Vicente at maiwang nag-iisa si Ginoong Fernando para dito ito sumakay.

"Pero ang pagkalunod niya ate, sinadya ba iyon?" tanong ni Anastacia.

"Hindi talaga siya marunong lumangoy," saad ni Asuncion.

"Ngunit tignan mo nga naman ang pagkakataon! Si Ginoong Fernando pa talaga ang sumagip sa buhay niya!" wika ni Anastacia. Naiisip pa rin niya kung papaanong nagkalapat ang bibig nina Fernando at Alfredo. Natawa siya sa kanyang iniisip.

"Kung talagang gusto ka ng isang tao, gagawa at gagawa siya ng paraan upang magkaroon kayo ng ugnayan..." saad ng ate niya. "..gaya ni Casimiro."

Napatigil si Anastacia nang marinig ang pangalang iyon. Tumingin siya sa kanyang ate na nagtataka kung bakit niya binanggit ang pangalan ng binata.

"Anastacia, nakailang sulat na sa iyo si Casimiro," pahayag ng kanyang ate.

Hindi niya alam kung ano ang kanyang mararamdaman. Maiinis ba siya dahil sa kakulitan ng lalaki, o lalambot siya dahil naalala pa rin niya ito kahit nasa Madrid na ito.

Nagpatuloy pa ang kanyang ate, "Ayaw pabuksan ni ina ang mga sulat. Ayon sa kanya, tanging ikaw lamang daw ang makapagbubukas niyon."

"W-wala akong balak sagutin ang kanyang mga sulat. Ipanggatong niyo na lang ang mga iyon," sagot ni Anastacia.

"Anastacia, hindi kaya panahon na para sagutin mo na ang kanyang sulat? At kung talagang hindi mo na nais na makatanggap pa ng sulat sa kanya, bakit hindi mo sulatan at sabihing itigil na niya ang pagsulat sa iyo?"

Umiling si Anastacia.

"Ading, mukhang hinahanap na ako ni ina. Nais mo bang sumama sa akin sa ating bahay?" saad ni Asuncion.

"Hindi na muna. Sa susunod na lang, kapag hindi na galit sa akin si ina. Ikumusta mo na lang ako sa kanila at sabihin mong mahal na mahal ko sina ina at Angelita," aniya.

"Sige, magpapaalam na ako. Dadalhin ko sa susunod ang mga sulat ni Casimiro sa iyo," saad ni Asuncion na nagmamadali.

Nawala sa paningin niya ang kanyang ate. Hindi niya akalaing hindi pa rin natatauhan si Casimiro na hindi na sila pwedeng bumalik sa dati. Kung anong tigas ng ulo niya, ganoong din katigas ang ulo ng binata. Alam naman niyang matalinongtao si Casimiro, ngunit hindi niya alam kung bakit hindi naiintindihan ng binata ang ibig sabihin ng hindi niya pagsagot sa sulat nito.

============

Simula naman nang maging magkakaibigan sina Ginoong Alfredo, at Anastacia, hindi nila nakakalimutang magbatiian sa daan o kung mapapadaan si Anastacia sa tapat ng bahay nina Ginoong Alfredo. Kahit na malimit na nakikita niyang nakadungaw sa bintana si Gobernadorcillo dela Joya, at takang-taka sa pagiging malapit nila sa isa't isa, ipinapakita pa rin ni Anastacia ang paggalang niya sa pagkakaibigan nilang dalawa.

Tuwing hapon naman ng Sabado, pagkatapos mapaliguan ni Anastacia ang mga kalabaw ni Donya Gabriela, madalas silang nagkikita nina Anastacia at Asuncion sa burol kung saan malapit sa pagawaan ng burnay (banga) nina Senyor Gomez. Gamit ang makabagong teleskopyong galing Europa na dala-dala ni Ginoong Alfredo, sinisipat nila ang kilos ni Ginoong Fernando. Minsan naman, nagdadala lamang ng meryenda si Ginoong Alfredo at pinapanood ang mga nagliliparang mga ibon sa langit.

