*Czia*
"Malandi ka talaga! You're a Slut!" sigaw sakin ng isang palaka.
Hayyss.. Heto nanaman po tayo..
"Bitch! Napaka-flirt mo!! How dare you! May Girlfriend na yung tao nakuha mo pang landien! Haliparot ka talaga! Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo!? Ahh siguro malandi rin sila kagaya mo! No." This Girl! She's getting on My nerves. Konting-konti nalang itutumba ko na talaga to! How dare she say those such things to my parents!? Lalo na sa nananahimik ko ng Mommy. Hindi nya kilala ang mga magulang ko.
"Hoy! Tutungangaan mo nalang ba 'ko? Siguro guilty ka sa mga sinabi ko ano?" Patience pa Czia, konting tiis.. Mapapagod din yang palakang yan'. Isa pa sawang sawa na ko sa Detention Office no'.
Imbis na pakinggan ko ang nakakairitang bunganga ng babaeng to, mabuti pang isuot ko nalang ang headphones ko. Mas masarap pakinggan ang tugtog sa Ipad ko kesa sa walang kwentang ngawa nya.
Pero di pa ko nakakapili ng kantang patutugtugin, eh nakapag pahabol pa sya. "Naduduwag ka ba sakin?" Huh' mukha mo. Ako? Ang Diyosang to maduduwag sayo? Lul. Never no.
"Pwede ba 'wag mo kong pagmukaing tanga dito! Sagutin mo ko malanding Babae!" Hinatak nya bigla ang Headphones ko. Tapos bigla nyang kinuha ang Juice na iniinom ko at binuhos nya sakin. F*ck! now I'm all wet.
Inuubos mo talaga ang pasensya ko! You'll Pay for this! Tumayo ako sa Harap nya at tiningnan sya ng masama. "Huh! Bagay lang sayo yan! Malandi ka kase! Mang-aagaw!" And with That, I punch her face. Yup. SINAPAK ko sya! Sinuntok ko ang mukha nya ng sobrang lakas. Sorry Sya Black Belter ako sa Taekwondo.
"A-aa-aw! Ang mukha ko!" iyak nya. Agad naman syang tinulungan ng mga Alipores nya. Sinugod nya ako at sinabunutan ang maganda kong buhok.
"Bitiwan mo ang buhok ko!" sigaw ko sa kanya.
"No!!!! Wala kang karapatang suntukin ang maganda kong mukha!" dahil don' tinulak ko sya ng malakas na nakapag patumba sa kanya sa sahig.
"Maganda? Sa'ng Banda?" sagot ko sa kanya. "At pede ba 'wag na wag kang magsasalita ng mga insulto sa parents ko! Lalong lalo na sa Mommy ko! Kung hindi, di lang yan ang matitikman mo!" Tumayo sya at Gaganti pa sana sakin ng biglang may magsalita..
"Czia! In my Office. Now!" Nagulat ako sa sigaw ni Tito Peter. Ang Principal ng Academy na Tito ko din.
"Shocks!! Si Sir Pineda!" bulung bulungan ng mga chismosa kong kaschoolmate.
One word.PATAY.
"Czia! Nanuntok ka nanaman ng Babae! Pang-ilan na to?" tanong ni Tito sa kin.
"Pero Tito! Sya ang nag umpisa! Kung ano-anong sinabi nya sakin. Tapos dinamay pa nya ang parents ko.. dinamay pa nya si Mommy! Actually di ko na talaga sya papansinin pero binuhusan nya pa ko ng Juice! Tingnan mo Tito basang basa na ako!" litanya ko naman kay Tito. Aba! Eh Totoo naman kase.
"I understand you. Natural lang na magalit ka.. Pero Czia bat kailangan mo syang suntukin? Pede mo naman syang isumbong nalang sakin?" tanong ni Tito sakin.
"Tito, Para san pa ang pag-eenrol sakin ni Daddy sa Taekwondo lessons kung di ko gagamitin di'ba? Sayang naman. Pati di ako pinanganak ng kapatid mo para lait laitin nung babaeng yon'. Atsaka isa pa Tito di ako sumbungera no!." sagot ko sa kanya.
