Raindrop's Tears

Galing kay heartlessnostalgia

4M 164K 142K

Sandejas Legacy Series #4: Raindrop's Tears **Wattys 2022 Winner** "Sandejas Legacy continues..." How far wou... Higit pa

Sandejas Legacy #6: Raindrop's Tears
Synopsis
Simula
Kabanata 1
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19 (Part One)
Kabanata 19 (Part Two)
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22 (Part One)
Kabanata 22 (Part Two)
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25 (Part One)
Kabanata 25 (Part Two)
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29 (Part One)
Kabanata 29 (Part Two)
Kabanata 30
Special Part 1
Special Part 2
Special Part 3
Special Part 4
Special Part 5
Wakas (Part One)
Wakas (Part Two)
Special Chapter

Kabanata 2

75.4K 3.5K 2.2K
Galing kay heartlessnostalgia

Kabanata 2

Kaagad kong pinagsisihan ang nagawa. I lowered my head, trying to calm down and think of words to say to him but I couldn't grasp any of it.

The pain and disappointment were visible on his face despite that white cloth covering his eyes and I opened my mouth to speak but closed it after a while when I realized something.

"I'm sorry..." I said in a small voice.

"Leave," he said in a hard tone. "And don't ever come back. Hindi ka tanggap sa pamamahay na 'to."

The pain on my chest felt like it was squeezing my heart into pieces. Tila pinipiga, dinudurog pero wala akong magawa dahil naiintindihan ko siya. Ang lahat ng pinagdaraanan niya.

"Sorry..." bulong ko. "Hindi gano'n ang gusto kong ipahiwatig, I-I pulled my hand because—"

"You're disgusted by a blind man like me." He chuckled lowly. "I know, Storm. Just leave me the fuck alone and we're good."

Napatungo ako. Tahimik na iniwan ko ang pagkain doon at sumulyap sa kanya.

"I'll leave the food here," I said. "Please eat these. Huwag kang papagutom."

Hindi siya umimik. Nanatiling nakatiim ang kanyang panga at seryoso kaya kinagat ko ang labi at napatango-tango.

I decided to go. Nakatungo akong palabas ng kanyang kwarto at tahimik iyong isinara nang makarinig ng boses.

"Storm," I heard a voice say, startling me.

Storm?

I was confused, 'di ko alam ang gagawin pero muling may tumawag sa pangalang iyon.

"Storm!" a voice roared and my eyes widened when I saw a beautiful woman with blue eyes resembling Marcus near me. My heart hammered and panicked.

"A-ako?" I asked and pointed at myself and when her brow shot up, that was when I realized what I did wrong.

"Yes, may iba pa bang Storm rito?" she asked me coldly.

This was Darshana, right? Marcus' sister?

"Ah..." I cleared her throat. "Sorry, Darshana," I murmured and felt scared when I saw her sharp and observing eyes looking at me.

I lowered my head, afraid she'd see through me.

"Look at me," she said strictly and I did, my heart thumping so loud I felt like it was going out of my chest. "Did you come back for good?" mariing tanong niya kaya mabilis akong tumango.

"Yes, I'm sorry if I was g-gone...uh, may emergency lang," paliwanag ko pero napailing lang siya, tumaas ang sulok ng labi at mapang-uyam akong tinitigan.

"Is that so? I hope you have your mind right now. Nanay ako kaya alam ko ang pakiramdam ng mga bata, and if you've come back for good then make sure of it. Ayokong lulubog at lilitaw ka lang kung anong gusto mo. Isipin mo ang anak mo, ang asawa mo, ang kuya ko," she pointed out. "Hindi ka na single para isipin lang ang sarili mo."

Humapdi ang pakiramdam ko kaya kinagat ko ang labi. Guilt crept inside my chest.

"Sorry, Daru, I'm—"

"I don't care for your reasons, okay?" she spat coldly. "Ang gusto ko ay maging responsable ka dahil pamilyado ka ng tao. Look at what happened to my brother. Looked at the twins, they're looking for a family. Tandaan mo 'to, isang beses ko pang malaman na mawawala ka na naman at iiwan ang kuya at mga anak mo, hindi na ako magdadalawang-isip na ipaghiwalay kayo. Ilalayo ko sa 'yo ang mga bata at ang kuya ko, naiintindihan mo?"

Nangilid ang luha ko sa takot sa sinabi niya. Ang pag-iisip na hindi ko na makikita ang mga bata at si...

I gulped harshly.

