Chapter Twenty Six
Nagising ako ng 6am dahil sa hindi ko malamang dahilan. Dahil ba ito sa nangyari kagabi? Siguro nga dahil doon sa sobrang dami kong nakita npat narinig na pinagtataka ko kahapon kaya ang aga ko nagising ngayon. Hindi rin kasi ako nakatulog ng maayos kagabi. Ang dami ko kasing iniisip.
Shawn? Bakit Shawn ang tawag ni ate Amy kay Angelo? Bakit hindi siya tinatawag nitong Angelo? Bakit Shawn din ang tawag sakanya ng mga bata doon sa orphanage?
Si Kurt... Bakit nung dapat susunduin niya ako doon sa orphanage may kaholdig hands siyang babae? Ano ibigsabihin non? Niloloko lang ba ako ni Kurt? Imposible.
Dahil sa maaga ako nagising at 8am na ngayon bumaba na ako para kumain ng umagahan at hindi ko inaasahang makikita ko si kuya Jerry, Kuya Jeremy at Angelo na sabay sabay kukakain sa hapag. Aakyat ulit sana ako nang bigla akong tawagin ni kuya Jerry.
"Where are you going, princess? Come here and eat your breakfast." Shiz! Kapag si kuya Jery talaga tumatawagsakin ng princess hindi ka makakahindi. Si kuya Jeremy kasi minsan inaasar pa ako kaya minsan di ako sumusunod sakanya. Tss.
"Okay. I'm coming..." wala na akong nagawa kundi umupo nalang sa upuan ko. Ang tahimik namin kumain pero okay lang para mas mabilis din akong makakatapos sa kinakain ko at magaayos pa ako para pumasok.
"Kumusta tulog mo?" napatingin ako kay Angelo pati sila kuya napatingin sakanya sa tanong niya sakin. At pakiramdam ko namumula na ako ngayon sa hindi ko malamang dahilin. Nakakainis! "Oh ba't ka namumula?" aba dinugtungan pa! Kaya sinipa ko siya at kita sa mukha niyang nasaktan siya. Katabi ko kasi siya kaya magsuffer siya!
Nakakunot noo lang mga noo nila kuya at nakatingin lang sila saming dalawa kaya nagsmile lang ako pagkatapos sinamaan ko ng tingin si Angelo pero di pa din siya natinag at magsasalita pa dapat kaso tumayo na ako sa upuan ko "Mauuna na ako."
"Saan ka naman pupunta?" tanong sakin ni kuya Jeremy
"Papas---"
"Di ka papasok." sabi ulit ni kuya Jeremy
"Ba---"
"Pupunta tayong Laguna ngayon." sabi naman ni kuya Jerry
Lumaki mata ko at napatalon ako "OMG! SERYOSO? YEEEES! KAYO BA KASAMA KO? PLEASE AYOKO NG MAGULO DON. KUYA JEREMY AT KUYA JERRY KUNG KAYO PA LANG MAGULO NA SA GAMIT SINAMA NIYO PA SI ANGELO. WAG NIYO AKO PAHIRAPAN DON AH? BAKA GAWIN NIYO AKONG KATULONG DON."
Natawa lang sila sa mga sinabi ko at sabay sabay pa silang nagsabi na hindi daw nila ako pahihirapan at itituring daw nila akong prinsesa. Aba dapat lang! Sila ang mga prinsipe ko. Naks! Gwapo naman ng mga prinsipe ko. Lalo na mga kuya ko. Hay! Ang sarap talaga magkaroon ng kapatid na lalaki.
"You should pack your things na, Camila. Kasi kami naayos na namin. 10am tayo aalis kaya you need to hurry."
Inabot ako ng 30min sa pagkuha at pag-ayos ng gamit ko para sa mga dadalhin ko sa Laguna.
Pagkasabi pa lang ni kuya Jerry yan tumakbo na ako papuntang kwarto ko para naman makakuha na ako ng matinong damit na gagamitin ko don. 3 days lang daw kami doon dahil this Saturday na pala prom namin. Meron pala kami non? Bakit di ko alam?
Inabot ako ng 30min sa pagkuha at pag-ayos ng gamit ko para sa mga dadalhin ko sa Laguna.
Palabas na ako ng kwarto nakita ko agad si Angelo na nag-aantay sa labas ng kwarto ko. Aba! porket nakaayos na gamit nila pachill chill nalang siya. nang makita niya ako dali dali niyang kinuha sakin yung bag na dadalhin ko sa Laguna.
