Ruling The Last Section (Seas...

By _lollybae_

1.1M 51.4K 24.1K

Will Raiven continue to rule the last section if they are starting lost one by one on her grasp? How can she... More

RTLS Season 2
Kabanata 101
Kabanata 102
Kabanata 103
Kabanata 104
Kabanata 105
Kabanata 106
Kabanata 107
Kabanata 108
Kabanata 109
Kabanata 110
Kabanata 111
Kabanata 112
Kabanata 113
Kabanata 114
Kabanata 115
Kabanata 116
Kabanata 117
Kabanata 118
Kabanata 119
Kabanata 120
Kabanata 121
Kabanata 122
Kabanata 123
Kabanata 124
Kabanata 125
Kabanata 126
Kabanata 127
Kabanata 128
Kabanata 129
Kabanata 130
Kabanata 131
Kabanata 132
Kabanata 133
Kabanata 134
Kabanata 135
Kabanata 136
Kabanata 137
Kabanata 138
Kabanata 139
Kabanata 140
Kabanata 141
Kabanata 142
Kabanata 143
Kabanata 144
Kabanata 145
Kabanata 146
Kabanata 147
Kabanata 148
Kabanata 149
Kabanata 150
Kabanata 151
Kabanata 152
Kabanata 153
Kabanata 154
Kabanata 155
Kabanata 156
Kabanata 157
Kabanata 158
Kabanata 159
Kabanata 160
Kabanata 161
Kabanata 162
Kabanata 163
Kabanata 164
Kabanata 165
Kabanata 166
Kabanata 167
Kabanata 168
Kabanata 169
Kabanata 170
Kabanata 171
Kabanata 172
Kabanata 173
Kabanata 174
Kabanata 176
Kabanata 177
Kabanata 178
Kabanata 179
Kabanata 180
Kabanata 181
Kabanata 182
Kabanata 183
Kabanata 184
Kabanata 185
Kabanata 186
Kabanata 187
Kabanata 188
Kabanata 189
Kabanata 190
Kabanata 191
Kabanata 192
Kabanata 193
Kabanata 194
Kabanata 195
Kabanata 196
Kabanata 197
Kabanata 198
Kabanata 199
Kabanata 200
Wakas
FAQs

Kabanata 175

9.8K 495 121
By _lollybae_

Kabanata 175:
Battle

Kabado ako nang makauwi kami ni Papa. Hanggang sa makasakay sa sasakyan. Nilalamig at mabilis ang tahip ng puso ko. Kinakabahan sa mababanggit niya tungkol roon sa lalaki na ipagkakasundo sa akin.

Ngayon mas lalo lamang nanaig ang kompirmasyon na hindi nga iyon tuloy ngayon. The man didn't really show up. He turn Papa down. At kahit masaya ako sa nangyari, iniisip ko na ang lakas ng loob ng lalaki para tanggihan si Papa.

Papa has this dominating presence on everyone. He's so regal and to know that someone turn him down, surprised me. No one try to refuse or shook their head to him. Once he said one thing, it will definitely happen. No one can stop him. At ngayong may sumubok na humindi, alam kong hindi lamang sobrang natapakan ang pride niya kundi nangagalaiti sa galit na tinaggihan siya.

I glance on him while he's silently driving. Tahimik pero nababakas ko ang galit at intensidad sa mga mata niya. He's griping the steering wheel sternly.

Halos mapipi o mabaluktot ang manubela sa higpit ng hawak niya.

Ang haba na ng nangyari ngayong gabi. Pagod ako, at gusto na lang magpahinga. Hindi ko na yata kaya kung ako pa ang mapagbubuhusan ni Papa ng galit niya kapag napansin niya akong gumawa ng ingay.

I can feel that he's on the edge of losing his control. He looks livid. Kaya tahimik lang ako rito sa tabi niya, hindi umiimik. Magkasalikop ang mga kamay sa kandungan at nag-iingat sa bawat galaw. Pasulyap sulyap lamang ako sa kanya pero kinabahan rin na baka pati iyon ay mapansin niya pa kaya tinuon ko na lang ang tingin sa bintana.

