Mahal Kita Pero...

By Lee__Miyaki

8.5K 136 28

Nasabihan ka na ba nito? Nasabihan ka na ba ng "Mahal kita pero..." AVAILABLE IN NBS NATIONWIDE :) More

Ewan
Paasa ka.

Manhid Ka

1.7K 29 3
By Lee__Miyaki

Pinagmamasdan ko siya ngayon habang hawak ng isang dalaga ang kamay niya. Pinagmamasdan ko siya ngayon habang unti-unting nabibiyak ang puso ko sa bawat daliring nakalapat sa palad ng kanyang kasama. Ang sakit-sakit palang makita na may kasamang iba ang taong naging malapit na sa puso mo. Siguro, sadyang selfish lang talaga ako.

                “Uy! Okay ka lang? Bakit tulala ka?” tanong niya sa akin. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa manipis at palaging nakangiti niyang labi.

                “Grabe naman ‘to. Kapag tulala, hindi na okay? Anong klaseng logic ‘yan,” pambabara ko. Napansin kong tumingin ang kasama niya sa akin at pawang natawa rin. Ito na siguro ang pinakamatagal na sandali sa buhay ko. Wala akong ibang magawa kundi sumama sa kanila, kahit pa alam kong sobrang sakit na sa mata. Wala e. Side effect na siguro ng pagiging in-love ang pagiging tanga.

                Nakaupo kami sa loob ng jeep ngayon. Papunta kami sa pinakamalapit na mall sa school na papasukan naming for college.  Sa sitwasyon namin ngayon, I wonder kung anong pwedeng ilagay ko sa blog ko mamaya pag-uwi namin.

                Si Sean kasi. Apat na taon na kaming magkakilala simula noong middle school. Pareho kami ng pinasukang school. Same section. Same track ng course noong senior years namin. Ngayon, magkaklase pa rin kami, pero parang ang laki ng agwat namin sa isa’t isa. Tapos na rin ang klase kaya naghahanap na kami ng papasukan sa susunod na school year.

                “Salamat talaga, Clein sa pagsama samin. Baka kasi hanapin si Andrea kapag hindi mo sinabing kasama mo siya. Salamat ha?” bulong niya habang mas malakas na tumibok ang puso ko kesa sa vibration ng sounds sa jeep na sinasakyan namin.

                Ganito naman ang role ko kina Sean at Andrea. Sa tuwing lumalabas sila, kailangan kasama ako, kasi kung hindi, hindi papayagan si Andrea ng parents niya. May tiwala sila sa akin, dahil alam nilang magkababata kami. Magkapitbahay lang kasi kami at alam ng parents niya na okay akong kasama ng anak nila.

                Si Sean, gusto si Andrea. Si Andrea gusto si Sean. Ako, gusto ko si Sean, pero gusto niya si Andrea. Medyo masakit lang na mukhang third wheel lang ako sa buhay nila. Pero wala e, pareho ko silang mahal bilang kaibigan, kaya sinusuportahan ko pa rin sila. Sabi nga nila, ganito talaga ‘pag tanga, lahat gagawin para sa mahal. Ang sakit ring maging martyr no? Sabi nga ng kaibigan ko, ang tunay na pagmamahal, nagpapalaya.

                 “Sabi pala ni Ma’am Kahabagan, may practice raw for graduation lahat ng Seniors bukas. Half day lang ‘yon. Saan niyo plano pumunta? Samahan ko na kayo,” bilin ko.

                Nakakainis rin ‘tong katangahan ko e. Ako pa ang ‘date coordinator’ nila. Ako pa nag-vo-volunteer sumama sa kanila kahit ang sakit-sakit na. Masakit, pero wala akong choice. Mahal ko sila pareho. Buti pa ‘tong kapitan sa jeep, kahit matigas, alam kong hindi aalis kahit gaano ko katagal hawakan. Samantalang si Sean, mukhang iiwan na lang ako agad para kay Andrea.

                “Manuod na lang tayo ng movie,” sagot ni Andrea. Sa lahat ng kaibigan ko, siya ang pinakamalapit dahil bukod sa magkapitbahay kami, para ko na rin siyang bunsong kapatid. Basta, sa sobrang tindi ng friendship namin, lahat kaya kong ibigay para sa kanya.

                “Sige. Panuorin nating ‘yung story na galing sa website na Wattpad. Mukhang uso sa inyong mga babae ‘yon. Tama ba?” tanong ni Sean.