"H-hindi na ako aalis, sorry..." I said, my voice desperate and begging.

"I don't know why my brother married you," aniyang seryoso at nilamon ako ng hiya kaya itinungo ko ang ulo.

"I'm sorry..." I sighed. "Just...just please, don't take the kids away from me. Don't take Marcus away from me." My voice sounded so desperate.

She scoffed. She didn't answer as she walked past me. Napapikit ako ng sinadya niyang banggain ang balikat ko at tuloy-tuloy na pumunta sa kwarto ni Marcus, pabalagbag pang isinara ang pintuan.

It pained me being treated that way but I knew I should be used to it. Kahit naman kasi halos isuka na ako ng employers ko noon sa abroad ay natiis ko naman sila. What Darshana did was understandable, I—no—we were the reasons why this family became chaotic.

Tahimik akong bumaba sa kusina. Naabutan ko sina Alice na nag-uusap at kaagad na naghiwalay sa gulat nang madatnan ako.

I flashed a small smile. Tahimik kong sinilip ang oven at nang masiguradong luto na ang macaroons ay inihain ko iyon.

"Ma'am, tulungan ka na namin," they offered and I let them, feeling peaceful. Somehow, may maayos naman akong nakakausap. Ayos na akong rito.

Nagtungo ako sa may guest room nang matapos kong maghain. I didn't have any clothes with me so I had no choice but wear Storm's extra clothes there.

"Ano bang klase 'to?" simangot ko nang matantong nasa itaas ng tuhod ko ang isa sa pinakadisenteng damit niya. Hapit na hapit iyon sa katawan ko kaya kitang-kita ang hubog ng dibdib ko sa dress na suot.

Tumitig ako sa salamin at napasimangot nang makita ang itsura ko. I looked well, okay...but somehow, my boobs felt a little weird for me. Hindi naman sa sobrang kalakihan, sakto lang pero dahil maliit ang katawan ko'y kitang-kita ang hubog nito.

I knew some girls were envious of people with blessed boobs, but me? I liked it more when they were just in the right side. Ang hirap-hirap kaya tumakbo. Ang sakit minsan.

Ang itim na itim na mga mata ko'y kagaya sa mahaba at itim kong buhok. Diretso at walang tikwas. I was petite and I didn't know if I was beautiful because I couldn't see myself as that. I was scarred from the experiences, from the pain, and trauma.

Working abroad was hard and tiring. Ayos lang sana kung maayos ang mga amo but my employers were one of the worst. The only good thing I got there was when I got to meet the wonderful Tasha and earn for my family. Hindi man kalakihan ay kahit papaano'y nakakatulong sa dialysis ng nanay.

Itinali ko ang buhok. Pagkababa ko sa sala ay abala ang mga housemaid sa pag-aayos at kaagad kong tinawag sina Alice nang makita ko.

"Ang mga bata?" tanong ko.

"Ay, ma'am, hindi po ako sigurado kung uuwi ngayon. Wala pa kasing sinabi si Ma'am Daru kung babalik sila. Nakita ko po kanina kumuha ng damit ng dalawa," Nancy answered.

My smile vanished. Bumigat ang pakiramdam ko roon at napasulyap sa macaroons na inihanda ko.

I nodded, a bit disappointed but I understood where Darshana was coming from. I heard she was a mom and that was her instinct—to protect the kids.

"S-sabihin ko ba, ma'am? Na pauwiin?" ani Nancy. Mabilis akong umiling at hinawi ang buhok.

"Ayos lang, para mas kumportable ang bata roon," I said instead. "Si Marcus, kumain ba?"

"Ay, opo." Tila nagliwanag ang mukha ko nang sumagot si Alice. "Hindi po naubos pero kumain na siya."

Mas lumawak ang ngiti ko. Mas buti na kaysa sa wala.

Muli akong ginanahan. Niyaya ko ang dalawang pumunta sa kusina at naabutan ko ang isa sa house help na nagluluto.

"Good evening po, pwedeng tumulong?" I called her attention to ask and she looked startled at first because of me but nodded.

"S-sige, ma'am," aniya. "Wala pong problema."

Nagluluto sila ng tinola. It made me smile when I smelled the delicious scent from it and suddenly remembered Tasha, the awesome kid I took care of before. She loved tinola, aniya'y 'di raw siya nakakatikim n'on pwera na lang no'ng dumating ako.

"Bakit walang gulay?" takang tanong ko at nilingon sila na natahimik sa tanong ko.