Paminsan-minsan ay sa kalsada. Inaalam kung malapit na kaming umuwi. I badly want to go home so I can finally escape from him.

Takot na takot talaga ako sa pag-iisip na magpapakasal sa murang edad. Ipagkasundo sa isang lalaki na estranghero at mapapangasawa pa. Lubos ang hindi ko pag-sangayon roon. Gusto kong umiyak at magpumiglas sa pagkakahawak ni Papa sa akin.

He hold me like I am some tool to him. Gagamitin niya kung kailan niya gusto.

Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari sa akin. Bakit ba napunta ako sa ganitong klaseng buhay. Gusto ko lang naman ng mapayapa, maayos at normal na buhay katulad ng iba pero ito ang nakagisnan ko. Malabo pa sa akin ang makatakas rito.

Nagsisikap ako na maging normal ang buhay kahit papaano. Sinusunod ang mga kagustuhan ni Papa sa pag-aakala na hindi na siya magiging malupit sa akin. But I was wrong. Sarili niya lang talaga ang iniisip niya.

Ni hindi ko kayang tumakbo papalayo sa kaniya dahil may maiiwan ako. Hindi ko kayang iwan si Mama at si Ryker. I am chained in this kind of life, I am even the one who might lead this someday. And everytime I'll think about it, it feels like a nightmare is about to happen.

Tahimik si Papa noong lumabas sa party kanina. He found me on the swing. Akala ko papagalitan ako dahil biglaang nawala sa loob. Tinuro lamang ako ng bodyguard sa kanya. He didn't also ask me about my stained dress, he just drag me towards the car.

Wala siyang sinabi at ni hindi tinaponan ng tingin o pinansin si Jaydiel na interesadong kausapin ako, agad lang akong hinatak papalayo roon.

Nang makaupo ako ay agad rin siyang pumasok sa driver seat at nagmaneho. Hanggang ngayon tahimik. Walang binabanggit na kahit na ano. Mukhang may malalim siyang iniisip kaya siguro walang balak na buksan ang bibig niya.

Hanggang sa makauwi kami. Samalubong pa sa amin si Mama na alalang-alala. Papa didn't also waste his time to give his attention to her. Nilagpasan niya lang si Mama na agad akong mahigpit na yinakap.

Dumiretso si Papa sa pangalawang palapag. He is probably going to his office. For sure, he'll drink again until he's not sane anymore to forget about this. He couldn't accept that his plan to announce to everyone that I would marry the man he chose for me was ruined.

"Kamusta ka? Anong nangyari? May napakilala sayong lalaki? Ipinagkasundo ka na ba huh?" sunod sunod na tanong ni Mama. Hinuli ang pisngi ko dahil nakatingin ako kay Papa na nagmamartsa.

She look at me, worried while waiting for my answer. Umiling ako. Naglalakbay pa rin ang isip kaya hindi masyadong makapag salita. Iniisip ko kung ano ang susunod na hakbang ni Papa pagkatapos nito.

Alam kong hindi siya titigil. Nabigo man ngayon alam kong may susunod pa siyang hakbang. O maghanap pa ng panibagong lalaki na ipagkakasundo sa akin.

"Wala siyang pinakilala?" si Mama sa gulat na tinig. Tumango ako. Kanina nakahinga ako ng maluwag roon, ngayong may iniisip parang unti-unti na nawawala iyon.

"Hindi po sumipot iyong lalaki na ipapakilala niya."

"The man back down?" Mama asks, sighing in relief. Tumango ako.

"Thank god! I really had a bad feeling about this. Hindi ako makakapayag na ipagkasundo ka ng Papa mo sa kahit sino lang!" Mama said, her voice is still laced with panic. Humupa lang ng bahagya nang marinig ang sagot ko.

"Ayoko rin na makasal... agad Mama." mabagal ang sambit ko. Nawawalan na naman ng pag-asa na makakatas pa sa mga gusto ni Papa. Hindi ko alam kung bakit ganoon, siguro sa panghihina, pagod at antok ko kaya nawalan na naman ng lakas ng loob.

"Magpapahinga na po ako. Bukas na lang natin pag-usapan." sabi ko kay Mama. Lumambot ang mga mata niya at tumingin sa akin. She nodded her head.

