The Outbreak:Infection Island...

By TheChosenOneUGC

8.7K 447 300

Hell in Paradise Apat na magpipinsang nagbabakasyon. Isang siga at ang girlfriend niyang gusto nang humiwalay... More

The Outbreak
Prologue
Chapter 1: Welcome Back to the Philippines
Chapter 2: A Confrontation
Chapter 3: New Life Pharmaceuticals
Chapter 4: An Invitation
Chapter 5: The Deal
Chapter 6: A Sibling Rivalry
Chapter 7 : Lyn-Lyn
Chapter 8: A "Little" Payback
Chapter 9: Leaving Home
Chapter 10: Simon Seaside Resort
Chapter 11: Killer Virus
Chapter 12: Another Confrontation
Chapter 13: <Untitled Chapter>
Chapter 14: Partially Calm Before the Storm
Chapter 15:Sunset
Chapter 17:Chaos In Town
Chapter 18:Party Crasher
Chapter 19:Escape Act
Chapter 20:Family Matters
Chapter 21:Men on a Mission
Chapter 22:Resort Escape
Chapter 23:Hell Hospital
Chapter 24:Stranded
Chapter 25: Welcome To St.Padre Pio
Chapter 26: Another Enemy
Chapter 27:Tough Decisions,Wrong Decisions
Chapter 28:Tired Souls
Chapter 29:
Chapter 30:Guardians
Chapter 31:One Hell of a Journey
Chapter 32:A Small World
Untitled Part 36
Chapter 34: Sacrifices
Chapter 35: The Base
Chapter 36: Rescue's Coming
Chapter 37: Hangar Brawl
Chapter 38: The Escape
Chapter 39: Saving Miguel
Chapter 40: Moving On

Chapter 16:A Lone Father

198 11 5
By TheChosenOneUGC

"Does anyone know what the hell is happening here?We've got 6 consecutive cases here of dog bites."Napansin ng doktor ang sunod-sunod na pagdating ng pasyenteng kinagat ng alaga nilang aso."Call Dr.Wilson.We need his help here."Agad tinawagan ng nurse si Dr.Wilson.Habang ginagawa niya iyon ay may dumating pang apat na pasyente sa ospital.Isa lang ang problema nila:kagat ng aso.


"Yeah.I'll be there in 10 minutes."Agad lumabas si Dr.Wilson sa kanyang opisina.Alam niya na kung ano ang nangyayari.Sana nga lang,hindi na ito lumala at mapigilan nila agad.O kung hindi,worst case scenario.

Papalabas na sana siya nang makasalubong ang kanyang colleague na si Dra.Marie Vasquez.Nasa mid-thirties na ang babae."Saan ka pupunta?"tanong ni Dr.Wilson.Hindi niya inaasahan ang pagalis ng doktora."I had to leave now.Family issues na kailangan kong ayusin,"paliwanag ni Dra.Marie.Tumango ang doktor."Sige.Magingat ka na lang sa biyahe.Bilisan mo dahil may bagyo daw na malapit sa islang ito.Take care."Sabay silang lumabas ng building.Dumiretso si Dr.Wilson sa kotse niya samantalang sa helicopter sumakay si Dra.Marie.


*******************************************************************************

"Unlike the usual cases na na-encounter namin dati,this one seems different.Normally,patients would not feel anything weird.Pero as of now,some patients had been observed to display some kind of...weird things,"paliwanag ng doktor.


"Weird?Like what?"


"The most noticeable thing is their extreme agressiveness.As if gusto nilang mangagat.We actually restrained some of them while we injected other victims with medicines to make them calm."


"Ok.Do your best to cure them...or whatever you need to do...".Halatang ang pangngining sa boses ni Dr.Wilson.Sana nga lang,hindi nangyayari ang iniisip niya.Sana nga lang...


"Kinakabahan ka yata,Dr.Wilson.Bihira na nakikita kitang ganyan.May problema ba?"tanong ng doktor.Napansin niya ang panginginig sa boses ng doktor.


"Wala naman.Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganitong reaction sa rabies.Ganito karaming cases.Within an hour."


"Maybe it was just a coincidence na..."Nagulat ang dalawang doktor nang humahangos na lumapit sa kanila ang isang nurse.May dugo ito sa kamay at sa puti nitong uniform.


Sa puntong iyon,alam na ni Dr.Wilson na may nangyayari na talagang masama.Gayunman,alam niyang kaya pa nila itong mapigilan. Yun ay kung kaya nila...