"Problema mo? Kaya ko naman buhatin yan e."
"Tinutulungan lang kita ah." sabi pa niya habang nakakamot pa sa ulo niya. Tss.
"Di ko kailangan ng tulong mo."
Iniwasan ko kagad siya kaso nagsalita nanaman siya.
"Tulog ka nung sinabi ng isa nating teacher yung tungkol sa prom..." tinignan ko siya and ang look kong tinatanong-ba-kita pero nagpatuloy lang siya sa pagsalita "Siguro pinapaginipan mo ako non, ang himbing nga ng tulog mo nun eh."
Napakunot noo ako at lumaki mata ko pagkatapos ay pinalo ko siya sa dibdib niya at tumawa naman siya kagad "Kapal mo! Di lang ako interesado sa prom na yan kaya siguro nakatulog ako non. Tss"
Magsasalita na dapat siya kaso biglang nagring yung phone ko kaya sinagot ko yon
"yes babe?"
[Bakit di ka pumasok? I miss you.]
"sorry di kita nasabihan. Pupunta daw kasi kami sa Laguna for 3 days."
[WHAT?! May sasabihin sana ako sayo ngayon eh. Kaso wala ka sa school and mawawala ka ng 3 days so ngayon nalang.]
"sure, ano ba yon?"
[ikaw ang date ko sa prom. Kapag may nagyaya sayong iba tumanggi ka. Ako lang dapat ang date mo.]
That made me smile. Shiz! "opo babe. Ikaw ang date ko sa prom."
[Dapat lang, babe. Susunduin kita diyan sa inyo sa prom okay?]
"Sure, i'll wait for you."
[Okay. Ingat nga pala sa pagpunta niyo sa Laguna. I need to go na. It's our Physics class na.]
"thanks babe."
Pagkatapos ay pinatay ko na ang tawag niya sakin. OMG NIYAYA AKO NG BOYFRIEND KONG MAGDATE SA PROM HIHIHI. Nakakatuwa kasi ako ang niyaya niya. Aba dapat lang! Baka kung ano magawa ko kapag nalaman kong iba ang niyaya niya at hindi ako.
"Oh? Ang saya mo na. Tss. Lika na." yun lang ang sabi ni Angelo pagkatapos ay tuluyan na kaming bumaba dito sa second floor.
Sabi naman sakin ni kuya Jeremy perfect timingg naman daw ang pagbaba namin dahil paalis na daw kami. Mabuti nalang talaga nakapack up kagad ako ng gamit ko.
Nang ilalagay na ni Angelo gamit ko sa likod ng kotse namin nagkomento nanaman siya. Kelan ba titigil bibig niya? Ang daldal niya ngayon. Nakakapanibago. "Ilang bato ba nandito sa bag mo? 3 days lang tayo don sa Laguna parang pang 1 week dala mo." sabi niya pagkatapos ay ngumisi lang siya at nilagay na niya bag ko sa likod ng kotse.
"Inggit ka? Gaya ka."
Sasakay sana ako sa passenger seat kaso pinigilan ako ni kuya Jeremy na ngayon ay nasa Driver's seat.
"Doon ka sa likod. Si Jerry diyan sa Passenger seat."
"Eh? Ayokong makatabi si Angelo sa likod." tas akmang uupo na sana ako kaso bigla na,an akong pinigilan ni kuya Jerry
"Wag nang makulit Camila."
"Okay fine."
I have no choice kasi sa huli ako rin talo sakanilang dalawa. Aish. Bayaan mo na nga. Nasa left side ako at si Angelo naman ay nasa kabilang dulo.
Hindi ko talaga makalimutan mga nangyari kagabi. Parang its too much for just one day. Nakakalito. Nakakabaliw. Naalala ko nanaman yung nakita kong may kasama si Kurt na babas. Shiz! Sana naman hindi niya ako niloloko.
Hindi ko maimagine ang gagawin ko kapag nalaman kong niloloko lang ako ni Kurt. Hindi ko alam pero sana mali nga yung kutob ko. Aish. Ayoko munang isipin yon. Gusto ko munang magsaya ngayon.
"Hindi mo pa sinasagot tanong ko sayo. Kanina pa yon." biglang sabi ni Angelo sakin. Hindi ko siya sinagot at nakatingin pa din ako sa labas ng kotse "Kumusta tulog mo?"