"Mabuti pa nga hija. You need to rest now."

Mahaba ang araw na iyon at marami ang bumabagabag sa isip ko. Mabuti na lang rin at pagkatapos maglinis ng sarili ay nakatulog na agad ako pagkahiga sa kama.

Kinaumagahan, tahimik ang bahay na sumalubong sa akin. Wala raw si Papa at abala na naman sa inaasikaso niya. Hindi pa sumisikat ang araw, umalis na raw. Jhomer is with him and some of his men. Isa iyong magandang balita para sa amin.

Tatlo kami nila Mama at Ryker sa hapag para mag-umagahan. Tinaas ni Mama ang kamay sa mga kasamabahay para sabihin na iwan na lang kami roon pagkatapos nilang ihain ang lahat ng pagkain sa hapag. Hindi na kailangan na serbisyohan pa kami, kaya na namin na kami lang.

Tumango ang mga kasambahay at nagmartsa paalis. Kapag wala si Papa, malaya kaming nakakilos. Katulad ngayong araw, prente ang mga galaw ko. Ganoon rin sa kapatid. Lahat ng tao rito sa bahay malaya ang pagkilos kapag wala si Papa. Kalmado ang mga kasambahay.

Hindi kami tensiyonado at robot na may limitasyon ang mga galaw. We are free to do everything we want.

Tuwing wala si Papa, doon lang kami nakaka-kain ng maayos sa matiwasay na paligid.

I am munching my food. Mama is assisting Ryker. Tumingin siya sa akin habang ngumunguya ang kapatid. Masagana ang kain ko dahil nagugutom talaga.

"Raiven." tawag ni Mama sa akin. Mahinahon iyon at seryoso. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Marahan siyang ngumiti sa akin. Hindi ko alam kung bakit biglang kumalabog ang puso ko roon. Hindi nagugustuhan ang tono ng pagtawag niya ngayon.

"K-Kung sakali na makahanap ulit ang Papa mo ng lalaki na ipagkakasundo sayo at kapag nagtagumpay siya na mapag-sangayon na ipakasal sayo... umalis ka na rito sa mansiyon at isama mo ang kapatid." halos mapatulala ako sa sinabi niya. She look at me with that concern on her eyes.

"Anong ibig niyong sabihin Ma? Why are you suddenly saying this?" I said. Mas lalong bumilis ang tahip ng puso. I don't like where this conversation will lead. Halos hindi ko kayang pakinggan kung ano ang susunod na sasabihin ni Mama. Ayoko.

"Tumakbo kayong dalawa ni Ryker. Iwan niyo na lang ako rito." seryoso niyang sinabi. Agad akong napasinghap. Napatitig sa kanya at agad na umiling roon.

"Anong sinasabi mo, Mama?!" tumaas ang tono ko sa gulat sa biglaan niyang nabanggit. Napatingin sa amin si Ryker. I closed my eyes. Umangat ang didbib ko para sa panibagong marahas na singhap.

"Run with your brother Raiven. I know you don't want to marry someone in this young age. At isa pa, ayoko rin na masira ang buhay mo kung ipapakasal ka ng Papa mo sa isang lalaki na hindi mo kilala. Ipagkakait niya sayo ang pangarap at ang normal na buhay mong inaasam." aniya.

"I heard his conversation with someone on his office a while ago. He's searching for another man that he will marry to you. Ayoko na makasal ka. Ayoko na mamuhay ka na nagdudusa dahil sa mga kagustuhan ng Papa mo. I don't want you to suffer in a life that you are chained and you'll move by his command. You're not like that Raiven, you're more than that." ang pagiging kalmado ko at ang matiwasay na paligid ay unti-unting nabubura.

"You're brave, smart and strong. You're my daughter and I want you to have that normal life. To spend your time studying, hanging with your friends and pursuing your dream. And of course, to marry someone you love in the future. Lastly, to live in bliss and peace." Mama said. My eyes heated. Tahimik na nakatunghay sa amin si Ryker. Pinapakiramdaman kami.

