Story of A Campus Girl

By Mnemonicss

4.1M 50.8K 4.8K

"Love at first sight". Yan ang tawag sa mga taong naiinlove sa isang taong nakasalamuha nila sa unang pagkaka... More

Prologue
Chapter 1: Meet the Sarmiento
Chapter 2: Welcome to Xavier School of Arts
Chapter 3: First Encounter
Chapter 4: Meet Mr. Almost Perfect
Chapter 5: Meet Ashley and Kristoff
Chapter 6: Love at first sight?
Chapter 7: Seat mate
Chapter 8: Meet the other friends
Chapter 9: Phone Call
Chapter 10: Long Lost Cellphone
Chapter 11: Unexpected Visitor
Chapter 12: Class Activity
Chapter 13: When They Become Closer
Chapter 14: Jealous?
Chapter 15: Unexpected Bonding Moment
Chapter 16: Waterpark Bonding (Part 1)
Chapter 17: Waterpark Bonding (Part 2)
Chapter 18:Mr. Heart throb meets Mr. Almost Perfect
Chapter 19: Marjorie's Threat (Part 1)
Chapter 20: Marjorie's Threat (Part 2)
Chapter 21: Finding Nikki
Chapter 22: Piece of Shattered Memory
Chapter 23: Say Hello to Nikki's Friends
Chapter 24: Battle for Nikki's Heart
Chapter 25: First Heartache
Chapter 26: Student Assistant (Dance Instructor)
Chapter 27: Student Assistant (Vocal Coach)
[Warning: This is not an Update]
Chapter 28: Vinci, Watchout!
Chapter 29: The Loveteams
Chapter 30: Xander's Secret
Important: Must Read
Chapter 31: Nikki's Broken Heart (Part 1)
Chapter 32: Nikki's Broken Heart (Part 2)
Chapter 33: Tomorrow is Another Day
Chapter 34: Make Her Happy (Part 1) [Nikki's POV]
Chapter 35: Make Her Happy (Part 2) [Vinci's POV]
Chapter 36: Acting Club President
Chapter 37: Friend or Love (Part 1)
Chapter 38: Friend or Love (Part 2)
Chapter 39: Friend or Love (Part 3)
Chapter 40: Friend or Love (Part 4)
Chapter 41: Twist of Fate
Chapter 42: It's Time to Move On
Chapter 43: Vinci's Unexpected Move
Chapter 44: Detention
Chapter 45: James Vs. Vinci
Chapter 46: Nikki's not my type
Chapter 47: Unexplained Emotions
Chapter 48: Nicole Sarmiento (Beast mode version)
Chapter 49: Other Side of Mr. Almost Perfect
Chapter 50: The Unexpected Auditionist
Chapter 51: Unforgettable Audition for A Campus Girl
Chapter 52: Confession of the Heartthrob of All Campuses
MAJOR ANNOUNCEMENT!
Chapter 53: Marius' Weakness
Chapter 54: Result of Desperation
Chapter 55: The Bitch is Back
Chapter 56: Lovesick (Part 1)
Chapter 57: Love Sick (Part 2)
Chapter 58: Strange Noise (Part 1)
Chapter 60: I choose you
Chapter 61: Mystery Girl (Part 1)
Chapter 62: Mystery girl (Part 2)
Chapter 63: The Incoming Rival?
Chapter 64: Meeting the Rival

Chapter 59: Strange Noise (Part 2)

134 11 0
By Mnemonicss

Connected Chapters: "Chapter 53", "Chapter 56", "Chapter 58" (Make sure to read this before proceeding to this chapter, ok?) ^_^

Enjoy!


_____


Chapter 59: Strange Noise (Part 2)


Ian's POV


Sorry. The number you dial is not yet in service/ Please try your call later.


"Argh! Buds! Please. Sagutin mo. Sagutin mo!" aburidong sabi ko habang paulit ulit na dinadial ang number ni Nikki, at sa mga oras na to hindi talaga ako mapakali hanggat hindi nya sinasagot ang tawag ko.