***************************************************************************

Napansin ni Jeannine na tila magulo sa entrance ng emergency room ng ospital.Kabibili lamang niya nang pagkain para sa Tito Leandro niya at sa kaniyang staff.Kasama niya si Ariel,ang cameraman ng team niya.Hindi napigilan ni Jeannine na magtanong sa isang bystander malapit sa entrance.


"Excuse me.Bakit parang maraming sinusugod ngayon sa emergency room?May nangyari bang aksidente?"


"Wala naman po.Sa pagkakaalam ko,mga kinagat po daw yan ng aso."


"Kinagat ng aso?"


"Opo."


Sa kalagitnaan ng kanilang paguusap,isa pang pasyente ang ipinasok sa ospital.Sa dami ng mga pasyente na sinusugod,halatang natataranta na ang mga staff ng ospital.Lumabas ang isang nurse na nakatawag pansin kay Jeannine.May bahid ng dugo ang halos kalahati ng uniform nito.Tinanong ito ni Jeannine."Ano pong nangyayari dito?May aksidente ba?"


"Cases lang po ito ng dog bites.Pero parang hindi na normal ang nangyayari..."paliwanag ng nurse.


"Ba't ang dami yatang dugo sa uniform mo?"


"Yung iba po kasing pasyente,sumuka na lang po bigla ng dugo.Then parang nagwawala naman yung iba...Ah basta!Hindi na po normal ang mga nangyayari ngayon..."Umalis ang nurse upang asikasuhin ang mga paparating na pasyente.Napatingin si Jeannnine sa dala-dalang pagkain.Mukhang nawalan siya ng gana.


"Ariel,dalhin muna natin itong mga pagkain sa Tito ko."Hindi pa rin maalis ni Jeannine ang pagtingin sa entrance ng emergency room.Bago mawala sa paningin niya ang emergency room,isa na namang pasyente ang ipinasok sa loob.Kinabahan na siya.


"Parang eksena lang sa pelikula 'no?"sabi ni Ariel habang papunta sa elevator."Parang pelikula about zombies."


"Ariel,zombies are not real.Sa buong career ko sa media,wala pa akong nababalitaang zombies or any similar cases.Once your dead,you're dead.Unless miracle takes place."Sumakay sila sa elevator papuntang third floor.Hindi pa rin maalis sa isip ni Jeannine ang nadatnan kanina sa emergency room.


Pagakalabas nila ng elevator ay dumiretso sila sa Room 313,ang kuwarto ng Tiyo Leandro niya.Nakasalubong nila ang doktor at nurse na palabas ng kuwarto."Kamusta na po ang tito ko?Maayos na po ba siya?"

"Well,all I can say is that your uncle's one tough guy.Mabilis siyang nakakarecover.Natanggal na namin ang shrapnel ng bomba sa braso niya.As a matter of fact,may malay na siya ngayon.Pero as much as possible,'wag niyo siyang biglain tungkol sa nangyari sa pamilya niya.By the way,nakikiramay kami sa nangyari sa pamilya niya."sabi ng doktor.


"Maraming salamat po."Pagkasabi niya ay umalis na ang doktor.Pumasok si Jeannine at Ariel sa loob.Gising na nga si Leandro at nakikipag-usap na sa mga kasamahan ni Jeannine.Nginitian nito ang pamangkin.


"Musta na po pakiramdam niyo Tito?Ok na?"


"Ayos naman.Masakit nga lang ng kaunti yung sugat ko dito sa braso ko."Tiningnan ni Jeannine ang parteng may benda sa kaliwang braso ng tito niya na tinamaan ng shrapnel.


"Jeannine,kamusta na nga pala si Cora?"Si Cora ay ang tiyahin ni Jeannine na namatay sa pagsabog ng granada.Agad niyang naalala ang bilin ng doktor na wag biglain ang tiyo niya tungkol sa balita.


Bumuntong-hininga si Jeannine.Tahimik sa buong kuwarto at tanging ang mahinang pag-ugong ng aircon.Alam ni Jeannine na hindi ito magiging madali para sa tiyo niya.

**************************************************************************

Nagmamaneho pauwi si Mr.Oliveros galing sa dog fair.Kapapabakuna lamang niya sa alagang St.Bernard(isang uri ng aso)sa plasa kaninang umaga.Buti na lamang ay libre na ang bakuna na binigay kanina.


Tiningnan niya ang kanyang relo."Sana naman nakabili na si yaya ng dog food mo,Panzer."Sinulyapan niya ang alaga na natutulog sa likuran.May kalakihan ang aso niya kung titingnan,pero na-train ito upang hindi maging masyadong agresibo.


