Malayah

By itskavii

2.1K 300 566

Isang tagna. Mula sa balon ni Tala ay bumaba ang isang pangitain sa lupa. Sa ika-anim na beses na tangkaing a... More

Malayah
PROLOGO
1. Ang Pagkawala ni Apulatu
2. Ang Kapre sa Balete
3. Ang Mapa
4. Si Mariang Sinukuan
5. Sa Lumang Bahay
6. Ang Tiyanak
7. Kay Mariang Karamot
8. Si Agua
9. Huwad
10. Ang Panlilinlang
11. Sa Tugot
12. Ilang Ilang
13. Engkanto
14. Hiling
15. Ang Ginintuang Kabibe
16. Si Angalo
17. Ang Ikalawang Hiyas
18. Si Aran
19. Sa Makitan
20. Ang Araw
22. Mga Tadhanang Magkakadikit
23. Anong Tadhana
24. 'Di Kasiguraduhan
25. Sa Dagat Kung Saan Nagsimula
26. Ang Mahiwagang Sandata
27. Si Linsana
28. Adhikaing Maging Babaylan
29. Pagkagayuma
30. Sa Pagkamatay ng Ibon
31. Si Dalikmata
32. Ang Pagpula ng Paruparo
33. Sa Talibon, Bohol
34. Ang Susi Upang Mapakawalan.
35. Ama
36. Ang Itim na Hiyas
37. Kay Daragang Magayon
38. Isang Sugal
39. Ang Kakaibang Pwersa
40. Si Panganoron
41. Mula Sa Akin At Para Sa'yo
42. Umiibig
43. Si Pagtuga
44. Ang Kasal
45. Isang Sumpa
46. Himala
47. Isang Panaginip
48. Si Magayon
49. Mga Tikbalang
50. Portal
51. Ang Tagna
52. Batis Ng Katotohanan
53. Isang Dayo
54. Dalangin
55. Ina
56. Anino

21. Sa Daluti

24 5 21
By itskavii

"Malayah."

Bumalik ang kanyang ulirat nang may magsalita mula sa kanyang likod. Liningon niya ito at nakita si Sagani.

"Bakit?"

"Anong bakit? Bakit ka narito?" Asik nito sa kanya.

Napataas ang kilay ni Malayah. Bago pa siya makasagot ay tumayo at lumapit si Sol sa kanya. "Ay, ang higpit naman ng kasintahan mo." Bulong nito sa kanyang tainga.

Lukot ang mukhang bumaling ang dalaga kay Sol. "Hindi ko siya kasintahan." Pabulong niyang asik dahilan upang mapaatras at mapabungingis ang kasama dahil sa kanyang reaksyon.

"Nasaan si Lakan?" Tanong ni Malayah dahilan upang mas lalong sumama ang mukha ni Sagani.

"Kasama pa rin ng datu. Pinapahanap ka sa akin."

Liningon ni Malayah si Sol sa likod. "Tara na."

"Sige lang, dito muna ako." Wika ni Sol dahilan upang walang magawa si Malayah kung hindi ang sumunod kay Sagani.

Tahimik lamang itong naglakad habang siya ay nasa likod. Ilang minute ng paglalakad ay inilibot ni Malayah ng tingin ang paligid sapagkat napansin niya na tila hindi nila napuntahan ni Sol ang bahaging ito ng baryo.

Di kalayuan ay natanaw ni Malayah ang isang isla sa gitna ng malawak na karagatan. Huminto siya upang pagmasdan ito nang Mabuti. Napansin naman ni Sagani ang pagtigil nang dalaga dahilan upang lapitan niya ito.

Nakita ni Sagani kung ano ang pinagmamasdan ng dalaga. Lumalim ang kanyang mga paghinga habang tinititigan din ito. 'Kay tagal niyang hindi nasilayan ang islang iyon.

"Mayroon palang kalapit na isla ang Makitan."

"Iyan ang isla ng Daluti."

Liningon ni Malayah si Sagani na katabi na niya ngayon. "Nakapunta ka na roon?"

Biglang tumawa ang tagapagtanggol na ipinagtaka ng dalaga. "Dyaan ako lumaki."

Napataas ang kilay ni Malayah. "Talaga?" Ang akala niya kasi ay dahil isang tagapagtanggol ng mundo ng hiwaga si Sagani ay doon din siya nagmula.

"Tara na, hinahanap na tayo nina Lakan." Saad ni Sagani at nagsimula nang maglakad muli.

