SCRIPTED

By -miss_penguin-

111 35 27

[Completed] Have you ever felt like you're in the middle of something that you don't know what to do? Well if... More

Author's Note
Character Introduction
2.2
3.3
4.4
5.5
6.6
7.7
Words of Gratitude

1.1

21 5 8
By -miss_penguin-

📝 SCRIPTED 📝

❇🔸❇

01


Andy's POV


"How can I love you when you're not pretty, not even cute and don't even have a sexy body? Worst di man lang tumuntong sa 5 feet ang height. And you dream to be loved by someone like me that is handsome and tall? Wake up freak! I'm scared of you!" 'yan ang linyang tumatak sa isip ni Andy matapos siyang saktan, pahiyain at lokohin ng boyfriend niyang si Miguel.

Naaalala pa niya ang pangyayari na iyon. February 13, Monday. First monthsary nila ng boyfriend niya at naisipan niyang regaluhan ito ng isang picture album na puro memories nila ang nakalagay doon. 4:00 pm na ng tumawag ang boyfriend niya. Pumunta daw siya sa school canteen at doon daw sila mag-date. Kinikilig siyang nag-ayos ng sarili bago pumunta sa canteen. Nadatnan niya ang bf niya sa labas ng canteen na may hawak na panyo. Piniringan siya papasok sa canteen.

"Pagbilang ko ng tatlo tanggalin mo na yung piring mo," sabi ng boyfriend niya at napapangiti naman siyang umoo.

"1, 2, 3!" bilang ng bf niya at agad naman niyang tinanggal ang panyong nakapiring sa kanya.

"Surprise!" sigaw ng maraming tao. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ang nakasulat sa tarpaulin na hawak ng ex-girlfriend ng bf niya 'BREAK NA TAYO!'

"Go!" dinig niyang sigaw ng bf niya then all started to throw eggs and tomatoes into her. Napapaluha siyang naupo sa sahig habang binabato ng kung anu-ano pa at habang sinisigawan ng assuming girl, freak, monster, at pinagtatawanan. Ang sakit sakit isipin na pinaglaruan ka lang pala at ang pinakamasakit ay 'yung mahal mo pa ang nanakit sa'yo mismo kaya sumumpa siya na hahanap siya ng mas gwapo pa kay Miguel ng isampal niya sa mukha ng lalaki na mas may deserve siyang better.

"Bakla!" putol ni Michael Tuazon a.k.a. Mikay sa pagmumuni muni ko.

"Move on na! 3 weeks na oh. Sabi ko naman kasi sa'yo wag siya ang patulan mo. Ang kulit mo kasi," pagmamaktol ni Mikay sa kaibigan niya.

"Pasensya ka na ha, wala ako sa tabi mo nung nangyari 'yun pero wag kang mag-alala nagawan na ng paraan yung video mo a.k.a. Breakup scandal mo," pagpapatuloy niya.

Haayy!! Kung di lang dito kay bessy baka matagal na akong nag-transfer ng school. Buti nalang wala na yung video.

"Teka bessy, di mo pa sinasabi sakin kung sino yung pinsan mong tumulong sakin. Sabi mo close kayo saka nag-aaral siya dito. Ba't di ko siya nakikitang kasama mo. Siguro pangit 'no?" sunod sunod at nagtataka kong tanong. Pinektusan naman ako ng baklang Mikay na ito. Nagpout naman ako sa kanya sabay hawak sa noo ko.

"Anong pangit? Excuse me wala sa lahi namin ang pangit di tulad mo 'no," nakapameywang pang sagot niya habang nakataas ang kilay. Sabagay gwapo naman 'tong baklang 'to kahit bakla habulin parin. Swerte niya di siya tinutukso na bakla.

"Sino ba siya saka pakilala mo naman ako," pakiusap kong sabi habang pinupulupot ko ang aking kamay sa kanyang braso. Nandito pala kami sa rooftop, lunch break namin at dito ang laging tambayan naming dalawa.

Si Micheal ang tumayong bestfriend at tagapagtanggol ko dito sa school. Isa lang naman akong scholar ng school na 'to. Pasalamat ako at bestfriend ko ang anak ng Head ng school na 'to kaya yung boyfriend ko at yung kasabwat niya na bumully sakin ay suspendido. Serves them right.

"At bakit aber?" usisa ni Mikay.

"Wala lang para mag-thank you," pasimpleng sagot ko.

"Gusto mo humingi tayo ng tulong sa kanya?" biglang sambit ni Mikay.

"Ha? Anong tulong?" naguguluhang tanong ko.

"Maghiganti tayo. You know lintik ang walang ganti," seryosong sabi niya. Pareho talaga kami ng isip ni best. Hindi kasi sapat ang suspension at saka iba yun.

"Paano kung di siya pumayag?" seryoso ko ring tanong.

"Haler (pinektusan ako) close nga kami diba," nakataas kilay na naman niyang sagot.

"So anong plano?" tanong ko ulit.

"Maghihiganti nga di ba," Mikay.

"Kailan sisimulan ang planong paghihiganti natin," ako.