Habang nagmamaneho ay narinig niya ang aso niya na tila kumahol.Lumingon siya at ganun na lamang ang pagkagulat niya nang makita ang kanyang aso na nanlilisik na ang mata at naglalaway."Panzer?Ok ka lang?"


Isang segundo lamang ang lumipas nang dinambahan siya ng alaga at kinagat sa leeg.Itinulak niya ang aso palayo sa kanya.Agad niyang itinabi ang kotse sa tabi ng daan at lumabas.Sinubukan pa niyang isara ang pinto upang hindi makalabas ang aso,pero dahil sa laki nito ay hindi na kinaya ni Mr.Oliveros ang lakas ni Panzer.Tumilapon siya.Sinundan pa iyon ng isa pang pagkagat sa binti.Natanggal doon ang isang napakalaking piraso ng laman.Hindi na natiis ni Mr.Oliveros ang sakit,dahilan upang sumigaw na siya nang

malakas.Dinambahan pa ni Panzer ang amo at saka nito ibinaon ang mga pangil sa kanyang tiyan.Halos mapunit na ang lalamunan ni Mr.Oliveros sa pagsigaw.Gamit ang natitirang lakas,pilit niyang inalis ang aso sa tiyan niya.Isang higit pa sa kanyang alaga at nahila na nito ang kanyang lamang-loob.Sunod noon,walang-hanggang kadiliman na ang tuluyang sumalubong sa kanya.

*************************************************************************

Naglalakad pauwi si Eric matapos ang isang buong araw sa sakahan.Kanina pa nakauwi ang tatay niya dahil sumama ang pakiramdam nito.Dala-dala niya pauwi ang itak na naiwan ng tatay niya sa bukid kanina.Pasipol-sipol siya habang binabagtas ang maalikabok na daanan papunta sa barong-barong nila.

Maya-maya,napansin niya ang tila pagkaluskos sa damuhan.Tumigil siya at inihanda ang itak ng tatay niya.Paatras siyang naglakad habang nakatutok ang itak sa pinagmumulan ng kaluskos.Nagsimulan na siyang pagpawisan."Sinong nandiyan?"kinakabahan niyang tanong.Sandaling nawala ang kaluskos.Agad pinakiramdaman ni Eric ang paligid.


Muling lumakad si Eric makalipas ang ilang sandali.Hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa talahiban.Sa di-kalayuan ay natanaw na niya ang kanilang kubo.Muli siyang nakarinig ng kaluskos.Naramdaman niyang may sumusunod na sa kanya.


Sumunod ay ilang segundo ng katahimikan.Muli niyang pinakiramdaman ang paligid.


"Guni-guni ko lang siguro yun.Pagod na yata ako...",bulong ni Eric sa sarili.Itinuloy niya ulit ang paglalakad.


Ilang hakbang pa at....


GRRRRRRRRRRRRRRRROOOOOOOOOOWWWLLLLLLLLL!!!!


Tumalon kay Eric ang isang napakalaking hayop.Sa gulat ay nabitawan ni Eric ang kanyang itak.Kinagat siya ng nilalang na iyon sa balikat at saka hinigit ang malaking masa ng laman doon.Sariwang dugo ang umagos sa pinagkagatan ng hayop.Ubod-lakas niyang tinadyakan ang kung anumang hayop ang sumalakay sa kanya.Dahil sa liwanag ng buwan,nakita niya ang anyo ng nilalang.

Isang napakalaking aso!Namumula ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.Bumilis ang tibok ng puso ni Eric.Lumingon siya at hinanap ang itak.

Mali.Hindi pala siya dapat lumingon.Iyon kasi ang hinihintay nitong tiyempo.

Kinagat naman nito ang binti ni Eric.Pumalahaw na si Eric sa sobrang sakit na nararamdaman.Sa sobrang lakas ng pagkagat ng aso sa binti niya,naramdaman niya ang tila pagkabali ng binti niya.Halatang gustong tanggalin ng aso ang binti ni Eric.


Naabot ni Eric ang itak at itinarak niya ito sa ulo ng aso.Isa pang taga at bumagsak ang katawan ng aso sa lupa.Nakita ni Eric na nag-iba ang anggulo ng binti niya.Nabali na ito.


Gamit ang natitirang lakas ay iginapang ni Eric ang sarili papunta sa kubo nila."Itay!Inay!Angeline!Buksan niyo ang pinto!"Nang oras na yun ay kumakain na ng hapunan sina Ka Isko.Narinig nila ang sigaw ni Eric."Isko!Si Eric yun di'ba?",tanong ni Aling Dolor,ang asawa ni Ka Isko.