Hindi namang maiwasang maalala ni Anastacia ang madalas na paglalaro nila ni Casimiro sa burol ng Sta. Ines. Kagaya ng sa Sta. Ines, marami ring mga nagliliparang mga ibon, mas marami kaysa rito sa Pagburnayan.

"Kumusta na ang iyong galos?" tanong ni Asuncion kay Alfredo.

Napatingin si Anastacia sa binti ni Alfredo. Puno ito ng galos na sa tingin niya ay mula sa hagupit ng latigo.

"Wala ito, parang kagat lamang ng langgam," saad niya.

"Sinong may gawa niyan sa iyo?" tanong ni Anastacia. Napayuko na lamang si Alfredo.

"Si Ama," matipid niyang sagot.

"Bakit? Ano na naman ba ang ikinainit ng ulo niya?" tanong ni Asuncion na may bahid ng pag-aalala.

"Kagaya ng lagi niyang dahilan, hindi ako kumikilos na parang lalaki. Pinipilit ko namang maging matigas, pero hanggang ganito na lang ang kaya ko. Ganito ako kumilos at hindi ko na alam kung anong klaseng kilos ang dapat na ikilos ko. Kaya nga hindi na ako lumalabas ng bahay upang hindi na siya bigyan ng kahihiyan eh," tugon ni Alfredo, halos nanginginig ang boses niyang nagkukuwento.

"Ngunit hindi iyon sapat na dahilan upang pagbuhatan ka ng kamay. Tignan mo nga iyang sugat mo, kay lalalim!" wika ni Anastacia.

"Wala iyan, sa sobrang sakit, tila hindi na ako nakakaramdam ng sakit," pagbibiro ni Alfredo.

"Naku. Pasensiya na, ngunit sasabihin ko sa harap mo, na napakalupit ng ama mo!" may galit na saad ni Anastacia.

Tumawa lang si Alfredo. "Alam ko iyon at sanay na ako doon. Hindi ba kayo napapalo ng mga magulang niyo?"

Nagyakapan silang tatlo. "Kung nabubuhay lamang si ina ngayon, alam kong maiintindihan niya ako," dagdag ni Alfredo.

"Kami na lang muna ang ituring mong ina," saad ni Asuncion.

Muli silang nagtawanan. Pagkatapos, nagmasid-masid sila sa kanilang kinaroroonan. Hinihintay nila kung dadaan na sina Ginoong Fernando sa pangunahing daan na natatanaw mula sa burol ng Pagburnayan. Ngunit nang hindi pa nila namataan ang grupong aknilang sinsipat, nagpaalam saglit si Alfredo upang kunin ang meryendang ipinahanda niya sa kanilang katiwala na iniwan niya sa kalesang sinakyan niya.

"Ading, narito pala ang mga sulat mula kay Casimiro," saad ni Asuncion habang ibinibigay ang mga sulat na nakalagay sa puting sobre.

Kinuha lamang iyon ni Anastacia. Napatingin siya sa kalakhan ng Vigan. Sa dinami-dami ng babae sa Vigan, o maging sa dinami-dami ng babae sa Maynila, o sa Madrid, bakit siya pag-aaksayahan ni Casimiro na sulatan kahit alam nito na hindi siya makakatanggap ng sagot mula sa dalaga?

"Ayna apo! Ang lalim naman ng iniisip mo binibini!" pansin ni Alfredo kay Anastacia habang hawak ang inlubi (isang uri ng kakanin na mula sa sinunog na palay o deremen). Iniabot niya ito sa magkapatid.

"Ay naku, Alfredo, may naalala na naman iyan!" panunukso ni Ate Asuncion na tila nalalaman ang problema ni Anastacia.

"Si Ginoong Maximiliano ba?" kinikilig na sabi ni Alfredo.