Nagmadali akong tawagan siya kasi nakareceive ako ng Xavier School article mula kay Kylie. Nagpanic ako kaya agad kong kinuha ang cellphone ko. Gusto ko siyang matawagan ngayon para malaman ko ang panig nya. Gusto kong malaman kung totoo ngang nagtapat sa kanya ang Vincent Romero na yun. At pag nalaman ko yun, hindi ko talaga matatanggap dahil nauunahan na pala ako ng g*gong lalaking yun.


Pero bwisit. Paano ko malalaman ang lahat ng tanong sa isipan ko kung katulad ngayon, hindi niya sinasagot ang tawag ko?


Dahil ba sa tulog pa siya?


Dahil ba sa madaling araw ngayon?


O ayaw nya lang talaga ako sagutin?


Pero hindi eh. Kung alin man sa dalawa ang rason, kailangan eh. Kailangan nya akong sagutin. Kailangan nya akong sagutin ngayon. Dahil kung hindi, hindi talaga ako matatahimik. Hindi talaga ako mapapakali sa kinatatayuan ko.


"Urgh! Badtrip! Badtrip!!"


Sa sobrang inis ko, nabato ko sa sofa ang cellphone ko. Kainis, bakit ngayon pa? Bakit ayaw nya pakausap? May tinatago ba siya? O dahil nga ba talaga sa lalaking yun?


"Ano? Sinagot na ba?" napalingon ako sa tabi ko nang magsalita si Kristoff.


"Mukha bang sinagot?! Hindi ba obvious na hindi?!" asar ko naman na sabi sa kanya at padabog na umupo sa tabi nya. "Kanino ko pa nga siya tinatawagan pero ni isa sa mga tawag ko ayaw nyang sagutin!"


"Eh baka naman kasi tulog pa si Nik-Niks. Anong oras palang brad--?"


"Hindi! Gising na yun!" inunahan ko na siya. "Alam kong gising na yun!" dagdag ko pa at padabog na sumandal sa kinauupuan ko.


"Fine brad. Chill ok? Sinasabi ko lang" rinig kong sabi ni Kristoff pero di ko nalang siya pinansin.


Kilala ko kasi si Nikki. Early bird yun at palaging maaga gumigising. 4:00 am man ngayon pero nararamdaman ko. Gising na yun.


Di nya lang talaga sinasagot ang tawag ko. At yun ang kinaiinisan ko ngayon.


Aish. Bwisit. Bwisit talaga.


Kinuha ko nalang ulit ang cellphone na binato ko kanina at nagsimulang magdial ulit.


Hindi. Hindi talaga ako titigil hanggat di nya sinasagot ang tawag ko.


Nagriring na naman ang kabilang linya habang nasa tenga ko ang cellphone ko. Habang hinihintay ko ang sasagot, paulit kong ginagawang positibo ang sarili ko.


Masasagot nya to.


Masasagot nya to..


Masasagot nya—


"O baka naman may ginagawa yun. Kung totoo mang gising na yun"


Aish. Ang ingay naman nito.


Asar akong tumingin kay Toff dahil sa narinig ko.


"At ano naman ang ginagawa nya aber?" sabi ko dahil alam kong non-sense nanaman ang sasabihin. Nakadikit pa rin sa tenga ko ang cellphone na hawak ko.


"Ewan. Yun ang hindi ko alam" sabi nya. "Pero ang alam ko lang, hindi nga malabong may ginagawa yun kasi sila lang ang tao sa bahay nila. Madalas daw busy sila daddy nya at hindi raw nakakauwi. Kaya---"


"WAIT WHAT?!" bigla kong naalis ang cellphone sa tenga ko. "A-Anong sabi mo?"


"Alin dun? Marami yu—"


"Yung sinabi mo ngayon lang!!" sabi ko at nahawakan ko pa siya sa balikat nya. "H-Hindi nakakauwi? Sila tito Greg?"