"I want you to have that life and you won't have that if you're going to stay here and just let your father ruined and stole everything from you." she said. Humigpit ang hawak ko sa kubyertos. Nawala na ang atensiyon ko sa pagkain.

"Tama na! H-Hindi ko iyan magagawa Ma! Hindi ko kayang iwan ka!" sabi ko. Tumaas ang tono.

"Huwag mo na akong isipin. Buong buhay ko nagdusa ako sa pagsunod-sunoran sa utos ng pamilya at pagpapakasal sa lalaki na akala ko ay mahal ako ng lubos. When you, Ryker and Rainer exist on my life, you give me purpose to live again. Hindi ko na kaya pang masilayan na pati kayo... magiging katulad ko." hinaplos niya ang pisngi naming dalawa ni Ryker.

"I can sacrifice myself Raiven, for you and your brother peace and happiness. I can help you run away from your father."

"S-Sa tingin mo makakatakas ba talaga tayo mula kay Papa? He's powerful, kahit saan kami magtago mahahanap at mahahanap niya kami Ma! Hindi natin siya matatakasan." giit ko.

"I know a man who can help you to run away from here and your father will never trace you." suminghap muli ako at kumunot ang noo sa sinabi niya.

"Who?"

"Silverio. He can help us."

Huminga ako nang malalim at pumantay sa hilera ng mga pinsan ko na kasing edad o hindi kaya ay mas matanda lamang sa akin ng isang taon.

I stood up with my normal expression. Bahagyang lumulutang ang isip dahil sa huling usapan namin ni Mama. She wants us to run away. Silverio will help us. She will sacrifice herself so the plan will be successful.

"Silverio?" gulat kong tanong kay Mama sa nabanggit niyang pangalan. Gulat ako dahil hindi ko pa rin naman nakakalimutan na ang lalaki na iyon ang nanloob sa mansiyon noong nakaraan! He wanted to kill Papa, and he's brainwashing my mind the last time to hurt Papa!

"Mama do you even really know him huh?" tanong ko. Hindi makapaniwala na ang iniisip niya pang tutulong sa amin ay ang lalaki na iyon na may masamang balak sa amin!

Now that she suddenly mentioned Silverio, I am wondering. Alam niya kaya na ang lalaki na iyon ang nanloob sa mansiyon noong nakaraan?

"I know him."

"And you know too, that he's the one who sneak in the mansion?!" halos pahisterya kong sinabi. Tumango siya at halos sunod sunod akong mapasinghap.

"Alam ko, at isa iyong pagsubok kung gagana ba ang plano kung sakaling tatakas kayo kasama siya at... nakompirma namin na kaya."

Kaya pala nasa labas lang siya habang nangyayari iyon at ang sabi ay inalalayan ang mga kasambahay. Kung ganoon, umakto lang ba siya na nag-aalala noong malaman na tinutukan ako ng patalim ni Silverio sa leeg?

Bumibigat ang paghinga ko kapag naaalala iyon. Naninikip ang dibdib dahil hindi ko yata kayang sundin si Mama. Hindi ko siya kayang iwan at gawin niyang sakripisyo ang sarili.

Hindi puwede.

I am thinking of another way to runaway. To escape from Papa. With her, pero wala akong ibang maisip na paraan kung hindi iyong suhestisyon niya sa akin. Napapikit ako ng mariin.

"Stand straight! Prove that you're a true Esquivel!" isang malakas na sigaw ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. I raised my gaze and I saw Lolo.

Seryoso ang ekspresyon at bahagyang malamig ang mga mata. Tinignan kami isa-isa. Nasa magkabilang gilid ko ang kamay. Nakapahinga habang seryoso rin ang ekspresyong pinagmamasdan kami.

His eyes were piercing. His stare is seething until our soul. It looks so intimidating, but I am thinking of something that I can't feel fear. Napatingin ako sa mga lalaking pinsan. I am the only girl in the line. Lahat ng pinsan ay lalaki. Ang iba ay nanginginig at nagangatog ang tuhod.

Ang iba ay nangingilid na ang luha, papaiyak na. I don't know why they're in the verge of crying. Nakakatakot ang mangyayari, oo pero ilang beses na higit pa dito ang naranasan ko kay Papa na wala na akong maramdaman ngayon.