"Hindi Ginoo! Ni minsan ay hindi naging alalahanin sa akin si Ginoong Maximiliano," sagot ng dalaga.

"Sus ginoo! Hindi ako naniniwala riyan! Alam na alam ko kung papaano ka titignan ng ginoong iyon! Kung ako lamang ang tititigan ng ganoon, ayna apo, baka di na ako makalakad dahil anumang hakbang ko'y maiihi ako sa kilig!" paimpit na sabi ni Alfredo.

"Ginoong Alfredo! Ang hiyas, huwag mo munang ilalabas!" pagpipigil ni Anastacia kay Alfredo dahil mas makiri pa ito kaysa sa kanya.

"O sige, hinay-hinay muna tayo. Pero sigurado ako, kung sino man ang iniisip mo ngayon, alam kong espesyal siya sa iyong puso," dagdag ni Ginoong Alfredo.

Hindi na makapagsalita si Anastacia. Naliligalig pa rin siya sa mga sulat na ipinapadala ni Casimiro. Kagaya ng dati, isinisilid lamang niya ito sa kanyang damitan at hindi niya binubuksan. Minabuti niyang ibaling ang usapan at sumilip siya sa teleskopyo.

"Ayun, dumaan si Ginoong Fernando!" pagbaling ni Anastacia sa usapan habang nakasilip na sa teleskopyo.

Nakita niyang kasama ni Ginoong Fernando sina Maximiliano at Vicente, kasama sina Donya Gabriela at Senyor Silang na sa tingin niya'y kagagaling lamang nila sa pandayan. May hawak-hawak silang mga bayong may lamang kung anu-ano at kahong gawa sa kahoy. Naalala niya na nagpunta sina Senyor Silang sa isang magpapanday na gumagawa ng mga itak at mga rebolber. Bahagi ito ng kanilang paghahanda sa rebolusyon. Sinenyasan niya ang kanyang ate Asuncion.

Nahalata naman ni Asuncion na tila may ibig sabihin ang nakikita ni Anastacia sa teleskopyo.

"Mukhang malalim ang pinag-uusapan nila," saad ni Asuncion habang sumisilip sa teleskopyo. Pinatagal niya ang kanyang pagsilip sa teleskopyo.

"Akin na nga iyang teleskopyo! Nawiwiwli ka namang titigan si Vicente!" pang-aasar na sabi niya kay Asuncion at kinuha naman ang teleskopyo upang siya naman ang sumipat dito.

Napatingin si Anastacia kay Alfredo. Isa ang ama ni Ginoong Alfredo sa mga opisyal na nais paalisin ng grupo ni Senyor Diego. Nag-alala siya na baka madamay sa rebolusyon ang kaibigan. Baka hindi siya mapatawad ng kaibigan. Ngunit naisip rin niyang ang kalayaan mula sa kamay ng bakal ng kanyang ama ang magpapakawala kay Ginoong Alfredo. Basta, sisiguraduhin niyang hindi madadamay si Alfredo.

"Ay, sayang, umalis na sila!" panghihinyang ni Ginoong Alfredo.

Natawa naman si Asuncion dahil sa kilos-batang si Ginoong Alfredo. Humaba pa ang nguso nito at saka nagdadabog.

"Wala na ang marikit na tanawin!" sagot niya.

Nagtawanan na lamang sila. Hindi lubos maisip ni Anastacia na sa tahimik na awra noon ni Ginoong Alfredo, naroon ang masiyahin at laging positibong katauhan. Siguro nga minsan, may mga taong hindi kaagad nakikilala sa unang tingin hangga't hindi mo nakakausap at nakakasama. Ngunit, may nabubulag rin sa unang impresyon at maagang pagpapalagay. Naiinissiya sa kanyang sarili dahil pinagbintangan pa niyang masamang tao noon si Ginoong Alfredo.