"Manang mana ka talaga sa Mommy mo.. For sure maggiging Proud yon sayo kung nandito pa sya." Napangiti naman ako don. "But still, you should learn your lesson..Masama ang manuntok at manabunot ng Schoolmate. . Kaya deretchong detention ka paren Mahal kong pamangkin." Aiiishh..
"Tito!?" "At di lang yan. . 2 hours na ngayon ang pagstay mo sa Detention Office okay.?" Ha?
"What!!? B-But!! Tito?" Bakit naman naging 2 hours? Eh 1 ½ lang date ah..
"No More Buts Ija.. Come on.. Let's Go. Ihahatid na kita sa destinasyon mo este sa Detention office." Nakangising sabi ni Tito sakin.
"Tito diba muna ko pedeng Maligo? Amoy orange juice na ko!" Yuck talaga! Ang lagkit lagkit ko na!
"Pede naman.. After 2 hours nga lang haha." Aiisshhh!! Tito talaga. Makakabawe den ako sayo nakuuu! "So pano Iwan na kita jan ha. Wag kang tatakas kung ayaw mog malaman ni Daddy mo to."
"Aiissh! Opo." Dumirecho na ako sa isa sa mga upuan at sumalampak dito. "So pano Detention namiss mo agad ako no? Hayyy!.." para hindi ako mamatay sa sobrang bagot binuksan ko ang cellphone ko. Kaso Malapit na syang malowbat huhu. Sakto namang tumunog ito. May nagtxt pala.
From: Prince Jiro
Hoy! Prinsesa! Ba't wala ka pa dito sa klase? Magsisimula na ah. Teka, May nangyare ba Prinsesa?
Ahhh Si Jiro pala. Isa sya sa mga Ka-bandmates ko at sa mga bestfriend ko. Oy ah! Wala kaming relasyon no! sadyang yan ang tawag nya sakin "Prinsesa" close kasi kami atsaka, Ako lang ang nag-iisang babae sa Banda. Mareplyan nga. Baka mamatay to sa pag-aalala.
To: Prince Jiro
Hehe. Nasa Detention ako. ULIT. E mamaya na ko magkkuwento sa Music room. Lowbat na kase ako. Sige Jiro punta nalang ako dun. After 2 hrs.
SENT!
Sakto namang namatay ang cp ko pagkasend ko. Hayyss. Pag minamalas ka nga naman oh. Matutulog na nga lang ako.
"Czia! Czia Wake up Ijah!"
"Hmmm?"
"Ayaw mo na ba umalis dito sa Detention?" Napabangon ako sa narinig ko. Nasa Detention nga pala ako. Pag mulat ko ng mata, Mukha agad ni Tito ang sumalubong sa akin.
"Tapos na Tito?" tanong ko sa kanya.
"Oo Ijah bakit ayaw mo pa? Dagdagan pa natin ng 1 oras?"
"Nagbibiro ka ba Tito!? Syempre gustong gusto ko nang makawala sa Detention na to no! Halos Linggo linggo nalang ako nandito." bulalas ko sa kanya.
"Ito naman biro lang. Bat naman kase andami mong fling. Lagi ka tuloy napapaaway. Kelan ka ba titigil sa pagiging Play Girl mo? Humanap ka na kaya ng totoong mamahalin mo?. Tsk.tsk."
"Hindi ko alam. Alam nyo namang manloloko ang mga lalaki eh,"bigla naman sumama ang tingin nya sakin "Syempre except sa inyo no. Hehe."
"Bute naman at nagkakaintindihan tayo. Oh sya maligu ka na."Pagkasabi ni Tito non' dali dali akong pumunta sa Music Room.
"Hayyys!! Maliligu na ko! Sa wakas!" Bago ako naligo ichinarge ko muna ang cellphone ko. At dumirecho na ko sa C.R. ng Music room.
Para na kase naming bahay tong Music Room Kumpleto sya May T.V., C.R., Couch at iba pa. Kami lang kase ng Banda ang nakakapasok dito. Syempre malakas kaya kami kay Tito no.
After 30 mins. Natapos na ren ako maligo. Nagbihis na ako agad baka kase pumasok ang mga mokong. .
Habang tinutuyo ko ang buhok ko eh tiningnan ko ang cellphone ko. Nabasa ko ang Reply ni Jiro 'Intayin ko daw sila'..
Sakto namang bumukas ang pinto, At niluwa sila.