"Ah. Y-Yun ba? Oo hindi daw. Yun ang sabi ni Nik-Niks" sabi nya at napatingin pa sakin ng nakakunot ang noo. "Wala ka ba nun nung minsang sinabi nya yun?"


"Wala. Wala ako nun kaya –"


Bigla akong natigilan


T-Teka..


Kung wala si Tito Greg..


..ibig sabihin..


.."MAG-ISA LANG SI NIKKI KASAMA ANG LALAKING YUN?!!!"


"Oo. Parang ganun na nga sigu---"


"F*ck! F*ck! F*ck!"


Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Kristoff. Nagmadali na akong tumayo sa kinauupuan ko at agad na tumakbo sa gilid ng sofa para kunin ang gamit ko.


"Oy! Oy! Teka! A-Anong ginagawa mo? San ka pupunta?" biglang pagtataka nya.


"San pa?! Sa buds ko! Kailangan ko siyang puntahan!"


"W-What?!" gulat na sabi nya. "Nang ganitong oras?!"


"Oo! Nang ganitong oras!" sinukbit ko na ang bag ko at nagmadaling tumakbo papuntang pintuan.


"Naloloko ka na ba?! Anong—oy! Yan-yan!! Yan-yaaaaan!!!"


Tumakbo na ako palabas ng pintuan.


Nagmadali akong naglakad sa corridor at dali daling pumunta sa elevator.


Sh*t sana hindi pa huli ang lahat. Sana ok lang ang buds ko dun.


"Yan-Yan!!"


Habang nasa loob ako ng elevator, narinig ko ang sigaw ni Toff. Dahil dun pinindot ko agad ang pinto at sakto, sumarado ito.


"Aish! Ang kulit bumalik ka dito! Uy! Uy!!"


Yun ang huling sinabi nya bago sumara ang pinto ng elevator. Pero hindi ko na inintindi masyado. Malamang sarado na nga eh.


Nang makababa ako sa ground floor, nagmadali akong tumakbo pababa sa may parking lot. Dumiretso ako sa "parking lot C" kung saan nakaparada ang bike ko.


"Ewan. Yun ang hindi ko alam. Pero ang alam ko lang, hindi nga malabong may ginagawa yun kasi sila lang ang tao sa bahay nila. Madalas daw busy sila daddy nya at hindi raw nakakauwi."


Argh. Kasalanan to ni Toff. Kung di nya sinabi yun, hindi ako mapaparanoid ng ganito.


Pero ibig sabihin matagal na palang namimiligro ang buhay ng buds ko sa lalaking yun?!!


Lintek! Hindi pwede! Hindi pwedeng mangyari to at hindi ko hahayaang mangyari to!


Nagmadali akong sumakay sa bike ko at pumadyak ng sobrang bilis. Hinarurot ko ang bike na sinasakyan ko hanggang sa makarating ako sa bukana ng parking lot.


"Tabi! Tabiii!!"


Bigla akong sumigaw nang makita ko ang guard na paharang harang sa daan. Nagulat siya sa ginawa ko pero hindi ko na pinansin. Tuloy tuloy lang ako.


"Sir yung parking fee! Yung parking fee!"


Sigaw na sabi ng lintek pero bahala siya. Wala akong pakielam sa nararamdaman nya.


Nakalabas na ako sa main street. Pula man ang mga traffic light signal na nadadaanan ko pero patuloy ko lang silang nilagpasan. Di ako huminto. At wala akong balak huminto. Dahil sa mga oras na pinapadyak ko mga paa ko sa pedal ng bisikleta ko, isa lang ang nasa isip ko..


Ang ilayo ang buds ko sa siraulong yun.


"Ano ba! Tabi! Tabi!!"


Bigla ulit akong sumigaw dahil biglang may tumawid. Agad na mang umiwas ang mga taong nakaharang sa daan. Nagalit sila pero hinayaan ko na. Ang papangit nyo bwisit! Wala akong paki sa inyo!