Idadaos ngayong araw ang taonang labanan naming magpipinsan. Ang paligsahan na ito ay parang pasiklaban kung sino ang pinakamalakas at karapat dapat na magmamana ng lahat ng ari-arian ng pamilya. This is like a contest, where we need to show the fruit of our training.

Hindi pa dito malalaman kung sino talaga ang magiging tagapagmana. The real ceremony on that will happem two years from now. Itong nangyayari ngayon ay taunang kompetisyon lamang. But it's still better to win here, so I can prove my ability and skills.

We need to show how intelligent, strong and wise we are. Sa taong ito, unang beses ko na sasabak sa ganito. Anim na buwan pa lang akong nagsasanay. Nasabi na ito sa akin ni Papa noon pa.

Kaya nga pulido at tutok siya sa pagtuturo sa akin dahil dito. Sa paglipas ng buwan ay kahit papaano marami akong natutunan sa kabila ng pagtatanim ng galit sa kanya.

The only thing I need to do here to win is to defeat all of my cousin. At pansamantalang matanghal na tagapag-mana para sa taong ito.

From where we are standing, I can see the battle field. May ilang mga maskuladong lalaki na nakatayo roon. Wearing all black and a full mask. They're holding a black latigo. Kapal at haba pa lang noon ay totoong nakakaba at nakakapanindig balahibo.

The thought of it hitting on your skin is terrifying. Titignan pa lang halos bumigat na ang paghinga ko roon. Bukod sa mga maskuladong lalaki ay may mga ilang sandata pa roon na nakalagay sa likod nila na puwedeng gamitin laban sa amin, kagaya ng swiss knife.

I heard a sob from one of my cousin. Hindi na napigilang umiyak dahil sa takot. Iyong iba buong pinsan habang iyong natitira ay malayo na. Addison is looking straight on Lolo too. Kumislot ang labi niya at sa gilid ng mga mata ko ay sumulyap sa akin.

"If you feel you will break down, Raiven, you must quit now, or else your father will be embarrassed again if her little daughter messed up." he whispered lowly on me. Ang sulok ng labi ay bahagyang umangat.

Hindi nagbago ang seryoso kong ekspresyon. Nagtama ang tingin namin ni Lolo. I look straight on his eyes.

"You should tell that to yourself. Your father will be the one who'll get embarassed, not mine." I simply said. Kita kong nagtangis ang bagang niya sa sinabi ko.

"Ang yabang mo, babae ka lang naman!" asik niya. I gritted my teeth a bit when he underestimated my gender. I am really sick of how men worship themselves like they're the highest while they're belittling women and scorning our ability.

I am so sick of this social stigma. I want to break it and also his jaw for saying nonsense things!

"And this girl will make you cry." I said seriously. Mas lalong nagtangis ang panga niya. Nairita sa sinabi ko. I smirk on him.

"Are you offset, Addison?" I ask sweetly. Nagkasalubong ang kilay niya sa akin.

We barely encounter on our family event and barely talk. Hindi ako kailanman bumati sa kaniya at sa ibang pinsan dahil alam ko ang tunay na ugali ng bawat pamilya. Hindi ko sasayangin ang effort na makasalamuha sila kung alam ko naman na peke lamang at hindi sila mapagkakatiwalaan.

In this family, they're all nemeses. They are all the real threats, not the other people. The danger is also hiding behind their mask. The betrayal is beneath their smile. I can't trust them; if I do, I will lose.

They're like wild animals, waiting when to attack diluted people.

"Why would I? Rainer is so weak, I even defeat him before. He's years older than me and yet he's a loser. Kaya paano pa sayo?" aniya. Ngumisi. Nagpantig ang tenga ko roon.

I lost my serious composure. Gumuho ang pagiging mahinahon ko. Bumaling sa kanya at inangat ang dalawang kamay para haklitin ang kuwelyo niya. Nagulat siya sa ginawa ko, habang napasinghap ang ilan sa biglaan kong galaw. Lolo look at us. Papa frown.

"Anong sabi mo? Kuya is not a loser!" sigaw ko. Napalingon na ng tuluyan sa amin ang lahat. Maging ang ibang malayong pinsan.