"Kasi ma'am..." Napahawak siya sa batok. "Ayaw po ni Sir Macky ng gulay."

"Huh?" Kumunot ang noo ko. "Hindi pwedeng walang gulay. Hindi kompleto ang tinola kapag wala n'on. Nakita ko kanina pagpasok may malunggay diyan sa labas, 'di ba?"

"Opo." They nodded.

"Hmm, pwedeng pasilip muna nitong niluluto ko't kukuha lang ako malunggay?"

Napanganga sila sa akin. Nagtataka man ay umalis ako pero natigilan sa boses nila.

"Ma'am Storm!" they exclaimed. "Huwag!"

Kumunot ang noo ko at nilingon sila.

"Why not?" I asked seriously, biglang natauhang seryoso ang pagkakasabi ko dahil sa mga itsura nilang takot. "I mean—"

"'Y-yong malunggay po nasa labas," ani nila at nahihiyang nakagat ko ang labi bago tumalikod mula sa kanila.

I was confused when they followed me. Kinuha ko ang nakita kong pang-sungkit doon at nakanganga lang sila sa akin sa ginagawa.

"Ma'am, sigurado ba kayo riyan?" Nancy asked. "Gusto mo patulong tayo sa mga guard sa pagkuha—"

"Ayos lang ako, kayang-kaya ko 'to," ngisi ko at nang makakuha ng ilan at 'di pa kuntento ay kinuha ko ang maliit na hagdan.

"Ma'am!" sabay-sabay nilang sigaw nang kunin ko 'yon.

"Ha?" Napatawa ako sa itsura nila. "Kaya ko," I said but they helped me anyway.

Naiiling na binitawan ko ang pangsungkit. Umakyat ako sa hagdan at inabot ang dahon pero halos mahulog naman sa sigawan nila.

"Ma'am Storm! Santo! Bumaba ka riyan! Mahulog ka, ma'am! Diyos ko!" Nancy exclaimed.

Mababa lang naman talaga kaya 'di ako natatakot. Kayang-kaya nga ito gamit lang ang pangsungkit pero ayaw kasi makuha n'ong dahon kaya ganito.

"Tawagin na lang natin sina Bogart, ma'am! Huwag ka nang umakyat diyan!" sigaw pa nila kaya lumakas ang tawa ko.

"Ma'am Storm!" Alice appeared, kasunod niya ang mga guard na nagulat din sa akin kaya umiling ako.

"Ayos lang ako," paliwanag ko pa. I extended my hand to reach the leaves and when I successfully did, I glanced at them and raised it.

"Got it!" I exclaimed happily, smiling when they looked relieved and clapped their hands because I succeeded.

"Tara na—" I murmured but it was cut off when my foot slipped. Mahinang napasinghap ako nang mahulog ako mula sa hindi kataasang hagdan, ang pang-upo ay bumagsak sa lupa.

"Ma'am!" sabay-sabay nilang tawag sa akin, ang mga mukha nila'y gulantang—akala mo'y hihimatayin sa nakikita. "Sinasabi na nga ba!"

"Ayos ka lang, ma'am?" Miski ang mga guards ay nag-aalala. "Naku, baka nabalian ka po! Magtatawag tayo ng ambulansya!"

If people here were this good, why did Storm do that?

"Hala ka, Bogart! Bilisan mo!" the head of the househelp, Ate Ramona, exclaimed and when they panicked, a small smile left my lips as it slowly turned into a chuckle.

"Ayos lang ako!" I announced, chuckling. Medyo masakit man ang balakang ay kaya naman.

"Talaga ba, ma'am?" ani Nancy na tuloy-tuloy, lumuluhod pa para abutin akong nakaupo roon habang hawak pa ang malunggay. "Nahulog ka! Yari tayo nito kay sir!"

"Mababa lang..." turo ko pa sa hagdan. "Kaya ayos lang, 'di naman masakit," nakangiti ko pang turan, sa halip na masaktan ay magaan ang pakiramdam dahil sa may nag-aalala sa 'kin.

"Kahit na, nabigla, e. Sabi naman namin kasi sa 'yo at sina Bogart na lang ang kukuha. At saka ayaw din naman ni sir na masaktan ka." I was frozen at that.

"Pero ayos talaga ako, promise," I murmured. "Mas matibay pa sa semento ang balakang ko." Marahan akong tumayo nang tulungan ako ni Alice patayo.

