Malayah

By itskavii

2.1K 300 566

Isang tagna. Mula sa balon ni Tala ay bumaba ang isang pangitain sa lupa. Sa ika-anim na beses na tangkaing a... More

Malayah
PROLOGO
1. Ang Pagkawala ni Apulatu
2. Ang Kapre sa Balete
3. Ang Mapa
4. Si Mariang Sinukuan
5. Sa Lumang Bahay
6. Ang Tiyanak
7. Kay Mariang Karamot
8. Si Agua
9. Huwad
10. Ang Panlilinlang
11. Sa Tugot
12. Ilang Ilang
13. Engkanto
14. Hiling
15. Ang Ginintuang Kabibe
16. Si Angalo
17. Ang Ikalawang Hiyas
18. Si Aran
19. Sa Makitan
21. Sa Daluti
22. Mga Tadhanang Magkakadikit
23. Anong Tadhana
24. 'Di Kasiguraduhan
25. Sa Dagat Kung Saan Nagsimula
26. Ang Mahiwagang Sandata
27. Si Linsana
28. Adhikaing Maging Babaylan
29. Pagkagayuma
30. Sa Pagkamatay ng Ibon
31. Si Dalikmata
32. Ang Pagpula ng Paruparo
33. Sa Talibon, Bohol
34. Ang Susi Upang Mapakawalan.
35. Ama
36. Ang Itim na Hiyas
37. Kay Daragang Magayon
38. Isang Sugal
39. Ang Kakaibang Pwersa
40. Si Panganoron
41. Mula Sa Akin At Para Sa'yo
42. Umiibig
43. Si Pagtuga
44. Ang Kasal
45. Isang Sumpa
46. Himala
47. Isang Panaginip
48. Si Magayon
49. Mga Tikbalang
50. Portal
51. Ang Tagna
52. Batis Ng Katotohanan
53. Isang Dayo
54. Dalangin
55. Ina
56. Anino

20. Ang Araw

24 7 5
By itskavii

Kaagad na nabaling ang tingin ni Malayah sa tagapagtanggol. "Saan?" Tanong niya hindi dahil hindi niya narinig bagkus ay upang siguraduhing narinig niya ito nang tama.

"Sa Makitan."

Tila nagliwanag ang mga mata ng dalaga. Mula siyang sumandal sa inuupuan. Sa Makitan. Ang lugar kung saan siya ipinanganak. Nararamdaman niya ang hindi maintindihang pagkabog ng dibdib. Marahil ay dahil sa ideyang sa wakas ay mararating niya na rin ang Makitan na dati niya pa pinapangarap mapuntahan.

"Hindi tayo maaaring pumunta roon."

Ngunit natigil ang pagkasabik kay Malayah dahil sa tinuran ni Lakan. "At bakit naman?"

Direkta lamang ang tingin ng binata sa daan habang nagmamaneho, seryoso. Hindi siya makakibo. Anong rason ang sasabihin niya sa dalaga? Na hindi sila maaaring pumunta roon dahil baka malaman ni Malayah ang totoong pagkatao? Na kagaya ng ama nito na iyon din ang dahilan kung bakit hindi niya pinayagan kahit kailan ang anak na makarating doon?

"Pupunta tayo." Mariing saad ng dalaga nang hindi naman masagot ng katabi ang kanyang tanong.

Nilingon niya si Sagani sa likod at may bahid ng isang ngiti sa labi niya itong tinanong. "Paano tayo makakapunta sa Makitan?"

--

Seryoso lamang ang mukha ni Lakan nang makababa sa sasakyan at muling makatapak sa buhanginan ng dalampasigan. Sumakay sila sa isang balsa upang makarating sa hindi kalayuang baryo na ang mga bahay ay nakalutang sa tubig.

Liningon niya si Malayah at nasilayan ang pagkamangha sa mga mata nito. Hindi niya alam kung bakit. Sa katunayan nga ay wala namang nakakamangha sa Makitan. Wala itong pinagbago. Ang mga kubong gawa sa kawayan ay ganoon pa rin ang hitsura simula nang huling mapadpad dito si Lakan.