                Hindi ako fan ng gano’ng story. Pero, kung ‘yon ang gusto ni Andrea at Sean, sasama na lang ako. “Mukhang interesting mga story mula r’on. Tara, try natin!” masiglang sagot ko kahit wala namang kasiglahan sa araw na magkakasama kaming tatlo.

                Nang makababa kami sa jeep, pumasok kami sa mall. Pumunta sila para kumain sa favorite kainan nila. Kasama pa rin ako. Sa hirap at ginhawa… ng relasyon nila. Mag-aanim na buwan na sila. Kailan ba ‘to maghihiwalay? Joke lang. Hindi ko ata kakayanin ‘yung ganito uri ng prayer para sa kanila.

                “Sagot ko na lunch mo, Clein. Ayokong nagugutom ka e. Tsaka, nahihiya na kami ni Andrea sa’yo. Lagi ka na lang naiistorbo. Baka hindi ka na magka-boyfriend sa kakasama mo sa amin,” sabi ni Sean nang makaupo na kami. Papaano nga ba ako magkaka-boyfriend kung isang tao lang naman ang gusto kong maging boyfriend. Papaano nga ba ako magkaka-boyfriend kung may girlfriend na ‘yung taong ‘yun? Mukhang imposible na nga ata. “Anong gusto niyong kainin?” sunod niyang tanong sa amin.

                Sa apat na lamesa, magkaharap kami ni Sean. Syempre, katabi niya si Andrea. Samantalang ako, bag ko ang katabi ko. Pinatong ko na lang ‘yung bag ko sa katabing upuan ako. Sadyang manhid at masokista na talaga ako sa ginagawa ko ng anim na buwan.

                “Sorry talaga, Clein. Hayaan mo, ‘pag kailangan mo ng tulong, babawi ako,” mahinang sabi ni Andrea sakin. Mahina rin kasi pati personality niya, at mababa ang self-confidence kaya naman sa akin siya pinagkakatiwala ng parents niya. Kung tulong ang inaalok niya, sasabihin kong, maghiwalay na lang sila. Joke ulit. Sabi ko nga kanina, hindi ko kakayaning dasalin ‘yon para sa kanila.

                Punuan na sa napili naming kainan. Halos lahat na ng lamesa ay na-occupy na ng mga tao. Tanghaling tapat na kasi. Oras na ng tanghalian kaya dagsa ang tao ngayon.

                Bukod sa bangs ko, wala na kaming ibang pinag-usapan kundi ang plano ni Andrea sa monthsary nila ni Sean. Oo, pati plano niya tuwing monthsary nila, sa akin niya itatanong. Okay lang rin naman sa akin, at least, in a subtle way, naibibigay ko kay Sean ‘yung mga bagay na gusto kong gawin para sa kanya. ‘Yun nga lang, sa pamamagitan ni Andrea.

                “Excuse me, Miss. Is this seat taken?” Ito ang pangungusap na nagpatigil sa amin ni Andrea na magkwentuhan. May isang lalaki kasi ang may dalang tray. May kasama siyang crew ng restaurant na mukhang in-ooffer sa kanya ‘yung upuan sa tabi ko.

                “No, it’s not,” sagot ko, kasabay nang pag-alis ko sa bag na nasa tabi ko.

                “May I join you?” tanong ulit ng lalaking mukhang nasa kolehiyo na dahil ‘yung uniform na suot niya ay sa school na papasukan naming sa susunod na school year. “Thanks,” sagot niya nang inilapag niya na ‘yung pagkain niya sa mesa.

                Sa isip-isip ko, ang awkward. Hindi kasi ‘to madalas mangyari. Tsaka, ang lakas ng loob niya para tumabi sa amin. Hindi ba niya naisip na baka ma-out of place lang siya dahil tatlo kami at isa lang siya?

                “Don’t mind me. I love being alone than being not truly happy,” medyo Inglisero nga talaga ‘tong kasama namin. “Sorry, ibig kong sabihin. Hayaan niyo na lang ako,” sabi niya. Nakahinga ako nang maluwag nang mag-Tagalog siya. At least, hindi kami mag-iisip ng maraming English words, phrases, at sentences.

                Maya-maya, dumating na si Sean. May kasunod rin siyang crew bitbit ang pagkain naming dalawa. Napakunot ang noo nito nang mapansin niyang may kasama kami.

                “Friend niyo?” tanong niya nang makaupo na siya.

                “Hindi!” sabay pa naming sagot ni Andrea.

