One Night, One Lie (GLS#2)

By jonaxx

111M 2.3M 891K

It was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil us... More

One Night, One Lie
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Epilogue
Notes
SELF PUBLISHING!

Kabanata 55

1.3M 31.6K 13.7K
By jonaxx

Kabanata 55

Depressed

Nanlaki ang mata ni Brandon pagkatapos niyang sagutin ang telepono. What is it? Is it about his business? What happened?

"Stay there!" sigaw niya sa tinig na hindi ko makilala.

Binaba niya ang telepono ng halos hindi maayos. May kinapa siya sa kanyang drawer at iyon ay ang susi ng kanyang sasakyan. Nabuhusan ako ng panic sa pagkakataranta niya.

"Brandon, what is it?"

Hinalikan niya ako sa pisngi pagkatapos ay nagmura na parang wala sa sarili.

"Please, sweetheart. Can you drive home safely? Something happened to Arielle. Please."

Bago pa ako makapagsalita ay nasa pintuan na si Brandon. Wala akong mahinuha sa kanyang ekspresyon kundi ang pag aalala para sa kababata at ang paninisi sa sarili.

"Brandon!" I called but it was too late, nakalabas na siya ng opisina.

Natulala ako doon sa loob. What happened to that evil half sister of mine? What is she up to now? Ano ang posibleng nangyari na iniwan ako ni Brandon dito at nagmamadali siyang puntahan kung nasaan man si Arielle?

Tulala ako pababa ng building. Hindi ko na naman dala ang Civic ko kaya mapipilitan akong mag taxi. Sa loob ay gumawa ako ng mga tawag sa mga kilala ko. The first person that came to my mind was Jessica.

"Do you want to come here?" tanong niya sa boses na punong puno ng pag aalala.

"I-I need to check our condo first. Something happened, e. Si Arielle umuuwi sa amin, baka naroon siya. Pinuntahan siya ni Brandon."

"Well, what about her condo unit? Do you know where it is?" tanong ni Jessica.

"Hindi, e. But I'll call dad."

Labag man sa kalooban ko ang umuwi o harapin si daddy ay kinailangan ko iyon. Where is Brandon and what exactly happened?

Binuksan ko ang pintuan ng condo unit ko at inatake kaagad ng amoy ng lasagna ang aking ilong. I know mommy's baking it. Dumiretso ako sa kusina at nang nahagilap ako ng kanyang mga mata ay nilapag niya kaagad ang isang pan ng lasagna sa counter para yakapin ako.

"Av!" she cried. "Uwi ka na? Uuwi na si Arielle."

Luminga linga ako. Imbes na isipin ang mga sagot sa tanong niya ay hindi ako mapakali. "Nandito pa po ba ang kanyang mga damit?"

Sumimangot si mommy, hindi malaman ang ibig sabihin ng tanong ko ngunit sinagot niya parin. "Well, some of it."

"Where is she?" tanong ko.

Narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ni daddy at narinig ko ang hikab niya. He called out my mom's name ngunit palapit na rin naman siya sa kusina. Nilingon ko ang bukana at nang nakita niya ako ay bahagya siyang natigilan.

"You're here for dinner," he announced.

Nag tiim bagang ako. I am not quite sure if he cared that I was finally there and I don't care anymore. "Where is Arielle?"

Pati si daddy ay nagulat sa tanong ko ngunit bumalik din sa dati ang ekspresyon. "If you're here to raise some hell again, Avon, then please, stop it-"

"I want to know where the damn hell is your daughter, dad!"

"Why? For what? Para masaktan mo siya? She's got enough pain already, Avon," may bahid na pagsusumamo ang tinig ni daddy sa akin. It was as if he was too tired to get into an argument with me.

"I am asking you, dad! I am not going to inflict anymore pain so I hope you stop giving me pain too! Where is she now?"

Tinitigan ako ni daddy. Kasabay niyon ay ang pagtunog ng aming telepono sa kusina. Nilingon ko ang telepono at kumalabog ang puso ko. For some reason, I just know who or what probably prompted the caller to call.

Hinimas ni mommy ang aking likod habang sinasagot ni dad ang telepono.