Ang Makitan ay tila napag-iiwanan ng panahon. Hindi. Nanatili sila at hinayaan ang panahon na iwanan sila. Pakiramdam ni Lakan ay bumalik siya sa nakaraan noong una siyang makatapak dito bilang isang diyos. Wala pa rin itong pinagbago.

Marahil ay ang pagkamangha ni Malayah ay mula sa katotohanang minsan na siyang naging bahagi ng tribong ito. Ilang sandali man lamang ngunit naging parte pa rin niya ito.

Sa daungan ng baryo ay sinalubong sila ng isang lalaking nakasuot ng kahel na kamisong hanggang braso lamang ang manggas at isang kortong hanggang tuhod ang haba.

"Maligayang pagdating sa Makitan. Anong sadya ninyo rito?" Nakangiting bati nito sa apat.

Hindi pinansin ni Malayah ang lalaki at inilibot ng tingin ang paligid. Hindi niya maiwasang mapangiti. "Ito ba ang Makitan?" Bulong niya sa sarili.

"Nais naming magpagawa ng mga sandata." Si Sagani ang nagsalita.

Nawala ang ngiti ng lalaki. Hindi naman talaga isang pandayan ang Makitan. At kakaunti lamang ang nakakaalam ng pagpapanday nila ng mga sandata sapagkat ang mga ito ay hindi pangkaraniwan.

"Sino kayo?"

Humakbang paabante si Sagani at ipinakita ang isang batok (tatoo) mula sa ilalim ng manggas ng kanyang damit. "Isa akong tagapagtanggol... mula sa kabila."

Napaawang ang labi ng lalaki at hindi makapaniwalang pinagmasdan ang kaharap. "Tuloy kayo." Wika niya at ihinatid sa punong-panuluyan ang mga bisita.

Malawak ang baryo ng Makitan kahit pa nakalutang ito sa dagat. Ang lapag ay gawa sa mga matitibay na kawayan at pawid. Ang baryo ay nakatayo na sa tubig bago pa man dumating ang mga mananakop sa bansa. Ilang unos na rin ang dumaan ngunit nanatiling matayog ang Makitan.

"Hindi ba delikado rito tuwing bumabagyo?" Tanong ni Malayah sa lalaking nalaman nilang nagngangalang Laon.

"Pinagpapala kami ng mga diyos at diyosa, pinoprotektahan sa kahit anong panganib."

Pumasok sila sa isang malaking kubo sa gitna ng baryo. Pinaupo sila ni Laon sa isang banig na nakapatong sa kawayang sahig at tsaka ito umalis. Pagbalik ay kasama nito ang isang dalagang labinwalong taong gulang.

"Kuya, sino sila?" Tanong nito kay Laon na hindi naman pinansin ng lalaki. Nagtungo siya sa kinaroroonan ng mga bisita.

"Si ama lamang ang nagpapanday ng mga mahiwagang sandata rito sa Makitan. Ang sabi ni ina ay kaaalis lamang niya upang makiramay sa kaibigan niyang namatayan ng anak sa malayong lugar. Baka raw bukas pa siya makakauwi. Kung gusto ninyo ay bumalik nalang kayo."

Nagkatinginan ang apat. "Maaari bang dito na muna kami sa Makitan tumuloy habang hinihintay ang iyong ama?"

"Malayah," saway ni Lakan kung kaya't kunot-noo niya itong nilingon.

"Maaari!" Ang kapatid na babae ni Laon ang tumugon.

"Linsana, kailangan pa nating tanungin si ina ukol dito."

"Bakit? Tiyak naman na papayag si ina. Pustahan pa!" Liningon ni Linsana ang mga bisita at lumapag ang mga mata kay Lakan. Nginitian niya ito at bahagyang bumungisngis.

Hindi naman ito napansin ng binata sapagkat ang seryoso nitong tingin ay naka'y Malayah na nakangiting nakatitig sa lapag, nagagalak sa katotohanang maaari siyang manatili sa Makitan at makilala ang mga taong dati ring nakilala ng kanyang ama.