Hindi sumunod si Malayah. "Bakit hindi ka pumupunta sa Daluti?" Wika niya dahilan upang mapahinto ang binata.

"Dahil ayoko," walang emosyong tugon nito.

Kumunot ang noo ni Malayah. Kanina pa siya naiinis sa hindi maayos na pagtugon ng binata sa mga sinasabi niya.

Liningon niyang muli ang isla ng Daluti. Magkasalungat pala sila ni Sagani. Siya ay gustong-gustong mapuntahan ang kanyang islang pinagmulan habang ang binata naman ay hindi nais.

Marahil ay wala na siyang babalikan sa islang iyon. Ngunit bakit si Malayah? Wala rin naman siyang binabalikan sa Makitan. Marahil ay iba-iba nga talaga ang mga tao. Maaaring magkaroon ng magkakatulad na sitwasyon ngunit maaaring maging iba-iba ang pagtugon nila rito.

"Siguro ay wala na roon ang pamilya mo kung kaya't hindi ka interisadong bumalik."

Ang seryosong ekspresyon ni Sagani ay kaunting nabawasan. Lumingon siyang muli sa isla 'di kalayuan. "Naroon."

"Siguro ay nabisita mo na sila bago pa man tayo makapunta rito."

"Hindi."

"Kung ganoon ay bakit?"

"Dahil ayoko."

Sa pagkakataong ito ay hinigit na ni Sagani ang braso ng dalaga at nagsimulang maglakad muli. "Malapit nang maghapon. Tara na."

Hindi ugali ni Malayah ang makialam sa iba. Ngunit hindi niya namamalayan na mayroong bahagi niya ang tila nagbabago. Mayroon sa kanyang kaibuturan na nais intindihin ang lahat. Sapagkat sa mga paglalakbay ay napagtanto niya na lahat ng bagay ay may dahilan.

Hindi siya sigurado kung kailan pa. Kailanman ay hindi niya tinanong ang nuno sa punso malapit sa kanyang eskwelahan kung bakit ayaw nitong magpakita kaninuman. O alamin kung saan nga ba nakatira ang kaibigang duwende na si Pino na parati lamang sumusulpot.

Hindi siya interisadong intindihin ang mga bagay na wala namang kinalaman sa kanya. Ngunit unti-unti iyong nagbabago.

Marahil ay simula noong iniligtas siya ni Lakan kay Mariang SInukuan kahit pa tinakasan at ninakawan niya ito. O kaya naman noong sinubukan niyang mag-isang kuhanin ang hiyas at iwanan sina Lakan at Aran, na noon ay nagpapanggap pang si Sagani. At sa kabila ng lahat ay naiintindihan pa rin nila kung bakit niya ito ginawa.

Marahil ay dahil mayroong iba na sinusubukan siyang intindihin kung kaya't nais niya ring maintindihan ang iba.

Inalis ni Malayah ang braso mula sa pagkakahawak ni Sagani at naglakad palapit sa isang bahay. Pagbalik ay may dala na siyang isang bangka. Kunot-noo siyang pinagmasdan ng binata.

"Anong ginagawa mo?" Kunot-noong tanong ni Sagani nang ibinaba ng dalaga ang bangka sa tubig at sumampa rito.

"Nais kong tingnan ang kabilang isla."

"Hindi ka maaaring pumunta doon nang mag-isa."

Napangisi si Malayah. "Kung ganoon ay sumama ka."

--

Hindi maiwasang mamangha ni Malayah nang makaapak sa buhanginan ng dalampasigan ng isla. Walang masyadong mga tao sa labas ngunit mayroong iilang mga bata ang abala sa paglalaro at hindi sila napapansin.

Maraming mga bahay na nipa ang nakatayo di lamang kalayuan sa pampang. Ang mga puno ng buko ay matatayog na nakatayo sa paligid. Kung papansinin ay mas maliit pa ang isla kaysa sa lumulutang na baryo ng Makitan.

"Malayah, hintayin mo ako!" Usal ni Sagani nang kaagad na naglakad palayo ang dalaga nang makababa sa bangka.

Dumiretso si Malayah papasok sa eskinita ng mga bahayan. Lumingon siya sa kanyang likod at napangisi nang makitang sumusunod sa kanya si Sagani.