Nilihis ko ang bike ko sa subdivision kung saan nakatira si Nikki. Pagkatapos, habang pinapadyak ko ang bisikleta ko..


Breaking News: Heartrob of all Campuses, Vincent Romero reveals his true feelings for the former Acting Club President, Nicole Jane Sarmiento (Chapter 56: Lovesick Part 1)


Ugh hindi! Hindi pwede to!Hindi pwede talagaaaa to!!!


Lalo akong napabilis sa pagpadyak dahil sa naiisip ko.


Buds! Paparating na ako. Itatanan na kita. Ilalayo na kita dyan!


Nagmadali akong lumiko at dumaan sa short cut kung saan mapapadali ang pagpunta ko sa bahay nila. Kahit may humps sa dinaraanan ko, mabilis pa rin ang pagtakbo dahil wala ng oras. Baka nanganganib na ang buds ko.


"Ano ba! Tabi!!"


Napasigaw ako nang biglang may tumawid. Lintek madaling araw pa lang pero bakit may mga batang palakad lakad sa daan. Nakakainis. Nakakaabala.


Pero teka. Oo nga pala. Hindi nga pala sila ang dapat kong intindihin. Kundi ang buds ko. Ang buds ko na nanganganib na dahil sa lalaking yun.


Nikki. Malapit nako. Malapit nako! Sabi ko sa sarili ko.


Lumiko ako sa bandang kanan. At isang kanto nalang to para makarating kila Nikki at—


"Shit!" bigla akong napahinto sa nakita ko.


Ay lintek! Bakit ngayon pa? Bakit may ginagawang daan dito?


Aish. Wala ng oras. Kung magdedetour pa ako baka lalo akong tumagal papunta sa kanila.


Bahala na. Bahala na.


Nagmadali akong bumaba sa bisikleta na sinasakyan ko. Nilapag ko yun sa daan at ako namismo ang tumawid sa ginagawang daan. Tumakbo nako ng napakabilis at nagmadaling tumakbo papunta sa bahay nila.


Nang makita ko na ang white gate sa sulok ng street na dinaanan ko..


"BUDS!!!!"


Bigla akong sumigaw at nagmadaling pindutin ang door bell nila. "Buds! Buksan mo to! Si Ian to! Si Ian to!!" sabi ko pa at sinimulan kong yugyugin ang gate nila.


Nang wala akong makitang nagbubukas nang pinto, tinigilan ko ang pagyugyog at lumayo sa gate. Tumingin ako sa taas na bintana kung saan ang kwarto ni Nikki at nagsimulang sumigaw ulit.


"Buds!!! Buksan mo to!! Andito nako! Nandito na---"


*BLAG*


Bigla akong natigilan sa pagsigaw nang makarinig ako ng malakas natunog. Mula yun sa loob ng bahay nila at..


Teka. Si buds ba yun?


Si buds nga ba yun?


Nagmadali akong bumalik sa gate at sumilip sa maliit na butas kung saan makikita ang loob ng bahay nila.


Nakita kong may tila naglalakad sa loob ng bahay nila buds. Silhouette lang yun at parang anino lang talaga ang nakikita ko dahil makapal ang kurtina.


Nang makita ko yun, sisigaw na sana ako ng "buds". Pero natigilan ako nang parang..


Teka..


Bakit parang may mali?


Bakit parang.. masyadong malaking tao ang nakikita ko para kay buds.


Teka nga. Mukhang kailangan ko makita 'to ng mas malapitan.


Tumingin ako sa paligid at inisip ko kung paano ako makakapasok sa loob ng bakuran nila Nikki. Niligid ako ang paningin ko at..


Ayun. May nakita akong malaking lalagyanan ng basura. Pwede kong tungtungan yun.


Nagmadali akong tumakbo papunta doon at tinungtungan yun. Humakbang ako paakyat sa bakuran, umupo sa tuktok at maingat na tumalon pababa ng pader.


Sa wakas. Nakapasok na rin ako sa loob.