"Hala, huwag ako ang isipin ninyo! Tingnan natin ang lapag at baka 'yan ang nagka-crack," I explained, pointing at the ground and chuckled when they glanced there all together before laughing at my remark.

"Hala, ma'am. 'Di namin alam na mapagbiro ka pala," ani Ate Ramona kaya umingay ang tawanan nila at nangiti ako, hawak-hawak pa ang malunggay ay napabaling sa may terrace nang natigilan dahil makitang naroon si Marcus at tahimik lang na nakatayo, tila nakikinig pero tahimik ding umatras. Humawak sa may pintuang salamin doon bilang gabay niya at unti-unting naglaho sa paningin ko.

My heart dropped.

"Sigurado ka na po bang ayos ka lang, ma'am?" ani Ate Ramona kaya mula sa azotea ng kwarto ni Marcus ay sumulyap ako sa kanya't tumango.

"Ayos lang," sagot ko at ngumiti.

"Naku, ma'am! Iyong tinola mo mukhang ayos na," tawag sa akin ng pansin sa pinabantay ko kaya dali-dali akong pumasok doon, medyo kumikirot man ang balakang ay kaya ko naman kaya nagtungo.

I washed the malunggay leaves first to clean it. Tinulungan nila ako sa paghimay-himay n'on pero halatado sa kanila ang pagiging alangan.

"Sigurado ka ba riyan, ma'am?" tanong nila sa 'kin. "Baka po hindi kainin ni sir 'yan at 'di mahilig—"

"Hindi pwedeng hindi," I said and slowly spread the leaves in the casserole. "Not on my watch," sinabi ko sabay ngiti sa kanila.

It was awkward to see people watching me move inside the kitchen. Noon kasi'y si Tasha lang ang nanunuod sa pagluluto ko kaya nakakahiya ngayon na ganito.

Masaya ako no'ng natapos ko iyon. I didn't know why but the house seemed livelier than it was the last time I was here. Siguro ay dahil sa ilaw? O 'di kaya'y sa naririnig na masasayang usapan ng mga tao sa paligid?

"Ma'am, hindi raw po makakapunta si Nurse Mary," Nancy called my attention after she talked on the phone.

"'Yong nurse ni Macky?" I asked. She nodded. "Opo, may emergency daw po sa ospital kaya 'di makakapunta. May mga bilin lang po siya."

I listened to it, nagpresinta pa nga silang sila na ang gagawa but I insisted. Dala-dala ang tray ng pagkain ni Marcus ay inakyat ko siya sa kwarto niya no'ng sumapit ang alas-nwebe ng gabi.

Puffing a deep breath, I lowered the tray before tilting the doorknob to open it pero natigilan nang ang dilim at lamig ang sumalubong sa akin. I couldn't see him but after a few moments and my eyes adjusted, I saw him.

My mouth parted, seeing him curled up on the bed. Nakatalikod siya sa akin pero kitang-kita ko ang panginginig ng kanyang katawan.

"N-no..." Ang paos niyang boses ang pumailanlang sa aking tainga. "H-Huwag...huwag."

I lowered the food on the ground. Halos malalaking hakbang na ang ginawa ko maabot lamang siya gumagalaw sa higaan.

Malalim ang kanyang paghinga at nanginginig, it was as if he kept on grasping something he couldn't reach.

"N-no, please..." he said desperately.

"Marcus..." I called before reaching for his shoulder but he was too quick to move his hand and change positions.

Huli ko na nang matantong nakahiga na ako sa kama, nasa ibabaw ko na siya at hawak-hawak niyanang mariin ang kamay ko at pinipisil iyon.

"M-Marcus," I called again and despite the darkness, I could see his face from the light escaping on his curtains from the post outside.

He was in full alert and full of adrenaline. Kahit anong galaw ko ay mas dumidiin ang kanyang kuko sa pulsuhan ko.

"Who are you?" mariing sinabi niya at mas dumiin. "Y-you can't take me, okay? M-my kids need me...you can't take me."

"Hey..." I called.

"No...no," iling-iling niya, mas bumibigat ang dagan sa katawan ko. "You can't take me. You m-monster, you can't take me."

He sounded so lost and confused, as if he was still trapped in a nightmare. Ang kunot ng kanyang noo ay visible sa paningin ko kaya alam kong hindi niya alam ang ginagawa.

"I'm not a monster," I said as gentle as I could but frowned when his grip on my wrist tightened.

"Y-you are, you are..." he chanted, "d-don't take me a-away from my kids. They...they need me."