"Next year," seryosong sagot ni Mikay. Ako naman ang bumatok sa kanya.

"Anong next year, next year ka diyan?" pikon kong tugon.

"Edi ngayun na! 'No ka ba?! Pero bago yun dapat magkakilala muna kayo ng pinsan ko bago bumalik yung si Papa Miguel mo" ani Mikay.

"Ewwwwwwwww," ako.

"Kung maka-iw ka naman! Shinota mo na nga yung tao eh," kilig pa niyang sagot.

"Sa dismissal na kami mag-meet. May klase pa 'ko," sabi ko then another batok from Mikay.

"Tanga! Kahit kelan ka talaga! Importanteng tao ang imimeet natin. Siya ang magsasabi kung kailan saka naalala mo ba na ilang beses ko ng kinuwento sa'yo ang tungkol sa pinsan ko at ilang beses mo na ring sinabi na gusto mo siyang makilala pero sa tuwing ipapakilala ko na siya sa'yo laging dahilan mo na busy, busy, at busy ka. Tapos ngayon may gana ka pang magschedule ng meet up. Baka mamaya pa niyan di ka sumipot," pagrereklamo at naiiritang sambit ni Mikay. Ang daldal talaga nitong baklitang 'to. Di mo aakalain na lalaki 'to eh. Haayys!

"Sa haba ng sinabi mo, tanga lang naintindihan ko. Kung makatanga ka naman, wagas. Oo na po kayo na po ang mag-schedule basta excuse ang letter ko 'pag pinag-absent mo ko," ako with matching puppy eyes.

After 937466382 years, dumating na rin si Mr. Important. As in no comment, he's so super duper handsome.

"Bakla, close your mouth baka pasukin ng langaw. Nakakahiya," sabat ni Mikay.

Kung pwede lang sana......

"Bakla, seryoso kang pinsan mo?" nakakunot noong tanong ko.

"Hindi, anak ko," pilosopong sagot niya. Tinaliman ko siya ng tingin. Tumaas naman ang kilay niya.

Haaay! Nakakapanghinayang nga na bakla 'tong si Michael a.k.a. Mikay dahil may itsura pa naman. Isama mo pa 'tong pinsan niya na super duper gwapo. Baka bakla rin.

"Hoy, bakla! Alam ko yang iniisip mo. Hindi siya bakla," depensa ni Mikay sa pinsan niya.

"Ladies, aren't we going to order?" biglang singit ni Mr. Important. Hindi pa kasi pinapakilala sakin eh. Nagkatinginan kami ni Mikay then sabay tingin sa kanya, napatikhim naman siya.

"Hindi! Uwi na tayo," sabay naming sagot ni Mikay.

"Ah, okey," pormal niyang sagot. Akmang tatayo na siya nang pigilan namin siya ni Mikay.

"'To naman, joke joke joke," papuppy eyes pang sabi ni Mikay.

"Joke ba 'yun, akala ko seryo-," siniko ako ni Mikay. Nagtatakang tumingin naman ako sa kanya.

"Sakyan mo na lang! Abnormal ang nasa harap natin," pabulong na sabi ni Mikay sakin.

"Waiter!" baling ni Mr. Important sa waiter.

"Yes, may I have your orders please?" tanong nung waiter.

"One fish fillet de elninyo," pakundangan kong sabi sa waiter. Pinektusan na naman ako ni Mikay.

"Bakla ka! Walang tuyo rito. Kapal ng mukha mo bakla! Paorder order ka pa, wala naman. Ah..... Mr. Waiter, one boiled egg with your stamp. Yung kiss mo mismo yung stamp okey? Saka yung number mo lagay mo na rin sa shell ng itlog. Remembrance," kinikilig habang nag-papacute na sabi niya sa waiter.

"Guards!" sigaw ng waiter sa dalawang guard na nagbabantay sa labas. Mabilis pa sa alas kwatro na napatakbo na kami ni Mikay sa labas ng restaurant.

"Bakla! Si pinsan mo naiwan," alalang sabi ko sa kanya.

"Malaki na siya, kaya na niya 'yon. Tara na nga sa lansangan mas masarap pa yung mga streets food na binebenta nila tapos mas maraming gwapo," sabi niya at humawak siya sa braso ko at hinila ako. Sang-ayon naman ako kaya umalis na kami sa harap ng restaurant.

▫ ▫ ▫ ▫

Harvie'S POV


After half an hour, napag-isipan ko na umalis na sa restaurant. Punyetang baklang yan. Malilintikan talaga siya sakin. Ang kaso mukhang pati yung mahal ko ginawa niyang baliw. Mukhang mababaliw na talaga ako sa kanilang dalawa.

"Sir, okey ka lang?" tanong ni Tatay Jun, driver ko.

"Yes, why?" balik kong tanong.

"Kanina pa kasi kayo napapabuntong hininga," sagot niya saka ko napansin na tama siya. Hindi na 'ko sumagot at nagpokus na lang sa dinaraanan ng kotse.

"Stop the car," mabilis kong utos kay Tatay Jun. Huminto naman siya.