Alam kong mali 'tong ginagawa ko dahil pumasok ako sa bakuran nila ng walang paalam. Pero.. ewan! Parang may hindi tama talaga eh. Yun ang sinasabi ng utak ko.


Maingat akong tumakbo palapit sa bahay nila Nikki. Sumilip ako sa bintana pero sa sobrang kapal ng kurtina nila, silhouette pa rin ang nakikita ko. Pero at least, mas malinaw ko na'ng nakikita ang galaw ng taong nasa loob at..


Teka..


Ba't parang dahan dahang maglakad ang taong yun?


Saka ba't kahina-hinala ang kilos ng..


Teka..


M-Magnanakaw ba ito?


"Ok na. Mukhang tulog pa sila"


Sh't! Mukhang magnanakaw nga!


Bigla akong naalarma nang marinig ko ang boses sa loob. Lumakas ang dibdib ko at nagsimulang magpanic sa kinatatayuan ko.


Ibig sabihin, nasa panganib ang buds ko?


Naku, hindi pwede! Hindi pwede 'to!


Nagmadali akong umisip ng paraan. Papasok ba ako o hindi?


Kung papasok ako, paniguradong mapapahamak ako. Pero kung hindi ako papasok..


..mapapahamak ang buds ko!


Naku, hindi pwede to! Kaya oo. Kailangan kong pumasok sa loob.


Nilakasan ko ang loob ko nang naging buo na ang desisyon ko. Huminga ako ng malalim, lumakad papunta sa harap ng main door, agad na pumwesto sa gitna at sinarado ng mahigpit ang kamao ko.


Buds, ililigtas kita. Ililigtas kita.


Umatras ako ng mga limang hakbang. Bumwelo ako at pagkatapos..


"AAAAAARGHH!!"


Bigla akong sumigaw at nagmadaling tumakbo para bungguin ang pintuan. Buong pwersa kong tinulak ang sarili ko para banggain ang pintuan at..


At..


Sh*t!


Biglang bumukas ang pinto!!


At.. Uh-oh!!


Ahhh!!


*blag*


Bigla akong subsob sa loob ng bahay nila Nikki.


O-Ouch. Sakit. Badtrip naman oh.


Aish! Sino ba tong lintek na---


"Ian?"


Natigilan ako nang marinig ang familiar na boses. Inangat ko ang tingin ko at..


"T-Tito Greg?" gulat na gulat na sabi ko nang makita ko ang daddy ni buds.


P-Pero teka. Bakit sabi ni Toff, walang kasama sila Nikki? 


Teka, nahilo lang ba ako sa pagbunggo ng pinto?


"Greg, mukhang tulog na nga sila—Woah! Ok ka lang ba, iho?"


Napatingin ako sa taong nagsalita na sumulpot sa likod ni tito Greg. Di ko alam kung sino pero bakit parang familiar? Eto din ba ang tatay ni Vincent Romero?


"Ian, huy!" napukaw ang attention nang marinig ko muli ang boses ni tito Greg "Ayos ka lang ba? Anong ginagawa mo dito?"


"Ah eh. O-ok lang po tito." Agad na tumayo na para di halatang napahiya. "At ano pong ginagawa ko dito? Ah eh.."


Bigla akong namental block sa tanong ni tito Greg.


Sh*t. Bakit nga ba ako nandito?


Natigilan ako ng mga ilang Segundo habang iniisip ko kung bakit nga ba ako napasugod dito. At nang maalala ko ang rason kung bakit..


..bigla akong napakapit ng mahigpit sa balikat ng daddy ni Nikki.


"TITO GREG?! NASAAN PO SI NIKKI?!"


Nikki's POV


"TITO GREG?! NASAAN PO SI NIKKI?!"


"S-Shocks!"


Yun ang reaction ko nang makita ko ang dahilan ng ingay. At kung ano ang nakikita ko?


Si Ian!! Na kausap si Daddy at si Tito Henry!! At dahil nagpumilit pumasok si Ian, biglang bumagsak ang shoe rack na nasa tabi ng pintuan.