"Hello? Yes, this is Guillermo Pascual." Nanlaki ang mata ni daddy at nag angat ng tingin. "What?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Binaba ni daddy ang telepono at umigting ang panga niya.

"What is it, Guillermo?" tanong ni mommy.

"Dinala sa St. Luke's si Arielle."

"What? Why?" tanong ni mommy.

"She tried to take her life." Nanginginig na sinabi ni daddy bago siya umalis sa aming harapan at dumiretso sa kwarto.

Gumalaw din si mommy habang ako ay naestatwa sa kinatatayuan ko. Nagmadali si mommy sa pagsunod kay daddy patungo roon sa kwarto at sa isang iglap lang ay pareho na silang naka jacket at naghahandang umalis. Nilingon ako ni mommy pero kung kakausapin niya pa ako ay iiwan na siya ni daddy kaya iminuwestra niya na lang ang buong unit bago siya umalis.

I was once again left all alone.

Nagpakamatay si Arielle? Bakit niya gagawin iyon? Why would someone try to hurt themselves? I just don't get it. If she was so very scared of hurting, why would she even try to hurt herself?

Was it that too depressing? What was depressing? She's got my dad.

Unti unti kong naalala ang nangyari kaninang umaga nang iniwan niya kami ni Brandon. Brandon's face flashed on my mind. He was damn scared and guilty when he left me. He was guilty!

Nahirapan akong lumunok. Nanginginig ang mga kamay ko. Suddenly, the condo unit was too lonely for me. Pupunta ba ako sa ospital? What is her current condition? Should I text Brandon?

Tinipa ko sa aking cellphone ang pangalan ni Brandon para makapag text. Alam kong alam niyang kanamumuhian ko si Arielle but I never wished her to be in pain whatsoever.

Ako:

I heard from dad. Is she okay? Are you okay?

Wala akong lakas para mag isip o pumunta doon ngayon. She hated me and yes, I honestly loathed her too. Alam iyon ni mommy, ni daddy, at ni Brandon. At may puwang ba ang babaeng galit sa kanya doon sa ospital na iyon? Wala.

Nilagok ko ang klarong likido bago ko sinipsip ang maasim na lemon galing sa gilid ng shot ng tequila.

Wala akong mapuntahan. Our condo unit was too much. Brandon's unit was too lonely. I don't want to disturb Jessica. Ang tanging napuntahan ko ay ang madilim na bar na ito na may nagsasayawang neon lights sa taas. Iba't-ibang mga katawan ang nag iindayog kasabay ang musika at nagpapakawala sa sarili.

Pinasadahan ko ng daliri ang aking buhok at nginitian ang iilang kilalang naroon at nakikipagkatuwaan.

Nasa counter ako ng bar at kanina pa ako nilalapitan ng iilang mga binatilyong gusto akong bilhan ng maiinom ngunit tinanggihan ko. I'm not here to have fun, I'm here because I have nowhere to go.

"Have you heard? Muntikan na dawng namatay si Arielle Garcia." Narinig kong sinabi ng babaeng nasa gilid ko, kakaupo lang sa highchair at may kasamang isa pang socialite na nakasalamuha ko na isang beses.

"Well, that's what she gets. Sana ay natuluyan siya. Sa ginawa niya sa kapatid ko. Pinaikot at ginatasan niya lang si Billy." Umirap ang babae at uminom ng isang kulay asul na cocktail.

"Ano ka ba! She's my classmate since college. Kawawa naman. Depressed daw 'yon tsaka pangalawang beses niya na itong ginawa. The first time was when we were in second year college."

Natulala ako. This was not her first time? She's suicidal, then!

"I heard from Billy na kaya 'yon nag suicide ngayon kasi iniwan daw ni Brandon Rockwell."

Ang mga sumunod nilang mga pinag usapan ay hindi ko na nasundan. That was it. That was the reason behind her suicide attempt. Because she found out that Brandon was with me! Gusto kong magsisigaw at mag iiyak! Gusto kong sigawan ang lahat ng tao at magalit dahil masyadong mababaw iyon na rason.