Ngunit naging abala siya sa pagmamasid sa dinaraanan kung kaya't nang lumingon siyang muli sa kanyang likod ay hindi na nakasunod ang kasama. Marahil ay ayaw talaga nitong pumunta rito kung kaya't bumalik na sa Makitan at dahil sa inis ay iniwan si Malayah. O kaya naman ay masyado siyang mabilis maglakad kung kaya't hindi nakasabay ang kasama.

Bumalik siya sa paglalakad at inilibot ng tingin ang kinaroroonan. Nakapagtataka lamang sapagkat karamihan sa mga bahay ay sarado at wala siyang nakakasalubong na mga taong naninirahan dito.

Nagpasya siyang tumalikod upang bumalik na sa pampang at umuwi sa Makitan ngunit nauntog lamang siya sa malaking lalaki na nakatayo ngayon sa kanyang harapan. Kaagad na napaatras si Malayah. Inabot niya sa likod ang kampilan ngunit nagulat siya nang wala na ito sa kanyang sisidlan.

"Ito ba ang hinahanap mo?" Tanong nito hawak ang kampilan nang may ngisi sa mga labi.

Umatras si Malayah at dahan-dahan namang lumapit sa kanya ang lalaki. Kaagad niya itong sinugod at dahil sa pagkabigla ay hindi nakaiwas ang malaking lalaki. Pinilipit ni Malayah ang kanang kamay nito dahilan upang impit itong mapasigaw. Pagkaraan ay sinipa niya ito at nang matumba ang lalaki ay tumakbo siya palayo.

Ngunit ilang sandali pa lamang ng pag-alis ay naramdaman na niyang may sumusunod sa kanya. Nilingon niya ito at laking gulat nang limang lalaki na ang humahabol sa kanya.

Napapikit na lamang si Malayah dahil sa inis. Kaya niyang makipaglaban ngunit wala siyang dalang armas at masyadong marami ang limang malalaking lalaki para kalabanin.

Habang tumatakbo ay nakabaling lamang sa mga humahabol ang kanyang mga mata kung kaya't napadaing siya nang may matunggo. Isang kamay ang humawak sa kanyang baywang upang hindi siya tumilapon mula sa pwersa ng pagkakatama.

Nang lingunin niya ito ay nakita niya ang mga mata ni Sagani na nakailalim sa isang salakot, kunot-noo siyang pinagmamasdan.

Binitawan siya ni Sagani at hinarap ang mga lalaki hawak ang dalawang kampilan sa kamay. Sumugod ang isa sa kanila kung kaya't sinalubong ito ng tagapagtanggol ng kanyang mga sandata.

Parehas na bihasa sa pakikipaglaban ang dalawa. Ngunit nang sumali na ang mga kasama ng lalaki ay alam ni Sagani na mahihirapan siya.

Napasinghap si Malayah habang pinagmamasdan ang mga naglalaban. Alam niyang kailangan ng tulong ng kasama kung kaya't lumapit siya rito.

Pinagtuunan niya ng pansin ang malaking lalaki na kumuha ng kanyang kampilan. At dahil napuruhan na niya ito kanina ay madali niya na lamang naagaw ang ninakaw nitong kampilan ng kanyang ama.

Sa gitna ng laban ay umihip nang malakas ang hangin dahilan upang liparin ang suot na salakot ni Sagani. Natigilan ang mga lalaki nang makita ang buo nitong mukha.

"Sagani?"

Napaatras si Sagani at hinawakan nito ang kamay ni Malayah at kaagad na hinitak paalis.

"Sagani!"

Binilisan ng tagapagtanggol ang paglalakad hanggang sa tuluyan na silang tumatakbo ni Malayah.

Liningon ni Malayah ang mga humahabol sa kanila. Wala na ang masasamang titig na kanina ay ibinabato ng mga ito sa kanila. Ngayon ay tila pagkagulat lamang ang makikitang ekspresyon sa kanilang mga mukha.

Huminto sila sa bahagi ng isla kung saan hindi na sila nasundan ng mga lalaki.

"Dapat ay hindi na tayo pumunta rito. Ang Daluti ang isla ng mga manloloob, Malayah."

Manloloob. "Mga magnanakaw?"

"Mga masasamang tao."

Hindi kaagad nakapagsalita si Malayah. Liningon niya ang kasama. "Pero... hindi ba't sinabi mo na dito ka... lumaki?"

Bumaling sa kanya ang tagapagtanggol. Masisilayan ang poot sa mga mata nito. "Iyon ang dahilan kung bakit ayokong bumalik dito." At sa maiksing sandali ay nasilayan ni Malayah na mapalitan ang poot ng pagkalumbay.

