SCRIPTED

By -miss_penguin-

111 35 27

[Completed] Have you ever felt like you're in the middle of something that you don't know what to do? Well if... More

Author's Note
Character Introduction
1.1
2.2
4.4
5.5
6.6
7.7
Words of Gratitude

3.3

8 3 2
By -miss_penguin-

📝 SCRIPTED 📝

❇🔸❇

03

Harvie's POV

'Wala naman siyang sakit ah. Bakit ba siya namumula?' tanong ko sa isip isip ko.

"O-okay lang ako s-sabi eh," nauutal niyang sabi. Bigla ulit  siyang tumalikod, I feel awkward.

"Gusto mong maglaro?" bigla niyang tanong habang nakatalikod parin. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Tara na," tuloy niya at mabilis na tumakbo kaya sinundan ko na lang siya.

Napunta kami sa game section ng mall. Nangunot na naman ang noo ko. Aren't games for kids? Bumuntot lang ako sa kanya hanggang sa pumunta kami sa isang area na may mga bola. May hinulog siya sa ibabaw noon.

[a/n: Ang tinutukoy niya ay 'yung basketball sa arcade game.]

"Game!" bigla niyang sabi.

"Ha?" kunot noong tanong ko.

"Game, mag-shoot na tayo ng bola. Paramihan," sagot niya habang nag-sushoot ng bola, ginaya ko na lang siya.

I never thought this would be fun. It was my first time playing with this kind of game. Naglalaro ako ng basketball pero I feel happier playing this kind of game especially with her. Naglaro pa kami ng iba pang laro, basta yung may pinapalo pag lalabas yung parang mouse, sunod naman ay yung may inaapakan. Ang dami naming nilaro as in ang saya! This is the best day ever!

"Hala, 2:30 pm na pala. Ambilis ng oras," bigla niyang sabi. Tinignan ko rin ang orasan ko, tama siya 2:30 pm na, ambilis nga ng oras.

"Pasensya na pero kailan ko ng umuwi. Tara ipalit na natin 'tong naipon nating tickets," sabi niya.

"Tickets?" takang tanong ko.

"Oo kaya tara na," hila niya sakin. Kaya pala pagkatapos ng game namin kinukuha niya yung papel na lumalabas kasi pwedeng ipalit.

"Anong gusto mong premyo?" tanong niya sakin.

"Teddy bear," sagot ko sabay turo sa malaking teddy bear na nakadisplay.

"Para sa'yo?" tanong niya.

"Nope, for you," nakangiting sagot ko. Marami nakong napanood na ganitong eksena na dahil sa tuwa ng babae ay yayakap siya at baka pa halikan ang lalaki. So damn lucky!

"Ang dami ko nang teddy bear eh, kaya sawa na'ko sa teddy bear mas malaki pa nga diyan napanalunan ko eh," sabi niya na ikinadismaya ko. Sayang.

"Gusto mo key chain na lang," suhestiyon niya. Teddy bear ipapalit sa isang napakaliit na key chain? I don't understand it pero umoo na lang ako.

"Maganda ba?" tanong niya habang pinapakita ang dalawang key chain, umoo naman ako.

"Sa'yo 'tong isa, sakin naman yung isa," nakangiti niyang sabi.

"Wow naman! Ang cute naman po ng pinili niyo pang couple tulad niyo," nakangiting sabi ng nagbabantay.

"Ha?" sabay naming sabi.

"Sabi ko po ang cute niyo tignan," sabi ulit ng babaeng nagbabantay.

"Ah, salamat," nakangiti kong sabi. Alangan namang kontrahin kong katotohanan. Tumingin ako kay Andy para makita ang reaction niya at heto na naman, namumula na naman siya.

"Ganito po pala ang pagkakabit ng key chains diyan," sabi ng babae. Wow, ang galing connected pala ang key chains na pinili niya. Couple Doveters daw ang tawag. Ang galing naman.

"Kumusta ang date niyo?" bungad agad ni Michael sa akin pagkauwi ko.

"Okay naman," pasimple kong sagot.

"Magkukwento ka o sasabihin ko sa kanya ngayon din na gusto mo siya?" banta niya sakin.

Nauna na'kong umupo sa sofa at sumunod naman siya. First time kong magkwento kay Michael tungkol sa sarili ko. Tulad ng sabi ko  noon, kaaway ang turing ko sa kanya kaya never akong nagpakatotoo sa feelings ko pero dahil kay Andy nagawa kong magpakatotoo kay Michael.