Napagdedisyunan ni Anastacia na mauna na muna dahil tila kailangan na ang kanyang serbisyo sa tahanan ni Donya Gabriela. Dala-dala rin niyang umalis ang mga binigay ng kanyang ate na sulat mula kay Casimiro. Wala siyang balak itapon ang mga ito, ngunit wala rin naman siyang balak basahin ang mga ito.

Habang nasa daan siya pauwi, napansin niyang may mga taong nag-uumpukan. Sumingit siya sa mga taong naroon upang makita kung ano ang inuusyoso ng ilan. Nakita niyang nagmamakaawa ang isang ina habang inaakay ng mga guardia civil ang binatilyo nitong anak.

"Parang awa niyo na po! Huwag niyong kunin ang aking anak!"

"¡Necesita unirse a polo y Servicios! (He needs to join in polo y servicios)" sigaw sa kanya ng unang guardia civil.

"Ayon sa utos ni Heneral Zaballa, ang iyong anak ay sasali sa polo!" sigaw naman ng isa pang guardia civil.

Agad na tumakbo si Anastacia upang saklolohan ang mag-ina. Inawat niya ang mga guardia civil. Halos agawin niya ang mosquete (musket) na hawak ng mga ito.

"Tumakbo na kayo! Takbo na!" utos niya sa mag-ina habang nakikipagbunuan siya sa guardia civil. Kinagat niya ang braso ng isa at nagawa niyang itapon ang mosqueteng hawak niya habang ang isa nama'y tinapakan niya ang paa.

Halos hindi naman makatakbo ang binatilyo dahil sa mga sugat. Napasubsob na lamang ito sa kanyang ina. Samantala, nawalan ng balanse si Anastacia na siyang ikinabagsak rin niya sa lupa. Hinampas siya ng guardia civil. Halos mamanhid ang kanyang pisngi't mga braso dahil sa mga latay na hatid ng paghampas sa kanya. Sa pagkakataong ito, tila nawalan siya ng pag-asang mailigtas ang dalawang tao mula sa panghahagupit ng mga guardia civil.

"¡Para Senyores!" anang makapangyarihang tinig. Napalingon sila kung kanino galing ang boses.

"Donya Gabriela," saad ng isang guardia civil. Kasama ng Donya sina Maximiliano, Fernando at Vicente.

"Sila ay aking mga tauhan. Huwag niyo silang gagalawin!" saad niya at biglang lumapit sa sugatang si Anastacia.

"Pinag-utusan lang kami," saad ng guardia civil.

"Solo seguíamos órdenes (We were just following commands)," saad ng isang guardia civil.

"Huwag kang mag-espanyol, alam kong Ilocano ka, hunghang!" sigaw ni Donya Gabriela.

Inalalayan nina Vicente at Fernando ang mag-ina habang si Maximiliano naman ang umalalay kay Anastacia.

"Hindi na kayo naawa! Kapwa kailyan (kababayan) ninyo, sinasaktan ninyo! Hindi por que nakauniporme kayo, may karapatan na kayong mang-api, na kagaya ng inyong mga amo. Sabihin mo sa iyong amo na magwawakas rin ang paghahari-harian niya, maliwanag?!" babalang sigaw ng Donya na tila umaalingawngaw pa rin ito hanggang sa lugar kung saan tumakbo ang mga takot na takot na guardia civil.

'Ayos ka lamang, binibini?" tanong nito. Tumango naman ang dalaga at tila nawawalan ng malay.

Agad siyang binuhat ni Maximiliano. Nang mabuhat na niya ito, napansin niyang may mga sulat na nahulog mula sa saya ng dalaga. Pinulot niya ito at binasa kung kanino galing at para kanino ang sulat. Kumunot ang kanyang noo. Ibinulsa niya ang mga sulat at mahigpit na hinawakan ang noo'y wala nang malay na dalaga.