                Ngumiti na lang ‘yung nakisabay sa aming kumain at umalis rin pagkatapos. Naiwan sa isip ko ‘yung sinabi niyang masaya siyang mag-isa kaysa naman hindi talaga masaya. In-evaluate ko ‘yung sarili ko kung tunay nga ba akong masaya kapag sinasamahan ko silang dalawa. Baka kasi empty happiness na ‘yung nararamdaman ko, o baka solely katangahan lang ‘tong ginagawa ko kasama sila. Pwede pa ba akong mag-back out sa larong sakit-sakitan? Hay. Mukhang alam ko na ang ilalagay kong bagong blog post sa web site ko.

Kinabukasan, after ng graduation practice namin, sabay-sabay kaming lumabas ng school at naghintay ng masasakyan. Usually, sumasakay kami ng jeep pero this time, sa taxi kami sumakay. Hinihika kasi si Andrea kaya ayaw ni Sean na makalanghap siya ng usok. How sweet of him no? Kailan niya kaya gagawin sakin ‘yon?

                “Okay ka na ba?” tanong ni Sean kay Andrea. Sa harapan ako nakaupo. Iniiwasan kong tumingin sa kanila sa likod kasi mas lalo lang akong masasaktan. Kaya lang, hindi ko maiwasang hindi tumingin sa kanya. Sa salamin ko sila nakikita. Magkahawak ang kamay nila. Si Andrea nakasandal pa sa kanya. Sobrang sweet. Ako naman, sobrang bitter dito sa harapan. Mas makipag-holding hands ako sa sarili ko.

                Tumingin na lang ako sa dinadaanan namin. Sobrang lalim na ata ng iniisip ko kaya nagulat ako nang tanungin ako ng driver, “Kaya mo pa?”

                “Hindi na. Ang sakit-sakit na,” sagot ko. Teka, pinag-isipan ko rin kung para saan ko ba sinasabi ‘yon kasi hindi ko nga alam kung anong tinutukoy niya. Alin ba ‘yun? ‘Yung feelings ko ba? O ‘yung baho ng taxi ni Manong? Ayoko na lang banggitin dahil kinakaya ko pa naman.

                “Pasensya na. May sumuka kasi d’yan kanina. May inihatid kasi akong lasing na lalaki kanina. Mag-isa, walang kasama. Ang dami ngang kinukwento. Isa na ‘yung topic tungkol sa long lost friend  niya,” kwento nito. Alam ba ni Manong ‘yung nararamdaman ko dahil mukhang pinapatamaan niya ako sa bawat word na sasabihin niya? Medyo weird lang para sakin. Nakakailang patama na siya e.

                Ngumiti ako. “Ayos lang po. Kaya ko pa naman,” sagot ko. Sa tuwing napapalingon ako sa love birds sa likod ko, parang tinutusok ng karayom ‘yung puso ko. Mukhang masokista nga talaga ako sa ginagawa ko. Bukod kasi sa ginagawa kong pagkakamartir ngayon, pwede na rin akong ipako sa krus dahil gumagawa pa talaga ako ng paraan para magsama silang dalawa. Nagiging tunay na tao lang ako sa tuwing naglalabas akong sama ng loob sa blog ko.

                Hindi naglaon, nakarating kami sa mall na panunuoran naming ng sine. Si Sean ang bumili ng ticket para sa aming tatlo. Pagkatapos, ibinigay niya na sa amin isa-isa ‘yung ticket. Si Andrea naman ang bumili ng popcorn at drinks naming tatlo. Hindi na nila ako pinagbayad ng kahit ano dahil sagot na daw nila ako. Sana ‘yung feelings ko kaya rin nilang sagutin. Hay. Nakakatamlay naman ng mood ‘to. Pero syempre, hindi ko pwedeng sabihin dahil baka masaktan lang sila.

                Hinawakan ni Sean ‘yung kamay ni Andrea. Napatulala ako ng tatlong segundo sa mga matang ‘yon. Para bang ang sakit-sakit nang tignan. Imagine, anim na buwan ko na ‘yong tinitiis na para bang wala lang sa akin. Na para bang wala akong nararamdamang sakit sa tuwing nakikita ko ‘yon. Pumikit ako sandali at hinayaan ko lang na lumipas ‘yung pinakamatagal na tatlong segundo ng buhay ko.

                Sa loob ng sinehan, magkatabi silang dalawa. Syempre, sa likod na lang nila ako umupo. Ayoko silang istorbohin sa moments nila. Masyado lang masakit kung makikita ko pang nakasandal sa balikat ni Sean si Andrea. Sobra na atang pagsu-suicide itong ginagawa ko. Dapat, hinay-hinay lang.