"Sagani?"

Parehas silang napalingon sa babaeng lumabas mula sa isang bahay 'di kalayuan.

"Ikaw nga!" Mahinhin nitong bulalas.

Tumakbo ang dalaga papalapit sa kanila. Ang itim nitong buhok ay hanggang balikat lamang. May kapayatan ito na siguro ay dahil sa angking tangkad. Nakasuot ito ng isang pares ng salamin.

"Luna," mahinang bati ni Sagani rito.

"Nakauwi ka na pala. Napuntahan mo na ba si Dayang Sina?" Nakangiti nitong wika ngunit nawala ang ngiti nang umiling ang tagapagtanggol.

Kinuha niya ang braso ni Sagani at pilit hinitak. "Bakit hindi pa? Kung ganoon ay tara na-Sino nga pala ang kasama mo? Kasintahan?"

"Hindi," si Malayah ang tumugon. "Ako si Malayah."

"Nagagalak akong makilala ka, Malayah." Wika niya habang hitak-hitak pa rin ang braso ni Sagani. "Ako si Luna."

"Hindi ako mananatili rito. Baka mas lalng masaktan si ina kapag nakita ako ngayon."

Napabagsak ang balikat ni Luna habang pinagmamasdan ang kababata. "Mas lalong malulungkot ang iyong ina kapag nalaman niyang pumarito ka ngunit hindi mo man lang siya binisita."

Umiwas ng tingin si Sagani. "Naroon ba si ama?"

"Hmm... wala."

"Sigurado ka?"

Nakangiting tumango si Luna at tuluyan nang hinitak si Sagani. Nang maalala si Malayah ay hinawakan niya rin ito gamit ang kabilang kamay.

Dinala sila ni Luna sa pinakamalaking bahay sa isla. Hindi katulad ng ibang gawa lamang sa pawid ay ang haligi ng bahay nito ay simentado na. Mayroon din itong ikalawang palapag.

Huminto sa tapat ng bakod ng bahay si Sagani at kinailangan pang itulak ito ni Luna upang makapasok. Huminga nang malalim si Sagani bago kumatok sa kahoy na pinto.

"Sandali!" Usal ng isang boses sa loob.

Bumukas ang pinto at iniluwa ang isang ginang. Halos karamihan sa mga hibla ng buhok nito ay puti na bahid ng katandaan. Ang kanyang kayumangging balat ay bahagya nang kulubot. Ngunit ang mga labi nito ay kumurba ng isang ngiti nang makita ang binate.

"Sagani? Ikaw na ba 'yan?"

Hindi na hinintay ng ginang na tumugon ang binata sapagkat kaagad na niya itong sinalubong ng yakap. "Mahabaging langit... narito ka!"

Nagsimulang humikbi ang ginang nang hinagkan siyang pabalik ng anak na nawalay sa kanya nang limang taon.

Pinagmasdan lamang ni Malayah ang dalawa. Hindi niya mawari ngunit tila may kumikirot sa kanyang dibdib. Marahil ay dahil sa katotohanang hanggang ngayon ay nangungulila pa rin siya sa kanyang ina na ni minsan ay hindi nahagkan.

Bumitaw ang ginang sa pagkakayakap at pinunasan ang mga luha. Binigyan niyang muli ang anak ng isang matamis na ngiti. "Sagani, halika't pumasok ka. Luna, pati ang kasama mo, tara sa loob. Ipaghahanda ko kayo ng makakain."

Kinuha ni Sagani ang braso ni Malayah upang hitakin papasok ngunit tinapik naman ito ni Luna. Nginitian niya si Sagani. "Ililibot ko sa Daluti si Malayah. Sigurado akong nais mong makasama ang iyong ina." Wika nito at hinila papalakad palayo si Malayah.

Pinagmasdan muna ni Sagani ang dalawa bago tuluyang pumasok sa bahay na ngayon ay tila itinuturing na siyang estranghero.

"Totoo bang... nakapunta ka na sa mundo ng hiwaga?" Wika ni Dayang Sina upang baliin ang katahimikang bumabalot sa kanilang mag-ina.

Inabot ni Sagani ang suman na inilapag ng ina sa lamesa at tumango. "Doon po ako namalagi ng limang taon. Nagsanay... upang maging isang ganap na tagapagtanggol."

Matamis na ngumiti ang dayang at iniusog ang kanyang upuan patungo sa kanyang anak. Marahan niya itong niyakap at hinimas-himas ang mahaba na nitong buhok.