"Epic talaga ni Andy, sayang wala ako," sagot niya habang hawak ang tiyan sa katatawa matapos kong ikwento ang ice cream part.

"Saan kayo sunod na pumunta?" tanong niya ng makaraos sa kakatawa.

"Wala," pagsisinungaling ko.

"Weeehhhhh, gusto mo tawagan ko na siya at sabihing-" Michael.

"Oo na ikukwento ko na. Basta wag kang tatawa," putol ko sa pagbabanta niya.

"Okay," sagot naman niya.

"Sa game section kami pumunta," sagot ko habang nakapikit at nakatakip ang kamay ko sa tenga ko. Matapos ang ilang sandali, dinilat ko ang mata ko, nakita ko siyang nakakunot noo.

"O tapos," pasimple niyang sagot.

"Tapos, nag-shoot kami ng bola," sagot ko na naman ng nakapikit ang mata at nakatakip ang tenga. Ilang sandali lang ang lumipas dumilat na naman ako, nakakunot noo na naman siya.

"Kailangan ba na kapag nag-kukwento ka tinatakpan mo ang tenga mo at nakapikit yang mga mata mo?" mataray niyang sabi sabay cross arms.

"Ahh, kasi baka pagtawanan mo 'ko," nahihiya kong sagot.

"At bakit mo nasabi?" siya.

"Kasi baka sabihin mo isip bata ako," nahihiyang sagot ko ulit.

"Eh ano naman napanalunan niyo?" bigla niyang tanong.

^________^ - ako.
-__-  siya.

Naalala ko kasi yung couple doveters eh. Ang sweet, kinikilig ako. Napakalapad ang ngiting pinakita ko ang key chain sa kanya, sabay sabing ang isa ay nakay Andy at isa itong couple key chain.

"Yan lang ang saya mo na?" siya.

"Ang totoo, teddy bear ang gusto ko kaso ang dami na daw niyang teddy bear saka mas malaki pa daw napanalunan niya kaysa dun sa teddy bear na gusto kong ibigay sa kanya," paliwanag ko.

"Eh lagi kaming naglalaro doon and guess what? Laging mahal ang premyo namin," pagmamalaki niyang sabi.

"Ano? Nakapaglaro ka na doon? Kaya ba hindi ka tumawa noong sinabi kong pumunta kami sa game section?" inis kong sabi.

"Haler! Doon kami nagkakilala ni Andy 'no," taray niyang sagot.

"Ilang taon ka na non?" tanong ko.

"13," siya.

"Ano? 13 ka nang magkakilala kayo? Ba't di ko alam?" nagtatampo kong sabi.

"Charrrrrr! Di tayo close noon di ba?" pasimple niyang sagot. Naiinis ako sa kanya kaya hinagis ko yung unan na nasa tabi ko. Naghagis din siya kaya naghagisan kaming dalawa, pillow fight.

Habang nag-aaway sila Harvie at Michael kakain muna si Author ng Kamote...hehehe.

▫ ▫ ▫ ▫ ▫

Andy's POV

"Wag mo 'kong kausapin!" inis kong sabi kay Mikay matapos siyang magpakita sakin. Monday po ngayon at may pasok kami.

"Wow, nag-date lang sila ni pinsan, may regla na," walang pakundangan niyang sagot. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Ang totoo nagtatampo ako kasi usapan may gimik kami noong Saturday naglayas pa nga ako sa bahay para gumimik tapos pinsan niya pinapunta niya na hanggang ngayon iniisip isip ko pa rin. Haayyysss!!

"Basta wag mo 'kong kausapin kung hi-- araay!!" naputol ang sasabihin ko dahil sinabunutan niya ko.

"Naman eh, masakit kaya yung sabunot mo," inis kong sabi habang inaayos ang buhok ko.

"Ang haba kasi ng hair mo bakla kaso buhaghag sumabit sa kamay ko," nang-aasar pa niyang sagot.

"Kung di lang kita bestfriend," sambit ko.

"O ano? Kung di lang ano?" hamon niya sakin.

"Di matagal na akong nag-transfer ng scho," biro kong sagot pero totoo naman talaga.

"Bumalik na si Miguel sa suspension niya. Ano tuloy pa tayo sa higanti natin?" tanong niya. Napabuntong hininga naman ako. Ewan pero parang okay na sakin yung nangyari.

"Oy, ano tuloy?" putol niya sa pagmumuni muni ko.

"Wag na lang kaya," naguguluhan kong sagot.

"At bakit aber?" siya.

