Nahilo na yata ako sa sakit ng ulo hatid nang dalawang bata na kasama ko. Kanina pa sila hindi magkasundo kung ano ang gusto, pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao.
Nga pala nasa supermarket kami ng isang mall ngayon. Wala na kasing laman ang fridge sa bahay grabe kasi makapagluto si Jiro inubos yata lahat ang stock namin. Kaya napag desisyunan ko na lang mag grocery total binigyan naman ako ng pera ni ate Sam bago siya umalis para magbakasyon grande.
Kami lang sana dapat ni Rhitz ang mag gogrocery kaso nag insist na sumama ang isa pang bata na itatago natin sa pangalan na Prince.
Dahil nasa school sina Jiro at Ichiro at dala ang kotse. Nagpatawag pa talaga ng sasakyan at pinadala sa bahay kanina para may magamit kami. Diba Prinsipe talaga sya! Pwede naman sana mag taxi nalang kami pero sya kasi si Prince Ryota kaya sya ang nasunod kahit extra lang sana sya sa lakad na ito.
Iniwan ko muna sila saglit sa gamezone pagkatapos naman mamili dahil tumawag si ate Sam para mangumusta. Medyo natagalan ang pag-uusap namin ni ate kaya nang matapos ay dali akong bumalik baka kasi kung anong gulo na ang ginawa ng dalawa o baka tiniris na ni Prince si Rhitz dahil sa kakulitan nito.
Hinapan ko sila sa loob pero wala. Nilibot kuno ang buong gamezone pero hindi ko parin sila matagpuan kaya kinutuban na ako nang masama baka kasi kung ano na ang ginawa ni Prince sa bata.
Kaya naman laking tuwa ko nang mahagilap ko sila sa katabing fastfood ng gamezone. Nakaupo lang si Rhitz at sinusubuan siya ng pagkain ni Prince. Napangiti ako habang pinagmasdan sila pwede naman pala sila magkasundo.
Ngunit nawala bigla ang ngiti ko nang papalapit na ako at ilang hakbang na lang ay may babaeng umupo sa table nila at may dala ring tray nang pagkain at kung titingnan ay parang magkakilala sila at panay ang halukipkip ng babae habang tumatawa na parang naiipit sa pader.
Sa inis padabog ako na lumapit sa kanila. Iwan ko kung bakit ako naiinis sa nakita na hindi naman dapat.
"Did I miss something here?" Marunong akong magtaray at mag english ng straight paggalit. Ngumiti ako kay Prince at binalingan din nang tingin ang babae. Tingin na nagpapahiwatig nang "back off b*tch." Sana gets nya pero parang walang nangyari. Pretting pretty parin nakaupo si girl.
"Honey, you are here na. Kanina pa kita hinihintay. Tagal mo." Pagrereklamu ng bata.
"Sorry baby ko, may kausap lang si honey. Tapos kana bang kumain?" Tumango naman sya agad. "Tara, uwi na tayo. Parang busy si superman ngayon." At inisnaban si girl at tinitigan nang masama si boy.
"Shoon, I will explain." Awat ni Prince sa akin nang paalis na kami ni Rhetz.
"Sorry, parang nagkamali ako ng table na nilapitan." Sabi nung girl at patayo na sya.
"No girl, don't be shy you are in the right place. You know each other right?" Taray na kung taray inis ako eh. Ngumiti naman ang babae sa akin at hinawi pa ang buhok nya paipit sa likod ng tenga.
"Yeah, we meet once. That unforgettable night with him." Ang tamis nang ngiti habang nakatingin kay Prince na umiiwas pa nang tingin sa akin.
"Oh, really you have unforgettable night together." Pangiti-ngiti ko ring sagot, ang sarap na sapakin ni Prince Ryota.
"Yeah, that night was amazing. He was so amazing." Hindi parin maalis ang titig nya kay Prince. Ano ba kasing meron sa night na yun! Grrr...
"Shoon, lets go. I will explain later." Si Prince na humila sa akin palabas ng fastfood.
"Thank you for that night, for saving me superman." Habol nung girl pero hindi na sya pinansin ni Prince kaya ni lingon ko ang babae at naroon parin ang tamis ng ngiti nito.
Sa parking lot, halos patakbo na ako habang karga ni Rhitz papunta sa kotse para lang hindi kami maabotan ni Prince na nakasunod lang. Pinauna ko si Rhitz sa loob ng sasakyan at nang susunod na sana ako ay hinila nya ako palabas at sinara ang pinto.
"You're jealous, am I right?" Nakasalubong ang kilay nya na tanong sa akin pero naka arko ang mga labi na parang may pigil na ngiti. Hindi ko tuloy mawari kung galit ba siya o natutuwa.
"Wag ka ngang feeler. Alis dyan!" Tinulak ko siya palayo sa akin para mabuksan ko ang pinto ng kotse. Pinasandal nya kasi ako sa kotse kaya hindi ko mabuksan. "Alis na sabi! Gusto na namin umuwi." Tulak ko parin sya ngunit sinasadya nya naman magpabigat nang katawan kaya nahirapan ako lalo.
Sa gitna nang eksina namin na tulakan sa parking lot may bigla na lang lumitaw na kpop artist at natigil ako sa pakipagbuno. Sisigaw sana ako at sasabihin na I Love you Oppa!
"Hey!" Lalo nanlaki ang mata ko dahil tinawag niya ako at ngumiti pa siya. Ang gwapo niya talaga parang si Chanyeol ng EXO. Ngunit nawala lahat ng daydream ko nang lumingon si Prince at hinarap si Kpop.