I lost my control! Hindi niya na rin mapigilan ang sarili.

"He is! He's a loser and a coward! He committed suicide because he's a scared freak! He's weak as pussy! Isa siyang duwag kaya nagpakamatay!" nag-ngitngit ang ngipin ko at nagpuyos sa galit sa sinabi niya.

Hindi niya alam kung anong sakit ang naramdaman ko noong nawala si Kuya. At mas lalong hindi niya alam kung paano nagdusa si Kuya halos araw-araw sa pagsasanay at kasabay pa iyon nang pagtanggol niya sa amin mula kay Papa. Kaya ang marinig ang pinsan na iniinsulto siya ay hinding hindi ko matatanggap!

My knuckles suddenly itched and before I regret it, a strong punch landed on his face. Tumilapon siya sa sahig sa ginawa kong pagsuntok. Nabitawan ko siya nang mapalayo sa akin.

Nagkaingay ang lahat sa gulat sa nagawa ko. Mabilis nagsiatras ang iba kong pinsan para lumayo sa aming dalawa. Napahiga si Addison sa sahig, sapo ang bibig na agad pumutok. He look at me with his surprised eyes.

Hindi nabawasan ang galit ko sa natamo niya. His chest heaved.

"Oh..." some said in shock. Nag-ngitngit ang ngipin niya at kita ko ang pagkislap ng mga mata. Sinakyan ko siya sa tiyan. Binigyan muli ng suntok sa mukha. Nakita kong napatayo sila Uncle at Tita sa mga upuan nila na nasa itaas. Ganoon rin si Papa.

Naroon sila para manood sa amin pero hindi pa nagsisimula ay agad ko nang pinasiklab.

"Don't insult my brother! He's a respected man! He's better and strong than you!" sigaw ko. Nag-iinit ang mata sa emosyon at nagliliyab ang dibdib sa galit sa mga pang-iinsulto niya.

I am looking up to Kuya so much. No one can equal what he did to us! Kahit ako. Hindi ko kailanman mapapantayan ang nagawa niya para sa amin. Ang pagtitiis, pagsisikap, tapang at buhay na binuhos niya para sa amin!

He committed suicide, yes! But it's not to leave us but to have his peace and rest! He needs it! I know so bad how he's yearning for it! Kung may mabuti lang sanang paraan... Kung may iba lang sanang paraan para makamit niya ang kailangan, hindi sana ako ganito nasasaktan.

If there's only another way where he can both have it, he should be still here. Narito pa sana siya kung may ibang paraan pa!

Patuloy kong sinusuntok si Addison, nang-gagalaiti ako sa galit. Sa mga pang-iinsulto niya kay Kuya.

I am worshipping Kuya for all the things he did, and he doesn't deserve any bad words from any people. Kahit sino pa, hinding hindi ko mapapatawad kung may masamang sinabi sa kanya!

I hate violence so much, and I couldn't believe I was doing it now!

"Kuya!" sigaw ng nakakabatang kapatid ni Addison. Hinaklit ang braso ko papalayo sa kanya.

"Huwag kang makisali rito, Migo!" sigaw ko. Tinulak siya at napaupo siya sa sahig. Napasinghap siya at agad na umiyak.

Addison gasped. He's coughing, enduring the pain of my punches. Halos hindi na makabangon roon. Tumayo ako pero nahagip ng tingin ang isang kamao na palipad sa direksiyon ko.

I immediately move to dodge the punch. Nakaiwas ako at nakita si Dion, ang isa pang pinsan. Anak ng bunsong kapatid ni Papa. Tumataas baba ang didbib niya habang matalim ang tingin sa akin.

"Huwag kang umasta na kung sino Raiven! Ikaw ang pinaka mahina rito! Ayaw kitang patulan dahil bab--"

"Shut up, Dion." I really hate those people who are just good at blubbering but lack in action. Their repeating words are infuriating. Nakakarindi na hindi ko kayang tagalang pakinggan.

Sinubukan niya muli akong suntukin pero muli akong nakaiwas. Nadulas pa siya sa pangatlong subok, bago mag-angat ng tingin ay nasipa ko na sa balikat at napahiga siya sa sahig. He scream in pain, when he landed on the floor.