Napatingin ako ng wala sa oras sakanya "Shut up! Angelo naman eh!" tumawa lang siya. Wtf? Ano makukuha ko sa tawa niya?
"I'm just kidding. Gusto ko lang kasi makita yung pagblush mo." sabi nia at saka ngumiti. Baliw na ba siya?
After non hindi na niya ako ginulo. Medyo inaantok na rin ako kasi medyo pazigzag na kami at ayokong masuka. Sanay naman ako sa pagtravel pero syempre mabuti na ang sigurado. Matutulog nalang ako. Sinandal ko yung ulo ko sa may window ng kotse kaso nga lang nauuntog ako kaya hindi ako makatulog ng maayos.
Maya maya nakaramdam ako ng kamay sa balikat ko kaya napabukas ang mata ko ng wala sa oras at nakita ko si Angelo na nagsasabing matulog daw ako sa lap niya kaya hindi na ako umangal kasi inaantok na rin ako kasi di ako masyado nakatulog kagabi.
Naramdaman kong hinahawi hawi niya ang buhok ko pero hindi ko nalang pinansin.
"Sasabihin ko na sayo mamaya." he uttered.
***
Nagising ako nang maramdaman kong parang buhay buhat ako. At pagkamukat ko ng aking mata tama nga ang hinala ko. Buhat buhat ako ni Angelo na parang bagong kasal at pagkatapos bigla siyang tumalon sa swimming pool. Shiz!
"Oh my god! Angelo!" sabi ko while catching my breathe! Nandito na pala kami sa Laguna. Medyo mahaba rin pala tulog ko. Shiz! Hindi man lang ako ginising nila kuya at nitong si Angelo para magpalit ng damit. Magsuswimming pala kami pagpunta dito sa Laguna!
Ang bahay namin dito sa Laguna ay may katabing private resort at dito kami pumupunta kapag nagfafamily outing kami nila mom, dad kasama din sila kuya. Kaya siguro dito nalang kami nagsuswimming ngayon para hindi hassle kasi katabi lang din nitong resort ang bahay namin dito sa Laguna.
"Nakakainis ka!" sabi ko ulit kay Angelo habang nakakapit ako sa braso niya. Grabe! Sobra akong nagising sa lamig ng tubig. Tapos etong si Angelo tawa lang ng tawa sakin kaya pinalo ko siya saka bumitiw ako sakanya at nagswimming palayo.
"Camila! Sht!" nakita kong lumalapit sakin si Angelo kaya binilisan ko pagswimming ko pero nagulat nalang ako bigla ng may humawak sa paa ko kaya nagpanic ako at nang makita ko sa ilalim ng tubig na si Angelo yon pinalo ko lang siya at saka nagswimming ulit ako.
Baliw talaga yon! Baka gusto niya akong patayin ngayon? Muntik na akong hindi makahinga sa paghila niya ng paa ko. Nakakainis! Nandito lang ako sa gilid ng pool at nagttxt. Buti nalang advantage ng phone ko ay waterproof kundi sira na siguro ito ngayon.
Karla
Camila, I miss you na! Gala tayo minsan ah? Loveyou! :*
Text agad ni Karla ang nakita ko. I miss her too. Ang tagal na rin naming hindi nagkikita. Miss ko na siya sobra! Na kahit minsan nakakainis siya eh syempre hindi ko naman maitatanggi na sa ganon ko siya naging bestfriend. Namimiss ko na siya, lalo na mga palo niya kapag kinikilig siya.
So I texted her back saying Sure! I miss you too! Loveyou! :*
Magsuswimming dapat ulit ako pagkatapos ko siyang replyan kaso nagulat ako nang makita kong katabi ko si Angelo. Wtf? Bakit nandito siya kagad sa tabi ko at hindi ko man lang iyon namamalayan?
"Dapat pala niyaya rin namin si Karla. Miss mo na pala siya."
Kumunot noo lang ako sakanya. Naninibabo ako sa pagiging talkative nitong si Angelo. Gusto ko siyang sabunutan at sapakin kasi naninibago ako sa inaasta niya. Bakit ang daldal niya ngayon?
"Daldal mo. Psh." nagswimming nalang ulit ako. Actually floating lang ginawa ko. Nakakarelax kasi ang pagfloating for me. Nang mapalingon ako sa right ko nakita kong nagfofloating din si Angelo kaya na-out of balance ako. "shz!" nahawakan naman kagad ako ni Angelo at nakangiti nanaman siya.