But maybe, yes! For her, it was a matter of life and death. That losing Brandon will also mean that she'll lose herself. At ako ang kanyang kapatid na walang pakealam sa kanya, nagtatawag ng mga mura dahil sa kababawan niya. I lack sympathy for her and I hate myself for that.

Avon, naman, please! Maybe they are right! There must be something wrong with you! Maybe you're too insensitive! You lack feelings! You lack sympathy for others! Wala kang iniisip kundi ang sarili mo!

I'm slowly losing my mind. Gusto kong isisi ang lahat sa sarili ko ngunit nasasaktan din ako. Kalahati sa akin ang gustong mangatwiran na nasasaktan din ako ngunit kalahati din sa akin ang nagmamakaawang magsakripisyo kahit ngayon lang.

Imbes na malunasan ng alcohol ang aking utak ay mas lalo lang yata nitong nagulo ito.

Kinapa ko ang cellphone ko para tingnan kung may mensahe galing kahit kanino ngunit kahit kay Brandon ay walang nandoon. It was only a vibe from Adrian, a text message from Jessica and one of my cousins from Cebu.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Dinala akong aking mga paa sa pintuan ng condo unit nina Jessica. Wala akong mapuntahan at nakakalungkot isiping dito lang talaga ang naisip kong lugar.

"I... I need to crash," panimula ko kay Jessica kahit kita sa mukha niya na marami siyang tanong para sa akin.

"Are you okay?"

Umiling ako at yumakap sa kanya.

Hindi ko na alam. Pagod na ako at gusto ko na lang matulog kesa damahin lahat ng libo libong pakiramdam at problema sa sistema ko. She allowed me to rest and I love her for that. I couldn't thank her enough.

Sa sumunod na umaga ay nagising ako para lang tignan ang aking cellphone para sa posibleng mensahe ngunit walang naroon kundi ang mensahe ni mommy na nagtatanong kung saan ako natulog sa gabing iyon.

Binanggit ko sa kanya na nasa kina Jessica ako natulog.

Kaharap ko si Jessica sa hapag at lumalaki na ang tiyan niya. Lumalalim na rin ang gilid ng kanyang mata at dinagdagan nito ang pang iismid niya sa akin.

"What happened? Care to tell me?" she asked.

"Jess..." huminga ako ng malalim. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nagpakamatay si Arielle. Nasa ospital siya ngayon."

Nanlaki ang mga mata ni Jessica at kinwento ko sa kanya ang buong pangyayari. Wala siyang ginawa kundi tumitig at tinatagilid ang ulo. Kahit siya ay walang masabi sa nangyari.

Inabisuhan ako ni Jessica na pumunta sa ospital. Oo at naisip ko nga iyon pero hindi ko gustong magtungo roon ng walang sinasabi si Brandon, si mommy o si daddy sa akin.

Bumalik ako ng condo unit para kausapin si mommy at daddy ngunit mag isa ako roon. Maaga yata silang umalis at hindi ko na kailangang magtanong sa text kung nasaan sila. I was dead sure they're with Arielle.

Naligo ako at nagbihis ng kaswal na damit. It's a Saturday so I won't need to go to work. Pero bago ako nagtungo sa ospital ay nagpasya akong pumunta sa condo ni Brandon sa pagbabakasakaling naroon siya ngunit halos walang bakas na umuwi man lang siya kagabi doon. Walang bakas niya ang kanyang condo unit.

Parang kinukurot ang dibdib ko nang nagtungo ako sa aking Civic para tumulak na sa ospital. Daan daang mga sitwasyon ang inisip ko sa aking utak. Brandon did not text me because he was too busy. Brandon did not text me because his battery was dead. And it's all alright, I understand it all.

Lumagapak ang utak ko sa katotohanang nagtangka si Arielle na kitilin ang kanyang buhay dahil iiwan na siya ni Brandon. And I was there! We were both there!

Nasa labas si mommy ng isang room na may salaming pagitan. May babae siyang katabi na kasing sopistikada ngunit mas mapayat at mas matangkad pa sa kanya. Sa unang tingin pa lang ay nakuha ko kaagad kung sino iyon. It was Arielle's mother.