Ang tatlong pinsan ko ay umiinda at namimilipit na ngayon sa sakit habang nakahiga sa sahig. Nahagip ng tingin ko ang isang maskuladong lalaki na papalapit sa puwesto ko. Winasiwas na ngayon ang hawak niyang latigo. Kumislot ang labi ko.

Alam na kung sino ang puntirya niya. I just break the rule. Si Lolo dapat ang magpapasimula pero inunahan ko. Nilabag ko ang gusto niya at wala na akong pakialam pa.

Papa immediately stood up from his seat. Pababa sana rito pero mabilis na hinawakan ni Tita ang braso. Pinipigilan siya.

"Raiven!" sigaw niya sa akin. I am not scared on the man who's approaching me now. I am ready to face him. He's nothing compared to Papa. Ang hawak niyang latigo walang wala rin sa lahat ng natamo kong mga suntok at hampas mula kay Papa na hindi na ako natitinag nang lalaki na papalapit.

"Damn you Raiven! You better prepare yourself!" si Addison sa akin na umuubo pa rin ng dugo pero nagawa nang makatayo ngayon.

"Really Raiven, you will make me cry huh? Ikaw ang iiyak ngayon."

"How dare you!" si Migo. Sinipa ko muli si Addison nang tangkang lumapit sa akin para saktan ako.

"Stop it, Raiven!" sigaw ni Tito, ama ni Addison. I hissed.

"You are the one who should stop!" nanginginig ang kamay ko. Hindi makapaniwala na naging kagaya ako ni Papa ngayon. That I become violent! That I used my ability to hurt people. I couldn't believe it!

Nagsisisi ako na naging bayolente pero hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit hindi pinagsisihan na nasaktan ko si Addison dahil sa mga pinagsasabi niya kay Kuya.

He deserves a punch or a two, but I think he doesn't deserve a busted face and to look unconscious on the floor because of my punches. I pinch my eyes close. Everyone looks at me with their horrible expression. I wanted to curse on my mind.

I regret that I let the madness control me. I hate how anger taken over my body. I hate it! Ang pag-iisip na puwede akong kontrolin ng galit ko sa ganitong punto, ay nakakatakot. I am scared that my body is trembling.

Hindi ko alam pero hindi ko na mapigilan ang sarili kanina.

I remove my sweater and throw it towards Addison. Now I am left with just my shirt.

Hinilot ko muli ang leeg. Malapit na ang lalaki sa akin. Agad na winasiwas ang latigo para patamaan ako. Nakaiwas agad ako roon. Umatras ng ilang hakbang. Pagkahampas niya ay agad na sinundan ng pangalawa. Muntik na akong matamaan sa gilid ko, at ramdam ko ang paglagatok noon sa marahas na hampas sa hangin.

Sa talas at lakas ng tunog sa paghawi ng latigo sa hangin, ramdam ko na kung lalapat iyon sa balat ay talagang masakit at mag-iiwan ng latay. I hissed when Dion try to get my feet to stop me from moving. Hindi siya nagtagumpay at sinipa ko lang ang braso niya.

Napahiyaw siya at agad namilipit sa sakit. Nakarinig ako ng pag wasiwas ng latigo at napasinghap ako nang makita na papalapat na sa akin iyon. Naupo ako sa pag-iwas. I tsk and rolled on the floor to avoid his another attack.

The latigo slapped loudly on the floor that some of my cousins jump in fear. Hiningal ako ng bahagya, lumanghap ako ng hangin at bago pa makaharap ang lalaki na may hawak na latigo ay agad ko nang sinipa ang tagiliran niya.

Natamaan ko at rinig ko pa ang pagbale ng kung ano. I am wearing my loubutin boots, with the thickest and hardest heel. So it's really painful to get hit with it.

He scream in pain. Sinipa ko ulit hanggang sa matumba. Nakita kong bubunutin niya sana ang baril sa bewang. Napasinghap ako. Bawal niya iyong gamitin laban sa akin at bakit siya bubunot ngayon huh?!