Wahhh!!! Patay!! Patay na!!


Anong gagawin ko?! Anong gagawin ko?!


"W-Wait. Teka iho. Dahan-dahan lang. Kararating lang naming ni Greg" sinubukang pigilan ni tito Henry si Ian "Saka baka tulog pa si Nikki. Kaya bukas mo nalang kaya kausapin."


"Pero hindi ho! Kailangan ko siyang makausap! Kailangan ko siyang makausap!!" giit na sabi ni Ian.


Dahil sa sigaw na naririnig ko mula sa bibig ni Ian, bigla akong namutla sa kinatatayuan ko. At isa lang ang ibig sabihin nyan.


Mukhang nakarating na talaga sa kanya ang balita!! Waahh! I'm doomed! I'm doomed!!


"Tss. Yung boy bestfriend mo lang pala"


Dahil sa narinig kong nagsalita si Vinci na nasa harapan ko, agad ko siyang tinawag.


"Vinci!" bulong na sabi ko.


"Bakit?"


"Akyat. Bilis!" bulong na utos ko.


"Huh? Anong—h-hey! Ano ba? Bakit?"


Hindi ko na hinintay na ituloy nya ang sinasabi nya. Basta pumunta nalang ako sa harapan nya. Itinalikod siya at tinulak tulak paakyat ng kwarto nya.


"Basta! Wag ng maraming tanong! Akyat na!"


Kahit hindi nya maintindihan ang kinikilos ko, nagsimula siyang sumunod sa akin. Humakbang ang mga paa nya at dahan dahang umakyat pabalik sa taas.


"Tito Greg! Please! Ilabas nyo na si Nikki! Emergency 'to kaya kailanga—"


"Emergency?! T-teka. M-may nangyari ba kay Nikki?! May nangyari nanaman ba sa anak ko?!


"Oo, tito Greg! May nangyari kanina sa school! At kailangan ko siyang makita dahil baka mapano yun! Baka mapano ang buds ko!"


Waah! Ayan na. Tumitindi na. Tumitindi na ang paguusap nila!!!


Dahil sa nappredict ko na ang sasabihin ni Ian, nagmadali na akong magtiptoe paakyat ng hagdan. Mas binilisan ko pa ang pagakyat ko sa hagdan at—


*plok!*


Uh-oh!


Shocks! Shocks! Shocks!! AAHH!


*Splash*


P-Patay.


Nahulog ang vase na hawak ko.


"BUDS!!"


"Waaaahh!!!"


Agad akong nagpanic nang marinig ko ang sigaw ni Ian. Dahil dun, nagmadali akong tumingin tingin sa paligid at shocks! Hindi ko na alam ang gagawin ko.


Aakyat o hindi?


Aakyat? Or hindi?


"BUDS!!!"


Wahhh!! Ayan na nga! Mukhang wala na akong kawala.


Dahil wala na akong choice, napalingon nalang ako sa kanya dahan dahan. At pagkatapos..


"Buds! Ha-ha. H-Hi" ngiting sabi ko na sana hindi halatang pilit. And as expected...


Waaah!! Ayan na!. Papunta na sya sakin!!


Nagmadaling tumakbo sa paanan ng hagdan si Ian. Bago pa sya makarating sa pangatlong hakbang, bumaba agad ako para mapigilan sya. Nagulat ako nang bigla nya akong hawakan sa magkabilang balikat at nagsisigaw sa harapan ko.


"Buds!! Totoo ba?! Totoo ba?!!"


"H-Ha? Ah eh. Ang alin?" sabi ko at sinubukan ko pang magmaang maangan.


"Yung-- @#$%"


"AH! HA-HA!" Bigla kong tinakpan ang bibig nya at tumawa ng malakas. "Y-Yun ba? Ha-ha!" sabi ko at pasimpleng tumingin kila daddy. Pagkatapos kong tumingin sa kanila, binalik ko ang tingin ko kay Ian. "U-Uhm wala yun! Wag mo nang intindihin yun!" 