"Sup! Czia!! Nagdate nanaman kayu ng Detention Office?" bati sakin ni Erros. Sira talaga to'. Naku kung di lang ako pagod.. naupakan ko na to.
Si Erros Fernandez nga pala. Drummer ng Side Effect. Banda namin. Palabiro yan. Pero masarap kasama. Gwapo? aba. Oo. Chickboy nga yan eh. Magaling kaseng magpakilig. Ewan ko nalang kung di ka kikiligin pag nilandi ka nyan.
"Ano insan? pinagtripan ka nanaman ni Daddy? hahaha." sabi naman ni Terrence sabay akbay sakin.
"Oo pareho kase kayung may toyo.. manang mana ka kay Tito." sagot ko sa kanya.
Yan naman si Terrence Pineda. Yup. Anak sya ni Tito Peter. In short mag pinsan kami. Yang Gwapong yan ay member din ng banda. Sya ang Keyboardist. Pero di tulad ni Erros, Di yan chick boy matinu yan haha.
"Hayyss..Lui-chan dapat sinama mo nalang ako sa Detention eh... Grabe nakaka antok yung teacher namin eh." sabi naman ni Riu.
"Sana pala tinulungan mo ko suntukin yung babaeng palakang yon, para naisama kita no'." biro ko sa kanya na ikinatawa naman nila.
Si Riu Kim yan. Half Pinoy, 1/4 Japanese at 1/4 Korean. Oo. Halo-halo sya no wonder halo-halo din utak nyan haha. Sya ang pinakaclose ko sa kanilang apat. May pagkaclingy ang lalaking yan lalo na sakin. Pero Mailap yan sa ibang babae. Ayaw nya sa kanila. Sya ang isa sa base guitarist ng banda.
Busying-Busy sila sa pagtatawanan ng may napansin ako...
"Teka asan Si Jiro?" tanong ko sa kanila.
"Ahh si Prinsipe? Nautusan kasi syang magtour dun sa bagong transfer na student. Kaya pinauna na nya kami dito. Saglit lang naman daw sya eh." sagot sakin ni Terrence.
"Ahh... Teka Transfer?"
"Oo transfer.. Mas bata satin ng isang taon pero classmate na nating tatlo," this time si Riu naman ang sumagot sakin. "uhhm.. Gray Redentor ata yung pangalan. Oo yun nga. " sabi ng Koreanong Japayuki sabay higa sa lap ko. Aba! Gawin daw ba akong unan.
Kukurutin ko sana ang tenga nya kaso bumukas ang pinto. At hulaan nyo kung sinong pumasok? Yup. Si Jiro.
"Prinsesa!.. huhh.. huhh.. Pasensya na ngayun lang ako. huhh.. huh.." bungad nya sakin habang hinihingal.
"Naku okay lang upo ka muna Prince... kawawa ka naman pinagod ka ba nung transfer?" tanung ko sa kanya.
"Ahhh.. hehe di naman,"sagot nya sakin. "Erros pakuha naman ng tubig ohh."
"Woww.. Hindi nyo ko yaya no."
"Erros, ikuha mo na si Prince please." pakiusap ko kay Erros.
"Hayyyss.. Oo na!"
Si Prince Jiro Araneta. Leader ng banda. Gwapo din Yan. Pareho kaming Vocalist at Guitarist ng banda. At Sa kanilang lahat sya ang pinaka matino.
"Thanks Erros!,"sigaw nya kay Erros. "Ahh Prinsesa anong nangyare? bat ka nadetention? Teka may inaway ka nanaman? Ahh! Riu umayos ka nga ng upo bili! nahihirapan si Czia sayo oh. Isod ka nga!" sunod sunod na sabi ni Prince Jiro. Hahaha.. natatawa ko sa pagiging concern nya.
"Arraso! Ahh Hyung!, Relax ka lang nanapak lang naman si Czia kaya sya Nadetention eh." inaantok na sabi ni Riu habang tumatayo mula sa pagkakahiga sa lap ko.
"Ano!?"
---
*Jiro*
"Ano!?" Miski ako nagulat. Si Czia naman kase eh.. "Prinsesa pasensya na hehe. Ba't ka naman kasi nanapak?"