"What brings you here, Hero?" Nganga ako, magkakilala sila ni Kpop?
"Ryota, how about give me a hug first?" Lalo lumawak ang ngiti ni Kpop at niyakap si Prince na nakatayo lang na parang tuod. Gusto ko sanang sumikit para makiyakap din ako.
"I said what brings you here?" Mas may diin na ang tanong ni Prince, galit na ba sya?
"Fine." Umayos nang tayo si Kpop at namulsa. "I'm here because of you."
"Why?" Nagtitigan lang sila. Parang eksina lang sa pelikula dalawang matatangkad, matipuno ang katawan, at gwapong mga bida pinag-aagawan ang magandang babaeng tulad ko. Ngarap pa Shoon. Geh, libre lang naman. Saway sa akin ni atribidang isipan.
"Because I miss you." Ngumiti na naman ito at akma yayakap sana kay Prince pero laking gulat ko dahil dumiretso sya nang yakap sa akin. Pero ilang seconds lang yun dahil tumilapon na siya agad sa semento ng parking area.
"Prince!" Sigaw ko sa gulat. Ang bilis kasi ng pangyayari hindi ko pa na enjoy ang yakap ni poging kpop.
Binuksan ni Prince ang pinto nang front seat at tinulak ako papasok. Pinagmasdan ko lang sila mula sa loob. Hindi naman sila nag away. Normal at mukhang kalmado lang sila nag-usap pagkatapos ay pumasok na si Prince sa driver seat. Kumaway pa yung gwapong kpop sa amin bago kami umalis.
"Like I said, I will explain." Sabi nya sa gitna nang tahimik naming byahe pauwi. Nilingon pa nya si Rhitz na natutulog sa likod.
"Hindi mo na kailangan magpaliwanag. Ipakilala mo na lang ako sa kpop na yun. Kwits na tayo." Tumingin siya saglit sa akin tapos binalik muli ang atensyon sa pagmamaniho.
"Kpop? You mean si Hero?" Hindi man siya nakatingin sa akin pero yung kilay nya nagsalubog pagbinabanggit ang pangalan ni kpop.
"Ahh..Hero pala pangalan nya." Buong paghanga sambit ko sa pangalan nya. Hindi matago ang ngiti ko pagnaalala ko ang itsura ni kpop kanina.
"You like him?" Tanong nya ulit.
"Huh? Ano hindi ah!" Pagtanggi ko. Pinikpik ko pa ang pisngi ko kasi piling ko namumula ako, nakakahiya baka makita ni Prince kahit hindi naman sya tumitingin sa akin. "You like her?" Balik ko tanong sa kanya nang makabawi na ako sa sarili.
"She is not my type. I already like someone else." Diretso niyang sagot. "It just happened I meet here few days ago. I just meet her accidentally. Pinalayas mo kasi ako kaya ko siya na meet ng gabing iyon."
"At kailan pa kita pinalayas? Wag ka ngang mangbintang nang kung anu-ano dyan! Manglalandi ka na nga lang ako pa ang gawin mo na dahilan." Pagrereklamu ko. I even cross my arms in disagreement.
"Noong isang araw diba natakot ka sa akin? Yun ang gabing pinalayas mo ako. Hindi mo ako pinauwi ng bahay." Pagpapaalala nya.
"Hindi kita pinalayas! Ginusto mo yun para may pagkakataon ka magkita kayo nang kiringking na yun. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sayo nun tapos ikaw, maykalandian lang pala sa gabing iyon." Hindi ko na natago ang pagkainis ko sa kanila ng babae.
"At ano yung, amazing night nyo ha?!" Singhal ko sa kanya. Dahilan para ihinto niya ang sasakyan sa tabi at binalingan ako nang tingin.
"You are jealous." Ngumiti siya at hinaplos pa ang aking pisngi. "I just save her life that night. I become her superman for a night but I will be your superman forever. I am your superman in your whole life." Hindi ko alam kung bakit pero tumagos lahat nang sinabi nya sa kaibuturan ng aking kaluluwa at napaluha ako.
Hinaplos nya muli ang pisngi ko at pinahid ang kumawalang luha. Kasunod nun ay ang unti unting paglapit ng kanyang mukha. Ramdam ko ang init ng kanya hininga at grabe yung dagundong puso ko rinig hangang kailaliman ng eardrums ko. Napapikit na lang ako dahil alam ko na this is it. Ito na ang tinatawag nilang unang halik.
"Honey, are we home na?" Napabalikwas si Prince at umayos ng upo at gayun din ang ginawa ko.
Bumangon si Rhetz mula sa pagkahiga akala niya dumating na kami sa bahay dahil nakahinto ang kotse. Bumalik naman agad ito sa pagtulog nang paglinga niya ay nasa highway parin kami.
Walang imikan kaming dalawa nang paandarin nya na ulit ang kotse. Nakakahiya ang moment na yun kaya binaling ko sa kabila ang aking atensyon. Ayaw ko siyang tingnan kahit sulyapan dahil baka magtawanan lang kami.
Pero sakalagitnaan ng byahe ay bigla na lang akong sininok. Pinigil ko ang pagsinok dahil nakakahiya lalo, pero the more na piligilan ko mas lalo lang lumalakas at dumadalas ang pagsinok ko.
Binalingan ko na lang siya nang masamang titig dahil natirinig ko siyang tumawa nang malakas. Sa inis ko binato ko siya nang empty mineral water.