"Kasi parang naka-move on na'ko eh," paliwanag ko.

"Wow, pag move on bumabait? Mag-isip ka nga! Gusto mo lagi kang tinatawanan pag dumadaan ka sa harap nila," iritang sambit niya.

"Edi sa likod nila ako dadaan baka pag sa likod eh iyak ang maririnig ko," pilosopo kong sagot.

"Sinabi ko na kay pinsan eh, nakakahiya naman kung aatras ka eh pumayag na siya," paliwanag niya.

"Wow! Michael a.k.a. Mikay ikaw ba yan?" nahihiwagaan kong tanong.

"Bakit gumanda na naman ba 'ko?" nakangiti niyang tanong bago nagpaikot-ikot sa harapan ko.

"Siguro dahil sa bago kong Hermes bag saka sa bago kong hairstyle bagay ba?" tuloy pa niya.

"Kasi pakiramdam ko kahit di ka nag-memake up eh makapal yang mukha mo para mahiya," pormal kong sagot bago niya ko sinabunutan na naman.

"Eto naman kahit sana ngayon lang magsinungaling ka, keri ko na sana na maganda ako kaso yang dila mo," naiinis niyang sabi.

Final pang-inis ko eto na...

"Alam mo Mikay maganda ka sana kaso habang tumatagal lalo kang gumugwapo," banat ko sabay takbo baka pa 'ko mapatay ng wala sa oras dahil ang pinaka-ayaw niya ang tinatawag siyang gwapo.

Lunch break na pero hindi ko makita si Michael sa room nila. College students pala kami kung di niyo naitatanong. Bussiness administration ang kurso ko at Civil engineering naman kay Mikay. Magkalapit lang ang departamento namin kaya madali ko siyang tinatagpo kaso mukhang may klase pa sila sa ibang room ata kaya mag-isa na 'kong pumunta sa canteen na dapat ay hindi ko ginawa.

"Bitch," sabi ng isang babaeng dinaanan ko.

"Freak," sabi naman nung isang bakla.

"Ang landi grabe," napapa-iling pang sabi ng isang babae.

Kung anu-ano pa ang sinabi sakin na hindi ko na lang pinansin. Nag-headset na lang ako kahit walang music na naka-play. Ganoon sila 'pag wala si Mikay, lumalabas ang sungay. Okay lang, mas mabuti nang malaman ko kung gaano sila kaplastik at least I know where should I stand ng hindi mapahamak.

"Babe, anong gusto mo?" tanong ng girlfriend ni Miguel sa kanya, oo nga pala bumalik na sila.

"Kahit ano babe," sabi niya sa girlfriend niya bago walang pasabing umupo sa upuan kung saan ako nag-tetable.

"It's been long, how are you?" pasimple niyang tanong sakin pero kain lang ako ng kain. Hindi ko na pinansin ang sinasabi niya.

"I hope there's no hard feelings between you and me," sabi pa niya na ikinainis ko na.

"Punyeta ka Miguel, napaka-mo! No hard feelings!" sigaw kong sabi kahit marami ang nakarinig sa pinagsasabi ko.

"Ano?! Bitch ako, malandi ako, freak, pangit, monster. Eh kayo? Ikaw na nakadilaw, sabi mo malandi ako, eh ikaw? Di ba nanay ka na at walang tatay ang anak? Ikaw bakla ka sabi mo pangit ako, eh ikaw maganda ka nga bakla ka pa rin. Ikaw na naka-headband ng kulay pink, akala mo cute ka, para kang si Dora the explorer kulang nalang bangs," kung ano ano nang pinagsasabi ko habang isa isa silang tinuturo. Gusto nila ng away, sige awayin nila 'ko basta makapanakit lang ako kahit isa.  Uunahin ko ang girlfriend ng Miguel na yan. Marami ngang umalma sa pinagsasabi ko at tumayo na nga para makipag-debate sakin kaso naputol ang away namin nang dumating si Mikay.

"How dare you all to talk back to her?! All of you, go to the gym now!" mala-commander na sigaw ni Mikay sa kanila. Isa isa naman silang tumayo at pumunta sa gym.

"Anong gagawin mo?" nagtataka kong tanong ngunit hindi na siya sumagot sa tanong ko't nag-umpisa nang maglakad papunta sa gym. Sumunod na lang ako.

"Lahat kayo dapa!" utos niya sa mga students na pinapunta niya sa gym. Masama ang kutob ko dito. Ewan pero parang ibang Michael itong nasa harapan ko. Parang leon na meow ang ungol.