Tumayo sila at agad pumunta sa pintuan.Nadatnan nila si Eric,nakalahad ang braso sa kanila habang humihingi ng tulong.Kitang-kita ang napakalaking uka sa kanang balikat ni Eric kung saan siya kinagat ng aso.Muntik nang panawan ng ulirat si Angeline sa sobrang hindik na nararamdaman.Napaantanda naman si Aling Dolor sa nangyari sa anak."Anong nangyari sa'yo Eric?"natatarantang tanong ni Ka Isko.


"Itay...may...napakalaking...aso na...uma...umatake...sa...a...akin...",pautal-utal na sabi ni Eric habang sumusuka ng dugo.Tumingin si Ka Isko sa direksyon na itinuturo ni Eric.Naaninaw niya ang tila malaking bulto ng isang hayop sa daanan.Ito marahil ang umatake sa anak niya.Tumabi si Angeline sa kapatid.Nagulat silang tatlo nang sumuka si Eric ng napakaraming dugo kay Angeline.Kasunod nito ay ang tila pagkombulsyon ni Eric at ang pamumuti ng mata nito.


Hindi nila inaasahan ang sumunod na nangyari.


Nagulat ang mag-asawang Ka Isko at Aling Dolor nang kinagat ni Eric ang bunso niyang kapatid sa braso.Pumaibabaw ito at patuloy na kinagat ang sumisigaw na si Angeline.Tila natuod sa kinatatayuan niya si Ka Isko.Agad inilayo ni Aling Dolor si Angeline kay Eric.Dahil doon ay siya naman ang inatake at kinagat ng anak.Doon na natauhan si Ka Isko sa nangyayari at agad tinaga ang anak sa tiyan.Tumagos ang itak sa sobrang lakas ng pagkakataga.


Ganun din ang nangyari kay Angeline.Tulad ng kapatid niya,tila nawala siya sa sarili at kinagat naman si Aling Dolor sa batok.Natumba ang nanay niya.Alam na ni Ka Isko na may hindi na magandang mangyayari.Pumuwesto si Ka Isko sa likuran at sinaksak ang anak ng paulit-ulit.Bumagsak ang walang buhay na katawan ni Angeline sa ibabaw ni Aling Dolor.


Itinayo agad ni Ka Isko ang asawa at sabay na naglakad papuntang main road.Nanghihina na ang asawa niya bunga ng maraming dugong nawala sa kanya.


Habang nasa tabi ng daan ay napansin ni Ka Isko ang pagsuka ng dugo ng kanyang asawa.Nang umangat ang ulo nito ay nakita nito ang namumuting mata ng asawa.Sinunggaban ni Aling Dolor ang asawa at tinangka nitong kagatin si Ka Isko.Nagpambuno ang mag-asawa.


Sa di-kalayuan ay nagpapatrolya ang grupo ni PO1 Victor Sanchez.Napansin nila ang komosyon nina Ka Isko at Aling Dolor.Bilang mga alagad ng batas,nilapitan nila ang mag-asawa upang maawat.


Alam na ni Ka Isko na hindi na si Aling Dolor ang nasa harapan niya,kundi ay isang halimaw.Gamit ang itak ay pinugutan niya ang asawa.


Nakita ito nina PO1 Sanchez.


Ilang minuto ang lumipas at nakaposas na isinakay si Ka Isko sa police mobile.Tumawag ang kasamang pulis ni PO1 Sanchez ng iba pang pulis upang imbestigahan ang lugar.





Continue Reading

You'll Also Like

7K 285 31
Nagkalat na ang virus. Ito na ang simula. nagkagulo na ang mundo napuno na ng mga halimaw na kung tawagin ay "zombie" matapos mangyari ang isang p...
201K 10.2K 60
[COMPLETED] [UNDER REVISION] Pangyayaring hindi INAASAHAN Patay na nabuhay na hindi ka TATANTANAN Na tila nakikipaghabulan sa KAMATAYAN Paano kaya ni...
41.2K 2.4K 50
Sa pagkawala ng isang babae kasama ang grupo nito, ay siya namang pagbukas ng isang lihim mula sa lugar na hindi pa natutuklasan ng karamihan. Isang...
46.9K 1.1K 44
"He's a living dead, and the only way that can kill him is to fall in love." Probably the most ridiculous story that I ever made! Deymn! HAHAHA Suppo...
Wattpad App - Unlock exclusive features