Bigla naman nyang inalis ang takip sa bibig nya. "Anong wal--@#$%"


"Alam mo, buds? Masyado ka na naming exag eh. Ha-ha!" sabi ko at tinakpan ulit ang bibig nya. "P-Pero ganito nalang ha. W-What if.. magusap nalang tayo sa may garden. Tapos...kumalma ka. Tapos... ipapaliwanag ko sayo yung lahat ng gusto mong itanong sa akin? Ok ba yun?"


"Pero---"


"Wala nang maraming tanong. Ha-ha! T-Tara na! Dali!" sabi ko at pinatalikod siya. Tapos, tinulak ko siya palayo ng hagdan at pilit na nilakad siya.


Alam kong weird na ang tingin nila daddy sakin habang tinutulak ko si Ian. Pero kailangan ko siyang kausapin kasi baka mamaya dito pa siya magskandalo eh. Alam nyo naman to, napakaexag.


"BUDS! WAIT!"


Nagulat ako nang biglang pumiglas si Ian sakin. Nagtaka ako kaya agad ko siyang tinanong.


"Oh, bakit?" sabi ko.


Hindi nya ako sinagot sa tanong ko. Humarap lang siya sakin at nanatiling nakatingin sakin. At pagkatapos, dahan dahan siyang lumingon sa bandang likuran ko.


Kumunot ang noo ko dahil dun. Kaya ang ginawa ko, sinundan ko kung saan siya nakatingin at..


O_O


Waaah!! Ba't nandito sa baba si Vinci?!


"WALANG'YA KA!!"


Nagulat kaming lahat nang bigla nyang sinugod si Vinci. Nag madali akong tumakbo papunta sa kanila at shocks! Sinakal sakal nya si Vinci!!


"What the?! Get off me!!"


"Totoo ba?! Totoo bang nagconfess ka sa kanya?!! Ha?! SAGOT!"


"Ian, ano ba?! Bitiwan mo si Vinci!"


"Hindi! Kailangan nyang sumagot! Kaya ikaw na lalaki ka! SAGOT!"


"Aish, ano ba?! Hindi ka ba titigil?!"


Dahil sa sobrang inis ko, tumingkayad ako para abutin ang ulo ni Ian at..


"AWW!" namilipit sa sakit si Ian at kumalas na kay Vinci. Paano kasi sinabunutan ko sya. At pagkatapos, tinulak ko siya palayo kay Vinci at pumwesto ako sa pagitan para harangan siya. "Tigilan mo na yan ha! Hindi na nakakatuwa!" inis na sabi ko.


Nakita ko kay Ian na medyo natakot sya sa itsura ko kaya nanahimik na sya. Tss. Bwisit talaga to eh. Gusto pang nagagalit ako bago pa tumigil eh. Kainis.


Tumingin ako kay Vinci pagkatapos kong kausapin si Ian.


"Ano? Ok lang?" worried na sabi ko.


"Yeah. I'm ok" sabi niya habang nakatingin ng masama kay Ian.


Tinignan ko nang pabalik si Ian. Nakita kong lumalaban siya ng tingin kay Vinci. Kaya pasugod na sana siya nang biglang...


"Totoo ba yung sinabi ni Ian?"


..natigilan kaming tatlo nang marinig ko na may nagsalita sa gilid namin.


Dahil sa boses na narinig ko, napalunok ako sa kinatatayuan ko. Unti unting lumakas ang kabog sa dibdib ko at..


"D-Dad."


P-Patay.


Nakalimutan kong nandito nga pala sila.


-----------------> See you in next Chapter 59: I choose you


Don't forget to click "Vote". Thanks ^_^

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.3K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
77.8K 5K 14
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
102K 1.6K 16
Hey witch I'm hungry saad nung nasa harap ko And so? Why me you have a mouth to call the waiter pabalang kong saad sa kanya sabay sama ng tingin I sa...
24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.