ً

By jeonginspo

224 0 0

sunlight narrations. a jeonglix fantasy filo au. More

204.
214.

193.

80 0 0
By jeonginspo

Lark's POV


Tinulungan ako ni Archie na mabilis makarating kung nasaan man si Lucky pero naka-ilang teleport na kami kung saan-saan, hindi pa rin namin siya mahanap.


"Teka. Timeout," hinihingal na sabi ni Archie at napaupo sa sofa ng bahay nila Lucky.


Napaupo na rin ako sa tabi niya sa sobrang hilo sa pagteteleport naming kung saan. "Hindi ba sinabi sa'yo ni Echo kung nasaan siya?"


"Kung sinabi niya, edi sana kanina pa tayo nandoon. Naubusan na siya ng lakas kaya hindi ko na matatanong yon."


"Saan natin siya mahahanap?" tanong ko at napatayo na dahil sa pagkakasabi ni Echo kanina, hindi maganda ang kalagayan ni Lucky.


Kailangan ko ng makapunta kung nasaan man siya.


"Si Pixie? Kaya mo ba siyang makausap? Like telepathy?" tanong ko.


Tumingin siya sa akin at nag-iisip. "Susubukan ko pero hindi ko sigurado kung kaya ko. Mababa ang rank ko kumpara sa rank nina Lucky at Echo. May mga hindi ako kayang gawin na kaya nilang gawin."


"Kaya mo ba?" tanong ko ulit nang makita ang kalagayan niya.


Ngumiti siya at umayos ng upo, mukhang kinukumbinsi ako na okay pa siya. "Oo naman. Mababa ang rank ko, pero mas mahaba ang power source namin. Sa pagtaas ng rank, sa pagbaba ng capacity ng ability nila. Maliban na lang kay Lucky kasi sobrang taas ng rank niya pero... binigay niya nga sa'yo yung kalahati kaya..."


Napakagat ako sa labi ko nang maintindihan kung anong sinasabi niya. Kung alam ko lang kung anong ginawa noon ni Lucky tuwing hinahalikan niya ako sana napigilan ko na para hindi na umabot sa ganito.


Pero sabi ni Lucky, hangga't nasa tabi niya ako, walang mangyayaring masama sa kanya. Kaya kailangan ko ng makita siya. Kailangan ko ng pumunta sa tabi niya.


"Anyways! Bakit ba natin yung napag-usapan? Kuha ka muna ng bagay na pagmamamay-ari ni pixie para madali ko siyang mahanap. Yung malapit sa puso niya."


Tumango ako at pumunta sa kwarto ni pixie para maghanap. Pero pagbukas ko ng pinto, walang laman yung kwarto niya maliban sa malaking aparador na nasa kisame.


"Archie! Tignan mo 'to!" tawag ko kay Archie.


Nang makarating siya ay binuksan niya ang aparador sa kisame at biglang lumabas ang isang pakpak roon. Mukhang pakpak ng paru-paro.


"Saktong sakto, Lark! Mukhang madali natin siyang mahahanap dito."


Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanya.


"Ready ka na ba?" tanong niya.


Tumango ako. Para kay Lucky.


Nakaramdam ako ng hilo kaya napapikit na lamang ako habang hawak ang kamay ni Archie. Nang makarating kami sa kung saan man ay bumigay ang tuhod ko at napabagsak sa sahig.


"Oy! Ayos ka lang?"


"Nakakahilo ka mag-teleport, Archie."


"Pasensya na. Tayo ka na diyan. Pinagtitinginan na tayo." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya habang inaalalayan akong tumayo.


Napatingin ako sa paligid at sinalubong ako ng mga matang mapagtanong. Mukha silang normal na tao pero iba yung aura nila.


"Nasa headquarters tayo. Nandito si Lucky dahil sa lagay ni Echo kanina mukhang dito siya galing," bulong niya at inalalayan akong maglakad patungo sa hindi ko alam.


"Bakit? Hindi na ba tayo makakaalis rito?" kinakabahang tanong ko.


"Makakaalis naman pero mahihirapan tayo lalo na ako kasama mo. Hindi ko kaya na makabalik sa mundo mo. Nakaalis lang ako noon dito sa tulong ni Echo, ngayon kailangan nating hanapin si Lucky."


Nakailang liko kami sa mga pasilyo hanggang sa makarating kami sa dulo ng isang pasilyo. Akala ko dead end na pero biglang sumulpot sa harap namin si pixie.


"Buti naman nakarating na kayo. Lark, kailangan ka ni Master," umiiyak na sabi ni pixie at hinala ako patungo sa pader.


Tumagos kami roon at bumungad sa amin ang isang malaking kwarto. Sa gitna nito ay isang malaking kamang gawa sa mga bulaklak, at doon ko nakita si Lucky.


"A-anong nangyayari sa kanya?" tanong ko kay pixie na hindi ako sinagot at nakayuko lang.


His body.


Lucky's body is fading.



Continue Reading

You'll Also Like

10.7K 1.5K 37
Limang taon na ang lumipas mula ng gumuho ang mundo ni Prierre ng bigla nalang siyang iniwan ng babaeng pinakamamahal nya! Kaya hindi siya makapaniwa...
850K 1.5K 48
Mga kwento na ngayon niyo palang mababasa. Sekretong mabubunyag. Enjoy😃 R-18
603K 9.8K 33
Bored ako
336K 11K 69
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
Wattpad App - Unlock exclusive features