"Bakit feeling ko lagi kang natataranta kapag malapit ako sayo?"
"Wag kang feelingero!"
Inalis ko pagkahawak sa kamay niya sa braso ko at saka umahon na ako sa pagswimming para kumain kasi nagugutom na rin ako. Lumapit ako kay kuya Jeremy kasi nagiihaw siya ng barbecue. Kumuha ako ng dalawa sa luto nang barbecue saka umupo ako sa table.
"Mamaya pupunta tayo sa bundok natin. Mga 4pm pa yon so makakapagswimming ka pa kung gusto mo." biglang sabi sakin ni kuya Jerry kasi nakaupo rin siya sa table na pinaguupuan ko. "Ikaw Angelo? Sasama ka ba?"
Nagthumbs up lang si Angelo habang nasa pool siya. Aba! Feel na feel niya talaga ang pagswimming. Napailing lang ako saka kumain nalang ulit ako ng barbecue.
Out of the blue habang kumakain pa din ako ng barbecue, nagsalita ulit si kuya Jerry. "May gown ka na ba para sa prom niyo?" umiling lang ako. Kasi wala naman talaga akong balak. Pero since niyaya na ako ni Kurt sa prom, mapipilitan akong magpagawa ng gown.
"May kakilala si mom dito sa Laguna na gumagawa ng gowns, if you want puntahan natin yun bukas. Is it alright with you? Meron nang design na napili si mom for your gown. Look at this." pagkatuloy ni kuya saka pinakita niya ang isang picture na design na pinili ni mom. Ang ganda nung gown. Actually dress siya na pwedeng maging gown. I like it! Alam talaga ni mom ang mga gusto ko.
"Wow. Mom really know me that well. Sige kuya bukas punta tayo doon sa kakilala ni mom"
Ngumiti lang si kuya at saka tumango. Hay! Nakakatuwa naman kasi supportive si mom. Hindi ako masyado mahilig sa mga event like prom pero my mom really want me to look stunning kasi doon pa lang sa design nagandahan na ako, paano pa kaya kapag suot ko na siya. For sure mas maganda yung gown kasi suot ko. Magandang lahi kasi kaming mga Tiamzon. Gwapo kasi ng tatay ko. At ang nanay ko naman ang ganda. Sana naman magkaayos na sila.
Masyado kasi problemado lagi tong si mom at dad kaya wala nang oras sila para sa kanilang dalawa. Masyadong busy lagi. Para tuloy on papers lang sila kasal. Hays. Never ko pa sila nakitang nagbobond at never ko pa sila nakitang sweet sa isa't isa. Hay. Pero kahit ganon alam kong mahal nila ang isa't isa.
"Kuya, pupunta lang ako sa bahay ah? Matutulog lang ako." sabi ko kay kuya Jerry at saka tumango naman siya. Ubos ko na rin kasi yung barbecue na kinakain ko saka nakaramdam nanaman ako ng antok kaya eto pupunta ako sa bahay para matulog. Ang init pa. Di pa naman summer. Hay, kawawa naman si mother earth.
Naligo muna ako at nagayos bago ako natulog.
***
4pm...
Nahulog ako sa kama ko kasi nagulat ako nang biglang mayring yung alarm ng phone ko. Napalabas tuloy ako ng kwarto ko ng wala sa oras "KUYA! NANDYAN PA BA KAYO?"
"Yes. Hurry up. After 5min pupunta na tayo sa may bundok."
Shiz! Bakit ba kasi naisipan kong 4pm ialarm tong phone ko?! Gahol nanaman ako sa pagaayos. Hindi na ako nagpalit ng damit saka nakatsinelas lang ako since sanay na rin naman ako sa pagakyat ng bundok namin dito sa may Laguna. Inayos ko lang buhok ko kasi mukha akong bruha sa itchura ko.
Bumaba agad ako at sumakay agad ng kotse kasi ako nalang inaantay nila. Nagdrive namN agad si kuya Jeremy nang makasakay na ako ng kotse.
"Tulog ka ng tulog." nagsalita nanaman tong si Angelo.
"Edi gumaya ka."
"Tss. Red days mo ba ngayon? Ang init ng ulo mo sakin eh. Kanina pa."
Inirapan ko lang siya.
---
Sorry dahil natagalan bago ulit ako magUD. Graduating student kasi ako. But since grumaduate na ako, mas mapapasalas na ulit ang pagUD ko enjoy reading!
-BYEpjulienne