Kaya bago niya pa mahawakan iyon ay naunahan ko siya. Tinapakan ko ang likod niya at ako ang kumuha ng baril. I saw on my peripheral vision that Tito is approaching me. Addison's father. I immediately lift the gun and pointed to him.

Sumubok pang gumalaw ang lalaki na tinatapakan ko. Bago pa siya makapag-pumiglas ay agad ko nang sinipa ang batok niya. Tuluyan siyang napahiga sa sahig at nawalan ng malay.

Napasinghap ang lahat roon. Namilog ang mga mata ni Papa. Tito's expression turn serious as I point the gun on his chest.

"If you'll kill me, the family will give you a death-sentence. You can't kill your relative." ani Tito sa akin. Mariin ang hawak ko sa baril. Seryosong nakatingin sa akin si Lolo. Kalmado ang itsura at seryoso.

Hindi kagaya ni Tito na pinagpapawisan na at halos mangatog ang mga tuhod na pinagmamasdan ko. Kumislap ang dulo ng baril. Hinaplos ko ang gatilyo. He looks scared, he's anticipating so much that I'll shoot him. Ngumisi ako.

"Raiven put it down." si Lolo sa seryosong tinig. I sigh. Tumingin sa lahat na hindi makapaniwala sa akin. I look at Addison. Tiim ang bagang niya at ngumisi ako nang makita ang nangingilid niyang luha.

Hindi dahil sa utos ni Lolo kaya dahan dahan kong binaba ang baril. Kahit naging bayolente kanina hindi pa rin ako aabot sa punto na sobra sobrang pagkabayolente na kaya nang kumitil ng buhay katulad nila.

I get the magazine of the gun, I get the bullet and put it on the pocket of my jeans. Nakita kong nakahinga ng maluwag si Tito sa ginawa ko. Napasapo pa sa dibdib na parang kaunti na lang ay aatakihin na siya sa puso.

The heels of my loubutin boots kic the gun towards Lola. I give them a last glance before I turn my back. They all went silent. Ang tanging naririnig na lang ay ang mga yapak ko.

Papa is looking at me with intensity on his eyes. He couldn't believe what I just did. Hindi rin naman ako makapaniwala sa ginawa ko.

"The second time you'll point a gun on me, make sure you'll pull the trigger." narinig kong pahabol pa ni Tito nang akma kong pipihitin ang seradura ng pinto. Bumuntong hininga ako. Ang lakas ng loob niyang sabihin iyon kahit na kaunti na lang parang luluhod na siya para magmakaawa.

Hindi umiimik si Lolo. Hinahayaan akong lumabas ngayon na hindi man lang pinapasimulan ang laban.

Wala na rin naman sigurong magtatangka pa na kalabanin ako dahil sa nangyari. All of them, they all look scared on me. So it only means one thing, the game has ended because there's a winner already. At ako iyon.

No need for an official announcement anymore. Just by looking at their priceless reaction, I could feel that I won.

"Thanks for reminding me." sagot ko. Magmamartsa na sana palabas pero kumunot ang noo ko nang makita ang lalaki na nakahilig sa pinto. Kumislot ang labi nang makita ako. Nakaharang siya kaya natigilan ako sa akmang paglabas.

Iritado akong tumingin sa kanya. Napaawang ang labi niya pero ngumisi rin kalaunan sa akin. I rolled my eyes on him. Tumabi siya sa pinto at agad kong binuksan iyon para makalabas na sa silid na ito.

Nilagpasan siya. Nagtama pa ng bahagya ang balikat naming dalawa.

"That's pretty cool." Jaydiel said, but I ignored him.

Continue Reading

You'll Also Like

Your fan By EMCEE

Teen Fiction

1K 333 7
A fan who is content in watching her idol from afar. An idol who treasures his fans but can't recognize them one by one. Their paths are different fr...
127K 3.2K 47
" A very discreet society who upholds dark secrets that you can't even imagine. A society wherein weaklings is not allowed." What if you are only liv...
1.7M 72.8K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
82.6K 1.9K 138
an epistolary [PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE] completed Vermilion Series #1: Sparrow Vermilion Series# 2: I envy you Just a NOR...