I thought of a way to escape and wake him up kaya marahang inangat ko ang isang kamay at inabot ang kanyang batok.

"I'm not—"

"Liar!" he exclaimed and I was too quick to pull him towards me until he was burying his head on my neck. "G-get off me! You monster!" he exclaimed and tried pulling away pero mas hinaplos ko ang kanyang batok ng marahan.

"Shh...it's okay, it's okay," I whispered gently. "Wake up, Marcus."

He wiggled from my grip, his manly natural scent filled my nostrils.

"It's just a dream," pag-aalo ko at mas hinaplos ang kanyang batok patungo sa kanyang buhok at nang lumuwag ang hawak niya sa pulsuhan ay tinulak ko na siya mas palapit sa akin.

His weight felt heavier this time around and as I was whispering for him to wake up, telling him it was gonna be okay, I noticed how his breath settled and calmed down.

Mas bumigat siya at maya-maya pa'y gumalaw.

"S-Storm?" he whispered in my ear.

My eyes dropped closed. His voice felt like I was hearing a sweet lullaby.

"Hmm, it's me," bulong ko, "it's okay."

"The..." Huminga siya nang malalim. "T-the monster?"

"Wala," bulong ko pang mas marahan. "Walang halimaw, nasa panaginip lang iyon."

"But..." he trailed off. "It'll t-take me, Storm. 'Y-yong mga anak ko, they n-need me."

Tila piniraso ang puso ko sa naririnig na mga salitang namutawi sa kanyang labi. It was like he was hearing a broken record that kept on playing again and again no matter how hard he tried to make it stop.

"It won't take you," I whispered back. "I'd never let it."

Hindi siya umimik, no'ng una'y akala kong ayos na pero mabilis siyang bumalikwas palayo sa akin na tila napapaso at mabilis na naupo sa gilid, malayo sa akin.

My eyes swelled, looking at how brave looking and strong he was the last time I saw him and now he was weak and scared.

Tahimik akong naupo sa kama at sinuklay ang buhok bago siya tawagin, "Marcus."

"Open the lights," he muttered. Tumayo naman ako at inabot ang switch at doon na nagkaroon ng liwanag lalo ang kwarto.

It was chilling there. Kaagad kong inabot ang remote ng aircon para hinaan kahit kaunti ang aircon bago napasulyap sa pulsuhan kong namula dahil sa mahigpit na hawak niya roon kanina pero ipinagsawalang-bahala ko iyon at kinuha ang tray ng pagkain bago naupo sa kanyang tabi.

"What the hell are you doing here?" malamig niyang tanong.

"Kain ka," I said. "Nagluto ako—"

"Ayoko," he said stubbornly and I expected it.

"Marcus, kailangan mong kumain," marahang sinabi ko. "Pangalawang kain mo pa lang ito ngayong araw. Okay na 'yong kaunting kinain mo kanina kasi at least kumain ka, pero iba itong ngayon. This is your last meal of the day and you should eat."

Tumiim ang panga niya at hindi ako sinagot.

"Susubuan kita, ah?"

"I can eat damn well," mahinang sinabi niya. "Ako na."

"May sabaw ito, Macky," paliwanag ko. "Baka mapaso ka pa. Ako na."

"No," he fought back. "Let me. I am not disabled!"

"Alam ko." Tumango ako at inilagaynang maayos sa kutsara ang sabaw para hipan iyon saglit. "Pero hayaan mong alagaan kita, oh, here and taste this."

Inilapit ko sa labi niya ang kutsara sa kabila nang halatang pagtutol sa kanyang mukha. Tiim ang bagang at pirmi ang mga mapupulang mga labi.

"Macky—"

"I said no!" his voice roared, hinawi niya ang kamay ko kaya nagulat ako't tumilapon ang hawak sa kutsara. The tray moved too and a small part of the hot content inside the bowl spilled on my leg.

I gasped in shock when it stung, standing abruptly from the bed to take it off my leg. Mabilis ko ring ibinaba roon sa lapag ang tray para 'di tuluyang matapon.

"Are you..." Napatingin ako kay Macky na umayos ng upo at nakasulyap na sa akin, nakaawang ang labi at mukhang nagulat din sa nagawa.

My heart felt like squeezing.

"Bathroom lang," mahinang sabi ko at dali-daling nagtungo sa banyo para hugasan ang hita. When I lifted my dress, I could see a small portion of it was already red. Dali-dali ko iyong binasa ng malamig na tubig para kahit papaano'y umayos at nang matapos ay pagod akong napatitig sa salamin.