"Alam mo ba kung gaano ako kasayang makita kang muli?" Bumitiw siya sa pagyakap at hinaplos ang mukha ng anak. "Siguradong matutuwa ang iyong ama kapag nakita ka."

Nang banggitin ang ama ay nagbago ang ekspresyon ni Sagani kung kaya't nabahala si Dayang Sina. "Sabihin mo, hindi ba't mananatili ka na rito?"

Pinagmasdan ni Sagani ang ina. Makikita ang lumbay sa mga mata nito dahilan upang mapayuko ang binate. Dahan-dahan siyang umiling.

Tahimik na napabuntong-hininga si Dayang Sina. Iniangat niya ang ulo ng anak at marahang ngumiti. "Naiintindihan ko. Malaki ka na at kaya mo nang magdesisyon para sa sarili mo."

Hinawakan ni Sagani ang mga kamay ng dayang. "Ina, maaari kitang isama."

Ngunit umiling ito. "Hindi ko kayang iwanan ang iyong ama rito."

"Hindi ba kayo napapagod?" Kunot-noong tanong ng binata, bumabadya ang mga emosyong matagal nang nakimkim sa kanyang puso. "Alam kong taliwas ka rin sa masasamang gawain ng Daluti. Maaari kayong sumama sa akin-magbabagong buhay."

"Sagani, kung naisin ko man ang pagbabago, hindi lamang para sa akin." Hinigpitan niya ang hawak sa mga kamay ng anak. "Ikaw ang tagapagmana ng datu, ang susunod na pinuno. Anak, maaari mong baguhin ang lahat. Maaari mo silang ihatid sa tuwid na landas."

Katahimikan ang namayani sa dalawa. Tila sinaksak ng maraming patalim ang kalooban ni Sagani. Matagal na niyang naiisip ang ganoong ideya. Matagal na niyang pinangarap na maging susunod na datu at baguhin ang dating pamamaraan ng ama at ng mga ninuno nila. Ngunit masyadong mahina si Sagani para sa ganoon kalaking misyon.

Kung kaya't pinili niyang sagipin muna ang sarili. At sa takdang panahon, kapag nagkaroon na siya ng sapat na lakas at kakayahan, maaari niyang gawin ang dati pang nais.

Ngunit limang taon na ang nakalipas. Tila wala pa rin siyang lakas ng loob na magsimula ng pagbabago. At natatakot siya na kailanma'y hindi siya magkakaroon.

"Sagani?"

Bumukas ang pinto. Mula sa liwanag ng araw ay naaninag nila ang isang matandang lalaki, kayumanggi ang kulay, matikas ang tindig, at may hawak na kampilan sa kanang kamay.

Napatayo ang mag-ina at sinalubong ng dayang ang asawa.

"Alam kong babalik ka." Wika ng buo nitong boses at sinalubong ng yakap ang anak.

"Alam kong hindi mo matitiis ang Daluti-ang mamamayan mo sa hinaharap."

Bumitiw si Sagani at bahagyang lumayo sa ama. "Hindi po ako magtatagal dito."

Nalukot ang mukha ng datu. Nagulat ang dalawa nang bigla itong tumawa nang malakas. "Hindi mo pa rin ba natututunan ang aral mo? Dito ka nabibilang at dito ka rin babagsak."

Umiling lamang si Sagani at akmang lalagpasan ang ama nang harangin siya nito.

"Ngayong bumalik ka, hindi ko hahayaang umalis ka pa."

"Alawan!" Hiyaw ni Dayang Sina at hinila sa kanyang likod ang anak nang tutukan ito ng patalim ng sariling ama. Liningon niya ang binatang walang emosyong nakatitig sa ama. "Sagani, umalis ka na kung aalis ka."

Bumaling si Sagani sa kanyang ina. Masisilayan ang pinaghalong poot at lumbay sa mga mata nito. Nag-aalangang umatras si Sagani at tumalikod upang lumabas sa likurang pintuan-natatakot na baka ito na ang huli niyang pagtapak sa bahay at bayang kinalakihan.

***

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
527 44 5
⚠ WARNING ⚠ This story is not what you think it is DO NOT ENTER if you're hiding something Unless you want to take the risk? His Dreams, where he can...
47.7K 1.8K 52
Ashley Grey, a student and also a ruler, has to sacrifice her happiness and be pretentious to protect the people surrounding her. Will she be able to...
434K 31.6K 51
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...