--

Nakilala nina Malayah si Dayang Lenissa, ang asawa ng datu at ang ina nina Laon at Linsana. At kagaya nga ng sinabi ng babaeng anak ay malugod na pumayag ang dayang na tumuloy ang mga bisita sa kanilang baryo.

Inalok sila nitong kumain at habang nasa hapag ay nakatitig lamang si Malayah sa dayang na nakangiting nakikipagkwentuhan sa mga kasama niya. Kanina pa siya sabik na banggitin sa ginang ang pangalang Apulatu, umaaasang kilala nito ang ama at maaari siyang kwentuhan patungkol sa buhay nito sa Makitan.

Ngunit matapos kumain ay hindi niya rin nagawa.

Tahimik siyang lumabas mula sa bahay ng dayang at lumanghap ng sariwang hangin habang tanaw ang payapang dagat.

"Hindi pa rin nagbabago ang Makitan."

Napalingon siya kay Lakan na ngayon ay katabi nang nakatayo. "Nakapunta ka na rito dati?"

Tumango ito habang nakatitig sa asul na langit sa itaas ng asul din na dagat.

"Dito lumaki si papa." Liningon niya ang binata. "Dito ako pinanganak."

Hindi bumaling sa kanya si Lakan. Matagal nang alam ng binata ang mga sinasabi ni Malayah. Sa katunayan ay nasaksihan niya pa nga ito.

"Pero bakit hindi mo binanggit iyon kay Dayang Nelissa?"

Mapait na ngumiti si Malayah at bumalik ang tingin sa dagat. Si Lakan naman ang lumingon sa dalaga.

"Dati ko pa nais makapunta rito. Pero ayaw na ayaw ni papa. Hindi ko alam kung bakit." Napabuga ng hangin si Malayah. "Ngunit alam ko na may dahilan siya kung bakit." Liningon niya ang binatang nakatitig lamang sa kanya. "Ayokong malaman nila na mula ako rito. Maaari bang huwag mong banggitin kahit kanino sa mga naninirahan dito?"

Ngumiti si Lakan at tumango. Sa katunayan nga ay iyon din ang nais ng binata. Katulad ng ama ni Malayah ay hindi niya rin nais na makapunta rito ang dalaga. Ayaw niyang malaman nito ang katotohanan. Ngunit hindi dahil nasa kanyang misyon ito kundi dahil alam niyang masasaktan ang dalaga sa oras na ito'y matuklasan.

--

Katanghalian kinabukasan ay nakauwi na nga ang datu ng Makitan na nagngangalang Birani. Malugod niyang binati ang mga bisita at sinabing isang karangalan para sa kanya ang gumawa ng sandata para sa isang tagapagtanggol mula sa mundo ng hiwaga.

Ngunit hindi lamang ang datu ang kanilang sinalubong. Isang balingkinitang babae ang kasama nito. May maputi itong balat na marahil ay dahil sa matagal na pananatili sa kamaynilaan. Ang hanggang baywang nitong itim na buhok ay nakatirintas. Ang mga ngiti'y sumasabay sa kinang ng araw.

Ipinakilala ito ni Datu Birani bilang isang malayong pamangkin. Ang dalaga ay nagngangalang Sol.

Kaagad namang nilapitan ni Linsana ang pinsan at pinapasok sa kanilang bahay. Sina Malayah naman ay sumama kay Datu Birani sa isa pang kubo upang pag-usapan ang tungkol sa mahiwagang sandata.

"Sa Magsaysay, sa kuta ng mga manananggal ni Sitan? Ano naman ang inyong pakay para lamang suungin ang ganoon kapanganib na lugar?" Tanong ng datu nang sabihin ni Sagani ang kanilang tutunguhin at kung saan gagamitin ang sandata.

"Patawad ngunit hindi namin maaaring sabihin, Datu Birani." Tugon ni Sagani.

Ngumiti at tumango-tango ang datu. "Naiintindihan ko." Tumayo siya mula sa kinauupuan at hinarap ang apat. "Ngunit ang paggawa ng sandatang inyong nais ay aabutin ng tatlong araw. Nawa'y hindi kayo nagmamadali."

"Ayos lang po." Si Malayah ang tumugon.