"Eh kase naman, May babaeng palaka na umaway sakin eh.. Inagaw ko daw yung boyfriend nya.. eh kasalanan ko bang maging ganito ka dyosa. Pati kung mahal sya nun di sya iiwan non." tumigil sya sa pagsasalita at bigla nalang nag pout. Ang cute nya talaga.
"Hayyss.. Basta Prinsesa wag mo na yun uulitin ok?." sabi ko sa kanya habang pinipisil ang pisngi nya.
"Opo!!^_^" sigaw nya at yumakap sa akin. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Dahil sa babaeng to'.
Oo gusto ko ang Play girl na to. Hindi naman na lingid sa kaalaman nya yon. Pero sinabi nya sakin na di pa daw nya kayang magmahal ulit. Ok lang naman sakin atleast malapit parin kami sa isa't isa.
Humiwalay na sya sa pagkakayakap sakin at bumalik ulit sa tabi ni Riu.
"Oyy Jiro magkwento ka naman tungkol dun sa Transfer!!."sigaw bigla ni Erros
"Oo nga dude!" sang ayon naman ni Terrence.
Napatingin ako kay Czia. Nakangiti sya at mukhang interesadong makinig.
"Ahhmm. Sige." sagot ko sa kanila. Nagulat ako ng humiga ulit si Riu sa lap ni Czia. "Hindi ako interesado sa transfer.. matutulog na lang ako. Czia-Chan pahiga ulit ha!" tinanguan nalang sya ni Czia at sinuklay suklay nito ang buhok nya na parang pinapatulog si Riu. Sana ako ang nasa pwesto ni Riu.
"Prince Jiro! magkwento ka na." Nakangiting sabi ni Czia.
"Ahhh Oo. hehe,"sagot ko sakanya. "Ang pangalan ng Transfer ay Gray Redentor. His 18 years old. Kaya sya lumipat dito sa school dahil sinundan nya ang kapatid nya. Di nya nabanggit kung ano yung pangalan eh."
"Tol bat ikaw ang pinagtour sa kanya?"tanong ni Terrence.
"Oo nga, Close kayo?" sang-ayon naman ni Erros.
"Ahh. Kase yung mommy at daddy nya ay mga Chef. Sila ang nag luluto sa Hotel namin. Kaya medyo magkakilala na kami."
"Ehh bakit sabi nitong c Riu, Classmate nating tatlo yung transfer? Eh diba sabi mo 18 lang sya?" biglang tanong ni Czia.
"Ahh. Oo classmate natin sya. Si Gray kase ay Accelerated student. Naaccelerate sya ng Isang taon kaya ganun."
"Teka Gwapo ba?" tanong ni Erros.
"Uhhm. Oo. Matangkad din sya magkaheight siguro kayo."
"Hmmm. Sounds Interesting." bulong ni Czia habang nakangiti ng nakakaloko. Mukhang alam ko na ang iniisip nito. Hayys. Kelan kaya sya titigil sa pagiging Play Girl. Nandito naman ako eh.
----
*Axel*
Naglalakad kami ng Tropa dito sa may Garden ng may biglang tumawag sa akin.
"Kuya! Axel!" teka ang boses na yon'. Agad akong napalingon at nagulat sa nakita ko.
"Gray!?" miski sila Ren nagulat din ng makita si Gray.
"Kuya!" lumapit sya sa amin.
"Kelan ka pa lumipat dito Gray?" tanong sa kanya ni Ren.
"Kanina lang. Pinatransfer na agad ako nila Daddy." sagot naman nya dito. "Oh bat parang di kayo excited na makita ako?"
"Hindi naman sa ganun. Masaya nga kami eh. hehehe." sagot sa kanya ni Lester.
"Di pa kayo uuwe? Kuya?"
"Ahh uuwe na rin. Sige bro una ka na. Miya miya pa kami." sagot ko sa kanya.
"Sige! Bye!"
Pagkaalis ni Gray, Nagsalita bigla si Lester.
"Naku tol! Patay! Andito na pala ang kapatid mo! Kelangan mo ng maacomplish ang Mission mo."
"Oo nga! Kelangan nyo ng magkakilala ng Play Girl. Bago ka pa maunahan ni Gray." dagdag ni Ren.
"Bukas na bukas din. Magkakakilala kami."
x0x0x0x0x0
Second Chapter done!!! ^_^ hope you like it!
Czia and Axel at the Media^^