******

Iminulat ni Anastacia ang kanyang mata at nakita niyang nasa pamilyar na silid na siya. Nakatulog siya nang mahimbing buong gabi dulot siguro ng kanyang pagkahapo. Ni hindi niya namalayang umaga na pala.  Naigagalaw na niya ang kanyang katawan ngunit nararamdaman pa niya ang hapdi sa kanyang mga sugat. Napabalikwas siya nang may matandaan siyang bagay na iniingatan niya. Tinignan niya ang kanyang saya. Agad itong napatayo nang mapagtanto niyang ang itinago niya sa ilalim ng kanyang saya ay nawawala. Nais niyang balikan ang mga sulat kaya dumiretso siya sa pintuan. Ngunit nang buksan niya ang pinto, halos hindi siya makagalaw nang magtapat ang mukha nila ni Maximiliano.

"A..e..Ikaw pala, Maximiliano!" napaatras siya nang isang hakbang.

"Nais malaman ni Donya Gabriela ang iyong kalagayan," saad nito.

"M-mabuti..maayos na ang aking kalagayan," sagot niya sa binata.

"Tila tuliro ka pa. Sigurado ka bang ayos na lamang?" tanong ulit niya.

"Oo, ginoo."

"Ito ba ang iyong hinahanap?" wika ni Maximiliano habang ipinakita ang mga sobre kay Anastacia.

Agad naman itong kinuha ni Anastacia at itinago sa kanyang damitan. "Salamat, Maximiliano."

"Walang anuman. Simula ngayon, aalisin natin sa ating mga landas ang mga espanyol at maka-espanyol sa ating lipunan. Hindi na natin sila hahayaang apihin ang ating lahi. At hindi na rin ako papayag na apihin at saktan ka ng kahit na sino," seryosong saad nito.

"S-salamat ginoo, ngunit kaya ko na ang sarili ko," sagot ni Anastacia.

"Kaya mo na ang sarili mo? Tignan mo nga ang nangyari sa iyo. Kung hindi kita binuhat, papaano ka pa kaya makakauwi dito?" saad ni Maximiliano at napagtaasan niya ito ng boses.

"Ginoo?! Hindi ko hinihingi na tulungan mo ako. Sana pinabayaan mo na lamang ako sa daan. Kung gusto mong tanawin ko ito bilang utang na loob ko sa iyo puwes, salamat!"

Huminga nang malalim si Maximiliano. "Bueno. Mukhang ayos na yata ang iyong kalagayan. Matapang ka pa ring sumagot tuwing prinsipyo mo na ang kinukwestiyon." Tumalikod ito't nagtungo sa pintuan.

"Mamayang magdadapit-hapon, tutungo ang ating grupo sa kuta nina Senyor Diego sa Santo Domingo. Hindi ligtas na dito tayo sa Vigan magpulong-pulong sapagkat humigpit ang pagbabantay sa ating ciudad. Kung nais mo raw sumama, magbalot ka na ng iyong mga gamit. Magkikita-kita ang iba't ibang namumuno sa buong alcaldia upang pag-usapan ang nalalapit na rebolusyon."

"Sasama ako," saad ni Anastacia.

Tumawa si Maximiliano. "Talagang matigas ang ulo." Saka niya ipininid ang pinto.

Agad na inayos ni Anastacia ang kanyang mga gamit. Mukhang wala na siyang panahon upang pag-aksayahan niya ang hindi niya maipaliwanag na damdamin. Para sa kanya, mas maiging limutin ang sariling damdamin kaysa ang limutin ang sinimulang layunin.

Kinahapunan, kahit na tila nag-aalinlangan si Donya Gabriela na sumama si Anastacia dahil sa sinapit nito, hindi nagpapigil ang dalaga. Pinasakay siya sa isang karitong puno ng kahoy na panggatong. Pinagtago siya sa isang kahoy na kahon kung saan agad naman niyang naisiksik ang sarili, saka nila tinabunan ng mga kahoy na panggatong upang hindi mahalatang may taong nagtatago roon. Hindi naman siya nag-atubili dahil alam niyang lihim lamang ang pagpupulong na ito at hindi dapat ipahalata ang paglikas.