                “Gaano katagal pa kaya?”

                Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Pagkalingon ko, mula pala ‘yong sentence na ‘yon sa lalaking kasabay rin namin kumain kahapon. ‘Yung nakasuot ng uniform na papasukan rin naming sa college. “After fifteen minutes pa raw po magsisimula ‘yung pelikula,” sagot ko.

                “Hindi. Ang tinatanong ko, gaano katagal ka pa maghihintay?” sagot niya.

                Naaaninag ko ang mahaba niyang buhok na hanggang balikat nito. Itim na itim ang bawat strand nito at bagsak pa. Kasing-kulay ng buhok niya ang makapal niyang kilay na para bang complement talaga sa isa’t isa. At tsaka, mukhang mas malinis pa ang mukha niya sa mukha ko. Walang bakas ng kahit anong pimple o marka ng blackheads. Mas makinis pa siya kesa sa akin. Kaya lang, mukhang mas malusog ako sa kanya, dahil nasobrahan ata siya ng payat. Ang konti lang ng space na sinasakop niya sa upuan. Siguro, may ¼ pa ng upuan ang hindi niya na-occupy dahil sa kapayatan niya.

                Hindi ko siya sinagot dahil baka hindi naman ako ang kausap niya. Kaya lang, sa pagkakatanda ko, wala naman siyang ibang kasama. Bagpack niya lang ‘yung dala niya,

                “Hello, akala ko manhid ka lang, ‘yun pala, bingi rin,” ngumiti ito habang nakatingin sa screen.

                Napansin kong katabi ko na pala siya. Inilapit niya pa ang ulo niya sa akin nang sumunod siyang magsalita. “Alam mo, hindi ka makaka-move on kung patuloy mo silang babantayan.” Mas inilapit niya pa ang mukha niya na tipong nang-aasar. Buti na lang, bagay sa mukha niya mang-asar.

                “Hindi ko naman kailangang mag-move on. Wala namang dahilan.”

                “Kailangan mo. Kapag hindi ka nag-move on, hanggang d’yan ka na lang. Wala ka nang ibang pupuntahan. Makakalimutan mo na ‘yung mga bagay na dapat mong enjoy-in ngayon dahil busy ka kakaisip sa taong wala namang pakialam sa’yo,” sagot nito.

                “Hindi rin. Alam ko sa sarili ko na okay lang ako.”

                “May mga bagay kasing ginagawa natin dahil akala natin mas nakabubuti ito sa atin. Marami tayong akala-ko moments sa buhay. Mas madalas, nasasaktan lang tayo sa mga ‘akala’ natin. Katulad nang ‘Akala ko okay lang ako, ‘yun pala hindi.’”

                “Ang mahirap kasi sa atin, kahit nasasaktan na tayo, hindi natin inaamin dahil inaakala nating okay pa rin ang lahat. Akala natin, masaya pa rin tayo kahit nasasaktan tayo. Pero, ang hindi natin alam, at the end of the day, unti-unti nang nawawala ‘yung kasiyahang hinahanap natin dahil tuluyan na itong napalitan ng sakit.”

                Nakakapagtaka, dahil hindi ko naman siya kilala pero parang alam na alam niya na ‘yung buhay pag-ibig ko. Hindi ko naman ito nakukwento kahit kanino. Kaya lang, alam kong bawat nararamdaman ko, sinusulat ko sa blog ko.

                “Sino ka ba?” tanong ko.

                Hindi siya sumagot nang kahit ano, pero inilabas niya lang ang tablet niya, at nasa browser nito ang ‘home’ feature ng blog ko.

** Share your insights friends. Haha. La lang. Laking hugot lang. :) 

             

Continue Reading

You'll Also Like

88.1K 128 15
Smut May mga wrong grammar lang po dyan pag pasensyahan nyo🙂
TOO LATE By eyynis

Short Story

118K 2.1K 16
"I DON'T LOVE YOU AND I WILL NEVER LOVE YOU!" Bakit naman nya mamahalin ang babaeng gumulo at naging dahilan ng paghihiwalay nila ng taong mahal nya...
76.9K 3.8K 27
Porcia Era Hart x Chrisen
1.6K 14 45
University Series #02: Hailey Cruz & Sheana Leigh San Diego "I already choose to be brave and strong for you." ©shaitamad Allrightreserved2K23