I looked like a mess, parang buong araw ata akong naaksidente ngayon. Una na 'yong sa hagdan. What a start for the first day.

"You can do it." I tapped my shoulder. "For the kids! For...Marcus."

I inhaled a sharp intake of breath. Brushing my hair, I opened the bathroom's door to go outside when I got slammed on someone's chest. I stopped. Mabilis akong napaatras at nabigla nang makita si Marcus na nakatayo sa harapan n'on.

"Marcus?" I called.

He didn't say anything at first, he just kept on lowering his head like a kid and because he was taller than me, I got a glimpse of his regretful face.

"A-are you okay?" malamig pa niyang tinanong. Tunog iyon seryoso pero alam ko ang tono niya.

"Ayos lang ako," sagot ko naman at kinagat ang labi at naglakad palagpas sa kanya pero mabilis niya akong naharang.

"Are you sure?" he asked me abruptly. "I lost my control. I didn't mean to do that."

Umangat ang labi ko sa ngiti sa tinuran niya, I chewed the insides of my mouth and lifted my head to look at him again.

"I understand. Labas muna 'ko, papalit lang sa guest room." I touched his wrist—almost making him jump in shock but he let me. Inalalayan ko siyang paupong muli sa kama niya bago nagsalita.

"Doon muna 'ko," paalam ko at tahimik na tumalikod para sana umalis habang bitbit ang tray para palitan nang tawagin niya ako.

"Storm!" he snapped and that was when I shifted my gaze on him to take a look.

"Hmm?"

I caught how he gulped harshly as he touched his nape and cocked it to the side, licking his reddish lips with his tongue.

"You'll be back, right?" he inquired and that was when my jaw dropped. Nasa isip kong maganda para sa kanyang wala ako pero ngayon?

"I-I'm just..." Umubo siya. "I'm just damn starving, hindi ko makita 'yong pagkain. Baka mapaso ako sa s-sabaw." Tumikhim siya.

My lips tugged for a playful smile, pinagmasdan ko siya roon namumula ang mukha at napahawak sa dress.

"Babalik ako," I announced. "Wait for me. I'll feed you."

Ngumuso siya, hindi na umimik kaya nakangiti akong lumabas sa kabila ng paso. Hindi ko na nga ata naramdaman iyon at nakatatak lang sa isip ang nahihiyang boses niya.

Mabilis akong nagpalit. Tanging ang shorts na maiksi at spaghetti strap na damit lang ang nakuhang maayos sa closet doon at nagulat nang pagbalik ko'y nakatayo siya sa gilid ng kama.

He was naked on top, his muscled and strong back feasting on my eyes. Malapad ang kanyang balikat at napalunok ako ng wala sa sarili nang napaharap siya sa banda ko nang marinig ang pagsara ng pinto at matitigan ang V-shape na lubog sa may gilid ng kanyang magkabilang baywang pababa sa kanyang pants.

I swallowed painfully.

"Anong ginagawa mo?" I asked, trying not to be distracted from the fact that I was ogling at him.

"Just changing the bedsheets. I messed it up," aniya at napatawa ako nang masilip ang ginagawa niya't magulo nga ang bedsheets at gusot.

"Ako na nga," tumatawa kong sabi. "Upo ka muna ro'n sa sofa."

"Sorry..." He blushed. "I messed it up and yet I couldn't fix it."

He looked like a shy kid I found myself pinching his cheek and held his hand to pull him towards the sofa just beside his bed.

"Ayos lang, let me," I muttered. "Basta ba kakain ka ng hapunan ayos na ako."

"Is it okay?" nag-aalangan niyang tanong nang paupuin ko siya. "I can help. Well, I'll try?"

"Kumain ka lang, ayos na ako," nakangiting turan ko bago siya saglit na tinitigan at nagtungo na sa kama para ayusin ang bedsheet at pagbalik ko sa kanya'y nakasandal lang siya roon sa sofa at tila batang nag-aantay ng sundo.

I noticed he was already wearing a shirt now and my lips protruded.

Sayang ang view! I shook my head, removing the earthy and malicious things running inside my head.

I reached for his hand and it made him jump.

"Storm?"

"Hmm?" I hummed and gripped his calloused palm. "Tara na, sa kama ka ba kakain or dito na lang?"

"Kahit dito na lang," sagot niya. "Baka may magawa na naman akong kagaguhan at mabuhos ang sabaw."

I smiled.