Tanaw na tanaw ko sina Michael at Andy na nakatayo sa kabilang kalye habang may kinakain na nakalagay sa stick. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng konting selos kay Michael. Bakla nga siya pero araw araw naman niyang kasama at pinapasaya ang babaeng mahal na mahal ko. Yes, I love Andy simula noong una ko siyang nakita. Now na alam kong hiwalay na siya Miguel na 'yon, I will not let this chance slip by again.

"Sir, gusto niyo mag-isaw?" tanong ni Tatay Jun. Napansin niya siguro na doon banda ako nakatingin.

"Ano po yung isaw?" baling kong tanong.

"Yung kinakain nila, masarap 'yon," nakangiting sagot niya sakin.

"Tara na," seryoso kong sagot. "I don't think I can eat that," wala sa sarili kong sabi at umalis na kami.

"Umuwi ka rin," pormal kong sabi.

Ilang oras na 'kong naghihintay sa kanya at ganoon kahaba ang oras na nilaan niya sa mahal ko. Gusto ko tuloy siyang bugbugin. Ang totoo di naman kami close eh, naging close lang kami nung dumating si Andy sa buhay namin.

"O pinsan, buti naman naka-uwi ka ng walang gasgas," pabirong sabi niya.

Michael was never been a family and a friend to me. He was just a stranger to me. Walang magandang relasyon ang pamilya namin. Magkapatid ang Ina ko at Ama niya pero simulat sapul magkalaban na ang turing nila sa isa't isa dahil sa pera at mana. Kaya simula noon kalaban narin ang turing ko kay Micheal pero nagbago yun noong dumating si Andy.

"Ang sakit ng tiyan ko, call of nature," saad niya bago patakbong pumunta sa banyo. Napapailing na naupo na naman ako sa sofa.

"Another hour," inis na sambit ko sa sarili. Pupunta na sana ako sa kwarto ko ng dumating si lolo.

He's aura is always fierce, except when he deals with his grandchildren. Paborito ni lolo si Tito Oscar. The truth is he never loved my mom kahit pa anak niya ito. Kaya naman maagang nagpakasal si Mom sa Dad ko para lang sa konting pag-asa na mahalin ni Lolo si Mom.

Lalaking apo lang ang gusto niya para may tagapag-mana ang Tuazon, but he was disappointed when he knew that his first grandson Michael was a gay. He couldn't accept it but Tito Oscar did, so wala siyang magawa. Tito Oscar was Michael's father. Kung si Lolo ay sobrang magagalitin sa ibang tao, Tito is so kind to everyone. Kaya naman noong ipinanganak ako, he accept me in his family and even let me stay in his house. Ayoko kasi sa bahay dahil wala akong kasama. My Mom and Dad were always busy making money pero dito sa bahay nila Tito Oscar, pakiramdam ko may totoo akong pamilya.

"How's your day son? Come here," baling niyang utos sa akin nang makita ako. Malapad ang ngiti niyang yumakap sa akin and to tell you honestly, Lolo is corny at times.

"I had meetings with the board. Everything is set, sisimulan na raw ang  project next week," proud kong sagot.

"Ang galing mo talaga, son," nakangiti niyang sagot habang nakahawak sa balikat ko.

Lolo calls me son. He wanted another son kaso dalawa lang ang naiproduce ni lola na anak bago siya pumanaw. Babae pa ang isa niyang anak at si Mom 'yon. Bakla rin si Michael kaya ako na lang ang ginawa niyang anak. Oo inampon niya ako kaya isa akong Tuazon at hindi isang Ferrer. Dad never talked about it kaya siguro okey lang sa kanya.

Bata pa 'ko ng maimulat na ako sa katotohanan kaya tanggap ko na yung pangyayari saka nagkaroon din naman ako ng pagkakataon na makasama ang tunay kong pamilya but it was happier here dahil ramdam ko may kasama ako dito sa bahay. May isa akong nakakatandang kapatid na babae, si Happie Ferrer isa siyang fashion designer at nagtatrabaho sa ibang bansa at may pamilya na.

Nagkwentuhan pa kami ni Lolo at hindi na nga bumalik si Michael kaya makalipas ang ilang minuto nagpaalam na ako kay Lolo. Nadadaanan ko ang kwarto ni Michael. Gusto ko sana siyang kausapin kaso pagod na rin ako kaya dumiretso na 'ko sa kwarto ko.

Continue Reading

You'll Also Like

73.2K 455 61
SYPNOSIS Liyann always turn blind eye with the cheating escapades of his boyfriend not until Caver Zyke McClehoux came like a hurricane into her ordi...
3.6M 93.2K 40
#COMPLETED [UNEDITED] R18|ROMANCE|DRAMA|MATURECONTENT Ayesha Samaniego had always been a carefree spirit, radiating happiness wherever she went. But...
1.8K 78 12
What if you dream that you are dreaming in your dream? And in that dream, you are searching a way out for that dream. Crazy, right? One day, I was p...
Lady Blue By Asshā

General Fiction

1.2K 81 36
Something's bugging you? Having a hard time in making decisions? Don't know what to do in your life? Well, Lady Blue is here to save your day.
Wattpad App - Unlock exclusive features