May kinuha siyang stick at pinuntahan ang isa saka pinalo ng limang beses. Nagulat naman ako sa ginawa niya. Bakit ganoon siya kung magalit parang hindi siya si Mikay na kilala ko na nananabunot lang.

"Bakla tama na. Okay ka lang?!" suway ko sa kanya matapos siyang makapalo ng tatlong babae. Hihintayin ko sana na mapunta sa gf ni Miguel pero kawawa naman sila.

"Kung ayaw mong pati ikaw, tumahimik ka!" sabi niya na talagang ikinagulat ko. Bakit, ano bang problema niya? Lumapit ako sa kanya at sapilitang kinuha ang pamalo niya.

"Di ka ba makaintindi ha?" pikon niyang sabi pero hindi na niya binawi pa ang pamalo at tumalikod na para umalis. Napako ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang sinabi niya.

"Simula ngayon hindi na kita kaibigan," sabat niya bago tuluyang umalis. Naguguluhan ako pero ramdam ko na masakit ang sinabi niya sakin. Tumakbo ako para habulin siya.

"Ano bang pinag-sasabi mo?!" sigaw kong tanong habang nakaharang sa dadaanan niya.

"Maikli lang ang pasensya ko kaya umalis ka na diyan," seryoso niyang sabi pero nagmatigas ako. Bigla niya akong tinulak. Oo tinulak niya ako.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Mayamaya biglang may umalalay sakin para hindi ako matumba ng lubusan.

"Okay ka lang ba?" sabi ni Harvie. Oo si Harvie nga.

"Tsk," narinig kong sabi ni Mikay bago niya kami nilagpasan. Gusto ko siyang habulin kaso pinigilan ako ni Harvie.

"Ano bang problema niya?" naguguluhan kong tanong kay Harvie.

"Kakausapin ko siya mamaya para sa'yo," sagot niya.

"Buti pa pumasok ka na. May klase ka pa di ba?" pagpapatuloy niya at tumango naman ako.

Uwian na pero hindi ko pa rin makita si Mikay. Pareho kasi kami ng schedule dahil inadjust niya schedule niya para sabay daw kami laging nag-lulunch at umuuwi kaso ngayon hindi ko siya mahagilap. Hinanap ko siya sa room nila kaso si Harvie ang naabutan ko.

"Si Mikay este Michael nakita mo?" tanong ko sa kanya habang palinga linga baka makita ko siya.

"Nauna nang umuwi si Michael, ako na lang daw maghahatid sayo," sabi niya ng nakangiti.

"Ah, ganun ba? Okay lang mag-jijeep na lang ako," nahihiya kong sagot. Nagpumilit si Harvie na ihatid ako kaya umoo na 'ko.

"Ah, ba't ngayon lang kita nakita dito?" tanong ko noong nakasakay na kami sa kotse niya.

"Ahh...Nag-stop ako ng two years para tulungan si Lolo sa bussiness niya," sagot niya sakin.

"Pero di ba mid school year na. Di ba bawal yun?" takang tanong ko.

"I know that but my reason is valid kaya tinanggap ako ng board na ipagpatuloy na mag-aral kahit midterm na," paliwanag niya.

"Ah, okay..." napapatango kong sagot kahit ang totoo ay hindi ko naman naintindihan. Kung sana si Mikay gets ko na at pagkaisip ko kay Mikay agad akong napatanong kay Harvie.

"Sa tingin mo okay lang si Mikay?" malungkot kong tanong.

"Oo naman yun pa," nakangiti niyang sagot.

"Alam mo ngayon lang siya nagkaganyan. Hindi naman siya ganyan eh pero parang iba siya ngayon kung magalit," nalulungkot kong sabi.

Continue Reading

You'll Also Like

10.5K 425 32
What will you do if you fell in-love with your Best friend? Are you willing to do anything just to make sure you'll be in a Relationship? Are you wi...
1.4K 110 45
Ambivalent Feelings Ambivalent Trilogy #1 Ambivalence. Uncertainty. Indecisiveness. Like normal teenagers, Arc, Sienne, and Arkin are busy figuring o...
The Other 'I' By R-A

Mystery / Thriller

1.9K 131 44
Fed-up with Terrence's cheating on their more than a year relationship, Eunice decided to cool things off between them -- for she can't find the cour...
72.4K 452 61
SYPNOSIS Liyann always turn blind eye with the cheating escapades of his boyfriend not until Caver Zyke McClehoux came like a hurricane into her ordi...
Wattpad App - Unlock exclusive features