"It was an accident, Macky," I muttered. "Pkay lang 'yon."

Kinuha ko ang tray at pinatong sa lamesa bago siya sulyapang tahimik na naman sa tabi ko.

"Iihipan ko, ah? Kumuha kasi ako panibago para mainit ulit," paliwanag ko.

"Is your leg okay?" he asked.

"Oo," sagot ko, "kaunti lang naman ang nabuhos at saka nabuhusan ko kaagad ng malamig na tubig. Mawawala rin 'yon."

Naramdaman ko ang pagbangga ng kamay niya sa akin na nasa sofa. Dali-dali akong napasulyap doon at parang mapupugto ang hininga nang umangat ang daliri niya sa pulso ko.

"How 'bout your wrist?" he asked, "I gripped it too hard, didn't I?"

"You were having a nightmare. I understand."

He sighed. "And your back? I heard you fell, Storm Raina. What happened? Are you sure you're okay? And you can't make excuses about me—"

"Kumuha ako ng malunggay mo," I stopped him.

"What?"

"Una, ayos lang ako. Mababa lang 'yong hagdan. Masakit kanina pero nawala na rin at kumuha ako ng malunggay."

"For?" Kumunot ang noo niya.

"Basta, wala lang," I said and took the spoon. "Oh, siya, huwag mo akong kwentuhan, Marcus. Halatadong ayaw mo lang kumain, e."

"What?" His lips protruded. "Who said I won't?"

"Halata." Pinisil ko ang ilong niya. "Oh, kain na."

Inihipan ko ang sabaw na may kaunting kanin at malunggay at inilapit sa bibig niya para matikman pero parang kakasayad pa lang sa dila niya ay masuka-suka na siya.

"Isa!" I snapped. "Huwag iluluwa!"

He swallowed it painfully and stuck his tongue out like a kid after.

"May gulay!" he whined. "Storm, who did the cooking? Hell, I told them I don't eat this green thing—"

"Ako, bakit?" Tumaas ang kilay ko.

"Huh?"

"You know why I fell on the stairs? Because I took malunggay from there and fell!"

"Bakit?" Kumunot ang noo niya. "Didn't they inform you I don't eat this?"

"Yeah?" Kumunot ang noo ko. "Who eats tinola with nothing but meat? Ano? At saka sabaw lang? Anong klase 'yon? Ano ka, matandang walang ngipin?"

"The fuck?" he blurted out.

"Anong the fuck." Ngumuso ako. "Kulang na lang durugin pa sa 'yo ang karne. Kumain ka na gulay, akala mo ba maganda sa kalusugan 'yang pinaggagawa mo? Anong kinakain mo, pancit canton? Ang daming gano'n sa may cabinet!"

"What's wrong there?" he sulked. "I liked the chilimansi—"

"Tss, nga-nga! Huwag mo 'kong lilibangin sa kwento mo at kumain ka ng gulay."

"But—"

"O-ouch..." Nagdrama ako't kunwari'y humawak sa baywang ko.

"Storm? Bakit? Anong nangyari?" tuloy-tuloy niyang tinanong. He was panicking now, I see.

"'Yong...balakang ko." I groaned. "Naghirap kasi akong kunin 'yong malunggay tapos 'yong pinapakain ko ayaw naman. O-ouch, mababali 'ata—"

"G-give me some," he muttered, panicking. "Kakain ako. Kakain na." Ngumanga pa siya at halos mapahalakhak ako roon pero pinigil ko ang sarili.

Uto-uto.

Umayos ako ng upo at dali-daling naglagay muli sa kutsara at isinubo sa kanya na kinain niya rin pero ang mukha niya'y nangingiwi. It looked like he was going to throw up so I faked a groan.

"A-aww..."

"A-another one," he said and swallowed the food painfully, 'di nga 'ata nginuya.

"Nguyain mo," I said and gave him another one pero no'ng mukhang lulunukin lang niya agad ay pinalo ko na ang hita. "Marcus, nguyain mo! Mabulunan ka sa ginagawa mo!"

"I-I can't." He coughed and reached for the glass of water kaya tinulungan ko na uminom. "It's horrible—"

"Ano?!" I scoffed.

"Masarap!" he exclaimed back. "Sobrang sarap nga. K-kulang pa, ah? Pahingi pa nga." He opened his mouth impatiently kaya parang mamamatay ako sa kakapigil ng tawa sa hitsura niyang parang kulang na lang ay mahimatay sa kinakain.