Dahil sa nababalitaan ng mga opisyales ang malawakang pag-aalsa sa mga karatig bayan, hinigpitan ang paglabas-pasok ng mga mamamayan sa bawat bayan. Lalo pang naligalig ang mga kastila nang malaman nilang unti-unti nang napapasok ng mga Briton (Ingles) ang kabisera sa Maynila. Kaya, tila dumami ang mga guwardiya sibil na umiikot sa bayan. Sa bawat hangganan ng mga bayan, may mga nakatalagang nag-iinspeksyon.

Habang inaayos niya ang sarili sa loob ng kahon, nakapa niyang sa loob ng kahong kanyang kinalalagyan, nakatago ang mga ilang baril at mga itak. Halos mangati ang kanyang ilong dahil sa naamoy niyang pulbura. Ngunit, tiniis ng kanyang ilong ang amoy na iyon. Alam niyang ipinagkatiwala sa kanya nina Donya Gabriela ang karitong iyon. 

Lumakad na ang karitong kanyang sinasakyan. Kahit nauuntog siya dahil sa baku-bakong daan hindi niya inalintana iyon. Para sa kanya, ano ba naman ang kaunting sakripisyo, basta't makarating lang sila sa kanilang kinaroroonan nang maayos at ligtas. Ngunit, ilang saglit pa, bigla itong tumigil. Nakarinig siya ng mga lalaking nag-uusap. Kinabahan siya dahil baka iniinspeksyon nila ang loob ng kariton. Habang tahimik na nakikiramdam si Anastacia, tila nais niyang bumahing. Sinubukan niyang pigilan ito. Ngunit habang lalo niyang pinipigilan ito, lalo namang nais nyang bumahing.

"Ahh...tsingggg!"

Hindi na mapigilan ni Anastacia ang sarili. Lalo siyang pinagpawisan. Nag-aalala siyang baka malaman nilang may tao sa loob ng kahong nasa ilalim ng mga kahoy na panggatong. At kapag nangyari iyon, baka maghinala sila't tuluyang makita ang iba pang karga ng kahong kinalalagyan niya.  Nararamdaman na niya na isa-isang dinidiskarga ang mga kahoy sa loob ng kariton. Mahuhuli na yata siya! Napakrus siya at sinubukan niyang tawagin ang lahat ng santong kakilala niya habang nakapikit.

Naririnig na rin niyang bubuksan na ang kahong kinalalagyan niya. Tumunog ang bisagra ng kahoy, na hudyat na bubuksan na ito. Ibinukas niya ang isa niyang mata upang silipin kung ano na ang nangyayari. Laking gulat niya nang nakikita na niya ang langit at tila nakikita na nilang siya ang nasa loob ng kahon, kasama ang mga armas ng kanilang samahan.

Continue Reading

You'll Also Like

70.7K 2.5K 15
"You are aptly named, a Goddess of War and a maze. Pero tingnan natin kung sino ang mananalo, dahil bukod sa hindi ako umuurong sa gulo, magsolve ng...
1.2K 117 65
Ang buhay natin ay napaka-ikli lamang. Kaya sa maikling panahon naiyon matuto tayong mag patawad, mag bigay, makipag kilala sa iba at mag mahal. Kung...
6.6K 667 35
Katherine hated arranged marriage. Bata pa lang siya pinaalam na sa kanya ng mga magulang ang kasundoan ng pamilya ng mapapangasawa niya. Dahil sa ka...
1.3K 83 39
tadhana // ikatatlong serye ng pag-ibig Si Anastacia, isang binibini na binansagan bilang isang perpektong binibini sapagkat ang lahat ay nasa kaniya...
Wattpad App - Unlock exclusive features