Matapos ng pag-uusap ay nagpaiwan si Sagani sa kubo ng datu upang tulungan ito sa mga detalye ng sandata kasama ni Lakan. Si Aran naman ay nagtungo sa isang munting tila paaralan ng baryo kung saan naroon ang mga bata. Si Malayah ay naglibot-libot sa Makitan.

Malawak ang Makitan. Tila isa lamang normal na barangay na makikita sa isang tipikal na bayan. Ngunit ang kaibahan lamang ng Makitan ay nakalutang ito sa tubig gamit ang isang napakalawak na mga kawayang balsa.

Sa paglalakad ay nakasalubong ni Malayah si Sol na kasama si Linsana. Ngunit dumating si Laon at tinawag ang kanyang kapatid dahilan upang maiwan ang dalawa.

"Nililibot mo rin ang Makitan?" Tanong ni Sol.

Tumango si Malayah. Nagulat siya nang biglang ipalupot ng dalaga ang kamay sa kanyang braso at hitakin siya palakad.

"Sabay na tayo!"

Wala namang nagawa si Malayah kung hindi ang sumunod na lamang dito. Dinala siya ni Sol sa mga parte ng baryo na ipinakita ni Linsangan sa kanya na hindi pa napupuntahan ni Malayah.

Maraming ikinukwento sa daan si Sol na wala namang nagagawa si Malayah kung hindi ang makinig. Masigla nitong nililibot ang baryo habang tahimik lamang si Malayah na nagmamasid.

"Alam mo ba, Malayah, dito ako pinanganak." Wika ni Sol dahilan upang agad na mapalingon siya rito.

Kaagad namang napahawak sa bibig si Sol nang mapagtantong hindi niya dapat ito sinabi sa kasama. "Huwag mong sasabihin kahit kanino."

Kumunot ang noo ni Malayah. "Bakit?"

Napabuntong hininga ang masiglang si Sol at sumalampak sa kawayang sahig at isinayad ang mga paa sa tubigdagat. "Ayaw na ayaw ni mama na makapunta ako rito." Usal niya at bumungisngis. "Pero nandito ako!"

"Mabuti na nga lang at pumayag si Tito Birani na isama ako pagtapos naming pumunta kina tita Ayen."

Ayen? Napalunok si Malayah nang maalala na naman ang nangyari noon bago sila makapunta sa tugot ni Angalo. May nabanggit noon si Ayen at ang kaibigan niyang si Ilang na dalagang nagngangalang Sol. Hindi kaya...

"Anong pangalan ng mama mo?"

Kunot-noo siyang nilingon ni Sol. "Bakit? Ang pangalan niya'y Ilang. Kilala mo ba siya?"

Tatango na sana si Malayah ngunit naalala niya ang nangyari kay Kara, ang anak ni Ayen na inakala nilang kinuha ng engkanto, at ang kaguluhang nangyari dahil dito. Umiling si Malayah.

Kung ganoon ay siya ang tinutukoy nilang si Sol. Naalala ni Malayah ang sinabi ni Ayen tungkol dito.

"At alam mo bang napakaespesyal ni Sol? Mismong ang diyos ng araw ay nahawakan na siya noong sanggol pa lamang! Iyon din ang dahilan kung bakit ipinangalan siya sa araw."

Hindi kalayuan ay pinagmamasdan ng limot na diyos ng dapithapon ang dalawa. Isang buntong hininga ang kanyang inilabas. Ang tadhana ay tila bato balani't bakal. Kahit anong paghiwalay mo ay sa huli'y magtatagpo pa rin ang mga landas.

***

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.3K 82
***Self-published under Dark Tavern Self Publishing*** Elyon Yu. Iyan ang bagong pangalan ni Jomelyn Hernandez. Nakipagkasundo siya sa dating sisidla...
440K 32.2K 52
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
144K 3.6K 58
Olympias: Home of the gods Explore the fantasy and the mystery of Olympias where gods, goddesses, fairies and peculiars are living. "We learn to acce...
230K 8.9K 46
Sa mundo ng mahika, mga halimaw at kapangyarihan. Paano mabubuhay ang isang normal na tao na nagmula sa isang ordinaryong mundo? Hindi niya inaasahan...