"Mom..." sambit ko at tinungo ng mga mata ko ang nasa tabi niya.

Nanlaki ang mata ni mommy at hinila niya ako palayo doon sa salaming nakapagitan. Ni hindi ko pa nakita ang nasa loob non.

"Avon..." bulong ni mommy at niyakap ako. "Kamusta si Jessica? Doon ka natulog sa kanila kagabi?"

Nilingon ko ang kwarto kung nasaan may nakita akong iilang nakatayo sa loob. May mga bulaklak at prutas sa isang malapad na mesa sa gilid doon. Hindi ko makita ng mabuti kung sino ang naroon dahil nailayo ako ni mommy ng husto.

May lumabas galing sa kwarto. Isang mas matandang lalaki na may matikas na tindig ngunit malaking tiyan. Nilingon niya ang matangkad na babaeng katabi ni mommy kanina at tinanguan niya.

"Camila..." Arielle's mother called.

Nilingon siya ni mommy. "This is my daughter, Aurora Veronica Pascual. Avon, this is Arielle's mom, Mrs. Garcia."

Nagtiim bagang ako sa lamig na ipinakita ng mga mata ng dalawang taong nasa harap ko. Sa lamig ng titig nila ay halos maramdaman ko ang yelo sa aking batok.

"We can't stay long. Kami na ang magbabayad sa hospital bills niya. She needs medical attention, I mean..." nagkibit balikat ang sopistikadang babae at nilagay ang itim na Prada sa kanyang braso.

"I'm sure Guillermo won't agree with that. Kaya niyang bayaran ang hospital bills ng anak niya." Tumango si mommy.

Tinapunan ng babae si mommy ng sarkastikong ngiti. "Arielle is my daughter, Camila. At kahit anong gusto kong ipamigay siya kay Guillermo ngayon ay huli na ang lahat. She's legal and she's big enough to handle herself. She doesn't need a family. She can create one. Babalik kami dito mamaya to check on her. Our family doctor will also arrive that time. Mas mabuting iyong doktor namin ang titingin sa kanya dahil kabisado niya ang lahat kay Arielle."

Tumikhim si mommy at taas noong ngumiti sa mommy ni Arielle. "You might also want to check on her trauma, Emilia."

Tinikom ni Mrs. Garcia ang kanyang bibig. Kumunot ang noo ni Mr. Garcia kay mommy.

"What are you suggesting, Mrs. Pascual? Arielle's just depressed because of Brandon. This has nothing to do with us. Let's go, Emilia," galit at iritadong boses ni Mr. Garcia bago niya kami tinalikuran.

Tumalikod din si Mrs. Garcia pagkatapos niyang isang beses na sulyapan ang kwarto. Bumagsak ang balikat ni mommy na para bang may nawalang mga batong nakadagan doon nang umalis ang mag asawang Garcia.

"Kamusta po si Arielle?" tanong ko at humakbang para tingnan kung ano nga ba ang nangyayari sa loob.

Walang bumakas na ekspresyon sa aking mukha nang nakita ko ang seryosong si Brandon na nasa gilid ng kama ni Arielle. Nakahawak siya sa kamay nito at walang malay na nakahiga si Arielle doon, may tubo sa kanyang kamay at iilang bandage sa kanyang palapulsuhan.

Si daddy ay nakahalukipkip, kausap ng masinsinan ang doktor na nakatingin naman kay Arielle. Lumipat ang tingin ko sa puyat, pagod, at sising sisi na si Brandon sa kanyang gilid. Nahirapan akong lumunok dahil sa sakit ng aking lalamunan.

Continue Reading

You'll Also Like

62.7M 1.4M 55
Nakakabagot ang buhay. Lalo na pag papasok ka nang school, kakain, humiga sa pera, maligo sa puri, mamili ng babae, at matulog. Paulit-ulit lahat ara...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
6.1K 195 11
Will you take risk for the sake of love?
3.2M 88.1K 21
Ang fangirl na si Pamela, paanong makikipag-agawan ng lupa sa car racer idol niyang si River Avilla? Ipaglalaban niya ba ang karapatan ng pamilya nil...