Hindi naman gano'n kasama ang ugali ko kaya no'ng bandang huli na'y tinatanggalan ko na ng dahon at namumula na ang talaga ang mestisong kutis niya sa reaksyon.

"Water..." He sounded like he was choking when he finished the last spoon of food at inabot ko iyon sa kanya na tuloy-tuloy niyang ininom.

"Fuck, cause of death: fucking veggies," bulong-bulong pa niya kaya humalakhak ako at itinabi ang pagkain sa lamesa bago siya lapitan.

"You sound amused, huh? Must be fun seeing me choking to death." He pouted.

"Asus, Sky, ikaw ba 'yan?" Napatawa akong lalo nang mas bumusangot siya, inabot ko ang tissue roon at inilapit sa kanyang bibig. "Ayaw na nga sa gulay, napapakalat pang kumain."

"How can you like veggies, huh? It's bitter and weird," he whined again like a kid. "Pancit canton is better—"

"Ayan, puro ka junk food. Puro ka unhealthy foods." Bumusangot ako at hinawakan ang chin niya para punasan ang kalat sa gilid ng labi, natigilan pa saglit nang mahawakan ang patubong bigote niya.

"Mom was like that too." He sighed. "Si Dette lang 'ata kaya niyang pakainin ng gulay. Everyone is trying hard to eat so she won't get mad at us and you know what? Papa's preaching us about being healthy or what pero kulang na lang idukdok ni mama ang kutsara sa bibig niya kapag 'di siya kakain."

Napatawa ako, naaaliw na pinagmamasdan siyang nagkikwento ng gano'n sa akin at mukhang komportable naman siya.

"I'm trying hard, okay? I want to be a good father." He sighed. "I'll let the twins eat veggies at least three times a week—"

"Oh? Tapos ikaw ang hindi? Practice what you preach. You should show our children you're eating one so they'd follow you."

Natigilan ako.

Our children?

A bitter taste spread inside my mouth. I must be forgetting Storm. Hell. This was her husband and I was just her damn substitute.

Natahimik din siya roon kaya dali-dali akong umiwas ng tingin sa kanya at umakmang tatayo.

"Hahatid ko lang sa kusina," mahinang sinabi ko pero mabilis niyang naabot ang baywang ko at sa gulat ay bumagsak ako diretso sa kanyang hita, natitilihan at tila tuod.

I was sitting sideways on his leg when I felt his face on my neck, his nose touching my skin.

"Marcus..." tawag ko.

"I want this scent of you more," bulong niya at ipinaraan ang ilong sa leeg ko kaya nagtindigan ang balahibo kasabay ng malakas na pagwawala ng puso.

His hand crawled on my waist as he buried his face more on my skin, making my stomach churn more with unexplainable feeling inside.

"I want this more. This scent. This...you." Lumalim ang paghinga niya kaya dali-dali ko siyang nilingon at sa kabila ng tela sa mga mata'y kitang-kita ko ang ekspresyon niya.

"A-ano bang mayro'n ako?" bulong ko at hindi na napigilang iangat ang kamay sa kanyang batok para haplusin ang buhok niya.

He placed his chin on my shoulder and I felt chills running down my spine when he gave my cheek a feathery kiss.

"I should hate you," bulong niya. "Damn, I was so mad at you."

"E, bakit ngayon..." Kinagat ko ang labi habang pinagmamasdan ang lumbay sa kanyang mukha.

"This version of you...it felt so warm, Storm." Lumalim ang paghinga niya at mas humigpit ang yakap sa akin. "A-ang lamig-lamig pero ikaw...ikaw 'yong nagbibigay init dito," aniya sabay angat sa kamay kong nahuli niya at dala nito sa dibdib niya.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

882K 23.2K 66
Sandejas Legacy #7: Withered Roses "Sandejas Legacy continues..." Tasked to find evidence to free her father in jail, Zahrah Ortega pretends to be th...
1.7M 81.3K 32
Brooklyn Love Affairs (Collaboration Series) A Royal Visit In Brooklyn (Lost Island Series Spin Off) Royal, beautiful, regal, and the next in line fo...
395K 15.6K 17
Raindrop's Tears (Companion Book): The Storm's Shadow The Storm's Shadows is a Sandejas Legacy #4: Companion Book. YOU SHOULD READ Raindrop's Tears f...
2.1M 94.9K 38
Sandejas Legacy #1: August Lies "Sandejas Legacy continues..." Scira Valderama is one of the most sought-after architects of her generation, but not...